Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Shaira H.

Batalla
Kurso at Pangkat: BLIS 3A

Pagsasanay IV

Sagutin ng buong husay ang bawat tanong.

Kung ikaw ba ay kasapi sa lupon ng pipili sa pambansang bayani, sino ang iyong pipiliing
pambansang bayani? At bakit?

Sa aking palagay ang pipiliin ko para maging bayani ng Pilipinas ay si Dr. Jose Rizal pa
rin sa kadahilanang siya ay may malalim na kaisipan na at ibang kakahayaan na hanggang
ngayon na nakikita ng karamihan. Ang isang Jose Rizal ay may kakayahan upang saktan ang
mga kalaban gamit lamang sa pag sasalita. Ibang bokabularyo meron ang isang Jose Rizal
karagdagan pa na hindi siya gumagamit ng dahas upang kumalaban tanging ang kaniyang
sandata ay ang kanyang malikot na utak at ang kanyang pananalita na nag bigay ng malaking
epekto sa atin bansa noon pa man.

Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang katangian ng ating pambansang bayani na dapat
tularan at taglayin ng bawat kabataang Pilipino?

Para sa akin ang pinaka dapat na taglay ng isang pambansang bayani ay ang pagiging
matapang, matalino at may paninidigan. Ang pagiging isang bayani ay hindi lang para sa mga
namayapang tao dahil hanggang ngayon nandito pa rin ang mga taong na nag sisilbing atin
mga bayani. Unang-una ngayong pandemik andito ang mga nars at mga doktor upang
tumulong at mag pagaling ng mga may sakit. Ang mga guro, na patuloy na nag bibigay ng
mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan na gustong matuto.

You might also like