Pagbasa at Pagsusuri Q3 M1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

SHS

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Pagbasa at Pagsususri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kaalaman at Kasanayan sa
Pagbasa: Pagsusuri at Pagsulat
ng Teksto

Sapulin

Magandang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Nakahanda at


sabik ka na bang mag-aral at matuto? Batid kong oo, kung gayon ikaw ay
maghanda na sa mga susunod na araling ating pag-aaralan.
Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitang
pampagtuturo sa ikatatamo ng mas mataas na antas ng karunungan lalo
na sa larangan ng edukasyon. Magsisilbing kasangkapan ito sa
pagkatuto mo.
Ang Modyul na ito ay papaksa sa Batayang Kaalaman sa
Mapanuring Pagbasa at sa mga Kasanayan ng Mapanuring Pagbasa.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
(F11PB – IIIa – 98) Week 1
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit
ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa( F11PT – IIIa – 88) Week 1
Kaya kung nakahanda ka na, maaari ka nang magsimula sa mga gawain at aralin.
Aralin
Batayang Kaalaman sa
1.1 Mapanuring Pagbasa

Simulan

Gawain 1: Sa Aking Palagay…


Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, magtala ng iyong sariling kaalaman o
opinyon tungkol sa salitang PAGBASA. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

PAGBASA

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain.


Tunayngang ang pagbasa ay isa sa mahalagang makrong kasanayan sa
komunikasyon.Mula sa iyong paggising sa umaga, sa tanghali at/o
maging sa gabi ay nangangailangan ng pagbabasa.Ito ang nabibigay ng
bagong kaalaman, napapalawak ang talasalitaan, nahuhubog ang
kaisipan at paninindigan. Instrumento upang makakuha ng impormasyon.
Batid kong ilan lamang ito sa iyong inilista bilang pagpapakahulugan sa
salitangpagbasa. Halina’t iyong pagyabungin ang iyong kaalaman.Handa
ka na ba? Kung handa ka na ay atin nang simulan.

Kahulugan ng Pagbasa
➢ Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
Ito ay isang kompleks ng kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon
ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon (Anderson et
al. (1985),)
➢ Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng inter-aksiyon ng:
1. imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2. impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3. konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa
- Wixson et al. (1987)

➢ Isang proseso ng pagkuha,pagkilala at pag-unawa ng mga nakaimbak at


nakasulat na impormasyon o datos.
➢ Isang representasyon ng wika bilang simbolo na maeeksamin ng mata o
mahahawakan.
• Braille – pagbabasa ng mga bulag
• Notasyon o Pictogram – mga signs o simbolo
➢ Isang psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay
nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong
binasa.( Goodman 1957,1971,1973)
➢ Isang pinakapagkain ng ating utak.( James Lee Valentine,2000)
➢ Ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng
interpretasyon dito.(Hank ,1983)
➢ Napaka-komplikadong pag-unawa ng isang nakasulat na pahayag.
➢ Nangangahulugan ng imbak na kaalaman upang maiugnay ang teksto sa
realidad.
➢ Isang mental na interpretasyong may nakalimbag na simbolo.

Lakbayin

Kahulugan ng Mapanuring Pagbasa


➢ Ito ay ang pagsisiyasat ng isang tekstong babasahin
• Nangangailangan ng maingat, aktibo,replektibo at mapamaraang
pagbasa.
Katangian ng Mapanuring Pagbasa:
1. Maingat
➢ Kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya at suriin kung gaano
kalohikal ang teksto.
2. Aktibo
➢ Habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong isinasagawa ang
mambabasa upang maging malinaw ang pagpapahayag ng teksto.
3. Replektibo
➢ Nabibigyang- katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga
kaalaman atsariling kaalaman o karanasan ng mambabasa.
4. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
➢ Intensibong Pagbasa
a. Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay,
estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa
mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at
maingat na paghahanap ng kahulugan.
b. Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas o
paggawa ng larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan ng mag-
aaral ang isang teksto.
➢ Ekstensibo
• Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong
pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng
maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga
babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda
sa anomang asignatura.
• Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa
ay upang makuha lamang ang “gist” o pinaka-esensya at kahulugan
ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang
malabo o hindi alam ang kahulugan.
Estratehiya sa Pagbasa:
Scanning
• Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap
hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang
impormasyon.
• Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo,
larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop
na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang
pag-alam o pagka-unawa na sa hinahanap na impormasyon at ang
layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o
iba pang sanggunian.
Skimming
• Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang
diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng
manunulat.
• Nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-
alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang
teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na
impormasyon sa loob nito.
Contextualizing
• Pagsasaayos ng teskto sa paraang
historikal, biograpikal atnakabatay sa
kontekstong kultural.
Apat na Antas ng Pagbasa:
1. Primarya
• Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upangmakamit
ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak
na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, lugar, o mga
tauhan sa isang teksto.
2. Mapagsiyasat
• Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto
at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.
3. Analitikal
• Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-
iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang
layunin o pananaw ng manunulat.
4. Sintopikal
• Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa
isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling sistema ng
kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang
mga aklat na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang
maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang
iskolar.

Dagdag kaalaman…

Maaaring panoorin sa link na ito ang karagdagang kaalaman para sa iyo.

https://www.youtube.com/watch?v=F4iOjMLsHqo(ano
https://www.youtube.com/watch?v=p46rTel9vSw

Galugarin

Sa bahaging ito, pagyayamin pa natin ang iyong kaalaman sa Mapanuring


pagbasa. Iyong babasahin ang isang halimbawa ng Tula. Basahin at unawain mo
ito upang matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit, mensahe at layunin ng tula.
Tamang asal ng paglimot
ni Reagan R. Maiquez

Ang lahat ng basura ay palitan ng isang salita na malalaman mo mamaya

Bawal magtapon ng BASURA rito


Ilagay ang BASURA sa tamang lalagyan, dito ang nabubulok at dito ang di
nabubulok
Munting BASURA, Ibulsa muna
BASURANG Itinapon mo babalik at babalik sa iyo
May Pera sa BASURA

Ngayon, narito ang salitang ipapalit mo sa basura: ALAALA


Gawin nga natin,
Bawal magtapon ng alaala rito

Ilagay ang alaala sa tamang lalagyan, dito ang nabubulok at dito ang di
nabubulok
Munting alaala ibulsa muna
Alaalang itinapon mo babalik at babalik sa iyo
May pera sa alaala

Ngayon, alamin nga natin ang pagkakaiba ng dalawa


Na para bang may gusto kang itapon
Na alam na alam mong dati’y napakahalaga.
Na para bang ang basura ay isa ring alaala
At ang alaala ay maaari ring mga basura.
Gawain 4: Unawain Mo!
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at pahayag sa iyong
sagutang papel.
1. Ano ang paksa ng tula?

2. Paghambingin mo ang Basura at Alaala.

BASURA ALAALA

PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD

3. Ano-ano ang mga kulturang Pilipino ang masasalamin sa tulang ito?

4. Ano ang mensahe at layunin ng nabasa mo?


Aralin
Mga Kasanayan ng
1.2 Mapanuring Pagbasa
Binabati kita sa iyong masigasig at masinop na pagsagot sa mga katanungan
sa nakaraang aralin. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga kasanayan sa
mapanuring pagbasa. Ngayon, tayo’y magpapatuloy sa ating aralin. Handa ka na ba?
Sige magsimula ka na sa paunang gawain.

Simulan

Gawain 1: K-W-L Chart


Panuto: Maglista ng iyong sariling opinyon o kaalaman hinggil sa
kasanayan sa mapanuring pagbasa.. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

KNOW/ALAM WANT/NAIS MALAMAN LEARN/NATUTUHAN


1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

Napakahusay! Nagawa mo ang gawain. Sa pagkakataong ito ay iyong


mababatid ang mga kasanayan ng mapanuring pagbasa. Basahin at unawain mo lang
itong mabuti upang maintindihan mo.

Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa


➢ Bago Magbasa
- sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at
kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng tekstoang
babasahin
- nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan
ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.
- pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang tamang
estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre
- kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa
pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
➢ Habang Nagbabasa
- Nakapaloob sa bahaging ito ang:
1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa;
2) Biswalisasyon ng binabasa;
3) Pagbuo ng koneksiyon;
4) Paghihinuha;
5) Pagsubaybay sa komprehensiyon;
6) Muling pagbasa;
7) Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
- Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng
impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon,
organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen.
• Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong
ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto.
• Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t
ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto habang ang
pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at
larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.
➢ Pagkatapos Magbasa
- Nakapaloob sa bahaging ito ang:
1. Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol
sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa
binasa.
2. Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat
ang pangunahing ideya at detalye sa binasa.
3. Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod
sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng
pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang
pag-unawa.
4. Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan
ng mga impormasyong nabasa sa teksto.

Lakbayin

Muli kitang binabati dahil malayo na ang iyong narating sa ating pag-aaral.
Sa bahaging ito, panibagong aralin pa ang iyong matutunghayan. Mahalaga ito upang
mas lalo pang malinang ang iyong pag-unawa sa ating aralin.

Pagkilala sa Katotohanan at Opinyon


Katotohanan
➢ mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa
pamamagitanng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang
kaalaman o impormasyon
Opinyon
➢ mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na
paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang
diskurso tulad ng “sa opinyon ko,” “para sa akin,” “gusto ko,” o sa “tingin
ko.”

Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto


Layunin
➢ Ito ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.
Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa
pagpapahayag.
➢ Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng
isang tiyak na karanasan o sitwasyon? Maaari ring nangangatuwiran
ito o kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa
opinyon o paninindigan niya.
➢ Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda
na nais solusyonan ng may-akda.
Pananaw
➢ Ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig
sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na
paksang tinatalakay.
➢ Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal ang
perspektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong
panauhan na nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa
paksa?
➢ Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw, nahihinuha rin ng
mambabasa kung ano ang kahihinatnan ng isang teksto.
Damdamin
➢ Ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring
nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay
matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang pangyayari o
paksa.
➢ Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi naiiwasan na
itorin ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa
katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa
kung nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng
teksto.

Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu


Paraphrase
➢ Ito ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa
ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para
sa mambabasa.
➢ Mahalaga ito sa pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulan ng isang
ideya o kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na makatutulong sa
pananaliksik.

Abstrak
➢ Isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang
komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o
larangan.
➢ Ito ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang
kabuuang latag ng pananaliksik kabilang ang mga layunin at
kinalabasan nito. Sa ilang publikasyon, tinatawag din itong precis o
sinopsis.
May Tatlong Uri ng Pagsulat ng Abstrak
1. Abstrak para sa isang Pananaliksik
2. Abstrak para sa isang Modyul o Aklat
3. Abstrak para sa Pelikula
Rebyu
➢ Ito ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin
ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat
nito.
➢ Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa
personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Ang mga
nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o online portal ay
gumagamit ng panunuri upang magpalaganap ng sariling kaalaman
na sumusuporta o kaya ay nagpapasubali sa nilalaman ng aklat.
➢ Maaaring ito ay naglalaman ng maikling buod ng aklat upang
magkaroon ng ideya ang mga mambabasa.

Sukatin

Mahusay! Kinagagalak kong ika’y dahil nakaabot ka sa bahaging ito. Tiyak


marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating
tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa
iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Ang Mag-asawa’y Hindi Biro
Dapat bang pairalin ang batas na diborsyo sa Pilipinas? Kung mangyayari
ito, ano kayang damdamin ang mamamayani sa kalooban ng mga bata…
lumbay, lungkot, pighati? Naghihinagpis ang kanilang puso dahil sa
dalamhating dulot nito. Napakahirap… Tulong na marahil ang batas na ito
sa mag-asawang hindi magkasundo ngunit paano nga naman ang mga anak
na lubhang naapektuhan nito? Totoong ang pag-aasawa ay hindi kaning
isusubo na iluluwa kung mapaso

1. Ano pinapaksa ng tekstong binasa?


A. Huwag mag-asawa C. Mahirap ang buhay may-asawa
B. Hindi masayang mag-asawa D. Pinag-iisipang mabuti ang pag-aasawa

2. Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan sa teksto?


A. nalilito B. nagdurusa C. nagsisisi D. nagtatampo

3. “Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kapag napaso” Nais


ipahiwatig nito na
A. Dapat mag-asawa ng marami .
B. Dapat pag-isipan ang pag-aasawa.
C. Maaaring maghiwalay kapag ayaw na.
D. Mabuti pang hindi mag-asawa.

4. Batay sa teksto, kung maisasakatuparan ang diborsyo sa Pilipinas ay


maaaring .
A. Lalong dumami ang populasyon.
B. Maraming anak ang magdurusa.
C. Mapadadali ang paghihiwalay ng mag-asawa.
D. Matutuwa ang mag-asawang hindi magkasundo.

5. Ano ang paksa sa unang talata ng teksto?


A. Pagbibigay-lunas sa suliranin sa basura
B. Pagpapabaya ng mga mamamayan sa kapaligiran
C. Paggising sa damdaming maka-kalikasan ng mga Pilipino
D. Pagsariwa sa naganap sa Payatas at prediksyon sa basura
6. Ano naman ang paksa sa panghuling talata ng teksto?
A. Pagkakaisa, solusyon sa suliranin ng bansa
B. Paglalantad ng katotohanan sa mamamayan
C. Pagsasanay sa mga gawaing pangkapaligiran
D. Paninisi sa pagkasira ng kapaligiran at kalikasan
7. “Nasa ating palad at isip ang solusyon.” Ano ang kahulugan ng pahayag na
ito?
A. Pinagsamang palad at isip
B. Tuwinang paglilinis ng paligid
C. Pakikiisa at disiplina sa bayan
D. Marubdob na pag-ibig sa bayan
8. “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata upang libangin ang sarili, o gaya
ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang .”
A. Gumanda B. Mabuhay C.Maka-move on D. Tumalino
9. Ito’y mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto.
A. Ekstensibo B. Intensibo C. Skimming D. Scanning

10. Bago magbasa, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat
mabilisang tignan sa tekstong babasahin?
A. Bilang ng salita B. May-akda C. Larawan D. Pamagat

11. Sa prosesong ito, nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng paggamit ng


isip sa pagbasa.
A. Bago Magbasa
B. Habang Nagbabasa
C. Habang Nag-iisip
D. Pagkatapos Magbasa

Tunay na Solusyon sa Basura


Maraming nahabag sa mga naging biktima ng gumuhong bundok ng
basura sa Payatas noong 1999. Pinagpiyestahan ito at nagmistulang subjek
sa lahat ng sector ng medya at mamamayan sa bansa. Ngunit alamba ninyo
na dalawang taon mula ngayon, magkakaroon muli ng mga bundok ng
basura ang Metro Manila?
May mensaheng hatid itong dapat malaman ng bawat isa. Sa ngayon, wala
pang suliranin sa basura sapagkat nagagawan pa ng paraan. Ayon kay dating
Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando
batay sa ginagawang pagtataya ng Asian Development Bank na kapag hindi
gumawa ng pangmatagalang solusyon ang pamahalaan, tiyak na
mararanasang muli ang krisis. Nakaaalarma na ito.
Paano ba naman, sa araw-araw mahigit 6,000 cubic meters ng
basura ng mga taga-Metro Manila ang itinatapon sa mga itinalagang
“dumpsites”. Bukod pa sa mga baradong kanal at esterong ginawang
basurahan ng mga Pilipinong walang disiplina. Halimbawa, dapat iwasan ang
pagtatapon ng basura kung saan-saan. Dapat ding magresiklo upang
maiwasan ang sobrang pagdami ng basura.
Kaugnay nito, mahalaga ang pagtutok ng pamahalaan sa
pagkakaroon ng desisyong maipatupad ang pagreresiklo at pagtatayo ng mga
“sanitary landfill.” Maaaring umpisahan ang mga ito sa bawat pamayanan. Oo,
isang lugar na mapagdadalhan ng mga basurang ihihiwalay ang mga
nabubulok sa hindi nabubulok at ireresiklo. Sasailalim sa proseso ang mga
nabubulok upang maging “fertilizer” o pampataba ng pananim na
mapagkakakitaan. Malaki ang maitutulong ng pakikipag- ugnayan sa
Kagawaran ng Agrikultura kaugnay sa pagbebenta ng nagawang pataba. Sa
ganitong paraan, kikita ang pamayanan. Tunay na nasa ating nagkakaisang
palad at isip ang solusyon.
B. Tukuyin kung anong mga pamamaraan upang maging epektibo ang pagbasa
ang binabanggit sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. . Isulat sa
iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A. Pagtantiya sa Bilis ng Pagbasa B. Biswalisasyon ng Binabasa .


C. Pagbuo ng Koneksiyon
D. Paghihinuha E. Muling Pagbasa
F. Pagkuha ng Kahulugan mula sa Teksto

12. Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na


kaalamanupang matiyak ang komprehensiyon.
13. Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa
tekstoat personal na kakayahan sa pagbasa.
14. Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na
kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kanyang isip
habang nagbabasa.
15. Muling basahin ang isang bahagi o kabuuan ng teksto kung
kinakailangankapag hindi ito naunawaan.

C. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.


Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pangungusap ay Wasto at
kung ito’y hindi wasto , isulat naman ang MALI saka isulat sa sagutang papel
ang salita
/ mga salitang nagpamali sa pangungusap.

16. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo kahulugan mula sa mga


nakasulatna teksto.
17. Ang mga pahayag na nagmumula sa sariling preperensiya o batay sa
personal na karanasan ay tumutukoy sa Katotohanang pahayag.
18. Nakatutulong ang pagbabalangkas ng larawan upang lubos na
maunawaanang teksto.
19. Ang Primaryang antas ng pagbasa ay ang pinakamababang antas.
20. Isang psycholinguistic guessing game ang pagbasa ayon kay James Lee
Valentine.

You might also like