Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Panahon ng pagsilang ng bagong Kalayaan

Ang Panitikan sa Panahon ng Bagong Kalayaan (simula 1946) Sulyap sa


nakaraan nagbunyi at nagdiwang ang mga Pilipino nang matapos ang digmaan
noong 1945. Ang matagal na inaasam na pagkahango sa kalupitan ng mga
hapones ay natupad na rin. Ang iniwang kapinsalaan sa buong kapuluan, tulad
ng mga nawasak na gusali, mga paaralan, tulay, at lansangang-bayan ay
nangangailangan ng pagsasaayos. Ang Pilipinas naman ay natulungan sa
panahong ito ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng mga pagkain, mga
pangunahing kagamitan, at ilang milyong dolyar upang makabangon kahit paano
sa bumagsak na kabuhayan. May mga nagsagawa ng kahilingan na pasukan ng
pagbabago ang Saligang-Batas ang Pilipinas na binibigyang-karapatan ang mga
mamamayang Amerikano sa ating mga likas na kayamanan. Walang magawa
ang mahigpit na pagtutol nina Claro M. Recto at Jose P. Laurel, sapagkat ang
mamamayan ay sumang-ayon na rin dahilan sa mahigpit na pangangailangan ng
naghihirap na bansa. Ang kalayaan ng Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas
Tydings-McDuffe noong Hunyo 4, 1946, ngunit nasasabong walang ganap na
kalayaan dahil sa kahirapan ng bayan, at kakulangan ng wastong pagpaplano
para sa pagpapanibagong tatag na bansa.

Sa pangunguna ng Estados Unidos sa mga kaunlarang pambansa, ay


nanguna rin ang kanilang wika na itinuturing nang wikang pandaigdig.
Nagkaroon ng wikang opisyal - Tagalog, Ingles, at Kastila, at ito ay nang matamo
ang republika noong taong 1946. Noong Liberasyon (1945) hanggang sa
pagsapit ng 1950, nawala’t lumitaw ang mga babasahing Tagalog gaya ng
Sinagtala, Malaya, at Kayumanggi., sa ilalim ng pamamatnugotnina Clodualdo
del Mundo, Teodoro Agoncillo, at Alejandro Abadilla. Ang Ang Maikling
Kwentong Tagalog 1886-1948(1949) na pinamatnugutan ni Teodoro Agoncillo.

(Jayrald Olieza, Jamuel Elanga)


Panahon ng Bagong Lipunan

Dahil sa lalong sumasamang kalagayang pangkabuhayan at pampulitika,


malimit na mga demonstrasyon ng mga estudyante’t manggagawa, at
sumisidhing mga kaguluhang maaaring samantalahin ng mga komunista upang
ibagsak ang demokratikong republika ng Pilipinas, ipinahayag ni Pangulong
Ferdinand Marcos ang pagpapairal ng Batas Militar .

Marami ang naligalig at nasindak sa pag-aakalang hindi na maiiwasan ang


pagdanak ng dugo. Napatuon ang Pilipinas ang mata ng daigdig at buong
pannabik na minatyagan kung kailang at kung hanggang saan
maipagtatagumpay ang ganitong uri ng pamahalaan.

1. Nobela

Kung ang paksa ang pag-uusapan, masasabing nagbalik sa


romantisismo ang karamihan sa mga nobelang lumabas sa Liwayway sa
panahong ito. Karamihan ay nasa pamantayang komersiyal, lalo na iyong
isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang isapelikula.

2. Maikling Kwento

Naging paksain ang mga simulain ng Bagong Lipunan, gaya ng mga


tauhang nasasakal na sa magugol at mausok na lungsod, kahirapan ng
pagkakatoon ng maraming anak, mga pang-araw-araw na pangyayaring
kapupulutan ng aral. Nagpatuloy ito sa pagyabong bagamat marahil ay
mangangailangan pa ng panibagong pagbibigay- sigla upang an gating mga
manunulat ay magsikap makalikha ng mgaikling kuwento hindi masasamang
maimulat pagkatapos itabi ang magasing kinababasahan niyaon.
3. Ang Dula at Dulaan

Inuri ni Nicanor Tionson ang sula sa dalawa.: Una, ang dulang palabas
na siyang karaniwang tawag sa iba’t ibang dilang Pilipino, ma impluwensya man
ng Kastila gaya ng mga bodabil at Stage  show. Ganito ang itinaguri niya sa mga
dulang ang panunahing layunin ay magdulot ng aliw. Ang mga ito raw ay
eksapista sa kalikasan at sa mga sandali ng panonood ay nakapagpapalimot ng
mga suliranin. Ang inuri naman niyang paloob ay iyong “sumasalamin sa lipunan
at sa pakikisangkot ng tao sa lipunang iyon.”

Sa pagpasok ng panahon ng Bagong Lipunan ay nabigyang- sigla ang


mga pagsasadula. Nagpatuloy ang napasimulan nang mga pagsasalin sa
Pilipino ng mga klasikong opera. Nagkaroon din ng mga pinagsanib na dula, awit
at sayaw na nagtatampok ng mga kautubong  atin.

4. Ang Tula

Katulad ng iba pang naunang panitikan, ang tula ay kinakailangan ding


makisunod sa uri ng panahon. Ang ilang makata ay bumalik sa mga paksang
ligtas talakayin, gaya ng pag-ibig, bihay at kalikasan. Ang iba naman ay
nagpatuloy sa mga higit na malalim na kaisipan ngunit maingat na ikinubli sa
mga simbolismo at iba pang pamamaraan ang mga tunay na saloobin. Sa ano’t
ano man, ang panulaan sa panahong ito ay may malawak na nasasaklawang
mga magagamit na paksang- diwa at ang pinagkakatalunan na lamang ay ang
pamamaraan at lalim ng pagtalakay na magagawa ng makata sa kabila ng
umiiral na paghihigpit.
5. Panulaan

Pinakapayak man na anyo ng pahayag, ang mga tulang naisulat mula


1986 hanggang sa kasalukuyan ay nakapaglalarawan ng kabuuang sistema ng
panahong kinapapalooban.

6. Maikling Kuwento

Nasa antas pa lamang ng panibagong pagpapakilala at pagpapaunlad


ang wikang Filipino noong mga unang taon ng dekada ’80. Kaakibat ng
pagpapayaman at pagpapalawak ng talasalitaan ng ngayo’y isinabatas na
wikang pambansa ang pag-aangkat ng salitang bayaga bagamat ipinananatili
ang tradisyunal na pagbaybay. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, Malaya
ang daloy ng wika sa mga kuwento at walang mariing pagtutol sa mga akdang
nasusulat sa Taglish (Tagalog-English). 

7. Dula at Dulaan

Ang dulaan marahil ang pinakamasigla nitong mga nakaraang


taon.Patunay rito ang kabi- kabila at sunod-sunod na pagtatanghal sa mga
paaralan at tanghalan sa buong bansa.

8. Sanaysay

Marami sa mga nagwaging sanaysay mula 1986 hanggang sa


kasalukuyan ay pagsusuri sa mga akda ng mga kilala kundi man higanteng
persona sa larangan ng panitikan.   

(Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).)


Panahon ng Kasalukuyan

Ang Pilipinas ay mayroon na talagang Panitikan, at ito ay nagmula sa sari-

saring mga lipon o pangkat ng mga tao na dumating sa ating kapuluan. At ito ay

ang mga Negrit, mga Indones, at mga Malay. Ito ay nagpapatunay na mayroon ng

sistema ng pagsulat at pagsasalita ang bawat Pilipino, ngunit karamihan ng mga

naisulat ng mga Pilipino ay sinunog ng mga kastila.

May mga uri na ng Panitikan noon kung kaya’t ang ating bansa ay

masasabi nating may mga sariling Panitikan at hindi lamang nagmula sa mga

dayuhan.

Napakahalaga ng Panitikan sa ating Bayan sapagkat sa pamamgitan nito

natin malalaman kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno at sa

pamamagitan din nito natin sila nakilala. Higit sa lahat, bilang mga nagmamahal

sa sariling kultura ay kailangan natin maipamalas ang pamamalasakit sa ating

Panitikan. At upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa

pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.

Sa kasalukuyan ay mayaman pa rin tayo sa mga talentong Pampanitikan

ngunit may mababakas nang pagbabago sa panahon natin ngayin na pawang

mga teknolohiya ang mga pinaka mabisang gamit. At ang mga pagbabagong ito

ay madarama na rin sa ilang mga tula, awiting Pilipino, sa mga pahayagan, sa

mga sanaysay at talumpati, at maging sa mga programa sa Telebisyon.

Mas tutok na ang mga kabataan ngayon sa social media gaya ng FB,

Twitter, Blog, IG, Tumbl’r Youtube, E-mail, at iba pa. Kaya naman ang mga libro,
dyaryo, magazine at iba pang klase ng limpak na babasahin ay madalang ng

nagagamit at nababasa dahil na din sa mabilisang pagbabago na idinulot nito sa

ating buhay, at lipunan ng teknolohiya, kaya naman ito ay mas lumawak pa sa

ating henerasyon.

Iba’t ibang paksain sa iba’t ibang anyo ng Panitikan ang patuloy na

lumalago. Ito ay dahil sa higit na naging malawak ang karanasan ng mga Pilipino

bunga ng maraming pangyayari sa ating bansa. Mababatid na sumasabay ang

Panitikan sa modernisasyon ng mundo sa pabago-bagong aspekto ng

teknolohiya at internet. Ang modernisasyon na ito ang nagluwal sa makabagong

anyo sa pamamaraan ng pagtula, pagkukwento at iba pang anyo ng Panitikan.

Dahil dito naging isang kasangkapan ang Panitikan upang masalamin ang

kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maintidihan ito

ng mga susunod na henerasyon.

Upang ang Panitikan ay lalong mapalago ay dapat huwag tanggalin ang

paksang pang Panitikan dahil ito mahalaga para sa ating lahat, lalo na sa mga

mag-aaral ng kolehiyo. Mas napapalawak nito ang kaisipan tungkol sa ating

lipunan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang maraming Pilipino.

Malaki ang naitutulong nito sa ating lipunan, kaya ito ay dapat nating ipagmalaki

at paunlarin at ang paksang Panitikan ay pang- sariling atin pa rin.

(Vargascarlamae)

You might also like