Pagsasanay 14 - RLW 101

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Shaira H.

Batalla
Kurso at Pangkat: BLIS 3A

Pagsasanay 14

Sagutan ang mga katanungang ito:

Gaano kahalaga sa iyong opinion ang makalawang ulit na paglayo sa Pilipinas ni Dr. Rizal para
sa kanyang sariling transpormasyon at sa kanyang kinayang gawin para sa ating Inang- Bayan?

Ang kanyang paglayo sa sariling bayan ay bunga ng kanyang damdaming nagnanais ng


kapayapaan ng pamumuhay. Bagama’t hindi nawala sa kanyang puso ang pagmamahal sa
kanyang sa kanyang bayan ay mas pinili niyang unahin naman ang kanyang sarili kaysa sa iba.
Unahing maging masaya at makadama ng kaginhawaan loob lalo na ng kaisipan. Ito din ay
para sa ikapapayapa ng kanyang pamilya at upang mas mapagbuti niya pa ang sarili. At dahil
ditto ay pansamantala siyang nakalaya sa mga kaaway niya na walang ibang gusto kundi ang
kanyang pagkakakulong at kamatayan. At sa paglalakbay niyang iyon ay marami siyang
natutuhan.

Paano kongkretong naipakita ni Dr. Rizal ang kanyang pagmamahal sa Bayan habang siya ay
namalagi sa ibang Bansa sa loob ng halos 9 na taon sa una at ikalwa niyang paglalakbay sa
Mundo)
Ipaliwanag.

Bagama’t siya ay lumayo sa Pilipinas ay hindi niya nawaglit sa puso ang pagmamahal
niya sa kanyang bayan. Kahit sa halos isang dekadang lumipas ang itinagal niya sa malayong
bayan ay hindi niya ito hinayaang maging hadlang upang makatulong pa rin sa pagpapalaya ng
kanyang bayan. Nakapag-ambag siya ng dalawang nobelang nagging mitsa sa paglago ng
damdamin ng mga Pilipino. Mga akdang nagpakita at nagbigay liwanag sa mga mata ng mga
Pilipino sa kasawiang dinaranas ng kanyang mga kababayan.

Kung nabigo man ang Kilusang Propaganda na makamit ang mga nilayon nito, ano ang
maituturing na pinakamahalagang nagawa nito para sa Pilipinas na noo’y kolonya pa ng
Espanya.

Pagpapatuloy ng pagsulong ng reporma ng Pilipinas. Ilan sa mga propagandista ay


naniniwala na kailangang isulong ang paghingi ng reporma sa mismong kapuluan. Kailangan
ding maipaalam sa mas marami ang mensahe ng reporma at linangin ang diwa ng kapatiran sa
mga Pilipino. Naging daan ito upang maibukas ang mga mata ng masang Pilipino sa mga
posibilidad sa mga susunod na panahon na maisulong ang repormang matagal nang minimithi.

You might also like