Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Featured Article

Ang early pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12


hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa
buong mundo. Ito ay isa sa mga tampok na issue na lumalaganap sa ating
bansa. Karamihan din sa mga ito ay wala pa sa wastong pag iisip para gawin
ang isang bagay. Ang teenage pregnancy ay may malaking epekto o
implikasyon sa health care ng bansa, ito ang malaking health risk.

Sanhi o dahilan ng early pregnancy: Sintomas na buntis:


Peer pressure Pagkahilo
Kawalang tamang gabay ng magulang Pagkasuka
Media o Social media Delay ang regla
Kawalan ng tamang kaalaman Maselan sa amoy
Paglalasing Maselan sa pagkain
Spotting at mild
cramping
Isa sa mga nakapanayam ko na dumaan sa early pregnancy na si Hojanna Cruz ay hindi niya umano inakalang hahantong siya sa ganitong pagsubok lalo
na isa pa lamang siyang estudyante at galing sa mahirap na pamilya.

“Noong una ay akala ko may ulcer at mataas lamang ang akin acid sa kadahilanang pagsusuka na akin nararanasan tuwing gigising ako ng umaga. Unti
unti naring nagbabago ang aking panlasa at pang amoy. Pinabayaan ko lamang iyon hanggang sa napansin ako ni nanay at sinabing umiiba ang hugis ng
aking balakang at panay pagsusuka sa umaga. Kinausap ako ni inay at sinabing magpacheck-up na kasi baka daw buntis ako”.

“Natakot ako kasi baka nga buntis talaga ako at hindi na ako makapag-aral lalo na may pangarap ako na makapagtapos sa pag-aaral. At iyon nanga
nagpacheck-up na kami at confirm. Umiyak ako ng umiyak pagkauwi ko sa aming bahay, pinagalitan ako at sinabing papuntahin daw sa bahay ang aking
nubyo”.

“Paano mo nakayanan at nalagpasan ang pagiging batang ina”

“Sa awa ng diyos ay sinuportahan parin ako ng aking mga magulang. Maswerte rin ako na pinagutan ako ng aking nubyo at sinuportahan ng kanyang
mga magulang. Naipanganak ko naman din ng maayos ang aking baby na ngayo’y maglilimang taon na. Hindi narin ako nakapagpatuloy sa pag-aaral
kasi mas kailangan ko magtrabaho para sa aking anak”.

“Ayun lamang at maraming salamat sa iyong napakagandang kwento na iyong naranasan”

Iyan po ay ilan lamang sa napag-usapan naming ni Hojanna Cruz tampok ang kaniyang naranasan sa maagang pagbubuntis. Sa panayam ko sa kanya ay
maswerte lamang siya sapagkat suportado siya ng kaniyang mga magulang subalit ang kanyang pangarap na makapagtapos ay naudlot dahil sa maagang
pagbuntis. Hindi lahat ng early pregnancy ay katulad ng kaniyang naranasan kaya naman mas maigi paring matuto tayong unahin ang ating pangarap na
makapagtapos bago bumuo ng pamilya at magbuntis upang matustusan ng sapat ang pangangailangan ng anak.\

Solusyon sa maagang pagbubuntis:


Pagpapatibay ng mga batas ukol sa paggamit ng birth control
Pagtuturo sa mga mag aaral tungkol sa epekto ng teenage pregnancy
Paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak
Pamamahagi ng contraceptives ng gobyerno

News Article
Ang media ay isang klase lang ng environment. Nagbago na nga ang mga
kabataan ngayon na adik na sa online world. Katulad ng kahit anong media na
may positibo at negatibong epekto sa lahat. Tila nabubura na sa isipan ng bawat
isa ang wastong kilos habang nakatago sa likod ng mga gadyet lalo na sa mga
kabataang nag aaral sa kasalukuyan. Imbis na sumagot umano ng kanilang mga
modules ay mas marami pa ang oras sa sa online. Mas nakadepende na tayo sa
online at lahat ng kilos at ibinabahagi rito na madalas ay sanhi ng negatibong
komento at hindi magandang relasyon sa kapwa natin online user.

Ayon sa department of health ay isa rin umano ang pagkaadik sa media ang
nagiging sanhi ng depression at pagiging agresibo na nagdudulot ng hindi
magandang asal sa mga nakakahalubi nito sa personal na buhay. Basi naman sa
status ng mga nabibilang na kaso nag diskrimansyon sa media ay dahilan rin
umano kung bakit nagiging matapang at walang kinakatukan na magsambit ng
mga hindi magandang salita na nagdudulot na kaguluhan. Bukod sa cyber-
bullying, ang ibang cyber risk na posibleng harapin ng mga kabataang Pinoy ay ang pagiging adik sa video games at ibang aspeto na nasa media,
pakikipagkita sa mga taong nakilala lang online, at sexual harassment. Kaya hinimok ng isang technology expert ang mga eskuwelahan at magulang na
palawakin ang kaalaman ng mga kabataang Pinoy hinggil sa mga cyber risk. Isinusulong rin ng bawat isa na magkaroon ng batas ukol sa tamang asal sa
media o online etiquette lalo na sa mga kabataang babad sa paggamit nito. Ilang lamang sa mga maaring maging solusyon nito ay dapat maging model ng
anak sa online etiquette na hindi puro bad comment ang ginagawa. Ituro sa anak na dapat alam kontrolin ng magulang na bitawan ang cell phone o gadgets
sa oras ng pagkain at family time. Maging aktibo sa lahat ng oras upang ang mga anak ay mapangaralan ng maayos at ng magkaroon ng tamang asal sa
online o tinatawag na online etiquette. At ang pinakasolusyon diyan is education and awareness.
Tabanera, Trisha, V. BSTM3

Navarra, Keneth BSTM3


DOCUMENTATION

You might also like