maaring mawala Kung ito ay isusuko sa Diyos at sa kanya ay ipagkakatiwala. Tanikalang lagot
- Ito ay isang Kontemporaneong dulang panradyong
tumatalakay sa buhay ng mga taong nagbago ang buhay nang kanilang tanggapin sa kanilang buhay ang Panginoong sa kanilang puso. - Isa sa mga itinuturing na pinakamalakas makahikayat at makaimpluwensiya sa issip at damdamin ng mga tao ay ang mass media .
- Madali nitong napupukaw ang interes ng mga tao sapagkat
ginagamitan ito ng Audio at visual.
- Ang mass media ay tumutukoy sa iba’t ibang paraan ng
komunikasyon kung saan naabot nito ang maraming tao sa mundong tinatawag na audience o receiver na wala naming personal na relasyon sa mga sender nito. - Nakapaloob sa mass media ang larangan ng Broadcast na kinabibilangan ng radio at telebisyon; print na binubuo naman ng pahayagan at limbagan: advertising tulad ng commercial ads , patalastas; poster, billboards, streamers at maging video technology. Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo
Iskrip- Ang taguri sa manuskrito ng isang audio visual material na
ginagamit sa broadcasting. Ito ay ang nakatitik na bersiyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin.
-Ito ay naglalaman ng mga mensahe ng programamg dapat ipabatid sa
mga nakikinig. Napakahalaga ng iskrip sapagkat ito ay nagsisilibing gabay sa mga taganap, director, tagaayos ng musika, editor at mga technician. - Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa midya tulad ng radyo ay ilalagay muna sa iskrip.
- Bilang iskrip, ito ay gagamitin muna sa print medium. Mula
sa pormang ito ang iskrip ay gagawing pasalita at gagamitan ng tunog. Maririnig lamang ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng radio kung ano ang nakasulat sa iskrip. Pormat ng Iskrip 1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo 2. Isulat sa malalaking titik ang musika epektong pantunog at ang emosyonal na reaksiyon ng mga tauhan . 3. Guhitan ang SFX ( sound effects) at MSC music 4. Hindi lamang ipinapakita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito. 5. Kailangang may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya sa iskrip kapag minikinilya at kinompyuter. 6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago ang unang salita ng linyo upang maging madali ang pagwawasto kapag nagrecording. 7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubulin ay kailangang isulat sa malalaking titil. 8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibiay ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig
9.Isulat sa malalaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at
ilagay ito sa parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng
tauhang magsasalita o pagkatapos ng SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip , umpisahan ang paglalagay ng