Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Markahan – Modyul 5: Katangian at Elemento ng Mito, Alamat, Kuwentong-bayan,
Maikling Kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan, at Luzon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Ana M. Junio

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III


Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I
Grace O. Gipulao, T – III
Noel Jay S. Pahayac, T – I
Jovanie A. Tangca-an, T – I
Quindie C. Ortega, T – I

Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Katangian at Elemento ng Mito,
Alamat, Kuwentong-bayan, Maikling
Kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan, at Luzon

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program Supervisor
sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental.
Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon –
Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.

Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 5 ukol
sa Katangian at Elemento ng Mito, Alamat, Kuwentong-bayan, Maikling Kuwento mula sa
Mindanao, Kabisayaan, at Luzon.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 4

Balikan ---------------- 4

Tuklasin ---------------- 5

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 10

Isaisip ---------------- 12

Isagawa ---------------- 12

Tayahin ---------------- 15

Karagdagang Gawain ---------------- 18

Susi sa Pagwawasto ---------------- 19

Sanggunian ---------------- 20
Ang araling ito ay panlimang modyul sa ikatlong markahan para sa mga
mag-aaral sa ikapitong baitang. Matutunghayan dito ang iba’t ibang akdang
pampanitikan mula sa Mindanao, Kabisayaan, at Luzon.
Isa sa mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ay ang pagbabasa ng mga
maikling kuwento, kuwentong-bayan, alamat, at mito. Ito ay bahagi ng ating
panitikang saling-dila o lipat-dilang lumaganap bago pa man dumating ang mga
mananakop sa ating bansa. Kaya sa katapusan ng araling ito, malilinang ang
iyong kaisipan sa mga akdang pampanitikang nagbibigay-aral sa bawat
mamamayan.

Layunin
 Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentong-
bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan, at Luzon batay
sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan, at mga aspetong pangkultura
(halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa) (F7PB-IIId-e-15 /
F7PB-IIId-e-16)

Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, kinakailangang mayroon kang


mahabang pasensiya sa pag-uunawa at pag-aanalisa sa iyong babasahin.
Sundin ang mga panuto o direksyon sa mga gawain. Sagutin nang maayos ang
buong pasulit at gawain.

1
Bago simulan ang modyul na ito, alamin mo muna kung gaano kalawak
ang iyong kaalaman tungkol sa bagong aralin.

I. Panuto: Basahin at suriin ang katanungang nasa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Isang anyo ng panitikang karaniwang tumatalakay tungkol sa mga diyos at
diyosa, bathala, diwata, at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
2. Ito ay isang akda tungkol sa paniniwalang litaw na litaw sa isang partikular na
lugar o pangkat.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
3. Ito ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-
araw na buhay.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
4. Isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga
bagay-bagay.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
5. Ito ang nagbibigay-buhay sa akdang maaaring maging masama o mabuti.
a. Banghay c. Tagpuan
b. Simula d. Tauhan
6. Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa panahon ng tag-ulan,
tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan; sa bundok o sa ilog.
a. Banghay c. Tagpuan
b. Simula d. Tauhan

2
7. Ito ang maayos na pagbabanghay at pagkasusunod-sunod ng mga
pangyayari.
a. Banghay c. Tagpuan
b. Simula d. Tauhan
8. Tumutukoy ito sa panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento.
a. Banghay c. Tagpuan
b. Simula d. Tauhan
9. Matutunghayan dito ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning
kakaharapin.
a. Kasukdulan c. Panimulang Pangyayari
b. Pababang Pangyayari d. Resolusyon
10. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning
kaniyang kakaharapin.
a. Panimula c. Panimulang Pangyayari
b. Pababang Pangyayari d. Tunggalian
11. Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito ng
kuwento.
a. Kasukdulan c. Panimulang Pangyayari
b. Pababang Pangyayari d. Tunggalian
12. Ito ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento.
a. Pababang Pangyayari c. Resolusyon
b. Panimulang Pangyayari d. Tunggalian
13. Sa bahaging ito, nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing tauhan
ang layunin. Ito ang nagbibigay ng daan sa wakas ng kuwento.
a. Pababang Pangyayari c. Resolusyon
b. Panimulang Pangyayari d. Tunggalian
14. Sa bahagi namang ito, nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang
wakas na maaaring ang kinahinatnan ay masaya o malungkot.
a. Pababang Pangyayari c. Resolusyon
b. Panimulang Pangyayari d. Tunggalian
15. Unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin sa bahaging ito.
a. Pababang Pangyayari c. Resolusyon
b. Panimulang Pangyayari d. Tunggalian

3
Katangian at Elemento ng Mito,
Aralin Alamat, Kuwentong-bayan, Maikling
1 Kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan, at Luzon

Sa pagtatapos ng araling ito, matututunan mong sumuri sa mga


katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentong-bayan, maikling
kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga
tauhan, tagpuan, kaisipan, at mga aspetong pangkultura.
Simulan mo na!

Bago mo simulan ang bagong aralin, alamin mo muna kung gaano


kalawak ang iyong kaalaman.

Gawain
Panuto: Pumili ng isa sa mga naisulat mong akdang tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong, at palaisipan. Basahin at suriin mong mabuti kung
ano ang nilalaman ng akdang iyong naisulat at sabihin mo rin kung
anong katangian mayroon ito na maaaring maging dahilan upang
magustuhan ito ng mga mambabasa.

Mga Akda Katangian

4
Sa yugtong ito, malalaman mo ang mahahalagang kaisipan tungkol sa
aralin. Simulan mong basahin at alamin!

Ang kuwentong-bayan, maikling kuwento, alamat, at mito ay halos


may kaugnayan sa isa’t isa. Halos pareho lamang ang kanilang paksang
karaniwang tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura
ng isang partikular na pangkat o lugar. Bagama’t halos magkatulad ay makikita
pa rin ang natatanging katangian ng bawat pasalindila ng panitikang ito.

Akdang
Kahulugan Katangian
Pampanitikan

Ito ay karaniwang 1. Ang mga tauhan ay mga


tumatalakay sa mga diyos at diyosa, bathala o
diwata.
kuwentong may kinalaman
sa mga diyos at diyosa, 2. Nababalutan ng hiwaga o
Mito
pangyayaring hindi kapani-
bathala, diwata, at mga paniwala.
kakaibang nilalang na may
3. Naniniwala sa mga ritwal,
kapangyarihan. kultura, at tradisyon.

Isa itong kuwentong


1. Kathang isip lamang.
nagsasaad kung saan
Alamat 2. Nagsasalaysay sa
nanggaling o nagmula ang pinagmulan ng mga
mga bagay-bagay. bagay-bagay.

1. Kuwentong nagmula sa
bawat pook na naglalahad
ng katangi-tanging
Kuwentong- Ito ay kuwentong nagmula salaysay ng kanilang
bayan sa isang partikular na bayan. lugar.
2. Masasalamin ang kultura
ng bayang pinagmulan
nito.

5
Isang maikling kathang
pampanitikang
1. Nababasa sa iisang
Maikling nagsasalaysay ng pang- upuan lamang.
Kuwento araw-araw na buhay na 2. Binubuo ng iilang tauhan
kinasasangkutan ng isa o lamang.
iilang tauhan lamang.

Ang mga akdang tuluyan kagaya ng mito, alamat, kuwentong-bayan, at


maikling kuwento ay binubuo ng mahahalagang elemento. Ito ang mga
sumusunod:
1. Tauhan – Ang nagbibigay-buhay sa akdang maaaring maging masama
o mabuti.
2. Tagpuan – Ang panahon o lugar na kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda. Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa
panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o
lalawigan; sa bundok o sa ilog.
3. Banghay – Maayos na pagbabanghay at pagkasusunod-sunod ng mga
pangyayari.
Narito ang mga nilalaman ng banghay:
a. Panimulang Pangyayari – Ang kawilihan ng mga mambabasa ay
nakasalalay sa bahaging ito. Dito matutunghayan ang pagpapakilala ng
tauhan at tagpuan.
b. Tunggalian – Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan sa mga suliraning kaniyang kakaharapin.
c. Kasukdulan – Ito ang pinakamataas at kapana-panabik na bahagi ng
kuwento. Sa bahaging ito, unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin.
d. Pababang Pangyayari – Sa bahaging ito, nalulutas ang suliranin at
natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin. Ito ang nagbibigay ng
daan sa wakas ng kuwento.
e. Resolusyon – Sa bahaging ito, nagkakaroon ang kuwento ng isang
makabuluhang wakas na maaaring ang kinahinatnan ay masaya o
malungkot.

6
Sa bahaging ito, kailangan mong basahin ang buod ng akdang mula
sa Luzon na pinamagatang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.”
Pero bago iyan, kailangan mo munang basahin at unawain ang kahulugan
ng mahihirap na salitang mababasa sa akda.

Talasalitaan:
o affong – tirahan ng isang pamilyang Igorot
o intugtukon – tanging lupon ng matatalinong matatanda sa bayan
o Kabunian – ang bathala ng mga katutubong Igorot
o Cañao – isang seremonya ng mga Igorot
o pagdaraos – pagdiriwang
o masusupling – tutubo
o dinulutan – binigyan

Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao


ni Simplicio Basa

Dumating ang matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan.


Isa iyong matandang kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang
lusong. Hindi siya gaanong pinansin kung hindi siya nadagil ng mga katutubong
nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na iaalay sa kanilang ritwal. Isang
tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala.
Sa pagtungo sa kaingin ng isang lalaking si Lifu-o, nakakita siya ng uwak
sa gitna ng daan na isang masamang pangitain. Ipinasya niyang magdaos ng
ritwal kaya ipinatawag niya ang intugtukon at ibig niya itong ganapin sa kanilang
affong. Sa idinaraos na Cañao nakatuon ang pansin ng nakauunawa sa
kahulugan niyon: pagkakasal kaya, pagsilang, pagtatanim, pag-aani kaya,
pakikipagdigmaan, paghinging-biyaya, paghinging-patnubay, pagkamatay kaya
ng isang katutubo?

7
Ang mga kabataang katutubo ay humahabol sa mga baboy na iaalay sa
kanilang bathala. Sa kanilang paghabol ay napadako sila sa lusong na nandoon
ang matandang kuba. Natumba ang matanda at agad naman itong tinulungan
ng mga kabataang Igorot. May nakita silang kakaiba sa katauhan ng matanda.
Nagsalita iyon.

“Bayaan na niyo ako…” at nagpatuloy ang pagdaraos.


Dinulutan ni Lifu-o ang matanda. Inilagay niya sa isang kiyag ang karne
at ang kanin. Noong nagsalita ang matandang kuba sa isang makapangyarihang
tinig. Tumigil ang Cañao.
“Ang idinaraos ninyong Cañao ay bibiyayaan ng mga anito. Narinig na
iyan ni Kabunian. Ibig kong maghandog sa inyo ng aking alaala.” sabi ng
matanda.
Sa malamig na tinig, sinabi niyang “Takluban ninyo ako sa isang
malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang Cañao. Huwag ninyong gagalawin
ang pagkakataob sa akin ng kawa.”
Nagsalita pa ang matanda, “Sa ikatlong araw, isang kahoy ang
masusupling. Huwag ninyong gagalawin ang puno. Ang magiging bunga lamang
ang maaari ninyong pitasin…”
Dahan-dahang itinaklob ni Lifu-o ang matanda sa kawa. Sa silangan, ang
liwanag ay pumupusyaw na at ang puno ng pino ay nagkahuhugis na.
Humudyat si Lifu-o. Itataas na ang kawa. Lumapit ang apat na
matitipunong katutubo sa kawa ngunit nagkalamat ang kawa at may napansin
silang umuusbong na isang kakaibang halaman.
Sila ay nananalangin at nag-aawitan sa saliw ng gangsa nang palakas.
Ang mga lalaki’t babae, bata’t matanda ay nasisindak dahil ang umusbong ay
isang gintong halaman.
Ang halamang ginto ay pataas nang pataas at palago nang palago na
nagiging puno na ito. Si Sabsafung na asawa ni Lifu-o at si Napat-a ay kumilos.
Ang mga katutubo ay pumunta sa puno upang pitasin lahat ng ginto. Ang puno
ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, at binali-
bali. Sila ay nag-aagawan, nagtutulakan, nagkasasakitan na, nagsisipaan, at
nagkababalian ng buto.

8
Bago nagawang dumapo ng isang ibon, tila dagundong na ibinuhos ng
ulan, nabuwal ang puno at bumagsak. Umugoy ang mga sanga ng mga kalapit
na puno ng pino. Sa malayo, narinig ang bahaw na huni ng uwak. “Huhukayin
ninyo mula ngayon ang ginto…” Naisip ni Lifu-o ang matandang iyong dumating
sa isang pagkakataong hindi inaasahan, ang matandang kubang papilay-pilay
na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong…

Ngayong nabasa mo na ang buod ng akdang “Isang Matandang Kuba sa


Gabi ng Cañao,” palalawakin mo naman ang iyong kaalaman sa pagsusuri sa
mahahalagang detalye sa akda. Kaya, gawin mo na ang kasunod na gawain.

Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sa anong elemento ng akda napabilang ang pagpapakilala sa mga
pangunahing gumaganap sa akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng
Cañao” na sina matandang kuba, Lifu-o, Sabsafung, at Napat-a.
a. Banghay c. Tagpuan
b. Panimula d. Tauhan
2. Isinasaad sa akda na ang lugar kung saan nila ipinagdiriwang ang Cañao ay
sa affong. Sa anong elemento ng kuwento napabilang ang paglalahad sa
lugar ng pangyayari?
a. Banghay c. Tagpuan
b. Panimula d. Tauhan
3. “Dumating ang matandang kuba sa isang pagdiriwang ng Cañao. Habang siya
ay nakaupo sa nakatumbang lusong ay bigla siyang nagsalita at nagbigay ng
mga paalala. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi sinunod ng mga tao ang
paalala ng matanda kaya ang gantimpala na kanilang natanggap ay naglaho.
Nagunita ng mga tao na sinayang nila ang biyayang dumating sa isang
pagkakataon.”
a. Banghay c. Tagpuan
b. Panimula d. Tauhan

9
4. Naniniwala ang mga pamilya ni Lifu-o na sa pamamagitan ng pagdiriwang ng
Cañao ay maaaring maging masagana ang kanilang pamumuhay. Anong
kultura ang masasalamin sa bahaging ito?
a. paniniwala sa mga halaman c. paniniwala sa mga pamahiin
b. paniniwala sa mga hayop d. paniniwala sa mga ritwal
5. Natutunan ng mga tauhan sa kuwento na hindi mabuti ang maging sakim at
makasarili. Batay sa bahagi ng akda, anong katangian mayroon ang mga
tauhan sa kuwento?
a. gahaman b. makatao c. makabansa d. mapagbigay

Sa yugtong ito, inaasahang natutunan mo na ang mga kaalamang dapat


matamo sa aralin. Ngayon, pagtibayin mo ang iyong natutunan.

Gawain A
Panuto: Basahing muli ang akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao” at
suriing mabuti ang bawat pangyayaring naganap. Kopyahin at buoin ang
graphic organizer gamit ang mga pagpipiliang makikita sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagpipilian
 Affong
 Lifu-o, Sabsafung, Napat-a, Matandang Kuba
 Naisip ni Lifu-o na ang matandang kubang papilay-pilay na dumating na
nakaupo sa nakatumbang lusong ay isang pagkakataon na hindi inaasahan.
 Biglang may isang halamang tumubo na puno ng ginto at dinumog ito ng mga
tao. Sila’y nag-aagawan, nagtutulakan, nagsasakitan, nagsisipaan, at
nagkababalian ng buto habang tinataga, tinatapyas, at binali-bali ang puno.
 Bumuhos ang ulan at ang puno ay nabuwal. Bumagsak ang mahiwagang
kahoy. Umugoy ang mga sanga ng mga kalapit na puno ng pino.
 Sa malayo, narinig ang bahaw na huni ng uwak at bumulong ang hangin na
“Huhukayin ninyo mula ngayon ang ginto.”

10
 Isang matandang kuba na dumating sa pinagdarausan ng ritwal ng Cañao at
umupo sa nakatumbang lusong. Natanaw ni Lifu-o na tinulungang makatayo
ng mga kabataang Igorot ang matanda. Si Lifu-o ay asawa ni Napat-a at may
anak sila na si Sabsafung. Habang idinaraos ang Cañao ay biglang nagsalita
ang matanda at nagbigay siya ng mga paalala sa mga dapat gawin.

Tauhan: Isang Matandang Tagpuan:


_____________ Kuba sa Gabi ng _____________
_____________ Cañao _____________
_____________ _____________

Banghay

Panimulang Tunggalian: Kasukdulan: Pababang Resolusyon:


Pangyayari: __________ ___________ Pangyayari: ___________
__________ __________ ___________ __________ ___________
__________ __________ ___________ __________ ___________
__________ __________ ___________ __________ ___________
__________ __________ ___________ __________ ___________
__________ __________ ___________ __________ ___________
__________ __________ ___________ __________ ___________
__________ __________ ___________ __________ ___________
__________ __________ ___________ __________ ___________

Gawain B
Panuto: Kopyahin ang graphic organizer sa ibaba at ibigay ang hinihingi nito.

Katangian ng
Maikling Kuwento

Katangian ng Mga Katangian ng


Alamat Katangian Mito

Katangian ng
Kuwentong-bayan

11
Pagkatapos mong masagutan ang mga gawain, marapat lamang na
iyong matutunan ang mahahalagang kaisipan sa araling ito.

Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga elemento at katangian ng mito, alamat, kuwentong-bayan,


at maikling kuwento?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Bakit kailangan mong malaman ang mga katangian at elemento ng mga


akdang pampanitikan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Marahil, natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Handa


ka nang gamitin ang iyong kaalaman para sa iba’t ibang pagsubok. Kaya
sa yugtong ito, kailangan mong basahin ang isang maikling kuwentong
mula sa Mindanao na pinamagatang “Tinampikan” upang masagutan ang
gawain. Pero bago iyan, kailangan mo munang basahin at unawain ang
kahulugan ng mga mahihirap na salita na mababasa sa akda.

12
Talasalitaan:
o mamalagi – manatili
o hinimok – hinikayat
o tabiki – dingding o partisyon ng kuwarto
o napagtanto – nalaman
o nagdalamhati – nalungkot

Tinampikan
Maikling Kuwento mula sa Mindanao

Masama ang panahon, bumabagyo noon at may taggutom sa lupaing


iyon. Naging kaugalian na sa tribo ang pagpayag sa mga bagong kasal na
mamalagi muna sa pamilya ng lalaki hanggang maisilang ang kanilang unang
anak. Subalit dala ng kahirapan ng mga magulang ng lalaki, pagkatapos na
pagkatapos ng seremonya at pagdiriwang ng kanilang kasal, kaagad na hinimok
ng mga magulang nina Maison at Tinampikan na magsimula na ng buhay mag-
asawa nang sila lamang dalawa.
Tatlong araw matapos silang makalipat sa kanilang bagong tahanan ay
nagsimulang umulan. Ang bubungan ay tumulo, kung kaya’t umakyat si Maison
sa tabiki upang tagpian ang tumutulong bahagi ng bubungan. Sa ganitong
kalagayan napagtanto niyang kailangan niya ng tulong ng kaniyang batang
asawa.
“Tinampikan,” ang tawag niya nito, “ituro mo sa akin kung saang panig ng
bubungan ako kinakailangang magtagpi upang hindi tayo mabasa kung muling
umulan.”
Sumang-ayon ang asawang babae ngunit sa halip, nagtuloy siya sa
kusina upang maghanap ng pagkain. Nakakita siya ng isang hinog na saging at
nilaga iyon.
Nagpatuloy ang lalaki sa pagtagpi sa bubungan habang maya’t maya
itinatanong sa asawang babae kung mayroon pang dapat tagpian, ang babae
naman ay patuloy na sumasagot na marami pa dahil nais niyang maluto ang
saging bago bumaba ang asawa mula sa bubungan.

13
Natatakot ang babae na kung bumaba ang lalaki ay makihati pa ito sa
nilagang saging na nais niyang masolo.
Nang maluto na ang saging, binalatan kaagad niya ito at sinimulang
kainin kahit mainit pa.
Ngunit may nangyaring aksidente – ang mainit na saging ay bumara sa
kaniyang lalamunan at nahirapan siyang huminga. Siya ay gumapang patungo
sa buho ng kawayang lalagyan ng tubig upang uminom at mawala ang bara sa
kaniyang lalamunan ngunit ang lalagyan ay wala ng tubig.
Sa kabilang dako, ang lalaki namang nasa itaas ng bubungan ay
nagsimulang magtaka kung bakit hindi na sumasagot ang kaniyang asawa.
Nang siya ay bumaba, nadatnan niyang nakahiga sa tapat ng buho ang
kaniyang asawa at hindi na humihinga.
Nagdalamhati si Maison sa pagkawala ng asawa. Nang makita niya ang
nilagang saging, sinabi niyang “Bakit kailangan mong kainin ang mainit na
nilagang saging? Alam mo namang ipauubaya ko sa iyo iyan sapagkat alam
kong nag-iisa lamang iyan at hindi maatim ng puso kong hatian ka.”

Gawain A
Panuto: Suriin ang akdang “Tinampikan” at buoin ang ladder organizer patungkol
sa elemento ng akda. Punan ang bawat bahagi nang nararapat na
kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Resolusyon: ____________________________
______________________________________

Pababang Pangyayari: ___________________


______________________________________

Kasukdulan: ____________________________
______________________________________

Tunggalian: ____________________________
______________________________________

Panimulang Pangyayari: __________________


______________________________________

14
Gawain B
Panuto: Basahin at alamin ang mga pangyayari sa akdang “Tinampikan” upang
masagutan ang hinihinging impormasyon sa Thinking Eridium Scale.
Kopyahin ito at isulat ang sagot sa sagutang papel

_______________________________________________
Paniniwala
_______________________________________________
__

_______________________________________________
Suliranin ng
_______________________________________________
Tauhan
__

Aral na _______________________________________________
Mapupulot _______________________________________________
__

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa kahon. Tukuyin kung
anong katangian ng akda ang isinasaad dito. Isulat ang titik ng sagot sa
sagutang papel.

1. Ang kabataang Igorot ay nag-alay ng baboy kay Kabunian upang


magpasalamat.

a. Paniniwala sa bathala o diyos


b. Naglalahad ng suliranin o gampanin
c. Nagsasalaysay sa pinagmulan ng lugar
d. Nagsasalaysay sa pinagmulan ng bagay

15
2.
Narinig nila ang huni ng uwak na nagsasabing, “Huhukayin ninyo mula
ngayon ang ginto.”

a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon

3. Naging kaugalian na sa tribo ang pagpayag sa mga bagong kasal na


mamalagi muna sa pamilya ng lalaki hanggang maisilang ang kanilang
unang anak.

a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon

4. Nakita ni Lifu-o ang uwak kaya nagdesisyon siya na magdiwang ng Cañao


upang mawala ang masamang pangitain.

a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon

5. Napagtanto ng mga tauhan sa akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng


Cañao” na huwag maging sakim at makasarili.

a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at tradisyon

16
II. Panuto: Basahing muli ang akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao”
at “Tinampikan.” Tukuyin kung anong elemento ng akda o bahagi ng
banghay ang isinasaad sa mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin sa
kahon ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

a. Banghay d. Tauhan g. Pababang Pangyayari


b. Kasukdulan e. Tunggalian h. Panimulang Pangyayari
c. Tagpuan f. Resolusyon

1. Ang lugar na pinagdarausan ng Cañao ay sa affong.


2. May mag-asawang nagngangalang Maison at Tinampikan na naninirahan sa
isang bayan.
3. Ang mainit na saging ay bumara sa lalamunan ni Tinampikan at nahirapan
siyang huminga.
4. Sa malayo, narinig ang bahaw na huni ng uwak at bumulong ang hangin na
“Huhukayin ninyo mula ngayon ang ginto.”
5. Napagtanto ni Maison na ang naging dahilan sa pagkamatay ng kaniyang
asawa ay ang pagkabara ng saging sa lalamunan nito.
6. Bumuhos ang ulan at ang puno ay nabuwal. Bumagsak ang mahiwagang
kahoy. Umugoy ang mga sanga ng mga kalapit na puno ng pino.
7. Ang mga pangunahing tauhan sa akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng
Cañao” ay sina Lifu-o, Sabsafung, Napat-a, at ang matandang kuba.
8. Naisip ni Lifu-o na ang matandang kubang papilay-pilay na dumating na
nakaupo sa nakatumbang lusong ay isang pagkakataon na hindi inaasahan.
9. Biglang may isang halamang tumubo na puno ng ginto at dinumog ito ng mga
tao. Sila’y nag-aagawan, nagtutulakan, nagsasakitan, nagsisipaan at
nagkababalian ng buto habang tinataga, tinatapyas, at binali-bali ang puno.
10. Dumating ang matandang kuba sa isang pagdiriwang ng Cañao. Habang siya
ay nakaupo sa nakatumbang lusong ay bigla siyang nagsalita at nagbigay ng
mga paalala. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi sinunod ng mga tao ang
paalala ng matanda kaya ang gantimpalang kanilang natanggap ay naglaho.
Nagunita ng mga tao na sinayang nila ang biyayang dumating sa isang
pagkakataon.

17
Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot at pagsagawa sa mga
gawain. Ngayon, tiyak na marami ka nang natutunan sa aralin. Pero
kailangan mo pang pagtibayin ang iyong kaalaman.

Gawain
Panuto: Magsaliksik ng isang mito o alamat sa Kabisayaan na uugnay sa iyong
sariling karanasan. Siguraduhing nakapaloob ang mga katangian at
elemento ng mito o alamat. Kopyahin at punan ang bawat bahagi ng
graphic organizer.

Katangian Pamagat Banghay

Paniniwala: Panimulang Pangyayari:


______________________ Tauhan at ______________________
______________________ Tagpuan: ______________________
__________
__________
__________ Tunggalian:
Suliranin ng Tauhan:
______________________
______________________ __________
______________________
______________________ __________
__________
__________
Kasukdulan:
Aral na Mapupulot: __________ ______________________
______________________ __________ ______________________
______________________ __________

Pababang Pangyayari:
______________________
______________________

Resolusyon:
______________________
______________________

18
19
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.
o Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan.
Innovative Education Materials, INC.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like