Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level 8

W1 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Paggalang at Pagsunod sa Mga Magulang, Nakakatanda at May Awtoridad

II. MOST ESSENTIAL LEARNING • Nakikilala ang:


COMPETENCIES (MELCs)
a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal

b. bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang,


nakatatanda at may awtoridad

• Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang,


nakatatanda at may awtoridad

• Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga


magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim
na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan
at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan

III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad..

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

A. Introduction 10 minuto Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, alang-alang sa Panginoon,
sapagkat ito ang nararapat" (Efeso 6:1). "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang
Panimula unang utos na may kalakip na pangako." (Efeso 6:2)

Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging masunurin at magalang. Sa ating mga gawi
na nagpapakita ng pagiging magalang tulad ng pagmamano, pagsasabi ng “po”
at “opo” at iba pa ay natatangi tayo sa ibang lahi. Ngunit sapat na ba ang mga ito
para ating masabi na tayo ay masunurin at magalang? Bakit sa kasalukuyan ay
mayroong di magagandang pangyayari dulot ng hindi pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad? Ating tunghayan sa modyul na ito ang

mga birtud ng pagsunod at paggalang.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. pinakatamang sagot. Isulat
ito sa sagutang papel.

1. Naipakikitaangpaggalangsapamamagitanng

a. Pakikibahagisamgagawaingnakasanayan.

b. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakahahalubilo c.


Pagbibigaynghalagasaisangtaoobagay.

d. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.

Piliin ang titik ng .

2. Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda?

a. Lagimongipanalanginangmgataongmayawtoridadnaikaway pamahalaan.

b. Pagkilalasamgahangggananolimitasyon.

c. Maginghalimbawasakapwa.

d. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos

na pakikipag-usap

3. Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil:

a. Nakasentrosaiyoangmgaugnayannamaaaringikinatutuwao ikinaiinis mo

b. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng


pagmamahalan

c. Nagmulaangiyongpag-iralsamagkakasunodatmakasaysayang proseso na mula sa


mga relasyong nauna sa iyong pag-iral

d. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo

4. Dahil sa ikaw ay nakaramdam ng pagkagutom, bumili ka ng tinapay sa tindahan


na malapit sa inyong tahanan nang mapansin ka ng inyong barangay tanod at
sinabing, “Nasaan ang iyong face mask? Bakit ka nasa labas ikaw ay wala pa sa
edad na may pahintulot na makalabas?” Ano ang dapat gawin sa sitwasyong ito?

a. Tumakbopauwiathuwagpansininangtanod.

b. Humingingpaumanhinsatanoddahilikawaynakaramdamnggutom

at bumili ng pagkain pagkatapos ay sabihing hindi na mauulit pang

muli ang paglabag.

c. Mangatwiransatanodatsisihinitonawalangbinibigaynaayudaang

barangay.

d. Isumbong sa magulang ang ginawa ng tanod at magreklamo.

5. Mula sa mga katuruang ito, tayo ay maraming aral na napupulot na nagsasabing


igalang ang lahat ng tao, magulang, nakatatanda pati ang taong may awtoridad.
Maliban sa:

a. Diary

b. Bibliya

c. Koran

d. Mga Tinipong Wikain ni K’ung Fu Tze

B. Development 120 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.

Pagpapaunlad
Panuto: Punan ang talaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang paraan
kung paano mo ipinakikita o ipinahahayag ang paggalang sa mga sumusunod.

Magulang

Nakatatanda

May Awtoridad (Hal. Guro, Pulis)

Ang Paggalang

Sapat ba na tayo ay magalang at sumusunod sa ating mga magulang, sa mga


nakatatanda at may mga awtoridad? Paano natin ito ipinakikita, isinasagawa at
isinasabuhay? Sa maraming pagkakataon ang pakikipagkapwa’y salat sa
paggalang na nagiging sanhi ng pag-aaway, hindi pagkakaintindihan, pananakit
paglabag sa batas at ilang mga gawaing hindi na kumikilala sa dignidad ng kapwa.
Ito ngayon ay isang malaking hamon sa kabataan para sa pagpapanatili at
pagpapatibay ng mga birtud ng paggalang at pagsunod sa mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad.
Maraming aral mula sa iba’t-ibang aklat at relihiyon ang nagtuturo ng paggalang sa
magulang, nakatatanda maging sa mga may awtoridad sa lipunan o estado. Mula
sa Bibliya, sa Koran at Mga Tinipong Wikain ni K’ung Fu Tze. Dito tayo ay maraming
napupulot at naisasabuhay.

Ang salitang “paggalang” ay mula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig


sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang
paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Ang
pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng
paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga.

Ang Pamilya Bilang Hiwaga

Kung ugnayan ang isasaalang-alang, hiwagang maituturing ang pagiging sabay na


malapit at malayo ng pamilya sa iyong pagkatao. Sinasabing ang pamilya ay
malapit sa iyo dahil sa sumusunod na patunay:

• Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo.

• Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng


pagmamahalan.

• Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo.

Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod
at makasaysayang proseso na mula sa mga relasyong nauna sa iyong pag-iral. Ang
iyong pagkilala at pakikipag-ugnayan sa iyong mga lolo at loa, mga magulang ng
iyong lolo at lola, mga tiyuhin at tiyahin at iba pag mga kamag- anak at kaangkan,
ang nagpapatunay ng pagiging malayo ng pamilya. Gayunpaman, malaki ang
impluwensiya ng iyong kaangkan sa iyong pagkatao. Hindi nga ba’t may tinaguriang
“angkan ng mga doctor o guro,” “angkan ng matatalino o masisipag’ o “lahi ng mg
palaaway o mga basagulero?” May implikasyon ito sa pagkakakilanlan sa iyong
pamilya at sa iyong pagkatao.

Ang mga kasalukuyang suliranin tulad ng kawala o humihinang pagpapahalaga sa


kabanalan, kawalan ng paggalang sa buhay at kamatayan (na nagiging dahilan
nang kayabangan, pagkukunwari, pagkabagot o kawalan ng interes o kawalan ng
pag-asa) ay ilan lamang sa mga patunay ng di-pagkilala sa halaga ng pamilya sa
paghubog ng iyong pagkatao.

Ang Pamilya Bilang Halaga

Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga kasapi nito ay naipakikita sa


pagsusumikap na gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama. Ang
karangalang tinataglay ng pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat
kilalanin ng bawat kasapi nito.

Halimbawa, lumaki ka sa isang pamilyang pinahahalagahan ang edukasyon, ang


paggalang sa pagnanais ng iyong mga magulang na makapagtapos ka ng iyong
pag-aaral ay maipakikita mo sa pamamagitan ng pagsunod mo sa kanilang bilin at
utos na mag-aral kang mabuti.

Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan nang nararapat at naaayon na uri


at antas ng komunikasyon. May marapat na antas ng komunikasyon para sa mga
bagong kakilala at sa mga mahal mo sa buhay, at di kailanman marapat ang
magsalita nang masama, magmura, o manglait ng kapwa. Mahalagang tandan ng
bawat isa ang isinasaad ng Gintong Aral: Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa ay
ginagawa mo rin sa iyong sarili.

Ang Pamilya Bilang Presensiya

Bilang presensiya, ang pamilya ang nagsisilbing proteksiyon sa mga kasapi, duyan ng
pagmamalasakit at pagmamahalan, pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan,
kalakasan, kahinaan, damdamin at halaga. Itinuturing ang pamilya na isang
tahanang nag-iingat at nagsasanggalang laban sa panganib, karahasan at
masasamang banta ng mga tao o bagay sa paligid at labas ng pamilya.

Kung ano ang nakasanayan at palaging nakikita na ginagawa ng mga kassabi ng


pamilya, lalo na ng mga magulang at nakatatanda, ay makakalakihan at
makakasanayan ng mga anak. Dahil dito, naipagpapatuloy ang mga tradisyon ng
pamilya na nakatutulong sa pag-unlad, hindi lamang ng bawat kasapi ng pamilya,
pati na rin ang pagkakabuklod-buklod ng mga henerasyon.

Paano mapipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang?

Dahil sa tahanan at sa pamilya nagsisimula ang lahat, malaking bahagi ng ating


pagkatao ang nabuo at nahubog dito. Ang ating mga magulang ang unang gabay
at hanggang ngayon ay naririyan pa rin para sa atin. Walang sinumang magulang
ang naghangad ng masama para sa kanilang mga anak, kaya’t mahalagang
maunawaan natin ang mga paalala at payo nila. Igalang at sundin ang mga ito
maging ang kanilang mga bilin.

1. Pagkilalasamgahanggananolimitasyon 2. Paggalangsakanilangmgakagamitan

3. Pagtupad sa itinakdang oras

4. Pagiging maalalahanin

5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal


Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?

Isa sa mga magagandang kultura mayroon tayo ay ang paggalang sa mga


nakatatanda. Bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga sa mga nakatatanda at
ipinakikita ang mataas na pagtingin sa kanila sa paniniwalang sila ang nagbukas ng
mga daan na tatahakin ng kabataan.

1. Sila ay arugain at pagsilbihan ng isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-


usap.

2. Hinginangkanilangpayoatpananawbilangpagkilalasakarunungangdulot ng
kanilang mayamang karanasan sa buhay.

3. Iparamdam sa kanila na sila ay nagiging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging


matiiisin at matiyaga sa maraming bagay.

4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamgitan ng


pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na
pagdiriwang.

5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa


kanila.

Paano mapapakikita ang paggalang at pagsunod sa mga taong may awtoridad?

Ngayong nahaharap tayo sa panahon ng pandemya, napakahalagang


maunawaan na igalang at sundin ang mga polisiya o batas na nais ipatupad ng
mga taong may awtoridad. Ginagampanan nila ang responsibilidad na manguna at
magpatupad ng mga panuntunan upang maproteksiyunan ang mga mamamayan
mula sa banta ng CoVid-19. Lubhang napakabigat ng kanilang mga gawain sa
panahong ito para sa ating bayan. Kaya’t tayo bilang mga mamamayan ay
magbigay ng parte para sa pagsugpo ng sakit na ito. Kinakailangang nating igalang
ang kanilang mga anunsiyo at polisiya na ipinatutupad. Gayundin dapat nating
sundin ang lahat ng ito para sa kabutihang panlahat.

1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga


taong may awtoridad.

2. Lagimongipanalanginangmgataongmayawtoridadnaikawaypamahalaan.

3. Maginghalimbawasakapwa.

4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat


sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.

Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at


pagmamahal?

Maipakikita mo ang iyong paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang,


nakatatanda at may awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang halaga. Dahil dito,
kinikilala at pinahahalagahan mo ang kanilang tungkuling hubugin, subaybayan at
paunlarin ang iyong mga magagandang ugali at mga pagpapahalaga.
Mapagtitibay mo ang mga birtud na ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng
pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Maylalang.

Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at


pagmamahal sa pamamagitan ng sumusunod na mungkahi ayon kay David Isaacs
(Character Building, 2001).

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan.

2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad, at magwasto ng

kanilang pagkakamali.

3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na

pagtulong at paglilingkod sa kanila.

4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos

at marapat na pagsasalita at pagkilos.

5. Isalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng

pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.

6. SuriingMabutiangkalagayanositwasyonngkapwaupangmakapagbigayng

angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

7. Bilangbahagingkatarungan,ibigaysakapwaangnararapatsakaniyaatang

nararapat ay ang paggalang sa kaniyang dignidad.

8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at

pagbibitiw ng masasakit na salita. Mahalaga ang aktibong pakikinig at pag-

iwas sa anumang uri ng diskriminasyon.

9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may

kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.


Sa kasalukuyang banta ng CoVid-19 sa mundo, mas kinakailangan ngayon

ang maging magalang at sumunod sa ating mga magulang, sa mga nakatatanda


at sa may mga awtoridad. Sila ang higit na mas nakaaalam ng kung ano ang
makabubuti para sa atin. Kung paiiralin natin ito nang may katarungan at
pagmamahal, mas magaan ang paglaban sa pandemyang ito. Mas may
pagkakaunawaan at pagbibigayan. Sa huli, ang hantungan naman ng
pagsasabuhay ng mga birtud na ito ay ang kabutihang panlahat.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.

1. Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng maikling kuwento tungkol sa


“Dalawang Anak” (hango sa Bibliya Mateo: 21:28-30 o tunghayan din sa
https://youtu.be/pEz1rkZj7dU).

2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Sino sa dalawang anak ang nagpakita ng tunay na pagsunod sa kanilang

ama? Ipaliwanag.

b. Ano ang maaaring maging bunga ng hindi pagsunod ng anak sa kaniyang ama?

c. Ano ang mahalagang mensahe ng kuwento?

C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Magbigay ng halimbawa sa paraan ng paggawa ng pagsunod at


Pakikipagpalihan
paggalang noon at ngayon. Maaring makipanayam ng nakatatandang kasama sa
bahay upang makakuha ng kasagutan.
Ngayon naman ay ating alamin ang iyong napuna mula sa ginawang gawain.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba:

1. Maypagkakaibabangparaanngpagsunodatpaggalangnoonatngayon? Kung oo,


bakit ito nasabi?

2. Ano ang maganda mong natutunan at natuklasan tungkol sa pagsunod at


paggalang noon at ngayon?

3. Sa iyong palagay paano mapapanatili ang paggalang at pagsunod sa


kasalukuyang henerasyon?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4.

Ibahagi ang iyong mga karanasan.

Mahalagang katanungan:

1. Bakit mahalaga sa isang anak na gaya mo ang sumunod at gumalang sa


magulang, nakatatanda o may awtoridad?

D. Assimilation PERFORMANCE TASK # 1


Paglalapat

PANUTO: Ipinakita ninyo sa pamamagitan ng painting /pagguhit sa MAPEH/ AP ang


kahalagahan ng paggawa ng may pagtutulungan at kasiyahan kasama ang
pamilya, kaklase, at kung sino pa sa pamayanan na nakakasalamuha ninyo. Bilang
pagkilala sa kanilang nagawa, gumawa o sumulat ng liham pasasalamat para sa
mga tao na nakatulong sa iyo sa panahong ito ng pandemya o naging bahagi ng
iyong buhay para maging matatag ka. Isulat ito sa isang buong papel.

Gabay na tanong sa Paggawa ng Liham

1. Naging madali ba ang pagpili ng mga taong bibigyan mong liham pasasalamat?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay gumagawa ng liham pasasalamat


para sa mga napilimong pasalamatan?

3. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng taong ginawan ng liham pasasalamat


kung mabasa nila ang iyong ginawa?

Narito ang Rubrics sa pagmamarka ng iyong Liham Pasasalamat

KRAYTIRYA SA PAGMAMARKA

KAANGKUPAN SA PAKSA – 10

KAAYUSAN NG PAGLALAHAD – 10

KABUUAN – 20

V. ASSESSMENT WRITTEN TASK # 1

(Learning Activity Sheets for


Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangugusap ay nagpapahayag ng
3 and 6) mabuting gawain ng PASASALAMAT, isulat naman ang salitang MALI kung hindi.

_________1. Simulan ang araw na magpasalamat sa Diyos at tanggapin ang pag-ibig


niya. .

_________2. Manalangin na gamitin ka ng Diyos para abutin ang iba.

_________3. Laging isipin na may paraan kang magagawa upang matulong sa iyong
kapwa.

_________4. Himukin ang iba na maging kasama mo sa pag-abot ng iyong kapwa.

_________5. Maging mapagpasalamat. Sa bawat oportunidad na makatulong


ugaliing magpasalamat.

VI. REFLECTION ● The learner communicates the explanation of their personal


assessment as indicated in the Learner’s Assessment Card.

● The learner, in their notebook, will write their personal insights about
the lesson using the prompts below.

I understand that ___________________.

I realize that ________________________.

I need to learn more about __________.

Prepared by: Lorivie Vanezza A. Almariento Checked by: Bernadette C. Notario

You might also like