Piling Larang TVL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Dibisyon ng mga Paaralan sa Sorsogon
Rehiyon V
BAGACAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Schoold ID: 302182
Email Address: 302182@deped.gov.ph
Bagacay, Gubat Sorsogon

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa FILIPINO SA PILING LARANGAN (TVL-11)

Pangalan: __________________________________ Marka: ________________


Guro: _____________________________________ Petsa: ________________

I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Anyo ng liham na lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan.


a. Anyong Block c. Anyong liham
b. Anyong Indented d. Anyong Intecedent
_____2. Liham na ginagamit sa tanggapan at sa mundo ng kalakalan.
a. Memorandum c. Liham pangnegosyo
b. Menu ng pagkain d. Deskripsyon ng produkto
_____3. Ang mga sumusunod ay gamit ng memorandum, maliban sa:
a. Paghingi ng impormasyon c. Pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong
b. Pagkompirma sa kumbersasyon d. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan
_____4. Kung ang memo ay isinusulat ng boss upang paalalahanan ang mga empleyado, anong uri nman ng sulating
teknikal ang ginagamit sa larangan ng kalakalan?
a. Memorandum c. Liham pangnegosyo
b. Menu ng pagkain d. Liham pangkaibigan
_____5. Pinakaunang hakbang na dapat na isaalang-alang sa pagsasagawa ng katitikan ng pulong.
a. Paunang pagpaplano c. Pamamahagi ng sipi ng katitikan ng pulong.
b. Pagrerekord ng mga napag-usapan d. Pagsulat ng napag-usapan o transkripsiyon
_____6. Isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo.
a. Memorandum c. Liham pangnegosyo
b. Menu ng pagkain d. Deskripsyon ng produkto
_____7. Si Maria ay gumamit ng paraan sa presentasiyon ng mga ideya na upang maiparating ang mensahe sa mas
malawak na datos sa paraang mabilis at mabisa.Alin sa mga sumusunod ang paraan na ginamit ni Maria?
a. Menu ng pagkain c. pagsulat ng menu o paglalarawan
c. Biswal na elemento d. Deskripsyon ng produkto
_____8. May pag-uulat si Angela tungkol sa pagbabago ng ekonomiya sa bansa, upang ipakita ang pagbaba at pagtaas
ng mga datos, alin sa mga biswal na elemento ang dapat nyang gamitin?
a. Linyang grap c. pie tsart
b. Bar o Kolum grap d. dayagram
_____9. Ang guro sa Science ay gumamit ng mga drawing o dibuho na nagpapakita ng komponent ng isang
mekanismo, mga hakbang ng process o mga bahagi ng isang sistema tulad ng “ Food Chain at Food Web”.
Base sa mga nabanggit anong uri ng biswal na elemento ang ginamit ng guro?
a. Linyang grap c. pie tsart
b. Bar o Kolum grap d. dayagram
_____10. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit upang ipakita ang pagkakaugnay ng pagkakahati-hati ng isang buo
na tumutukoy sa partikular na datos?
a. Talahanayan c. pie tsart
b. Mga litrato d. dayagram
_____11. Sistematikong pagsasaayos ng mga impormasyon na nasa kolum at hanay.
a. Talahanayan c. Iskematiks
b. Mga litrato d. dayagram
_____12. Nag-iisip si Russell kung paano nya maiuulat ang kanyang report upang maipakita nya ng mahusay ang
paghahambing ng mga baryabol tulad ng sukat, halaga ng aytem at iba pa sa asignaturang Ekonomiks. Alin sa
mga sumusunod na biswal na elemento ang dapat nyang gamitin?
a. Linyang grap c. Iskematiks
b. Bar o Kolum grap d. dayagram
_____13. Paano nakatutulong ang biswal na elemento sa presentasyon ng mga ideya
a. Sa tulong nito, mas naipaparating ang mensahe ng mas malawak at mas mabilis
b. Dahil ditto, mas makakaaliw ang presentasyon
c. Sa tulong nito, di na kailangan pang ilagay ang mga datos
d. Dahil dito, ang mensahe o ideya ay nakapagbibigay ng mas malawak na katanungan
_____14. Ang mga sumusunod ay mga bahagi ng katitikan ng pulong maliban sa:
a. Iskedyul at oras ng pulong c. Paunang pagpaplano
b. Resulta ng mga kapasyahang isinagawa d. Iskedyul ng susunod na pulong
______15.Dito matatagpuan ang eksaktong petsa kung kailan sinulat at pinaskil ang memo at ang paksa nito tungkol
saan ito. Makikita rin dito kung para kanino at kung kanino galing ang memo.
a. Ulo c. pamuhatan
b. Katawan d. patunguhan
_____16. Bakit kinakailangan isulat o itala ang mga mahahalagang napag-uusapan sa pulong
a. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan.
b. Naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro
c. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.
d. Lahat ng nabanggit
____17. Alin sa bahagi ng liham ang nagsasaad ng tinitirahan ng sumulat at petsa nang isulat ang liham
a. Patunguhan c. bating panimula
b. Pamuhatan d. katawan.
____18. Si Andrea ay gumawa ng liham pangnegosyo na nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang
pamuhatan, bating pangwakas at lagda ay nasa kanang bahagi. Anong anyo ng liham ang ginawa nya?
a. Anyong Block c. Anyong liham
b. Anyong Indented d. Anyong Intecedent
____19. Kumpletuhin ang analogo. Bating panimula : Liham pangnegosyo , ______: Memorandum
a. Ulo c. pamuhatan
b. Iskedyul d. patunguhan
____20. Ang “ Lubos na gumagalang,” sa hulihan ng liham at bilang pamamaalam ng sumulat, ay isang halimbawa ng
____ bahagi ng liham.
a. Bating panimula c. Lagda
b. Bating pangwakas d. Katawan
____21. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isa rin sa mga anyo ng komunikasyong teknikal na
a. Menu ng pagkain c. pagsulat ng menu o paglalarawan
d. Biswal na elemento d. Deskripsyon ng produkto
____22. Nais ni Jessa na magtayo ng sariling restwaran, at bilang paghahanda nag-iisip siya ng mga bagay na
maaaring maglarawan sa kanyang mga menu. Layunin niyang paglawayin ang tumingin sa litrato upang
makahikayat ng mamimili. Alin sa mga sumusunod ang dapat nyang isaalang-alang sakanyang layunin?
a. Hitsura c. lasa
b. Tekstura d. menu
____23. Takam na takam ang dalawang magkaibigan na Si Jean at Cris Ann sa magazine na kanilang tinitignan at
binabasa. Mababasa kasi sa magazine na ito ang paglalarawan sa menu dahilan kung bakit binabalik-
balikanng mga tagatangkilik ang isang menu? Alin sa mga sumusunod ang isinaalang-alang ng sumulat ng menu?
a. Hitsura c. lasa
b. Tekstura d. menu
____24. Inilarawan ni Coco Martin sa kaniyang adbertisment sa telebesyon ang pagkakahabi ng pagkain ng manok
sa Mang Inasal. Tukuyin sa mga sumusunod ang salitang isinaalang-alang ng adbertisment tungkol sa knilang
produkto?
a. Hitsura c. lasa
b. Tekstura d. menu
____25. Kilala ang Pinoy sa pagiging mahilig kumain, at parti ng isang restwaran ang mag-alok ng iba’t ibang putahe.
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa listahan ng mga pagkain.
a. Hitsura c. lasa
b. Tekstura d. menu
____26. Ang mga sumusunod ay Mga iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw ng Liham Pangnegosyo, maliban sa:
a. Paghahanap ng trabaho c. Pagkalap ng pondo
b. Paghingi ng impormasyon d. Pagsulat ng liham pangkaibigan
____27. Isaayos sa tamang pagkakaksunod-sunod ang Limang pangunahing hakbang na dapat na isaalang-alang sa
pagsasagawa ng katitikan ng pulong.
I. Paunang pagpaplano IV. Pagsulat ng napag-usapan o transkripsiyon
II. Pag-iingatan ng sipi o pagtatabi V. Pagrerekord ng mga napag-usapan
III. Pamamahagi ng sipi ng katitikan ng pulong

a. I,III,II,V & IV c. I, V, IV, III & II


b. IV, V, I, III & II d. . I, V, IV, II & III
____28. Ang babala(warning) ay isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas sa anumang panganip at\o
makasira ng mga kagamitan sa normal na eperasyon. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakila ng
babala?
a. Wag tatawid nakamamatay c. Tumayo ng matuwid habang ginaganap ang pag-awit ng “Lupang
Hinirang”
b. Maging I-am-ready d. Magtungo sa pinakamalapit na Evacuation Center
____29. Nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistulang din itong magsasabi kung ano ang maaari at
hindi maaaring gawin.
a. anunsyo b. patalastas c. paunawa
____30. Ang paalala ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay ng impormasyon at makatulong sa
taong gumagamit nito. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang HINDI nagpapakila ng paalala?
a. Wag tatawid nakamamatay c. Tumayo ng matuwid habang ginaganap ang pag-awit ng “Lupang
Hinirang” b. Maging I-am-ready d. Magtungo sa pinakamalapit na Evacuation Center

II. Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung wasto ang pahayag, at M naman kung Mali.

______1. Magkatulad palagi ang pagsulat sa trabaho at ang paggawa ng papel sa klase.
______2. Sa teknikal na komunikasyon, laging may ipinapahayag na damdamin ang nagpadala ng liham.
______3. Paghingi ng impormasyon ang kadalasang gamit ng liham pangnegosyo.
______4. Maaaring magpadala ng memo para sa taong nasa labas ng kompanya sa pamamagitan ng e-mail.
______5. Pamuhatan ang tawag sa adres ng pinadadalhan ng liham pangnegosyo.
______6. Personal ang tono ng isang liham pangnegosyo.
______7. Kailangang mahaba ang isang liham pangnegosyo.
______8. Sa dulo ng memo binabanggit ang suliranin o isyu para sa pinadalhan.
______9.Karaniwang ginagamit ang panghalip na “ako” o “ikaw” sa memo,
______10. Iwasan nating nakabuod ang memo.
______11. Maging tiyak at payak sa paggamit ng salita sa paglalarawan ng produkto.
______12. Gumamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog.
______13. Kinakailangang gumamit ng mga salitang pang-ugnay sa pagsulat ng menu.
______14. Ipakita ang personalidad ng pagkaing ilalarawan.
______15. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na bumabatay sa imahe ng restawran.

III.Panuto: . Sumulat ng sariling liham pangnegosyo na may wastong ispasyo at tamang pormat ng mga bahagi gamit
ang ANYONG BLOCK

PAMANTAYAN Puntos Iskor


1. Kompleto ang bahagi ng liham at wasto ang pormat 3
2. Wasto ang ispasyo ng bawat talata 1
3. Wasto ang mga ginamit na bantas 1
KABUUAN: 5

You might also like