Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School (Grade 11)
1ST SEMESTER S.Y. 2020-2021

Module 10: Ang Wika, Internet, at Social Media

Inihanda ni: ROGEN L. BAAY, LPT

1|Pahina
Ang Wika, Internet, at Social Media

Layunin:

Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-


iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood;
Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.

Introduksyon:

Nalaman na natin sa mga nakaraang aralin na malaki ang gampanin ng wika sa


ating lipunan nalaman at natutunan natin kung ano ang kaugnayan ng wika at
media. Ngayon naman sa ating aralin ay matutunan at malalaman natin ang mga
impluwensiya ng Internet at social media sa lipunan at pakikipag-ugnayan.
Halina’t sabay-sabay nating alamin!

2|Pahina
Nalaman natin na mahalaga ang naitutulong ng mass media sa ating lipunan dahil
tumutulong ito upang mabilis na maipalaganap ang mga balita. Ngunit ngayon na tayo’y
ay nasa rurok ng teknolohiya, maraming mga makabagong kagamitan na ginagamitan ng
internet. Ano nga ba ang internet at ano ang naging epekto nito sa ating wika?
Ang Internet ay nagmula sa dalawang salita na inter at networking na batay sa
pagpapakahulugan ng TheFreeDictionary.com (2015) ay kilala rin bilang malawakang
daluyan ng impormasyon. Dahil nga sinasabing ang internet ay isang malawakang daluyan
ng impormasyon ay walang iisang textbook o libro ang makatatapat dito.
Alam naman natin na ang mundo ay humaharap sa pandemya at dahil dito ang pag-
aaral ng mga mag-aaral na natigil. Ginawa ito para sa kapakanan ng mga mag-aaral at
kapanatagan ng loob ng mga magulang. Isang malaking hamon ito sa ating gobyerno,
kinakailangang nilang mag-isip ng mga paraan kung paano nila matutugunan ang
problemang ito. Ayon sa Department of Education (DepEd), ang kagawaran ay handa
sa ganitong mga sitwasyon, dahil matagal na itong programa ng kagawaran. Matagal ng
pinatutupad ang tinatawag na Distance Learning. Dito ay muling pumapasok ang internet.
Maraming mga platform ang nagawa na, tulad ng Integrated Virtual Learning
Environment (IVLE), ng bansang Singapore, Sakai Collaboration & Learning Environtment
o kaya’y Google Classroom. Gayundin ang Facebook, Google, at Yahoo upang tumulong
sa gawaing pampaaralan sa bisa o tulong ng internet. Gaya nga ng aking nabanggit tayo
ay nasa rurok ng modernong teknolohiya at kung kaya’t napabibilis nito ang pagkuha ng
ga impormasyon at mga kaalaman.
Narito ang halimbawa ng mga tala tungkol sa internet. Halina’t ating basahin.
Batay sa Pananaliksik na ginawa ng Internet Society (2015) noong 2012
mula sa 10,000 kataong sumagot sa sarbey na galing sa 20 bansa sa buong mundo,
masasabing:
➢ 98 porsyento ang nagsasabing napakahalaga ng internet para magkaroon
sila ng daan sa kaalaman at edukasyon
➢ 96 porsyento ang nagsasabing gumagamit sila ng internet kahit isang beses
sa isang araw.
➢ 90 porsyento ang gumagamit ng social media
Isinalin sa Filipino mula sa internet society.org (2015)

Nalaman na natin ang mga porsyento ng mga taong gumagamit ng internet.


Alamin naman natin ang mga kinahihiligang bisitahin ng mga netizen o mga
gumagamit ng internet.
➢ Mga social network at blog – 22.5 porsyento (%)
➢ Mga larong online – 9.8 %

3|Pahina
➢ E-mail – 7.6 %
➢ Mga portal – 4.5 %
➢ Mga video/movie – 4.4 %
➢ Search – 4%
➢ Instant messaging – 3.3 %
➢ Mga gumagawa ng software – 3.2 %
➢ Classified/auction – 2.9 %
➢ Mga kasalukuyang pangyayari at balitang pandaigdig – 2.6 %
➢ Iba pa – 35.1 %
Mula sa State of the Media: The Social Media Report, Q3 2012, Nielsen

Nalaman natin ang mga kinahihiligang bisitahin ng mga netizen o mga gumagamit
ng internet. Isa sa mga ito ang social network at blog na mayroong 22.5 na porsyento.
Ano nga ba ang blog? Ang Blog ay mayroong dalawang depinisyon. Una, isa itong
pangngalan na tumutukoy sa isang website na maituturing naman na isang blog dahil sa
tema at mga nilalaman nito tulad ng mga teksto, litrato, video, link, o kung ano mang
naisin ng isang Blogger. Blogger ang tawag sa tao o grupo ng taong nangangalaga,
nagpapatakbo, at nagsimula ng isang blog. Pangalawa, bilang isang pandiwa, tumutukoy
ito sa pagkilos o aksiyon ng paggawa o pagsusulat ng isang post na siyang ilalagay at
magiging laman ng iyong blog (pangngalan).
Lahat ng tao ay pinapayuhang manatili sa bahay upang maiwasan ang maghawaan,
lalo na ang mga kabataan, kaya naman hindi na mapigilan pa ang paglago ng blogging.
Blogosphere, iyan ang tawag sa komunidad o mundo ng mga blogger. Sa pagdami ng
mga blogger ay nararapat lamang na malaman natin ang iba’t ibang uri ng blog.
Mga uri ng Blog
Fashion Blog – Isa ito sa mga pinakasikat na uri ng blog. Ang tema nito ay
naglalaman ng mga damit o kung ano ang mga usong kasuotan sa mundo ng
fashion o pananamit. Isa sa mga kilalang blogger sa fashion blog ay si Ms. Heart
Evangelista.
Personal Blog – Marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang
buhay sa mundo ng internet. Halimbawa nito ang Team Payamansion na
kinabibilangan ng mga kilalang blogger. Ang kanilang blog ay karaniwang tungkol
sa mga personal na pangyayari sa kanilang buhay. Sa katunayan ay maraming mga
kabataan ang nahuhumaling na sila ay panoorin.
News Blog – Ang layunin ng blog na ito ay magbahagi ng mga bagong balita sa
mga mambabasa. Ang Time ay isa sa mga mapagkakatiwalaang blogger sa
ganitong uri ng blog dahil sa kanilang magasin.
Humor Blog – Ang tema ng blog na ito ay ang magpatawa o magbigay-aliw sa
mga mambabasa.

4|Pahina
Photo Blog – Ang blog na ito ay naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga
typograhies. Naging malaki ang parte ng photo blog sa mga buhay ng kabataan.
Food Blog – Ang layunin ng blog na ito ay magbahagi ng mga pagkain, mga resipi,
paraan ng pagluluto. Maaari din ibahagi sa blog na ito ang iba’t ibang pagkain na
makikita sa iba’t ibang panig ng mundo.
Vlog – Ito ay pinagsamang dalawang salita video at blog. Ang nilalaman ng blog
na ito ay mga video ng paglalakbaym eksperimento, o personal na gawain ng
blogger.
Educational Blog – Malaki ang naitutulong ng blog na ito sapagkat naipapaliwanag
nito sa mga mag-aaral ang mga araling di nila nauwaan sa paaralan.
Nalaman natin na ang malaking naitutulong ng internet at social media sa
pagpapalaganap ng mga impormasyon sa lipunan. Kaakibat nito ang pagsaalang-alang sa
paggamit ng ating wika. Subukan ang iyong sarili at sagutin ang mga katanungang may
kaugnayan sa aralin.

A. Panuto: Pumili ng isang uri ng blog at magbigay ng halimbawa nito. Suriin ang
blog gamit ang mga gabay na tanong. Ilagay ang halimbawa ng blog sa ibaba.
Gabay na tanong:
1. Nagagamit ba sa blog ang mga tungkulin ng wika?
2. Nagagamit ba ang wika ng tama?
3. Ano ang kaugnayan ng blog sa blogger? bakit niya napili ang gaanong uri ng
blog?
4. Masasabi mo bang, malaki ang naitulong ng blog na iyong napili sa pagbabahagi
ng mga impormasyon?

Pangwakas na Gawin
A. Panuto: Manonood ng isang pelikula na tumatalakay sa lipunan at suriin ito.
Gamitin ang espasyo sa ibaba.
Halimbawa:
- Buy Bust mula sa VIVA Films at Reality Entertainment sa direksyon ni
Erik Matti (2018)
- El Presidente mula sa VIVA Communications Inc. sa sulat at direksyon
ni Mark Meily (2012)

5|Pahina
Gabay na tanong:
1. Ibahagi ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa pelikula.
o Pamagat
o Direktor
o Pangunahing Tauhan
o Tagpuan
o Sinematograpiya
o Buod ng kwento (Simula, gitna, at wakas)
2. Nagagamit ba sa pelikulang napanood ang mga tungkulin ng wika?
3. Nagagamit ba ang wika ng tama?
4. Binigyan ba ng manunulat ng pagpapahalaga ang wika? Ipaliwanag.
5. Sa iyong palagay, malaki ba ang naitulong ng pelikulang iyong napili sa
pagbabahagi ng mga impormasyon?
6. Ibahagi ang mga natutunan mo sa napanood na pelikula.

B. Panuto: Gamit ang cellphone ay kukuhaan ng video ang sarili habang pinaliliwanag
ang mga dahilan, anyo, at pamamaraan sa paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.
Kung wala kang kagamitan upang ito ay gawin isulat na lamang ito sa hiwalay na papel.

Reperensya:

Nuncio, R. V. et.al (2016). SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. C&E Publishing, Inc.:839 EDSA, South Triangle, Quezon City
Bernales, R.A. et.al (2016).Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya
Publishing House Inc.:Malabon City
Millenial Change: Komunikasyon: Ang hibla ng nakaraan at ngayon by
“JhazzieDolor” (2017)
(https://becadoremafrapam.wordpress.com/2017/09/24/komunikasyon-ang-hibla-
ng-nakaraan-at-ngayon/amp/)

6|Pahina

You might also like