Sa Paanong Paraan Mo Maipakikita Ang Iyong Pagmamahal Sa Iyong Bansa Maging Ang Mga Bagay Na Kaugnay Nito

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa

iyong bansa maging ang mga bagay na kaugnay nito?

Bilang isang mag-aaral na patuloy inaaral at hinahasa ang aking kaalaman sa wikang
Filipino ay mapapanatili ko na buhay ang wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na
paggamit nito. Bilang ako ay isang estudyante ay maraming mga aktibidad na maaring
salihan kapag buwan ng wika. Mayroong mga pagsulat at pagbigkas na kung saan
wikang Filipino ang gamit, sa pag sali dito ay maiipakita ko ang aking pagpapahalaga
sa wikang Filipino. Gagamitin ko ang wikang Filipino hindi lamang sa
pakikipagtalastasan kundi ay sa ibat-ibang pamamaraan katulad ng social media at
networking sites. Sa paggamit ng wikang Filipino sa social media ay hindi lang natin
maiipagmalaki ang wikang Filipino, kundi ay maaari din tayong makapagbigay
kamalayan sa paksa ng pagpapahalaga sa sariling wika. Sa lawak ng sakop ng social
media ay marami tayong taong mahihikayat upang mabigyang kahalagahan ang sariling
wika. Ang sining, kabilang ang pagsulat ng tula, ay makatutulong sa pag-unlad ng ating
wika. Ang patuloy na pagsusulat ay nagbibigay-daan sa atin na mas makita,
maunawaan at pahalagahan ang isang wika. Kailangan nating ipaalala ang
kahalagahan ng wika sapagkat ito ay sariling atin. Ito ang nag sisimbolo at nag-iiba sa
atin sa mga tao sa ibang bansa. Kahit tayo ay mga bata pa maari tayong makatulong sa
pagtuturo ng wikang Filipino. Maari tayong maging gabay sa susunod na henerasyon o
kaya sa mga mas bata pa saatin. Sa pagtuturo natin ay mapapalalim natin ang pag-
unawa nila sa wikang pambansa, ang wikang Filipino.

You might also like