Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 53

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan

GAWAING PAGKATUTO
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GAWAING PAGKATUTO
(Baitang 3)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.

Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, PhD, CESO V, DepEd R02
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD, CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : FLORDELIZA C. GECOBE PhD, CESO VI, SDO Quirino
Asst. Schools Division Superintendent: CHERYL R. RAMIRO, PhD, SDO Quirino
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG PhD, DepEd R02
Chief Education Supervisor, CID : JORGE G. SADDUL, SR.

Development Team
WRITERS: EVANGELYN V. DEL ROSARIO, MT- II Saguday Central Scool
WENIFRED D. NADAL, MT-II, Villa Santiago Elem School
LITO V. BLANCO T-3, Saguday Central School
Content Editor: MARICON M. SEVILLA,T-3,Maddela Comprehensive High School
Language Editor: SHERLY C. CAINGUITAN PhD, Education Program Supervisor - English, SDO Quirino
FE G. BUCCAHAN PhD, Education Program Supervisor -Filipino, SDO Quirino
Illustrator/ Layout SCARLET F. MAGNO, Teacher III,San Bernabe Elementary School

Focal Person RONALD BERGADO, PDO, LRMDS


FELIMENDO FELIPE, EPS LRMDS
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD, DepEd R02
RICHARD O. PONHAGBAN, Education Program Supervisor, EsP, CLMD, DepEd R02
RODANTE L. NADAL PhD, Education Program Supervisor–MAPEH, SDO Quirino
JULIUS AARON M. RUEDA, Education Program Supervisor, EsP, SDO Quirino

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 304-3855; (078) 396-9728
Email Address: region2@deped.gov.ph Website: region2.deped.gov.ph
Doc Code: FM-ORD-009 Rev: 00
As of: 07-02-2018 Page: 2
Talaan ng Nilalaman
Kasanayan (MELC Competency) Kasanayang
Pampagkatuto at Pahina
Koda

Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may


karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain
EsP3P-IIa-b-14
1.1 pagtulong at pag-aalaga
1.2 pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng pagkain o
anumang bagay na kailangan 1-14
Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa
pamamagitan ng:
2.1 pagbibigay ng simpleng tulong sa kanilang
pangangailangan.
EsP3P-IIc-e-15
2.2 pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok
sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang
pampaaralan.
2.3 pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok
sa mga palaro at iba pang paligsahan sa pamayanan 15-37
Naisasaalang – alang ang katayuan/kalagayan/pangkat
etnikong kinabibilangan ng kapwa bata sa pamamagitan
ng: EsP3P-IIf-g-16
3.1 pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba
pa. 38-44
Nakapagpapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga
gawaing pambata
EsP3P-IIh-i-17
Hal. Paglalaro, programa sa paaralan (paligsahan,
pagdiriwang at iba pa) 44-50

iii
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Ikalawang Markahan
1. Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may
karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain
1.1 pagtulong at pag-aalaga (EsP3P-IIa-b-14)

1
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Pangalan:____________________________ Baitang:_________
Seksiyon: _____________________________ Petsa

GAWAING PAGKATUTO
Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan!

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pagmamalasakit sa kapwa tao lalong-lalo na sa mga may
sakit o karamdaman ay isang magandang katangian nating mga
Pilipino. Sa pamamagitan nito, natututo tayong pahalagahan ang
ating sarili at ang ating kapwa tao. Nagpatitibay pa nito ang ating
pagsasamahan.
Naipakikita at naipadarama ang pagtulong at pangangalaga sa
kapwa tao lalo na sa mga may sakit sa simpleng paraan. May
kasabihan tayong “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili” na ang pagmamahal sa kapwa ay
nagsisimula sa pagmamahal mo sa iyong sarili.
Naipadarama natin ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan
ng tama o wastong pangangalaga at pagtulong sa kanila.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


1. Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman
sa pamamagitan ng mga simpleng gawain
1.1 pagtulong at pag-aalaga (EsP3P-IIa-b-14)

Gawain I
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Alin sa mga ito ang
nagawa mo nang pagtulong at pangangalaga sa mga may sakit?
Pusuan ang letra ng iyong sagot.

2
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2
Panuto: Gamitin ang iyong imahinasyon. Gamit ang graphic organizer
sumulat ng iba pang paraan kung paano ka nakatutulong at
nangangalaga sa isang may sakit na kakilala o kapamilya.

3
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Iba Pang Paraan ng
Pangangalaga at Pagtulong sa
Taong Maysakit.

Gawain 3
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Sumulat nang isang
pangungusap kung ano ang dapat mong gawin para matulungan at
maalagaan ang mga taong maysakit.
1. Nabalitaan mong may sakit ang iyong guro.

2. Ang nakababata mong kapatid ay may bulutong.

___________________________________________________
3. Nakita mong hindi makatayo ang kaibigan mo dahil masakit ang
kanyang paa.

4. Ang kamag-aral mong may sakit sa puso ay nangingitim na ang


mga labi at nahihirapan nang huminga.

4
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
5. Sa pag-uwi mo sa inyong bahay, nadatnan mo ang iyong
nakababatang kapatid na giniginaw at sobrang init niya.

___________________________________________________

Gawain 4
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at pumili ng isa. Pag-usapan
kasama ang magulang kung ano ang dapat mong gawin. Isadula ang
napili mong sitwasyon sa bahay.

1. Madalas sumakit ang ulo ng iyong katabi sa klase. Kung


minsan hindi na ito makapagsalita dahil sa sakit ng kanyang
ulo.
2. Isang linggo ng hindi makapasok sa paaralan ang iyong
kamag-aral. Nabalitaan mong may malubha itong sakit.
3. Sumakit ang ngipin ng kapatid mo at kayo lang dalawa ang
nasa bahay.
4. Dinalaw mo ang isang kamag-aral upang hikayatin na
maglaro, subalit nadatnan mo ito na may sakit.
5. Gustong maligo ng lolo mo subalit wala pa siyang tubig na
pampaligo hindi siya makaigib dahil masakit ang rayuma
niya.
Rubric sa pagtataya ng kakayahan ng bata sa pagsasadula
ng sitwasyon.
Pamantayan 3 2 1
Husay ng Ang bata ay Ang bata ay Ang bata ay
pagkaganap nagpakita ng nagkaroon ng nagkaroon ng
husay sa 1-2 3-5
pagganap. pagkakamali sa pagkakamali sa
pagganap. pagganap.
Akma/tamang Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita
saloobin sa maayos at may maayos ngunit ang tamang
sitwasyon tiwala ang may pag- saloobin sa
tamang aalinlangan ang sitwasyon.
saloobin sa tamang
sitwasyon. saloobin sa
sitwasyon.

5
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Lagda ng magulang
________________________________________________________
Petsa:__________________________________________________
Komento:________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________

Gawain 5
Panuto: Sumulat ng isang simpleng liham na humihingi ng paumanhin
sa kapamilya, kaibigan o kamag-aral sa iyong pagkukulang noong
maysakit ang mga ito. Gumawa ng pangako kung ano ang puwede
mong gawin kung sakaling may magkasakit muli.

__________________

__________________

________________________,

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
________________________________________

_______________
________________

Mga Sanggunian
Aklat
MELC for ESP Grade 3 p. 86
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Textbooks)

6
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Websites
https://www.slideshare.net/lhoralight/grade-3-esp-learners-module
pp.85-91
https://www.google.com/search?q=pagtulong+sa+may+kapansanan+c
lipart

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
Iba-iba ang sagot ng mga bata.
Gawain 2
1. Pagtulong o pag-aalalay sa maysakit.
2. Pagbibigay ng pagkain o gamut.
3. Pagpapasaya sa maysakit.
4. Pag-iigib ng pampaligo ng maysakit.
5. Pag-abot ng akilangan ng maysakit.
Gawain 3
1. Dadalawin ko ang guro kong maysakit.
2. Bibigyan siya ng kailangan niya.
3. Aalalayan ko sa pagtayo ang kaibigan ko.
4. Sasabihin ko kaaagad sa guro ko.
5. Ipapalam ko sa nanay upang madala kaagad sa ospital.
Gawain 4
1. Ipapakita ang kilos kung papaano tutulungan ang kaklaseng
masakit ang ulo.
2. Ipapakita ang kilos ng pagdalaw sa kaibigang maysakit.
3. Ipapakita ang kilos ng pag-aalaga sa nakababatang kapatid na
masakit ang ngipin.
4. Ipapakita ang kilos kung paano aaliwin ang kaibigang maysakit.
5. Ipapakita ang kilos ang pag-iigib ng tubig na pampaligo ng lolo.
Gawain 5
Liham
Inihanda ni:
Evangelyn V. del Rosario
May Akda

7
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Ikalawang Markahan
Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may
karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain
1.2 pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng pagkain o anumang bagay
na kailangan (EsP3P-IIa-b-14)

8
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Pangalan:____________________________ Baitang:_________
Seksiyon: _____________________________ Petsa : __________

GAWAING PAGKATUTO
Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin!

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pagmamahal o pagmamalasakit sa kapwa tao ay
nagpapahiwatig ng tapat o totoong serbisyo sa magulang, kapatid,
kapamilya, kaibigan, kamag-aral o guro sa lahat ng oras o panahon.
Simulan nating ipakita ang pag-aaruga at pagmamalasakit natin
sa bawat miyembro ng pamilya lalong-lalo na sa mga maysakit.
Karaniwan na ating ginagawa ay pinasasaya ang mga magulang,
kapatid o sinumang maysakit.
Maaari nating maipakita ang ating pagmamalasakit sa mga may
sakit sa pamamagitan ng pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng
masustansiyang pagkain at higit sa lahat isali sila sa ating panalangin
para sa agarang paggaling. Ang mga ito ay simpleng gawain na
nagpapakita ng suporta at pakikiramay sa kapwa. Sa pamamagitan
nito, nakatutulong tayo upang mapagaan ang nararamdaman ng ating
kapwa.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
1.2 pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng pagkain o anumang
bagay na kailangan (EsP3P-IIa-b-14)
Gawain 1
Panuto: Ano-ano sa mga sumusunod na larawan ang maaari mong
idala kapag dadalaw ka sa taong maysakit. Iguhit ito sa bilog sa ibaba.

9
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
10
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2
Panuto: Iguhit ang hugis puso sa kolum sa ibaba kung
gaano mo kadalas ginagawa ang mga sumusunod kapag dadalaw o
magpapasaya sa mga maysakit.

Mga Gawaing Nagpapakita ng Palagi Paminsan- Hindi


Pagmamalasakit sa mga maysakit minsan
1. Nakikipag-usap sa dinalaw
kong maysakit upang
kumustahin ang kalagayan niya.
2. Ibinibigay ko ang anumang
kailangan ng kapamilya ko o
kaibigang maysakit.
3. Sumasama ako sa nanay tuwing
may dinadalaw na maysakit sa
kanilang bahay.
4. Nagdadala ako ng sariwang
prutas para ibigay sa taong
maysakit.
5. May oras ako upang
ipanalangin sa Diyos ang
agarang paggaling ng mga
taong maysakit.

Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek
(/) kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa may sakit at ekis
(x) kung hindi.
______1. Kantahan ang ama na may sakit.
______2. Pagbibigay ng get well soon card sa kaibigang maysakit.
______3. Pagkukuwento ng malungkot na pangyayari sa paaralan sa
kaibigang may sakit.

11
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
______4. Bigyan ng sariwang prutas ang dadalawing gurong
maysakit.
_____5. Maglaan ng oras upang ipagdasal ang kaibigan o
kapamilyang may sakit.
Gawain 4
Panuto: Pumili sa mga sitwasyon sa ibaba ang nais mong isadula.
1. Pasayahin ang maysakit sa pamamagitan ng isang awitin.
2. Pasayahin ang may sakit sa pamamagitan ng pakikipag-usap at
pagkukuwento.
3. Pagbibigay ng masustansiyang pagkain o anumang bagay sa
kaibigan o kapitbahay na maysakit.
4.Pakikiisa sa pagpray-over o pagpapanalangin sa mga taong
maysakit.
Rubric sa pagtataya ng kakayahan ng mag-aaral.

Mga 3 2 1
Pamantayan
Husay ng Ang bata ay Ang bata ay Ang bata ay
pagkakagawa nagpakita ng may 1-2 may 3-5
kahusayan sa pagkakamali sa pagkakamali sa
pagganap. pagganap. pagganap.
Tamang Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita
saloobin sa maayos at may maayos ngunit ang tamang
sitwasyon tiwala ang may pag- saloobin sa
tamang aalinlangan ang sitwasyon.
saloobin sa tamang
sitwasyon. saloobin sa
sitwasyon.

Lagda ng
Magulang:_____________________________________________
Petsa:__________________________________________________
Repleksiyon:____________________________________________

12
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 5
Panuto: Sumulat ng isang maikling panalangin para sa mabilis o
agarang paggaling ng isang taong maysakit. Maaaring ang maysakit
ay isang magulang, kapatid, kaibigan, kamag-aral, kapamilya o ang
iyong guro.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Mga Sanggunian

Aklat
MELC for ESP Grade 3 p. 86
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Textbooks)p.81-87

Mga Websites
https://www.slideshare.net/lhoralight/grade-3-esp-learners-module
pp.85-91
https://www.google.com/search?q=pagtulong+sa+may+kapansanan+c
lipart

13
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. Bulaklak
2. Prutas
3. Laruan
4. Get Well Soon Card
Gawain 2
Iba- iba ang sagot ng mga bata.
Gawain 3
1. /
2. /
3. X
4. /
5. /
Gawain 4
1. Pag-awit sa taong maysakit
2. Pakikipag-usap/pagkukuwento sa maysakit
3. Pagbibigay ng masustansiyang pagkain/prutas sa maysakit
4. Pagdarasal para sa agarang paggaling ng maysakit

Gawain 5
Panalangin/dasal para sa agarang paggaling ng maysakit

Inihanda ni:

Evangelyn V. Del Rosario


May Akda

14
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Ikalawang Markahan

2.1 Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa


pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng tulong sa kanilang
pangangailangan. (EsP3P-IIc-e-15)

15
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Pangalan:____________________________ Baitang:_________
Seksiyon: _____________________________ Petsa : __________

GAWAING PAGKATUTO
Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang!

Panimula (Susing Konsepto)


“Mahalin, igalang, at tulungan natin ang ating kapwa sapagkat
tayo ay higit na pinagpala.”
Ang pag-unawa sa damdamin at sitwasyon ng iba ay isang
paraan ng pagpapakita ng kabutihan. Ang kabutihan ng isang aksyon
ay nagsisimula sa kabutihan ng hangarin. Ang pagmamalasakit sa
isang taong may kapansanan ay isang paraan nang pagpapakita ng
kabutihan ng hangarin. Ang Batas Republika 7277 ay higit na kilala
sa taguriang Magna Carta sa mga Taong may Kapansanan (Magna
Carta for Persons with Disability), ay legal na basehan upang isulong
ang mga karapatan ng mga mamamayang may kapansanan. Kasama
ang mga susog na ginawa ng Batas Republika 9442 at mga takda ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg 437. Tinitiyak ng batas na ito ang
pagpapatupad ng mga hakbang kaugnay ng rehabilitasyon at pagtiyak
sa pansariling pag-unlad upang manatili silang produktibong mga
kasapi ng lipunan. Tinitiyak ng Batas Republika 7277 ang mga
karapatan ng mga taong may kapansanan kaugnay ng
pagkakaempleyo, pagkakaroon ng edukasyon, serbisyong medical,
karagdagang pantulong na paglilingkod, at iba pa.
Sa pagkakataong ito, maipakikita natin ang pagmamalasakit sa
mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng lubos na
pagmamahal, pag-unawa, at paggalang upang maramdaman nila na
sila ay mahalaga rin tulad natin. Ang paglalaan ng upuan, pag-aalalay
sa paglakad at pagtawid sa kalsada ay mumunting paraan ng
pagpaparamdam sa kanila na sila ay mahalaga bilang tao at kabahagi
ng lipunan.

16
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
2.1 Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng tulong sa kanilang
pangangailangan. (EsP3P-IIc-e-15)

Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain.


Sagutin ito nang may katapatan.

Gawain 1
Panuto: Kulayan ang mga larawan na nagpapakita nang may
pagmamalasakit sa kapwa.

a. b. c.
..

d. e. f.

17
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
g. h. i.
.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang kuwento.
Ang Batang May Malasakit
Lunes ng umaga, maagang pumasok si Rodel sa
paaralan. Masaya siyang naglalakad papunta sa terminal
ng sasakyan. Pagdating niya doon ay nakita niya si Juan,
ang batang may kapansanan.

“Magandangumaga
sa iyo Rodel” ang bati ni
Juan. “Magandang umaga
rin naman” ang tugon ni
Rodel.

Nang dumating na ang dyip na kanilang sasakyan


patungong paaralan ay inalalayan ni Rodel si Juan sa
pagsakay hanggang sa pag-upo sa loob ng sasakyan.
“Maraming salamat sa iyo Rodel”, sabay sabi ni Juan.
“Walang anuman”, tugon naman ni Rodel.

18
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Nang dumating na sila sa tapat ng kanilang paaralan,
inalalayan pa rin niya si Juan sa pagbaba ng dyip, sa
pagpasok sa loob ng paaralan at maging sa pagpasok sa
silid-aralan. Lubos na nagpasalamat si Juan kay Rodel
dahil sa ipinakitang malasakit at kabaitan sa kanya.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Paano nagpakita ng malasakit si Rodel sa kaniyang


kapwa?

2. Tama ba ang kaniyang ginawang pagmamalasakit?


Bakit?

_____________________________________________

3. Kaya mo rin bang magmalasakit gaya ng ginawa ni


Rodel sa isang taong may kapansanan? Paano mo ito
gagawin?

_____________________________________________

19
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3
Panuto: Sa loob ng puso, isulat ang iyong magagawa bilang isang
mag-aaral upang maipadama ang iyong pagmamalasakit sa mga may
kapansanan.

Gawain 4

Panuto: Iguhit ang angkop na emoticon sa loob ng puso bilang sagot


sa mga tanong batay sa iyong damdamin.

1. Ano ang iyong nararamdaman


tuwing nagpapakita ka ng
pagmamalasakit sa mga may
kapansanan?
2. Ano ang iyong nararamdaman
kapag may nakikita kang batang
may kapansanan na
pinagtatawanan?
3. Kung ikaw naman ang
makatatanggap ng
pagmamalasakit mula sa iyong
kapwa, ano ang mararamdaman
mo?

20
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
4. Maraming nagpamahagi ng
tulong sa mga tao lalo na sa mga
may kapansanan noong tayo ay
nasa ECQ. Ano ang
naramdaman mo?
5. Ano ang iyong pakiramdam
noong ibinigay ng nanay mo ang
iyong maliliit na damit sa mga
batang may kapansanan.

Gawain 5
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagmamalasakit sa mga may kapansanan at ekis (x) naman kung
hindi.
_______ 1. Akayin sa paglakad ang kamag-aral na bulag.
_______ 2. Pagtawanan ang kaklaseng may bingot.
_______ 3. Makipagkaibigan sa taong may kapansanan.
_______ 4. Bigyan ng upuan ang batang pilay.
_______ 5. Tuksuhin ang kalaro o mga batang duling.

Pangwakas na Gawain (Repleksyon)


Gumawa ng isang pangako sa sarili na iyong gagawin
kung ikaw ay nakakakita ng mga may kapansanan.
Simula sa araw na ito, ako ay nangangako na
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Mga Sanggunian
Aklat
MELC for ESP Grade 3 p. 86
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (TG)p.29-31
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Textbooks)p.81-87

21
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Websites
https://www.slideshare.net/lhoralight/grade-3-esp-learners-module
pp.85-91
https://www.google.com/search?q=pagtulong+sa+may+kapansanan+c
lipart

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1. A, C, D, E, F, G
Gawain 2. 1. Ipinakita ni Rodel ang kanyang pagmamalasakit sa
kapwa sa pamamagitan ng pagbahagi ng simpleng kakayahan ng
pagtulong gaya ng pag – alalay kay Juan sa pag-sakay hanggang sa
pag upo at pagbaba sa sinakyang dyip, sa pagpasok sa loob ng
paaralan at maging sa pagpasok sa silid-aralan.
2. Opo, upang maipadama natin ang pagmamahal natin sa
kanila.
3. Opo, magagawa ko rin po sa pamamagitan ng
pagpapaalaala sa kanila na magdahan-dahan sa pagtawid at aalalay rin
po ako sa kanilang paglakad at pagtawid sa kalsada.
Gawain 3. (Depende po sa sagot ng mga bata)

Gawain 4. 1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 5 1. / 2.X 3. / 4. / 5. X

Inihanda ni:
Winefred D. Nadal
May akda

22
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Ikalawang Markahan

2.2 Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa


pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa
mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang pampaaralan.
(EsP3P-IIc-e-15)

23
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Pangalan:____________________________ Baitang:_________
Seksiyon: _____________________________ Petsa : __________

GAWAING PAGKATUTO
Kakayahan Mo, PahahalagahanKo!

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pagpapahalaga sa kakayahan ng mga may kapansanan ay
nagpapakita ng pagmamahal na sila ay mahalagng bahagi ng lipunan
tulad natin.
May kasabihan tayong mga Pilipino na “ang kahirapan at
kapansanan ay hindi sagabal o hadlang upang magtagumpay.” Ang
kasabihang ito ay nagpapahiwatig sa atin na ang tibay at tatag ng loob
ay lubhang kailangan upang makamit ang tagumpay anuman ang
kalagayan at katayuan natin sa buhay. Kagaya ni Apolinario Mabini,
hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan upang siya ay
hirangin bilang bayani. Nawa’y siya ay magsilbing inspirasyon sa
pagkamit ng tagumpay.
Ang pagmamalasakit na may paggalang sa mga may kapansanan
ay maipakikita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon at
suporta sa sandaling maipamamalas nila ang kanilang natatanging
kakayahan sa larangan ng laro at iba pang programang pampaaralan.
Dapat tayong magpakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa mga
taong may kapansanan sa lahat ng pagkakataon. Itoy ay tanda ng
pagbibigay ng kahalagahan sa kanilang pagkatao at kakayanan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


2.2 Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at
lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang
pampaaralan. (EsP3P-IIc-e-15)

24
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain.
Sagutin ito nang may katapatan.

Hindi hadlang ang kapansanan para sa atletang Pinoy na


nakakuha ng 3 medalya sa 2017 ASEAN Para Games. Photo
by Jude Torres, ABS-CBN News
Karangalan sa bansa ang pasalubong ng isang Pilipinong may
kapansanan na nakakuha ng tatlong medalya mula sa ASEAN Para
Games na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nag-uwi ng dalawang pilak at isang tansong medalya si Arman
Dino mula sa mga karerang nilahukan.
Nakuha ni Dino ang mga pilak na medalya mula sa 400-meter
dash at sa 100-meter dash.
Sa 200-meter dash naman, nakamit ni Dino ang tansong
medalya.
Pitong taong gulang si Dino nang maputol ang kaniyang
kaliwang kamay matapos tamaan ng paputok.
Nilalahukan ng mga atletang may kapansanan mula sa mga
bansa sa Southeast Asia ang ASEAN Para Games.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang munting pahayag batay sa larawan. Bilugan ang
letrang nagpapahiwatig ng pagmamalasakit sa kanyang ipinamalas na
karangalan sa bansa.
a. Pupurihin ko ang ipinamalas niyang karangalan ng bansa.
b. Gagawin ko siyang inspirasyon upang hasain ang aking talento.

25
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
c. Ibabahagi ko sa aking mga kamag-aral ang balita tungkol sa
kanyang kakayahan.
d. Ibabalita ko ang kanyang katanyagan upang magsilbing
huwaran ng mga bata.
e. Ipagmamalaki ko siya sa kapwa ko mag-aaral.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letra ng
nararapat mong gawin upang ipakita ang pagmamalasakit at
paggalang sa mga may kapansanan.
1. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng
inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay
nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang
bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin.
a. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang
upuan.
b. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan.
c. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang
nakatayo hanggang sa matapos ang palatuntunan.
2. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may
bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi.
Ano ang dapat mong gawin?
a. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
b. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang
maunawaan ng iba kong kaklase.
c. Hihingin ko sa aming guro na ipaunawa sa amin ang kaisipan
ng aming kamag-aral na may kapansanan.
3. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children
sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan
ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa
kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang
nakalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga
manonood, ano ang dapat mong gawin?
a. Tatawanan ko si Jano.
b. Tatawagin ko na siya para umupo na.
c. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang
nalimutang linya.

26
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3
Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.

Tanging Yaman, Ating Kakayahan

Natatanging kakayaha’y biyaya ng Maykapal


Ito’y pagyamanin, paunlarin at ikarangal
Anumang kakulangan paglaanan ng aral
Ito’y pagpapakita ng magandang asal.
Sa programa sa iskul bigyang puwang ang talino
Nang sa angking talento’y tunay kang maging bibo
Lubos na pagtitiwala sa sarili’y ialisto
Kakayahan ng sinuman ay hindi masisino.
Sa larangan ng pagguhit, pagpipinta’t pag-awit
Gayundin sa palakasan kahit kulang ay susungkit
Ng medalya na sa iyo’y kukumpleto’t magsusulit
Kapintasan, kakulangan hindi ka nga magagalit.
Kapansanan ng mga tao hindi dapat pagtawanan
Bagkus sila’y dapat tulungan at pahalagahan
Ang bawat isa’y kailangan ituring na kaibigan
Pagkat sila’y may halaga at bahagi ng lipunan.
-rbc-

1. Ano-ano ang mga kakayahang nabanggit sa tula?


___________________________________________________

2. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng


Poong Maykapal ?
___________________________________________________
3.Ano ang katangian ng isang bata ang ipinahihiwatig sa tula ?
___________________________________________________

27
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
4. Paano ipinakita ang pagmamalasakit sa kapwa na may kapansanan?
___________________________________________________
5. Sa iyong palagay, dapat bang pagmalasakitan ang mga batang may
kapansanan ? Bakit ?
___________________________________________________
Gawain 4
Panuto: Sa gabay ng iyong magulang. Bigkasin ng malinaw, isapuso
ang pagbigkas, at isaulo ang tula.
Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng puntos sa anak sa kaniyang
pagbigkas ng tula.
Pamantayan 3 2 1
Tamang Nagpakita ng Nagpakita ng Binigkas ang
saloobin sa kahusayan sa interes sa tula ngunit
pagpapakita ng pagbigkas ng pagbigkas hindi nagpakita
pagganap tula. ngunit may ng tamang
Malinaw at pag- saloobin sa
isinasapuso ang aalinlangan sa pagganap.
pagbigkas. pagganap ng
tamang
saloobin.

Gawain 5
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagmamalasakit sa mga taong may kapansanan at ekis (X) kung ito ay
hindi.
1. Niyaya ni Roy ang piping kamag-aral na sumali sa paligsahan
ng pagsasayaw.
2. Pinahinto ng ama sa pag-aaral ang anak dahil siya’y lumpo.
3. Ipinaampon ng mag-asawa ang kanilang anak na may
kapansanan.
4. Isinali ng mga manlalaro ang batang putol ang kamay dahil
gusto niyang sumali.
5. Nakikipaglaro rin ako sa mga batang may kapansanan.

28
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Pangwakas na Gawain (Repleksyon)
Dugtungan ang panalangin.
Panginoon, maraming salamat po sa pagbibigay mo sa
akin ng sapat na _________ at _____________ upang maipadama ko
sa aking kapwa, lalong-lalo na sa mga may kapansanan ang aking
pagpapahalaga sa kanila.
Bigyan mo po sila ng sapat na ________________ at
_______________ upang sa ganoon ay maramdaman po nila na sila
ay mahalaga sa lipunan. Amen.

Mga Sanggunian
Aklat
MELC for ESP Grade 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 ( TG )pp.32-34
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 ( Textbooks )pp.88-94

Mga Websites
https://www.slideshare.net/lhoralight/grade-3-esp-learners-module
pp.92-98
https://www.google.com/search?q=pagtulong+sa+may+kapansanan+c
lipart
https://news.abs-cbn.com/sports/10/02/17/kilalanin-pinoy-na-nag-
uwi-ng-3-medalya-mula-sa-asean-para-games

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1. a, b, c, d, e
Gawain 2. 1. B 2. C 3. C
Gawain 3. 1. Pagguhit, pagpinta, pag-awit, palakasan
2. Pagyamanin, Paunlarin, Ikarangal
3. Talentado, Mahusay
4. Hindi sila pinagtatawanan bagkus ay pinahahalagahan
5. Opo, dahil sila po ay mahalaga sa lipunan.

29
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 4. Rubric ang batayan sa pagbigay ng puntos
Gawain 5. 1. / 2. X 3. X 4. / 5. /

Inihanda ni:

Winefred D. Nadal
May Akda

30
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Ikalawang Markahan

2.3. Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa


pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa
mga palaro at iba pang paligsahan sa pamayanan (EsP3P-IIc-e-15)

31
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Pangalan:____________________________ Baitang:_________
Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________

GAWAING PAGKATUTO
Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang!

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pantay-pantay na pagtingin ay nagpapakita rin ng
paggalang sa kapwa. Ito ay nagpapaalaala sa atin na walang mayaman
o walang mahirap sa lipunang ating ginagalawan. Nararapat nating
pahalagahan ang taglay na mga kakayahan ng bawat isa; may
kapansanan man o wala. Wala tayong karapatan upang husgahan ang
ating kapwa sa panlabas na kaanyuan.
Ipinahihiwatig sa awiting “Bulag, Pipi, at Bingi” ni Freddie
Aguilar na ang kapansanan ay hindi hadlang upang maipakita ang
ating natatanging kakayanan o talento. Lagi nating itanim sa ating
isipan na walang sinumang perpekto sa ibabaw ng mundo. Bawat isa
ay may kani-kaniyang lakas at kakulangan.
Sa bisa pa rin ng Batas Republika 9442 na sumusog sa Batas
Republika 7277, ipinagbabawal na rin ngayon ang panunuya sa mga
taong may kapansanan, maging sa pamamaraang pasulat, pasalita, o
sa pamamagitan ng mga kilos. Pinagtibay rin ang mga susog na ito
upang pigilan ang pagbaba ng tingin sa mga taong may kapansanan.
Kaya’t ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan ay dapat
nating gawin sa lahat ng pagkakataon. Ito ay pagpapakita rin ng
paggalang upang maramdaman nilang bahagi rin sila ng lipunan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


2.3. Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at
lumahok sa mga palaro at iba pang paligsahan sa pamayanan (EsP3P-
IIc-e-15)

32
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang gawain.
Sagutin ito ng may katapatan.

Gawain 1
Panuto: Basahin at intindihin ang diyalogo.

Natatanging Kaibigan!
Sabado ng umaga. Sakay ng bisikleta si Bibo ng makasalubong
niya si Gina, ang batang may kapansanan subalit mahusay naman
siyang umawit.

Gina: Hello, Bibo! Balita ko eh may paligsahan sa pag-awit sa


darating na pista dito sa ating barangay? Sa palagay mo, maaari kaya
akong sumali?
Bibo: Aba, oo naman Gina! Kaya nga pupunta ako sa bahay ninyo
para ipaalam sa’yo at tanungin kung gusto mong sumali. Alam mo
bang malaki ang mga papremyong ipamimigay sa mga mananalo?
Gina: Talaga? Maraming salamat sa’yo Bibo! Kanino ba nagpapalista
ang gustong sumali sa paligsahang iyon?
Bibo: Ayon sa nabasa kong patalastas na nakapaskil, eh, kay kuya
Jerwin daw, ang Hermano Mayor ng pista sa taong ito.
Gina: Wala talaga akong masabi sa’yo Bibo! Saludo ako sa iyo dahil
alam na alam mo ang buong detalye ng paligsahan. Pwede bang
samahan mo ako ngayon para magpalista na kay kuya Jerwin?
Bibo: Sige, tayo na!

33
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang natatanging kakayahan ni Gina?

___________________________________________________
___________________________________________________
2. Bakit pupunta si Bibo sa bahay ni Gina?

___________________________________________________
___________________________________________________
3. Ano ang katangiang ipinakita ni Bibo sa dayalogo?

___________________________________________________
___________________________________________________
4. Kaya mo rin bang gawin ang pagmamalasakit na ginawa ni Bibo
kay Gina? Bakit?

___________________________________________________
___________________________________________________
5. Kung ikaw si Bibo/Gina, Ano ang iyong mararamdaman kapag
ikaw ang pinahahalagahan o nagbibigay importansya sa iba?
Patunayan.

___________________________________________________
___________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Masdan nang mabuti ang larawan. Paano mo sila
maipagmamalasakit? Itala sa kahon ang inyong mga kasagutan.

34
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3.
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong dapat
gawin? Isulat ang iyong sagot sa nakalaang hanay.

Mga Sitwasyon Ang dapat kong gawin ay ….


1. Kasama ka ng Nanay mong
pumunta sa palengke at doon
mo nalaman na bingi pala
ang batang namamalimos.

2. May paligsahan sa pag-awit


sa iyong barangay at nais
sumali ng iyong kababatang
pilay.

3. Sa iyong paglalakad, nakita


mo ang iyong kapitbahay na
bulag na malapit na sa may
kanal.

4. Marami kang laruan sa


inyong bahay na hindi mo
naman ginagamit. Nakita mo
na sira na ang laruan ng
kapitbahay mong pipi.

5. Nakita mo ang isang batang


putol ang kamay na hindi
kayang dalhin ang kaniyang
gamit.

35
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 4
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagmamalasakit na may paggalang sa may kapansanan at ekis (X)
kung ito ay hindi.
______ 1. Tinatawag ko ang aking kapwa na may kapansanan sa
kanilang tunay na pangalan.
______ 2. Tinatawanan ko ang may kapansanan sa kanilang
kalagayan.
______ 3. Ginagaya ko ang may kapansanan sa kanilang
paglalakad o pagsasalita.
______ 4. Nakikipaglaro ako sa kapwa ko maging sa may
kapansanan.
______ 5. Tinutulungan ko ang may kapansanan sa abot ng
aking makakaya.
Gawain 5
Panuto: Ipakita ang natutunan sa pagpapahalaga sa mga may
kapansanan sa inyong lugar. Umisip ng paraan kasama ang inyong
magulang kung paano sila bibigyan ng aliw at kasiyahan.

Ang Rubric sa Pagbibigay ng Puntos


Pamantayan 3 2 1
Husay ng Kasama ang Kasama ang Hindi
pagganap magulang sa magulang sa nagpakita ng
pagpapakita ng pagganap pagsang-ayon
tamang ngunit may pag- sa gawain
saloobin sa aalinlangan sa
pagganap. pagpapakita ng
tamang
saloobin.

Pangwakas na Gawain (Repleksyon)


Sumulat ng sariling pangako hinggil sa pagpapakita ng
pagmamalasakit na may paggalang sa mga may kapansanan.

36
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Simula sa araw na ito, ako ay nangangako na
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Mga Sanggunian
Aklat
MELC for ESP Grade 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 ( Patnubay ng Guro )
Mga Websites
https://www.slideshare.net/lhoralight/grade-3-esp-learners-module
https://www.google.com/search?q=pagtulong+sa+may+kapansanan+c
lipart
https://news.abs-cbn.com/sports/10/02/17/kilalanin-pinoy-na-nag-
uwi-ng-3-medalya-mula-sa-asean-para-games
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1. - 1. Mahusay po siyang umawit.
2. Pumunta si Bibo sa kanila upang sabihin at ipaalam ang tungkol
sa paligsahan sa pag-awit sa darating na pista nila.
3. Si Bibo ay isang mapagmalasakit sa kapwa.
4. Opo. Upang maiparamdam ko po ang aking pagmamahal at
pagpapahalaga sa aking kapwa.
5. Masaya po at pinagpapala po.
Gawain 2. - 1. Ipagmamalaki ko po sila.
2. Ibabalita ko po ang kanilang kakayahan.
3. Gawin po silang inspirasyon.
4. Bibigyan po sila ng papuri.
5. Ibabahagi ang balita tungkol sa kanilang karangalan.
Gawain 3. (Sariling opinion ng mga bata )
Gawain 4. 1. / 2. X 3. X 4. / 5. /
Gawain 5. Rubric ang batayan sa pagbigay ng puntos
Inihanda ni:
Winefred D. Nadal
May Akda

37
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan

3.1Naisasaalang-alang ang katayuan/kalagayan/pangkat


etnikong kinabibilangan ng kapwa bata sa pamamagitan ng:
1.1 pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa.
(EsP3P – IIf-g-16)

38
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Pangalan:____________________________ Baitang:_________
Seksiyon: _____________________________ Petsa : __________

GAWAING PAGKATUTO
Kapwa Ko Nauunawaan Ko!

Panimula (Susing Konsepto)

Hindi lahat ng bata ay pare-pareho ang kalagayan sa buhay.


Magkakaiba ang katayuan natin sa buhay. May mayaman, mayroon
ding mahirap. Mayroong nangangailangan ng tulong, mayroon ding
kayang tumulong

Hindi tama ang ugaling pintasera o panghuhusga sa mga tao


dahil lang sa kanilang kalagayan sa buhay. Sa araw-araw sa ating
buhay ay hindi natin maiwasan ang pakikisalamuha sa mga taong may
iba’t ibang katayuan, kalagayan o pangkat etnikong kinabibilangan
kaya nararapat lamang na igalang o irespeto natin ang ating kapwa.

Mahalagang maisaalang – alang natin ang katayuan o kalagayan


sa buhay ng ating kapwa bata. Makisalamuha tayo at maging bukas
palad para sa kanila. Ipadama natin ang kabutihan, pagmamahal at
pagmamalasakit. “Ang ginagawa natin sa ating kapwa ay para na rin
nating ginawa sa ating Diyos”. Maipakikita ang pagmamahal sa Diyos
sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisasaalang – alang ang katayuan/kalagayan/pangkat etnikong
kinabibilangan ng kapwa bata sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa. (EsP3P – IIf-g-16)

39
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 1
Panuto: Tingnan ang mga larawan ng mga bata. Ano ang
mararamdaman mo kung makakita ka ng mga batang ganito?
Kumpletuhin ang pangungusap batay sa larawan.

1. Kung lalapit sila sa amin upang humingi ng pera ang


gagawin ko ay_________________________

2. Kapag nakakita ako ng ganitong bata ang gagawin ko


ay___________________________

3. Kapag nakakita ako ng batang punit-punit ang damit ang


gagawin ko ay_________________________

Gawain 2

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kapag ang pangungusap


ay nagpapakita ng pagrespeto sa kalagayan sa buhay ng kapwa bata at

malungkot na mukha kung hindi.


__________1. Bibigyan ko ng pagkain ang batang nagugutom at
walang pagkain.

__________2. Pasasayahin ko ang batang namamalimos sa kalsada sa


pamamagitan ng pagbibigay ng kailangan niya.
__________3. Mag-isang manonood ng telebisyon upang painggitan
ang mga kapwa bata.

__________4. Ibabahagi ko sa ibang bata na walang laruan ang mga


iba kong laruan.

40
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
__________5. Sasali ako sa Outreach Program sa barangay namig.
Magbibigay ako ng mga damit at pagkain para sa mga batang nasa
malayong lugar.

Gawain 3
Panuto: Isulat ang dapat mong gawin upang maipakita ang pagrespeto
sa kalagayan sa buhay ng kapwa bata.
Mga Sitwasyon Mga Dapat Kong Gawin
1. May batas na nagbabawal sa
pamamalimos. Noong
nagpunta ka sa tindahan,
may nakita kang batang
namamalimos.
2. Nakita mo ang isang batang
sobrang mahina dahil sa
gutom.
3. May batang kumakatok sa
bintana ng inyong sasakyan.
Nagtitinda ito ng
sampaguita.
4. Nakita mo ang isang batang
nakatingin sa iyo habang
kumakain ka sa isang
restawran.
5. May nakita kang batang
naglalaro sa daan na punit-
punit ang damit.

Gawain 4
Panuto: Pumili ng isang sitwasyon at ipakitang kilos sa pamatnubay
ng magulang upang maipakita ang pagsasaalang–alang sa katayuan o
kalagayan sa buhay ng bata sa sitwasyon.
1. Sa mga batang naapektuhan dahil sa kalamidad.

41
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
2. Sa isang kamag-aral na payat at namimilipit sa sakit ng tiyan
dahil sa gutom.
3. Sa isang kamag-aral na may napakaliit na lapis na halos hindi na
niya mahawakan.
4. Sa isang kapwa bata na gustong maglaro ng basketball subalit
isa siyang ita.

Rubrik sa Pagtataya ng Kakayahan ng Mag-aaral para sa


Gawain 4
Pamantayan 3 2 1
Husay ng Ang bata ay Ang bata ay Ang bata ay
pagkaganap nagpakita ng nagpakita ng nagpakita ng
kahusayan sa husay sa husay sa
pagganap pagganap pagganap
subalit may 1-2 subalit may 3-5
pagkakamali na pagkakamali
Tamang Naipakita nang Nagpakita nang Hindi naipakita
saloobin sa maayos at may maayos ngunit ang tamang
sitwasyon tiwala ang may pag- saloobin sa
tamang saloobin aalinlangan ang sitwasyon
sa sitwasyon tamang saloobin
sa sitwasyon

Gawain 5
Panuto: Sino ang taong nakasalamuha mo na nangangailangan ng
iyong tulong, pagkalinga o malasakit? Isulat ang iyong sagot sa loob
ng mga lobo. Ano ang ginawa mong tulong?

42
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Sanggunian
Aklat
MELC for ESP Grade 3 p. 86
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Textbooks)
Mga Websites
https://www.slideshare.net/lhoralight/grade-3-esp-learners-module
pp.85-91
https://www.google.com/search?q=pagtulong+sa+may+kapansanan+c
lipart

SUSI NG PAGWAWASTO
Gawain 1
1. Hihingi ako sa nanay ng pera at bibigyan ko ang batang
humihingi.

43
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
2. Bibigyan ko ng pagkain ang batang nagugutom.
3. Ibibigay ko ang mga iba kong damit sa batang pulubi.
Gawain 2
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 3
1. Sasabihin ko sa bata na bawal mamalimos.
2. Bibigyan ko ng pagkain ang batang gutom.
3. Sasabihin ko sa nanay na bumili ng bulaklak ng sampaguita.
4. Hahatian ko ang bata ng aking pagkain.
5. Bibigyan ko ng damit ang batang pulubi.
Gawain 4
1. Isakilos ang pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.
2. Pagpapakain sa kamag-aral na gutom.
3. Pagbibigay ng lapis sa kamag-aral na pudpod na ang lapis.
4. Pakikipaglaro sa batang ita.
Gawain 5
1. Magulang
2. Lolo
3. Lola
4. Kamag-aral/guro
5. Kaibigan/kalaro
Inihanda ni:
LITO V. BLANCO
May Akda

44
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan

Nakapagpapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing


pambata
Hal. Paglalaro, programa sa paaralan (paligsahan, pagdiriwang at
iba pa) (EsP3P-IIh-i-17)

45
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Pangalan:____________________________ Baitang:_________
Seksiyon: _____________________________ Petsa : __________

GAWAING PAGKATUTO
Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Magkaisa!

Panimula (Susing Konsepto)


Mahalaga ang pakikiisa ng mga mag-aaral sa mga gawaing
pampaaralan. Marami sa mga gawain sa paaralan ang
nangangailangan ng pakikiisa ng mga batang mag-aaral upang
magtagumpay. Ang ilan sa mga ito ay ang patimpalak, paglalaro,
selebrasyon at iba pa.
Ang pakikiisa o pagsali natin sa mga gawaing pampaaralan ay
kinakailangang gawin natin ng may kasiyahan. Makiisa tayo ng
buong puso at maluwag sa kalooban o hindi napipilitan. Ang
pagpapakita ng totoong nararamdaman ay katapatan sa sarili at sa
ibang tao.
May mga pagkakataon na hindi mo nagustuhan ang
kinalabasan ng isang gawain na kung saan alam mo sa sarili mo na
ginawa mo ito nang buong husay subalit natalo ka sa sinalihan mong
paligsahan. Dapat lang na huwag tayong malungkot kung hindi
magsaya tayo dahil ginawa mo naman ang lahat ng makakaya mong
gawin. Isipin mo na lang na sa susunod gagalingan mo pa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagpapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing
pambata.
Hal. Paglalaro, programa sa paaralan (paligsahan, pagdiriwang at iba
pa) (EsP3P-IIh-i-17)

46
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang tseklist. Lagyan ng tsek (/) kung sumali ka at
ekis(x) kung hindi, at ang iyong naramdaman kung masaya o
malungkot iguhit ito.

Programa/Pagdiriwang Sumali Naramdaman


sa paaralan
1. Nutrition Month
Celebration
2. Buwan ng Wika
3. Scouting Month
4. Palaro
5. Quiz Bee

Gawain 2
Panuto: Magtala ng mga gawain sa paaralan na nakapagbibigay saya
sa iyo. Isulat ito sa loob ng puso.

47
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3
Panuto: Isulat o iguhit mo ang iyong nararamdaman kung kasali ka sa
mga sumusunod na gawaing pambata sa paaralan.
1. Paglalaro ng patintero
2. Sumasayaw ng Katutubong Sayaw
3. Nagtatanim ng mga puno
4. Naglaro ng basketball/badminton
5. Paligsahan sa pagtula/pag-awit

Gawain 4
Panuto: Pumili ng isang gawain o selebrasyon sa paaralan na
nasalihan mo na at ipakitang kilos kung ano ang iyong naramdaman
sa gabay ng magulang.
1. Buwan ng Wika (Tula)
2. Quiz Bee (rap)
3. Scouting Month (Chant)
4. Paligsahan sa Pag-awit (Awit)
5. Palaro

Puna ng
Magulang:_____________________________________________
Petsa: _______________________
Lagda: ______________________

Gamitin ang mga sumusunod na alituntunin sa ibaba upang maipakita


ng maayos ang mga ipapalabas.

48
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Pamantayan

Kasiyahan sa Ang bata ay Ang bata ay Ang bata ay


ipinakitang nagpakita ng may hindi hindi
gawain kasiyahan sa masyadong nagpakita ng
gawain nagpakita ng kasiyahan sa
kasiyahan sa gawain
gawain
Gawain 5
Panuto: Sumulat ng isang talata na kung saan naipakikita mo nang
may kasiyahan ang pakikiisa sa mga gawain sa paaralan.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Mga Sanggunian
Aklat
MELC for ESP Grade 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Textbooks)
Mga Websites
https://www.slideshare.net/lhoralight/grade-3-esp-learners-module
pp.85-91
https://www.google.com/search?q=pagtulong+sa+may+kapansanan+c
lipart

SUSI NG PAGWAWASTO
Gawain 1
Iba-iba ang sagot ng mga bata.
Gawain 2
1. Buwan ng Nutrisyon

49
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
2. Linggo ng Wika
3. Scouting Month
4. Quiz bee
5. Palaro
Gawain 3
1. 2. 3.

4. 5.

Gawain 4
1. Pagtula
2. Pagrap
3. Pag chant
4. Pag-awit
5. Paglalaro
Gawain 5
Talata

Inihanda ni:
LITO V. BLANCO
May Akda

50
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

You might also like