Professional Documents
Culture Documents
Iskrip Sa Filipino
Iskrip Sa Filipino
(NOLI ME TANGERE)
Kabanata 42:
Narrator: Patakbong nanaog si Kapitang Tiyago at Tiya Isabel nang marinig ang
pagtigil ng sasakyan sa harap ng bahay. Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña,
ang asawa nito na si Doktora Donya Victorina de los Reyes de Espadaña, at Linares.
Narrator: Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at
sinamahan ni Kapitang Tiyago ang mga panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang
sila’y nagmiminindal ay dumating si Padre Salvi at si Linares ay ipinakilala na
kakabit ang lahat ng titulo.
Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig
mo ba, pinsan?Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don
Santiago, na ang aming pinsang ito ay kaibigan ng mga duke at ministro sa Madrid at
malimit kumain sa bahay ng Conde del Campanario.
Linares: Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala
para sa kanya. Siya sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y
naparito.
Donya Victorina: Tiburcio, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang
asawa ko’y hindi gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y nasa Madrid pa.
Narrator: Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka
nagtanong ng ilan, kasabay ang pag-iling ng ulo.
Don Tiburcio: Ma...may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas,
jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglos.
Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya namin
ay gamutin ka. Ipakikilala kita sa aming pinsan.
Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha)
Narrator: Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa
namalas niyang anyo ni Padre Damaso.Siya’y lumabas, at ibinulalas niya ang kanyang
damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre Damaso nang ito’y matiwasay na
at ipinakilala si Linares.Iniabot ng binata ang liham, ngunit siya’y minasdan ni Padre
Damaso mula ulo hanggang paa. Ang liham ay binasa na tila hindi naunawaan.
Padre Damaso: A.......! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares)
May liham siya sa akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa
isinisilang nang ako’y umalis sa Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay
Linares.Nakalimutan ang kalungkutan)
Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae... A!!! bibigyan kita ng
isang babae. Oo, isang babae.
Narrator: Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang
humaliling paroo’t parito na nag-iisip.
Kabanata 45: Ang Mga Pinag-uusig
Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan
tayo ni Senor Ibarra. Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na
malapit sa kanya.
Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat
ng mga mayayaman ay walang inatupag kundi ang magpayaman pa.
Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito.
Kung maisasagawa ito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo.
Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang
kanilang mga sariling sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol.
Elias: Apat na araw mula ngayon, magpadala ka ng isang taong makipagkikita sa akin
sa baybayin ng San Diego. Sasabihin ko sa kanya ang mga makukuha kay Señor
Ibarra. Kung pumayag si Señor ay makukuha natin ang hustisya! Kung hindi naman ay
siguradong ako ang unang malalagas sa himagsikang ito.
Kapitan Basilio: Kapitan Tiago, Naibalita po sa akin ni Sinang kagabi na si Ma. Clara
po daw ay pabuti na ng pabuti.
Kapitan Tiago: Kaunti po. Alam kong kayo’y nanalo. Ngayon ay titingnan ko kung ako’y
makakabawi.
Lucas: (Napakamot sa ulo) Ang perang ito ay hindi sa kin, Bruno. Ito ay ipinagkaloob ni
Ibarra sa mga taong handang tumulong sa kanya. Ngunit natitiyak kong hindi kayo
katulad ng inyong ama.
Bruno: Tinatanggap namin. Pagkat di naman magkaiba ang mamatay sa baril at bitay.
Tarsilo: Ang isang maralitang tulad namin ay wala ng iba pang kinauukulan.
Bruno: Tama ang sinabi mo Tarsilo ngunit dapat mong isipin ang ating kapatid na
babae.
Bruno: Bakit hindi mo ba narinig? Ang bulik ni Kapitan Basilio at lasak ni Kapitan
Tiago?
Tarsilo: Nakahanda ka na ba?
Bruno: Ako kanina pa. ngunit paano ang ating kapatid na babae?
Tarsilo: Hindi ba’t ang kwalta ay kay Don Crisostomo Ibarra? Hindi ba’t si Ibarra ang
laging kasa-kasama ng Kapitan Heneral? Ano ngayon ang ipinangangamba natin?
Lucas: (habang ibinibigay ang kwalta sa magkapatid) Bukas ay dadating ang mga may
dala ng sandata ni Crisostomo Ibarra. Sa ganap na ika-walo ng gabi ay magtungo kayo
sa libingan at doo’y sasabihin ko sa inyo ang huling pasya. Mayroon pa kayong
panahon upang humanap ng inyong makakasama.
Doña Victorina: Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay dito? Kailangan ngang
maging Indio. Mga walang pinag-aralan at maipagmalaki pa. Biruin mo,
nakakasalubong natin ay di man lamang nagpupugay. Paluin mo nga ng sombrero
Tiburcio at turuan ng urbanidad.
Doña Victorina: (kay Doña Consolacion) Ngayon, ano ang nangyayari sa inyo Doña?
Bakit ba ako’y tinitingnan ninyo ng ganyan? Naiinggit ba kayo sa akin?
Doña Consolacion: Ako? Naiinggit sa iyo? Oo nga, naiinggit ako sa inyong kulot na
buhok.
Doña Victorina: (tatabigin ang asawa) Bayaan mong turuan ko ito ng magandang asal.
Doña Victorina: Kilalanin ninyo ang inyong kausap. Huwag ninyong ibilang na ako’y
taga lalawigan! Sa aming bahay sa Maynila ay hindi nakakapasok ang mga alperes;
sukat na sila’y mag-antay sa pinto.
Doña Consolacion: Aba! Escelentisima Señora Puput! Hindi nakakapasok ang mga
alperes, ang nakakapasok ay ang mga pilantod!
Doña Victorina: (mang iinsulto) Hoy Doña Consolacion! Ako’y nakukutayang makipag-
usap sa inyo, ang mga taong mararangal. Gusto niyo bang labhan ang damit ko?
Kayo’y babayaran ko ng mahal. Para naming hindi ko alam na kayo’y isang labandera!
Doña Consolacion: Akala mo ba’y hindi ko alam kung sino kayo at kung sino ang
inyong kasama? Nasabi na yata iyan ng aking asawa!
Doña Victorina: Ngayon din ay luluwas tayo sa Maynila at haharap sa Kapitan Heneral!
Pagkat ikaw ay hindi isang lalaki! Sayang ang pantalon mong isinusuot!
Doña Victorina: Dapat mo siyang hamunin ng rebolber o sable! (titingnan ng Doña ang
pustiso ng asawa at bigla itong hinablot sa bibig ng asawa)
Doña Victorina: (Kay Linares) Pinsan, hamunin mo ngayon din ang alperes ng duwelo.
Maglaban kayo sa pamamagitan ng rebolber.
Doña Victorina: Basta! Hamunin mo siya sa isang paglalaban ngayon din! At kung
hindi ay ipagtatapat ko sa lahat dito kung sino ka!
Doña Victorina: Akalain mo! Tayo’y hinahamak ng alperes at ipinahayag kung sino ka!
At itong si Tiburcio, pinabayaang siya’y maalipusta! Parang di lalaki! Ngayon din ay
luluwas kami ng Maynila! Ikaw Linares ay maiiwan upang hamunin mo sa
pakikipaglaban ang alperes. Kapag hindi mo ito nagawa, ipagtatapat ko kay Don
Santiago na kasinungalingan ang lahat ng mga pinagsasabi mo sa kanya.
Linares: Ngunit Doña Victorina, maghunos dili kayo. Huwag ninyong ipaalala sa akin
yan.
C. Ibarra: Hindi po ako naniniwala sa isang marahas na lunas na ating ginagamit kapag
gusto nilang mapagaling ang sakit.
Elias: Sa ngayon, ang ating lupain ay isang lipunang may maluwatang sakit, at upang
magamot ang pamahalaan ay nangangailangan ng mga paraang marahas ngunit
kapaki-pakinabang.
Itinuturing ko pong masamang manggagamot ang isang walang sinisikap kung hindi
sugpuin at lapatan ng lunas ang tanda ng mga sakit, Hindi po kaya dapat ay palakasin
ang katawang may-sakit at bawasan ang karahasan ng gamot?
C. Ibarra: Ginugulo ninyo ang isipan ko. Ipalalagay ko na kayo’y may katwiran. Subalit
alamin ninyo ang isang bagay at ito’y huwag ninyong daramdamin, sapagkat kayo’y
itatanggi ko at ituturing na kataliwasan. Tingnan ninyo kung sino ang humihingi ng mga
pagbabago. Halos lahat ay mga salarin.
Elias: Sila’y mga salairin, sapagkat ang kanilang katahimikan ay kanilang binabagabag.
Elias: Ang pamamalakad ng mga prayle. Ang sawimpalad ay humihingi ng lalo pang
malaking tangkilik laban sa mga prayle. Laban sa ang- aapi sa kanila, ginoo.
Elias: Nung tayo’y nasakop ng mga misyonero, ano ang nangyari sa lupaing ito?
Elias: Opo, dahil ito ang paniniwala ng lahat ng tao sa Pilipinas. Hindi ko po akalaing
magkakaroon kayo ng ganyang napakaabang palagay ukol sa pamahalaan at bayan.
Isang bayang sumusunod pagkat dinaraya, at isang pamahalaan na kaya nakapag-
uutos ay dahil na rin sa pandaraya. Pinasasalamatan ko po ang inyong kagandahang-
loob. Saan ko po kayo ihahatid?
C. Ibarra: Huwag po. Kailangang magpatuloy tayo ng pagtatalo upang malaman kung
sino ang may katwiran.
C. Ibarra: Opo kaibigan, alam kong kayo’y nagtitiis dahil kayo’y sawimpalad, at dahil
dito’y madilim ang inyong nakikita sa hinaharap.
Elias: Pero ang kasawian ko po ay may ibang pinagbubuhatan. Kung alam kong ito’y
magbibigay ng kaunting katuturan ay isasalaysay ko sa inyo.
C. Ibarra: Siguro magbabago ang aking pag- aakala kapag nabatid ko ang nasabing
kasawian. Tandaan ninyo, ako’y nag- aalinlangang maniwala sa mga likhang- isip
pagkat lalo akong nananalig sa mga nangyayari.
Linares: (puno ng pag-aaalala) (sasabihin nya sa sarili) Paano kung murahin ako ng
alperes at kagalitan? Kung matagpuan ko ang kanyang asawa, sino ang papatol na
maging padrino ko? Ang kura? Si Kapitan Tiago? Sumpain ang mga ipinakinig ko sa
kanyang mga payo. Hindi ba siya ang nag-utos sa aking maghambog, magsabi ng
kabulaanan, maglangis upang makapagsamantala! Ngayon ano ang sasabihin sa akin
ni Clarita? Ngayon ko lubusang nararamdaman kung gaano kabigat ang pagsasabi ko
na ako’y kalihim ng lahat ng kagawad-bansa!
Padre Salvi: Ginoong Linares, nag-iisa yata kayo. Nasaan si Don Santiago?
Padre Salvi: Mayroon akong mabuting balita sa inyong lahat. Ako ay tumanggap ng
sulat sa Maynila, na nagpapatotoo sa bagay na ibinalita sa akin ni Ibarra kahapon.
Kung gayon Don Santiago, ang sagabal ay nawala na.
PATLANG SANDALI
Padre Salvi: Ngayon ay aking napagtanto na si Ibarra ay isang binatang nakalulugod.
Noon una, ang totoo ay hindi maganda ang naging palagay ko sa kanya. Siya’y may
kapusukan, ngunit siya ay marunong namang mag-ayos ng kanyang pagkukulang.
Siya’y hindi maaaring kapootan kung hindi lamang kay Padre Damaso. (titingin kay Ma.
Clara na noon ay nakikinig sa usapan pero hindi halata)
Padre Salvi: (nakatingin pa rin kay Ma. Clara ) Opo, si Padre Damaso ay nagsabi na
hindi niya papayagan dahil sa ninong siya sa binyag ni Ma. Clara. Datapuwat iniiisip
kong maayos ang lahat kung si Ginoong Ibarra ay hihingi ng patawad sa kanya.
Padre Salvi: Kung magkakagayon ay bahala na si Maria Clara. Tutal, si Padre Damaso
ay kanyang kopesor, palagay ko’y magkakaunawaan sila.
Sinang: Ewan ko. Pero ang sabi niya, limutin mo na siya. Iyak nga ng iyak pagkat ang
nais ni Kapitan Tiago ay pakasal na siya sa binatang iyon, maging si Padre Damaso ay
ganoon din ang payo. Ngunit sila ay hindi sinasagot ng oo o hindi. Kaninang umaga, ay
nagtanong kami ukol sa iyo, at kami’y sinagot na baka nangingibig na sa ibang dalaga.
At pagkatapos ay sumagot sa akin “mano naman” at saka umiyak.
Sinang: Mahirap siguro yan, ngunit wag kang mag-alala at aking sasabihin.
Sinang: Bukas! Magsadya ka ng maaga sa bahay. Kahit kailan ay ayaw mag-isa ni Ma.
Clara kaya’t siya’y aming sinasamahan.
AALIS SI IBARA
Ikalawang Anino: Hindi, pero natitiyak kong kasama natin siya. Nailigtas na minsan ni
Don Crisostomo ang kanyang buhay.
Ikatlong Anino: Dahil nga riyan kaya ako pumayag. Ipinadala ni Don Crisostomo sa
Maynila ang aking asawa upang maipagamot sa mga dalubhasang doktor. Ako ang
sasalakay sa kumbento upang makapaghiganti sa mga walang hiyang kura!
Ikalawang Anino: Kami naman ang lulusob sa kwartel, upang patunayan sa mga sibil
na ang aming ama’y may mga anak na lalaki!
Ika-apat na Anino: (habang nakatago, sasabihin niya sa sarili) Aabangan ko kung sino
ang sumusunod sa akin.
Ikalimang Anino: Ako yata’t nahuli ng dating. Pero siguro’y magbabalik din sila
(sisilong siya kunwari at di sinasadyang mapupunta at mapapatabi siya sa inagtatagian
ng ika-apat na anino)
Ika-apat na Anino: Inaantay kong tumugtog ang ika-walo ng gabi upang makipaglaro
ng baraha sa mga patay. Ibig kong manalo ngayong gabi. Kayo, ano ang sadya ninyo
rito?
Pilosopo Tasyo: Ang totoo ay hindi ko alam kung dapat ko kayong batiin sa
pagkakatanggap sa inyong pagbibitiw sa katungkulan. Kayo ay nakikipagtunggali sa
mga guwardiya sibil na di naman nararapat.
Don Filipo: Opo, ngunit ang Kapitan Heneral ang nagkanulo. Ayon sa alam ninyo,
kinabukasan nga ng umaga ay pinawalan ng Kapitan ang mga sibil na aking nahuli.
Kung walang kapahintulutan sa aking puno ay wala akong magagawa.
Pilosopo Tasyo: Kayo, na nag-iisa ay wala nga, ngunit kung kakatigan ng lahat, ay
marami kayong magagawa. Sana’y sinamantala ninyo ang pagkakataon upang
mabigyang halimbawa ang ibang bayan.
Don Filipo: Ano po ang magagawa ko laban sa kinatawan ng mga matatakutin? Malaki
ang magagawa ni Ibarra sapagkat siya’y naniniwala sa karamihan. Inaakala ba ninyong
siya’y naniniwala sa “excommunion”.
Pilosopo Tasyo: Tayo yata ay nalalayo. Hindi ba ang dapat nating pag-usapan ay may
kaugnayan sa pag-unlad ng Pilipinas? Tayo ngayon ay pumapasok sa panahon ng
pakikipaglaban. Lalo’t higit sa lahat ay kayong mga kalaban, dahil kaming mga
matatanda, kumbaga sa araw ay malapit. Pero, ako’y nalulungkot.
“Ang ating mga kabataan ngayon ay walang inisip kundi ang manligaw at magsaya.
Lalong maraming panahon ang ginugugol nila sa paglugso sa puri ng isang babae
kaysa sa paggawa ng mga bagay na kahiya-hiya. Ang mga babae naman ay malaki pa
ang inilalagi sa simbahan at kanilang nakakalimutan na sila ay may tahanan at
pamumuhay na dapat sinupin. Kaya tuloy, ang masasamang halimbawa nila ay nakikita
ng mga musmos pa at maasahan lamang na gagayahin kapag nagkaisip. Ikatutuwa
kong mamatay ngayon!
Alperes: Padre Kura! Ako’y talagang papunta sa inyo dahil sa inyong kambing. Hindi ko
na maitutulot sirain sa tuwi-tuwina ang aking bakod kaya pag nagbalik ay babarilin ko.
Alperes: Huwag na ninyo akong alalahanin sa mga bagay na iyan! Baka mamaya ay
kagaya na naman iyan ng dalawang magkapatid na bata.
Padre Salvi: Kapag ako’y ganitong nagkukulang sa aking tungkulin ay may mabigat
akong dahilan.
Padre Salvi: Natuklasan ko ang isang malaking pag-aalsang magaganap. Isa pong
kakila-kilabot na paghihimagsik ang sisiklab ngayong gabi.
Samantala si Elias…
C. Ibarra: (Hindi pansin ang pagkabalisa ni Elias) Tingnan ninyo. Ako’y nakagawa ng
isang pagkakatuklas; ang kawayang ito ay hindi nasusunog.
Elias: Ginoo, hindi pagsubok sa kawayan ang dapat nating pag-usapan. Ang kailangan
po ang pagtitipo at pagliligpit, tumakas kayo agad! Sunugin ninyo ang lahat ng
maaaring makapaganyaya sa inyo at sa loob ng isang oras kailangang makaraitng kayo
sa isang lugar na ligtas sa panganib.
Elias: Sinupon ninyo ang lahat ng kasulatang isinulat ninyo o ipinadala sa inyo.
C. Ibarra: Bakit po?
Elias: Sapagkat katatapos ko lamang pong matuklasan ang isang gagawing pag-aalsa.
Kayo ang pinagbibintangang namumuno sa pag-aalsang ito upang kayo’y mapalungi.
Elias: Hindi ko na po nakuhang siyasatin ang pangalan ng may balak mag-alsa. Hindi
pa po nagtatagal na ako’y nakipag-usap sa isa sa mga sawimpalad na sadyang
binayaran upang isagawa ang pag-aalsa at wala akong nagawa upang sila’y pigilan.
Elias: Opo, matapos akong pilitin na ilihim ko ang bagay na ito ay ipinagtapat na kayo
raw ang nagbayad.
Elias: Ginoo, wag na kayong mag-alinlangan pa. Huwag na nating aksayahin ang
panahon, pagkat ang pag-aalsa ay maaaring magsiklab sa araw na ito.
Elias: Kayo ang magsuplong sa pag-aalsa? Ipalalagay kayong taksil ng mga nagsilusob
at duwag naman sa paningin ng iba.
Elias: Sinabi ko sa inyo. Sirain ang lahat ng kasulatang may kinalaman sa inyong
pagkatao. Tumakas kayo at maghintay sa mga pangyayari.
Elias: Gayon man, ilaganman lang ninyo ang dagok, Humanda kayo sa gagawin
sakaling kayo’y maparatangan nila.
C. Ibarra: Kung gayon ay tulungan ninyo ako kaibigan. Diyan sa mga karpetang iyan
natatago ang mga sulat ng aking pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama.
Basahin ninyo ang mga lagda.
Elias: (nanginginig ang tinig, hawak hawak ang isang papel) Nakilala ba ng pamilya
ninyo si Don Pedro Eibarramendia?
Elias: (Namutla at nabago ang anyo) Inyong nuno sa tuhod si Don Pedro
Eibarramendia?
C. Ibarra: (Parng walang anuman) Opo, Pinaikli namin agn apelyido pagkat siya’y
mahaba. Pero ano ang nangyayari sa inyo?
(Nawalan ng bait si Elias, kumuha ng sandata, ngunit kanya rin itong binitiawan,
tiningnan si Ibarra at patakbong nilisan ang bahay)
Maya maya ay nakarinig ng 3 malalakas na putok. Dumating ang mga guwardiya sibil.
Natigilan si Ibarra, lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binuksan niya
ang pinto at pumasok ang mga guwardiya sibil at hinuhuli si C. Ibarra
C. Ibarra: Bakit?
Sarhento: Kung gayo’y nangangako kang hindi ka tatakas. Hindi namin kayo
gagapusin. Ito’y kaluwagang ipinagkakaloob ng alperes. Ngunit kung kayo’y tatakas…
Hermana Pute: Sus! Ang akala mo’y isang misa de grasya, isang kastilyo.
Hermana Rufa: Maraming putok, sabi nila mga pangkat daw ni Matandang Pablo.
Hermana Pute: Ang balita ay ang kwadrilyero na kalaban ng mga sibil at iyon ang
dahilan kung bakit hinuli si Don Filipo. Sinasabing may labing apat na patay.
At nagsimula na ring maglabasan ang iba pang mga tao sa lansangan. At nagsimula ng
maglabasan ang samut saring balita.
Tao: Tinangka daw kasi ni Ibarra na itakas si Ma. Clara kaya ipinagtanggol ni Kapitan
Tiago ang dalaga sa tulong ng mga guwariya sibil.
Samantala isang utusang babae ang nagsabi na nakita niya sa looban ng isang
kapitbahay ang bangkay ni Lucas na nakabitin sa sanga ng isang punong santol.
Isang lalaking kaawa-awa: (umiiyak ng parang bata) Kaawaan po ninyo ako ginoo,
maawa po kayo sa akin. (sisigaw) Hindi na po ako muling papasok sa patio!
Alperes: Isang luko-luko ito (sabi sa kura). Ginusto niyang tumakas kaya siya
nasugatan sa pigi. Ang dalawang ito ang tanging buhay sa nadakip.
Alperes: Ano ang ipinangako sa iyo ni Crisostomo Ibarra para lusubin ang kwartel?
Alperes: Huwag kayong magkaila. Dahil diya’y tinangka ninyong mabigla kami.
Tarsilo: Namamali kayo. Pinatay ninyo sa palo ang aming ama kaya naghihiganti kami.
Yun lang. Ngayon ay patayin na ninyo ako at wala kayong malalaman sa akin.
Alperes: Dalhin ninyo ang taong iyan sa kinalalagyan ng mga bangkay. (Utos ng
alperes sa mga sibil)
Alperes: Mabuti kung gayon! Hala tingnan natin. Ano ang ngalan mo?
Alperes: Ang apelyido mo? Anong salita ang idadagdag mo sa iyong pangalang
Andong?
Andong: Wala po
Alperes: Ang itinatanong ko sa iyo ay kung sino ang nag-utos sa iyong mag-alsa?
Andong: Ang akin pong biyenan ay pinakain ako ng bulok at tira-tirahang pagkain.
Humilab po aking tiyan. Pumunta po ako sa patio na kalapit ng kwartel. Ako’y
“nagkuwan” at ng matapos akong “magkuwan” ay nakarinig ako ng maraming putok ng
baril.
Aling Doray: Ano pa ang kabuluhang mabuhay siya kung mawawalan ng isang amang
makapag-papaaral sa kanya.
Isang Babae: Sa lahat ng ito, ang totoong may sala ay si Don Crisostomo Ibarra.
Nasa paligid din sina Kapitana Tinay, ang guro, Nol Juan (Nagluluksa pagkat
ipinalalagay niya na namatay na si Ibarra)
Mga Tao: (sumigaw nang Makita si Ibarra) Iyan ang may sala! Iyan ang may sala! Bakit
hindi siya nakagapos?
Aling Doray: (umiiyak) Ano ang nagawa sa inyo ng aking asawa at aking anak?
Tingnan ninyo ang kawawa kong anak. Inalisan niyo siya ng ama.
Narrator: Nag-uusap sina Tiya Isabel at Kapitan Tiago ng biglang dumating ang mga
Espadaña.
Dona Victorina: Wag mo nag ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan
at..”Narrator: Nakita ng Doña na paparating si Ma. Clara
Doña Victorina: Clarita, iha. Ikaw talaga ang dinadalaw namin. Mabuti naman at nakita
kita.Kaya kami nagpunta rito ay upang mapag-usapan na ang mga hindi natapos na
pag-uusap noon.
Dona: O siya Tiago, dapat nang matuloy ang kasalan ni Ma. Clara at ng aking pinsan.
(Tumingin si kapitan tiago kay tiya Isabel)
Kapitan Tiago: Ipagsabi mong magdaraaos tayo ng isang piyesta. (napangiti ang
Donya sa narinig)
Kura: Ako’y wala nang gagawin dito kayat minarapat kong maglagi sa Maynila.
Alperes: Ako man ay aalis na rin sa bayang ito upang pamunuan ang isang pangkat na
magyayao’t parito sa iba’t ibang lalawigan para puksain ang rebelyon at pag-aalsa.
Alperes: Kung si Crisostomo Ibarra ang iyong tinutukoy, sa paniniwala ko’y dapat
siyang bitayin gaya ng mgasalarin noong himagsikan sa taong 1872.
Tenyente: Ang sa aki’y dapat siyang ipatapon. Masyado syang nanalig sa kanyang
iniharap na kasulatan. Kung ang mga tagausig ay hindi nagbigay ng ibang pakahulugan
sa mga kasulatan at ebidensyang iniharap niya, naniniwala ako na maaring
mapawalang sala si Crisostomo Ibarra.
Lalaki1: Malamang ay natakot ang babaeng binigyan at kusang isinuko ang sulat sa
mga tagausig.
Ma.Clara: Crisostomo!
Ibarra: Ako nga. Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman
ang aking maging kapalaran. Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon
bagama’t ikaw ay hindi tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na kita.
Ma.Clara: Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan
ko sa gitna ng aking karamdaman ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong
ama ay hindi ko tunay na ama. Hindi ako maaaring magpakasal sa iyo sapagkat
ibubunyag ang lihim na iyan. Matutuklasan ang naging kataksilan ng aking ina at
masisira ang dangal ng kinikilala kong ama.
Ma.Clara: Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay
sa akin ng taong nakakabatid ng aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin.
Totoong pinagtaksilan kita. Ngunit alang-alang sa alaala ng aking ina, napilitan akong
ipagpalit ang sulat mo nang hindi ko nalalaman kung saan nila iyon gagamitin. Wala
akong maaring gawin kundi ang magtiis upang patuloy na maitago ang lihim ng aking
pagkatao. Kailangan kong makipag-isang dibdib upang hindi maibunyag ang aking
lihim. Ngayon, magagawa mo pa kaya akong libakin?
Clara: Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Minahal at inalagaan
niya ako kahit hindi niya tungkulin kaya’t bilang ganti ay kailangang sundin ko siya.
Ngunit hindi ko malilimot ang naging sumpaan natin.
Clara: Madilim ang hinaharap. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako
umibig at hindi na ito maaangkin ninuman. Ano ang mangyayari sa iyo?
Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.
Elias: Hindo ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay.
Elias: Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang
ibayong hirap ay baka dumating ang araw na itakwil ninyo ng sariling bayan.
Ibarra: Hindi totoo ‘yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan.
Elias: Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat
wala pa kayong dinaranas na paghihirap. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang
hirap, gutom at pag-uusig, naniniwala akong itatakwil ninyo ang bayang ito. Humingi
ako ng tulong sa inyo para sa mga sawimpalad, ngunit hindi ninyo ako pinakinggan. Sila
ang inyong pinanigan. Ngayon ay tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway.
Ibarra: May katwiran ka, Elias. Ako’y taong umaayon sa takbo ng panahon. Malinaw na
sa akin ang lahat ngayon na ang ating bayan ay may nabubulok na sakit na kailangan
ng panlunas. Isang kanser ng lipunan na kailangang gamutin at sugpuin. Akong
nagtatanggol sa bayan ay isa na ngayong pilibustero. Tatlong daan taong silang
nagpasasa sa atin habang tayo’y naging sunud-sunuran sa kanilang pang-alipusta.
Nagyaon ay halos nawawalan na tayo ng pagasa...nawawalan na tayo ng pananalig sa
Diyos. Wala nang natitira kundi hingin natin ang ating karapatan at lakas.
Ibarra: Kung ganoon ay gagawin ko itong mag-isa, Elias. Hindi ako papayag na
matapos akong maging matapat sa bayan at naghangad ng kagalingan ay ito ang
igaganti sa akin. Kailangang mailantad ko sa bayan ang kaapihang ito kung hindi’y
walang kabuluhan ang paghahangad ng kalayaan. Maaari ba ninyo akong ihatid sa
bundok?
Elias: Andito na po tayo sa Sta. Ana.Ito ang lugar kung saan ginugol ko ang maraming
masasayang araw. Ang lahat ng alaalang iyon ay hindi na maibabalik pa.
Elias: Crisostomo, mahuhuli tayo. (Mas mabilis na ang pagbangka ni Elias) Kayo na
ang mamangka sapagkat tatalon ako. Lulundag ako sa tubig para ako ang kanilang
tugisin..ililigaw ko sila.
Elias: Hindi tayo magtatagumpay. wala tayong sandata. (Isang punglo ang humaging
sa tubig.Sinundan pa iyon ng isa pang putok.)
Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito
ako para masaksihan ang kasal mo. (Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May
sakit ka na naman ba, anak? Bakit namumutla ka? [Walang imik si Maria Clara]
Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin
kung ano ang nangyayari sa’yo.
Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan
ninyo ang aking ama para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto
kung lumaban, umasa at manalig. Ibig kong mabuhay para marining kahit paano ang
mga bagay tungkol sa kanya pero ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at
magtitiis?
Padre Damaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig
ko lang mabigyan ka ng mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita.
Maria Clara: Mahal mo pala ako, kung gano’y ako’y wag mong hayaang malungkot
habambuhay. Patay na siya. Ibig ko na ring mamatay o maging madre.
Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay
na misteryong nakakubli sa mga pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na
kita mapangangalagaan, pati ng kaligayahan mo. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang
binata kahit sino man sya.. huwag lang ang kumbento..
Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak
ko! (sigaw ni Padre Damaso) Ayokong mamatay ka... magmamadre ka! Diyos ko!
Talagang narito ka nga nagpaparusa ka. (umalis nang malungkot)
Basilio: Gantihan po sana kayo ng Diyos sa inyong kabutihang loob. Ngayong Pasko
po ay gusto ko sanang umuwi para makita ang aking ina at kapatid.
Matanda: Hindi ka pa lubusang magaling at lubhang may kalayuan ang inyong bayan.
Mahihirapan ka pang makauwi sa inyo.
Basilio: Tiyak na naghihintay ang kalooban ng aking ina sa paghahanap sa akin. Kayo
po ay maraming anak subalit kami’y dadalawa lamang na magkapatid. Babalik po ako
dito at ipagsasama ko ang aking kapatid. *Mabilis na umalis si Basilio bagama’t may tali
sa paa at paika-ika kung maglakad] [SAN DIEGO]
Elias: Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man
lang. Hindi magtatagal at mamamatay rin ako. Sunugin mo ang amingbangkay ng iyong
ina. Kung walang darating na sinuman, hukayin mo ang mga gintong ibinaon ko. Ariin
mo iyonat gamitin mo sa pag-aaral. Mamatay akong hindi ko man lamang nasilayan ang
ningning ng bukang liwayway ng aking Inang bayan. Kayong mapapalad na
makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa dilim
ng gabi.