Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan Notes
Araling Panlipunan Notes
Arkeolohiya – ito ay pag-aaral at pagsusuri ng mga materyal na labi o artepakto (artifact) at iba
pang nilikha ng mga sinaunang kabihasnan tulad ng mga kasangkapan, gusali, templo, at
libingan.
Heograpiya – pinag-aaralan sa larangang ito ang interaksiyon ng tao sa kapaligiran. Sinusuri
nito kung paano ginagamit ng mga tao ang espasyo, gayundin ang pagkilos nila sa isang
malaking rehiyon o ang pagpili at pananatili nila sa isang lugar.
Sikolohiya – nilalayon nito na maunawaan kung paano gumagana ang isip ng tao at ang epekto
nito sa kaasalan niya.
Lingguwistika – saklaw ng larangang ito ang pag-aaral sa katangian, balangkas, at pagkakaiba
ng mga wika sa mundo.
Giambattista Vico – siya ay isang Italyanong pilosopo na nabuhay sa pagitan ng ika-17 at ika-
18 na siglo. Sa kaniyang akdang Scienza Nuova o New Science (1725), inihayag niya ang
pananaw na ng kasaysayan ay dumadaloy nang paikot (sikliko). Naniniwala siya na mayroong
tatlong yugto ang sangkatauhan, at ito ay ang mga sumusunod:
1. Panahon ng mga diyos (age of gods) – ito ay yugto sa kasaysayan kung saan naniniwala
ang mga tao na sila ay nasa ilalim ng kautusan, patnubay, at pamamahala ng diyos. Sa
tulong ng mga orakulo at propeta, kumikilos ang mga tao upang sundin ang kagustuhan
ng mga diyos.
2. Panahon ng mga bayani (age of heroes) – ito ay kapanahunan kung saan ang naghahari
ay ang mga aristokrata na pawang makapangyarihan at mainpluwensiya sa mga
karaniwang tao. Sila ay mga pinuno ng mga kaharian, at kabilang sa kanila ang mga
natatanging mandirigma na sinusunod at tinitingala ng mga tao.
3. Panahon ng mga tao (age of men) – sa panahong ito, kinikilala ang pagkapantay-pantay
ng mga tao sa kanilang kalikasan. Dito, halos patas na ang oportunidad sa iba’t ibang
sektor ng lipunan.
Para kay Vico, kapag nakamit na ang rurok ng pag-unlad, makararanas ng paghina at pagbagsak
ang isang kabihasnan. Matapos nito, muli na namang magsisimula ang mga tao sa una, ikalawa,
at ikatlong yugto, patunay na paikot ang daloy ng kasaysayan.
Heograpiya – ito ay isang larangan na pinag-aaralan ang mga kapaligiran, lugar, at espasyo sa
ibabaw ng mundo at ang mga pagkilos at interaksiyon ng tao na naganap sa mga ito. Hinalaw ito
sa salitang Griyego na geo na nangangahulugang “lupa” at graphein na nangangahulugang
“pagsusulat”.
Sistemang insular – ang tawag kapag ang ginagamit na pagtukoy ay ang mga katubigan na
nakapalibot sa isang lugar.
Bisinal – ang tawag kapang ang ginagamit sa pagtukoy ay ang mga kalupaan o mga karatig-
bansa sa isang lugar.
Parallels of latitude o latitud – ito ay ang mga pahalang na guhit na bumabagtas paikot sa
mundo mula sa silangan patungong kanluran.
Ekwador – ito ang panimulang latitude dahil ito ay nasa 0° at nadaragdagan ang bilang ng
degree habang pataas o pababa ang pagsukat. Ito rin ang batayan ng paghahati ng mundo sa
Hilagang Emisperyo at Timog Emisperyo.
Meridians of longitude o longhitud – ito ang mga patayong guhit na nagsisimula sa Hilagang
Polo at nagwawakas sa Timog Polo. Dalawa ang pangunahing longhitud—ang prime meridian
(0°) na hinahati ang daigdig sa Silangang Emisperyo at Kanlurang Emisperyo at ang
International Date Line (180°) na hangganan ng pagsisimula ng panibagong araw o petsa.
2. Lugar – saklaw nito ang katangian ng isang pook sa aspektong pisikal at pantao. Ang
mga anyong lupa, anyong tubig, hayop at halaman na matatagpuan doon ay kabilang sa
katangiang pisikal.
3. Rehiyon – ito ay mga lugar na magkakalapit at may magkakatulad na katangiang pisikal
at pantao. Ang isang rehiyon ay sumasaklaw sa kalupaan na may iisang klima,
magkakatulad na anyong lupa, klase ng lupa o vegetation.
4. Interaksyon ng tao at kapaligiran – ipinapakita dito ang paraan ng tao upang umayon o
umangkop sa katangian ng kapaligiran na kaniyang pinaninirahan. Ang klima,
topograpiya, katubigan, at mga hayop at halamang namumuhay roon ay ang mga hamon
na kailangang mapagtagumpayan ng tao.
5. Paggalaw ng tao – tinatalakay rito ang ugnayan ng paggalaw ng tao sa daloy ng mga
produkto at kaisipan mula sa isang lugar patungo sa iba.
Kontinente – ito ay mga malaking kalupaan na ginagamit din bilang dibisyong pampolitika,
ekonomiko, kultura, at pangkalikasan.
Mga Kontinente sa Daigdig
1. Asya – sinasabing mula sa salitang Akkadian na asu na ang ibig sabihin ay
“pinagsibulan” o “lupain ng bukang liwayway”.
2. Aprika – halaw sa salitang Phoenician na afar na nangangahulugang “alikabok” at sa
hulaping Latin na ica na ibig sabihin ay “lugar”; inilalarawan nito ang Hilagang Aprika
na lupaing maalikabok dahil sa disyertong matatagpuan dito.
3. Amerika (Hilaga at Timog) – nagmula sa pangalan ni Amerigo Vespucci, isang
Italyanong manlalakbay na nagpahayag na ang bagong tuklas na mga lupain sa
Kanlurang Emisperyo ay hiwalay na kontinente at hindi bahagi ng Asya.
4. Antartika – mula sa salitang Griyego na antartike na ang kahulugan ay “kabaligtaran ng
hilaga”.
5. Europa – sinasabing mula sa salitang Akkadian na erebu na nangangahulugang
“bumaba” o “lumubog”; kung ilalagay sa konteksto ng araw, ito ay nangangahulugan na
“pinaglubuan ng araw”.
6. Australia – nagmula sa salitang Latin na australis incognita na ang kahulugan ay
“lupaing hindi pa kilala sa katimugan” noong Panahon ng Paggalugad.
Klima – ito ay ang kalagayn ng atmospera sa isang rehiyon ng mundo sa mahabang panahon.
Panahon o weather – ito ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa isang maliit na lugar sa
maikling panahon. Maaaring matukoy ang uri ng klima batay sa lokasyong heograpiko o batay sa
sistema na tinatawag na Koppen climate classification system.
Koppen Classification System – ang sistemang ito ay nakabaty sa temperatura at vegetation.
Lahi – ito ay isang koseptong panlipunan na binuo upan pangkatin ang mga tao batay sa
pagkakaiba ng katangiang pisikal (taas, pangangatawan, kulay ng balat, buhok) at kaasalan.
Perhuwisyo (prejudice) – saloobin at opinyon na walang katanggap-tanggap na batayan na
nagreresulta sa pagwawalang-bahala ng karapatan ng isang tao.
Diskriminasyon – hindi pantay na pagtrato ng tao sa ibang tao; maaaring nasa anyo ng mataas
na pagtangi o mababang pagtingin sa iba.
Relihiyon – ito ay sistema ng paniniwala at mga gawain na kumikilala sa pagkakaroon ng
kapangyarihang higit sa tao. Maipapangkat sa kalawa ang mga relihiyon batay sa bilang ng
sinasambang diyos.
a. Monoteismo – sila ay kumikilala sa iisang diyos.
b. Politeismo – sila ay sumasampalataya sa maraming bilang ng diyos.
Mga kilalang relihiyon na monoteista:
1. Judaismo – ay ang unang relihiyon na uminog ang pananampalataya sa iisang diyos na
pinaniniwalaang lumikha sa lahat. Pinaniniwalaan ng mga Hudyo na sila ay pinili ng
kanilang diyos bilang kaniyang bayang hinirang (chosen people). Ito ay isang relihiyong
etniko dahil hindi ito nagnanais na magpalaganap ng mga kasapi na hindi Hudyo.
2. Kristiyanismo – itinuturing itong pinakamalaking relihiyon base sa bilang ng mga
kasapi. Umaabot sa sangkatlo ng populasyon ng mundo ang mga Kristiyano. Mithiin ng
relihiyon na ipalaganap ang kanilang paniniwala kaninuman at anupaman ang kanilang
katayuan o lahi. Unang nahati sa dalawang pangkat ang Kristiyanismo dahil sa
pagkakaiba sap ag-unawa ng mga aral at sa mga doktrina:
a. Silangang kristiyanismo – ito ay binubuo ng Armenian, Coptic, Maronite,
Nestorian, at Russian Orthodox national churches.
b. Kanlurang kristiyanismo – ito ay kinakatawan ng Simbahang Katoliko na
nakabase sa Vatican, at and Protestanismo na karagdagang nahahati pa sa
Lutheran, Calvinist, Anglican, at Methodist.
3. Islam – ito ay naitatatg sa Arabia at nangagangaral sa pagsunod sa kagustuhan ng iisang
diyon na si Allah. Ipinapalaganap nito ang paniniwala sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Nahahati ito sa dalawang denominasyon:
a. Sunni – sila ang may pinakamalaking bilang na umaabot sa 90% ng mga
Muslim sa tangway ng Arabia, Ehipto, Palestine, at sa bahagi ng Timog-
Silangang Asya. Ang katawagang Sunni ay mula sa “Ahl al-Sunnah” o “mga
tao ng tradisyon”. Ang tradisyong tinutukoy ay ang pagsunod sa mga sinabi at
ginawa ng propetang si Muhammad.
b. Shia – sila naman ay bumubuo sa 10% ng mga Muslim na karamihan ay
matatagpuan sa Iraq at Iran. Ang kahulugan ng Shia ay “Shiat Ali” o
“kapartido ni Ali” na kinikilala ang karapatan ni Ali bilang kahalili sa
pamumuno ni Muhammad.
4. Sikihismo – ito ay may ilang element ng Islam at Hinduismo na pinagsama sa kanilang
paniniwala tulad ng pagkakaroon ng iisang diyos at pamumuhay nang marangal at may
tamang kaasalan. Noon, ipinalaganap ang relihiyong Sikihismo ngunit ngayon, nasa
bansang India ang mayorya ng populasyon ng mga naniniwala dito.