FIL101

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

GAWAIN 3

I. Instruksyon: Mainam na ipaliwanag:

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng Ati-Atihan ng Aklan sa Pista


ng pintados.

- Ang ati-atihan at ang pintados ay parehong nagpapakita ng pagsamba sa ating


diyos at kay Señor Sto. Niño. Ang ati-atihan at ang pista ng Pintidos ay
pinagdiriwang tuwing enero o ika-tatlong lingo ng enero. Sila ay nagpapakita ng
iba’t ibang paraan ng pag diriwang. Ang mga pintados ay may mga tatu na may
iba’t ibang pattern, ngunit ang Atiatihan naman ay may uling sa katawan na
naglalarawa sa ati.

II. Instruksyon: gawin ang mga sumusunod:

1. Ibigay ang tatlong social class sa komunidad ng Tagbanua, at ang papel na


ginagampanan nila.

Social class Gampanin


Upper class Dito galing ang mga lider at ito ay
namamana.
Middle class kinabibilangan ng mga ordinaryong
mamamayan. Pinipili mula rito ang mga
local na lider.
Ang pangatlo ay binubuo ng mga taong
may utang na hindi na nila kayang
bayaran.
2. Anong bahagi ng kultura ng mga Tagbanua ang kailangan mong intindihin?
Bakit
- Saaking palagi ito ang bahagi ng mga Tagbanua ang kailangan kong intindihin.
Ang mga Tagbanua ay sila ay isa sa mga pinaka matandang grupo ng etniko sa
ating bansa. Mahilig silang magpatugtog ng mga instrumento sa mga ritwal na
ginaganap at okasyong gaganapin.

GAWAIN 4
I. A. Instruksyon: Ibigay ang mga hakbang sa pag-aasawa at pagpapakasal ng
mga Mandaya ayon sa pagkakasunod-sunod, at kung ano ang ginagawa sa bawat
hakbang.

1. Pagdali-dali. Dito, ang lalaki ay kailangan bumisita o pumunta lagi sa bahay ng


babae.

2. Pagatud-atod. Isang bahagi ito ng pamanhikan na ang lalaki ay magdadala ng mga


pagkain sa bahay ng babae.

3. Pagkagon. Dito dadalhin nan g lalaki ang kanyang mga magulang upang ipakilala sa
pamilya ng babae at kaibigan. Sa panahong ito ay kailangan nang pag-usapan ang
sukat (dowry) ng babae.

4. Pagtawas. Tumutulong na sa mga Gawain ang lalaki sa pamilya ng babae.

5. Pagbutang ng sukat. Dito susubukin ang kakayahan ng lalaki ng pamilya ng babae.


Sa pagsubok na ito, ang mga magulang ng babae ay magpapahayag ng kanilang mga
kahilingan (sukat). Ito ay isang pagsubok na kapag matugunan ng lalaki ang kahilingan
ng mga magulang, nangangahulugan itong kaya nang buhayin o supotahan ng lalaki
ang babae.

6. Pag-ol‟lonan. Ang lalaki ay magbibigay sa babae ng regalo na sasakdsihan ng mga


magulang at kaibigan ng dalawang panig.

7. Pagtutuonan. Ito ang panahon ng kasal. Isa itong seremonya na lahat ng tao sa
pamayanan ay imbitado. Ito ay gagawin sa bahay ng babae kasama ang mga
mangkatadong (council of leaders) at balyan. Ang babae ay papayuhan ng kanyang ina
at ang lalaki naman ay papayuhan ng mga mangkatadong at balyan at iba pang
respetado sa pamilya. Pagkatapos ng mga payo ay susunod ang pagdarasal ng balyan
at idedeklara na ang kanilang pagsasama. Susunod na rito ang salo-salo. Unang-unang
pagsisilbihan ang bagong kasal. Bibigyan ng kanin ay byais. Sumunod ang mga
mangkatadong, balyan, mga magulang at ibang mga paunahing dumalo. Magkakaroon
din ng sayawan, inuman at kantahan.

8. Pagdudul‟logan. Pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay uuwi sa kaniyang bahay at


iiwan ang babae sa mga magulang. Makalipas ng tatlong araw, pwede na silang
magsiping sa bahay ng babae sa isang gabi lamang. Mayroon na naming kainan na
ihahanda para sa mga kaibigan na hindi nakadalo sa pagtutuonan.

9. Pagdadal‟laan. Ito ang katapusan proseso n gag-aasawa kung saan ang babae ay
dadalhin na sa bahay ng lalaki.

B. Mag interbyu ng matatanda sa inyong lugar kaugnay sa mga pamahiin ninyo.


Anong mga pamahiin ng mga B‟laan ang katulad o may pagkakatulad sa
pamahiin ninyo?

Ang pamahiin ng b’laan o may pagkakatulad saamin, ay ang mga nilalang na hindi
nakikita at pagrespeto sa kalikasan ay isa sa mga pagkakatulad.

II. A. Instruksyon: Isa-isahina ang pitong (&) kultural na grupong kasapi sa


Kaamulan Festival sa Bukidnon, at magbigay ng kultura na pagkakilanlan ng
bawat grupo.

Pitong etnikong tribu na kasapi sa Kaamulan Festival: Bukidnon, Higaunon, Talaandig,


Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon.

Kultura na pagkakilanlan;

Manobo - Sila ay grupo ng katutubo na matatagpuan sa isla ng mindanao, bukidnon,


cotabato, davao, misamis at surigaw. Ang ilan sa mga kaugalian at tradisyon ng mga
manobo ay ang paggawa ng mga alahas. Sila ay naniniwala sa diwata at sa mga
kaluluwa o mga elementong hindi nakikita.

Higaunon - Ang ibig sabihin ng salitang higaunon ay "mga tao ng ilang". Ang salitang
iyan ay nagmula sa katutubong salitang "gaun" na nangangahulugang literal na ilayo sa
apoy, init ng araw o mula sa tubig. Sila ay matatagpuan sa bundok. Sila ay naglalakbay
mula sa isang bundok patungo sa isa pang bundok. Sila ay naghahanap ng masiglang
lupa para sa mas magandang ani.
Matigsalug - Ang mga matigsalug ay mayroong kasuotan na may maliliwanag na kulay
na mga blusang midrib at maiikling palda para sa mga babae at maiikling siksik na
pantalon ng tine na lihim sa tuhod at mga hem at turbans para sa ulo na pinalamutian
ng mga kuwintas at pinahiran ng buhok ng kambing / kabayo naman sa lalake. Sila ay
may husay sa pangangaso at pagtitipon. Ang maagang pamumuhay na ito ay
ipinapakita rin sakanilang musika, sayaw, tula, epiko at ispiritwal.

Talaandig - Sila ay isa sa mga etnikong grupo na matatagpuan sa bukidnon, partikular


sa mt. katalungan. Sila ay may paniniwala na mayroong diyos na nakakataas sa lahat
na tinatawag nilang magbabaya at naniniwala rin sila sa mga spiritu na tagabantay at
taga protekta ng ating kalikasan. Sila ay may aking talento sa pagluluto at sa pag
sasayaw.

Tigwahanon – Ang tigwahanon ay matatagpuan sa watershed ng tigwa river kung saan


makikita ang munisipal ni San Fernando na tugop, little bagiuo, kumawas, halapitan,
iglusad, bunacao, katipunan, kiboncog, namnam, matimbus, sabangan, Lumbayao, and
Don Cesar plain; Kalagutay, Palacpacan, Dao, Tag-alas-as and Abehid. Sila ay napaka
giliw at puno ng mga kulay sa paraang sila ay puspos ng diwa.

B. Instruksyon: Paghambingin ang ilang aspekto ng kultura ng mga Mansaka at


Mamanwa. Ilarawan at ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
Mansaka at Mamanwa. Gamitin ang compare-contrast matrix

Aspekto ng Kultura Mamanwa Mansaka


Kumukuha sila ng mga orkidya, Ang ikinabubuhay ng mga
nuts, rattan,, at pulot upang sinaunang Mansaka ay
Paraan ng pamumuhay ibinta sa bayan. May mga pagsasaka, pangangaso ng mga
kagamitan sila para manghuli ng ibon, baboy ramo, usa, at iba pa
mga usa, baboy ramo, unggoy, pang hayop at pangingisda.
at malalaking ibon.
Paniniwalang Panrelihiyon bilang nomadic na mga tao ay Ang balyan o ritual practitioner ay
walang ideya tungkol sa relihiyon may mga gawain at pag-uutos na
at mga sibilisadong kaugalian. sinusunod din ng mga Mansaka
Subalit naniniwala sila sa lalo na sa panggagamot a
pinakamataas na si Magbabaya. pagsasagawa ng ritwal. May
Naniniwala rin sila na ang buwan malaking bahagi ang mga baylan
o araw ay tahanan ng manlilikha sa panahon ng pagtatanim at pag-
nila. Kung kaya tuwing kabilugan aani. Isinasagawa ang ritwal upang
ng buwan ay nananalangin sila o itaboy ang masamang espiritu at
nag-pagdidiwatahan, na isang uri peste na maaaring makapinsala sa
ng panalangin ng buong mga pananim. Naniniwala din sila
komunidad na pinangungunahan sa kanilang dios na tinatawag
ng tambayan. nilang Magbabaya.
Pananamit Ang mga Mansaka ay mahilig sa
paggawa ng dagmay o damit na
yari sa abaka at may iba-ibang
disenyo.Natatanging mga kulay
para sa kanilang mga damit. Ang
pula, asul, dilaw, puti, at itim
lamang. Ang kulay pula ay para
lamang sa mga datu, bagani, a
anak na lalaki ng datu. Ang mga
babae, kahit anak ng datu, ay hind
nagsusot ng kulay pula gayon na
rin ang karaniwang mamamayan
nila. Ang mga kulay asul, dilaw, a
puti lamang ang maaari nilang
gamitin.
Pag-aasawa at Ang pag-aasawa sa mga Para sa mga Mansaka, ang pag-
pagpapakasal Mamanwa ay monogamous o isa aasawa ay isang bagay na
lamang ang asaw dahil sa hindi pinaghahandaan at isinasaayos
nila kayang buhayin ang Paghahandaan ng binate ang iba‟
maraming asawa. ibang yugto tungo sa paglagay sa
Ang dalawang ikakasal ay uupo tahimik. Ang mga yugtong ito ay
sa sahig na malapit sa isa‟t isa tagna o pag-alam, mangungusip o
na may kaharap na isang pag-suyo, manubay o
pinggan na puno ng bigas. pagpapaabot at mamungad o
Kukuha sila ng bigas, mamanhikan. Sa yugto ng
hahawakan iyon at ang kabilang pamamanhikan malalaman kung
kamay ng lalaki ay hahawak sa magkano ang gagastusin ng lalak
kabilang kamay ng babae at sa kasal.
sasabihin ng barangay kapitan
na sila ay mag-asawa na. ang
pagkatapos ay ang tinatawag na
kombite.
Pagkakasakit at kamatayan Ang mga Mamanwa ay takot Sa may sakit na Mansaka, ang
mamatay. Kung may namatay sa babylan ang tagagamot a
kanila, ipinalilibing kaagad. Hindi tagapag-alaga nila. Karaniwang
sila mag-iingay o iiyak dahil baka gamit nila sa panggagamot ay
magalit daw sa kanila ang mga iyong nakuha nila sa gubat a
engkanto. Habang inililibing ang sapa. Naniniwala sila sa mga
kamag-anak nilang namatay, ang espiritung nakatira sa kagubatan
iba naman ay naghahanda para lalo na sa puno ng balite.
sa paglisan sa lugar na iyon. Ang kapag may namatay na Mansaka
mga sumusunod ay ilang siya ay pinaglalamayan lamang ng
paniniwala nila hinggil sa dalawang gabi, at sa pangatlong
kamatayan: araw ang kanyang libing. Hindi rin
1. Pagbasag ng pinggan sa nila ginagalaw ang paboritong
kabaong upang mapahinto ang pagkain o inumin ng namatay ayon
susunod na kamatayan o walang sa tagal ng pangako nila sa kanya
susunod sa kanilang kung hanggang kalian na hindi ito
mamamatay. gagalawin. Iniiwasan din nila ang
2. Hindi kailangang magpaalam mag-ingay tuwing dumadalaw sa
ang mga bisita kung aalis na puntod ng namatay. Ang bahay
para maiiwasan ang sunod- kungsaan namatay ang Mansaka
sunod na pagkamatay. ay kanilang sinusunog o di kaya ay
3. Hindi magwawalis ng sahig tinatanggalan ng dingding. Nililinis
kung may patay pa sa bahay nila ang lugar ng namatay a
para maiiwasan ang sunodsunod lumilipat sila sa bagong tirahan
na pagkamatay. 4. Ang mga dahil sa paniniwalang hindi na
nagbabantay ay hindi matutulog maganda o mabuti ang bahay
dahil maaaring dumating ang kapag namatayan.
masamang kaluluwa at palitan
ang patay. Tinatawag itong
Pagtangon.

GAWAIN 5
I. Instruksyon

1. Paano Nakatutulong ang Kaalaman sa Kultura ng mga Muslim sa Inaasam-


asam Nilang Kapayapaan?
Nakakatulong ito sa pagiging , nakiki pag-isa upang magtulongan at makaka asam ng
kapayapaan ang mga muslim sa paniniwala sa iisang diyos na maliban lang kay ALLAH
. at sundin ang mga dapat sundin na pinag-uutos ng diyos. Alam naman natin ang
kapayaan ay isa sa nagpapaganda ng kultura kapag may pagtutulungan at pag-
kakaisa, may maasam na kapayapaan.

2. Isulat sa mga kahon sa A ang bahagi ng kultura mo na may pagkakatulad


(malaki man o maliit) sa kultura ng mga Meranaw, at kultura mo at kultura ng mga
Maguindanaon. Sa B naman, isulat ang bahagi ng kultura ng mga Maguindanaon.
At ipaliwanag naman sa kahon C kung paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng
hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng mga Meranaw, at sa pagitan mo at ng
mga Maguindanaon.

Meranaw A Maguindanao
Kagaya ng maguindanao, sila rin Ako ay Meranaw Sila ay sumusunod sa paniniwala, kaugalian at
ay naniniwala sa koran at sa iba kaya kung ano ang tradisyon ng islam. Sila ay naniniwala sa Quran
pang paniniwala at tradisyon ng nakalagay diyan, o Koran na isang banal na libro ng islam na
islam. pareho saamin. naglalaman ng mga salita Allah, ang kanilang
manlilikha, na sinabi kay propeta kay
muhammad sa pamamagitan ng anghel na si
Gabriel.

Meranaw B Maguindanao
Ang mga meranaw ay iyong naninirahan Sila'y nakatira sa timog-silagang bahagi ng
sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng maguindanao. Sila ay maykakayahang gumamit ng
lanao, na siyang pangalawang wikang cebuano, filipino at ingles. Ang salitang
pinakamalaking lawa sa pilipinas. Ang maguindanao ay nagmula sa salitang magined
orihinal na tawag sa Lalawigang ito‟y tano sa danao na nangangahulugang "tumira sa
“Ranao” na nangangahulugang “lawa o palibot ng lawa".
lanaw” at ang mga naninirahan ay
tinatawag na “maranao”
C
Ang hindi minsan nag-kakaunawaan ng pagitan ng Meranaw at Magauindanao ay ang kanilang
pananalita. Nang dahil sa kanilang ibang pananalita may mga taong minsan na hindi nila
nauunawaan ang meranaw at Maguindanao.
II. Instruksyon:

1. Ilarawan ang mamamayan at kultura ng Dapitan. (paniniwala at tradisyon)

Mamamayan at kultura ng Dapitan and Dapitan ay isang maliit ngunit makasaysayan


lungsod sa Mindanao. Maliban sa katotohanang doon namalagi si Dr. Jose Rizal.

Karamihan sa mamamayang ito ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda,


bagamat mayroon naming mabibilang sa daliring naglilingkod sa pamahalaan,
nagsasaka, namamasukan sa ilang pribadong tao bilang drayber, at iba pang uri ng
hanapbuhay na bagama‟t mahirap ay marangal naman. Hindi nga sila mayaman, ngunit
hindi rin naman silang matatawag nating nasa kalagitnaang uri at nabubuhay silang
mapayapa, maligaya, at laging may pagkakaunawan sa bawat isa.

Pawing mga Kristiyano ang mga nakatira rito, na karamiha‟y mga Romano Katoliko at
sumasampalataya sa Panginoon. Wikang Cebuano ang ginagamit nila bagamat ang
intonasyon nila ay may kaibahan kung ihahambing sa mga ibang gumagamit ng wikang
ito.

2. Bakit itinuturing na paraiso ng mga bulaklak ang Zamboanga?

Zamboanga, siyudad ng mga pangarap at bulaklak. Tinaguriang City of Flowers,


marahil ay dahil sa makukulay at mahahalimuyak na mga bulaklak na matatagpuang
saganang-sagana sa pali-paligid; sa mga bakuran, bintana, gilid ng kalsada, at mga
liwasan. O maari rin naming dahilan sa mga magagandang dilag ng Zamboanga, mga
kadalagahang bantog hindi lamang sa taglay na kariktan nila kundi lalung-lalo na sa
kanilang likas na pangakit at kalambingan.

GAWAIN 6
Gumawa ng isang pananaliksik at bumuo ng isang pagtatala ukol sa kultura ng
iyong pamilya. Gawing batayan ang mga araling natalakay sa unahan.
Kami ay kulturang Meranaw, naniniwala kami sa iisang diyos maliban lang kay ALLAH,
sinusunod namin ang mga utos ng diyos, nag-sisimba kami ng limang beses sa isang
araw kaya matatawag kaming muslim. Bawal saaming pamilya ang mga babaeng
nagsusuot ng maiksik, at bawal rin makita ang buhok ng mga babae lagi nilang sinusuot
ang kanilang (kumbong) o nilalagay sa ulo. Importante sa babae na pahalagahan nila
ang kanilang sarili. Isang malaking pasasalamat sa diyos dahil ito ang nagging kultura
ko o relihiyong islam. Isang kulturang mapayapa at alam ang pag-kakaisa tungkol sa
iisang diyos. Saaming kulturang Meranaw o relihiyong Islam tuwing buwan ng
Ramadhan o pag-aayuno kami ay sabay-sabay na pinagdidiriwang ang araw nayan.
Kasi yan ang pinaka malaking kaarawan saamin kaya tuwing may ganyan subrang
saya. Bawat isa ay ma-ingat sa mga bawal na gawain. Kaya subrang halaga saaming
yang kaarawan nayan. Masaya ako saaking pamilya dahil kami ay nasa tamang
paniniwala. Masasabi kung Oo kami ay nasa tamang paniniwala.

Ang wika ng mga Meranaw ay Maranaw. Kilalang-kilala ito dahil sa matigas na diin at
tono nito. Maranaw ang gamit ng mga Meranaw sa kapwa nila na Meranaw. Kapag
Kristiyano ang kausap nila ay marunong din sila ng Cebuana, Filipino, at Ingles.

You might also like