Professional Documents
Culture Documents
Map (Gawain 6)
Map (Gawain 6)
Pagmulat sa umaga mga muta sa mata ang siyang mapapansin. Kama ay basa dahil sa
batang umihi. Kwarto ay makalat na tila bang dinaanan nang bagyo. Mga laruan na
kulang ng ilang parte ay nakahandusay sa sahig. Amoy mula sa kusina ang siyang
umaalingasaw sa bahay. Ina na nagluluto para sa kakainin ng mga bata. Mga baon ay
nakahanda na, itlog at hotdog ang karaniwang ulam. Ate at Kuya ay kumakain na ngunit
ang bata ay di parin naliligo. Ang ina ay napabuntong hininga na lamang sa kanyang
anak. Pinaligoan niya ang kanyang anak, haplos dito, haplos doon at saka pinagsipilyo.
Matapos bihisan ay kanya itong pinakain. Ang bata ay napapapikit sa sarap ng ulam.
Ang mukha ay may nakadikit na mga kanin dahil sa kakulitan sa hapag. Dali-daling
inubos ng bata ang gatas upang makaalis na.