Araling Panlipunan: Unang Markahan Ikawalong Linggo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

ARALING 9

PANLIPUNAN
Unang Markahan
Ikawalong Linggo

Development and Quality Assurance Team


Developer: Franklin P. Oranza
Evaluator: Ariel A. Paler, Fatima D. Notarte
Learning Area Supervisor: Analiza G. Doloricon

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
Pamantayan sa pagkatuto: Naipagtatanggol ang mga karapatan at
nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili

Mga Layunin: Sa pagtatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:


▪ Natutukoy ang mga karapatan ng mga mamimili
▪ Nakabubuo ng poster na nagtatanggol sa mga karapatan at tungkulin ng
mga mamimili
▪ napahahalagahan ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamimili

Pangkalahatang Ideya

Walong Karapatan ng mga Mamimili

Ang kagawaran ng kalakalan at industriya (DTI) ay anaglabas ng wallong karapatan ng


Mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan.
1. Karapatan sa pagpili- Piliin at ilhin ang produkto na magbibigay ng lubos na
kasiyahan
2. Karapatan sa tamang impormasyon –Ang pag -alam sa tamang impormasyon ay
kailangan gawin upang di malinlang ng anunsyo
3. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan- kailangang may
sapat na suplay ng mga mga produkto at tama ang presyo
4. Karapatan na magtamo ng kaligtasan- mapangalagaan laban sa pangangalakal
ng mga panindang maksasama o mapanganib sa iyong kalusugan
5. Karapatan sa patalastasan –mapangalagaan laban sa mapanlillang, madaya at
mapanligaw na patalastas, mga etikita at iba pang hindi wasto at hindi matapat na
gawain
6. Karapatan ng isang malinis na kapaligiran-pagkapantay -pantay at sapat na
kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na
pagkatao at pangalagaan, pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at
kinabukasan ng ating salinlahi
7. Karapatan na magkaroon ng edukasyon makatutulong upang maging matalinong
kunsyumer ang isang tao
8. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan na nagbuhat sa
produkto nabili mo

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

1. Mapanuring kamalayan –maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit,
halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit

2. Pagkilos –upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
1
3. Pagmamalasakit na Panlipunan-ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng
ating pagkunsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan lalong-lalo na
ang pangkat ng maliit o walang kapangyarihan, maging ito ay lokal, pambansa, o
pandaigdig ng komunidad.

4. Kamalayan sa kapaligiran- ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating


kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkunsumo. Kailangang panglagaan natin
ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan

5. Pagkakaisa- ang tungkulin magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon


ng lakas at kapangyarihang maitaguyud at mapangalagaan ang ating
kapakanan

Mga Gawain

Gawain 1: PAGTAMBAL-TAMBALIN MO!


Panuto: Itapat ang Hanay A . (karapatan ng konsyumer) sa Hanay B at isulat ang titik sa
sagutang papel

HANAY A HANAY B
1. Karapatan sa kaligtasan a. nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan
at kaalaman
2. Karapatang dinggin b. pumili ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod
3. Karapatang pumili c. lubusang isaalang-alang ang kapakanan ng
mga mamimili
4. Karapatan sa patalastasan d. mapangalagaan laban sa mapanlinlang at madaya
5. Karapatan sa pagtuturo
tungkol sa pagiging matalinong e. bigyan ng katiyakang ligtas at mapangalagaan
mamimili

Gawain 2: E- Poster Mo!

Panuto: Gumawa ng poster na nagtatanggol sa karapatan at tungkulin ng mga mamimili


Gawain ito sa bondpaper at sundin ang rubrics sa ibaba.

RUBRIKS PARA SA E POSTER


PAMANTAYAN PANANDA PUNTOS NATAMONG PUNTOS
NILALAMAN Naipakita at naipaliwanag
nang mahusay ang 3
pagtatanggol sa karapatan at
tungkulin ng mga mamimili
PAGKAMALIKHAIN AT Maliwanag at angkop ang
PAGKASINING mensahe sa paglalarawan ng 2
konsepto ng ginawang poster
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
2
Gawain 3: Pahalagahan Mo!

Panuto:.kopyahin at markahan ang iyong sarili bilang konsyumer. Lagyan ng tsek ang bawat
bilang 1-napakatalino, 2 – matalino , 3- di gaanong matalino, 4 –mahina. Gawin ito sa iyong
sagutang papel

1 2 3 4
1. Madaling maniwala sa anunsyo
2. Mapagmasid
3. Matapang
4. Mahilig tumawad
5. matipid
6. alam ang mga karapatan at pananagutan
7. may listahan ng bibilhin
8. mabilis magdesisyon
9. sumusunod sa badget
10. mahilig sa murang bilihin

Pagsusulit

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Anong karapatan ng mga mamimili na makatutulong upang maging matalinong
konsyumer ang isang tao?
A. Karapatan sa kaligtasan
B. Karapatan sa edukasyon
C. Karapatan sa tamang impormasyon
D. Karapatang magtatag ng organisasyon

2. Alin sa mga sumusunod na karapatan na masiguro na ligtas ang mga konsyumer sa


anumang sakit, gayundin ang bibilhing produkto?
A. Karapatan sa kaligtasan
B. karapatang sa patalastasan
C. karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
D. karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran

3. Ano sa tingin moa ng karapatn ng konsyumer ang madalas na hindi napahahalagahan?


A. Karapatang dinggin
B. Karapatang bayaran sa anumang kapinsalaan
C. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
D. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
3
4. Bakit kailangan malaman natin an gating mga karapatan bilang isang konsyumer?
A. Hindi tayo madaya at malinlang
B. Maaring masunod ang ating badyet
C. Malaman ang kaya nating bilhin na paninda
D. Madali lamang ang paghanap ang nais nating bilhin

5. Ano ang kahalagahan ng paghingi ng resibo sa mga produkto at serbisyong binili?


A. Malaman ang iyong babayarin
B. Maaring makahingi ng tawad
C. Malaman ang mga presyo ng mga paninda
D. maituturing na isa sa mga tungkulin at kapapanagutan ng konsyumer

Susi ng Pagwawasto

Gawain 1: PAGTAMBAL-TAMBALIN MO!

1.E
2. C
3.B
4.D
5.A

Gawain 2 . E-POSTER Mo!

Gawain 3:Pahalagahan Mo!

Mga Sanggunian

Consuelo M. Emperial,et al., Pana-panahon Ekonomiks pp;131-133

EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul pra sa Mag-aaral pp: 73-75

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
4

You might also like