Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at Larawan
ng mga Guro

Lesson Plan Heading Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 


Baitang 9 
Ikatlong Markahan

Kasanayang 9.3 Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na


Pampagkatuto ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya

Values Clarification Approach


Dulog o Approach

Panlahat na Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


(Objectives)
C- Pangkabatiran: Nakakikilala na may pananagutang ibigay sa
9.3 Napatutunayan na may
kapwa ang nararapat sa kanya;
pananagutan ang bawat
mamamayan na ibigay sa kapwa A- Pandamdamin: Nakapaninindigan na dapat ibigay sa kapwa ang
ang nararapat sa kanya nararapat sa kanya; at

B- Saykomotor:  Nakayayari ng mga paraan na nagpapakita ng


pagkamakatarungan sa kapwa.

Pananagutan na Ibigay ang Nararapat sa Kapwa


PAKSA
(Topic)

9.3 Napatutunayan na may


pananagutan ang bawat
mamamayan na ibigay sa kapwa
ang nararapat sa kanya

Inaasahang
Pagpapahalaga Pagkamakatarungan (Equity) - Panlipunang Dimensiyon

(Value to be developed)

9.3 Napatutunayan na may


pananagutan ang bawat
mamamayan na ibigay sa kapwa
ang nararapat sa kanya

Dela Rosa, Johannes Paulo A.


PAGTATALAKAY Technology
Balangkas (Outline) Integration
(Abstraction) 1. Katarungan
Dela Rosa,
a. Kahulugan ng Katarungan
Johannes Paulo A.
b. Kahalagahan ng Katarungan
c. Mga Manipestasyon ng Katarungan Canva
9.3 Napatutunayan na may
pananagutan ang bawat
Presentation
Nilalaman (Content)
mamamayan na ibigay sa kapwa
ang nararapat sa kanya https://
www.canva.c
Teacher 2
om/design/
DAE2COPX
2dU/
az2kUYdz-
IOQ9VWXG
mrQ7w/
view?
utm_content=
Katarungan DAE2COPX
2dU&utm_ca
Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat
mpaign=desi
sa kanya na kung saan ay hindi inaantay o pinipilit na
gnshare&utm
matamo mula sa labas. Bagaman ipinagkakaloob din
_medium=lin
k&utm_sourc
ng pamahalaan, ang katarungan ay nararapat na e=sharebutto
makita bilang isang gawi na nag-uugat sa loob ng n
bawat isa. Ayon kay Manuel Dy, ito ay isang
pagbibigay at hindi pagtanggap. Kung kaya, ang tuon
ng katarungan ay labas ng sarili. Ito ay hindi lamang
karapatan bilang miyembro ng lipunan, kundi bilang
gawi ng pagpapahalaga dahil ang lahat ay may halaga
sa sarili at komunidad.

Kahalagahan ng Katarungan sa Lipunan

Ang konsepto ng katarungan ay ang pagprotekta sa


sariling pamayanan na nagbibigay daan upang
makagawa, makabuo, at makalikha. Sa pamamagitan
nito, nagkakaroon ang sarili ng malaking tungkulin
na maging makatarungan sa kapwa at sa iba.

1. Kung hindi matutugunan ang pagiging


makatarungan, hahantong ito sa pagkawasak ng
kaniyang ginagalawang komunidad.

2. Ang kawalan ng katarungan sa lipunan ay


magreresulta sa inkapasidad ng mga tao sa loob nito
na mabuo ang kanilang sarili, pati na ang pagbuo ng
ugnayan nito sa loob ng komunidad.

3. Para sa kapakanan ng lipunan at sarili,


pananagutan ng bawat isa na taglayin ang katarungan
hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa komunidad
dahil ang ikaaayos ng lahat ay nasa kamay ng bawat
isa.

Manipestasyon ng Katarungan

Umiiral ang katarungan sa mga panahong


tinatanggihan ng sarili na pag-ukulan ang sariling
buhay. Ilan sa halimbawa nito ay

1. Ang pangungurakot sa pribado at publikong


institusyon
2. Ang pagbibigay ng hindi makatarungang sahod sa
mga empleyado at

3. Ang iba pang katulad na sitwasyon na kung saan


ay mauuwi lamang sa wala kundi pagkawasak
lamang ng lahat.

Mula sa mga ito, mahalaga ang papel ng pamahalaan


sa pagpapairal ng katarungan. Kung hindi matuwid
ang pamahalaan, kung hindi ginagawa nang maayos
ng mga nanunungkulan ang kanilang tungkulin,
mahihirapan ang mga tao na pag-ukulan pa ng
panahon ang mga ugnayan sa komunidad.

PAGSUSULIT Dela Rosa, Johannes Paulo A. Technology


Integration
(Evaluation/ Test I. Multiple Choice
Assessment) Dela Rosa,
Panuto: Ang mga mag-aaral ay magbabasa at Johannes Paulo A.
magsusuri ng mga katanungan, sasagutin ito sa
9.3 Napatutunayan na may
pamamagitan ng pagsulat ng titik ng pinaka-angkop Testmoz
pananagutan ang bawat na sagot sa bawat patlang. Application
mamamayan na ibigay sa kapwa
ang nararapat sa kanya _____1. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng testmoz.com/
katarungan? 11442210

a. Ang katarungan ay isang gawi ng


pagpapahalaga Rubrik sa
b. Ang katarungan ay ang pag-iingat sa sariling Paggawa ng
komunidad Rubrik para
c. Ang katarungan ay ang ugnayan ng tao na sa Sanaysay
makiisa sa lipunan
d. Ang katarungan ay ang pagbibigay sa kapwa https://
ng nararapat sa kanya. docs.google.c
om/
_____2. Sa inyong paaralan, ikaw ay ginawaran ng document/d/
"Good Student Award" na ibinibigay lamang sa mga 18xbZqcDRk
estudyanteng lumalaban sa "inequality" na nagaganap JBKGKp27y
sa paaralan. Alin sa mga sumusunod na tungkulin ang KH2Tvmj1S
sinusunod mo batay sa naging talakayan? VlV5Vbduw
CbXnFK4/
a. Ang tao ay may tungkuling magkaroon ng
katarungan sa sarili at sa komunidad edit?
b. Ang tao ay may tungkuling pagsumikapang usp=sharing
pangalagaan ang dignidad ng kapwa
c. Ang tao ay may tungkuling ibigay ang nararapat na
pagpapahalaga sa sarili at kapwa.
d. Ang tao ay may tungkuling magkaroon ng
pananagutan sa lahat kabilang na ang pamilya,
lipunan, at bansa

_____3. Nalaman mong ginagamit ng kaibigan mo na


isang miyembro ng Sangguniang Kabataan ang
pondo ng barangay na para sa feeding program na
ilulunsad sa darating na Linggo. Bilang isang
miyembro ng komunidad, ano ang nararapat mong
gawin?

a. Aking ipaaalala na ang katapatan ay dapat niyang


isinasaalang-alang sapagkat siya ay isang kawani ng
gobyerno
b. Aking sasabihin na hindi dapat ito gawin dahil ang
pangungurakot ay magbubunga ng inhustisya sa loob
ng komunidad
c. Aking ipaaalam na bilang kasapi ng komunidad,
siya ay mayroong tungkulin na protektahan ang
karapatan ng bawat isa
d. Aking sasabihin na responsibilidad natin ang
maging makatarungan sa sarili at komunidad dahil ito
ang nararapat sa kapwa

_____4. Ang pangunahing konsepto ng katarungan


ay ang pagkaloob sa kapwa ng nararapat sa kanya. Ito
ay ibinibigay at hindi hinihingi o inaasahan mula sa
labas at nakikita bilang isang kilos na nagmumula sa
loob ng bawat isa at itinutuon paloob. Alin sa mga
sumusunod ang magwawasto sa pahayag?

a. Ang salitang “paloob” ay dapat palitan ng


“palabas”
b. Ang salitang “labas” ay dapat palitan ng
“gobyerno”
c. Ang salitang “kapwa” ay dapat palitan ng
“kakilala”
d. Ang salitang “hindi pagtanggap” ay dapat palitan
ng “hindi ipinagdadamot”

_____5. Ayon sa konsepto ng Katarungan, alin sa


mga sumusunod ang nagpapakita ng umiiral na
katarungan sa isang komunidad?

a. Dahil kaarawan ni Joy, namigay siya ng mga


pagkaing handa sa kanyang mga kaklase ng araw na
iyon.
b. Hindi alintana ni Jacob ang init ng araw at
masiglang tinulungan ang kanyang ama sa pag-ani ng
mga tanim na palay.
c. Ang magkakaibigang sina Rosie, Entice, at Cheska
ay sumali sa organisasyon na naglalayong lumaban sa
mga maling impormasyon ukol sa kasaysayan.
d. Nagpatupad ng polisiya ang kapitan na si Juan na
naglalayong paigtingin ang pagbabawal sa maling
pagtapon ng mga basura sa estero upang solusyunan
ang matinding pagbaha sa kanilang lugar na
nagdadala ng sakit sa mga tao.

Test II. Tama o Mali

Panuto: Ang mga mag-aaral ay magsasagot sa


pamamagitan ng paglagay ng salitang TAMA sa
patlang kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung hindi.

_____6. Ang katarungan ay nararapat na makita


bilang isang gawi na nag-uugat sa loob ng bawat isa.
_____7. Ang pagkilala sa pangangailangan ng isang
kabataan na may kapansanan ay isang halimbawa ng
katarungan.
_____8. Batay sa naging talakayan, mahalaga ang
katarungan dahil isa ito sa nagpapatibay ng ugnayan
ng tao sa kanyang komunidad.
_____9. Ayon sa konsepto ng Katarungan, mahalaga
na taglayin ang pagkamakatarungan sa kadahilanang
ito ang nag-uudyok sa pagbuo ng sarili at ng ugnayan
sa komunidad.
_____10. Nalaman ni Riguel na hindi nagbabayad
nang tamang halaga ng buwis ang kanyang amo,
ngunit para hindi matanggalan ng trabaho ay hindi
niya iniulat ang ilegal na gawain nito sa tanggapan ng
Bureau of Internal Revenue o BIR.

Test III. Sanaysay


Panuto: Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
kanilang kasagutan sa pamamagitan ng pagsulat ng
maikling sanaysay.
11. Bilang isang miyembro ng komunidad, bakit
mahalaga na ang bawat isang kasapi ng lipunan ay
makatarungan?
12. Bilang isang indibidwal, paano mo maisasabuhay
o maipapakita ang pagbibigay sa kapwa ng
katarungan?

Susi sa Pagwawasto
Test I. 
1. D. 
2. A.
3. D.
4. A.
5. D.

Test II. 
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI

Test III.
11. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan,
naiiwasan natin ang pagkawasak ng ginagalawang
komunidad. Dagdag pa rito, magagawa natin mabuo
ang ating mga sarili pati na rin ang mga ugnayan
natin sa komunidad. Ang pagiging makatarungan ay
nagbibigay-daan din sa ikaaayos ng lahat. Mula sa
mga ito, naisasaalang-alang natin ang kahalagahan ng
pagiging makatarungan. Kapag ito ay hindi natin
itinuon sa iba at sariling buhay lamang ang ating
pinag-uukulan, kabaligtaran ang maaaring mangyari
partikular na ang pagkawasak ng sarili, ugnayan ng
komunidad, at ng lipunan.
12. Batay sa naging talakayan, maisasabuhay o
maipapakita ang pagiging makatarungan sa
pamamagitan ng pagiging mabuti. Ilan lamang sa
mga manipestasyon ng pagiging mabuti sa konteksto
ng katarungan ay ang hindi pag-uukol sa pansariling
buhay o interes. Maaring maipakita ang pagka
makatarungan gamit ang ilang mga halimbawa. Una,
hindi panlalamang o pangungurakot sa pribado o
publikong mga institusyon. Pangalawa, ang
pagbibigay ng tamang pasahod sa mga manggagawa,
at ang huli naman ay ang pag-iwas sa mga gawi na
nagpapakita ng panlalamang sa kapwa na maaring
magdulot ng pagkawasak ng komunidad.

You might also like