Professional Documents
Culture Documents
Emerita S. Quito 1929 - Ang Ugat NG Isan
Emerita S. Quito 1929 - Ang Ugat NG Isan
2 (2017): 30-46
Abstrak: Layunin ng papel na ito na makapag-ambag sa depositoryo ng lumalagong bilang ng mga sulating nagtataguyod
ng kasaysayan ng pamimilosopiya sa Pilipinas. Ipinakilala rito ang ilang ginintuang kaisapan at estilo ng pamimilosopiya
ni Emerita Quito, ang ugat ng isang panibagong direksiyon ng napapanahong pamimilosopiya sa Pilipinas. Tinalakay rito
ang mga sumusunod: (1) talambuhay ni Quito, (2) mga primaryang batis at diskursong pilosopikal ni Quito, (3) layuning
pilosopikal ni Quito, (4) pamamaraang pilosopikal ni Quito, at (5) ang ebalwasyon at kahalagahan.
Mga Susing Salita: Emerita Quito, Kasaysayan ng Pamimilosopiya sa Pilipinas, Pilosopiyang Filipino
Abstract: The aim of this paper is to contribute to the depository of the growing number of writings that espouse for a
history of philosophy in the Philippines. It presents some of the brilliant insights and philosophical approaches of Emerita
Quito, the one who spearheaded the beginning of a new direction in Filipino philosophy. The following were discussed in
this paper: (1) intellectual biography of Quito, (2) primary sources and philosophical discourses of Quito, (3) philosophical
agenda of Quito, (4) philosophical approaches of Quito, and (5) the evaluation and significance.
sa probinsiya na hindi mahirap o mayaman kundi Honor of Emerita S. Quito, 3-4). Ginugol din niya
nasa gitna o middle class (Quito, “Ang Pagkaing ang kaniyang mga oras sa malalimang pag-intindi
Kapampangan sa Kulturang Pilipino,” 1993). Siya ng pilosopiya ni Plato. Nagbigay ito sa kaniya ng
ang bunso sa pamilya kaya tutok sa kaniya ang kahandaan upang maisulat at matapos noong 1965
kaniyang mga magulang. Sinasabing bata pa lamang ang kaniyang disertasyon na may pamagat na La
ay hilig na ni Quito ang pagbabasa ng mga aklat. Notion de la Liberte Participee dans la Philosophie
Mula sa probinsiya, lumuwas ng Maynila si Quito de Louis Lavelle. Nailathala ang nasabing disertasyon
noong 1945 upang mag-aral ng kurso sa pilosopiya pagkalipas ng apat na taon—sinasabing unang aklat
sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST), bilang sa wikang Pranses na isinulat ng isang Filipino
paghahanda sa ninanais niyang pag-aabogasya. at tinanggap upang mailimbag sa Unibersidad ng
Noon ay nagsisimula pa lamang bumangon ang Fribourg (Quito, 1969).
Maynila mula sa bangungot ng Ikalawang Digmaang Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral sa Europa,
Pandaigdig. Eksaktong kabubukas pa lamang ng UST bumalik si Quito sa Pilipinas noong 1967 at muling
noon mula sa tatlong taong paghinto ng operasyon nagturo sa UST. Inilaan ng batang-batang doktor sa
(“The University of Santo Tomas in the Twentieth pilosopiya ang kaniyang oras at talino sa pagsusulat,
Century,” 53). Dahil sa malaking pinsala at kahirapang pagtuturo, pagbibigay ng mga panayam, at pagiging
idinulot ng digmaan, hindi lahat ng kolehiyo sa UST katuwang na patnugot ng akademikong dyornal na
ay muling bumalik sa operasyon. Tanging ang tatlong UNITAS. Siya rin ang naatasan na pamunuan, noong
programa sa seminaryo (Teolohiya, Pilosopiya, at panahong iyon, ang Departamento ng Pilosopiya
Canon Law), Civil Law, Commerce, Education, at bilang tagapangulo nito sa paaralang gradwado ng
Liberal Arts ang nagbukas at tumanggap ng mga UST. Sa panahong ito (1967-1970), nalathala ang
estudyante noong Hulyo 9, 1945 (Ibid). tatlo sa mahahalagang monograp ni Quito: Address
Sa Facultad ng Pilosopiya at Letra nag-aaral si on a New Concept of Philosophy (1967), La Notion
Quito para sa kursong Batsilyer sa Pilosopiya. Ang de la Liberte Participee dans la Philosophie de
dalagang si Quito ay kaagad nababad sa edukasyong Louis Lavelle (1969), at Herbert Marcuse and
Iskolastisismo na kalimitan ay itinuturo ng mga paring Contemporary Society (1970). Bukod sa UST, nagturo
Espanyol at ilang mga layko na subok na sa nasabing rin siya bilang part-time sa Pamantasan ng Ateneo
sistema ng kaisipan. Natapos niya ang nasabing digri de Manila, Kolehiyo ng Assumption, at Kolehiyo ng
noong 1949; kaagad siyang nagpalawig sa pag-aaral De La Salle.
ng pilosopiya sa mas mataas na antas at nakamit Sanhi ng pagkaunsiyami sa sistema at kultura
ang digring Masterado sa Pilosopiya noong 1956 sa ng pamimilosopiya sa UST, nagpasyang lumipat
kaparehong unibersidad. Sinulat niya rito ang tesis sa De La Salle si Quito (The State of Philosophy
na may pamagat na The Will and Its Relation to in the Philippines, 1983). Sa imbitasyon ni Bro.
Divine Causality and Knowledge (1956) na kaagad Andrew Gonzales, isang eksperto sa lingguwistika
namang nailathala sa UNITAS noong taon ding iyon. at pamamahala ng pamantasan, naging ganap ang
Sa mga panahong ito, nagturo si Quito ng pilosopiya paglipat ni Quito sa DLSC noong 1971. Habang
sa kaniyang alma mater. nagtuturo at, ayon kay Romualdo Abulad, mag-isang
Upang lalo pang maging dalubhasa sa larangang itinataguyod ang departamento ng pilosopiya noon
kanyang tinahak, nagtungo si Quito sa Europa sa DLSC (“An Interview with Romualdo Abulad”,
noong 1961 upang maging iskolar na mag-aaral sa 2016), patuloy si Quito sa paglalathala ng kaniyang
Unibersidad ng Fribourg sa Switzerland. Ito ang mga kaisipan. Ang Pilosopiya sa Diwang Pilipino
panahon na ibinabad niya ang kaniyang sarili sa (1972), Ang Kasaysayan ng Pilosopiya (1974),
mga akda nina Henri Bergson, Edmund Husserl, Oriental Roots of Occidental Philosophy (1975),
Karl Jaspers, Martin Heidegger, Gabriel Marcel, at Lectures on Comparative Philosophy (1979), Four
Jean-Paul Sartre (A Life of Philosophy, Festschrift in Essays in the Philosophy of History (1979), Ang
Emerita S. Quito (1929 --) E. de Leon 33
Pilosopiya ng Tao (kasama si Romualdo Abulad, naging produktibo siya pagdating sa pagsusulat ng
1980), Homage to Jean-Paul Sartre (1981), The mga pilosopikong akda, kaya mayroong kahirapan
State of Philosophy in the Philippines (1983), Three pagdating sa pagpili ng mga akdang maaaring
Women Philosophers (1986), A Structural Approach kumatawan sa kaniyang kaisipan. Subalit hindi lingid
to Philippine Epics (1989), Fundamentals of Ethics sa ating kaalaman na binigyan siya ng DLSU ng isang
(1989), Philosophers of Hermeneutics (1990), The Festschrift noong 1990, isang kaloob na handog
Merging Philosophy of East and West (1991), at para kaniyang ika-60 taong kaarawan. Kasama
Ensayklopidiya ng Pilosopiya (kasama sina Abulad, mismo si Quito sa komite na pumili ng mga akdang
Timbreza, at Reyes, 1993). karapat-dapat isama sa nasabing Festschrift, kaya
At, sa edad na 64, siya ay nagretiro bilang full maaaring sabihin na ang mga akdang napasama rito
professor at professor emeritus sa DLSU noong ay kumakatawan sa mga pinakamahuhusay niyang
1993. Kahit nakaretiro na sa pagtuturo, muli siyang akda. Ito ay ang mga sumusunod:
naglathala ng aklat: Phenomenology: Edmund
Husserl and Edith Stein (2001) at Critique of Talahanayan 1: Mga Akda ni Quito sa A Life of
Historical Theory (2002). Philosophy: A Festschrift in Honor of Emerita S. Quito
“The Historical Concept of Being and pang mga banyagang pananaw; (4) critical analysis
Truth” (Sophia, 1971-1972) bilang diskursong di-akademiko; (5) aplikasyon ng
“The Philosophy of Renaissance: Nicolas of pamamaraang logical analysis; (6) aplikasyon ng
Cusa” (Sophia, 1971-1972) pamamaraang penomenolohikal, eksistensiyalismo,
“Yoga and Christian Spirituality” (Unitas, o hermeniyutika; (7) critical analysis bilang
1978) akademikong pamamaraan; (8) paglalapat ng mga
“The Role of the University in Changing banyagang teoriya; (9) paglalapat ng katutubong
Women’s Consciousness” (DLSU Dialogue, pilosopiya; (10) pamimilosopiya gamit ang wikang
1978) Filipino; (11) paglalahad ng mga banyagang
“Ang Kayamanan ng Wikang Filipino” sistema; (12) revisionist writing; (13) interpretasyon
(Daop-Diwa, 1979)
ng pananaw-sa-mundo ng mga Pilipino; (14)
“Process Philosophy: An Introduction” pananaliksik ukol sa mga pagpapahalaga at etikang
(Sophia, 1980)
Filipino; (15) pananaliksik ukol sa batayan at
Homage to Jean-Paul Sartre (1981)
implikasyon ng pananaw-sa-mundo ng mga Filipino;
Three Women Philosophers (1986) at (16) pag-aaral ukol sa mga Filipinong pilosoper
“Ang Pilosopiya: Batayan ng Pambansang (Demeterio, 2008). Tingnan ang balangkas ng
Kultura” (Daop-Diwa, 1980-1981)
nasabing labing-anim na mga diskurso sa hugis 1.
1981- “An Existentialist Approach to
1988 Ecumenism” (Sophia, 1982)
(1) Pilosopiya sa Laylayan
“Teaching and Research of Philosophy in
Di-tekstuwal
the Philippines” (2) Panayam ukol sa
Iskolastisismo/Tomismo
Akademiko
“Values as a Factor in Social Action” (3) Panayam ukol sa iba pang mga
Banyagang Pananaw
(International Social Science Journal, 1984) Di- (4) Critical analysis bilang di-
1984) Tekstuwal
(7) Critical analysis bilang akademikong
pamamaraan
Pamamaraan
“A Filipino Volksgeist in Vernacular (8) Apropriyasyon ng mga banyagang
ni Quito, ang nabanggit na mga akda ay aking Nilalaman mundo ng mga Pilipino
iminungkahi ni F.P.A. Demeterio III. Sa kaniyang (15) Saliksik ukol sa batayan at implikasyon ng
pananaw-sa-mundo ng mga Filipino
papel na may pamagat na “Status and Directions for (16) Pag-aaral ukol sa mga Filipinong
pilosoper
naisulat, hindi natin magagamit ang unang apat ang kategoryang “pamimilosopiyang kritikal bilang
(1-4) na diskurso mula sa iskema ni Demeterio. di-akademikong diskurso.” Samakatwid, labing-
Una, ang “pilosopiya sa laylayan” ay kailangang dalawang (12) diskurso lamang ang ating magagamit
tanggalin sapagkat malinaw na bilang propesor ng upang suriin ang klase ng diskursong mayroon ang
pilosopiya walang kaugnayan ang diskurso sa mga mga akda ni Quito. Gamit ang mga taksonomiya ni
akda ni Quito. Pangalawa, ang kategoryang “mga Demeterio, nilagyan ko ng kategorya ang mga akda
panayam ukol sa Iskolastisismo/Tomismo” ay hindi ni Quito na matatagpuan sa kaniyang Festschrift.
rin kasama sapagkat nakatuon ang ating pag-aaral sa Makikita sa “Talahanayan 2” ang ginawang
mga nailathalang obra. Pangatlo, ilalaglag din ang pagkakategorya, bilang ng akda na pumasok sa iba’t
kategoryang “mga panayam ukol sa iba pang mga ibang kategorya, at porsiyento ng nasabing bilang.
banyagang sistema” sa katulad ng nasabing dahilan Muli, para sa kabatiran, ginawa ito upang maipakita
sa pangalawa. At pang-apat, dahil akademiko ang ang mga uri ng diskursong pilosopiko ni Quito.
konteksto ng diskurso ni Quito, hindi rin papasok
Taksonomiya ng
Pilosopiyang Filipino Bilang ng Porsiyento
Mga Pamagat ng Akda
ayon kay F.P.A. mga Akda (N/32)
Demeterio
(1) A New Concept of Philosophy, (2) La Notion de la
Liberte Participee dans la Philosophie de Louis Lavelle,
(3) Herbert Marcuse and Contemporary Society, (4) “The
Philosophy of Henri Bergson”, (5) “The Symposium of
Plato”, (6) Ang Pilosopiya sa Diwang Filipino, (7) Ang
Kasaysayan ng Pilosopiya, (8) Oriental Roots of Occidental
Philosophy, (9) Four Essays in the Philosophy of History,
(10)
Lectures on Comparative Philosophy, (11) “Structuralism:
1. Eksposisyon ng
A General Introduction”, (12) “Robert Ardrey: Scientist
mga banyagang 23 71.87%
of Philosopher”, (13) “The Historical Concept of Being
sistema
and Truth”, (14) “The Philosophy of Renaissance:
Nicolas of Cusa”, (15), “Yoga and Christian Spirituality”,
(16) “Process Philosophy: An Introduction”, (17) Three
Women Philosophers, (18) “Existential Principles and
Christian Morality”, (19) “The Theme of Absurdity in
Albert Camus”, (20) “Reflections on the Death of God”,
(21) Homage to Jean-Paul Sartre, (22) “An Existentialist
Approach to Ecumenism”, at (23) “Isang Teoriya ng
Pagpapahalaga”.
2. Aplikasyon ng
pamamaraang 0 0.%
Logical Analysis
3. Aplikasyon ng (1) “Existential Principles and Christian Morality”,
pamamaraang (2) “The Theme of Absurdity in Albert Camus”, (3)
penomenolohiko, “Reflections on the Death of God”, (4) Homage to 5 15.62%
eksistensiyalismo, at Jean-Paul Sartre, at (5) “An Existentialist Approach to
hermeniyutika Ecumenism”
36 Malay Tomo 29 Blg. 2
Mula sa ating ginawang paglalatag ng mga akda Layuning Pilosopikal ni Quito: Akayin sa
ni Emerita Quito base sa taksonomiya ni Demeterio, Isang Bagong Direksiyon ang amimilosopiya
makikita ang kaniyang anim na pangunahing sa Pilipinas
diskurso. Ito ay (1) eksposisyon ng banyagang sistema
(71.87%), (2) apropriyasyon ng mga banyagang Ang isang pilosopo ay ginagabayan ng kaniyang
teorya (21.87%), (3) paggamit ng wikang Filipino pakay o layunin sa pamimilosopiya. Kalimitan, itong
(15.62%), (4) pananaliksik tungkol sa pananaw- layuning pilosopikal ay produkto ng materyal na
sa-mundo ng mga Filipino (12.50%), (5) critical daigdig na kaniyang tinutuntungan. Sa kalagayan ni
analysis sa akademikong pamamaraan (12.50%), at Quito, na namulat sa tinatawag niyang “intellectual
(6) pananaliksik tungkol sa pagpapahalaga at etikang milieu where Thomism and Aristotelianism dominates
Filipino (6.25%). the philosophical climate” (“The Symposium of
Emerita S. Quito (1929 --) E. de Leon 37
Plato”, 477), kinailangan niyang gumawa ng isang Kung si Santo Tomas ay nabuhay sa ating
politikal na hakbang upang lumaya sa nasabing panahon, hindi niya isasarado ang kaniyang
kalagayan. mga mata dito sa “satanista” at “imposibleng
Noong panahong iyon, nakita ni Quito ang pilosopiya”. Inampon ni Santo Tomas ang
pangangailangan para sa isang “malayang pilosopiya” sistema ng isang paganong pilosoper na
hindi positibong tumatanggap sa ideya ng
sa Pilipinas na matagal-tagal ding binakuran ng
imortalidad at marami pang iba. Nabuhay
makapangyarihang teolohiya. Para sa kaniya, hindi
si Santo Tomas sa ika-13 siglo at nakibagay
makasasama kung sabay na pauunlarin ang pilosopiya
siya sa pangangailangan ng ika-13 siglo.
at teolohiya sa kani-kanilang mga balwarte. Sa mga Isang kalapastangan sa kaniya kung sasabihin
panahon ding ito, halos hindi mawari ng kanilang natin na dapat siyang manatiling nakabara
imahinasyon na ang isang tapat na Katoliko ay sa ika-13 siglo ganoong nabubuhay na
gagawa ng pagtalakay tungkol sa isang hindi siya sa ika-20 siglo. Subalit, ito ang hindi
Katolikong pilosopo, lalo na ‘yung mga pilosopo na matitinag na paniniwala ng mga die-hard na
hindi naniniwala sa Diyos. Wika ni Quito: Tomista…. Kung nabubuhay siya ngayon,
mahinahon na makikinig si Santo Tomas sa
Mayroong ilang napapanahong sistema ng mga salaysayin ng mga Eksistensiyalista at
pamimilosopiya na hanggang sa kasalukuyan hindi siya magdadalawang-isip na itama sila
ay hindi pa kilala sa bansang ito dulot ng o sumang-ayon sa kanila kung kinakailangan
kakulangan sa mga salin. Subalit duda ako (“Existential Principles of Christian Morality”,
kung ilalangkap ng ating mga propesor sa 399, akin ang salin).
kanilang mga klase ang mga napapanahong
kaisipan. Naririnig na natin sila na nagkakaisa Kailangang linawin na hindi ibinubunton ni
sa panghuhusga sa kontemporaryong Quito ang sisi sa mga die-hard na Tomista. Ang
pilosopiya: isa lamang itong bagong bihis kinasasadlakang sitwasyon, ayon sa kaniya, ay resulta
na mga lumang ideya (“A New Concept of ng mahabang panahon ng pananakop at dominasyon
Philosophy”, 10, akin ang salin at diin). ng mga Kastila sa ating bansa (1521-1898). Malakas
ang hatak ng Kristiyanismo sa pilosopiya at maging sa
Itong sitwasyon kung saan isang klase lamang politika. Dagdag pa niya, “Bilang resulta, pilosopiyang
ng pilosopiya ang mayroong basbas at ang pagpasok Katoliko ang naging pinakaprominenteng pilosopikal
ng balwarte ng ibang kaisipan ay itinuturing na na pag-iisip sa karamihan ng mga propesor hanggang
paglapit sa kapahamakan, ang pinagmuni-munihan sa 1960’s, o para maging mas tumpak, ang pilosopiya
at binatikos ni Quito. Nakita ng mga mata ni Quito ni Santo Tomas ng Aquino” (The State of Philosophy
na ang ganitong klase ng diwa ang dahilan kung in the Philippines, 9, akin ang salin).
bakit mahimbing sa dogmatikong pagkakatulog Ginising ni Quito ang kalagayan ng pilosopiyang
ang estado ng pamimilosopiya sa ating bansa. Ang de kahon sa Pilipinas sa pamamagitan ng mahinahon
pilosopiya, ayon kay Quito, ay hindi dapat ituring na paglalahad at pagtuturo ng mga bagong moda ng
na parang isang doktrinang nakasulat sa teksbuk at kaisipan gaya ng penomenolohiya, eksistensiyalismo,
ang hindi pagsunod sa mga preskripsiyon nito ay Marxismo, Estrukturalismo, at marami pang iba.
kaagad mangangahulugang kasalanang mortal. Sa Hindi rin niya kinaligtaang isama sa kaniyang
halip, nararapat itong maging bukas sa iba’t ibang adyenda ang pagbubukas sa pilosopiyang Silanganin.
dimensiyon ng karunungan. Ayon sa pagsasalarawan ni Romualdo Abulad, “fresh
Kung tutuusin, paliwanag ni Quito, dapat air” ang pinakawalan noon ni Quito (“An Interview
makilala nang lubusan ng mga pilosopo ng kaniyang with Romualdo Abulad”, 6). Inilarawan naman ni
kapanahunan itong kanilang iniidolo na si Santo Milagros Tanlayco ang positibong tugon o reaksiyon
Tomas. Paglilinaw ni Quito, ng maraming mag-aaral noon sa gradwadong
paaralan ng UST: “Nakatataba ng puso ang tugon
38 Malay Tomo 29 Blg. 2
ng mga estudyante sa panayam. Ikinagalak nila ang mambabasa sa dapat niyang tanggapin o itakwil”
pagkakataong maibilad sa mga bagong pananaw (Ang Pilosopiya ng Tao, xi-xii). Sa pamamagitan
bukod sa nakasanayan na nilang mga disiplina. ng paglalahad ng iba’t ibang kaisipang pilosopiko,
Ang iba’t ibang pananaw at ang bukas na talakayan nagawa niyang igiya sa panibagong yugto ang giling
ay nagbigay sa kanila ng materyales na maaaring ng kasaysayan ng pilosopiya sa Pilipinas.
gamitin sa pananaliksik sa hinaharap. Ang ilan sa mga
dumalo ay nagpahayag ng kagustuhang gawin ang
kanilang tesis/disertasyon sa ganitong direksiyon” Pamamaraang Pilosopikal ni Quito:
(“Perspective of the Philippines: Our Asian Heritage”, Eksposisyon o Pagbubukas
4, akin ang salin).
Nagbunga ng panibagong direksiyon ang mga Kaugnay ng layuning pilosopikal ni Quito,
bagong binhi na inihasik ni Quito. Dahil dito, lakas-loob niyang binalikat ang pagpapakilala
maituturing siyang paradigm shift sa tradisyon ng ng iba’t ibang sistema ng kaisipan. Udyok ng
pamimilosopiya sa Pilipinas. Kung si Abulad ay kagustuhang magkaroon ng panibagong tradisyon
itinuturing si Quito bilang “Filipino Socrates” (Abulad, ang pamimilosopiya sa Pilipinas, nakita ni Quito ang
iii), aaminin ko namang pumasok sa aking guni-guni pangangailangan para sa eksposisyon ng maraming
na ipanukalang tawagin si Quito bilang “Ama ng kaisipan. Masyadong nakulong sa kaisipang
napapanahong pamimilosopiya sa Pilipinas”. Alam Aristoteliko-Tomistiko ang pamimilosopiya sa ating
kong sanay tayong gamitin ang salitang “ama” bilang bansa noong panahong iyon. Kaya hindi kataka-taka
pantawag sa isang magulang na lalaki. Subalit ayon na ang kaniyang pasinayang panayam sa Unibersidad
sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), maaari rin ng Santo Tomas noong 1967, pagbalik niya sa
itong gamiting pantawag sa “tao [walang partikular Pilipinas matapos siyang mag-aral sa Europa, ay isang
na kasarian] na nagsimula o nagtatag ng anuman”. mahinahon subalit mabagsik na pagpapaliwanag
Ibig sabihin, hindi eksklusibo sa kasariang lalaki ang tungkol sa isang “bagong” konsepto ng pilosopiya
katawagang “ama.” Nariyan nga’t tinatawag natin (Address on a New Concept of Philosophy, 1967).
ang Diyos bilang “Ama” kahit alam natin na wala Bago ito, noong 1966, matapang na niyang tinalakay
Siyang partikular na kasarian. Mayroong dahilan ang pilosopiya ni Plato kahit alam niyang aani ito ng
upang ituring na “ama” si Quito sapagkat siya ang kritisismo mula sa mga die-hard na maka-Aristotle
nagpunla ng mga bagong binhing pangkaisipan sa ating bansa. Dahil sa malabis na paghanga ng mga
(seminal thoughts) sa kaniyang kapanahunan. Ang die-hard kay Aristotle, nakalimutan ang kahalagahan
pakikipagniig niya sa Aristoteliko-Tomistikong ng pilosopiya ni Plato (“The Symposium of Plato”,
pilosopiya, na siyang “ina” ng napapanahong 147).
pamimilosopiya sa ating bansa, ay nagbunga ng Bukod sa matayog na pader ng Iskolastisismo,
maraming supling. Subalit hindi siguro magiging isa pang suliranin ang kakulangan sa mga babasahin
inklusibo ang paggamit nito sapagkat alam nating tungkol sa iba’t ibang napapanahong pilosopiya.
mayroong sensibilidad na maaari itong mabangga. Kaugnay nito, paliwanag ni Quito, “Sa ating
Bukod dito, hindi kasama sa pakay ng kasalukuyang pagdalumat ng mga akda ng Napapanahong
papel ang pagpapangalang ito. Gayunman, walang Pilosopiya, karamihan sa mga ito ay wala sa wikang
kaduda-dudang tumayo siyang magulang o ugat ng Ingles, lagi nating susubukang bumalik sa orihinal,
isang panibagong abot-tanaw. Isa siyang magulang lalo’t higit kung hindi pa kayang magkaroon ng isang
na naglayong akayin ang kaniyang mga supling tungo matapat na salin sa wikang Ingles” (“The Philosophy
sa isang panibagong direksiyon. Wika niya, “Hindi of Henri Bergson,” 4, akin ang salin). Ito ang panahon
kami naghuhusga; hindi kami nangangaral mula sa na matindi ang kasikatan ng eksistensiyalismo sa
pulpito… Kami’y nag-aakay lamang sa mga ibig ibang bansa. Sa katunayan, ayon sa kuwento ni Quito,
makaalam, ngunit hindi kami nagpapayo sa mga halos hindi na raw tumatanggap ang mga unibersidad
sa Europa ng panukalang tesis tungkol sa pilosopiya
Emerita S. Quito (1929 --) E. de Leon 39
ni Jean-Paul Sartre, sapagkat halos mapuno na ng tesis pamamaraan ay hindi maaaring mawala sa
tungkol sa iba’t ibang aspekto ng pilosopiya ni Sartre isang maayos na pilosopiya (Ibid, akin ang
sa kanilang silid-aklatan (Ibid). Maaaring eksaherado, salin).
subalit layunin niyang ipakita na nahuhuli na tayo
pagdating sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Sa katunayan, hindi tinalikuran ni Quito ang
eksistensiyalismo (“Existential Principles of Christian tradisyon ng Iskolastisismo. Ang ginawa niya ay
Morality,” 397). muling pagbigkas o pagsasabuhay ng “dakilang
Habang ang mga konserbatibo ay kinikilabutan Iskolastisismo” na alam ni Santo Tomas—taliwas
sa ideya ng “kamatayan ng Diyos,” mulat si Quito sa “nakalugmok na Iskolastisismo” na namamayani
na mayroon itong sinasabi, bilang kabalintunaan, noon sa klima ng pamimilosopiya sa Pilipinas.
tungkol sa kahalagahan ng Diyos sa tao (“Reflections Ginagaya ni Quito si Santo Tomas na bukas sa iba’t
on the Death of God,” 3). Sa pamamagitan ng ibang opinyon. Subalit ang pagiging bukas na ito
eksposisyon ni Quito, naibsan ng takot ang mga ay hindi nangangahulugang basta-basta na lamang
mambabasa ni Nietzsche. Ipinaalaala niya na hindi pagtanggap sa kung ano ang nakahain. Tinatanggap
dapat alisin sa konteksto ang pahayag ni Nietzsche ni Quito (at maging ni Santo Tomas) ang anumang
tungkol sa kamatayan ng Diyos. Itong tinatawag bagay na makatutulong, at malupit na tinutuligsa ang
ni Quito na “theobituary” o pagbabalita tungkol mga baluktot na pangangatwiran na nakapaloob sa
sa kamatayan ng Diyos ay kailangang basahin sa isang pilosopiyang tinatalakay. Isa itong pagsasala
tamang perspektiba. Mistulang itinatanong ni Quito na pinakikinabangan ang mga bagay na lumusot sa
sa kaniyang mga kapanahunan kung dumating na ba salaan at itinatapon naman ang mga bagay na hindi
sa kanilang mga tainga ang dakilang pangyayari ng pumasa sa pamantayan (Ibid, 6). Kung gagamit pa
kamatayan ng Diyos. tayo ng paghahambing, ang pamamaraang pilosopikal
Itong eksposisyon bilang pamamaraang pilosopikal ni Quito ay isang uri ng pagsusulat ng mga “tubig na
ay hindi upang sabihing pag-aari na ni Quito ang pangati.” Kailangan ng “pangati” upang gumana ang
katotohanan at, samakatwid, ay siya na lamang ang posong mano-mano. Gayundin, kailangang gisingin
dapat basahin at pakinggan. Hindi siya nagkukunwari ang pilosopikal na tubig na mahimbing na natutulog
na maipararanas niya ang kabuuan ng tinatalakay sa kalaliman ng kaisipang Midyibal (“The Medieval
niyang pilosopiya. Sa halip, binubuksan lamang Mind,” 1971).
niya ang pinto upang ang kaniyang mga mambabasa
ay maakit na pumasok sa masalimuot na mundo ng
Paglalagom, Ebalwasyon, at Kahalagahan
napapanahong pilosopiya (“The Philosophy of Henri
Bergson,” 5). Sinubukan niyang buksan ang pinto
Wala siguro sa intensiyon ni Quito ang bumuo
upang akitin ang mga mambabasa na dumalaw ang
ng isang sistemang pilosopikal na matatawag na
kaisipan ng isang pilosopo at makipaghuntahan upang
“orihinal.” Giit pa niya, “Walang pilosopo ang
magkaroon ng pagkakaunawaan. Dagdag pa ni Quito,
totoong orihinal” (Four Essays in the Philosophy
Sa ating pagdalumat ng mga pilosopiya, of History, 2, akin ang salin). Bukod dito, duda siya
dapat tayong magkaroon ng isang kung magkakaroon man ng orihinal at matatawag na
pamantayang prinsipyo—‘yan ay sang-ayon “pilosopiyang Filipino,” sapagkat hindi ito akma sa
sa pinakaposibleng sukdulan ng matapat na diwang Filipino. Paliwanag ni Quito,
interpretasyon. Kung mayroong mga nasusulat
na taliwas sa ating mga doktrina, kailangan Ito ay isang personal na opinyon na hindi
nating subukang makita ito sa paraang kung magkakaroon ng isang Pilipinong pilosoper.
paano ito nakita ng mga palaisip: sa ibang Ang ating diwa o Weltanschauung ay
salita, kailangan nating ilagay ang ating mga masyadong pansarili at emosyonal upang
sarili sa katayuan ng palaisip. Ang nasabing magkaroon ng mas transendental na paraan
40 Malay Tomo 29 Blg. 2
ng pagtingin sa mga bagay. Ang Pilipinas isang bagay na nagtataglay, gaya ng sinasambit
ay nagkaroon na ng maraming alagad ng ng mga Iskolastiko, ng marangyang kaayusan o
sining, manunulat, ekonomista, musikero, ng marangyang hitsura” (“Book Review of Ang
at maging syentipiko, subalit duda ako Pilosopiya sa Diwang Pilipino, 106, akin ang salin).
kung magkakaroon man ng mga pilosoper. Kung papansinin ang karamihan sa kaniyang mga
Ako na ang pinakamagiging masaya kung
akda, malinaw kung anong klase ng mambabasa
mapapatunayan na mali ako (Lectures in
ang ninanais niyang maabot. Lalo’t higit noong
Comparative Philosophy, 29, akin ang salin).
nagsimula na siyang magdiskurso gamit ang wikang
Filipino. Paliwanag niya, “Hindi namin iniukol ito sa
Malamang ay natatawa si Quito habang isinusulat
mga dalubhasa na sa pilosopiya kundi sa mga hindi
niya ang bahaging ito ng Lectures. Alam natin na ang
pa nakakakilala sa larangang ito, o sa mga taong
pahayag na ito ay hindi dapat tingnan bilang isang
bagama’t nag-aral sa pamantasan, ay nakalimot na,
klase ng pangmamaliit sa kakayahan ng mga Pilipino.
o sa mga kabataang nagsisimula pa lamang” (Ang
Sa halip, maaari itong tingnan bilang isang kritisismo
Pilosopiya sa Diwang Pilipino, 1972). Maaaring
at hamon sa mga pilosopo sa ating bansa.
hindi bago ang mga konseptong nakasulat sa mga
Sang-ayon ako sa sinabi ni Andrew Gonzales
aklat ni Quito. Subalit dahil binigkas niya ito sa
na matatagpuan sa estilo ng pamimilosopiya ang
diwang Filipino, isang bagong mundo ng kahulugan
kongkretong pamana ni Quito sa pamimilosopiyang
ang kaniyang pinakawalan. Nagsakatawang-Filipino
Filipino. Paliwanag niya:
ang diwa ng banyagang pilosopiya.
Gayunman, sapagkat ang pamimilosopiya sa
Ang pilosopiya ay nanatiling mailap sa mga
Pilipino; nananatili itong hindi umiiral. diwang Filipino ay maituturing na kauna-unahang
Maaaring ang pinakapartikular na ambag ni isinulat at inilathala ni Quito, naging masyadong
Quito sa larangang ito ay ang diretsahang payak at hindi malinaw kung ano ba itong “diwang
pagtukoy sa mga limitasyon ng mga naunang Filipino.” Sa katunayan, ayon kay Virgillio Enriquez
pamamaraan at udyukan ang kaniyang mga at Amelia Alfonso, diwang Kristiyano ang tinutukoy
kasamahan at kaniyang mga estudyante na sa kabuuan ng kaniyang libro (“Pananaw sa Buhay
magsimulang pagmuni-munihan ang kani- at Weltanschuung na Mahihiwatigan sa Sikolohiya
kanilang mga buhay-na-karanasan nang sa ng Wikang Tagalog,” 81). At alam naman natin na
ganoon ay makalikha sila ng ilang bagay hindi lamang diwang Kristiyano ang kabuuan ng
na kapaki-pakinabang at orihinal, isang diwang Filipino.
kaiga-igayang bunga ng penomenolohikong Subalit hindi maiaalis kay Quito na bahagi siya
pagninilay sa isang kapanahunan sa Pilipinas
ng dekada na muling umusbong ang nasyonalismo,
(“Foreword”, ii, akin ang salin).
lalo na sa pagtataguyod ng laban para sa wikang
pambansa. Para sa kaniya, magkaugnay ang laban
Bukod dito, bilang isang rebolusyonaryong
para sa diwang Filipino at laban para sa wikang
kaisipan, pinasabog niya ang mga pader ng
Filipino. Paliwanag niya:
akademikong pamimilosopiya upang maabot nito
ang mga taong nasa laylayan ng lipunan. Isinulat
Ang wika ay nanggagaling sa kaibuturan ng
niya ang matatayog na kaisipang pilosopiko sa nibel kaluluwa, at ito ang dahilan kung bakit hindi
na kauna-unawa sa diwang Filipino. Ito ang dahilan tayo maaaring lubos na matuto ng Ingles.
kung bakit maging ang kaniyang masusugid na kritiko Ang Ingles ay hindi angkop sa kaluluwa
ay walang magawa kundi papurihan ang kaniyang natin bilang isang bansang Pilipino. Salat ang
estilo. Paghanga ni Pedro Gabriel, “Sa kaniyang Ingles upang mailarawan ang ating buhay,
canvas ng Pilosopiya, makikita natin ang kaisahan sa diwa, at kalinangan. Kung hanggang ngayon
pagkakaiba-iba, harmoniya sa mga pagsasalungatan. ay hindi pa tayo nakalilikha ng matatayog
Sa madaling salita, ito’y isang magandang aklat, na panitikan o pilosopiya, ito ay sapagkat
Emerita S. Quito (1929 --) E. de Leon 41
Callum, Leo A.. “Notes for a History of Philosophy in ———. La Notion de la Liberte Participee dans la
the Philippines”. Philippine Studies: Historical and Philosophie de Louis Lavelle. Fribourg, Suisse: Studia
Ethnographic Viewpoints. Volume 7, Number 2 (1959). Friburgensia, Impreimerie St. Paul, 1969. Nakalimbag.
Nakalimbag. ———. The State of Philosophy in the Philippines.
Demeterio, F.P.A. III. “Status and Directions for Manila: De la Salle University Research Center, 1983.
‘Filipino Philosophy’ in Zialcita, Timbreza, Quito, Nakalimbag.
Abulad, Mabaquiao, Gripaldo, and Co”. Φιλοσοφία: ———. Address on a New Concept of Philosophy. Manila:
International Journal of Philosophy. Volume 14, UST Press, 1967. Nakalimbag.
Number 2. (2013). Nakalimbag. ———. Four Essays in the Philosophy of History.
Enriquez, Virgillo and Alfonso, Amelia. “Pananaw Monograph Series no. 1. Manila: De La Salle
sa Buhay at Weltanschuung na Mahihiwatigan sa University Press, 1979. Nakalimbag.
Sikolohiya ng Wikang Tagalog”. Asian Studies 39:1. ———. Lectures in Comparative Philosophy. Occational
Nakalimbag. Paper no. 7. Manila: De La Salle University Press,
Gabriel, Pedro. “Dialogue Between a Square and the 1979. Nakalimbag.
Death-of-God Philosophers”. Unitas 45:4 (1972). ———. Ang Pilosopiya sa Diwang Pilipino. Manila:
Nakalimbag. United Publishing Co., 1972. Nakalimbag.
———. Book Review of Ang Pilosopiya sa Diwang ———. “The Will and Its Relation with Divine Causality
Pilipino. Unitas 45:4 (1972a). Nakalimbag. and Knowledge”. Unitas 19 (1956). Nakalimbag.
Gonzalez, Andrew. “Foreword”. A Life of Philosophy, ———. “The Symposium of Plato”. Philippiniana Sacra
Festschrift in Honor of Emerita S. Quito. Manila: De 1:3 (1966). Nakalimbag.
La Salle University Press, 1990. Nakalimbag. ———. “A New Concept of Philosophy”. A Life of
Gripaldo, Rolando. Filipino Philosophy: A Critical Philosophy, Festschrift in Honor of Emerita S.
Bibliography, 1974-1997. 2nd Edition. Manila: DLSU Quito. Manila: De La Salle University Press, 1990.
Press, 2000. Nakalimbag. Nakalimbag.
———. An Update, 1998-200 On A Critical Bibliography: ———. “Existential Principles of Christian Morality”.
A Critical Bibliography, 1974-1997. Manila: DLSU Philippiniana Sacra 2:5 (1967). Nakalimbag.
Press, 2004. Nakalimbag. ———. “The Philosophy of Henry Bergson: With a
Heidegger, Martin. Being and Time. Translated by Joan General Introduction to Studies in Contemporary
Stambaugh. New York: State University of New York Philosophy”. Unitas 39:1 (1966). Nakalimbag.
Press, 1996. Nakalimbag. ———. “Reflections on the Death of God”. Unitas 44:2
Mabaquiao, Napoleon. “Pilosopiyang Pilipino: Isang (1971). Nakalimbag.
Pagsusuri”. Philippine Social Science Review. Volume. ———. “The Medieval Mind”. Manila Chronicle (June 7
55. Numbers 1-4 (1998). Nakalimbag. 1971). Nakalimbag.
Liwanag, Leslie Anne L. “Ang Pilosopiya ni Emerito S. ———. “Ang Kaugnayan ng Wikang Pambansa at
Quito”. KRITIKE: An Online Journal of Philosophy Edukasyon”. Malay 6:2 (1987). Nakalimbag.
10:1 (June 2016). Nakalimbag. Tanlayco, Milagros G.. “In This Issue, Perspective of the
Pe, Josifina Lim. “The University of Santo Tomas in the Philippines: Our Asian Heritage”. Acta Manilana 5:23
Twentieth Century”. Acta Manilana 3:16 (1973). (1976). Nakalimbag.
Nakalimbag. Taylor, Charles. “Philosophy and its history”. Philosophy
Quito, Emerita. A Life of Philosophy, Festschrift in honor in History: Ideas in Context. Edited by Richard Rorty,
of Emerita S. Quito. Manila: De la Salle University et. al.. New York: Cambridge University Press, 1984.
Press, 1990. Nakalimbag. Nakalimbag.
Emerita S. Quito (1929 --) E. de Leon 43
Mga Artikulo
1956. “The Will and Its Relation with Divine Causality and Knowledge.” Unitas 19.
1962. “On Jean-Paul Sartre and Louis Lavelle.” Journal of Education 5.
1962. “The Integration of Religion in the Teaching of Languages.” Journal of Education 4.
1966. “The Philosophy of Henri Bergson.” Unitas 39:1.
1966. “The ‘Symposium’ of Plato,” Philippiniana Sacra 1:3.
1967. “Principles of Existentialism” [retitled: “Existential Principles and Christian Morality”]. Philippiniana Sacra 2.
1967. “The Phenomenology of Edmund Husserl.” Unitas 40.
1967. “The Meaning of Existentialism.” Unitas 40.
1967. “Existential Principles and Christian Morality.” Philippiniana Sacra 2:5.
1968. “The Theme of Absurdity in Albert Camus.” DLSC Dialogue 4.
1969. “Existentialism and Phenomenology: An Introduction.” DLSC Dialogue 5.
1970. “Marcuse: Students Make the Best Demonstrators.” Manila Chronicle (13 February).
1970. “Should Communism Be Taught in the Universities?” Horizons April.
1971. “Structuralism: A General Introduction.” Unitas 44:1.
1971. “Reflections on the Death of God.” Unitas 44:2.
1971. “On Structuralism.” Manila Chronicle (March).
1971. “Structuralism, Pilipino and a Universal Language.” Manila Chronicle 17 March.
1971. “Philosophy in Pilipino, Anyone?” Manila Chronicle. 4 April.
1971. “Structuralism and Myth.” Manila Chronicle (4 April).
1971. “Philosophy of Life.” Manila Chronicle, 2 May.
1971. “The Oriental Mind.” Manila Chronicle, 9 May.
1971. “Chance or Necessity.” Manila Chronicle. 19 May.
1971. “The Filipino Mind.” Manila Chronicle. 25 May.
1971. “The Greek mind”. Manila Chronicle, 31 May.
1971. “The Medieval Mind.” Manila Chronicle, 7 June.
1971. “The Renaissance Mind.” Manila Chronicle, 14 June.
1971. “The Modern Mind.” Manila Chronicle, 20 June.
1971. “The Contemporary Mind.” Manila Chronicle, 28 June.
1971. “Contemporary Trends in Philosophy.” DLSC Dialogue 7.
1971. “Robert Andrey: Scientist or Philosopher?” Unitas 44.
1971-72. “The Philosophy of the Renaissance: An Introduction.” Sophia 11.
1971-72. “The Philosophy of the Renaissance: Nicolas of Cusa.” Sophia 1.
1971-72. “The Historical Concept of Being and Truth.” Sophia 1. [With an Open Forum].
1971-72. “Open Forum on ‘The Historical Concept of Being and Truth.’” Sophia 1.
1972. “The Evolving Concept of the University.” Faculty Forum.
1973. “The Paradox of Freedom in Louis Lavelle.” Unitas 46.
1973-74. “Ex Oriente Lux.” Sophia 3.
1974. “What Philosophy Ought to Be.” Sophia 4.
1974. “Regeneration of Moral and Social Values.” Beacon.
44 Malay Tomo 29 Blg. 2
1990. “Teaching and Research of philosophy in the Philippines.” A Life of Philosophy. Manila: De la Salle University
Press.
1990. “Homage to Jean-Paul Sartre.” Readings in Filipino Philosophy, by the DLSU Philosophy Department. Manila:
DLSU Press.
1990. “The Hermeneutics of Jurgen Habermas.” Sophia 20.
1992. “St. John Baptist de La Salle’s Philosophy of Education in the Philippine Context.” St. John Baptist de La Salle
and Education Today. Manila: De La Salle University Press.
1993. “Teaching as an Art.” DLSU Newsletter, 8 February.
1994. “Philosophy of Education for Filipinos.” Philosophy of Education: Concerns, Purposes, Content, and Methods
of Education. Edited by Celeste O. Botor and Aniceta M. Ortinero. Manila: Rex Book Store.
1997. “A Concept of Hero.” Karunungan 10-14.
1999. “Frank Tipler’s The Physics of Immortality.” Karunungan 16.
2000. “Introduction to Hermeneutics.” Karunungan 17.
2000. “Pro Death Penalty: Hic et Nune.” Karunungan 17.
2002. “God in the Third Millennium.” Karunungan 19.
2002. “Philosophy as a Critique of Society.” Karunungan 19.
2003. “A New Concept of Philosophy.” Karunungan 20.
Mga Aklat
1967. Address on a New Concept of Philosophy. Manila: UST Press.
1969. La notion de la Liberte Participee dans la Philosophie de Louis Lavelle. Fribourg, Suisse: Studia Friburgensia,
Impreimerie St. Paul.
1970. Herbert Marcuse and Contemporary Society. Manila: University of Santo Tomas Press.
1972. Ang Pilosopiya sa Diwang Pilipino. Manila: United Publishing Co.
1974. Ang Kasaysayan ng Pilosopiya. Manila: Zone Publishing Co.
1975. Oriental Roots of Occidental Philosophy. Kuala Lumpur: University of Malaya Press. Also published (1975) by
DLSU as Occasional Paper No. 1.
1979. Lectures on Comparative Philosophy. Occasional Paper No. 7. Manila: De la Salle University.
1979. Four Essays in the Philosophy of History. Manila: DLSU Office of Research.
and Romualdo Abulad. 1980. Ang Pilosopiya ng Tao. Manila: Phoenix Publishing Co.
1981. Homage to Jean-Paul Sartre. Manila: De La Salle University.
1983. The State of Philosophy in the Philippines. Manila: De la Salle University Research Center.
1986. Three Women Philosophers. Manila: De La Salle University Press.
1989. A Structural Approach to Philippine Epics. Maynila: Cultural Center of the Philippines.
1989. Fundamentals of Ethics. Manila: DLSU Press.
1990. A Life of Philosophy, Festschrift in honor of Emerita S. Quito. Manila: De la Salle University Press. [A Life of
Philosophy, Selected Works (1965-1988). Manila: DLSU Press.]
1990. Philosophers of Hermeneutics. Manila: De La Salle University Press.
1991. The Merging Philosophy of East and West. Manila: DLSU Press.
Abulad, Timbreza, and Reyes. 1993. Ensayklopidiya ng Pilosopiya. Manila: De La Salle University Press.
2001. Phenomenology: Edmund Husserl and Edith Stein. Manila: D La Salle University Press.
2002. Critique of Historical Theory. Manila: De La Salle University Press.
46 Malay Tomo 29 Blg. 2