Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

1

Aralin Mga Natatanging PILIPINO,


1 Hinahangaan Ko

MELC 6. Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa


pamamagitan ( EsP6PPP-IIIc-d-35)
6.1 ng pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay
6.2 pagkukwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan
6.3 pagtutulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay ng
mga Pilipino

Mga Inaasahan

 Mapatutunayan ang kahusayan at kasipagan ng mga Pilipino.


 Matutukoy ang mga pagkakatulad ng katangian ng mga matagumpay na mga
Pilipino.
 Matitiyak kung anong tulong ang kailangan upang maging isang Pilipino na
maipagmamalaki ng bansa.

Paunang Pagsubok

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Sinong natatanging Pilipino ang kilala sa larangan ng larong boksing na
tinaguriang Pambansang Kamao?
a. Onyok Velasco b. Manny Pacquiao c. Nonito Donaire
2. Sinong natatanging Pilipino ang kilala sa pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa
paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining?
a. Fernando C. Amorsolo b. Cecile Licad c. Freddie Aguilar
3. Siya ay isang natatanging Pilipinong kilala sa larangan ng musika. Nakalikha ng
mahigit sa apat na libong awitin at may kakayahang tumugtog sa pamamagitan ng
dahon.
a. Pilita Corales b. Freddie Aguilar c. Levi Celerio
4. Ano-anong katangian mayroon ang mga natatanging Pilipino?
a. kahusayan at kasipagan b. kahusayan at kayamanan
c. kasipagan at kasikatan
5. Dapat bang hangaan at tularan ang mga natatanging Pilipino?
a. oo b. hindi c. siguro
6. Paano mo maipakikita ang pagtangkilik sa mga natatanging Pilipino?
a. ipagmamalaki ko b. ikukuwento ko c. a at b

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Unang Linggo
2

7. Kung ikaw ay isang Pilipinong may natatanging galing, ano ang nararapat mong
gawin?
a. sasarilihin ko na lang b. ibabahagi ko sa iba ang aking kakayahan
c. magpapasikat
8. Wala kang kakayahang paunlarin ang iyong natatanging galing dahil sa
kakulangan sa salapi,ngunit gusto mong makilala at maipagmalaki ng bansa, kanino
ka dapat lumapit?
a. kay Raffy Tulfo b. kay Jessica Soho c. sa pamahalaan
9. Bukod sa pamahalaan, sino pa ang maaaring makatulong upang mapaunlad ang
iyong mga kakayahan?
a. sarili b. pamilya c. a at b
10. Sino ang una mong dapat pasalamatan sa pagkakaroon ng natatanging galing?
a. sarili b. pamilya c. ang Diyos

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang tanong na ito. Pag-isipang mabuti.

Balik-tanaw
Sa panahon ng pandemya na kasalukuyang nararanasan ng mga tao sa buong
mundo, sino-sinong natatanging Pilipino na nagpakita ng kahusayan at
kagandahang- loob sa kapwa ang tumatak sa iyong isipan?

Pagpapakilala ng Aralin

Alam mo ba na naipakikita ng mga Pilipino ang kanilang kahusayan sa


pamamagitan ng pagnenegosyo, paglikha ng sining, paglahok sa palakasan,
pamumuno at pananaliksik? Sa pamamagitan ng angking galing, may mga
natatanging Pilipino na kayang palaguin ang isang maliit na negosyo, maging isang
mahusay na pintor o di kaya’y maging sikat na musikero. Mayroon naman na ang
husay ay naipamamalas sa larangan ng politika at ang iba nama’y sa agham
nakikilala. May mga Pilipino ring nakikilala dahil sa kanilang pagseserbisyo sa kapwa
at sa bayan. Tunay na katangi-tangi ang maraming Pilipino. Nararapat lang na sila ay
ating hangaan at gawing modelo ng kung anong nais natin sa ating buhay.
Isang bagay lang ang ating tatandaan tungkol sa hinahangaan nating mga
natatanging Pilipino: Sila ay hindi perpekto at tulad nating lahat sila ay may mga
pagkukulang at kahinaan.

Basahin ang balita. Pansinin kung paano matiyagang nagtrabaho at nagpakita


ng kahusayan at kasipagan sa pagganap ang ilang Pilipino.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Unang Linggo
3

El Gamma Penumbra, Kampeon sa Asia’s Got Talent


Mayo 7, 2015 ang pinakamahalagang araw sa grupo ng mga kalahok sa
patimpalak. Muli na namang ibinandila ng mga Pilipino ang galling ng mga Pinoy
nang tangahaling kampeon ang EL GAMMA PENUMBRA. Dahil sa napakaraming
grupo ng mga hiphop dancers at maliit ang tsansa na sila ay manalo,
napagdesisyonan ng grupo na magpokus sa shadow play.
Hindi naging madali sa grupo na makamit ang kanilang tagumpay. Ang
kanilang kahusayan at kasipagan ang naging daan upang magtagumpay. May
mga panahon din na hindi sila nananalo, ngunit sa kanila ng lahat ay buo ang
kanilang paniniwala sa kanilang ginagawa.
Sa ngayon ang EL GAMMA PENUMBRA ay bahagi ng kampanya ng turismo ng
Pilipinas, ang “Choose Philippines”. Ang mensahe ng kanilang mga palabas ay
tungkol sa kalikasan, kaguluhan at pagmamalaki bilang Pilipino.

Mga Gawain

GAWAIN 1
Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa binasa.

1. Ano ang masasabi mo sa grupong EL GAMMA PENUMBRA?


2. Ano-ano ang mensahe ng kanilang mga palabas?
3. Anong katangian ang taglay nila na naging daan upang makamit ang
tagumpay?
4. May kilala ka bang natatanging Pilipino na may ganitong katangian?
Sino? Paano nila ipinakita ang kanilang kahusayan at kasipagan?
5. Nais mo bang magtagumpay? Ano ang pinakamabuti mong gawin?

GAWAIN 2
Mag-isip ng mga natatanging Pilipino at idikit ang kanilang larawan sa
unang hanay. Isulat ang kanilang mga katangian at ang maari mong gawin upang
matularan sila.

Hindi naging madali sa grupo na makamit ang kanilang tagumpay. Ang kanilang
Dito idikit
kahusayan at kasipagan ang naging daan ang larawan
upang magtagumpay. May mga panahon din na
hindi sila nananalo, ngunit sa kanila ng lahat ay buo ang kanilang paniniwala sa kanilang
ginagawa.
Sa ngayon ang EL GAMMA PENUMBRA ay bahagi ng kampanya ng turismo ng Pilipinas,
ang “Choose Philippines”. Ang mensahe ng kanilang mga palabas ay tungkol sa kalikasan,
kaguluhan at pagmamalaki bilang Pilipino.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Unang Linggo
4

Natatanging Pilipino Katangian Gagawin ko upang matularan sila

1. _______________ _________________________________

2. _______________ _________________________________

3. _______________ _________________________________

4. _______________ _________________________________

5. _______________ _________________________________

GAWAIN 3

PANUTO: Alam kong ikaw ay may natatanging galing na nais mong


paunlarin. Sumulat ng isang liham para sa ating Pangulo na nagsasaad kung
ano ang iyong galing at kung paano ka niya matutulungan upang maging isang
natatanging Pilipino.

Integration sa Filipino: Tiyaking kumpleto ang mga bahagi ng liham.


(Pamuhatan, Bating Panimula, Katawan ng Liham, Bating Pangwakas at Lagda)

______________________

______________________

_____________________,

____________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

_____________________,

_____________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Unang Linggo
5

Tandaan

Likas sa mga Pilipino ang pagiging masipag at mahusay. Ito ang susi sa
pagtatagumpay.
Bigyang halaga ang mga natatanging Pilipinong nagbigay ng karangalan sa ating
bayan.
Ating tularan ang kanilang mga katangian at sikaping paunlarin at gamitin ang
angking galing upang maging natatanging Pilipinong maipagmamalaki natin.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa iyong natutuhan sa ating aralin.

1. ________________________________________________________________________.

2. ________________________________________________________________________.

3. ________________________________________________________________________.

Pangwakas na Pagsusulit

PANUTO: Lagyan ng masayang mukha ang pahayag kung ito ay karapatdapat


pahalagahan , lagyan ng malungkot kung hindi dapat tularan.

_____1. Si Nora Aunor ay dating nagtitinda ng tubig sa may riles ng tren, dahil sa
kanyang kasipagan at pagtitiyaga , siya ay naging matagumpay na Pilipino.
_____2. Si Rolando Navarete ay naging sikat na boksingero ngunit hindi
napahalagahan ang kanyang tagumpay. Siya ay nalulong sa masamang bisyo at
tuluyang napariwara ang kayang buhay.
_____3. Si Baron Geisler ay laging nasasangkot sa kaguluhan kaya tuluyang
bumagsak ang kanyang career.
_____4. Hindi sumuko sa hirap ng buhay si Jericho Rosales, nagsipag siya at nagsikap
kung kayat patuloy na umaangat ang kanyang buhay at naging produktibong Pilipino.
_____5. Malaki ang naiambag ni Ninoy Aquino sa kalayaan ng Pilipinas, ibinuwis niya
ang kanyang buhay upang maipaglaban niya ang kanyang prinsipyo at ipagtangggol
ang kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang pamamahala.
_____6. Ipamalita ang mga katangian ng matagumpay na mga tao upang magsilbing
inspirasyon sa mga taong nais ding magtagumpay.
_____7. Gawing modelo o huwaran sa buhay ang mga taong matagumpay.
_____8. Ipagmalaki ang mga katangian at kakayahang taglay ng mga matagumpay na
tao.
_____9. Tuklasin ang kapintasan ng mga taong matagumpay at ipamalita ito.
_____10. Balewalain ang mga matatagumpay na tao dahil hindi nman sila
makakatulong sa iyo.

REPLEKSIYON

Ipakita ang iyong husay at galing sa paggawa ng isang kampanya upang


maiwasan ang pagkalat ng covid -19 sa ating bansa. Hikayatin ang mga Pilipino na
gamitin ang kanilang kakayahan upang makatulong sa pagpuksa ng nakahahawang
sakit. Maari mo itong gawin sa pamagitan ng tula, awit o slogan.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Unang Linggo
6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

SAGUTANG PAPEL

ARALIN: Mga Natatanging PILIPINO, Hinahangaan Ko (Q.3 W.1)

PANGALAN:_________________________________ BAITANG AT PANGKAT:____________________

GURO:_____________________________________ PETSA:_________________________________

Paunang Pagsubok:

1.____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____ 6. ____ 7.____ 8.____ 9. ____ 10.____

Balik-Tanaw

______________________ _______________________ _______________________

MGA GAWAIN:

Gawain 1

1. __________________________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________________________

4. __________________________________________________________________________________

5. __________________________________________________________________________________

Gawain 2

Natatanging Pilipino Katangian Gagawin ko upang matularan sila

1. _______________ _________________________________

2. _______________ _________________________________

3. _______________ _________________________________

4. _______________ _________________________________

5. ______ _______________ _________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Unang Linggo
7

Gawain 3

______________________

______________________

_____________________,

____________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

_____________________,

_____________________

Pag-alam sa Natutuhan

1. _________________________________________________________________________.

2. _________________________________________________________________________.

3. _________________________________________________________________________.

Pangwakas na Pagsusulit

1. _____ 6._____

2. _____ 7._____

3. _____ 8._____

4. _____ 9._____

5. _____ 10._____

Repleksyon/Pagninilay

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Ikatlong Markahan: Unang Linggo

You might also like