Introduksyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Monolingsuwalismo,Bilingguwalismo, at Multilinguwalismo

MODYUL 2

"Makabubuting matutuhan ng tao ang mga wika't wikain sa kanyang kapaligiran,


Makatutulong ito sa mas malalim na pagkakaunawaan."

ANG MGA LAYUNIN

ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA


PANSARILING PAGTATAYA

GAWAIN (ACTIVITY)

Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subuking ipahayag ang reaksiyon o
sasabihin mo para sa sumusunod na mga sitwasyon gamit ang mga wikang alam mo. Kung kulang ang
callouts para sa bilang ng wikang alammoay dagdagan ito. Kung sobra naman ay hayaan na lang na
walang nakasulat sa iba.

Nagkita kayo ng kaibigan mong matagal mo nang di


  nakikita

1|Page
Sumasakit ang ulo at katawan mo at tila magkakalagnat
  ka

Sumasakit ang ulo at katawan mo at tila magkakalagnat


  ka

2|Page
Sa ilang wika mo naipahayag ang iyong mga ideya?____________________________
Alin sa mga ito ang iyong unang wika (L1)? _____________ang iyong ikalawang wika (L2)?
________________ang iyong ikatlong wika (L3)?__________________
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:
 unang wika (L1)
 ikalawang wika (L2)
 ikatlong wika (L3)
Masasabi bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ka?________________________
Ipaliwanag ang iyong isinagot sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya sa ibaba:
Masasabi kong ako ay_______________
dahil__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

BUOD/MAHALAGANNG KONSEPTO

ALAM MO BA?

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang


unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita
sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop. Nagagamit ng tao ang wika
upang makapagpahayag ng kanyang mga karanasan, kaisipan, damdamin, hangarin, at iba pa batay sa
pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon kaya naman masasabing ang wika ay natatangi
lamang sa tao at hindi sa iba pang nilalang.

May mga eksperimentong isinagawa upang malaman kung ang komunikasyon ba ng mga hayop
ay katulad ng sa wika ng tao pero hanggang ngayon ay hindi pa ito napatutunayan. Bagama't may mga
hayop na natuturuang magsalita dahil nakabibigkas sila ng ilang salita o maiikling pangungusap subalit
hindi ito likas at madalas na nasasabi lamang nila ang mga salita o pangungusap na natutuhan nila kapag
nauudyukan o nabibigyan sila ng insentibo ng taong nagsanay sa kanila. Hindi masasabing malikhain ang
pangungusap na nabubuo nila dahil ito'y karaniwang bunga lang ng pag-uudyok sa kanila. Sa kabilang
banda, ang tao ay gumagamit ng wikang naaangkop sa sitwasyon o pangangailangan (Paz, et. al. 2003;
pahina 4).

Kung gayo'y maituturing na isang mahalagang handog sa tao ang kakayahang makipagtalastasan
gamit ang wika. Nararapat lamang nating pagyamanin ang kakayahang ito at gamitin sa pamamaraang
makabubuti hindi lang sa sarili kundi sa higit na nakararami.

3|Page
Unang Wika, Pangalawang Wika, at Iba a

Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at kinakatawan din ng L1. Sa
wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at
damdamin.

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure o pagkalantad sa iba pang wika sa
kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga,
mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa. Madalas ay sa magulang din mismo, nagmumula ang exposure
o pagkalantad sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika. Mula sa mga
salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa
magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at sa
pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.

Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang mga taong
nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang
napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at kasabay nito'y tumataas din ang antas ng
kanyang pag-aaral. Dito'y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna'y
natututuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng
wikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya salumalawak na mundong kanyang
ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas, kung saan may
mahigit 150 wika at wikaing ginagamit sa iba't ibang bahagi ng bansa, ay pangkaraniwan na lang ang
pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong wika.

Monolinggunalismo, Bilingguwalismo, at Multilingsuwalismo

Monolingguwalismo

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng


isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika ang
ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang
monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo, wika ng negosyo, at
wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay. Sa dahilang napakaraming umiiral na mga
wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na multilingguwal kaya't mahihirapang umiral
sa ating sistema ang pagiging monolingguwal.

Bilingguwalismo

Matatawag mo ba ang sarili mong bilingguwal? Bakit? Anong pagpapakahulugan ang maibibigay
mo para sa salitang bilingguwalismo?

4|Page
Binigyang-pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935), isang Amerikanong lingguwista
ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito
ay kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring mai-kategorya sa
tawag na "perpektong bilingguwal" ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John Macnamara (1967), isa pa
ring lingguwistang nagsabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa
pang wika maliban sa kanyang unang wika. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat na
pagpapakahulugang ito ay may iba pang pagpapakahulugan ang naibigay tulad ng kay Uriel Weinreich
(1953), isang lingguwistang Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang
magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
May mgatanong sa ganitong pagpapakahulugan ni Weinreich dahil hindi nabanggit kung gaano ba dapat
kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa ikalawang wika upang maituring siyang
bilingguwal (Cook at Singleton: 2014).

Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas
sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang
halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika. Balanced bilingual ang
tawag sa mga taong nakagagawa nang ganito at sila'y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng
mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap (Cook at Singleton: 2014).

Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon natin ng inter-
aksiyon, maging sa mga taong may naiibang wika. Sa ganitong mga inter-aksiyon nagkakaroon ng
pangangailangan ang tao upang matutuhan ang bagong wika at nang makaangkop siya sa panibagong
lipunang ito. Sa pauli-ulit na exposure o pakikinig sa mga nagsasalita ng wika, unti-unti'y natututuhan
niya ang bagong wika hanggang sa hindi niya namamalayang matatas na siya rito at nagagamit na niya
nang mabisa ang bagong wika sa pakikipag-usap at sa paglalahad ng kanyang mga personal na
pangangailangan. Sa puntong ito'y masasabing bilingguwal na siya.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

Makikita sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng ng Saligang dalawang Batas wikang ng panturo 1973


angsa probisyon para sa wikangbilingguwalismo opisyal na iiral o pagkakaroon sa lahat ng mga pormal
na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan.

"Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal


na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga't hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."

-Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973

Ayon kay Ponciano B. P. Pineda (2004:159) ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging
basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ng kahilingang
ipatupad ang patakarang bilingual instruction na pinagtibay ng Board of National Education (BNE) bago
pa umiral ang Martial Law. Ang patakarang iyon ay alinsunod sa Executive Order No. 202 na bubuong

5|Page
Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) tungkol sa dapat maging katayuan ng
Pilipino at ng Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.
Dahil sa pagsusumikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay nilagdaan ang isang makasaysayang
patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon Bilang 73-7 na nagsasaad na "ang Ingles
at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1
hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man.
Noong Hunyo 19, 1974, ang Department of Education ay naglabas ng guidelines o mga
panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25, s.
1974. Ang ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang sumusunod:
Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang Pilipino
at Ingles
Ang pariralang bilingual education ay binigyang-katuturan sa magkahiwalay na paggamit ng
Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula Grade 1 pataas sa mga tiyak na asignatura.
Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipino ay Social Studies/Social Science, Work
Education, Character Education, Health Education, at Physical Education. Ingles naman ang
magiging wikang panturo sa Science at Mathematics. Ang Pilipino at Ingles, bukod sa gagamiting
mga wikang panturo, ay ituturo pa rinbilangmga asignaturang pangwika. Wala sa patakaran
subalit itinatakda ngmgapanuntunang magagamit na pantulong na wikangpanturo ang
bernakularsapooko lugar na kinaroroonan ng paaralan.

Multilingguwalismo
ALAM MO BA?
Ang Pilipinas ay isang bansang
Ayon sa maraming pag-aaral, ang mga multilingguwal. Mayroon tayong mahigit wika at
mag-aaral na naturuan sa wikang hindi nila wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang
unang wika ay nakararanas nang mas monolingguwal. Karamihan sa atin, lalo na sa mga
maraming bilang ng dropout o paghinto sa
nakatira sa labas ng Katagalugan, ay nakapagsasalita
pag-aaral o kaya'y paguulit sa antas
na kauunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang
(Benson, 2005b; Hovens, 2003; Klaus,
wikang katutubo na ang wika o mga wikang
2003; Lewis & Lockheed, 2006; Patrinos &
Psacharopoulos, 1997; Pinnock, 2009; kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang ang
Steinberg, Blinde, & Chan, 1984). Sa taya wikang Filipino at wikang Ingles ang ginagamit na
ng World Bank (2005), may limampung wikang panturo sa paaralan.
bahagdan ng mga batang nahinto na sa Gayumpama'y nananatiling laganap sa
pag-aaral o'yung mga tinatawag na out-of- nakararaming batang Pilipino paggamit ng unang wika
school-youth ang nakatira sa mga sa halip na Filipino at Ingles. Kaya, sa ng DepEd ng K
pamayanang ang wikang panturo ay hindi to 12 Curiculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon
ang wikang ginagamit nila sa tahanan. Si para magiging wikang panturo partikular sa
Pinnock (2009) naman ay naglabas ngisang
kindergarten at sa Grades 1, 2, at 3. Tinatawag itong
nakagugulat na puntos: 72%. daw ng mga
MTB-MLE o Mother Tongue Based-Multilinggual
out-ofschool-youth sabuong mundo ay
nagmula sa mga bansang maituturing na
Education. Ang mga pamantayan sa pagpapatupad
"highly linguistically fractionalised" o may nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin
mataas na pagkakahati-hating bilang Guidelines on the Implementation of the
panlingguwistika. Mother TongueBased-Multilingual Education
(MTBMLE). Nakalahad ditong simula sa araling taon
6|Page
2012 at 2013, ipatutupad ang MTB-MLE sa mga paaralan. Naaayon ito sa maraming pag-aaral na
nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang gagamitin sa kanilang
pagaaral. Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang
wikang panturo sa mga unang taonngpagaaral. Ayon sa kanila, mahalagaang unang wika sa panimulang
pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng
pangalawang wika.
Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang DepEd ng walong
pangunahing wika o lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wika ng panturo at
ituro din bilang hiwalay na asignatura. Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod: Tagalog,
Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, at ang apat na iba pang
wikain ay ang Tausug, Maguindanaoan, Maranao, at Chavacano. Pagkalipas ng isang taon, noong 2013
ay nagdagdag ng pitong wikain kaya't naging labinsiyam na ang wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay
ang sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral saTuguegarao City, Cagayan, at Isabela; Ivatan para sa
mga tagaBatanes; Sambal sa Zambales; Aklanon sa Aklan, Capiz; Kinaray-a sa Antique; Yakan sa
Autonomous Region of Muslim Mindanao; at ang Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City at mga
karatig-lalawigan nito.
Maliban sa mga nasabing unang wika (L1), ang Filipino (L2) at ang Ingles (L3) ay itinuturo din
bilang hiwalay na asignaturang pangwika sa mga nasabing antas. Samas mataas na antas ng elementarya,
gayundin sa high school at sa kolehiyo, mananatiling Filipino at Ingles ang mga pangunahing wikang
panturo.
Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang polisiya para
sa multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo para sa isang bansang
tulad nating may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga kabundukan at may umiiral na
napakaraming pangkat at mga wikain sapagkat mapalalakas muna nito ang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang unang wika. Inaasahang higit nilang mauunawaan at kalulugdan ang mga aralin kung
ito'y ituturo sa wikang matatas na sila at lubos na nilang nauunawaan. Ito ngayon ang magiging bridge o
tulayupang kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang pambansa, ang Filipino at
gayundin ang wikang Ingles. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III, "We should become tri-lingual
as a country. Learn English well and connect to the World. Learn Filipino well and connect to our
country. Retain your dialect and connect to your heritage."

7|Page
PANGHULING PAGTATAYA
I. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang monolingguwalismo? Ang bilingguwalismo? Ang multilingguwalismo? Sa paanong paraan
nagkakaiba-iba ang mga ito?
2. Bakit kaya sinasabing mahirap maging monolingguwal ang isang bansang katulad ng Pilipinas? Anong
katangian mayroon ang ating bansa na hindi magiging angkop para sa sistemang monolingguwal?
3. Anong probisyong pangwika ang nagtatadhana ng bilingguwalismo? Sa paanong paraan ito ipinatupad
sa ating bansa?
4. Bakit kaya mula sa bilingguwalismo ay ipinatupad ang multilingguwal na sistemang wikang panturo sa
K to 12 Curriculum?
5. Kung ikaw na ang magiging magulang, papayag ka bang ang anak mong magsisimula pa lang mag-aral
ay tuturuan gamit ang unang wikang kanyang kinagisnan sa inyong tahanan? Bakit oo o bakit hindi?
6. Sa iyong palagay, paano makaaapekto sa isang batang nagsisimula pa lang mag-aral ang paggamit sa
silid-aralan ng wikang nauunawaan at ginagamit din niya sa araw-araw niyang pamumuhay?
II.

May mga salita ba mula sa iyong mga binasa na bago sa iyong paningin at kinailangan mong ihanap ng
kasingkahulugan habang ikaw ay nagbabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang hanay ay
subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit ang diksiyonaryo o sa tulong ng
konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ang mga salitang ito sa
makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang pangungusap

III.
A. Tukuyin ang konseptong pangwikang binibigyang-kahulugan sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa
linya.
__________1. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.

8|Page
__________2. Ito ang wikang may simbolong L3 na natututuhan ng isang tao habang lumalawak ang
kanyang ginagalawang mundo dahil ito'y isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa
lipunan.
__________3. Ito ang wikang natutuhan kasunod ng unang wika. Ito kasi ang karaniwang wikang
nagagamit sa kapaligiran ng sariling tahanan.
__________4. Ito ang patakaran kung saan dalawang opisyal na wika ang gagamitin sa pagtuturo ng mga
asignatura sa paaralan.
__________5. Sa patakarang ito ay gagamitin ang unang wika bilang wikang panturo at bilang hiwalay
na asignaturang pangwika samantalang ituturo din ang Filipino at ang Ingles bilang mga hiwalay na
asignatura.
__________6. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika lamang bilang wika ng edukasyon, wika ng
komersiyo, wika ng negosyo, wika ng pakikipagtalastasan, at ng pang-araw-araw na buhay sa isang
bansa.
__________7-8. Ang mga ito ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa ayon sa itinatadhana ng ating
Saligang Batas ng 1973.
__________9. Ito ang kasalukuyang bilang ng mga wika at wikain sa bansang itinalaga ng DepEd upang
magamit bilang wikang panturo mula kindergarten hanggang Grade 3.
__________10. Ito ang sinasabing bilang ng wika at wikaing umiiral sa ating bansa.

B. Natutukoy ang ilang mahahalagang konseptong pangwika

1. Sa programang MTB-MLE ay nagtalaga ang DepEd ng mga wika at wikaing panturo sa mga batang
mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3. Magtala ng sampu sa mga wika at wikaing ito.
a._________________________ f. _________________________
b. _________________________ g. _________________________
c. _________________________ h. _________________________
d. _________________________ i. _________________________
e. _________________________ j. _________________________

2. Sa iyong palagay, sapat na ba o kulang pa ang mga wika at wikaing isinama ng DepEd na gagamiting
wikang panturo sa mga batang mag-aaral sa iba't ibang panig ng bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Kung sa palagay mo'y kulang pa, mayroon ka pa bang naiisip na wika o wikaing hindi naisama sa
listahan ng DepEd na sa tingin mo ay dapat ding maisama sa mga wikang panturo sa mga batang mag-
aaral? Isulat sa ibaba ang mga wika o wikaing ito at ang paliwanag kung bakit sa pananaw mo ay dapat
maisama ang mga ito.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

9|Page
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PS-Ib-
86)

Punan ang mga kahon sa kabilang pahina ng halimbawang nagmulasaiyong sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan.
MGA BARAYTI NG WIKA
MODYUL 3

“Mga barayte ng wika sa paligid ating igalang makatutulong ito sa mabisang pagkakaunawaan”

ANG MGA LAYUNIN

ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA


PANSARILING PAGTATAYA

Lunes ng umaga, tulad ng dati maraming tao kang makasasalubong at makakausap. Paano mo sila
kakausapin o babatiin? Isulat sa mga callout ang sasabihin mo sa bawat isa.

Sa kaibigan mong coño o


sosyal.

Sa isa sa mga guro mo.

Ano ang sasabihin mo…… Sa kaibigan mong “beki ” o


bakla.

Sa kaibigan mong
10 | P a g e jejemon.
Sa lolo mong kagagaling
lang sa probinsuya ninyo.

1. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang nagging paraan mo ng


pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_________

2. Ano ang pinatutunayan nito sa paggamit natin ng wika?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3.

BUOD/MAHALAGANNG
4. KONSEPTO

Alam Mo Ba?

Ang wika man ay namamatay o nawawala rin. Mangyayari ito kung hindi na ginagamit at nawala
na ang pangangailangan dito ng lingguwistikang komunidad na dating gumagamit nito. Maaari ding
mamatay ang wika kapag marami nang tao ang nandayuhan sa isang lugar at napalitan na ng mga salitang
dala nila ang mga dating salita sa lugar. Minsan nama'y may mga bagong salitang umusbong para sa isang
bagay na higit nang ginagamit ng mga tao kaya't kalauna'y nawawala o namamatay na ang orihinal na
salita para dito.
Makikita sa ibaba ang ilang salitang Filipino na patay na o unti-unti nang nawawala dahil hindi
na nagagamit, tulad ng perang nawala na sa sirkulasyon kaya't nakalimutan na ng mga tao. Ikaw,
makikilala mo pa kaya ang mga ito? Takpan ang kasingkahulugang nasa kanan at subukin kung alam mo
pa ang ibig sabihin ng bawat isa sa mga salitang ito.

 I alimpuyok (amoy o singaw ng kaning nasusunog)


 Anluwage (karpintero)
 Awangan (walang hanggan)

11 | P a g e
 Hidhid (maramot)
 Hudhod (ihaplos)
 Napangilakan (nakolekta)
 Salakat (pag-krus ng mga binti)

Maliban sa mga salita, marami na ring wikain o diyalekto sa iba't ibang panig ng bansa ang unti-unti
nang nawawala o namamatay dahil halos wala nang gumagamit sa mga ito. Ayon sa mga pag-aaral,
umaabot sa 35 sa mga katutubong wikain o diyalekto sa bansa ang nanganganib nang makalimutan ng
kasalukuyang henerasyon dahil hindi na nila ito nagagamit.

Paano kaya maiiwasang mamatay ang wika? Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003), hindi
mamamatay ang isang wika hangga't may mga gumagamit pa rin ng mga ito bilang kanilang unang wika,
habang ginagamit pa sa pamilya, sa pang-araw-araw na gawain, at sa pakikihalubilo sa kapwa. Kapag
ganito ang sitwasyon, mananatiling buhay na buhay ang wika.

Heterogenous at Homogenous na Wika

Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo nang
mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing "homogenous" ang wika kung pare-parehong magsalita
ang lahat ng gumagamit ng isang wika (Paz, et. al. 2003). Subalit hindi ganito ang wika sapagkat
nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba't ibang salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o
trabaho, antas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o
tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad kung saan t?yo'y nabibilang, at iba pa. Ipinakikita ng iba't
ibang salik panlipunang ito ang pagiging heterogeneous ng wika. Ang iba't ibang salik na ito ay
nagreresulta sa pagkakaroon ng iba't ibang barayti ng wika.

Barayting Wika

Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipagugnayan ng tao sa kapwa
tao mula sa ibang lugar na may naiibangkaugalian at wika. Mula sa pag-uugnayang ito ay may nalilinang
na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.
Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang pagkakaroon ng iba't ibang
barayti ng wika. Mababanggit dito ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa bibliya sa Genesis 11: 1-9 kung
saan sinasabingnaging labis na mapagmataas at mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas at
kapangyarihan, sil? ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sil? ng Diyos
sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba't ibang wika. Dahil hindi na sil? magkaintidihan, natigil
ang pagtatayo ng tore na tinawag na Babel at dito naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao.
Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng
mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag
12 | P a g e
nadivergence, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iba't ibang uri o barayti ng wika (Paz, et. al. 2003).
Isa-isa nating kilalanin ang bawat barayti ng wika.

DAYALEK
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular
na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad
ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang
kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap
na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Bagama’t may pagkakaiba ay
nagkakaintindihan naman ang mga nagsasalita ng mga dayalek na ito. Halimbawa ng dayalek ng wikang
Tagalog ang barayti ng Tagalog sa Maynila, at Tagalog sa Bisaya. Ang isang bisayang nagsasalita ng
Tagalog o Filipino, Halimbawa, ay may tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng mga leksikon o ilang
bokabularyong may pinagsamang Tagalog at Bisaya na tinatawag ding "TagBis" o Tagalog na may
kahalong Bisaya tulad ng Cebuano, Ilongo/Hiligaynon, Kinaray-a Waray, Samarnon, Aklanon, at iba pa.
Dito kadalasang pinapalitan ang panlaping um ng mag. Halimbawa, 'Magkain tayo sa mall.' Hindi man ito
kaparehong-kapareho ng Tagalog sa Maynila na 'Kumain tayo sa mall." ay tiyak na magkakaintindihan pa
rin ang dalawang nag-uusap gamit ang baryasyon ng wika sa kani-kanilang lalawigan o rehiyon.
Makikita rin sa barayting ito ang magkaibang kahulugan ng ilang bokabularyo ng mga taong
pare-parehong nagsasalita ng iisang wika tulad ng nasa ibaba:

Tagalog sa Rizal Tagalog sa Teresa, Morog, Cardona, at Baras

Palitaw Diladila

Mono Balatong

Makikipagkasalan Magkakangay

Timba Sintang

Hikaw Panahinga

Ate Kaka

Tatay tata

Lolo Amba

Biik Kulig

Lola Inda, pupu, nanang

Sitaw Gulay, pinugo

Latek Kalamay hati

13 | P a g e
IDYOLEK

Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ang mga tao ay mayroon pa ring pansariling
paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinawas na Idyolek. Sa barayting ito, lumulutang ang
katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita
ng iisang wika ang bimibigkas nito nang magkakaparehong-magkapreho. Ditto lalong napatunayang hindi
homogenous ang wika sapgkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalitang isang tao sa iba pang tao
batay na rin sa kani-kaniyang indibidwal sa estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang
komportableng magpahayg.
Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging paraan ng
pagsasalita o idyolek. Kilala ang idyolek ni MarcLogan kung saan mahilig siyang gumamit ng mga
salitang magkakatugma sa mga nakatatawang pahayag. Naging viral din sa YouTube ang Pabebe Girls na
nakilala at ginaya pa ng marami sa nausong dub smash dahil sa kanilang "pabebeng" idyolek. Kilala rin
ang idyolek ng mga bantog na komentarista sa radyo at telebisyon tulad nina "Kabayan" Noli De Castro,
"Magandang Gabi, Bayan"; Mike Enriquez, "Hindi namin kayo tatantanan!"; Mareng Winnie, "Bawal ang
pasaway kay Mareng Winnie!" Nariyan din ang idyolek ng iba pang kilalang personalidad na madalas
nagagaya o nai-impersonate tulad nina Kris Aquino, "Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!"; Ruffa
Mae Quinto, "To the highest level na talaga itoh!"; Donya Ina (Michael V), "Anak, paki-explain. Labyu!";
at marami pang iba.

SOSYOLEK

Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa ilang
katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa. May
pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matatanda sa mga kabataan; ng mga
maykaya sa mahihirap; ng babae sa lalaki, o sa bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng tindera sa
palengke; at ng iba pang pangkat. Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na
palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika
ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutuhan ang
sosyolek nito.

Kabilang din sa sosyolek ang "wika ng mga beki" o tinatawag ding gay ang lingo. Ito’y isang
halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago na nila ang
tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa ang mga salitang Churchill para sa sosyal, Indiana jones o nang-
indyan o hindi sumipot, bigalou o malaki (big), Givenchy o pahing; (give), Juli Andrews o mahula, at iba
pa. Ang unang intensiyon sa paggamit nila sa wikang ito ay para magkaroon sila ng sikretong
lengguwaheng hindi maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa kanila, subalit sa kasalukuyan,
nagagamit na rin ito ng nakararami. Isang patunay na ang wika ay buhay at mabilis yumabong. Patunay
rin ito na malakas ang impluwensiya ng "gay lingo" dahil hindi na lang sa mga beauty parlor naririnig ang
mga ito kundi sa iba't ibang lugar at pagkakataon na rin. Halimbawa, sa palitan ng patutsadahan ng mga
tagapagsalita ng kampo ng Pangulong Aquino at ni VP Binay na nag-ugat sa " I true State of the Nation

14 | P a g e
Address" o TSONA ng pangalawang pangulo. Tinawag ni Lacierda na 'charot' o isang biro ang TSONA
ni VP Binay. Sumagot naman si Joey Salgado, tagapagsalita ng Office of the Vice President ng "Imbey
ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang
pipol dahil hindi trulalu."
Maraming magkakaibang komento ang inani ng patutsadahang ito. May mga hindi sumang-ayon
at agad pinuna ang sagutan ng dalawang kampo at ang wikang ginamit. May mga naaliw rin tulad ni
dating Commissioner Ruffy Biazon na nagpost sa kanyang Twitter account ng ganito, "bonggacious ang
tarayan, naloka aqui."
Nabibilang din sa barayting sosyolek ang wika ng mga "coño” na tinatawag ding coñotic o conyospeak
isang baryant ng Taglish. Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya't
masasabing may code switching na nangyayari. Halimbawa, sa pangungusap na "Bilisan mo at late na
tayo" kung saan ang salitang Ingles na late ay naihalo sa iba pang salita sa Filipino. Sa " coñotic " o
"conyospeak" ay mas malala ang paghahalo ng Tagalog at Ingles na karaniwang ginagamitan ng
pandiwang Ingles na make na ikinakabit sa mga pawatas na Filipino tulad ng "make basa, make kain,
make lakad," at madalas ding kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino tulad ng pa, na, lang, at iba pa. Ito
ay karaniwang maririnig sa mga kabataang may kaya at nag-aaral sa mga ekslusibong paaralan. Ang
ganitong uri ng pagsasalita ay karaniwang ipinagtataas ng kilay ng nakararami. Makikita sa ibaba ang
usapan ng magkaibigang gumagamit ng "conyospeak."

Kaibigan 1: Let's make kain na.


Kaibigan 2: Wait lang. I'm calling Anna pa.
Kaibigan 1: Come on na. We'll gonna make pila pa. It's so haba na naman for sure.
Kaibigan 2: I know, right. Sige, go ahead na.

Kung ang coño ay sosyolek ng mga "sosyal" o "pasosyal" na mga kabataan may isa pang barayti
ng sosyolek para naman sa mga kabataang jologs, ang "jejemon" o "jejespeak." Sinasabing ang salitang
jejemon ay nagmula sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa
Hapon na pokemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa mga wikang Ingles at Filipino subalit
isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na
titik kaya't mahirap basahin o intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping. Noong
una'y nagsimula lang ito sa kagustuhang mapaikli ang salitang itina-type sa cell phone upang mapagkasya
ang ipadadalang SMS o text message na may limitadong 160 puwang kada mensahe para sa mga titik,
numero, at simbolo lang kay? Sa halip na "Nandito na ako" pinaiikli at nagiging "d2 na me." Subalit,
kalaunan, sa halip na mapaikli ay napahahaba pa ng mga jejemon ang salita o mensaheng ginagamitan ng
mga titik, numero, at mga simbolo. Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z sa mga salita ng jejemon.
Makikita ang ilang halimbawa sa ibaba:
3ow ph0w, mUsZtAh nA phow kaOw? "Hello po, kumusta na po kayo?"
aQcKuHh iT2h "Ako ito."
iMiszqcKyuH "I miss you."
MuZtaH "Kumusta?"

Maliban sa mga nabanggit, ang sosyolek ay maaari ding tumukoy sa pangkat ng isang propesyon,
partikular na trabaho, o gawain ng tao. Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng partikular na

15 | P a g e
pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa, ang mga abogado ay
makikilala sa mga jargon na tulad ng exhibit, appeal, complainant, at iba pa.

ETNOLEK

Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula
sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko. Halimbawa'y ang sumusunod:

ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
ang bulanon na ang ibig sabihin ay fullmoon
ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o minamahal
ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna, at dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa),
sadshak (kaligayahan), peshen (hawak)

REGISTER

Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang
kausap niya ay isang taong may mas mataas nakatungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya
masyadong kakilala. Pormal na wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad
ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan; at iba
pa. Kapag sumusulat ng panitikan, ulat, at iba pang uring pormal na sanaysay ay pormal na wika rin ang
ginagamit.
Ang di pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan,
malalapit na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad, at ang matatagal nang kakilala. Nagagamit ito
sa mga pamilyar na okasyon tulad ng kasayahang pampamilya o magbabarkada gayundin sa pagsulat ng
lihampangkaibigan, komiks, sariling talaarawan, at iba pa.
Isang halimbawa nito'y ang pagsasabing "Hindi ako makakasama, wala akong datung" kapag
kaibigan ang kausap pero nagiging "Hindi po ako makakasama dahil wala po akong pera" kapag sa guro
na sinasabi ang sitwasyon.

PIDGIN AT CREOLE
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na 'nobody's native language' o
katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-
usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya't 'di magkaintindihan dahil hindi nila alam
ang wika ng isa't isa. Halimbawa'y ang nangyari nang dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at
makipag-usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa wika ng bawat isa
kaya nagkaroon sila ng tinatawag na makeshift language. Wala itong pormal na estruktura kaya't ang
dalawang nag-uusap ang lumilinang ng sarili nilang tuntuning pangwika. Sa kaso ng mga Espanyol at

16 | P a g e
katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at wikang katutubo. Pidgin
ang tawag sa nabuo nilang wika.
Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika ng
batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon, kaya't nabuo ito hanggang
sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng karamihan. Ito ngayon ay tinatawag nang creole,
ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Halimbawa, ang sinimulang
wika ng mga Espanyol at wikang katutubo sa Zamboanga ay pidgin subalit nang maging unang wika na
ito ng mga batang isinilang sa lugar, Magkaroon ng sariling tuntuning panggramatika at tinawag na
Chavacano (kung saan ang wikang katutubo ay nahaluan na ng impluwensiya at bokabularyong wikang
Espanyol o Kastila) at ito ngayon ay flaging creole na.

PANGHULING PAGTATAYA

I. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano-anong salik ang pinagmumulan ng pagkakaiba o ng mga barayti ng wika?


2. Bakit walang buh?y na wika ang maituturing na homogenous?
3. Sa paanong paraan naman nagiging heterogenous ang wika?
4. Paano nalilikha ang iba't ibang barayti ng wika?
5. Ano ang dayalek? ang idyolek? ang sosyolek? ang etnolek? ang register?
6. Paano nagkakaiba ang pidgin at ang creole?
7. Paano mo mailalarawan ang iyong idyolek? Paano naiiba ang paraan mo ang pagsasalita sa iba
pang taong nagsasalita rin ng wikang ginagamit mo?
8. Saang lalawigan ka man nakatira ay tiyak na gumagamit at nakaiintindi ka at mga kababayan mo
ng Tagalog. Sa paanong paraan naiiba ang pagsasalita ninyo ng Tagalog sa inyong lalawigan o
rehiyon sa pagsasalita ng mga tagaMaynila o ng ibang pangkat na gumagamit din ng wikang
Tagalog?
9. Sa anong sosyolek naman nabibilang ang pagsasalita mo? Ipaliwanag.
10. Ano ang jargon? Paano mo malalaman ang propesyon o gawain ng mga taong nag-uusap batay
lang sa kanilang jargon?

II. PAYABUNGIN NATIN


17 | P a g e
May mga salita ba mula sa iyong mga bin?sa na bago sa iyong paningin at kinailangan mong ihanap
ng kasingkahulugan habang ikaw ay nagbabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang hanay
ay subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit ang diksiyonaryo o sa tulong ng
konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. So ikatlong hanay ay gamitin ang mga salitang ito sa
makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang pangungusap

III. Kilalanin ang tinutukoy na konseptong pangwika sa bawat pahayag batay sa nakalahad na kahulugan.
Isulat ang sagot sa linya.
_____________1. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay
naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad.
_____________2. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang buhay na
wika ang ganito sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang pagsasalita ng lahatng
gumagamit ng isang wika.
_____________3. Barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap
subalit pareho silang may magkaibang unang wika at di nakaaalam sa wika ng isa't isa.
_____________4. Katangian ng wikang nagpapakitang ito'y hindi maaaring maging puro sapagkat ang
bawatwika ay binubuo ng iba't ibang barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa
pagkakaiba-iba ng mga ito.
_____________5. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
_____________6. Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personalnakatangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita.
_____________7. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
_____________8. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan
o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
_____________9. Ito ang tawag sa wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilang sikretong wika subalit
kalauna'y ginagamit na rin ng nakararami.
_____________10. Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-
etniko.

18 | P a g e
Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan, tukuyin kung sa anong barayti ng wika
nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o sitwasyon. Isulat ang sagot sa linya.
_____________1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro
lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang "Magandang Gabi, Bayan!"
_____________2. Nagta-Tagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa
Tagalog ng mga taga-Metro Manila.
_____________3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong
niyang "Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!"
_____________4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago
pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa't na estruktura isa,
bumuo at sil? hinding wikang walang sinusunod pag-aari ng sinuman sa kanila.
_____________5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga
dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang
naging unang wika ng kanilang mga naging anak.
_____________6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. "Laura" at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a.
"Dana" ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa.
_____________7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa
unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito'y
alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
_____________8. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Lenay maharot .at
nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula
silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal ang paraan nila ng
pagsasalita.
_____________9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa
Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang
angsalitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.

_____________10. "Handa na ba kayo?" ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa
kanyang programang Rated K. Kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at naririnig lamang ang kanyang
pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si Korina nga ito dahil sa sarili niyang estilo ng pagbigkas.

19 | P a g e
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
MODYUL 4

“Mahalaga ang gagampanan ng wika sa bayan. Ito ang susi sa nagkakisang lipunan.”

ANG MGA LAYUNIN

ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA


PANSARILING PAGTATAYA

GAWAIN (ACTIVITY)

Kilala mo ba si Tarzan?

20 | P a g e
Kung kilala mo siya, isulat mo sa kahon sa ibaba ang mga katangian niyang hindi mo malilimutan. Sa
kabilang kahon naman ay ang paraan ng kanyang pakikipag-usap.

Mga Katangian Ni Tarzan Paraan ng pakikipag usap Ni


Tarzan

Sa mga hindi nakakikilala kay Tarzan, isa siyang tauhan sa kuwento na naulila sa gubat habang
sanggol pa lamang. Pinalaki siya ng mga unggoy na nakapulot sa kanya at dahil hindi nagsasalita ang
mga unggoy ay lumaki si Tarzan na mga tunog ng hayop ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga
unggoy at maging sa iba pang mga hayop sa gubat. Hanggang may dumating na mga tao sa gubat at dito
niya unti-unting natutuhan ang paggamit ng wika.
1. Nagkaintindihan ba si Tarzan at ang mga hayop sa gubat? Bakit?
2. Batay sa kuwento ni Tarzan, nakikita mo ba ang kahalagahan ng wika?
3. Kapag ang isang lipunan ay may iba't ibang wikang ginagamit, madali bang magkaunawaan ang mga
naninirahan dito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA


PANSARILING PAGTATAYA
Alam Mo Ba ?
Tinatawag na lingua franca ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan. Ito ang
wikang ginagamit upang lubos na magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang komunidad. Sa Pilipinas,
itinuturing ang Filipino na lingua franca. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Unibersidad ng Ateneo sa
Manila noong 1989, napatunayan na ang Filipino ay isa nang ganap na lingua franca. Sa Pilipinas, 92%
ang nakauunawa ng Filipino, 51% ang nakauunawa ng Ingles, at 41% ang nakauunawa ng Cebuano.

Ayon sa Komisyon Metro sa Wikang Manila, Filipino, Pambansang "Ang Punong Wikang
Rehiyon, Filipino at ay sentrong ang katutubongurban sa wikang ginagamit sa arkipelago, na ginagamit
bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa mga proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas
at mga di katutubong wika para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang
saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag."

Ang Wika at ang Lipunan

21 | P a g e
Tulad ng ating paghinga at --- paglakad, kadalasan ay hindi na natin napapansin ang kahalagahan
ng wika sa ating buhay. Marahil, dahil sa palagi na natin itong ginagamit. Ngunit ang totoo ay hindi natin
matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagkapwa. Ito ay mahalagang instrumentong nag-uugnay
sa bawat isa sa lipunan. Ayon kay Durkheim (1985), isang sociologist, nabubuoang lipunan ng mga taong
naninirahan sa isang pook. Ang mga taongnasaisang lipunan ay may kanya-kanyang papel bawat na
ginagampanan. isa. Sila ay namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan sa bawat isa
Sinumang gunagamit ng wika upang makipagkapwa ay dapat nakaaalam ng kanyang
katalastasan. Hindi sila magkakaunawaan kung ng hindi nila nababatid ang wikang ginagamit ng isa't isa.
Kaya, ang mga taong namumuhay sa isang lipunan at nakapag-uusap gamit ang isang wikang kapwa
nilanasasalita at nauunawaan ay mas nagkakasundo at nagkakaisa.
Hindi maikakaila na ang wika ay nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura. Ito ang kanilang
identidad o pagkakakilanlan. Nagbibigay ito ng anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Maiintindihan
at mapahahalagahan ang isang kultura sa tulong ng wika, hindi lamang ng mga taong kasapi sa grupo
ngunit maging ng mga taong hindi kabilang sa pangkat.
Tinukoy ng lingguwistang si W.P. Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang
Language and Social Behavior (1972). Ito ay ang sumusunod: (1) pagkilala sa estado ng damdamin at
pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan; at (2) pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng
wika na ikinaiiba nila sa iba pang lipunan. Bawat tao rin ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa
pagsasalita na nagpapakita ng kanyang pagkakaiba sa iba pang tao. May sarili silang katangian,
kakayahan, at kaalamang hindi maaaring katulad ng iba.
Sadyang napakalaki ng gampanin ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagbibigkis sa mga kasapi sa
lipunan. Ito ang instrumento ng kanilang pagkakaunawaan; at ito ang simbolo ng kanilang
pagkakakilanlan.

Gamit ng Wika sa Lipunan

Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang
kuwento ni Tarzan. Mga tunog ng hayop ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang wika ng mga kasama
niyang hayop sa gubat. Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahihirapang matutong
magsalita dahil wala naman siyang kausap. Maging ang isang taong bagong lipat lang sa isang
komunidad na may ibang wika, kung hindi ito makikipag-ugnayan sa iba, ay hindi matututo ng ginagamit
nilang wika. Kung gayon, ang isang taong hindi nakikipagugnayan o nakikisalamuha sa isang komunidad
ay hindi matututong magsalita sa paraan kung paano nagsasalita ang mga naninirahan sa komunidad na
iyon. Sadyang ang wika nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi
matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan.
Marami-rami na rin ang nagtangkang i-kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin
nito sa ating b?hay, isa na rito si M.A.K. Halliday na naglahad sa pitong tungkulin ng wika na mababasa
sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study) (1973).
Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K. Halliday ay ang sumusunod:
1. Instrumental-Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng

Alam Mo Ba ?
22 | P a g e
Si Michael Alexander Kirkwoo Halliday o mas kilal? sa taguri na M.A.K. Halliday ay isang bantog na iskolar mula
sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon,
Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng wika, ang systemic
functional linguistics,
mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa
ng tungkuling ito.

2. Regulatoryo -Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugalioasalng ibangtao.Ang


pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksiyon sa
pagluluto ng isang ulam; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit; at direksiyon sa paggawa ng anumang
bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
3. Inter-aksiyonal -Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng
malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham-
pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal -- Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
5. Heuristiko -Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may
kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga
tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon; at pagbabasa ng
pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga impormasyon.

6. Impormatibo -Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng
impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, at
pagtuturo.
7. Pangimahinasyon- paglikaha gamit and imahinasyon : telenovela, pagpinta

Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng paggamit ng wika.


1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)-Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin,
at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative)-Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)-Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa
at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)- Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at
iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kurokuro (Metalingual)-Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic) Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
Alam Mo Ba?
Si Roman Jakobson ay isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga nagtatag ng
Linguistic Circle of New York. Ang kanyang bantog na functions of language ang kanyang naging ambag sa larangan ng semiotics .
Ang semiotics ay ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano ito gamitin.
23 | P a g e
Matapos unawain ang iba't ibang tungkulin ng wika ayon sa dalawang dalubhasa, maiiba na ang
pananaw natin sa wika. Hindi na natin ito titingnan bilang isang normal na bagay na ginagamit sa araw-
araw kundi isang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.

PANGHULING PAGTATAYA

I. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Bakit sinabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan?
2. Kapag ang bat? raw ay hindi nakikipag-ugnayan sa iba, ano ang maaaring maging epekto nito sa
pagkatuto niyang magsalita? Ipaliwanag ang sagot.
3. Kapag lumipat ang isang tao sa bagong lugar na gumagamit ng wikang hindi niya alam, ano ang
kailangan niyang gawin upang matutuhan niya ang wika ng mga taong naninirahan doon?
4. Ano-ano ang mga tungkulin ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday? Sang-ayon ka ba sa mga
tinukoy niyang tungkulin? Ipaliwanag ang sagot.
5. Ano-ano naman ang mga gamit ng wika ayon kay Jakobson? Alin sa mga ito ang hindi mo sinasang-
ayunan at alin ang mga sinasang-ayunan mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
6. Batay sa tekstong iyong nabasa, ano ang tunay na halaga ng wika?

II. PAYABUNGIN NATIN


May mga salita ba mula sa iyong mga binasa na bago sa iyong paningin at kinailangan mong
ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay nagbabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang
hanay ay subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit ang diksiyonaryo o sa tulong

24 | P a g e
ng konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ang salita sa
makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang pangungusap

III. A. Natutukoy ang tungkulin ng wika


Isulat sa linya ang tungkulin ng wikang tinutukoy ng pahayag sa ibaba.
Tungkulin ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday
____________1. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
____________2. Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa
paksang pinaguusapan.
____________3. Tumutukoy ito sa pagkuha o paghahanap ne impormasyon na may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan.
____________4. Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya
ngpakikipag. ugnayan sa iba.
____________5. Tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may
kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Isa rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong
tungkol sa paksang pinag-aaralan.

Gamit ng Wika ayon kay Jakobson

____________6. Ito ang paraan ng pagbabahagi ng wikang lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan
ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
____________7. Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
____________8. Paraan ng pagbabahagi ng wikang tumutukoy sa pagpapahayag ng mga saloobin,
damdamin, at emosyon.
____________9. Ito ay gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng
paguutos at pakikiusap.
____________10. Saklaw nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang
pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

B. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikationg gamit ng wika sa lipunan-Ayon kay M. A. K.


Halliday

25 | P a g e
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang gamit o tungkulin ng wika sa pahayag at
bigyang-kahulugan ang komunikativong gamit ng wika sa lipunan. Maaaring higit sa isa ang gamit o
tungkulin ng wika sa pahayag.
1. "Kamakailan ay inilabas ng Oxford English Dictionary (OED), ang pinakabagong edisyon ng
diksiyonaryo nito na naglalaman ng mga bagong salitang Ingles, bukod pa sa mga dating terminong
pinalawak ang kahulugan ayon sa nagbabagong paggamit nito. Kabilang dito ang apatnapung (40) salita
mula sa Pilipinas na halaw sa 'Philippine English.' Ilan sa mga ito ay ang presidentiable, gimmick, carnap,
at salvage, gayundin ang balikbayan, despedida, barkada, kikay, halo-halo, at KKB. Ayon sa mga ulat, ito
na raw ang pinakamalaking bilang ng mga salitang sariling atin na sabayang kinilala ng OED mula pa
noong 1928 nang isama ng Oxford ang abaca sa unang edisyon ng diksiyonaryo nito. Ano naman ang
halaga nito sa atin?"
-Senator Pia Cayetano

Gamit o tungkulin ng wika:


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Kahulugan at paliwanag:
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. "Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay
ang modelo-ang mga guro." Ito ang opinyon ni Ruth Elynia-Mabanglo noong Agosto 2015, sa ginanap na
Kongreso ng Pagpaplanong Pangwika.

Gamit o tungkulin ng wika:


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Kahulugan at paliwanag:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa


pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988. Ito ay "nag-aatas sa lahat
ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon, at korespondensiya."

Gamit o tungkulin ng wika:


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Kahulugan at paliwanag:

26 | P a g e
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

MGA SANGGUNIAN
Pinagyamang Pluma
Kumunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino
Ni Alma M. Dayag
Mary Grace G. del Rosario

27 | P a g e

You might also like