V.2AP3 Q2 W3 KwentoNgMakasaysayangPook

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 3
Ang mga Kuwento ng Kasaysayan at mga
Makasaysayang Pook sa aking Lungsod o
Bayan sa Kinabibilangang Rehiyon
Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo

Rea D. Estiller
Manunul at
Edsel B. Basilla
Tagasuri
Dr. Aurora S. Bartolaba
Edizer C. Laqueo
Mariel Eugene L. Luna
Katibayan ng Kal idad
Schools Division Office – Muntinlupa City
Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o
bayan mula sa iyong kinabibilangang rehiyon. Nalaman mo din ang mga
pagbabago sa iyong lungsod. Ang kasaysayan ay bahagi ng pinagmulan ng
iyong lungsod at ang mga mahahalagang pangyayari at pook sa iyong
kinabibilangang rehiyon ay patuloy na humuhubog at bumubuo sa kultura at
kasaysayan ng iyong lugar. Ilan sa mga pangyayaring ito ay makikita natin sa
makasaysayang lugar o bagay sa iyong lungsod o bayan.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang-


1. Naisasalaysay ang kwento ng mga makasaysayang pook o
pangyayaring nagpapakilala sa sariling lalawigan at mga karatig
nito sa rehiyon.

Subukan mong sagutin ang mga katanungang may kaugnayan sa


aralin ngayon. Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Bagumbayan ang dating pangalan nito. A. Balintawak,


Caloocan
2. Pinakamatandang simbahan sa Mandaluyong
B. Dambanang
Aguinaldo

3. Dito naganap ang sabay-sabay na pagpunit C. Liwasang Rizal


ng sedula ng mga katipunero

4. Dito ideneklara ang Kalayaan ng Pilipinas D. San Felipe Neri


Church

5. Naging kulungan ni Jose Rizal E. Barasoain Church

F. Fort Santiago

2
Basahin ang pangungusap. Lagyan ng kung ang pangungusap
ay nagpapakita ng pagbabago sa lungsod o bayan at lagyan ng
kung hindi.

1. Dumarami ang mga naninirahan sa aming lungsod.


2. Pinalitan ang pangalan ng lungsod na aking kinabibilangan.
3. Nananatili sa dating kalagayan ang lungsod o bayan na aking
kinabibilangan.
4. Nagpatayo ng mga gusali at inayos ang mga lumang kalsada at tulay sa
aming lungsod.
5. Nagkaroon ng pag-unlad sa kabuhayan sa aming lungsod.

Mga Kuwento ng Makasaysayang Pook o Pangyayari sa ilang mga Lugar sa


Kalakhang Maynila

Subukin nating alamin ang ilan sa mga makasaysayang pook o lugar sa iba’t
ibang lungsod at bayan ng NCR at sa iba pang karatig lalawigan .

Sino ang nakikita mo sa bantayog


na nasa larawan? Saang
lalawigan o lungsod makikita ang
bantayog na ito? Ano ang naging
kontribusyon niya sa kasaysayan
ng lalawigan na ito?
Alam mo ba ang Bantayog ni
Andres Bonifacio at ng Katipunan
ay ipinatayo upang gunitain ang
kabayanihan ng isang magiting
Pinagkunan: ht t ps ://images .app.goo.gl/YPqpCt Ns 1Zr3rCDr9 na anak ng Tondo. Hindi lamang
siya naging ama ng rebolusyon sa mga Espanyol, siya ay tinuturing din na
bayani ng mga Tagalog noong panahon ng mga Espanyol. At dahil na rin sa
naumpisahan niyang rebolusyon, nag-alsa na rin ang iba’t - ibang lalawigan
ng buong bansa. Kung kaya’t siya ay tinuring na rin na isang bayani ng buong
bansa.

3
Ang Liwasang Rizal o Rizal Park ay nasa
puso ng Lungsod ng Maynila. Dating
tinatawag na Bagumbayan (mula sa
“bagong bayan”) noong panahon ng
mga Espanyol.Tanyag din ito sa tawag
na Luneta ngayon. Naging
makasaysayan ito dahil sa mga
pangyayaring naganap sa pook na ito.
Dito binaril si Dr. Jose Rizal noong
Disyembre 30, 1896. Ipinangalan sa
kaniya ang liwasan bilang parangalan sa
kaniyang nagawang kabayanihan para
sa bansang Pilipinas. Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/TVk5am6Wcz9vf1ym9

I to ay 200 daang taong bahay ni Don


Laureano Gueavara. Kilala ito sa taw ag na
“Kap. Moy.” Sa bahay na ito nagsimula ang
unang industriya ng sapatos sa Marikina.
Kalaunan, ito ay naging pampublikong
paaraaln at sa kasalukuyan naman ay
tinanghal na City’s Cultural Center o Sentrong
Pangkultura ng Marikina
Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/uAPTDA6kcbeLdwDf6

Asilo de Huerfanos sa Malabon.


Naging silungan at nagsilbing tahanan ng
mga batang ulila
noong panahon ng epidemya ng
kolera at beri beri noong 1882. Dito
rin nalimbag ang pahayagang
“La I ndependencia” o La Libertad,” ang
diyaryo ng rebolusyon o pag-aalsa.
Pinagkunan:ht t ps ://images .app.goo.gl/hxs Ph5ea6ebQk2zu7

San Felipe Neri Church sa Lungsod ng


Mandaluyong. I to ang pinakamatandang
simbahan sa lungsod ng Mandaluyong. Dito
naganap ang sagupaan ng mga
rebolusyonaryong Pilipino at Kastila
Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/2b5wKL4uU6uMAJiZ8

4
Sigaw sa Pugad Lawin sa Balintawak. Dito
naganap ang sabay- sabay na pagpunit ng
sedula ng mga katipunero at pagsigaw ng
“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang
Katipunan!” noong 1896. I to ang hudyat o
simula ng himagsikan laban sa mga
mananakop na Espanyol.
Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/2XyMD9xX2doEd3rz6

Ang Dambanang Aguinaldo ay isang


makasaysayan lugar hindi lamang para sa
mga taga-Cav ite ngunit para sa buong
bansa, Dito sa balkonahe ng sariling bahay
sa Kaw it, Cav ite idineklara ni Heneral
Aguinaldo ang Kalayaan. ng Pilipinas
noong 12 Hunyo 1898. Kasabay din nito ang
unang pagw agayw ay ng w ataw at ng
Pilipinas at ang pagtugtog ng Lupang
Hinirang.
Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/ZMCC8smxg2kewiqy8

Alam mo ba ang kuw ento ng


malaking simbahan na nasa
laraw an? Tama ang hula ninyo na
ito ay Simbahan ng Barasoain sa
Bulacan. Bukod pa sa dinarayo ito
dahil sa antigo ang simbahan, dito
rin unang pinagtibay ang kauna-
unahang Saligang Batas ng ating
bansa. Ang saligang batas na isa
sa pinakauna sa buong Asya.
Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/gi2Yjq2FfXfUfArT9

Marami pang makasysayang pook sa inyong lalaw igan at rehiyon. Nakita


niyo na ba o napasyalan na ang mga ito?

5
*Fort Santiago *People Power Monument

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/Fgp7YWJtqMxr1Bew8 Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/sxdBCWs3x6mHByAw9

Ang dating kampo militar ng I pinatayo bilang alaala sa


pamahalaan ng mga Espanyol mapayapang rebolusyon noon
at naging kulungan ni Jose 1986.
Rizal.

*Bamboo Organ sa Las Piñas *Ang Tulay ng Zapote

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/WjmRpH85oYbZ8nnLA Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/ESxKea8THRnLLQV17

Tinaguriang NATIONAL TREASURE. Sa panahon ng rebolusyon laban


Nilikha noong taong 1816 at 1824 sa Kastila at Amerikano, nagkaroon
para sa Parish Church ng Las Piñas. ng paglalaban dito. I to rin ang
nagdurugtong sa Las Piñas at
Bacoor.

Sagutan ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano- anong lugar o pook sa iyong lungsod ang may naganap na
makasaysayang pangyayari?

6
2. Magbigay ng isang makasaysayang pook sa inyong lugar at ibigay ang
kahalagahan nito sa kasaysayan ng iyong lungsod.

2. Bakit mahalagang magkaroon ng mga bantayog o


palatandaan ang mga makasaysayang pook sa iyong lugar?

Gawain A
Kilalanin at isulat ang pangalan ng mga makasaysayang pook na nasa
laraw an.

1. ________________________ 2. _______________________

7
3.___________________

4. ____________________

5. __________________

Gawain B
Pumili ng tatlong makasaysayang lugar sa iyong lungsod na
kinabibilangan at punan ang talahanayan. Maaari ring maglagay ng
larawan nito.

8
Makasaysayang Pook/Lugar sa
Ano ang makasaysayang pangyayari
Lungsod o Bayan na aking
na naganap dito?
Kinabibilangan
Isa it ong maliit na burol sa loob ng
reserbasyong Bilibid kung saan
matatagpuan ang isang lumang
kanyon ng Pangalawang Digmaang
Halimbawa: Memorial Hill
Pandaigdig. Nakalibing din dito ang
tanyag na tagapangasiwa ng
Bilangguan na si Eriberto Misa.

Gawain C
Magsaliksik ng isang makasaysayang pangyayaring naganap sa iyong
lungsod o komunidad. Ipakita ito sa pamamagitan ng poster o iba pang
malikhaing paraan.

9
Punan ang maikling talata.

Ang makasaysayang pangyayari na naganap sa aming lungsod o


bayan ay ukol sa _______________________.

Akin itong ipinagmamalaki dahit ito’y makakatulong


upang___________________________.

Mag-isip ng isang makasaysayang pangyayari sa iyong lungsod o


bayan. Paano maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga
pangyayaring ito? Gumawa ng isang mungkahi upang maisulong ang
paggunita sa mahalagang pangyayaring ito. Isulat ang iyong mungkahi sa
iyong sagutang papel.

Tukuyin ang makasaysayang lugar na inilalarawan sa bawat bilang.


Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

People Pow er Monument Balintaw ak, Caloocan


Dambanang Aguinaldo Fort Santiago
Ang Tulay ng Zapote Memorial Hill

1. Sa Panahon ng rebolusyon laban sa Kastila at Amerikano, nagkaroon


ng paglalaban dito. Ito rin ang nagdurugtong sa Las Piñas at Bacoor.

2. Ito ang dating kampo military ng pamahalaan ng mga Espanyol at


naging kulungan ni Rizal.

3. Dito idineklara ni Heneral Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas


noong 12 Hunyo 1898.

10
4. Ito ay ipinatayo bilang alaala sa mapayapang rebolusyon noong 1986.

5. Dito naganap ang sabay- sabay na pagpunit ng sedula ng mga


kat ipunero.

11
Sanggunian:
Mary Ann DG. Goyal, Emilyn F. Gerilla, Critina DC. Cruz, Paul Nylden A. Carable, Eric John D.
Lao, Janice N. Gagante, Lenie A. Tiamzon, Annie D. Pesito, Clarissa DC. Catabay, Alona B.
Miano, Daisy M. Gonatise, Rosemarie S. Sto Domingo, Jenalyn I. Datuin, Analine R. De Guzman,
Margie P. Cas Ever Bryan A. De Asis; Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag -aaral National
Capital Region Unang Edisyon, 2019

Araling Panlipunan 3 Unit 2 Learners Manual pp. 49-53

Grade 3 TG Araling Panlipunan Q2-3

Grade 3 TG Araling Panlipunan Quarter 3 pp 1-5

Ayungao, Bernadette (2015, Sep 19) Mga Pagbabago sa Aking Lungsod o Bayan at mga
karatig na Lungsod at Bayan sa Rehiyon Retrieved from
http://www.authorstream.com/Presentation/ayungao-2596804-apq2-aralin-pagbabago-sa-
maynila/

Sy, Mark Anthony (2017, Sep 5,) Ang Mga Makasaysayang Pook at Pangyayari sa NCR -Quiz
Retrived from https://www.goconqr.com/en/quiz/10184967/ang-mga-makasaysayang-
pook-at-pangyayari-sa-ncr

5. Balint aw ak, Caloocan


Tayahin: 1. Ang Tulay ng Zapot e 2. Fort Sant iago 3. Dambana ni Aguinaldo 4. People Pow er Monument
5. Kapit an Moy
Gawain A: 1. Sigaw sa Pugad Law in 2. Liw asang Rizal 3. Bant ay og ni Bonifacio 4. Fort Sant iago
Subukin: 1. C 2. 3. A 4. B 5. F Balikan: 1. 2. 3. 4. 5.

Susi sa Pagwasto:

12

You might also like