Epp 4 Ulat q2 Week 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE CITY
LOMBOY ELEMENTARY SCHOOL

UNIFIED LEARNING ASSESSMENT TOOL in

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4


Quarter: ___2___ Week: ___4___
Pangalan:_______________________ Nakuha:_____________
Pangkat:________________________ Petsa:______________

I. Piliin ang titik ng wastong sagot.


___________1. Anong kagamitan ang ginagamit sa pangangalaga ng mga halaman
upang mapanatili ang mga ito at hindi malanta?
A. asarol C. dulos
B. itak D. regadera
__________2. Bakit isinasang-alang ang paglalagay ng Abono sa lupang tatamnan?
A. Upang mamatay ang mga insekto o peste sa halaman
B. Upang maging sapat ang sustansiyang taglay ng lupa na kailangan ng mga
halaman gamit ang mga ugat nito.
C. Hindi na kinakailangan ng paglalagay ng abono sa lupang pagtatamnan
sapagkat sapat na ang pagdidilig ng halaman sa araw-araw.
D. Wala sa nabanggit.
__________3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong
pangangalaga ng mga tanim?
A. Diligan ang mga pananim araw-araw kung kinakailangan
B. Buhusan ng maraming tubig ang tanim oras-oras
C. Ibilad ng direkta sa araw ang mga tanim buong araw
D. Hintaying lumago ang mga halaman habang pinanunuod ang mga ito.
___________4. Ginagamit ito sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
Mahusay rin itong gamitin sa paglilipat ng punla.
A.asarol C. dulos
B.itak D. regadera
__________5. Ito’y ginagamit sa pagputol sa mga sa sanga at puno ng malalaking
halaman
A. asarol C. dulos
B. itak D. regadera
_________6. Ito ay isang uri ng pamamaraan ng paglagay ng abono na kung saan
ikinakalat ang pataba sa ibabaw ng lupa.
A. Side-dressing method C. Foliar application method
B. Broadcasting method D. Ring method
_________7. Ito ay isang uri ng pamamaraan ng paglagay ng abono na kung saan
Humuhukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang isang
pulgada mula sa puno o tangkay.
A. Side-dressing method C. Foliar application method
B. Broadcasting method D. Ring method
_________8.Anong uri ng pamamaraan ng paglagay ng abona na ginagawa sa
pamamagitan ng pagdilig at pag-iispray?
A. Side-dressing method C. Foliar application method
B. Broadcasting method D. Ring method
________9. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa lupa bago
itanim ang halaman.
A. Side-dressing method C. Foliar application method
B. Broadcasting method D. Ring method
_________10. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin kapag ikaw ay
naatasang mangalaga ng mga tanim?
A. Bubungkalin ko ang lupa sa paligid ng aking tanim ng may pag-iingat upang
hindi mapinsala ang mga ugat nito.
B. Didiligin ko ang tanim sa bahay araw-araw kung kinakailangan.
C. Lalagyan ko ng abono ang mga tanim.
D. Lahat ng nabanggit.

II. Performance Task 11-15


Isulat at iguhit sa papel ang mga kagamitan at paraan ng paggamit nito, gayundin
ang mga kagamitan na mayroon kayo sa bahay.

You might also like