Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Halimbawa ng Pagpapaunlad gamit ang Filipinolohiya

 Mula sa nakagawiang pagkamangha sa mga tagumpay at kakayanan ng mga dayuhan ay ilipat


ito sa pagtingin sa mga kalakasan ng bansa. (Maari nating paunlarin ang kalinangang bayan sa
pamamagitan ng pagtutuon natin ng pansin sa mga karanasan at karunungan na ambag nating
mga Pilipino. Sa kung gaano tayo namamangha sa mga nakikita natin sa mga dayuhan at sana
ganon din ang pakikitungo natin sa lokal na bayan. )

 Ang Filipinolohiya ay hindi nangangahulugan ng pagsasara sa talinong ambag ng ibang lahi sa


mga Filipino. (Hindi naman natin sinasabi na maging sarado tayo sa mga naitutulong nilang mga
bagay, sa halip ay ang FIlipinolohiya naman ay sadyang mas nakatuon o mas gumagabay sa loob
ng bansa natin. )

 Titingnan kung papaano pinagtatagumpayan ng ibang bayan o bansa ang kanilang mga
programa, ngunit hindi ito gagayahin o tahasang ilalapat sa kalagayan ng sariling bansa.
( Pwede nating pagaralan ang mga pagkamangha natin sa mga dayuhan at alamin kung papaano
natin ito magagamit upang makatulong ng higit na pagpapaunlad. Mula sa kalagayan ng kultura,
kasaysayan, yaman, talino karunungan at lipunan ay maari tayong maglapat ng naayon na
solusyon sa pagpapaunlad. )

 Narito ang ilan sa mga sector o larangan na maari nating bigyang pansin sa loob ng bansa, na
gamit ang FIilipinohiya ay mapapunlad natin ito.

 Medisina ( Dahil sa oryentasyong kolonyal ay mayroon tayong mga yaman na hindi gaanong
nakikita o nakikilala ng iilan sa atin, Halimbawa nga nito ay iyong halamang gamut na tawa tawa,
noon pa man ay ang katutubong Filipino ay gumagamit na ng mga halamang gamut bilang
medisina, ngunit sa kalagayan ngayon nga ya hindi ito iminumungkahi ng ating kagawaran ng
pangkalusugan, dahil nga daw hindi ito napapatunayan ng siyensiya. Gamit ang wisyo ng
Filipinolohiya, ang talino ng bayan, maari nating paunlarin ang Sistema ng medisina sa ating
bansa sa pamamagitan nga ng pagtuon sa mga bagay na mayroon tayo, tulad ng ginawa ng mga
estudyante ng medisina sa unibersidad ng sto. Tomas, binigyang tuon nila ang kakayanan ng
halamang gamut na mayroon tayo na tinatawag na tawa tawa at napatunayan nga nila na ito ay
kakayahan na maging gamut sa pagpapagaling ng dengue, dahil natuklasan nila na ito ay
nakakapagpataas ng bilang n g platelets. Sa pamamagitan
ng mga ganitong proseso, makikita natin na kaya nating
paunlarin ang kalagayan ng bansa gamit ang mga
karansan at karunungan na ating malilinang sa local na
bayan, hindi lamang sa dahon ng tawa tawa, maari rin na
may iba pang mga halamang gamut na orihinal ng ating
bansa na ating mapa unlad bilang medisina, kung ating
iisipin ay hindi lamang sa ganitong larangan tayo kayang
magpaunlad maging sa ibang yaman na meron ang ating
bansa. )
 Pambansang Industriya ( Ang bayan ng Pilipinas ay likas sa mga materyales at yaman na maari
nating panatilihin at paunlarin kung tayo ay tatangkilik pa rin ng mga orihinal ng ating bansa.
Tulad sa mga pagkain, makikita natin sa ngayon na talagang tumatangkilik tayo ng mga
impluwensya ng ibang bansa, ang iilan sa atin ay talagang mas pinahahalagahan ang dala ng mga
dayuhan, ngunit sa kabilang banda naman ay marami pa rin sa ating ang nagbibigay ng halaga sa
industriya ng pagkain sa pilipinas, gamit ang mga oportunidad ng teknolohiya , mas naipapakita
natin at naipapahayag ang kalinangan ng bayan, mas nagiging malakas ang pagpapakilala sa
mga pagkaing Filipino dahil mas marami na ang nakakakila dito. Bilang pagpapaunlad nga ay sa
ngayon ang mga tradisyonal na pagkaing Pilipino ay ating dinadagdagan, tulad ng mga pandesal
na hinahaluan na natin ng malunggay at ipa bang mga flavors, ang taho na ating nakasanayan ay
maari na rin matikman na may halo o lasa ng strawberry, at ang pagdami ng mga sangkap na
maari nating mailagay sa kilalang desert ng ating bayan na ang halo halu. Makikita natin na ang
pagpapaunlad at talagang mahalaga, hindi lang upang maihanay ito sa mga popular, ito rin ay
upang mapanatili sa isipan nating mga Filipino ang pagtangkilik sa local na bayan.

 Polisya ng bansa ( Gamit ang pagbibigay ng pansin sa kultura at kasaysayan ng bansa ay maaring
mapaunlad ang mga programa ng bansa, halimbawa ay ang pagaaral sa mga pamamalakad ng
mga katutubo sa kanilang komunidad noon ay pwedeng mailapat o gawing batayan sa mga
pamamalakad sa kasalukuyan, mahalaga ito dahil sa nakikita natin ngayon ay may mga
pamamlakad na nakabalangkas sa kulturang banyaga at hindi naaayon sa kalagayan ng bawat
lipunan ng bansa)

 Agrikultura ( base sa kasalukuyang kalagayan ay talagang makikita natin na ang mga magsasaka
natin o ang mga sakahan ay nakadepende sa mga kemikal na pataba na nagiging dahilan ng
pagkamatay ng mga lupa lalo nat ito ay nagagamit sa matagal na panahon, isa pang
nakakalungkot na epekto ay sa pagkamahal ng presyo ng mga kemikal na pataba ay nababaon sa
utang ang ating mga magsasaka lalo na kapag tinamaan ng bagyo at hindi nagiging maganda ang
ani. Kung gagamitin natin ang konsepto ng
FIlipinolohiya, maari nating mapaunlad o mabago
ang proseso ng nakagisnan, isang mungkahi ang
pagiging depende sa organic farming, kung
pagaaralan lamang natin ang mga proseso ng mga
katutubo noon, dahil wala pa naming paggamit ng
kemikal noon ay maari nating mapaunlad ang
agrikultura. Makikita natin na kung noon ay nakaya
nila na walang kemikal na ginagamit ay maari rin nating magawa o mas mapaunlad pa, gamit
ang wisyo filipinolohiya, maari nating gamitin ang mga ideya o sumangguni sa mga pananaliksik
tungkol sa organic farming. Kung patuloy ay isip natin sa mga ganitong pagpapaunlad ay
magiging Malaya an gating magsasaka sa paggamit ng kemikal na pataba at makaiwas pa sa
pagpinsala ng mga lupa, at higit na magkakaroon ng suntasya ang mga inaani nila.

 Upang ganap itong maisakatuparan, kailangan higit na mabatid ang oryentasyong may
pagpapahalaga sa kabuuang karanasan ng bansa – katulad ng Filipinolohiya ( Ilan lamang ang
mga ito sa mga larangan na maari nating paunalrin, sa gabay ng edukasyon ay hindi imposible
ang pagkamit natin sa mga ganitong uri ng tagumpay, Bigyan nating halaga ang paggamit ng
FIlipinolohiya bilang pagpapaunlad upang ganap na makalikha tayo ng mga bagay na nakatuon
sa katuturan ng mga mamayan ng Pilipinas.

You might also like