Ang Alamat NG Bundok Arayat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Alamat ng Bundok Arayat 

(Sinukuan)

Nabasa ko ang kwentong ito sa isang librong Kapampangan sa silid-aklatan ng Pampanga


Agricultural College. Nais ko itong ibahagi sa mga estudyanteng naghahanap ng mga alamat tungkol
sa Sinukuan.

Sabi sa libro, noong unang panahon, ang orihinal na kilalagyan ng Mt. Arayat ay wala sa bayan ng
Arayat kundi nasa bayan ng Candaba. Itinayo ni Sinukuan, ang hari ng Arayat and bundok para sa
mga mamamayan ng Pampanga lalo na para sa mga taga Candaba. Subalit dahil hindi naging
maganda ang pag-uugali ng mga tao noon doonay nagalit si Sinukuan at inilipat ang bundok sa
bayan ng Arayat kung saan narooon ito ngayon. Ang dating kinalalagyan ng bundok sa bayan ng
Candaba ay naging isang malalim na hukay kung kaya ito ngayon ang tinatawag na Candaba
Swamp.

Pinaganda at pinatibay ni Sinukuan ang bundok Arayat upang magpakitang gilas sa kanyang iniirog
na si Maria Makiling. Iniibig din ni Makiling si Sinukuan kung kaya ang isa pa niyang manliligaw na si
Pinatubo ay galit na galit sa kanila.

Isang araw, habang namamasyal sina Sinukuan at Maria Makiling ay binato ni Pinatibo ang matayog
na bundok ng Arayat (kung kaya’t ang hugis ng Mt. Arayat ngayon ay tila napingas ang tuktok nito).
Nasira ang pinakatuktok na bahagi ng bundok. Nang dumating si Sinukuan sa kaniyang bayan ay
nagalit siya sa kaniyang nakita, kung kaya’t dali-dali siyang sumugod kay Pinatubo at ginulo ang at
sinira niya ang napakataas na bundok nito.
Kaya ngayon kung inyong makikita, ang bundok ng Pinatubo ay isang napakahabang hilera ng mga
bundok at hindi kagaya ng ibang bundok na nag iisa lang

Kasaysayan

Ang Bundok ng Arayat ay isang natutulog na bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Ito ay may
taas na 1026 metro, 3,715.28 ektarya, o 3,366 talampakan. Walang naitalang bagay ukol sa huling
pagputok ng naturang bulkan at ang huling pagputok nito ay tiyak na nangyari noong panahon ng
Holocene. 2,000 taon ang nakalipas na pumutok ito. Ang bulkang ito ay isang stratovolcano. Makikita
ito sa 15.20 degrees Hilaga at 120.742 degrees Kanluran.

Ang naturang bulkan ay makikita sa patag na munisipalidad ng Arayat, Pampanga. Patungong


kanluran ay ang Lungsod ng Angeles na may layong sampung milya at ang Clark Air Base. Ang
Bulkang Pinatubo ay may layo pang higit sampung milya.

Ang pagputok ng Bundok Arayat ay nagresulta sa bunganga nito na parang White Rock sa
amphitheatre. Ito ay naging puntahan ng mga turista at mga naglalakbay-aral na estudyante sa
Pampanga. Sinasabing ang pagputok ng bundok ng Araya tang dahilan ng pagbabago ng daloy ng
Pampanga River. Sinasabing ito ay dating nasa kanlurang bahagi na ngayon ay nasa silangang
bahagi na dumadaloy. Ang mga bato sa bulkang ito ay basalt at andesite. Ang mga batong ito ay
0.53 at 0.65 million taong gulang na. Ang basalt ay isang karaniwang volcanic rock na nabubuo sa
mabilis na paglamig ng lupa.

Ang Alamat ng Bundok Arayat (Sinukuan)


Noong unang panahon, ang orihinal na kilalagyan ng Mt. Arayat ay wala sa bayan ng Arayat kundi
nasa bayan ng Candaba. Itinayo ni Sinukuan, ang hari ng Arayat and bundok para sa mga
mamamayan ng Pampanga lalo na para sa mga taga Candaba. Subalit dahil hindi naging maganda
ang pag-uugali ng mga tao noon doonay nagalit si Sinukuan at inilipat ang bundok sa bayan ng
Arayat kung saan narooon ito ngayon. Ang dating kinalalagyan ng bundok sa bayan ng Candaba ay
naging isang malalim na hukay kung kaya ito ngayon ang tinatawag na Candaba Swamp.

Pinaganda at pinatibay ni Sinukuan ang bundok Arayat upang magpakitang gilas sa kanyang iniirog
na si Maria Makiling. Iniibig din ni Makiling si Sinukuan kung kaya ang isa pa niyang manliligaw na si
Pinatubo ay galit na galit sa kanila.

Isang araw, habang namamasyal sina Sinukuan at Maria Makiling ay binato ni Pinatibo ang matayog
na bundok ng Arayat (kung kaya’t ang hugis ng Mt. Arayat ngayon ay tila napingas ang tuktok nito).
Nasira ang pinakatuktok na bahagi ng bundok. Nang dumating si Sinukuan sa kaniyang bayan ay
nagalit siya sa kaniyang nakita, kung kaya’t dali-dali siyang sumugod kay Pinatubo at ginulo ang at
sinira niya ang napakataas na bundok nito.

Kaya ngayon kung inyong makikita, ang bundok ng Pinatubo ay isang napakahabang hilera ng mga
bundok at hindi kagaya ng ibang bundok na nag iisa lang.

You might also like