1. Kung sakaling anyayahan ka ni Dr. Rizal na maging kasapi ng La Liga Filipina,
pauunlakan mo ba ang kaniyang paanyaya? Bakit?
Kung ako ay aanyayahan ni Dr. Rizal na sumapi sa La Liga Filipina ay
pauunlakan ko ang kanyang paanyaya. Sapagkat ito ay makatutulong upang mapigilan ang mga kastila sa pang aapi, marahas at di makatarungang pananakop ng mga kastila. Ang pagbuo ng isang matatag na samahan o grupo ay isang paraan upang mabuo ang boses upang usigin ang damdamin ng bawat Pilipino laban sa mga mananakop. 2. Kung ikaw naman ang nasa kalagayan ni Dr. Rizal, pipiliin mo pa rin bang umuwi sa Pilipinas sa kabila ng maraming banta na naghihintay sa iyo sa iyong pagbabalik? Ipaliwanag. Kung ako ang nasa katayuan ni Dr. Rizal ay pipiliin ko pa rin na umuwi sa Pilipinas dahil marami ang umaasa sa akin na matulungan at mapigilan ang mga kastila sa pananakop sa ating bansa. Hindi magiging hadlang ang mga pananakot at banta upang mapigilan ang aking damdamin at hanagarin upang maipagtanggol ang bawat Pilipino at ang bansang Pilipinas