Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

s

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 9: Wastong Gamit ng Simbolismo at
Matatalinghagang Pananalita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Thelma A. Abella at Cynthia B. Datiles


Tagasuri: Richard Abrenilla at Nida A. Leaño
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Office of the Asst. Schools
Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
NorlynD.CondeEdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto
Wastong Gamit ng Simbolismo at
Matatalinghagang Pananalita
Manunulat: Thelma A. Abella at Cynthia B. Datiles
Tagasuri: Richard Abrenilla at Nida A. Leaño/Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 10 Modyul para sa
araling Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 10 Modyul para sa


araling Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at


matatalinghagang pahayag sa tula.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


A. Natutukoy ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag at
simbolismo.
B. Nasusuri ang sinisimbolo o nais ipakahulugan ng mga piling larawan.
C. Nakasusulat ng saknong ng tula na gamit ang matatalinghagang
pahayag at simbolismo.

PAUNANG PAGSUBOK
Ang pagsagot sa sumusunod na tanong ay makatutulong sa guro
upang masukat ang iyong kaalaman sa paksang pag-aaralan.
Inaasahan na ikaw ay magiging matapat sa iyong pagsagot.

PANUTO: Ilagay ang emoticon na nakangiti  sa loob ng kahon bago ang


bilang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan samantalang
emoticon na nalulungkot  naman kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng hindi makatotohanan.

1. Ang tula ay naglalaman ng matatalinghagang pananalita at


simbolismo na nakatutulong upang maging malikhain at masining
ang akda.
2. Ginagamit ang matatalinghagang pahayag o pananalita sa tula na
naglalahad ng malalim o hindi lantad na kahulugan sa akda.
3. Ang paggamit ng salitang “pusang-itim” na nangangahulugang
“malas” ay isang halimbawa ng matalinghagang pananalita na
ginagamit sa tula.
4. Ginagamit ang simbolismo sa tula at ito’y naglalahad ng mga
bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag o bagay na mahiwaga.

6
5. Ang paggamit ng salitang “bahag ang buntot” na nangangahulugang
5. “duwag” ay isang halimbawa ng simbolismo na ginagamit sa tula.

BALIK-ARAL

Balikan ang nakaraang tinalakay sa pamamagitan ng pagsagot


ng sumusunod na tanong. Nais kong malaman kung ganap mo nang
natutuhan ang tula mula sa modyul 8.

PANUTO: Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ito sa patlang bago
ang bilang.

_____1. Saan nagmula ang tulang “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay”?


A. Bamako, Africa C. Pretoria, Africa
B. Cairo, Africa D. Uganda, Africa

_____2. Sino ang nagsalin sa Filipino ng tulang “A Song of a Mother To Her


Firstborn”?
A. Elizabeth Bareth Browning C. Mary Grace Tabora
B. Jack H. Driberg D. Nelson Mandela

_____3. Ang tulang “A Song of a Mother To Her Firstborn” ay isinalin sa Ingles


ni ______________________.
A. Elizabeth Bareth Browning C. Mary Grace Tabora
B. Jack H. Driberg D. Nelson Mandela

_____4. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng makatotohanan sa


elemento ng tulang “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay”?
A. may lalabindalawahing pantig
B. may malayang taludturan
C. may sukat ang bawat taludtod
D. may tugmang ganap ang bawat taludtod

_____5. Nagpapakita ang tula ng wagas na pagmamahal ng ina sa kanyang


anak. Alin sa sumusunod ang hindi inilahad sa tula?
A. Pangarap ng ina sa kanyang anak.
B. Maingat na pagpili sa pangalan ng anak.
C. Panghuhula sa maaaring kahantungan ng anak.
D. Pagpapaalala sa pagpili ng magiging kasintahan ng anak.

7
ARALIN
Ngayon ay natapos mo nang pag-aralan ang tulang “Hele ng Ina
sa Kanyang Panganay” mula sa Uganda. Mababasa sa bahaging ito
ang karagdagang kaalaman sa matatalinghagang pananalita at
simbolismo na makatutulong sa iyo sa pagigigng masining sa
pagbuo/pagsulat ng isang tula. Basahin at unawaing mabuti upang
matutuhan mo ang nakapaloob sa araling ito.

Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi


karaniwang paggamit ng mga salita. Kaya naman ang tula ay mayaman sa
mga tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda.
Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng mga
simbolismo at matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi


lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng anomang wika.

Halimbawa:
1. butas ang bulsa-walang pera 4. alimuom-tsismis
2. ilaw ng tahanan-ina 5. bahag ang buntot-duwag
3. kalog na ang baba-gutom

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita


sapagkat ang una’y nangangahulugan ng pagiging mukhang pera ng tao
samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa mahirap.

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa


pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay
ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na
natatanging kahulugan.

8
Halimbawa:
1. silid-aklatan-karunungan o kaalaman
2. gabi-kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak-pag-ibig

Palay siyang matino


Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ang ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa


pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang
pagtatagumpay.

Inaasahan kong nagkaroon ka na ng karagdagang kaalaman sa


“Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita”.
Gamit ang iyong natutuhan sagutin ang sumusunod na pagsasanay.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY BLG. 1
PANUTO: Ibigay ang kuhulugan ng matatalinghagang salita na may
salungguhit sa bawat pangungusap. Piliin ang letra ng wastong sagot.

____1. Kalog na ang baba ng mga taong nasunugan na naghihintay na


mabigyan ng kaunting pagkain.
A. gutom B. maingay C. nanghihina D. pagod
____2. Kumukulo ang dugo ng mag-anak sa mga taong nandiri sa kanila nang
malaman na mayroon silang virus.
A. galit na galit B. nadismaya C. nagtampo D. natatakot
____3. Maraming pasa ng bata sa katawan dahil mabigat ang kamay ng
kanyang tiyahin.
A. basagulera B. madaldal C. mapanakit D. tigasin

9
____4. Magsikap ka sapagkat kahit na ikaw ay anak-dalita, makapag-aaral ka
pa rin sa gitna ng pandemyang ating nararanasan.
A. mahina B. mahirap C. matanda D. walang trabaho
____5. Palagi na lang butas ang iyong bulsa dahil iyan sa iyong palaging
pagsusugal.
A. walang bulsa B. walang gana C. walang pera D. walang-wala

PAGSASANAY BLG. 2
PANUTO: Tukuyin kung ano ang nais ipakahulugan o simbolismo ng mga
nasa larawan. Piliin ang letra ng wastong sagot.

__1. __2. __ 3.

A. alaala A. buhay A. karumihan


B. biyaya B. kasawian B. kasamaan
C. karunungan C. pag-asa C. kasipagan
D. kayamanan D. pananampalataya D. katapangan

___4. __5.

A. kagalakan A. kahinaan
B. kalayaan B. kalungkutan
C. kamatayan C. pagkatalo
D. katapangan D. patibong

10
PAGSASANAY BLG. 3

PANUTO: Kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay ng


matatalinghagang pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng sariling
pamagat.

_____________________________________________

Sa ami’y… Isa kang _________________na may dalang ligaya,


Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba.
Ang iyong gawi’y hindi _____________________,
Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa.

Sa ami’y… Isa kang ________________na laging sandata,


Di ___________________sa hampas ng pala
Dito’y nasisilip, maningning na ________________,
Kaya’t kami’y humahalik sa ‘yong paa.

Ang iyong sagot ay mamarkahan ng guro ayon sa sumusunod na


pamantayan:

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Wastong paggamit ng matatalinghagang pananalita at 5 na puntos
simbolismo
Pagkamalikhain 5 na puntos
Kabuuang Puntos 10

Inaasahan kong maayos mong naisakatuparan ang pagsagot sa


mga pagsasanay ipagpatuloy ang iyong pagkatuto sa araling ito.

11
PAGLALAHAT
Susubukin sa bahaging ito kung ganap mong natutuhan ang
wastong paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita.
Ngayon gumawa ka ng isang saknong ng tula gamit ang simbolismo at
matatalinghagang pananalita sa loob ng kahon.

Bahag ang buntot pula


Nagsusunog ng kilay bundok

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Nais kong ilagay mo sa loob ng puso ang iyong tatlong


kaparaanan kung paano mo gagamitin ang simbolismo at
matatalinghagang pananalita sa iyong pakikipagtalastasan sa hinaharap.

12
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Hanapin sa HANAY B ang tamang sagot sa HANAY A. Piliin ang


letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
____1. balitang-kutsero A. asawa
____2. ibaon sa hukay B. di marunong magpatawad
____3. kapilas ng buhay C. hindi totoo
____4. magkahiramang suklay D. kalimutan
____5. pusong bakal E. magkapatid
F. matalik na magkaibigan

PANUTO: Tukuyin kung ano sinisimbolo ng sumusunod na salita. Piliin


ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

kadiliman kalinisan kapayapaan katungkulan pag-ibig pagsubok

___________________6. puti
___________________7. bundok
___________________8. gabi
___________________9. bulaklak
___________________10. upuan

13
14
MODYUL 9
ARALIN 3.3 Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Salita
Paunang Pagsubok
1. 2. 3. 4. 5.
Balik-aral
1. D
2. C
3. B
4. B
5. B
Pagsasanay 1
1. A
2. A
3. C
4. B
5. C
Pagsasanay 2
1. C
2. A
3. C
4. B
5. B
Pagsasanay 3
(Mamarkahan ng guro ayon sa pamantayan)
Panapos na Pagsusulit
1. C
2. F
3. B
4. D
5. A
6. kalinisan
7. pagsubok
8. kadiliman
9. pag-ibig
10. katungkulan
SUSI NG PAGWAWASTO
Sanggunian
https://www.slideshare.net/mobile/daniholic/filipino-grade-10-learning-
module-unit-3
https://quizizz.com/admin/quiz/5dee101f90b118001b3de554/matatalingh
agang-salita-pahayag
https://www.scribd.com/presentation/420565271/Matatalinghagang-
Pahayag-at-Simbolismo
https://www.slideshare.net/mobile/SeanDavis57/hele-ng-ina-sa-kanyang-
panganay
http://johnromemark.blogspot.com/2018/11/hele-ng-ina-sa-kaniyang-
panganay.html?m=1
https://www.editage.com/insights/tips-for-researchers-how-to-choose-the-
right-english-dictionary
https://steemit.com/tula/@ortorres1123/tulang-filipino-panahon-ng-tag-
ulan
https://www.tagaloglang.com/kalabaw/
http://bugtongpilipino.blogspot.com/2010/08/mga-bugtong-ng-kandila-
candle.html?m=1
https://www.showmedoves.com/

15

You might also like