Professional Documents
Culture Documents
3rd LGS10 FIL 9
3rd LGS10 FIL 9
3rd LGS10 FIL 9
I. Panalangin
Amang makapangyarihan,
Patnubayan at pagpalain mo kami sa lahat ng aming gawain.
Salamat sa Iyong kadakilaan at sa pagmamahal.
Turuan mo kami oh Panginoon na manatili sa kabutihan ngayon at magpakailanman.
Amen.
II. Layunin
a. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag – aaral ang pag – unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog – Silangang Asya.
b. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag – aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing
panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan.
c. Pamantayan sa Bawat Baitang: Pagkatapos ng Ikasiyam na Baitang, naipamamalas ng mag–aaral
ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag – iisip, at pag – unawa at pagpapahalagang
pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling – akdang Asyano upang
mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
III. Pagbibigay Kahulugan/Metodo
Mauunawaan at mapapahalagahan ng mga mag – aaral ang mga akdang pampanitikan ng
Timog – Silangang Asya ay makatutulong upang mapagtibay at mapanatili ang magagandang
pagkakakilanlang Asyano.
ALAM MO BA?
Si Mohandas Gandhi ay isang dakilang guro, isang idealista, at praktikal na tao.
Siya ay higit na kilala sa pangalang “Mahatma” na hango sa wikang Sanskrit na ang
ibig sabihin ay “Dakilang Kaluluwa” o “Dakilang Nilalang”. Ang kanyang mga
ginintuang kaisipan ay pinilit niyang isabuhay, upang iturong ang mga kaisipang ito ay
maaaring gawin at mapagtagumpayan. Binigyang-diin niya ang pagmamahal sa
sandaigdigan at pagagamit ng mapayapang paraan ng paglutas ng mga suliraning
pambansa at pandaigdig man.
Siya ay ipinanganak noong Oktubre 2, 1869 sa Porbandar, India. Ang kanyang
ama ay si Karamchand Gandhi at ang kanyang ina ay si Putlibai. Ang kanyang ina ay
nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kanya. Si Putlibai ay isang mapagmahal na
ina. Itinuro niya sa kanyang mga anaka ang malaking kahalagahan ng pagdidisiplina sa
sarli, ng “ahimsa” o di karahasan, at ng pagiging tapat.
Noong siya’y labintatlong taong gulang pa lamang, ikinasal siya kay
Kasturbalna labintatlong taong gulang din, ayon sa kaugaliang Hindu. Nanirahan sila
sa bahay nina Gandhi. Nagpatuloy pa rin si Mohandas ng pag-aaral at hinangad niyang
maturuan ang kanyang asawa.
Basahin at unawaing mabuti “Mahatma Gandhi” sa pahina 335 hanggang 336 ng inyong aklat.
Pagkatapos itong basahin muling bigyang kakintalan ang mga katanungang “Ano – ano ang mga katangiang
dapat taglayin ng taong mamumuno sa Pilipinas upang ating bansa ay makaahon sa kahirapan at
korupsiyon?” (hindi ito kailangang sagutin sa modyul, hintayin ang mga panuto ni titser sa talakayan sa
online class). Muling basahin ang tulang “Mahatma Gandhi” nang may damdamin.
C. PAGPAPALALIM
➢ Sa estratehiyang Thumbs-up, Thumbs-down makikilala ang taglay na katangian ng isang pinuno.
➢ Ipaliwanag sa mga mag-aaral na nararapat na magtataglay ng walang bahid ng kasamaan ang
integridad ng isang pinuno.
➢ Magpabigay ng mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno ng bansa.
Gawain 2: Tunay ngang isang natatanging Asyano si Gandhi. Ngayon ay umisip ka ng isang natatanging
Pilipino na maaaring ihambing at itulad kay Gandhi. Punan ang Venn diagram.
Dagdagan natin ang inyong kaalaman ukol sa Awit, Elehiya, at iba pang Tulang Pandamdamin.
Muli kang sumangguni sa iyong aklat sa pahina 340 hanggang 342. Kung wala ka namang aklat maaari mo din
itong mapanood sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=OorgsLh58ek. Matapos basahin ,panoorin o
talakayin ang paksang ito, panoorin at pakinggang mabuti ang paraan nang pagbigkas ng bawat salita sa tula
isang video clip sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=LOw0Chq8TZQ.
At ang mga pahinang 348 hanggang 350 para sa Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng
Damdamin.Ganoon pa man kung wala kang aklat makinig na mabuti sa iyong guro sa araw ng talakayan,
maaari ka din namang magtanong kung ikaw ay may katanungan (Asahan ang mga katanungang ibabahagi ng
guro sa talakayan).
Bilang kabuuan ng araling ito narito ang link na magbibigay din sa inyo ng halimbawa o mga ideya.
https://www.youtube.com/watch?v=kghdB7q-QE4
Maikling Pagsusulit gamit ang Genyo.
Vl. Pagtataya:
1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng taong mamumuno sa Pilipinas upang ang ating bansa ay
makaahon sa kahirapan at korupsiyon?
4
________________________ __________________________
Bb.MARY FRANCES C. ANUNCIACION RONALD D. DAVID
Guro sa Filipino OIC – Office of the Principal
_________________________
Gng. MARITES M. DAVID
Guro sa Filipino