Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Shaira H.

Batalla
Kurso at Pangkat: BLIS 3A

Pagsasanay 13

GAWAIN: Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang 2-4 na pangungusap
lamang.

Ano-anu ang mga layunin at karanasan ni Rizal sa unang paglalakbay niya sa daigdig?

Dahil sa hindi magandang nangyari sa kanya sa Unibersidad ng Santo Tomas.


Ito ang kanyang dahilan kung bakit gusto niyang umalis sa bansa. Pangalawa ay para
makapag patuloy siya ng pag aaral dahil gusto ni Rizal na malaman at mapag aralan
ang mga kanser na lumalaganap sa iba’t ibang larangan ng buhay sa Pilipinas.
Pagkatapos noon ay para makahanap na siya ng paraan upang maipabatid sa bansa at
sa pamahalaang Kastila upoang magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas.

1. Ipaliwanag ang dahilan ng pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas.


Bumalik siya ng Pilipinas sa maraming dahilan. Una, upang titistisin ang mata ng
Ina dahil nagbali na ang paningin nito. Pangalawa aalamin niya ang katotohanan
tungkol sa ligalig na nilikha ng Noli. Ika-tatlo, aalamin niya ang dahilan ng panlalamig at
katahimikan Ni Leonor Rivera. Ika-apat, tutulungan niya ang kanyang mga kababayan.

2. Paano naganap ang partisipasyon ni Rizal sa Kilusang Propaganda?

Ang mga Gawain sa Kilusang Propaganda ay pumukaw ng interes ng mga


Espanyol ngunit hindi sapat upang makamit ang mga hinihiling nilang pagbabago. Ilang
repormang naipasa ng pamahalaang kolonyal ngunit hindi naipatupad sa Pilipinas. Ang
kakulangan ng salapi, nahati rin ang komunidad, paniniwala ni Jose Rizal na panahon
na upang bumalik ang mga propagandista sa Pilipinas ngunit pinangunahan ni Marcelo
Del Pilar ang pangkat na nagsusulong na manatili ang mga propagandista sa Espanya
at patuloy na hikayatin ang pamahalaan. Ang mga ito ang dahilan ng pagkabigo ng
Kilusang Propaganda.

3. Ipaliwanag kung paano naisulat ang Noli Me Tangere at El Filibusterimo?

Noong siya ay nasa Europa, nagsimula siyang magsulat ng mga nobela. Ang
Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas at nagbibigay tugon
din ito sa mga Katolikong Prayle. Isinulat niya ang nobelang ito upang maimulat ang
mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari noon sa bansa dahil sa pagsakop ng
mga Espanyol. Ang kanyang nobela ay nailathala noong 1887 sa Berlin. Nang bumalik
si Rizal sa Europa, hindi siya tumigil sa pagsusulat. At noong 1891, El Filibusterismo
ang kanyang inilathala. Isinulat niya ito at kanyang inialay sa tatlong paring martir o ang
“GOMBURZA”. Lahat ng ito ay bunga ng kanyang masidhing damdamin upang palayain
ang kanyang mga kababayan sa kamay ng mga dayuhang mananakop.
4. Anu-ano ang mga naranasan ni Rizal sa kanyang paglalakbay sa Europa?

Isa sa mga pangunahing dahilan ng paglalakbay ni Rizal sa Europa ay ang


maipagpatuloy ang kanyang pagaaral sa medisina pagkat tanyag ang nasabing bansa
kung magandang pag-aaral ang hanap. Habang nasa Barcelona, Spain siya, isinulat
niya ang amor patrio, isang talumpati na nagsasaad ng nasyonalismo, ibinigay niya ang
akdang ito kay Basilio Teodoro Roman ng diyaryong tagalog. Napabilib si Basilio sa
galling ng pagsusulat ni Rizal. Sa Europa, doon lalo pang nahubog si Rizal at
nagkaroon ng mga kaalaman lalo na sa pagsusulat ng mga nobela. Doon na niya
isinulat ang kanyang nobelang Noli Me Tangere. Nagtrabaho rin siya sa ilang klinika at
dito nahasa ang galling niya sa panggagamot.

5. Ipaliwanag paano siya nanirahan bilang isang Malay sa mga lungsod sa Europa.

Simula pa lamang ng kanyang paglalakbay ay kulang na siya ng salapi na dala


kung kaya pinilit lamang niya na pagkasyahin ang anuman mayroon siya sa kanyang
paglalakbay. Kasabay nang pabago bagong lungsod at pabago-bagong tirahan,
gayundin ang mga nakakasalamuha niyang tao. Ang iba ay nagiging katoto, ang iba ay
kaaway ngunit lahat nang ito at nagbunsod sa pagkatao ni Rizal na walang ibang
hinangad kundi ang kasarinlan ng bayang Pilipinas

You might also like