Professional Documents
Culture Documents
Full Cover Module For Poklorikong Filipino
Full Cover Module For Poklorikong Filipino
Full Cover Module For Poklorikong Filipino
2017-2018
ARALIN 1
Maikling Pagbabalik Tanaw sa Kulturang Pilipino
Sa unang mga pag-aaral, ang Pilipinas ay mayroong 7, 107 na mga pulo mula sa Luzon,
Visayas at Mindanao. Ngunit sa paglipas ng panahon, napag-alaman sa pamamagitan ng
paggamit ng makabagong teknolohiyang na tinawag na Interferometric Synthetic Aperture
Radar (IFSAR) na mayroong natuklasan na 534 pa na mga pulo sa Pilipinas. Ang pag-aaral na ito
ay base sa isang programang inulunsad ng DENR noong 2013 hanggang sa kasalukuyan.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa
India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa kultura ng
Pilipinas.
Ang ibig sabihin ng Kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng
kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.
Mga Gawain:
(Note: Sa BAWAT natapos na pag-uulat ng bawat grupo, ang bawat ISA ay magpapasa ng isang buod sa
ginawang pag-uulat. Ang sinumang mahuling nangopya at nagpakopya ay walang makukuhang marka sa BUONG
gawain)
1
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
3. Ibigay ang mga naging impluwensya ng mga sumusunod na bansa sa kulturang Pilipino.
a) India
b) Malaysia
c) Indonesia
d) Tsina
e) Hapon
2
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
ARALIN 2
Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng
bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting- bayan na anyong patula; mga
kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at mga katutubong sayaw at ritwal ng
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa Piipinas.
Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archaeologist) sapagkat
batay sa kasaysayan, pinagsusunog at pinagsisira ito ng mga prayle ng dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.
Taong 1521 naman nang dumating ang mga unang mananakop, pinangalan ni Magellan
ang ating bansa ng ARCHIPELAGO DE SAN LAZARO.
Mula sa mga kwento sa itaas ang kwento ni Rodrigo de Aganduru Moriz na ang Pilipinas
ay Ophir ang pinaka pamoso sa lahat. Narito ang ilan sa mga kwento hinggil dito.
Si Ophir ay apo ni Noah kay Shem ay nagkaroon ng dalawang anak si Peleg at si Yoktam
sa panahon ng nagkaiba-iba ang wika ng mga tao. Tanging si Heber lamang ang nakapag-ingat
ng salita ng kanyang ninunong si Noah na wika rin ni Adam na tinawag na "HBR" (Hebreo)
hango sa pangalan ni Heber. Samakatuwid, si Peleg at Yoktam na mga anak ni Heber ay
nagsasalita rin ng "HBR". Ang apo ni Peleg na si Abraham ay nagsasalita ng Hebreo sa Genesis
14:13. Ang anak naman ni Yoktam na si Ophir ay nagsasalita rin ng Hebreo, samakatuwid si
Ophir ay nagsasalita ng Hebreo. Si Ophir ay ipinadala sa Silanganan ayon sa Genesis 10:30.
3
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Nang dumating ang sampung (10) Datu sa pamumuno ni Datu Puti sa isla ng Panay ay
nakakamangha na nagka-intindihan sila dahil parehas ang kanilang wika na Hebreo at
pinaniniwalaan na ang salita ni Datu Puti at dalawa pang Datu na tumungo sa Mindoro at Taal
(Batangas) ay pinagmulan ng salitang Tagalog. Ang wikang Tagalog at wikang Bisaya ay 80% na
magkaparehas ang mga salita at paggamit. Ang salita ng Kabisayaan ay tinatawag na
"Hiligaynon" ay sa wikang Hebreo naman ay "Higaynon" na ang ibig sabihin ay "solemn sound".
Ayon sa kwento ng isang Heswitang (Jesuit) pare at lumang mananaysay (old historian)
na si Francisco Colin noong 1663, Maniolas daw ang unang pangalan ng Pilipinas ayon kay
4
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Clauadius Ptolemy. Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga islang makikita sa Timog ng Tsina.
Naniniwala sila na ang tinutukoy na Maniolas ay tumuturo sa Manila.
Ang paniniwalang ito ay sinuportahan ni Jose Rizal at Pedro Paterno. Sinabi rin ni Rizal
na naisali sa ginagawang mapa ni Ptolemy ang Pilipinas dahil kay Hippalus, isang manlalakbay,
na naglarawan sa "magagandang isla sa " na matatagpuan sa timugang silangan. Maliban sa
Maniolas idinagdag din nila ang Barossai na tumutukoy naman sa Visayas at Mindanao.
Panahon ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD, at GLORY.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristyanismo, maghanap ng ginto at
upang lalo pang mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
Ang Luzon ay hango sa Tagalog na salitang LUSONG, isang kahoy na bayuhan kung saan
dinudurog ang bigas. Kaya nang gumawa ng mapa ang mga Kastila noong 17 siglo, at una nilang
tinawag ang pulo na Luςunia na sa kalaunan ay binago sa Luzonia at pagkatapos ay Luzon.
Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na
mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe, at
prinsesa. Isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at
karagatan.
Sa panahon ding ito nailimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Cristiana
na nailimbag noong 1553.
Nauso rin ang carillo o dulang puppet na yari sa karton sa gumagalaw sa likod ng isang
mailaw at puting tela. Ang mga panitikang namang ukol sa kabutihang asal ay ang Urbana at
Feliza ni Padre Modesto de Castro.
5
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; naglunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong
hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
Nanguna ang mga Pilipino sa pagsulat ng mga panitikang panrebolusyon. Nailathala ang
mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong 1889 na naglalayong
matamo ang pagbabagong kailangan ng bansa.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na may sagisag na panulat na Laong Laan ay
naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may akda ng mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyong
Pilipino laban sa mga Kastila.
Mahigit 300 taong nasakop ng Kastila ang Pilipinas ay napanatili ang salitang Tagalog
gamit ng mga Propagandista upang gisingin ang kamalayan ng mga Pilipino laban sa banyagang
nanakop at ito ring ang wikang Tagalog ng Katipunan na naging pambansang wika noong 1896
sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak na Bato. Hindi nagtagumpay ang mga Kastila na
masakop ang wikang Tagalog.
Panahon ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip
ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa rehimeng
Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang
pangunahing iniambag nila sa atin. Sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano,
sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula
lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong manunulat.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tales na ginamit ng mga Tomasites sa
pagtuturo. Ipinakilala rin nila ang iba pang uri ng (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala
sa pinilakang-tabing –ang pelikula.
Dala din nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang
mga artista na nagbunga sa sarswela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang
pelikula na nag-umpisa muna sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig
(silent films) unti-unting naisantabi ang dulang panteatro sa bansa.
Ang mga unang pelikulang ginawa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng mga
bulkan at mga iba pang kalamidad at ilang mga dokumentaryo bunga ng pagka-ignorante ng
mga Amerikano sa katutubong Pilipino.
6
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ang kwento sa buhay ng ating bayaning
si Dr. Jose Rizal at ng kanyang dalawang nobela. Ang pinaka unang pelikulang Hollywood na
ginawa ay pinamagatang Zamboaga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater
scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng isang Pilipino sa pamumuno ni Jose
Nepumuceno hango sa dulang panteatro Dalagang Bukid.
Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat sa pamamalakad ng mga
Amerikano sa bansa. Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano ay kay
Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo 1903 – ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng
batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito at dinakip ang may-akda.
Ang dulang Kakapon, Ngayon, at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumiligsa rin sa mga
Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang ‘Hindi Ako Papatay’ na hindi
nakilala ang may-akda dahil sa ginamit niya ang pangalan ng kanyang may-bahay.
Panahon ng Hapon
Sa pagbobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusong nito sa
Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil tayo ay nasa ilalim ng kolonya ng Estados Unidos,
sinakop tayo ng mga Hapon. Ngunit para sa karamihang manunulat, isang biyaya sa larangang
panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa
panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng panitikang Filipino dahil higit na malaya ang Pilipino (kaysa noong sa Amerikano)sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian, at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahong ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina
Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matutue dahil sa mga makintal na maka-feministang
maikling kwento.
Dahil sa dinalang Haiku (maikling tulang may tatlong taludtud at may bilang na pantig na
5-7 sa taludtud) nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtud at
ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7).
Halimbawa ng Haiku:
Anyaya
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
7
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Halika, sinta
Tutubi
Hila mo’y tabak
Ang bulaklak; nanginginig!
Sa paglapit mo
Halimbawa ng Tanaga:
Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa-nakabitak
Sa kahoy- nalugayak
Sa puso-naglagablab
Palay
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Mga Gawain:
1. Maghanap ang bawat isa ng isang alamat at gawan ng isang buod. Ilahad sa klase sa
susunod na pagkikita. (10 pts.)
2. Ano ang Death March? Ipaliwanag (10 pts)
3. Ano ang naging maganda impluwensya ng mga Kastila sa Pilipinas? Ipaliwanag. (10 pts)
4. Ano ang naging magandang impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas? Ipaliwanag.
(10 pts.)
8
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
5. Ano ang naging magandang impluwensya ng mga Hapones sa Pilipinas? Ipaliwanag. (10
pts.)
6. Ano ang kwentong Noli Me Tangere? (10 pts.)
7. Ano ang kwentong El Filibusterismo? (10 pts.)
8. Maliban kay Rizal sinu-sino pa kasapi ng La Solidadridad? (10 pts.)
9. Ano ang naging layunin ng samahang La Solidaridad sa panahon ng mga Kastila?
Ipaliwanag. (10 pts.)
(Note: Anyone caught of copying and being copied, especially on the essay questions, will ultimately
received ZERO POINT for the entire activity)
9
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
ARALIN 3
Kulturang Pilipino
Ang Kulturang Pilipino ay pinaghalong mga impluwensya ng mga katutubong tradisyun
at kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Bago paman dumating ang
mga dayuhang mananakop sa bansa ay nauna munang makarating dito ang mga mangangalakal
mula sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon.
Naimpluwensyahan na rin ng mga Hinduismo at Budismo ang mga katutubong mga
paniniwala ng mga Pilipino bago paman dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal
na Muslim. Isang magandang halimbawa nito ay ang karma na magpahanggang ngayon ay
pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino.
Ang pagdating naman ng mga mananakop na Kastila at pananatili sa bansa sa mahigit
tatlong daan taon ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa kultura ng mga Pilipino, gaya na
lamang ng wikang Filipino na maraming hiniram mula sa salitang Kastila, ang Kristyanismo, at
marami pang iba. Bukod sa mga Kastila ay dumating din sa bansa ang mga mananakop na
Amerikano at Hapon.
Ang Kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa isang lipunan
na nagpapakita ng kaugalian, tradisyun, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at
pamahalaan.
At dahil sa malaki nating pagpapahalaga sa kulturang Pilipino, ang buwan ng Nobyembre
bilang Filipino Values Month, alinsunod sa Proclamation No. 479 na ipinalabas noong Oktubre
7, 1994. Ito ay ginawa upang lumikha ng kamulatang moral at pambansang pagpapahalaga sa
mga kaugalian sa bansa na natatangi, tunay, at positibong maka-Pilipino.
Lipunang Pilipino
Ito ay maaring hatiin sa iba’t-ibang perspektibo. Nahahati ito sa isang bilang bansa, o sa
iba’t-ibang mga pangkat sa kadahilanan na magkakahiwalay ang mga lugar dito o ang
pagkakapulo-pulo na ayos ng bansa. Ang Pilipinas ay maari ring hatiin sa pagitan ngmga
Kristyano at Muslim, at iba pang mga relihiyon. Nahahati rin ito sa iba’t-ibang pangkat tulad ng
mga pangkat na nasa mga lungsod at nasa mga nayon, mga tagabundok at mga tagapatag, at
maging ang mga mayaman at mahirap.
10
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
2. Pagmamano
Ang pagmamano ay isang kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa mga
nakakatanda. Tinutukoy ito sa pamamagitan ng pagkuha sa kamay ng nakakatanda at
11
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
paglipat nito sa noo kasabay ang pagsabi ng ‘mano po’. Kadalasan ginagawa ito bilang
pagbati o bago umalis.
3. Harana
Ang harana ay isang awit o tugtugan na isinasagawa sa gabi mula sa labas ng tahanan ng
taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking
manliligaw sa ibaba ng bintana ng bahay ng kanyang nililigawan. Iniaalay niya ng
tugtugin at awit para sa kanyang sinisinta upang mapagwagian niya ng puso ng sinusuyo
at iniibig.
4. Pamamanhikan
Isang tradisyun na isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal.
Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay na babae mula sa magulang nito habang
kaharap ang sarili niyang mga magulang.
Sa ilang lugar ay isinasama pa ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang
maimplwensyang kamag-anak o kaibigan upang lumahok sa pamamanhikan. Kadalasang
may malaking salu-salo sa hapag ang magaganap sa pamamanhikan.
6. Pananampalataya
Isang magandang kaugalian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa
kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala tayong may isang
Diyos na pumapatnubay sa lahat ng ating gawain.
7. Pakikisama
Ito ay kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo
sa iba.
8. Hiya
Ang kaugaliang ito ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala
na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan. Kung
sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang
para sa kanilang mag-anak.
12
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo sa paghahanda kahit hindi na sapat ang
kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakakaramdam ng hiya
at nawawalan ng lakas ng loob.
9. Utang ng Loob
Ito ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang
dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan.
10. Amor Propio
Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.
11. Delicadeza
Isang ugali na kailangan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.
Kailangang ang pagkilos ay tanggap ng lipunan upang hindi marumihan ang dignidad ng
mga mag-anak.
12. Palabra de Honor
‘May isang salita’, isang kaugaliang kailangang tuparin ang mga sinabi nitong mga salita
o pangako.
Mga Gawain:
Sa mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino, hindi pa rin maiiwasan ang ugaling
hindi magaganda. Ipaliwanag ang bawat isa.
13
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
(Note: Anyone caught of copying and being copied, especially on the essay questions, will ultimately received
ZERO POINT for the entire activity)
Maliban sa mga nabanggit sa taas, ang mga Pilipino lalo na ang mga Romano Katoliko ay
taon-taong ipinagdiriwang ang mga tradisyong nasa ibaba.
a) Piyesta
b) Flores de Mayo
c) Simbang gabi
d) Mahal na araw at sinakulo
Sa mga Muslim sa Mindanao lalo na ng mga grupong Bangsamoro, ito ang mga
kaugalian at tradisyon nila.
a) Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan
Ang mga ninuno ng mga Bangsamoro ay may sarili silang pagdiriwang sa mga
anak na bagong panganak ay tatawag sila ng Azan o bang sa tabi ng kanilang
anak. Ilang araw o lingo ay magtatakda sila ng kaduli na tinatawag na gunting,
dito bibigyan ng pormal na pangalan ang bata.
b) Pagpapaputok sa araw ng ID
Pagsapit ng Id (Hariya Pawasa at haj) ay nagpapaputok ang mga Bangsamoro,
bilang pagsasaya, katulad ng pagdiriwang ng mga Intsik.
d) Paglilibing ng yumao
Sa tradisyon ng Islam ay dapat mailibing ang bangkay ng isang nasawing Muslim
sa loob ng 24 oras. Tanging bangkay lamang na balot sa puting tela at walang
kabaong ang dapat na mailibing. Ang paghahanda ng dasal para sa bangkay ng
isang Muslim bago ito ilibing. Balot sa puting tela ang bangkay at tinatalian ito
upang masigurong hindi ito matatanggal.
e) Pananalangin
Limang panalanginang kanilang isagawa sa isang araw.
14
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
c) Ilocano
Ito ang pangunahing wika ng mga taga Hilagang Luzon at ginagamit din ng mga
taga nasa rehiyon 1 at 2.
d) Pangngasinan
Ginagamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at
Gitnang Luzon.
e) Kapampangan
Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon.
f) Bikolano
Wikang sinasalita ngmga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
15
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
g) Cebuano
Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang
Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.
h) Hiligaynon
Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang
Negros.
i) Waray-waray
Wikang ginagamit sa mga lalawigang sa pulo ng Samar at Leyte sa Silangang
Visayas.
Mga Gawain:
Gawin ang ang mga sumusunod.
1. Anong mga probinsya ang CALABARZON at MIMOROPA?
4. Maliban sa walong wikang nabanggit sa taas, ano pa ang alam nyo? Ipaliwanag kong
paano nyo ito natutunan.
5. Magbigay din ng limang (5) pang tradisyon na malimit nyo nakikita o ginagawa.
16
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
(Note: Anyone caught of copying and being copied, especially on the essay questions, will ultimately received
ZERO POINT for the entire activity)
17
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
ng sabihin ang ‘Pwera Usog’ at pinapahiran ng laway ang tiyan ng bata para
makaiwas sa pagkakasakit.
Ang iba naman ay nilalagyan ng pulang lipstick ang noo ng sanggol upang hindi
mausog
2. Para sa pag-aasawa
Huwag ligpitin ang pinagkainan hanggat hindi pa tapos ang lahat dahil ang
maiiwang tao ay hindi makapag-aasawa
Huwag kumain ng palipat-lipat ang pwesto dahil darami ang asawa
Ang abay na babaeng makakasalo ng bulaklak ang syang susunod na ikakasal
Hindi maaring magkita ang ikakasal isang araw bago ang takdang araw ng
pagpapakasal upang mas madama ang pagmamahal at kasiyahan sa pagharap sa
altar
Hindi pwedeng magbiyahe ang bagong kasal dahil malapit sila sa disgrasya
Ang paghahagis ng bigas sa bagong kasal ay nagdadala ng masaganang buhay sa
mag-asawa
Ang pagreregalo ng arinola sa ikinasal ay magbibigay ng swerte
Magdadala ng kalungkutan sa buhay ng mag-asawa kapag nahulog ang singsing
Hindi maaring ikasal ang magkapatid o kamag-anak sa parehas na taon o kapag
may namatay na kapamilya kaya dapat iurong ang kasal. Ito ay kilalang ‘Sukob sa
Kasal o ‘Sukob sa Patay’
Ang pangkasal na kasuotan ay hindi dapat sinusukat ng babae dahil hindi
matutuloy ang kasal
Mga Gawain:
Sagutin ang mga sumusunod.
1. Tama lang bang sundin ang mga pamahiin na ito dahil lamang sa ito ang
pinanniniwalaan ng kamihan? Ipaliwanag
18
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
2. Marahil ang isasagot mo ay wala namang mawawala kung susunod, pero totoo bang
walang mawawala kagaya ng paniniwala mo sa Dios?
3. Sa palagay mo bakit kaya nakaimbento ng ganitong mga paniniwala ang ating mga
ninuno?
19
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Sa mga Italyano ay nakuha natin ang pagluto ng ispageti; sa Hapon ay ang pagluto ng
mga pagkaing galing sa dagat.
At dahil dito, ito ay nagbunga ng tinatawag sa ngayung kinaugaliang pagkaing Pilipino.
Si Gaita Flores ay isa sa pinakasikat na chef sa Pilipinas. Ang kare-kare ay isa sa
pinakasikat na pagkaing pinoy na nagmula sa Pampanga na kilala bilang ‘Culinary Center of the
Philippines’. Malimit itong inihahanda tuwing pista, kaarawan, pagtitipon ng pamilya, o kaya sa
isang simpleng tanghalian o hapunan ng isang pamilya.
Base sa pagkaing malimit na nakahain sa lamesa ng ng mga Pilipino, ito ang ang
sampung paboritong pagkain ng Pinoy.
1. Adobo (Chicken or pork braised in garlic, vinegar and soy sauce)
Ito ay itunuturing na pambansang ulam sa Pilipinas. Ito ay pinakuluang karne na baboy
o manok na niloto sa toyo, bawang, suka, buong paminta at dahon ng laurel.
4. Menudo
Palaging kasama ang menudo tuwing may handaan sa pamilya. Kakaiba ang paraan sa
pagluto nito dahil may kasama itong hiniwang atay ng baboy, baboy, sibuyas, kamatis,
patatas, karots, pula at berdeng sili at pasas.
5. Ginataan
Ito ay pagkaing may gata. Ihalo ang ikalawa at kakang gatas sa baboy, manok, isda,
lamang dagat at mga gulay para sa iba’t-ibang ulam. Ang kasarapan ng gata ay kaakibat
ng pagdagdag ng mga sili.
7. Nilaga
20
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Ang tunay na ibig sabihin ng nilaga ay pinakuluan. Pinakukuluan ang karne ng baboy,
manok, o baka hanggang sa ito’y lumambot. Kinakain ang nilaga na may kasamang patis
o kaya ensaladang talong namay suka, paminta, bawang, asin, at asukal.
9. Tinapang Bangus
Hinahati sa gitna ang isang buong bangus at tinatanggal ang mga kaliskis at ang mga
lamang loob nito.
Noong 3200 B.C.E. , ang mga Awstronesyo mula sa timog ng Tsina at Taiwan ay
naninirahan sa Pilipinas. Dinanla nila ang kaalaman sa pagtatanim ng palay at iba pang
panuntunan tungkol sa pagsasaka na siyang nakatulong sa pag-usbong pa ng maraming klase ng
pagkain sa Pilipinas.
Ang tuwirang kalakalan ng mga produktong katulad ng porselana, seramik, at sutla (silk)
at pagkahalo ng iba’t-ibang kultura ng mga Pilipino sa mga Tsino ay nagkaroon ng malaking
impluwensya sa pagkaing Pilipino. Ipinakilala nila sa lutong pinoy ang mga sumusunod katulad
ng toyo, tokwa, toge, at patis. Sila rin ang nagpakilala ng pagpiprito at paggawa ng mga iba’t-
ibang klase ng sabaw.
Kadalasan ng ipinakilalang pagkain ng mga Tsino sa kanilang mga kainan noong panahon
na yun ay kinakain ng mga trabahante at mga mangangalakal. Natutong tanggapin ng mga
Pilipino ang mga pagkaing arroz caldo (congee), sinangag (fried rice), at chopsuey.
Sa panahon naman ng mga Kastila noong 16 siglo na ang nakakaraan, dinala sa Pilipinas
mula sa Amerika ang mga produktong siling labuyo (chili peppers), kamatis, mais, patatas at ang
paraan ng paggigisa gamit ng sibuyas at bawas.
21
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Sa ngayun patuloy pa ring nagbabago ang istilo, paraan, at mga sangkap ng pagluluto sa
Pilipinas. Ang mga tradisyunal na pagkain, simple o mabusisi man, likas ng lutong pinoy o
dayuhang pagkain man, ay nakikita natin na popular na pagkain saan man dapit na mundo.
Anito ng Ifugao
Ang Mountain Province ay kabilang sa Cordillera Administrative Region (CAR) ng Luzon.
Sa lalawigang ito, pangunahing atraksyon sa mga turista ang Hagdang-hagdang Palayan
gamit lamang ang kanilang kamay. Noong 1995, ipinahayag ng UNESCO ang lugar na ito
bilang Pamanang Lugar sa Mundo (World Heritage Site) at natanyag din bilang 8 th
Wonders of the World.
Isang natatanging sining ng mga Ifugao ay ang paglikha ng iskultura, pinakapopular rito
ang "Bulul" bilang tradisyunal na iskultura ng lalawigan at sa Pilipinas lamang makikita. Ang
Bulul (Rice god) ay nililok na anyong tao-tao na may kaugnayan sa kanilang anito o dios-dyosan.
22
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Ayon sa mga Ifugao, ang Bulul ay inaasahan na magbabantay ng kanilang kamalig, taniman at
ari-arian habang sila ay tulog o wla sa tahanan. Ito rin nagbibigay ng masaganang ani at kanilang
proteksyon sa anumang uri ng sakit o karamdaman.
Ang Bulul ay may malaking bahaging ginagampanan sa agrikultura ng mga Ifugao. Ito ay
kasama sa aspetong ritwal mula sa pagtatanim ng palay hanggang sa pag-aani at pagtatago
nito.
Ang paglikha sa Bulul ay tumatagal ng lima hanggang 7 linggo at sinasaliwan ng ritwal at
sayaw. Bawat bahagi sa paglikha ay nangangailangan ng seremonya mula sa maingat na pagpili
ng kahoy na gagamitin hanggang sa pagdadala sa may-ari ng bahay. Pinangungunahan ng
"Mumbaki" (pari) ang ritwal na tinatawag na "Baki". Pinupunasan o pinaliliguan ito sa
pamamagitan ng dugo ng baboy. Dinadalasan at binibigyan ng alay tulad ng alak at "rice cakes".
Ang Bulul ay binibigyan ng kaukulang pag-iingat at paggalang. Paghihirap at sakit ang sinasabing
idudulot ng anito sa mga tataliwas dito.
Manlililok ng Paete
Ang Paete ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Laguna na matatagpuan sa hilagang
silangang bahagi nito malapit sa Laguna de Bay. Unang tinawag na Pueblo De San
Lorenzo ang lalawigan mula sa pangalan ng kanilang patron na si San Lorenzo na ibinigay
ng mga misyonaryong pari. Di nagtagal pinalitan ito ng salitang "Paete" na hango naman
sa salitang "Paet" (chisel) na isang pangunahing kagamitan sa pag-ukit o wood carving.
Ang bayan ay lalong naging tanyag hindi lamang sa bansa kundi pati sa buong mundo
dahil sa dami ng mga tao naging dalubhasa sa larangan ng paglililok ng kahoy (wood carving).
Itunuturing na "Carving Capital of the Philippines" ang Paete, Laguna noong Marso 15, 2005 sa
bisa ng President Proclamation No. 809 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Hindi lamang isang "tourist destination" ang Paete kundi isa ring "Pilgrimage place". Ang
bayan ay nakilala sa paglikha ng mga "poon" at iba’t-ibang imahe ng mga santo na masinop na
nililok at pinalamutian.
Isa pang kilalang sining na gawa sa Paete ay ang laruang "Taka" o paper mache sa hubog
ng tao at mga hayop (karaniwang manok, kabayo o kalabaw). Ginagawa ito sa pamamagitan ng
pagdidikit ng papel, paghuhulma at pagpapatuyo sa init ng araw. Ang hinulmang papel ay
pipintahan upang maging makulay na laruan.
Tanyag din ang Paete sa mga paglililok ng kahoy sa mga lamesa at upuan, cabinet,
pandispley at iba pang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay.
Disenyong Maranao
23
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Ang mga Maranao ay naging tanyag dahil sa kanilang kakaibang disenyo na tinatawag na
"Okkir". Ito ay tumutukoy sa geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na
ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang Muslim sa Mindanao.
Makikita ang Okkir sa mga sumusunod na sining.
Pangunahing sagisag ng kultura ng Maranao. Sinasabing ang ibong may isda sa bibig ay
naglalarawan na maunlad na buhay at kultura ng Maranao sa tabi ng Lawa ng Lanao. Ito ay
nagtataglay ng makulay na pakpak, mabalahibong buntot at mapalamuting ulo na
pinaniniwalaan ding nagdadala ng swerte.
Ang "malong" ay nagtataglay ng disenyong Okkir. Ang disenyong Okkir ay nakaukit din sa
mga hawakan ng kutsilyo at espada at iba pang mga bagay na yari pilak at tanso. Halos lahat ng
kasangkapan at gamit ng mga Maranao ay nagtataglay ng disenyong Okkir.
Madami pang mga katutubong sining ang nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na
sumasalamin sa kanilang makukulay at mayayamang kultura, tulad ng mga sumusunod;
Vinta ng Zamboanga
Pabalat ng "Pastillas" ng San Miguel, Bulacan
Kiping ng Lucban, Quezon
Muwebles ng Betis, Pampanga
Parol ng San Fernando, Pampanga
Paghahabi
Bago pa man dumating ang mga Kastila, may kakayahan nang humabi ang mga Pilipino. Sa
katunayan gumagamit sila ng hibla mula sa abaka, pinya, bulak at balay ng kahoy. Mula sa mga
hiblang ito ay nakagagawa sila ng tela, damit, basahan at mga sombrero. Mula din sa paghahabi
ay nakakagawa sila ng basket na ginagamit ng mga sinaunang Pilipino sa paglalakbay, pagtago
at pangangaso. Ang mga basket na ito ay ginagamit rin para sa pagsilid ng mga butyl, pagtago sa
mga pagkain, at panghuli ng isda.
24
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Palayukan
Ang mga nitibong Pilipino ay gumagawa na ng palayok o banga mula pa noong 3500 na
taon. Ginamit nila ito para sidlan ng kanilang yumaong pamilya o kamag-anak.
Mga Gawain:
(Note: Anyone caught of copying and being copied, especially on the essay questions, will ultimately received
ZERO POINT for the entire activity)
25
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Mayroong 120 hanggang 175 na wika at dayalekto sa Pilipinas. Ang Filipino at English
ang opisyal habang (as of 2017) labing siyam ang pangrelehiyong wika. Ang labing siyam na ito
ang mga sumusunod:
Aklano Maguindanao
Bikol Maranao
Cebuano Pangasinan
Chavacano Sambal
Hiligaynon Surigaonon
Ibanag Tagalog
Ilocano Tausug
Ivatan Waray
Kapampangan Yakan
Kinaray-a
Sinasabing napakaraming wikang sa Pilipinas. Subalit kung susuriin ang mga wikang ito
sa paraang siyentipiko, matutuklasan iisa lamang ang pinagmulan ng mga ito. Hindi kailangang
ng mahabang panahon para matutong magsalita ng Bikol o Bisaya ang Ilokano o ng
Kapangpangan ang sang Bagobo. Hindi rin nahirapang magtagalog ang mga Bisaya, Bikolano,
Kapangpangan, Pangasinan, Iloko, taga-Cagayan na naninirahan na sa Maynila. Ito ay dahil sa
iisa lamang ang pinagmulan ng mga wikang ito.
Siyempre pa, may ilang hindi inaasahan at mababaw na pagkakaiba ang mga wika
marahil sa dalawang dahilang ito. Una ay dulot ito ng katotohanan na ang populasyon ng
kapuluan ay lumalaki na nagdulot ng tiyak migrasyon.Kahit pa mula sa iisang yugto ng
migrasyon, mayroon iba’t-ibang pangkat na nabuo; bukod sa nagkanya-kanyang pangkat ang
mga barangay sa bawat sasakyang pandagat.Ikalawa, dulot ito ng pagkakahati-hati ng bansa sa
iba’t-ibang pulo na may mga balakid tulad ng bundok at dagat.
26
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
katutubong wika. May pagkakaiba ang mga wika sa Pilipinas sa modernong Malay at
maipapaliwanag ang pagkakaibang ito ng katotohanan nauna nang nabanggit na ang mga Malay
na lumikas sa bansa ay hindi ang mga Malay na umiiral bago pa kumalat ang mamamayan ng
Sumatra na nangyari walo hanggang siyam na siglo na ang nakalipas, kundi ang mga sinaunang
Malay, isa sa mga mas malayo at mas matandang miyembro ng pamilyang Oseaniko.
Gaya ng napansin ni Propesor Kean, ang pamilang na pito at walo ay pareho sa lahat ng
mga katutubong wika sa Pilipinas, sa wika sa Java, sa Maori, sa wikang Tahiti, at sa iba pang
wikang Polynesyo. Ito ang mga salitang pito (seven) at walo (eight). Ngunit hindi sa
kasalukuyang Malay, na ang pito ay tulon at ang walo ay delapan.
Sa gramatika, iisa ang batayang prinsipyo ng lahat ng wika sa Pilipinas. Wala sa mga ito
ang mayroong espesyal na pandiwa na maitutumbas sa to be sa Ingles. Magkakatulad din ang
etimolohiya pagdating sa pagbubuo, paglalapi, at mga gramatikal na katangian ng mga salita,
ang lahat ng mga wikang ito’y tendensiya sa paglalapi. Sa bokabularyo, gaya ng nabanggit na,
mayroong ilang hindi maiiwasang pagkakaiba, pangunahin sa sa pagbigkas at sa ilan, pagbabago
sa gamit o kahulugan ng mga salita. Ang pangunahing pagkakaiba sa pagbigkas sa Tagalog,
Bisaya, at Kapampangan ay makikita sa pagbigkas ng matandang Filipino na u, na ang orihinal
na tunog nito ay makikitan sa malalayong rehiyon na kapuluan. Kahawig ito ng u ng mga
Pranses o ng u ng mga Olandes sa dulo ng mga salita.
Ang tunog na ito ay may iba-ibang paraan ng pagbigkas ngayon sa mga Tagalog, Bisaya,
at Kapampangan, at higit pang napaigting ang pagkakaiba sa bigkas dahil sa implwensya ng
ponetikong Kanlurin.
Kung kaya, ang mga salitang Tagalog na amin, atin, atip, ay binibigkas sa Bisaya bilang
amon, aton at atop. Ang salitang Tagalog na lalim (depth) ay lalam sa Kapampangan; ang
Kapampangang maslam (acid) ay maaslum sa Bisaya.
Isa sa kaibahan ng Kapampangan sa iba pang wika sa Pilipinas, ay ang pagbigkas sa ay na
gaya ng Ingles na a sa paper at binabaybay na e sa Ingles. Kung kaya ang salitang Tagalog na
palay (rice) ay pale sa Kapampangan, at ang Bisaya na balay, ay bale sa Kapampangan. Hindi rin
binibigkas sa Kapampangan ang h. Ang salitang Tagalog na halaga ay alaga sa Kapampangan.
Isang kakaibang katangian ng Ilokano ang pananatili nitong wikang aglutinatibo. Kung
kaya, kung sa Bisaya ay sinasabing si ako (I), sa Ilokano, isang salita lamang ito- siak. Ang
parirala sa Bisaya na nasurat ako (I am writng) ay isang salita lamang sa Ilokano –agsuratik.
Sa kabuuan, ang mga titik sa mga wikang katutubo ay may tiyak na tunog. Ngunit
makikita sa palatunugan ng Filipino ang impluwensya ng Espanyol at Ingles.
Mga Gawain:
27
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Mga Gawain:
1. Idrowing sa ibaba ang magkapares na kasuotan ng mga unang tribu sa Pilipinas. (10
pts.). Ipaliwanag din kung anong uri ito ng kasuotan at saang lalawigan nagmula.
28
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Likas na relihiyoso ang mga mamamayan ng kapuluang ito, lalo pa’t naniniwala silang
may sobrenatural na nilalang na higit na makapangyarihan kaysa sa tao at hindi matatalos ng
anumang katwiran, at nagtatakda sa kapalaran at kahahantungan ng sangkatauhan at ng lahat
ng pangyayari sa buhay.
Ang mga Babaylan at Katalona na tumatayong tagapag-ugnay ng pamayanan sa mga
espiritu at diyos ay naging malakas na pwersa na humubog sa pagkatao at tunguhin ng
pamayanan. Patunay na matibay na ugnayan ng sinaunang tao sa kanilang lumikha ay ang
kanilang mga paniniwala at pagpapahalaga sa mga espiritu, duwende, nuno at engkanto. Ang
mga paniniwala at pagpapahalagang ito ang kanilang naging gabay sa kanilang pang-araw-araw
na buhay.
Naniniwala sila na ang lahat ng bagay ay may buhay katulad ng mga bundok, ilog, lawa,
punogkahoy at iba pa. Sila ay sumasamba sa espiritu ng namayapang kamag-anak. Naniniwala
rin sila sa mabubuti at masasamang anito. Ang paniniwalang ito sa mga anito, ayon kay Salazar
ay patunay ng malakas na impluwensya ng mga Austronesyano sa pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino.
29
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Bagama’t naniniwala ang mga sinaunang tao sa maraming espiritu, naniniwala rin sila sa
iisang itunuturing naman nilang pinakamakapangyarihang diyos, ang Bathalang Maykapal.
Naniniwala sila na ang Bathala ang magpaparusa sa mga masasama at magbibigay gantimpala
sa mabubuti.
Ang debosyon ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang mga namayapang kamag-anak ay
kahanga-hanga rin, ayon sa salaysay ng mga Kastilang Historyador. Makikita ito sa kanilang
paglilibing sa kanilang madalas na paghingi ng gabay sa mga kaanak nilang namayapa na.
Naniniwala sila na may kabilang buhay kung saan ay ipagpapatuloy ng namayapa ang kanyang
buhay. Dahil dito, ang mga gamit nang namayapa ay kasamang inililibing ng kanyang labi,
sapagkat kakailanganin daw ang mga ito sa kabilang buhay. Sa mga katutubong Bisaya,
naniniwala sila na ang mga masasama ay magtutungo sa solad (impierno) at ang mabubuti ay sa
ologan (langit).
Kaugnay ng kanilang relihiyon, ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala sa mga
pamahiin. Naniniwala sila sa anting-anting, agimat, at kahulugan ng mga panaginip.
Mga Gawain:
1. Isulat ang sampung utos mula sa Bibliya at ipaliwanag ang bawat isa.
2. Ipaliwanag kung bakit ito ibinigay ng Diyos sa mga taga-Isralita noong panahong iyon.
3. Ano kaibahan ng paganism sa relihiyon?
30
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
ARALIN 4
Mga Kaugaliang Sosyal ng mga Pilipino
Kaugaliang sosyal (social folk custom) ay isang poklorikong tawag na minungkahi ni
Richard Dorson (1972) kapalit sa mga salitang kaugalian at katawagan na tumutukoy sa
ginagawa at sinusunod ng mga mamamayan at pamilya sa isang lipunan.
Palaro (folk games)
Ang mga tradisyunal na larong Pilipino ay sadyang nakapang-aakit, kakaiba, at bunga ng
malikhaing imahinasyon. Sa magkakasabay na hiyawan ng bawat manlalaro ay hindi mo
mapipigilang mapasali sa kasiyahan.
Kilala rin ang larong Pilipino sa bansag na "larong Lahi" dahil sinasagisag nito ang
kulturang tunay na maipapagmalaki ng mga Pilipino.Unang inulunsad ang palarong ito noong
Pebrero 10, 1984 sa Laoag, Ilocos Norte sa pangunguna ng Ministry of Education, Culture, and
Sports (ngayo’y Department of Education), Office of the Provincial Governor at Office of the
Municipal Mayor. Di naglaon ay ibinilang na rin ito sa ilalim ng araling Physical Education ng
Bureau of physical Education and School Sports.
Patintero
Ang larong ito ay masasabing pinakakilalang laro ng mga Pilipino. Patuloy na kumakalat
ang popularidad nito sa iba’t-ibang lalawigan bagamat mas kilala ito sa Bulacan. Bilang
pasimula ng laro, maghahagis ng isang barya upang malaman kung aling grupo ang
maunang maglalaro at kung sinong grupo ang taya.
Luksong Lubid
Ang larong ito ay binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro ay simple lamang na kahit
pinagdugtong na goma ay maari nang gamitin.
Taguan
31
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Isang larong sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga. Ito ay
hango sa larong Ingles na Hide and Seek.
Trumpo
Sa salitang banyaga, tinatawag din itong "spinning top" sa Ingles; "spun tsa lin" sa Intsik;
at "koma asobi" sa Hapon.
Mahilig maglaro ng trumpo ang mga batang lalaki sa Lanao Del Sur. Nasa kanilang lugar
rin nagmula ang pinakamalaking trumpo sa Pilipinas, tinatawag itong "Batige".
Sipa
Tinatawag na Sepak Takraw sa Indonesia at Sepak Rega sa Malaysia. Nilalaro ito sa
pamamagitan ng paghahagis at pagsipa pataas gamit ang paa, siko o iba pang parte ng
katawan. Kapag sumayad na sa lupa ang tansan, ibig sabihin ay tapos na ang laro.
Bahay-bahayan
Katulad ito ng titser-titseran at doctor-doktoran. Sa larong ito ay may umaarteng tulad
ng ama at ina sa isang bahay.
Jack-en-poy
Sa Ingles, ang tawag dito ay Rock-Paper-Scissors. Ang larong ito naglalayong matalo ang
bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro.
Luksong Baka
Sa larong ito, ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya habang nakasuporta ang
kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang
ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng
taya, siya ang papalit dito.
Siyato
Sa mga batang nasa Visayas, ang tawag dito ay "pitiw". Dalawang manlalaro ang
maglalaban dito. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato
at mahabang patpat para gawing panghampas nito.
Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang unang
maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat hanggang sa
maipalo palayo mula sa home base.
Palo Sebo
32
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Hindi makukumpleto ang pistang Pilipino kung walang Palo Sebo. Ito ay nilalaro sa
pamamagitan ng pag-akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing
pampadulas.
Sa mga lalawigan sa Luzon tanyag ang larong ito sapagkat maraming puno ng niyog ang
matatagpuan dito.
Tumbang Preso
Ito ay larong ginagamitan ng tsinelas at lata na pinitpit. Ang taya ang nakabantay sa lata
habang ang hindi taya ay titirahin ang lata sa pamamagitanng tsinelas.
Piko
Ito ay isang popular na larong pambata. Kaniwan ito nilalaro ng batang babae. Nilalaro
ang piko sa labas at karaniwan sa mga kalsada. Kailangan ng manlalaro ng pamato, ito ay
maaring maging isang piraso ng bato o isang piraso ng basag na pinggan.
33
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Ang ating mga sayaw ay may pagkakahawig sa sayaw ng Asya bagamang lalong malaki
ang impluwensya ng India sa nakararaming bansa sa Asya.
Hiniram ng Pilipinas sa Pransya ang Rigodon; sa Inglatera ang Ba-Engles; sa Espanya ang
La Jota; at sa Amerika ang Virginia.
Ang sayaw ng isang bansa ay nagpapaiba sa ating bansa ayon sa ugali, tradisyon, klima,
pamumuhay, at ekonomiko.
Tinikling
Ang sayaw na ito ang pambansang sayaw sa Pilipinas. Ipinangalan itong sayaw na ito sa
ibong Tikling na katutubo sa Leyte.Iniilagan ng mga nagsasayaw ang haligi ng kawayan
kagaya ng pag-ilag ng mga tikling sa magsasaka ng palay kapag nahuhuli sila. Mabilis na
mabilis ang kilos ng mga paa ng mga nagsasayaw.
Pandanggo sa Ilaw
Ang sayaw na ito ay katutubo sa Lubang at Mindoro. May tatlong tinggoy ang
nagsasayaw na babae. Maninimbang siya ng isang tinggoy sa ibabaw ng ulo at dalawang
tinggoy sa mga kamay, pero hindi humahawak ang daliri na mananayaw, kailangan niya
ng magandang bikas at mahusay na panimbang.
Balse
Ang balse (waltz) ay isang uri ng sayaw na dinala ng mga Kastila at tanyag sa lugar ng
Marikina noong panahon ng mga Kastila.
La Jota
Ito ay isang sayaw pandiriwang na popular sa Pilipinas at nanggaling sa Panay, Ilocos
Norte. Ang mga matatanda, lalong lalo na ang mga kababaihan ay nahihilig sa
pagsasayaw nito. Sa mga espesyal na okasyon tulad ng Guling-guling (eve of ash
Wednesday), Tambora (Eve of Christmas) at mga kapistahan. Ang mga mananayaw ay
nagsusuot ng mga damit na kumakatawan sa mga magsasakang Ilokano.
Escala
Ang pang-asawang sayaw na ito ay nagmula sa Misamis Occidental. Ito ay ipinakilala ng
mga Boholanos na naglikha ng malaking kontribusyon sa lugar.
Walang tiyak na direksyon ang pagsasayaw, ito’y naayon lamang sa abilidad, kalooban at
mabuting pagpapasya ng sumasayaw.
Daling-daling
Ito ay isang sayaw ng panliligaw na galing sa Jolo, Sulu. Ito ay isang popular na sayaw sa
mga kabataan. Ang salitang "daling" ay nangangahulugang "aking mahal".
34
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Ang mga mananayaw ay kumakanta habang sumasayaw o ang mga manonood ang
siyang kumakanta sa halip na mananayaw.
Sa sayaw na ito, ang mga babae ay nakasuot ng Joloana na damit at may pamaypay na
hawak gayundin naman sa mga lalaki.
Balitaw
Isa itong pamimintagang sayaw na laganap sa maraming lugar sa Pilipinas lalo lalo na sa
Tagalog at Visayas. Ang balitaw ay galing sa salitang "balita" at "raw". Balita na
nangangahulugang "news" sa Ingles at raw o "it is said", kaya ito’y bulong- bulongan ng
mga tao.
B’lit Bilaan
Ito ay isang sayaw ng mga Manobo. Ito ay nagpapahiwatig sa kanilang mga nalalaman sa
kanilang pang-araw-araw na ginagawa.
Ang kanilang kasuotan ay ang Manobo dress tulad ng mga skirt, patadyong, pants at iba
pa.
Dugso
Sa Bukidnon, ang dugso ay nangangahulugang "sayaw". Ito ay isang seremonya na
sayaw na kadalasan ay tinatanghal tuwing may malaking pista, kaliga o kaya’y
pasasalamat sa pabor na ibinigay ng maykapal. Ito ay sinasayaw na may apoy sa gitna ng
nagsasayaw.
Carinosa
Ito ay isang magiliw na sayaw na magkaparehang babae at lalaki na animo’y nasa aktong
nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang Tinikling bilang pambansang sayaw ng
Pilipinas.
Ang mga awiting ito ay nagkukwento tungkol sa mga katutubo, lalo na ang mga
probinsya sa
kanilang simpleng pamumuhay, at kung paano nila ginagawa ang iba’t-ibang gawain. Tulad din
ng ibang katutubong awitin sa mga bansa sa Asya, ang mga liriko at paksa at may kaugnayan sa
kalikasan.
35
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Tatlong Kategorya
Ayon kay Mauricia Borromeo, ang mga katutubong awitin ng Pilipinas ay maaring
mahati sa tatlong kategorya:
1. Kanluraning uri
Ang mga awiting ito ay mula sa impluwensya at musika ng Kanluran. Matutukoy ang
mga ito dahil sa mga sumusunod na katangian.
Ang mga Kanluraning uri ay tinatawag na "strophic". Ibig sabihin, ang melodiya ay ginagamit
sa bawat saknong. Kadalasan ito ay sinasabayan ng gitara.
2. Katutubong Salmo
Ang kategoryang ito ay malimit gamitin, pero mahalagang bahagi pa rin ng kultura. Ang mga
awiting ito ay maaring mahirap kantahin para sa isang normal na boses.
3. Sekular
Ang mga awiting sa kategoryang ito ay pagkakatulad sa ilang tradisyunal na awitin na
makikita sa
Asya. Maraming halimbawa sa mga awiting ito, at ang kada rehiyon o dayalekto sa bansa ay
may kanya-kanyang tanyag na secular na katutubong awitin.
Bisaya : Dandasoy
Ilokano: Pamulinawen
Kapampangan: Atin Cu Pung Singsing
Waray: Lawiswis Kawayan
36
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
Sa dami ng awiting ganito, ang Bahay Kubo, Parung-Parong Bukid, at Magtanim ay di Biro ay
maituturing na pinakasikat.
37
gjla
MODYUL SA POKLORIKONG PILIPNO S.Y. 2017-2018
38
gjla