Professional Documents
Culture Documents
Impormal Na Sektor Demo
Impormal Na Sektor Demo
Araling Panlipunan 9
Pagpapakitang Turo
Ni
MELJOY D. CAMARINES
Teacher I
School: Luisa Medel National High School
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sector ng ekonomiya at mga
patakarang pang ekonomiya nito sa hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong
at pag-unlad.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sector ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
A. Balik-Aral
Entry for Indicator # 1: Applies of content within and across curriculum teaching areas.
(MATH_M6NS-IIf-149)
Entry for Indicator # 2: Uses a range of teaching strategies that enhance learner achievement in
literacy and numeracy skills.
Gawain: FAST-CODE-DECODE
Panuto: Panuto: Huhulaan ng bawat mag-aaral kung anong salita ang nasa likod ng nakatagong
numero sa pamamagitan ng pagsagot sa math problem. Pabilisan ng sagot ang bawat mag-aaral.
Kailangan munang itaas ang kamay bago sabihin ang salitang na decode sa numero.
Gabay na tanong:
KATANUNGAN INAASAHANG SAGOT
Anong salita ang inyong nabuo? Ang salitang nabuo ay Impormal na sector.
Ilan ang kabuuang bilang ng ibinigay na gawain? Ang kabuuang bilang nito ay 77.
Ayon kay W. Arthur Lewis, ano ang konsepto ng Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na
impormal na sector? kabilang sa mga bansang papaunlad pa
lamang(developing countries).
Ilathala ang artikulo ni Cielito Habito sa Tinawag niya ang impormal na sector bilang
Philippine Daily Inquirer na nagpapaliwanag ng underground economy o hidden economy.
impormal na sector.
Magbigay halimbawa ng Impormal na sector. Ito ay mga karpintero, pedicab driver at sidewalk
vendor
B. Paghahabi sa layunin:
Ibahagi sa mga mag-aaral ang layunin sa araw na ito:
Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sector. (AP9MSP-IVg15)
Natataya ang mga epekto ng impormal na sector ng ekonomiya. (AP9MSP-IVh-16)
F. Paglinang ng kabihasaan:
Si Mang Jose ay isang sidewalk vendor na nagtitinda sa downtown area ng Bacolod City. Isang araw,
nagdesisyon ang pamahalaan na ipatupad ang batas ng pagbabawal ng pagbebenta sa sidewalk kung
saan naghahanapbuhay si Mang Jose. Ipinalipat sina Mang Jose sa loob ng central market ngunit
mahina ang bentahan kung kaya’t pumupuslit pa rin sila sa pagbebenta sa sidewalk kahit na may
multa.
Gabay na tanong:
KATANUNGAN INAASAHANG SAGOT
Bakit patuloy pa rin silang nagbebenta sa Dahil sa matinding kahirapan.
sidewalk kahit ipinagbabawal?
Magbigay epekto ng mga sidewalk vendor sa Pinahihintulutan ito ngunit may batas ng
ating ekonomiya. pagbabawal sa pagbebenta sapagkat ito’y
nakakapagpababa sa buwis na nakukuha at
naaapektuhan ang badyet ng pamahalaan.
G. Paglalahat ng aralin
Entry for Indicator # 3: Applies a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking,
as well as other higher-order thinking skills.
Gawain: IDEYA MO! SHARE MO!
Panuto: Sagutan ang katanungang ibibigay tungkol sa Impormal na Sektor.
Gawain: DULA-DULAAN
Panuto: Magtanghal ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng dahilan at epekto ng impormal na sector
ng ekonomiya.
Hahatiin sa apat na pangkat ang klase. Bawat pangkat ay pipili ng lider. Gagawa ang bawat pangkat
ng isang sitwasyon na nagpapakita ng dahilan at epekto ng impormal na sector. Bawat pangkat ay
may gawain. Bibigyan lamang sila ng tatlong minuto para sa paghahanda at tatlong minuto sa
pagtatanghal. Bawat kasapi ay makikilahok sa gawain. Pagkatapos ng dula-dulaan ay kanila itong
ipapaliwanag. Gawing gabay ang pamantayang ibibigay.
Pamantayan sa pagmamarka:
Pamantayan 10 5 3 Nakuhang
puntos
Paksa Naiaayon ang mensahe Di-gaanong naaayon Di-naaayon ang
sa paksa ang mensahe sa mensahe sa paksa
paksa
Partisipasyon Lahat ay nakasali. May isa o dalawa ang May tatlo o higit pang
di nakasali di nakasali
Pagkamalikhain Maliwanag at angkop Di-gaanong Di maliwanag at
ang pagsasadula ng maliwanag at angkop angkop ang
dahilan at epekto ng ang pagsasadula ng pagsasadula ng dahila
impormal na sektor dahilan at epekto ng
impormal na sektor
Kabuuang puntos
I. EBALWASYON
Entry for Indicator # 9: Designs, selects, organizes and uses diagnostic, formative and summative
assessment strategies consistent with curriculum requirements.
Panuto: Suriin at tukuyin ang mga dahilan at epekto ng impormal na sector sa ekonomiya.
Kopyahin at sagutan ang mga tanong. Salungguhitan ang dahilan at bilugan ang epekto ng
impormal na sector sa ekonomiya na nasa pangungusap.
1. Ayaw ni Kuya Juan na magproseso ng dokumento sa city hall dahil sa napakahaba ng pila kung
kaya’t nagtinda na lamang siya sa Quiapo.
2. Kumukuha si inay ng labahan dahil kulang ang aming panggastos sa araw-araw.
3. Nagkasakit si ate dahil sa biniling fishball sa gilid ng kalsada.
4. Marami ang naglipana ng nagbebenta ng pirated na dvd’s.
5. Bumaba ang pondo ng pamahalaan.
J. KARAGDAGANG GAWAIN
Entry for Indicator # 1: Applies knowledge of content within and across curriculum teaching areas.
(Filipino_F8PU-IIa-b-24)
Entry for Indicator # 6: Uses differentiated, developmentally appropriate learning experiences to
address learner’s gender, needs, strengths, interests and experiences.
Gawain: TULA
Panuto: Gumawa ng isang tula na tumutukoy sa mga dahilan at epekto ng impormal na sector sa
ekonomiya. Gawing gabay ang pamantayan.
PREPARED BY:
CAMARINES, MELJOY D.
OBSERVED BY: