Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ikalawang Markahan

Ikatlong Lagumang Pagsusulit


ESP 8
1. Ito ay ang pakiramdam ng isang tao na nauugnay sa mental at sikolohikal na kalagayan.
a. Emosyon b. Pagkatuwa c. Pag-asa d. Pagkamuhi
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI tama tungkol sa salitang emosyon?
a. Nakikita ito sa kilos o ugali ng isang tao
b. Ito ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao
c. Bawat tao ay may iisang emosyon
d. Ito ay pabago-bago depende sa sitwasyon
3. Sa wakas! Naipasa ko rin ang aking board exam!Ano ang maaaring epekto ng emosyon?
a. Maghahanda ang buong bayan c. Tiyak na matutuwa sila nanay at tatay
b. Maraming regalo ang matatanggap d. Magkakaroon ng maraming kaibigan
4. Iniwan mo ang iyong kasintahan dahil napamahal ka sa iyong kaibigan. Ano ang maaaring epekto ng
iyong kilos?
a. Magkakaroon ka ng maraming kaibigan
b. Magagalit sila nanay at tatay
c. Makakaramdam ng pighati ang dating kasintahan
d. Pupurihin ka ng mga taong nakakakilala sayo
5. Si Joan ay isang mahiyaing bata. Isang araw tinawag siya ng kanyang guro upang sagutan ang problem
solving sa pisara. Hindi ito nasagutan ng tama ni Joan at binulyawan siya ng kanyang guro sa harap
mismo ng kanyang mga kaklase. Anong maaaring epekto nito kay Joan?
a. Mawawalan ng ganang mabuhay si Joan
b. Lalong mawawalan ng pag-asa si Joan na magsumikap mag-aral
c. Susugod ang mga magulang sa paaralan
d. Matutuwa ang kalooban ni Joan dahil sa ginawa ng guro
6. Si Roel ay masipag mag-aral. Laging matataas ang kanyang mga grado. Isang araw kinausap siya ng
kanyang ina. Sinabi nang kanyang ina na kailangan na niyang tumigil sa pag-aaral dahil hindi na nila
itong kayang tustusan. Hindi pumayag si Roel sa sinabi ng kanyang ina kaya’t siya ay gumawa ng
paraan para ipagpatuloy ang kanyang pag –aaral. Dahil sa pagsusumikap ni Roel siya ay nakapagtapos
ng pag-aaral. Anong element ng Emotional Intelligence ang ipinakita ni Roel?
a. Pamamahala ng ugnayan c. Motibasyon
b. Pamamahala sa sariling emosyon d. Pag-unawa sa damdamin ng iba
7. Gustong kumuha ni Kier ng kursong medisina ngayong paparating na pasukan ngunit ang gusto ng
kanyang mga magulang ay accountancy. Hindi pumayag si Kier sa gusto ng kanyang mga magulang.
Kinuha niya ang kursong gusto niya at tinahak niya ang landas na pinli niya ng may buong puso at
dedikasyon. Anong elemento ng Emotional Intelligence ang ipinakita ni Kier?
a. Pagkilala sa damdamin ng iba c. Motibasyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon d. Pamamahala ng ugnayan
8. Sina Joel at Ronald ay matalik na magkaibigan. Lagi silang nagkukwnentuhan at nagtutulungan sa isa’t
isa. Isang araw napansin ni Joel na hindi na masyadong madaldal si Ronald at iniiwasan na rin siya nito.
Dinalaw minsan ni Joel si Ronald sa kanilang bahay at doon nakita niya ang maling pagmamaltrato ng
kanyang amain sa kanya. Humingi ng tulong si Joel sa kanilang brgy at agad naman nila itong
naaksyunan. Simula noon, kinupkop ng mga magulang ni Joel si Ronald at itinuring nila itong isang
kapamilya. Anong element ng Emotional Intelligence ang ipinakita ni Joel?
a. Pagkilala sa damdamin ng iba c. Motibasyon
b. Pamamahala ng ugnayan d. Pagkilala sa sariling emosyon
9-18. Piliin sa kahon ang angkop na salita na inilalarawan ng bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot.
a. Pandama f. Pagkilala sa sariling emosyon
b. Kalagayan ng damdamin g. Pamamahala sa sariling emosyon
c. Pisikal na damdamin h. Motibasyon
d. Ispiritwal na damdamin i. Pagkilala sa damdamin ng iba
e. Fortitude j. Pamamahala ng ugnayan

______9. Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nagdudulot ng
panandaliang kasiyahan.

______10. Nakatuon ito sa paghubog ng pagpapahalaga sa mga kabanalan.

______11. Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao.

______12. Tumutukoy sa pagtugon ng tao sa kanyang paligid na naiimpluwensyahan ng kasalukuyang


kalagayan ng damdamin.

______13. Makakatulong ito sa pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili

______14. Kakayahang makadama sa damdamin at pangangailangan ng iba.

______15. Ito ay birtud na nagbibigay ng kakayahan sa tao na mapagtagumapayan ang mga balakid tungo sa
maayos na pamumuhay.

______16. Ito ay may epekto sa kalagayan ng ating kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

______17. Ito ay kakayahang magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang matupad ang isang
layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba.

______18. Ito ay nangangahulugan na napamahalaan nng wasto ang emosyon sa pakikipag-ugnayan sa


pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan.

19-20. Sagutin ang tanong sa ibaba batay sa iyong sariling pananaw.

Paano ka makakaiwas sa pananakit ng taong naging dahilan ng iyong galit?

___________________________________________________________________________.

You might also like