Professional Documents
Culture Documents
Gawain Sa Ugnayan Midterm
Gawain Sa Ugnayan Midterm
Pagsasanay
A. PANUTO: Tukuyin kung anong bahagi ng kultura ang inilalarawan sa bawat bilang.
Kasangkapan 1. Ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng mga palaso at sibat
sa pangangaso.
Sining/Siyensya 10. Makikita sa mga haligi ng mga bahay ang mga nakaukit at
nakalilok na mga disenyo.
DM 5. Naniniwala ang ating mga ninuno kay Bathala at iba pang mga ispiritwal
na tagabantay.
M 9. Makikita ang mga nakaukit at nakalilok sa mga haligi at iba pang bahagi
ngmga bahay.
Pito kami sa aming loob ng tahanan, ang dalawa ay matatanda at lahat na kami
ay nasa bente anyos na pataas. Iba-iba ang aming mga hilig, lalo na ako, dahil
nakakasama ko lagi ang mga matatanda ay naiimpluwensyahan ako nito ng aking mga
hilig. Katulad na lamang ng hilig ko sa mga makalumang bagay, o kaya nama’y lumang
tugtogin. Lagi ko silang naririnig na nagpapatugtog ng lumang tugtugin na nakasanayan
ko na ring pakinggan, kaya naman minsan ay napagkwekwentuhan namin ang
pamumuhay noon na siyang umantig na aking puso, hindi mawari’y nakahiligan ko nang
manaliksik ng mga bagay- bagay patungkol sa kasaysayan. Minsan na akong nainis
dahil nakaka wala ng pasensya ang pagluluto sa kahoy kapag kami ay nawawalan ng
gas sa tangke ay napipilitan akong magluto sa panggatong na kahoy. Nakasanayan na
ito ng mga nakatatanda sa amin, kinukwento nila na kapag maguluto sila ng umaga ay
gigising din dapat sila ng maaga, lagi rin kaming napapagalitan kapag hindi kami agad
humaharap sa hapag kainan kaya naman hindi ako sanay na hindi kami kompleto
kapag kakain na.
Minsan nang nagkwento ang aking lola dahil sa aming pagiging pasaway, sinabi
niyang napaka strikto raw ng kanyang tatay dahil siya ay gitnang anak nakikita niya
kung paano pagmalupitan ang kanyang mga nakatatandang kapatid, kaya naman lagi
niyang ginagawa ang mga inuutos ng kanyang tatay kahit gaano pa ito kahirap huwag
lamang maranasan na pagbuhatan ng kamay. Naging malaking impluwensya ang aking
lola saakin, dahil lahat ng itinuturo niya na dati na mali saaking paningin ay nagiging
tama sa pagdating ng mga panahon. Halos lahat sa loob ng aming tahanan ay babae
kaya naman dapat ay malinis sa mga kagamitan ngunit minsan ay hindi maiiwasan ang
kalat na paligid na siyang nagmimitya ng pag-aaway, nagtuturuan kung sino ang may
sala at kalaunay hindi na nagpapansinan. Sa mga ganitong gawain lagi namin itong
napag-uusapan sa harap ng hapag kainan at nareresolbahan naman kaagad ngunit
mayroong mga araw na kapag ang nag-aaway ay ang mga nakatatanda hindi agad ito
nareresolba. Sa aking palagay ay mas naiimpluwensyahan ang mga nakakatanda
saakin dahil sila ay may mga asawa na at alam kong sa kanilang mga desisyon ay
dapat hindi na pinakekealaman ngunit may mga bagay din silang dapat matutunan dahil
pagdating ng panahon magkakaroon din sila ng sarili nilang mga pamilya at alam kong
ang impluwensya ng mga matatanda ay mahalaga lalo na kapag kami ay magkakaroon
na ng sariling mga pamilya. Ang mga pananaw at gawain ay makatutulong saamin
kapag dating ng araw.
REPLEKSIYON NG KABANATA
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan dito bilang iyong dyornal at ibahagi ang
iyong mga sagot sa loob ng chat sa pangkat ng Facebook Messenger bilang bahagi
ng aming pagsubaybay.
1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang natutuhan
mo pagkatapos ng araling ito?
Ibat-bang uri ng kultura na siyang kinabibilangan ng mga tao. Natutunan
kung kilalanin ang ibat-ibang kultura ng tao at kung gaano ito kahalaga sa bawat
tao hindi lamang sa kung paano nila ito napapanatili ay kung paano rin sila
nabuhay ng kadikit ang kulturang kanilang kinalakhan at kinasanayan.
3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto
mong matutunan? Bakit?
Sa panahon ngayon hindi natin maiiwasan ang pagbabago na nagdudulot
ng maling mga pangyayare, gusto kong malaman kung paano nila napapanatili
ang kultura ng mga Pilipino dahil kalimitan na lamang ang nasa social media lalo
na sa larangan ng kultura, gusto pang mas mapalalim ang aking kaalaman sa
larangan ng kulturang Pilipino. At dahil mahilig ako sa mga lumang bagay gusto
kong malaman kung paano nila napapanatiling kilala ang mga ilan sa natitirang
kayaman ng kasaysayan. Talaga namang ang kasaysayan ay hindi
makakalimutan ng mga tao at sana ay patuloy pa itong makilala at hindi
malimutan. Gusto kong malaman ang mga ito hindi dahil ako ay Pilipino kundi
dahil alam kong marami pang nakatagong pwedeng malaman ng sangkatauhan
na hindi dapat itago sa lipunan lalo na sa kultura nating mga Pilipino.