Professional Documents
Culture Documents
Kwarter 2 Aralin 2 PDF
Kwarter 2 Aralin 2 PDF
Filipino
Kwarter 2- Aralin 2
Saloobin at Damdamin
Ipahayag Mo!
Filipino – JHS Baitang 10
Aralin 2: Damdamin at Saloobin, Ipahayag mo!
Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.
Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing
nasa loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-
kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang
natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!
ii
Saloobin at Damdamin
Ipahayag mo!
P animula
L ayunin
T alasalitaan
May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit
mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakayan
tungkol sa ating paksa
1
Ambisyon – pangarap sa buhay
Damdamin – kilos o gawi resultang emosyon mula sa binasang akda
Heneral – opisyal na may mataas na ranggo
Kastilyo – gusaling tirahan ng maharlika
Kultura – pinaghalong tradisyon, paniniwala at pamumuhay na
kinasanayan na ng mga tao sa isang komunidad
Saloobin – positibo o negatibong kaisipang nabuo mula sa akda
Tradisyon – kaugalian o dktrina na nagpasalin-salin mula sa
mula sa magulang tungo sa mga anak o naging kinagawiang
paraan ng pag-iisip o pagkilos
P animulang
agsubok
Bago tayo magsimula ng ating aralin. Subukin mo munang paglakbayin ang
iyong kaisipan sa pamamagitan ng pagsubok na ito. Panuto:Magbigay ng iyong
saloobin at damdamin tungkol sa bansang Scotland batay sa sumusunod na aspekto.
Gamitin ang grapikong presentasyon.
Scotland
2
Binabati kita!
Alam mo ba na….
ang dula ay isang uri ng panitikan? Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Gaya ng ibang
panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinanghal ay hango sa totoong buhay maliban na
lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
3
Alam mo rin ba?
Ang Macbeth ay itinuring na isa sa pinakamahusay na trahedya at isa rin sa
pinakapopular sa mga dulang isinulat ni William Shakespeare kung ang dalas o bilang ng
pagtatanghal ang pag-uusapan. Ito rin ang pinakamaikli sa mga dulang sinulat niya na halos
kalahati lang ang haba ng isa pa niyang dulang Hamlet, Sinasabing nabuo niya ito sa
pamamagitan ng mga taong 1603 hanggang 1607.
May mga pamahiing iniuugnay sa dula na kilala ng mga artista sa teatro bilang “curse
of Macbeth.” Maraming kuwento ng kababalaghan ang iniuugnay rito. Isa sa mga kwento ang
tungkol daw sa biglang pagkamatay ng batang lalaking gumaganap bilang Lady Macbeth sa
araw ng unang pagtatanghal ng dula. Marami pang ibang kuwento tulad ng pagkakagamit daw
ng totoong patalim sa halip na di totoong patalim na naging sanhi ng pagkamatay ng tauhan.
May mga ginagawa ang mga artista upang makaiwas sa kamalasang dala raw ng dula sa mga
nagtatanghal nito. Isa na rito ang hindi nila pagbanggit nang malakas sa pamagat ng dula kapag
sila’y nasa loob ng tanghalan maliban na lang sa aktuwal na pagsasadula. Sa halip, tinatawag
nila itong “The Scottish Play” o “That Play.” Ang remedyo raw kapag aksidenteng nabanggit
ang pamagat ng dula ang paglabas muna ng taong nakagawa nito, pag-ikot ng tatlong beses,
pagdudura, at pagmumura nang malakas.
Gayunpaman, ang isang paliwanag kung bakit may mga nasasaktan sa pagsasadula nito ay
dahil sa napakaraming eksenang may pisikal na labanan sa Macbeth. Hindi tuloy maiwasang
may masaktan at kapag ang kuwentong ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao,
nagiging bahagi na ito ng “curse of Macbeth.”
Saggunian:
“The Story of Macbeth”.http://www.macbethonbroadway.com/Macbeth-synopsis.html.(accessed
October 14, 2014)
SparkNotes Editors.”SparkNote on Macbeth.”SparkNotes LLC.2002.
https://www.sparknotes.com/shakespeare/macbeth/(accessed October,2014).
Para lubusan mong maunawaan kung ano ang dula at malaman mo ang totoong misteryong
bumabalot sa dula “Macbeth” basahin at intindihin ang buod ng akda.
Macbeth (Buod ng Dula)
ni William Shakespeare
(Isang malayang Salin)
4
magkaibigan na nangyari nga ang unang bahagi ng hula. Nang tanungin ni Macbeth si Banquo
kung umaasa ba siyang sa lahi niya magmumula ang magiging tagapagmana, ipinagkibit-
balikat lang niya ito at sinabing ang demonyo minsan ay nagsasaad ng kalahating
katotohanan upang maakit ang taong gumagawa ng makakasama sa sarili. Hindi ito pinansin
ni Macbeth na nag-iisip kung magkakatotoo nga kayang siya’y magiging hari at kung basta
na lang ba ito ibibigay sa kanya o matutupad ito sa pamamagitan ng paggawa niya nang hindi
mabuti.
Nang magkita sina Haring Duncan at ang dalawang heneral ay nagpasalamat
nang labis ang hari sa kanilang kabayanihan at inihayag na ang gusto niyang maging
tagapagmana ng trono ay ang kanyang anak na si Malcolm. Sinabi rin ng hari na gusto niyang
maghapunan at magpalipas ng gabi sa kastilyo ni Macbeth. Sumulat si Macbeth sa kanyang
asawang si Lady Macbeth upang ipaalam ang planong pagdalaw ng hari gayundin ang mga
sinabi sa kanya ng tatlong manghuhula.
Nang mabasa ni Lady Macbeth ang liham ng asawa tungkol sa inihayag ng
tatlong manghuhula ay labis niyang inasam na mapunta ang trono sa kanyang asawa at ang
naiisip lang niyan ay paraan ay ang pagpatay ni Macbeth sa hari habang ito’y nasa kabilang
kastilyo. Pinag-isipan ni Macbeth ang kagustuhan ng asawa subalit hindi niya maatim gawin
dahil napakabuti ng hari at wala siyang dahilan para patayin ito maliban sa kanyang ambisyon
subalit ikinagalit ito nang labis ni Lady Macbeth. Pinagsabihan siyang duwag at kinuwestiyon
ang kanyang pagkalalaki. Hinikayat siya nito sa pamamagitan ng isang plano; paiinumin niya
ng alak ang dalawang bantay ng hari para makatulog. Pagkatapos ay sasaksakin ni Macbeth
ang natutulog na hari at ang dugo’y ipapahid sa dalawang guwardiya upang sila ang
mapagbintangan. Nakumbinsi si Macbeth at kinagabiha’y isinagawa niya ang karumal-dumal
na pagpatay sa mabuting hari.
Kinabukasan, nadiskubre ni Macduff, isa pang maginoong pinagkakatiwalaan
ng hari ang kanyang bangkay. Ang krimen ay ibinintang ng mag-asawang Macbeth sa
dalawang guwardiya. Sinabi ni Macbeth na napatay rin niya ang dalawa dahil sa matinding
galit niya sa ginawa nilang pagpaslang sa hari. Hindi makapaniwala si Macduff na kayang
patayin ng guwardiya si Haring Duncan at siya’y nagsimulang magsuspetsa. Sa pagkamatay
ng hari, si Macbeth ang hinirang na hari ng iba pang maharlika. Ang dalawang anak ng haring
sina Malcolm at Donalbain ay agad tumakas dahil sa takot para sa kanilang kaligtasan. Alam
nilang kung sino man ang pumatay sa kanilang ama ay gugustuhin ding isunod sila. Si
Malcolm ay nagtungo sa England at si Donalbain ay nagtungo sa Ireland.
Bagama’t naging hari na ay hindi pa rin nawala sa isipan ni Macbeth ang sinabi
ng tatlong manghuhula na ang magiging tagapagmana ng kaharian ay magmumula sa lahi ni
Banquo. Inimbita nilang mag-asawa si Banquo sa pagtitipong gagawin sa kanilang palasyo
kinagabihan. Ang hindi alam ni Banquo ay kumausap na pala si Macbeth ng dalawang
mamatay-tao upang ipapatay siya at ang anak niyang si Fleance. Kinagabihan, may ikatlong
mamamatay taong ipinadala upang makatulong sa dalawang kinausap ni Macbeth. At nang
patungo na nga sa palasyo ang mag-ama ay inabangan at isinugod sila ng mamamatay-tao
subalit si Banquo lang ang napatay nakatakas si Fleance. Sa pagtitipong inihanda ni Macbeth
para sa lahat ng maharlika sa Scotland ay nagpakita sa kanya ang multo ni Banquo. Labis na
natakot at nataranta si Macbeth na ikinagulat ng kanyang mga panauhin. Sinikap ni Lady
Macbeth na ayusin ang sitwasyon subalit ang pangyayari’y nakasira hindi lang sa marangyang
pagtitipon kundi sa paningin din ng mga maharlikang bisita para sa kanilang bagong hari.
Binalikan ni Macbeth ang tatlong manghuhula at inilahad ang sumusunod na
hula para sa kanya: Kailangan niyang mag-ingat kay Macduff; na hindi siya kailanman
mapapatay ng sinumang ‘’iniluwal ng isang babae’’; at magiging ligtas siya hangga’t hindi niya
5
nakikita ang gubat ng Birnam Wood ay hindi naman puwedeng gumagalaw at magpunta sa
Dunsinane.
Ang hindi alam ni Macbeth ay tumakas pala si Macduff upang pumanig kay
Malcolm. Sinubok muna ni Malcolm ang katapatan ni Macduff bago niya ito tinanggap. Nang
malaman ni Mcbeth ang ginawang pagpanig ni Macduff kay Malcolm ay agad niyang ipinay-
utos na kubkubin ang kastilyo nito at ipapatay ang asawang si Lady Macduff at ang kanilang
anak.
Galit nagalit at labis na nagdalamhati si Macduff nang makarating sa kanya
ang ginawa ni Macbeth sa kanyang pamilya at sumumpang ipaghihiganti ang nangyari sa
kanila. Bumalik sila Malcolm sa Scotland kasama ang sampung libong sundalong ipinahiram
ni Haring Edward para labanan ang hukbo ni Macbeth. Suportado sila ng mga maharlikang
Scottish na tumutol na rin sa mapaniil na pamumuno at malupit na pagpatay ni Macbeth
maging sa mga inosente.
Sa kabilang dako, si Lady Macbeth ay unti-unti nang inuusig ng kanyang
konsensiya, Siya’y naglalakad sa kanyang pagtulog at ipinagpipilitang may dugo ang kanyang
mga kamay na hindi kayang hugasan ng tubig.Bago dumating ang mga kalaban ni Macbeth
ay nakarating sa kanya ang balitang nagpakamatay ang kanyang asawa. Ikinabagabag niya
ang balitang ito subalit lalo pa niyang pinalakas ang puwersa sa Dunsinane at inisip na dahil
sinabi ng mga manghuhula ay hindi siya matatalo. Gayunpama’y labis siyang natakot nang
malamang ang hukbo nina Malcolm at Macduff ay paparating na at may dalang pinutol na
sanga mula sa kagubatan ng Birnan Wood upang maikubli ang tunay nilang bilang. Nangyari
na isa-isa ang mga hula.
Nakipaglaban nang buong giting si Mcbeth subalit malakas ang hukbo mula
sa England. Unti-unting natalo ang kanyang hukbo at magkaharap sila ni Macduff ay sinabi
nitong hindi siya iniluwal ng kanyang ina kundi mula sa sinapupunan ng kanyang ina, siya’y
tinanggal upang mailabas (ito ang kilala natin ngayong CS o panganganak sa pamamagitan
ng cesarean section) kahit alam na niyang matatalo siya ay ipinagpatuloy pa rin ni Macbeth
ang pakikipaglaban hanggang sa mapatay siya ni Macduff. Si Malcolm, anak ni Haring Duncan
ang itinanghal na hari ng Scotland.
Yehey! Masaya akong malaman na pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa
aralin ay naging malinaw sa iyo ang konsepto.
Ipagpatuloy mo pa.
6
P agsasanay 1
7
P agsasanay 2
Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa akda. Pagkatapos, isulat ang saloobin at damdamin
nito sa iyo. Gayahin ang kasunod na pormat sa papel.
Pangyayari sa
akda
Bisa
Pangkaisipan/ Damdamin
Saloobin
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang
gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.
8
P agsasanay 3
• Uri ng Pamahalaan
• Kalagayan sa buhay
ng nakakarami sa
mamayan
• Tawag sa
mamamayan
• Tirahan ng mga
pinuno
• Iba pang kultura at
kaugalian ng
dalawang bansang
nabanggit
☺
9
P angwakas na
agsubok
Tulad ng kultura ng ibang bansa, ang kulturang Pilipino ay makulay at mayaman din.
Panuto: Pumili ng isa sa mga kultura at tradisyon nating ipinagmamalaki at sa tingin
mo’y naiiba sa kultura ng ibang lahi. Isulat mo sa mga linya sa ibaba ang
kultura nating ito gayundin ang iyong damdamin o saloobin kaugnay
nito.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________________________
K aragdagang
G awain
G
Ang ganda ng aralin natin.
10
Magaling ang ipinakita mong sipag upang matutuhan at maunawaan ang gawain
sa modyul na ito. At upang subukin pa kung talagang naunawaan mo ang
mahalagang konsepto na dapat mong matamo. Sagutin ang kasunod na
mahalagang tanong.
Werpa di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!
11
12
Panimulang Pagsubok
Relihiyon
Kristiyanismo
Protestantismo
Islam
Judaismo,
iba pang karagdagang sagot
Panitikan/Musika
- Mga sulatin na nasa wikang Eskoses o Gelikong Eskosis -Pagpapahalga
sa tradisyunal na musika na may impluwensiya ng Ingles at Ilander,
iba pa..
Kultura /Tradisyon
o Kulturang Ekosis –pagpapahalaga sa legal na Sistema
o Tradisyunal na pananamit( Highland Dress)
o May mahusay na tradisyon ng mga pagdiriwang at
iba pa..
Mga Tao
Pag-uugali – masayahin,mapoporma sa pananamit, mababait, outgoing na mga
tao
Pamumuhay –mahilig sa kasiyahan, mapagpahalaga sa trabaho
Pananaw –pagpapahalaga sa pakikipag-ugnayan sa lipunan
at iba pa…
Pagsasanay 1
Subhetibo ang sagot
Pagsasanay 2
Subhetibo ang sagot
Pagsasanay 3
Paghahambing base sa Bansang Tagpuan ng Bansang Pilipinas
Dula(Scotland)
Pinuno ng Estado Hari ( maharlika) Presidente
Uri ng Pamahalaan Parlamentaryo Demokratiko
Tawag sa mamamayan Scottish Pilipino
Tirahan ng mga pinuno Kastilyo Palasyo
Iba pang kultura at kaugalian Obhetibo ang sagot Obhetibo ang sagot
ng dalawang bansang
nabanggit
Pangwakas na Pagsubok
Subhetibo ang sagot
Karagdagang Gawain
Subhetibo ang sagot
agwawasto P
usi sa
anggunian
https://www.slideshare.net
https://philnews.ph>2020
https://uclaliwanag atdilim2013
13
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa: