Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 189

A Lifeless Wife ( Completed )

by Mhixia_A

Story ito ng isang asawa na pinagmamalupitan ng kanyang naging asawa , naging ina
at pati na ang kapatid . Lumipas ang mahabang panahon ganun parin ang trato nito sa
babae na nagngangalang Vera . Hanggang kailan pagmamalupitan ng mga ito si Vera ?
kailan matatapos ang paghihirap niya sa pamilyang Bautista . Abangan at ubaybayan
naten si Vera sa kwentong ito :D

A LIFELESS WIFE

=================

A Lifeless Wife

|| Start November 4 , 2014 ||

|| End December 25 , 2014 ||

|| All Right Reserved of 2014 ||

|| (c) Jonalyn Pascual A.K.A Mhixia_A ||

----------

Kwento ito ng isang babaeng naging isang kabayaran at pinagmamalupitan ng asawa at


ng magulang, kapatid ng asawa nito .

Tunghayan ang buhay ni Vera ....

Blah Blah Blah bLha hahahXD

( This is Not The PROLOGUE ... This is only a Description ) thanks :D


Next Page >>>>>> PROLOGUE

=================

PROLOGUE

PROLOGUE :

      Ako si Vera Vita Grace . Isang masayahing tao , matulungin , mabait at
mapagmahal .

Kuntento na kung anong meron kami noon .

Masaya , payapa at mapagmahal na Pamilya .

Pero isang araw , nagkaroon ng isang problema na nagpabago sa buhay namen o sa


buhay ko . Isang problemang ako ang naging kabayaran o ang naging tanging solusiyon
.

Nagkautang ng malaking pera ang mga magulang ko  sa Pamilyang Bautista na kung saan
nagsasaka ang mga magulang ko .

Ipinakasal nila ako sa kanilang nag-iisang anak na lalaki upang mabayaran ng mga
magulang ko ang naging utang nila dito . Hindi na ako tumanggi o nagprotesta pa .
Dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit napunta ako sa ganoong sitwasyon .

Nung una akala ko magiging maayos lang ang lahat . Dahil may mababait akong asawa ,
hipag at mga manugang . Pero nung una lang pala iyon . Dahil habang patagal ng
patagal . Lumalabas ang kanilang tunay na ugaly at anyo maliban kay Don Sandro
Bautista na siyang ama nang naging asawa ko .

Naging malupit sila saken . Na kahit may katulong sila sa pagkalaki-laki ng mansion
nila ay pinapapatulong parin nila ako sa paglilinis . Kahit sa ako'y nagkaroon ng
laman sa tiyan ay hindi parin nila ako pinatitigil sa pagdadala ng mabibigat na
bagay .

At hindi lang iyon ang naranasan kong paghihirap sa mansiong iyon . Hindi lang
pagbubuhat ng mabibigat ang naranasan ko , pati narin ang mga mabibigat nilang
kamay na dumadapo sa buo kong katawan.

Nahihirapan man ako at gustuhin ko mang sumuko , hindi ko magawa ni hindi ako
maaring tumakas doon dahil kapag ginawa ko iyon . Kalayaan ng mga magulang ko ang
nakataya .

Lumipas ang mahabang panahon at malusog na lumabas at lumaki ang aking anak na si
Jean Rose Bautista na siyang nag-iisang tao sa buhay ko na hindi ako pinahirapan at
sinaktan . Hindi katulad ng Daddy niya , Lola niya at ng kaniyang Tita na halos
mahabang panahon din nila akong inapi , inalila na parang hindi ako kabilang sa
pamilya nila .

Magbabago pa kaya sila sa aken ? magbabago pa kaya ang takbo ng buhay ko ?


magbabago pa kaya ang pag-uugaling ipinakita nila sa aken ? magbabago pa kaya ang
trato nila ? . Pero paano ? para akong isang walang buhay na asawa sa kanila sa
mansiyong ito .

A Lifeless Wife

=================

Kabanata One

Kabanata One :

[ Vera's POV ]

    Maaga akong nagising dahil ipagluluto ko ng almusal ang asawa ko ,  na kahit
may gumagawa na nun sa kusina ay ako  parin ang gusto niyang gumawa nun dahil
gawain ko raw iyon bilang asawa niya . Ako narin ang nag-aayos ng mga damit niyang
susuutin para sa pagpasok niya ng kanilang opisina .

   Pagkatapos ko siyang asikasuhin ay ang buong mansion naman ang wawalisan at


lalampasuhin ko . Three storey ang mansion na ito . Dalawang sala , dalawang kusina
, limang kwarto at tatlong banyo . Iba pa ang pool area at ang garden area .
Malawak ang lupain ng mga bautista kaya hindi na ako magtataka kung maraming bahay
ang maipagawa nila sa lugar na ito .

   Pagkatapos ko sa paglilinis , ay si Jean naman ang aasikasuhin ko maghapon .


Ganito ang routine ko araw-araw o simula nung naging asawa ko si Alfredo Bautista .
Wala na akong naging pahinga , hindi na ako makagala tulad noon . Wala na akong
time para makipagkita sa kaibigan ko at wala narin akong time na makipagkita sa mga
magulang ko at lalong lalo na , bawal akong makipaghalubilo sa mga taong narito .
Para nga akong isang preso o mas masahol pa doon .
" Vera ! "

Hininto ko ang ginagawa kong pagwawalis sa ikalawang palapag ng mansion ng marinig


ko ang pagtawag saken ni Mamang Yhssa .

Hingal na hingal na nakarating ako sa harapan niya dahil nasa unang palapag pa
ito . *PAK* Napahawak ako sa pinsgi ko at tumagilid iyon ng bigla na lamang niya
akong sampalin ng malakas . Naluluha ako sa ginawa niya pero pinigilan ko lang .
Nilingon ko siya ng may pagtataka .

" B-bakit po Mamang ? ano pong nagawa ko ? "

" Nagtatanong ka pa ! *pak* Anong ginawa mo sa halaman ko ? pinatay mo ! " - Mamang


Yhssa

Tumabingi nanaman ang mukha ko sa binigay niyang isang malakas na sampal sa akin .
Hindi ko na napigilan at napaluha na ako dahil sa sakit at kirot sa pisngi ko .

" H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo Mamang , hindi po ako ang nagdilig ng ---- "

" Nagsisinungaling ka pa ha ? *PAK* " sa kanan naman ako napaharap dahil sa kabila
nanaman ako nito sinampal , hindi ko na napigilan at patuloy lang sa pagtulo ang
mga luha ko " Merong nakakita sa'yo kaya hindi mo ako maloloko " - Mamang Yhssa

" W-wala po talaga akong alam sa sinasabi niyo "

 
" At talagang itatanggi mo pa ? sinusubukan mo ba ako Vera ? ha ? " umiling ako ,
pero hindi ito nakatingin saken kundi sa kusina " Mariella ! Pumunta ka nga rito "
mabilis naman nakarating si Mariella sa kinaroroonan namen " Hindi ba't ikaw ang
nakakita dito kay Vera na huling nagdilig sa halaman ko ? " - Mamang Yhssa

Nilingon ko si Mariella na ngayon ay nakayuko lang . Sabihin mo ang totoo


Mariella . Hindi ako ang huling nag dilig sa halaman ni Mamang . Maawa ka
Mariella .

" O-opo Madam . Si M-mam Vera po ang huli kong nakitang nagdilig ng halaman ninyo "
- Mariella

Nanlaki ang mga mata ko sa naging sagot niya . Anong ak--- *PAK*

" Napakalaki mo talagang kahihiyan sa pamilyang ito ! Napakasinungaling mong bata !


" - Mamang Yhssa

" Hindi po totoo yan . *huk* Hindi po talaga ako ang may gawa nun Mamang ...
Mariella , anong sinasabi mo ? hindi ako ang gumawa nun ' sabihin mo ang totoo "
pagmamakaawa ko kay Mariella . Pero hindi ito sumagot bagkus ay nakayuko lamang ito
at hindi kumikibo .

Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng bigla nalamang akong itulak ni Mamang " Tumigil
ka nga ! ... Simula ngayon hinding hindi ka na makakatuntong sa hardin ko " nanlaki
ang mata ko sa sinabi niya . Mag pro-protesta sana ako ng bigla niyang dugtungan
ang sinasabi niya " At bilang parusa sa ginawa mong pagpatay sa halaman ko .
Pagkatapos mong maglinis sa buong mansion . Linisin mo ang pool " lalong nanlaki
ang mga mata ko . Paano ko lilinisin ang pool nila na mag-isa ? e anlawak lawak nun
? " Naintindihan mo ? " - Mamang Yhssa

Napayuko na lamang ako at walang nagawa " Opo Mamang " mahina kong sagot
" Mabuti . Makakabalik ka na sa kusina , at pasabi sa iba na wag na wag tutulungan
ang babaeng ito sa paglilinis ng pool . Narinig mo ? " - Mamang Yhssa

" O-opo Madam " - Mariella

" Mabuti " sabay alis sa harapan naming dalawa ni Mariella . Iniangat ko ang ulo ko
para tignan si Mariella at nasaktuhan namang nakatingin din pala ito saken  . Nung
nakita niya akong nakatingin sa kanya ay parang bigla siyang natakot dahil
napaatras pa ito sa kinatatayuan niya .

" So-sorry po Mam " at kumaripas na ito ng takbo papasok ng kusina .

Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad papanhik sa itaas . Hindi naman ako
galit sa kanya e . Alam ko naman kung bakit niya nagawa iyon , ang hindi pagsasabi
ng totoo . Dahil kilala ko na si Mamang . Na kapag may sinabi ka na hindi angkop sa
sinasabi niya , ay tatanggalin ka na niya sa trabaho . Hindi lang iyon , pati ang
lupa at tinitirahan mo ay bibilhin niya ng walang pag-aalinlangan at paaalisin kayo
ng walang pakundangan .

***

Pabagsak na humiga ako sa kama ko dahil sa pagod . Kakatapos ko lang din mag linis
ng pool gaya ng sinabi ni Mamang . *sigh* buti na lang at pinaalaga niya si Jean sa
ibang katulong kung hindi , hanggang ngayon hindi pa ako tapos sa paglilinis . Kung
minsan nakatopak ang pagiging mabait ni Mamang , pero most of the time hindi .

Tumayo ako at tumungo sa crib ni Jean na ngayon ay mahimbing ng natutulog .


Hinaplos ko ang mukha niya at para bang isang magic na natanggal bigla ang pagod ko
. Si Jean ay isang taong gulang palang . Maganda , maputi at alam kong mabait
siyang bata .
" Sleeptight Baby . Maliligo lang si Mommy ha ? " yumuko ako at hinalikan ko ito sa
pisngi bago tinalikuran upang tumungo ng banyo para maligo .

30 minutes lang ako sa banyo at lumabas din ako agad . Napahinto ako sa
kinatatayuan ko ng makita ko bigla ang asawa ko na nakayuko sa crib at hinalikan ng
magaan si Jean sa pisngi .

" N-nandito ka na pala . Ang aga mo yata ? " takang tanong ko sa kanya . Alasais
palang kasi ng gabi , hindi naman siya ganitong oras umuuwi e . Ten o Eleven ang
uwi niya dito . Napabuntong hininga na lamang ako ng hindi ako nito pansinin .
Hayaan niyo na , sanay naman na ako sa kanya . Ilang taon na ba kaming nagsasama ?
Lima ? hindi pa ba ako masasanay sa ugaling pinapakita niya ? .

" Dress like a woman tomorrow . We have to attend some business party " - Alfredo

Napahinto ako sa ginagawa kong pagpapatuyo sa buhok ko. Tumingin din ako sa kanya
na may pagkabigla . Sinong hindi mabibigla ? e first time niya akong anyayahan sa
isang business party .

" W-wag nalang Al , hi-hindi naman ako bagay doon e " napaaray na lamang ako ng
bigla ako nitong sugurin at hawakan ng mahigpit sa magkabilang braso .

" Wag ka ng maarte okay ? sasama ka sa ayaw at sa gutso mo ! " madiin nitong sabi
at bintawan ang braso ko . Napahawak ako doon dahil sa sakit . Magkakapasa ito
panigurado .

" Wear some long sleeve dress tomorrow " sabay pasok sa banyo . Napansin niya
siguro na namula ang braso ko . Agad kasing mapapansin iyon dahil may kaputian ang
balat ko . Pinunasan ko ang luha na tumulo sa mga mata ko . Tumayo ako at isinampay
ang ginamit kong twalya at nahiga na sa kama . Kinumutan ko ang sarili ko at
tumagilid sa kaliwa ko at doon ko ipinagpatuloy ang pag-iyak ko .

Napasinghap ako ng mahina ng may naramdaman akong biglang yumakap saken mula sa
likuran . Minsan nagpapasalamat parin ako na kahit paano , may taglay ding kabaitan
itong si Alfredo kapag ganito na ang sitwasyon .

" Sleep tight Baby *choops* " binigyan ako nito ng magaang halik sa buhok at hindi
na tinaggal ang pagkakayakap saken . Hindi na ako nagsalita pa dahil , damang dama
ko na ang pagod buong araw . Ilang saglit lang ay nakatulog na ako at ganun din si
Alfredo .

Finished | Edited

=================

Kabanata Two

Kabanata Two :

Alas kwarto gising na ako kahit alam kong walang pasok si Alfredo ngayon dahil may
Business Party sila mamayang gabi . Nakasanayan ko narin siguro kaya ganito . Ikaw
ba naman na limang taon na ganito ka kaaga nagigising para pagsilbihan mo ang asawa
mo ? . Hindi ka pa ba masasanay nun ? .

Pagkatapos kong magluto at maglinis ng mga pinagbotehan ni Jean ay naupo ako sa


sofa . Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tineks ang bff ko para sabihing
tatawag ako . Gising narin naman siguro iyon dahil isa narin siyang pamilyadong tao
katulad ko . Maaga lang akong nagkaroon ng asawa sa kanya dahil pagpatak palang ng
ika-labing walong gulang ko ay ipinakasal na ako agad kay Alfredo .

" Bff " bungad na bati ko nang sagutin na niya ang tawag ko .

" Oh ? ang aga mong nambubulabog bruhilda ka ? . Buti nalang pala at sinilent ko
ang phone ko kung hindi , wala na bigti na ! " - Michaela Marasigan
Natawa ako sa sinabi niya . Kahit kelan talaga " Baliw ka parin hanggang ngayon
Micha , wala paring pagbabago " naiiling na sabi ko kahit hindi naman ako nito
nakikita

" Nagmana lang ako sa Nay , ano ka ba ? haha " Natawa nalang din ako sa sinabi niya
" O musta ka na diyan ? ganun parin ba ? wala parin bang pinagbago ? " - Michaella

Napabuntong hininga ako sa mga naging tanong niya . " Heto , okay lang ... Buhay at
humihinga pa naman " narinig ko siyang minura niya ako kaya natawa nalang ako "
Haha , anong gusto mong sabihin ko sa'yo ? na malapit na akong mamatay ganun ?
hindi na humihinga ? makamura ka diyan e ' " natatawang sabi ko , dahil kahit hindi
ko man siya makita ngayon ay alam ko sa sarili ko na gusto na akong batukan niyan
ng dahil sa inis .

" Ikaw talaga kahit kelan kapag sumagot e noh ? pwede naman kasing sabihin nalang
na okay ka hindi yung kung anu-ano pa sinasabi mo . Alam mo kung nandito ka lang sa
tabi ko baka nabatukan na kita " - Michaela

See ? paanong hindi ko malalaman ang gagawin niya .. sa tagal ba naman naming
magkaibigang dalawa . Nagkahiwalay nga lang talaga kami nung ikasal at makulong ako
sa mansiong ito . Si Michaela ay may dalawa ng anak . Nauna man akong nakapag-asawa
sa kanya , pero nauna naman itong nagka-anak sa'ken . At sa tuwing nasasaktan ako
sa pamilyang pinakikisamahan ko ngayon , ay siya rin ang pinagbubuhusan ko ng
problema ko , na kahit tanging sa cellphone lang kami nagkakausap . Lahat ng buong
pangyayare dito sa loob ng limang taon , ay alam ni Michaela . Gusto na nga raw
nitong sabihin sa mga magulang ko pero pinigilan ko siya . Baka kasi mag-alala pa
sila Inay at Itay .

" So , mabalik tayo ... Ano na nga ba ang balita diyan ? minumulwestra kaparin ba
nila diyan ? may naging pagbabago ba sa turing ng asawa mo sa'yo ? " - Michaela

" Uhm... h-hindi na masyado Micha ... A-at alam mo ba ? niyaya ako ni Alfredo sa
isang business party nila " kahit na gusto kong sabihin na . Oo , ganun parin sila
at walang pagbabago , na ganun parin ang turing sa'ken ng asawa ko na walang
pagbabago ganun .. pero ayokong ng madamay pa siya sa problema ko . Okay na yung
may taong nakikinig sa'ken sa tuwing ganun ang sitwasiyon ko .

" Alam kong nagsisinungaling ka Vera , pero kung ayaw mong sabihin okay lang ,
nandito lang ako lagi sa tabi-tabi kahit anong oras pwedeng mong sabihin . Okay ? "
tumango ako . Para akong muntanga . Tumatango kahit hindi naman ako nito nakikita "
Pero ano yung narinig ko na huli mong sinabi ? niyaya ka ni Alfredo na dumalo sa
isang Business Party ? aba himala yata yan day ? anong nakain ng asawa mo at
inanyayahan ka bigla ? " - Micahela

" Hindi ko nga alam e , biglaan din kasi "

" O baka naman kaya ka inanyayahan niyang asawa mo dahil sinabi lang ng mga board
member na isama ka doon ? hindi ba't ito ang una mong pagpunta sa kumpanya nila ? "
- Michaela

" Oo " tipid na sagot ko . Yumuko ako at pinaglaruan ko ang kuko ko . " Sa totoo
niyan kinabahan ako e , h-hindi kasi ako sanay na makipaghalubilo sa mga mayayaman
"

" O bakit ? mayaman ka naman ah ? anong masama dun ? " - Michaela

" Hindi naman ako ang mayaman dito Micha , alam mo yan "

" Ewan sa'yo ! Asawa ka na ng isa sa mga Bautista kaya isa ka naring mayaman .
Naintindihan mo ? atsaka wag kang kabahan okay ? o kaya kapag talagang hindi mo na
kaya ang kaba mo tawagan mo lang ako . 24 hours nakabukas ang cellphone ko para
sa'yo " - Michaela
"Salamat Micha , napakaswerte ko talaga at nagkaroon ako ng isang kaibigang tulad
mo " - Nakangiti kong sabi

" Correction ... B-F-F ? okay ? Best friends Forever . Walang anuman Vera , basta
ikaw . I love you Bff " - Michaela

" I love you too "

" Sino yang kausap mo ? "

O__________O napatayo ako sa kinauupuan ko at ibinaba na ang tawag . Nakita ko si


Alfredo na nakatayo sa bungad ng pinto ng kwarto namen na masama ang tingin
sa'ken .

Lumunok muna ako bago nagsalita " S-si Micahela lang , Al " napaurong ako sa
kinatatayuan ko ng bigla itong naglakad patungo sa kinatatayuan ko . Nanlaki ang
mga mata ko na agad ko ring ipinikit at itinagilid sa kanan ang mukha ko ng makita
kong umaangat ang kamay nito . Diyos ko ! Ano nanaman po ba ang ginawa ko ? .
Napamulat ako ng maramdaman kong kinuha nito ang hawak kong cellphone kaya mabilis
ko itong tinignan .

" Michaela ? pinagloloko mo ba ako ? kung si Michaela yon , bakit kailangang may I
love you pa ? " magkasalubong na kilay na sabi nito habang kinakalikot ang
cellphone ko .

" G-ganun lang talaga kami ni Michaela , Al . Para ko narin siyang kapatid "
napatakip nalang ako sa bibig ko ng bigla nitong ihagis ang cellphone ko na tumama
sa pader kaya nagkapiraso-piraso ito . Tumulo na din ang mga luha ko .
" Simula ngayon pinagbabawalan na kitang gumamit ng cellphone " nanlaki ang mga
mata ko . Anong... hindi pwede ! Iyon na nga lang ang tanging komunikasyon ko sa
kaibigan ko tatanggalin parin ba niya ? . Ano ba talaga ako sa buhay niya ? Preso ?
mukha akong asawang walang buhay sa kanya . Bakit kailangang mangyare ito saken
Diyos ko ? ano pong nagawa kong kasalanan ?

" A-al ... H-hindi mo maaring gawin yan "

" Anong hindi maari ? maari Vera . Dahil asawa mo ako . Kaya kung ano man ang
sabihin ko na bawal , Bawal ! Naiintindihan mo ?! " - napaupo ako sa sofa ,
ipinaghalukipkip ko ang mga tuhod ko at doon yumuko upang umiyak " Tumahan ka na
diyan , ipaghanda mo ako ng makakain , nagugutom ako " - Alfredo

Rinig na rinig ko ang mga hakbang niyang papalayo . Ano ng gagawin ko ngayon ? wala
na akong taong pagsasabihan ng mga problema ko ? wala ng makikinig sa'ken sa tuwing
umiiyak ako . Yun na lang nga ang tanging komunikasyon ko sa mga taong mahal ko
nawala pa .

Tumayo ako at naglakad patungo kung saan nagkanda pira-piraso ang cellphone ko .
Lumuluhang pinulot ko iyon , umupo ako sa sahig at pilit na inaayos iyon . Pero
naibagsak ko nalang ito ng hindi ko na maibalik iyon sa dati .

" A-ano ng gagawin ko nito ? " naiiyak na bulong ko sa sarili ko at humagulgol sa


iyak .

**

" Awww ... nasaan ang maganda kong pamangkin " - napaangat ang ulo ko sa kakapasok
lamang na si Badeth ang Ate ni Alfredo . Kadarating lamang nito ngayon , galing sa
France dahil doon ang naging modeling niya this month . Ilang araw din siyang
nawala , kaya nagpapasalamat ako sa ilang araw na iyon dahil nabawasan ang mga
taong nananakit saken . Pero ngayon nakakalungkot na dahil bumalik na siya . "
Umalis ka nga diyan " napasandal ako sa pader ng bigla na lamang ako nitong itulak
ng malakas .

Pwede naman kasing paalisin nalang kailangan pang itulak ? *sigh* . Hindi ka pa ba
sanay Vera ? hindi ba't ayaw na ayaw ka niyang dumidikit sa kanya ? . *deepsigh*

" Ate , you're back ! " - Alfredo

" Yes I am ! ... How I miss this little baby , pinapabayaan ka ba ng Mommy mo ha ?
sabihin mo lang saken ng mapagalitan ko okay ? hm... hihi Ang ganda ganda mo talaga
, manang mana ka talaga saken ... Hindi ba Daddy niya ? " - Badeth

" Malayo Ate Badeth , hahahaha " napatigil sa pagtawa si Alfredo ng bigla na lamang
itong bigyan ng masamang tingin ng kanyang kapatid " Kidding ... maligo ka na " 
Alfredo

Tumango nalang ako at nagtungo sa banyo . Ilang minuto lang ay natapos na ako sa
pagligo , nagsuot ako ng bathrobe at lumabas na ng banyo . Nakahinga ako ng
maluwang ng wala akong makita ni anino ni Ate Badeth sa kwarto namen , wala rin si
Jean sa kanyang Crib . Saan nanaman kaya dinala ng bruhildang iyon ang anak ko ? .
Umiling nalang ako at hinayaan ko nalang . Hindi naman niya siguro papabayaan ang
sarili niyang pamangkin .

Nag-ayos na ako ng sarili ko pagkatapos ay isinuot ko na ang black gown ko na long


sleeve . Sa likod nito ay backless ito na naka V line . Ganun din sa harapan pero
maliit na V lang iyon na saktong konti lang ang kita sa cleavage ko . Ito kasi ang
ibinigay saken ni Alfredo para suotin ngayon . Hindi naman kasi ako makapagsuot ng
tube gown dahil sa braso ko . May pasa parin kasi iyon hanggang ngayon , dahil sa
nangyare kagabi .

-
" Take care of my Daughter , Ate " -rinig kong sabi ni Alfredo

" Yes ofcourse . Pagkakaingatan ko ito noh ? mas mahal pa yata ito sa mga alahas na
meron ako . Mawala na ang mga iyon isama mo na pati ang Mommy niya wag lang si Jean
... Hindi ba baby ? hihi . Ikaw ang dyamante sa bahay na ito , kaya hindi ka
pwedeng mawala hindi ba ? " - Badeth

Napailing nalang ako pero hindi iyon pinahalata . Pero mas okay na 'yon , dahil
alam ko na kahit mawala ako ay hindi nila papabayaan si Jean at alam ko ring hindi
nila ito sasaktan katulad ng ginagawa nilang pananakit saken .

Finished | Edited

=================

Kabanata Three

Kabanata Three :

Ngayong gabi at araw na ito . Ngayon ko lang na feel na may asawa pala ako ? .
Ganito pala ang pakiramdam na mahal ka ng asawa mo ? ang sarap lang sa pakiramdam .
Yung bagang ipinapakilala ka niya sa lahat ng mga kakilala niya ? sa mga ka
shareholders ng company nila maging sa mga kaibigan niya .

May kaibigan pala ang lalaking ito ? . Pasensya na kung medyo silaw ha ? ngayon
lang kasi ako nakaranas ng ganitong pakiramdam .

Pagkatapos ng mahabang pagpapakilala at pagbabatian ay iginaya ako sa isang table


ni Alfredo at doon pinaupo . May mga pagkain na sa lamesa kaya ang sabi niya . Kung
gusto ko daw kumain , kumain lamang daw ako . Hindi niya raw ako pipigilan na kahit
ma impatso ako na ikamamatay ko pa raw , hindi niya raw ako pipigilan , para narin
daw mawala na ang pabigat sa buhay niya .
Hay ! Sa limang taon ba naming pagsasama ni Alfredo hindi parin ba niya ako
matanggap ? . Hindi ko naman kasalanan kung naputol ang pagiging babaero niya .
Hindi ko naman kasalanan na ako ang napakasalan niya at hindi ang taong mahal
niya .

" So , are you Vera ? the beautiful wife of Fred ? "

Napalingon ako sa mga lalaking umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko . Ang
mga kaibigan ni Al na sina Mike Cordova , Francis Birrell at Arvie Reyes .

" Stupid question Mike ! Fred already introduced her right ? " - Francis

" Ah' ya'ya'ya ! I'm sorry beautiful lady . Ang swerte naman ng asawa mo at may
asawa siya na kasing ganda mo " sabay kindat saken . Napatawa ako ng bigla na
lamang nitong batukan ni Francis . " Frank ! Why did you hit me ? your so very bad
to me boy , anong nagawa ko ? " - Mike

" May asawa na yan Gago ! Wag mo ng pormahan . Yari ka pa niyan kay Fred kita mo "
- Francis

" Anong pinopormahan ? hindi ah ? . Itanong mo pa diyan kay Mrs Beautiful kung
pinopormahan ko siya " lumingon ito saken " Hindi naman hindi ba Mrs Bautista ? "
sabi nito ng may pataas baba taas baba nitong kilay . Natatawang tumango nalang ako
. Ibinalik nitong muli ang kanyang paningin sa kaibigan " See ? si Mrs Bautista na
mismo ang nagsabi " - Mike

" Ewan sa'yo Mike . Pagkababaero mo nga tigil tigilan mo na . Dahil diyan pati may
asawa inaakit mo na kadiri ka " - Frank
Natawa ako ng makita ko kung paano mang diri si Frank . Ang saya naman pala nilang
kasama . Hindi na ako magdududa kung tumagal sila na magkakaibigang lahat . Kwento
kaya saken ni Al kanina na . 10 years na silang magkakaibigang apat . Tibay nila
noh ? haha

" Pagpasensyahan mo na ang dalawang baliw na iyan " nilingon ko si Arvie na ngayon
ay tahimik na umiinom na nasa kaliwa ko . Nasa harapan ko kasi si Francis at sa
kanan ko naman si Mike .

" Hmp ? haha . Okay lang . Nakakatuwa nga silang panuorin e " - sa apat yata na
magkakaibigan parang si Arvie yata ang tahimik ah ? bakit kaya ? .

 Hmmm... napaka saya naman dahil nakilala ko sila . Sana magkita-kita kami ulit .
Sana ... Malaking SANA .

" So kamusta ang maging isang Bautista ? " naibalik ko ang tingin ko kay Arvie ng
dahil sa naging tanong niya . Anong sasabihin ko ? sasabihin ko ba na para lang
akong isang katulong doon ?  na utos-utusan . Na parang isang preso ? na kapag may
ginawang mali ay pwede nilang bugbugin ? . Pero baka magalit lalo saken si Al ,
baka lalong hindi na niya ako matanggap sa pamilya nila at bilang asawa kung
sasabihin ko ang totoong trato nila saken sa mansiong iyon . Pero bakit parang may
nagtutulak saken na sabihin ko ?

" H-hin--- " naputol ang sasabihin ko ng bigla na lamang sumulpot si Al sa likod ko
at hinawakan ako sa magkabilang balikat .

" Hey ! Mukhang nagkakasayahan kayo kasama ang asawa ko ah ? " - Alfredo

Ilang beses na ba niyang sinabi ngayong gabi na  asawa niya ako ? . Napakasarap
pala sa pakiramdam . Sana hindi na matapos ang gabing ito . At sana lagi nalang may
party para kahit paano maramdaman ko na may asawa ako at isa ako sa kanila .

" Hindi naman masyado Fred . Atsaka napaka swerte mo sa asawa mo ha ? ang lakas
sumakay e " - Mike

" Sumakay saan ? " - Gusto kong umaray ng maramdaman ko ang kamay ni Al na dumiin
sa balikat ko . Ano nanaman bang ginawa ko ? . Pinilit ko nalang na maging maayos
ang sarili ko . Nakita ko si Arvie na nakatingin saken tapos tumingin din siya sa
kamay ni Al na nasa balikat ko tapos ibinalik muli niya saken na parang nagtatanong
kung okay lang ako . Ngumiti nalang ako bilang sagot at umiwas na ng tingin sa
kanya . Napansin niya siguro .

" Lakas sumakay sa trip nitong si Mike " nakahinga ako ng malalim ng mawala ang
diin na iyon sa balikat ko . Inalis na niya ang kamay niya doon at umalis sandali
para kumuha ng upuan . Pinaurong naman nito si Mike na nasa kanan ko at don umupo .

" Oh ? ano nanamang trip nitong si Mike at sinakyan ng asawa ko ? " - sabi nito at
inakbayan ako . Napasinghap ako ng patago ng mahawakan niya ang braso ko na may
pasa gawa dun sa kagabi . Namumuo na ang mga luha ko pero pinigilan ko . Please
luha wag kang tumulo .

" Trip ni Mike ? yang asawa mo . Inaakit kasi nitong babaerong ito , e sabi ba
naman nitong si Mike hindi naman at tinanong pa diyan kay Vera , humindi naman yang
asawa mo at nakisakay sa trip nitong si Mike " - Farncis

Napansin kong napatango si Al . Napahawak naman ako sa tela ng suot kong damit ng
maramdaman kong dumidiin ang pagkakahawak niya sa braso ko . Hindi ko na napigilan
ang sakit kaya napasinghap na ako sa sakit . Nakita kong tumingin silang apat saken
na may pagtataka .
" What happen Mrs Beautiful ? " - Mike

Lahat sila ay naghihintay ng isasagot ko , pati narin si Al na ngayon ay


magkasalubong na ang kilay na nakatingin saken . Agad na umiling ako " W-wala . O-
okay lang ako . Naapakan ko kasi yung paa ko sa suot kong sandals " - napapeke ako
ng tawa ng bigla nalang silang tumawa . Naalis narin ang pagkakasalubong ng kilay
ni Al .

Naramdaman kong niyakap ako ni Al sa bewang " Pagpasensyahan niyo na itong asawa ko
. Medyo may pagkaclumsy kasi siya " - mas lalong lumakas ang tawa nung dalawa .
Pero napalingon ako kay Arvie na seryoso ang pagkakatingin saken kaya umiwas nalang
ako . Wag niyang sabihin na pati pasa ko alam niya ? ano siya manghuhubad ng damit
gamit ang seryosong pagtitig ? katakot naman siya . Manyak !

Ayon ! Na OP na ako sa pinag-uusapan nila dahil about sa business na . Minsan sa


mga naging babae nila . Hindi ko nalang pinapansin kahit na pati si Fred ay may
sinasabing babae na nakasama niya nung isang gabi , pero wala naman daw nangyare sa
kanila . Hindi ko naman siya masisisi kung maghanap siya ng ibang babae e . Kasi
hindi pa kami mag-asawa non , babaero na si Al . Kaya why do you expect for him ?
na magiging stick to one siya kapag nagkaroon siya ng asawa ? ASANESS !

" Can I excuse ? " bulong ko kay Al

" Where are you going ? finding some boys ? no dito ka lang ! " pabulong na sabi
nito pero halata mong matigas ang pagkakasabi nito .

" Sa cr lang ako . Babalik din ako agad " nakahinga ako ng maluwang nung inilayo na
niya ang mukha niya saken at tumango ng pilit na nakangiti . Ngumiti nalang rin ako
. Nagpaalam ako sa mga kaibigan niya atsaka na ako tumungo kung saan ang powder
room ng Grand Hotel na ito .
*

Lalabas na sana ako ng cubicle ng may marinig akong nag-uusap kaya hindi muna ako
lumabas . Atsaka kaya hindi ako lumabas . Dahil ... Tungkol sa aming dalawa ni Al
ang pinag-uusapan nila .

" Nakita mo yung asawa ni Fred ? ang cheap noh ? probinsiyanang probinsyana ang
dating "

" Oo nga e . Di hamak na mas maganda pa tayong dalawa kesa sa asawa niya . Argh !
Pero di bale . Kahit ganun naman ay hindi naalis ang pagkababaero ni Fred . I slept
with him last last night e "

Napatakip ako sa bibig ko ng akmang mapapasinghap ako sa narinig ko . May tumulong


luha sa mga mata ko . Ano pa nga ba ang ine espek ko kapag isang babaero ito ? . Na
makikipaglandian lang siya ? . Naalala ko pa pala na mahilig rin sila sa kama .

" Really ? how lucky you are girl ! Ako kaya kailan ? ... Ano ba ginawa mo para
mapapayag mo ng ganun si Fred ? sabihin mo saken ng ma try ko "

Lumabas na ako ng marinig ko ang paglabas nilang dalawa sa CR . Inilapag ko ang


pouch ko sa sink at binuksan ang gripo . Hinayaan kong umagos iyon . Tumingin ako
sa salamin at kitang kita ko ang pagtulo ng mga luha ko .

Anong iniiyak-iyak mo Vera ? asawa ka lang niya sa papel . Hindi mo siya pag-aari .
Kaya wala kang karapatang iyakan ang narinig mo . WALA !

 --

Finished | Edited

=================
Kabanata Four

Kabanata Four 

[ Michaela's POV ]

        Napapasabunot nalang ako sa buhok ko habang paulit ulit na sinusubukan kong
kontakin ang cellphone ni Vera . Pero kanina pa ito out of reached . E hindi naman
iyon nagpapatay ng cellphone e .

" Na contact mo na ba Iha ? "

Inis na ibinaba ko ang cellphone ko at lumingon sa kinauupuan ng Nanay ni Vera


kasama ang Tatay nito .

" Hindi pa nga po e' , ilang beses ko na pong dinial ang number niya pero out of
reach parin po " nakita kong bumakas sa kanilang mag-asawa ang pag-aalala sa
kanilang anak . Kahit naman ako e . Pero think positive lang . Okay lang si Vera .
Okay lang siya ! " Pero wag na po kayong mag-alala kay Vera . Alam ko pong nasa
maayos naman po siyang kalagayan ngayon . O baka naman po kaya naka off ang
cellphone niya ay dahil baka may ginagawa siya " paliwanag ko sa kanila para kahit
paano mabawasan ang pag-aalala nila kay Vera . Pero sa totoo niyan kahit ako nag-
aalala na at nakakaramdam na ako ng takot . Hindi naman talaga kasi nagpapatay ng
cellphone yun e . Vera ... ano na bang nangyayare sa'yo diyan ?

__

[ Vera's POV ]

    Nasa veranda ako ngayon . Nakatingin sa napakalawak na paligid ng Mansion ng


mga Bautista . Kitang kita dito sa kinatatayuan ko , ang mga tao na nasa kani-
kanila ng trabaho . Sa manukan kitang kita ko dito si Mang Kanor na pinapakain ang
kanyang mga inaalagaang manok . Sa kulungan naman ng mga baboy , kitang kita ko
ring pinapakain na ni Aling sendra ang mga alaga niya habang si Toto naman ay
pinapaliguan ang mga ito . Kilala ko sila kahit hindi ko sila nakakausap . Kilala
ko sila dahil mga kababayan ko sila sa probinsya namen na kung saan doon nakatayo
ang pangalawang malawak na lupain ng mga Bautista .
   Yumuko ako at tinignan ang cellphone ko na naghiwalay sa apat na parte . Hindi
ko tuloy makontak si Inay atsaka si Itay . Na mi-miss ko na sila , lalo na ang
bestfriend ko na siyang katangi-tanging nakikinig saken at dumadamay sa hirap na
dinaranas ko dito . Tumulo ang luha ko ng hindi ko namalayan . Dala narin siguro
ito ng pagkamiss ko sa kanila .

" Vera ! "

Agad na pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at dahan-dahan kong hinarap si


Alfredo na nasa pintuan papasok ng Veranda . Nakita kong napatingin siya sa hawak
ko kaya mabilis ko iyong itinago at napayuko sa kanya . Pumikit ako , dahil alam
kong makakatanggap nanaman ako ng masasakit na salita sa kanya . Pero napaangat ako
ng tingin sa kanya dahil ... wala itong sinabi saken kahit na isa na masakit na
salita .

" Kakain na tayo ... Bumaba ka na " sabay alis nito . Sinundan ko lang ito ng
tingin na may pagtataka . S-si Alfredo ba yun ? b-bakit hindi niya ako
pinagsalitaan ng masama . Hindi ba't nakita niya ang cellphone na hawak ko ? .

Kahit naguguluhan ako ay pumasok narin ako sa loob . Bago bumaba ay ipinatong ko
ang cellphone ko sa itaas ng kabinet ko . Pagkababa ko , ay naabutan ko doon si
Alfredo na kumakain na ganun din ang pamilya niya .

" Good morning po Mamang , good Morning Ate Badeth " bati ko sa kanila bago umupo
sa tabi ni Alfredo

" Walang good sa morning kapag ikaw ang nakikita ko " tumayo ito ng parang
nagdadabog at inihagis ang kitchen towel sa plato nito " Wala na akong ganang
kumain " sabay alis nito at umakyat na ng hagdan . Ganun din ang ginawa ni Ate
Badeth pero bago siya tuluyang umalis ay nagsalita din ito .
" Nakakawala ka talaga ng gana noh ? mukha ka kasing basura " Yumuko nalang ako at
hindi nagsalita . Rinig ko ang naging paghakbang niya palayo .

" Eat " iniangatan ko ng tingin si Alfredo na ngayon ay matamang kumakain .


Nagkasalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka . Ano kaya ang nangyare kay
Alfredo at ganito siya ngayon ? nakakapanibago mga kinikilos niya ah ? . Atsaka ito
ang kauna-unahang sinabayan niya ako sa pagkain . Kasi kapag wala siya at maagang
umalis ako nalang mag-isa ang kumakain dito sa malaking lamesa nila . Gusto ko mang
paupuin yung mga kasambahay nila dito para saluhan ako , pero hindi raw pwede ,
sabi nung isa sakanila bawal daw iyon at baka kapag nakita sila ni Mamang ay
matanggalan pa sila ng trabaho *sigh*

 " Wala ka bang trabaho ngayon ? " tanong ko habang nagsisimulang magsandok ng
kanin at ulam ko . Napansin kong konti nalang ang kanin nito kaya sumandok ako ng
kanin at inilagay sa plato niya " Kanin pa oh ? " tinignan ko siya pero parang wala
lang sa kanya ang ginawa ko *sigh* kelan ka ba magbabago saken Al ? . Hindi ko
nalang rin ito pinansin pa at kumain nalang . Pero hindi rin nagtagal ay narinig ko
rin siyang nagsalita na ikinangiti ko . For the first time narinig ko rin sa kanya
ang katagang iyon . Kahit na  aanim lang na letra lang ito .

" Thanks "

**

Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti ko dahil sa salitang iyon . Inaamin ko kahit
na nahihirapan ako at ayoko ang naging trato nila saken dito . Hindi ko
maitatangging nagkagusto ako noon kay Alfredo . Sino ba naman ang hindi ? isang
Mayaman , makisig , gwapo , malaki ang pangangatawan , moreno , ang ganda ng mga
mata , ilong tapos ang pupula pa ng labi . Sinong hindi magkakagusto sa kanya hindi
ba ? .

Naghuhugas ako ngayon ng pinagkainan namen ngayon . Wag na kayong magtaka , gawain
ko narin ito simula nung makatungtong ako sa mansiong ito .

" Hi Mrs Beautiful ! "


 

Napatili ako at nahulog ko ang hawak kong pinggan na mabilis na nabasag nung
bumagsak ito sa sahig . Napatingin ako doon at lumakas ang kabog sa dibdib ko .
Patay ! Napalunok ako ng laway ng makarinig na ako ng hakbang na mga paa sa
hagdan .

" Mrs Beautiful , okay ka lang ba ? " unti-unti kong nilingon ang taong iyon . Si
Mike . Napatingin ako sa likod ni Mike , at nandoon naman si Mamang na masama ang
tingin saken na para bang pinapatay na ako gamit ng mga iyon . Nagbago lang ang
expression ng mukha nito ng tumingin sa kanya si Mike . Naging maamo na ang mukha
nito at nakangiting lumapit sa amen . " Tita Beauty " - Mike

" Iho " nagbeso silang dalawa . Napaigtad lang ako sa kinatatayuan ko ng sinenyasan
niya na akong linisin ang naging kalat ko at malilintikan daw ako sa kanya mamaya .
Mabilis akong yumuko at pinulot ang mga bubog .

" Mrs Beautiful ! "

" Aray ! " na mali ang pagkakahawak ko sa bubog dahil sa gulat . Bakit ba pag si
Mike ang tumatawag saken lagi akong nagugulat o tensyunado lang ako dahil nandito
si Mamang ? argh !

" Anong nangyare ? ... Vera anak , okay ka lang ba ? " - Mamang

Tumingin ako sa kanya at marahang tumango . Inalalayan naman ako ni Mike na maupo
sa stand stool at siya na ang naglinis ng mga bubog ng pingan . Ayan nanaman si
Mamang . Kapag may bisita ang dumarating , nagiging mabait siya saken at tinatawag
akong anak . Pero alam ko sa kaloob looban ko , alam kong nandidiri na siya ngayon
at gusto na niyang maduwal dahil sa pagtawag saken ng ganun .
" Anong nangyare dito ? " napaangat ako ng tingin sa nagsalita . Si Alfredo at ang
dalawa pa niyang kaibigan .

" Sorry Pre , ako yung may kasalanan . Naghuhugas kasi ng plato yung asawa mo
kanina , tapos binati ko . Hindi ko naman alam na magugulatin pala siya kaya
nahulog yung plato " paliwanag ni Mike . Tumingin saken si Al na para bang
ineekspeksiyunan ako . Agad na tinago ko ang kamay kong nasugatan ng nandoon ang
tingin niya .

" Are you okay Vera ? " tanong saken ni Al . Yumuko ako at tumango . Tinignan ko
ang kamay ko na patuloy ang pag dugo dahil sa malalim na natamong sugat nito .

" No She's not ... Anong sinasabi mong okay ka lang Vera ? hindi bat may su--- "
pinutol ko na ang sinasabi ni Mike

" H-hindi ... O-okay lang ako , maliit lang naman ito " pagsisinungaling ko .  Kesa
sa sabihin ko ang totoo . Alam ko naman na kapag sinabi ko na hindi . Madaragdagan
lang ang nagawa kong kasalanan kay Mamang Yhssa . Kaya mas mabuti nalang na hindi
ko nalang sabihin .

" Sigurado ka ba ? " - tumango ako sa naging tanong ni Mike

" Bakit ba kasi ang asawa mo ang gumagawa ng hugasin Fred ? wala ba kayong katulong
? " - Francis . Mabilis na tinignan ko ito at ako na ang sumagot . Nasabi ko iyon
dahil pumunta sa likuran ko si Mamang Yhssa at sinusundot ako sa likod gamit ang
hawak niyang pamaypay .

" A-ako ... nagpresinta ako na maghugas . S-sa probinsya kasi namen , ang mga asawa
ang gumagawa talaga ng hugasin sa bahay dahil wala kaming mga katulong " nakahinga
ako ng maluwang ng hindi ko na maramdaman ang pamaypay sa likuran ko .

" Pero wala ka sa probinsya niyo Vera , nasa mansion ka ng mga Bautista ... Ikaw
Fred masyado kang pabaya sa asawa mo . Bakit hindi mo man lang siya pinigilan ? " -
Francis

" Mapilit kasi si Vera , Iho " humawak ito sa magkabila kong balikat " Masipag
kasing bata si Vera sa probinsya nila , kinalakihan niya na ito kaya mahirap alisin
sa isang tulad niya ang ganun " napangiwi ako ng bigla na lamang may bumaon sa
balikat ko . Ang mga kuko ni Mamang " Walang kasalanan si Fred at hindi siya pabaya
sa kanyang asawa , Hindi ba Vera ? " nakayuko ito saken , kaya marahan nalang akong
tumango . Naramdaman ko namang muli ang pag-alis ng pagkakabaon ng mga kuko ni
Mamang kaya nakahinga ako ng maluwag .

" T-tama ang sinasabi ni Mamang , Francis ... Pinipigilan ako ni Alfredo na gawin
iyon pero mapilit ako . Hanggang sa sumuko siya dahil kahit anong pilit niyang
pigilan ako ay hindi ako sumusunod sa kanya " nakaramdam ako ng marahang pagtapik
sa balikat ko at nakita ko si Mamang na umalis na sa likuran ko .

" Ganun ba ? ... I'm sorry Pre sa pagsabing pabaya kang asawa " paghingi ng patawad
ni Francis kay Al na siyang tinanguhan lang nito . Nagfist to fist silang dalawa .

" Okay lang yun Pre "

**

Nasa Terrace ako ngayon sa hardin namen dahil patago akong naglilinis ng sugat ko .
Nasa sala kasi sila Al kasama ang mga kaibigan niya na nanunuod ng  basketball .
Napapangiwi nalang ako sa ginagawa kong paglilinis ng sugat ko . Pinapahiran ko
kasi ito ngayon ng alcohol para matanggal o maalis kung ano mang pumasok doon .
" Ouch ! " napapikit ako ng bigla na lamang itong kumirot at sa hapdi . Napamulat
ako bigla at nanlaki ang mga mata dahil may naramdaman akong humawak sa kamay ko .
Pag-angat ko ng tingin , ang seryosong mukha ni Arvie ang nakita ko . Anong
ginagawa niya dito ?

" Can I ? " tanong nito . Hindi ako sumagot bagkus ay nakatingin lang ako sa
kanya . Nawala ang seryoso niyang mukha at binigyan ako ng isang ngiti . Umupo siya
sa harapan ko at siya na ang nagtuloy sa paglilinis ng sugat ko . " Aray ! "
napatakip ako sa bibig ko at napatingin ulit sa kanya . Nakita ko siyang napatawa
kaya napanguso ako . " Tinatawa mo diyan ? "

" Para ka kasing bata " natatawang sabi nito na lalo kong ikinanguso .

" Bata pa naman ako ah ? " natawa ako ng bigla itong tumingin saken ng nakakunot
ang noo " Epic ka " natawa na lamang ako . Grabe ! Sa limang taon kong tumira dito
ngayon na lang ako nakatawa ng ganito . Yun bang wala kang inaalalang problema ? .
Natigil din agad ang pagtawa naming dalawa nung putulin niya ito gamit ng
pagsasalita niya ng seryoso .

" Bakit ka nagsinungaling ? " kumunot ang noo ko sa sinabi niya . " Saan ako
nagsinungaling ? " takang tanong ko kasabay ng pagyuko ko ng sagutin niya ito . "
Na hindi malalim ang pagkakasugat mo kanina ? , alam mo bang pwede mong kaubusan ng
dugo ang sugat mong ito ? "

" E para saken kasi mababaw lang iyan e , atsaka malayo pa yan sa bituka , anu ka
ba ... Bata palang ako nakakakuha na ako ng sugat na ganyan kaya parang wala lang
rin saken kung masugatan ako ulit " nakita kong tumango siya . Napatitig ako sa
kanya . Bakit ba pagdating yata sa lalaking ito ay magaan ang loob ko na sabihin
lahat at magkwento sa kanya ? .

" Pero hindi ka na bata , isa ka ng ina at asawa ngayon Vera . Kaya ingatan mo ang
sarili mo "
-

Finished | Edited

=================

Kabanata Five

Kabanata Five

Karga-karga ko ngayon si Jean habang naglalakad-lakad kami ngayon sa hardin ng


mansion . Ang bilis ng panahon . Mag dadalawang taon na nga si Jean sa susunod na
buwan . At natutuwa ako ... I mean kaming lahat , dahil nakakapagsalita na ng
maayos si Jean . Dalawang taon palang pero napakagaling niya ng magsalita . Biruin
niyo yon ? . Madaldal na bata siguro si Jean paglaki niya , at the same time
matalino , katulad ng ama niya .

" Mhie , what is that ? " tanong nito at tinuro ang mga sisiw

" Sisiw ang tawag diyan , sa english ay chick " napangiti ako nang tumango ito na
para bang naintindihan nito " Magtanong ka lang sa Mommy kung ano pa ang hindi mo
alam ang tawag ha ? " tumango ulit siya kaya mariin ko siyang hinalikan sa pisngi "
Ang talino talaga ng Anak ko "

" Siyempre mana sa Mamu " napalingon ako sa likuran namen ng may narinig akong
nagsalita . Nakita ko doon si Mamang Yhssa na nakasumbrero na pang boracay habang
naka shade pa ito at may hawak hawak na pamaypay . Hindi na ako magtataka kung
maagang ma stroke si Mamang . Ang init init na nga dito sa pilipinas ang init pa ng
suot . Makapagbalot naman ng katawan wagas .

" Mamu " tawag ni Jean kay Mamang at sumenyas ito saken na bababa siya para
puntahan ang lola niya . Ibinaba ko naman ito ng dahan-dahan " JEAN ! " napasigaw
ako ng biglang tumakbo si Jean .
" APO !! " tili ni Mamang ng makitang nadapa si Jean . Tumakbo ako patungo kay Jean
, hahawakan ko na sana siya ng biglang hawiin ni Mamang Yhssa ang kamay ko na
ikinatumba ko sa lupa . Rinig ko na ang paghikbi ni Jean . " Wala ka talagang
kwenta . Pag ang apo ko nasugatan malilintikan ka saking babae ka ! " sabi nito
habang kinukuha niya sa lupa ang anak ko . Tumayo ako para kunin sa kanya sana si
Jean pero lumayo ito saken habang pilit pinapatahan si Jean sa pag iyak .

" Mamang akin na po ang anak ko " pagmamakaawa ko . Pero parang wala itong narinig
dahil tinalikuran pa ako . Napaluha ako ng makita kong basa na ang pisngi ni Jean
dahil sa luha at sa kakaiyak nito . " Mamang akin na po si Jean " maiyak iyak kong
sabi at akmang hahawakan si Jean ng mapahinto ako nung magsalita ito .

" Wag mong hahawakan ang Apo ko " binawi ko ang kamay ko at pinagsalikop ko iyon "
Pabaya ka talagang Ina . Hinding hindi mo mahahawakan si Jean maghapon . Yan ang
parusa mo "

" Mamang wag naman pong ganyan , hindi ko po kayang--- "

" Hindi mo kayang makita ang anak mo ? lumang istilo na yan ng mga katulad mong
hampaslupa lamang sa mansiong ito . Sa ayaw at sa gusto mo , hinding hindi mo
mahahawakan o makikita man si Jean sa araw na ito . Naiintindihan mo ? "

" Mamang-- "

" Subukan mong labagin ang sinabi ko Hampaslupa . Hinding hindi mo na makikita si
Jean kahit kelan "

Napahinto ako sa sinabi niya at hinayaan nalang silang umalis sa harapan ko .


Napaupo nalang ako sa isang pinutol na kahoy malapit sa kinatatayuan ko habang
nakatingin kay Jean na nakahiga ang ulo sa dibdib ni Mamang na siyang papalayo sa
kinalulugaran ko .

Si Jean nalang ang tanging nakapagwawala ng sakit na dinaranas ko sa pamilya nila


pero bakit inlalayo pa nila saken ? . Ano bang ginawa ko para danasin ang lahat ng
ito ? . Naging mabait ako't lahat-lahat , pero bakit--

" Ayoko na ! Suko nako ! " sabi ko sa ilalim ng pagiyak ko . Napatakip ako sa mukha
ko at dun nalang humagulgol .

Hirap na hirap na'ko . Hindi ko na kaya . Pero paano si Jean ? paano ang anak ko
kung susuko ako ? . Gustong gusto ko mang sumuko pero paano nga naman si Jean kung
bibigay na ako ? . Argh !

Umayos ako ng upo at parang wala lang na pinunasan ko ang mga luha na pumatak sa
pisngi ko " Para sa'yo anak . Hinding hindi susuko si Mommy . Ikaw ang lakas ko at
ikaw ang dahilan kung bakit magtitiis ako sa kamay ng mga Bautista at sa Ama mo "

*PAK*

Napabaling ang mukha ko sa kaliwa ng bigla na lamang akong sampalin ni Ate Badeth
ng makapasok ako ng mansion . Napahawak ako doon at unti-unti siyang nilingunan .
Nanlaki ang mga mata ko dahil narin sa bigla niyang pagsampal saken . Ano nanaman
bang kasalanan ko ?

" Pabaya ka talagang ina ! Hindi ba't sabi ko alagaan mo si Jean ha ?! " napaungol
ako ng bigla na lamang ako nitong sabunutan " Wala ka talagang kwenta , dapat sa'yo
hindi nagkakaanak e , dahil pabaya ka "
" A--aray A-ate , ma-masakit "

" Talagang masasaktan ka saken hanggat hindi mo tinatanggal yang kapabayaan mo ! "
buong lakas ako nitong binitawan kaya bumagsak ako sa sahig . Tanging iyak nalang
ang nagawa ko . " Pasalamat ka at walang nakuhang galos si Jean , kung meron
man ... hindi lang yan ang matitikman mo saken ... Patikim palang yan sa kapabayaan
mo , kapag nangyare muli ito , hindi lang sabunot ang makukuha mo saken ... TANDAAN
MO YAN ! " hindi pa ito nakuntento at pinagduro-duro muna ako nito sa sintido bago
ako tuluyang nilayasan .

" I-i-i-insan "

Napahinto ako sa pag-iyak at nilingon ko ang nagsalita . Nanlaki ang mga mata ko ng
makita ko ang pinsan ko na nanlalaki ang mga mata na nakatayo mula sa bungad ng
pintuan ng kusina . Inayos ko ang sarili ko at mabilis na tumayo . Tumalikod ako sa
kanya upang punasan ang mukha ko . Pagkatapos ay nakangiting lumapit ako sa kanya .

" Insan Abigail " sabay yakap ko sa kanya . Mabilis ring nawala ang ngiti kong iyon
nang makayakap ako sa kanya . Gustong bumagsak ng mga luha ko , pero pinigilan ko
lang ... Mabilis na humiwalay na ako ng yakap ng akmang hindi ko na mapigilan ang
luha ko . " Anong ginagawa mo dito ? " tanong ko sa kanya ng may ngiti sa labi pero
nawala lang iyon ng makita kong hindi nagbago ang reaksiyon ng mukha niya " Insan
okay ka lang ba ? " hinawakan ko siya sa magkabilang balikat na siyang ikinaangat
niya ng tingin saken .

" I--insan ... Sinasaktan ka ng mga Bautista ? "

***

Nasa veranda ako ngayon ng aming kwarto . Nakaupo sa bakal na upuan habang may
hawak-hawak na isang ballpen at isang note book . Nagsusulat ako ng isang liham
upang ipadala sa pamilya ko , dahil nalaman ko sa pinsan ko na ... Nag-aalala na
sila saken dahil hindi raw nila ako makontak .
Ibibigay ko ito kay Abigail na siyang magbibigay sa mga magulang ko at
pinaalalahanan ko narin siya na wag niyang ipagsabi kahit kanino ang nakita
niya ... Kahit pa sa mga magulang ko ... Dahil kung kakalat pa iyon , ay lalo
lamang magagalit si Mamang saken at baka hindi ko makuha sa kanila si Jean .
Ayokong malayo sa anak ko , kaya kahit anong mangyare dapat walang makaalam sa
ginagawa nila saken dito .

Tumayo ako at tumungo sa kusina para ibigay iyon kay Abigail na siyang naging
kapalit na labandera ni Tiya Alily dito sa Mansion ng mga Bautista . Sinilip ko
muna ang paligid upang manigurado na walang makakakita sa gagawin ko . Lihim na
iniabot ko ang sulat kay Abigail na siyang agad namang tago nito sa kanyang bulsa .

" Abi ... " tumingin ito saken . Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay " Wag na
wag mo sanang ipagsabi ang nakikita mo dito ... Nagmamakaawa ako sa'yo , ayokong
mawalay sa anak ko ... sa pamangkin mo " pumatak ang luha ko sa mga mata ko .
Inalis ni Abigail ang pagkakahawak ko sa kamay niya at siya na mismo ang nagpunas
ng luha ko .

" Makakaasa ka Insan ... dahil ... para narin ito sa kapakanan ng pamangkin ko
at .. sa'yo " sabay hawak sa pisngi ko na ikinangiti ko " Alam ko kung bakit mo
tinitiis ang lahat ng ito Vera , pero ... hindi masamang lumaban . May karapatan ka
kay Jean dahil ikaw ang Ina niya , may karapatan kang lumaban ... dahil asawa ka ng
isa sa kanila ... Vera , tandaan mo ... Hindi panghabang buhay matitiis mo ang
lahat ... dahil habang tumatagal at lumilipas ang maraming panahon , alam kong
magsasawa karin at ikaw na mismo ang susuko ... Vera ... kung kailangan mo ng
tulong nandito lang kami para sumuporta sa'yo , ng anak mo dahil kapamilya mo
kami ... wag mong kakalimutan yan " yumakap ako sa kanya ng mahigpit at hindi ko na
mapigilan ang sarili ko na mapaluha . Nagpapasalamat ako kahit ngayon lang ay
nabawasan ang mabigat na dalahin ko , nabawasan ang problema ko .

" Aasahan ko yan Abigail ... at maraming salamat "

 --

Finished | Edited

=================

Kabanata Six
Kabanata Six

Nasa play ground kami ngayon ni Jean , kasama ang kaibigan ng ama niya na si Arvie
at Mike . Kasama ko naman si Arvie na nakaupo sa isa sa mga benches dito habang si
Mike naman ang kasamang naglalaro ni Jean sa slide .

Napatayo at lumakas ang kabog ng dibib ko ng makita kong hindi nasalo ni Mike si
Jean na siyang dahilan ng pagbagsak nito sa Lupa .

" JEAN ! " sigaw ko at akmang tatakbo na nang may biglang pumigil saken . " Bitawan
mo ako Arvie , baka nasaktan si Jean baka nasugatan siya " kumunot ang noo ko ng
umiling ito

" Okay lang sa bata ang masaktan at masugatan Vera , na sa tuwing nangyayare sa
kanila iyon ay doon sila natututong tumayo sa kanilang mga sarili . Hindi mo
kailangan mag-alala ... Tignan mo si Jean " lumingon naman ako sa anak ko na ngayon
ay patuloy lang sa paglalaro " Hindi siya umiyak hindi ba ? ang ibig sabihin lang
non , ay hindi siya nasaktan o nasugatan man lang ... kaya uminahon ka okay ? " -
Arvie

Napatango nalang ako . Masyado lang siguro akong paranoid na kapag may nangyareng
masama kay Jean ay hindi ko na ito makikita pa kahit kailan . Hindi ko lang kasi
kaya talaga na mawalay saken ang anak ko . Ikakamatay ko kapag nangyare iyon at
hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko .

" Binabantaan ka ba nila Vera ? " wala sa oras na napalingon ako sa katabi ko na
ngayon ay nakatingin lang kila Mike . Kumunot ang noo ko , paano niya nalaman ? "
Hindi ka naman kasi magkakaganyan kung hindi ... Dahil sa pagkakaalam ko , ang mga
tulad mong probinsyana , ang mga anak nila ay hinayaan na gumapang sa buhangin
maglaro mag-isa sa labas na kahit hindi bantayan na kahit alam nilang masasaktan
ito ay okay lang sa kanila dahil parte iyon ng kabataan nila " napayuko ako .
Naalala ko kasi ang anak ng pinsan ko na si Elizabeth na dalawang taong gulang
palang nung umalis ako sa probinsya ay hinahayaan ng makipaglaro sa mga ibang bata
sa labas , na walang bahid ng takot na hayaan ang kanilang anak na mag-isa at
makipaglaro sa iba " Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa buhay niyo pero
... hindi ko na kasi kayang manahimik pa . Kaya wag na wag mong kakalimutan Vera na
kapag kailangan mo ng tulong ay handa akong tulungan ka "
Tingin mo sa kanya ay tahimik na tao pero once na nakita niya na ang lahat ay handa
niya ng sabihin sayo lahat ang nalalaman niya . Hindi ko alam pero ... kahit ganun
ay napaka buti niyang tao .

" Maraming salamat Arvie , tatandaan ko yan " pinunasan ko ang luha na pumatak sa
pisngi ko ng hindi ko namalayan " Ang daldal mo pala noh ? akala ko tahimik ka "
natatawang sabi ko . Tinignan ko ito ng hindi na ito sumagot . Nakatingin lang din
ito saken at isang kibit balikat nalang ang isinagot nito " Adik ! " sabay hampas
ko ng mahina sa braso niya , nakita ko siyang napangisi kaya umiling nalang ako .

" Mrs Beautiful , here comes the Darna " -

" No ! Im a Princess Darna Uncle "

" Okay ! Okay ! Again ! Here comes the Princess Darna Uncle"

" Uncle "

" Hahahaha , I'm sorry Baby Jean "

Napailing nalang ako sa dalawa . Buti naman at nagkakasundo ang dalawang ito .
Buhat-buhat kasi ni Mike si Jean habang nakataas ang dalawang kamay at yun nga
ginagaya niya daw si Darna . Batang ito talaga .

***
Napatingin ako sa pintuan ng unti-unti itong bumubukas . Nang makita ko si Alfredo
ito ay tumayo ako para kunin ang gamit niya . Inilagay ko iyon sa couch at sunod ko
namang tinanggal at kinuha ang coat nito at isinabit sa sabitan na nasa likod ng
pintuan .

" Kumaen ka na Al ? " imbis na sagutin ako ay tumungo lang ito ng banyo kaya
napagdesisyunan ko nalang sa sarili ko na lumabas upang kumuha ng makakain niya .
Pagkabalik ko ay nakita ko na itong nakahiga na sa kama namen . Napabuntong hininga
ako at inilagay nalang sa side table nito ang kinuha kong pagkaen na niluto ko pa
dahil wala ng tirang ulam na niluto kanina . Nainip at nakatulog na siguro siya
kaya hindi na niya ako nahintay .

Pinulot ko ang medyas na nakakalat sa sahig at inilagay sa tamang lalagyan ang


sapatos nito maging ang kanyang suit case ay inilagay ko sa itaas ng kanyang lamesa
. Tumungo ako ng banyo para kunin ang marumi niyang uniform para ilagay sa hamper .
Pagkatapos non ay tumambay muna ako sa veranda dahil hindi pa ako makatulog . Si
Jean ay maagang na tulog dahilan narin siguro sa pagod siya sa paglalaro nila ni
Mike .

Napapikit ako ng biglang humangin ng malakas . Ang sarap ng hangin lalo na't
malamig ito . Hindi na ako magtataka kung malamig na ngayon dahil Bermonth na .
Bago ako umupo ay may kinuha muna ako sa bulsa ko . Isa iyong larawan na kung saan
nandon kaming apat ng pamilya ko . Si Inay , Itay at ang aking kapatid na si Vernon
.

Hinalikan ko iyon pagkatapos ay niyakap ko ng mahigpit habang nakapikit " Miss na


miss ko na kayong lahat ... gustong gusto ko na kayong makita Inay , Itay ,
Vernon ... Mahal na mahal ko kayo " tumulo ang luha ko dahil hindi ko na napigilan
ang emosiyon ko . Pitong taon na akong nawalay sa kanila at hanggang ngayon hindi
ko parin sila nakakasama o nakikita man lang . Gustong gusto ko na silang mayakap ,
mahalikan at makasama .

Napapunas ako ng mabilis ng luha ko ng may narinig ako . Pagkalingon ko sa likuran


ko ay wala namang tao . Tumayo ako para tignan kung may tao o baka gising lang si
Al . Pero napabuntong ako ng malalim ng makita ko itong mahimbing nang natutulog sa
kanyang higaan . Inaantok na siguro ako kaya kung ano-ano ng tunog ang naririnig ko
.

Tumungo na ako sa higaan , itinago ko muna ang larawan namen sa ilalim ng unan ko
bago pumikit at mabilis nang nakatulog .

**

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko . Mabilis na


bumangon ako dahil ipanghahanda ko pa ng makakain ang asawa ko . Napahinto ako sa
paglalakad ng may nakita na akong mga pagkain doon . Inilibot ko ang paningin ko sa
paligid ngunit tanging isang kasambahay lang ang nakita ko doon  . Gusto ko mang
tanungin kung sino ang gumawa nito , pero baka hindi lang rin ako nito sagutin
dahil bawal nga iyon .

Bumuntong hininga nalang ulit ako at bumalik sa aming kwarto . Pagpasok ko ay hindi
ko na nakita si Al sa kanyang higaan . Naglakad ako patungo sa banyo at doon ko
nalamang naliligo na ito dahil sa lakas ng pag-agos ng tubig na nanggagaling sa
shower .

" Ipanghahanda na ba kita ng makakain Al ? " tanong ko ng binuksan ko ang banyo at


ipinasok ng kaunti ang ulo ko .

" No thanks . I ate already "

" Okay ... Ihahanda ko nalang ang mga isusuot mo " isinarado ko ang pintuan at
tumungo na sa kanyang closet upang ilabas ang mga gagamitin niyang damit .
Napakunot ako ng noo ko ng may nakita akong isang plastik doon na nasa sulok . Ano
kaya iyon ? . Hahawakan ko na sana iyon ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng
banyo kaya mabilis na isinarado ko na ang closet nito at lumapit sa kanya .
Ibinigay ko na sa kanya ang kanyang mga isusuot na agad naman niyang isinuot.

" I'm going " paalam nito tsaka lumapit sa natutulog pang si Jean na nasa crib .
Hinihintay ko siyang lumapit saken para ako naman ang halikan niya ngunit wala .
Kaya ako na mismo ang pumunta sa kinatatayuan niya at binigyan siya ng magaan na
halik sa pisngi .

" Mag-iingat ka " nakangiti kong sabi . Kinuha nito ang kanyang suit case at
lumabas na ng kwarto . Magsisimula na sana akong maglinis ng kwarto ng may naalala
ako na nakita ko kanina sa closet ni Alfredo . Sumilip ako sa labas ng kwarto at
nakita kong walang tao doon kaya dahan-dahan kong isinara ang pintuan . Tumungo ako
sa closet at kinuha ang nakaputing plastik na nasa gilid ng mga damit ni Al .
Kumunot ang noo ko ng makita kong , isang uri iyon ng model ng cellphone . 0+ ang
tatak nito . " Kanino kaya ito ? e meron namang cellphone si Al , ang ganda pa nga
e . Siguro ipangreregalo niya ... baka ? " kaya minabuti ko nalang itong ibalik ng
maayos sa pinagkuhaan ko at isinara na ang closet " Sino kaya ang may birthday ?
hirap ng walang alam ... "
--

Finished | Edited

=================

Kabanata Seven

Kabanata Seven

Abigail's POV

Pasilip-silip ako ngayon sa loob ng Laundry Room ng mga Bautista . Para tignan at
kompirmahin na walang bakulaw sa loob . Nakahinga ako ng maluwag nang walang
bakulaw na nahagip ang mga mata ko .

" Sinong sinisilip mo ? "

" Ay bakulaw na Mike ! " sigaw ko dahil sa sobrang gulat ko ng may bigla na lamang
may nagsalita sa likuran ko . Nagkasalubong ang kilay ko ng makita ko ang bakulaw
na gustong gusto ko ng iwasan sa tuwing maglalaba ako dito sa mansiong ito . Bakit
ba laging nandito ito sa tuwing Laundry Day ko ? dito ba nakatira ang bakulaw na
ito ?

" Uyyyyy! ako ang hinahanap ni My Heart , ikaw ha ? may lihim ka na palang
pagtingin saken ha ? " at siniko siko pa ako nito habang inasabi niya iyon .

-_- Close lang e noh ?

" In your Dreams , Bakulaw ! " sabay pasok ko sa loob . Kainis na bakulaw yun !
Hindi na ako tinigilan simula nung magkabungguan kami sa likod ng mansion na kung
saan ako nagsasampay ! Tapos ... tinatawag pa akong My Heart ? tae ka maisan niya
ha ? Aish !
" Yes My Heart , lagi ka na ngang nasa panaginip ko e isama mo na pati sa isip ko "

Kikiligin na ba ako ? pero tae lang ang mais eh -_- " Lumayas ka nga ditong bakulaw
ka kung wala ka namang gagawin ! Iniistorbo mo ang isang tulad ko na may trabahong
kailangan tapusin ... Ikaw , wala ka bang trabaho ha ? " inis na sabi ko habang
inihiwalay ko na ang puti sa dekolor na damit .

" Meron , p---- "

Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil alam kong hahaba nanaman iyon " Meron naman
pala kaya umalis ka na dito at ako'y magsisimula na sa paglalaba "

" Bakit ? hindi ka ba makakapagsimula ng nandito ako ? "

" Hindi "

" Bakit ? naaakit ka ba sa kagwapuhan ko ? "

Tinigil ko ang ginagawa ko at tumingin ako sa kanya na nanlilisik ang mga mata . "
Ang hangin mo Bakulaw , ikaw gwapo ? asssaness . Nauumay kasi ako sa pagmumukha mo
kaya hindi ako makapagtrabaho . Umalis ka na nga dito ! " pananaboy ko sa kanya at
sinimulan muli ang ginagawa ko . Taeng lalaking ito , ang hangin . Sarap lang
ipaanod sa ilog .

" Ayoko " tinigil kong muli ang ginagawa ko at nagpameywang na hinarap na siya .
Tinaasan ko ito ng kilay at sinamaan ng tingin pero parang wala itong nakita at
umupo lang sa taas ng lababo at nagdikwatro .

" Bakit ba kasi ayaw mong umalis dito ha ? ano bang kailangan mo ? at bakit ang
kulit ng lahi mo ? " asar na sabi ko na para bang gusto ko ng magwala sa
kinatatayuan ko . Grabe nakakapanibago ako ngayon , hindi naman ako ganito e .

" Ayokong umalis dito dahil ... wala lang , anong kailangan ko ? wala naman ... at
bakit ang kulit ng lahi ko ? dahil gwapo ako yun lang " napairap ako dahil sa
sinagot niya . Anong konek ng pagkahangin niya sa huli kong tanong ? Aish .
Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa ginagawa ko at hinayaan ko nalang siya
doon . Kahit ano sigurong gawin kong pagpapaalis ko sa kanya dito ay hindi ito
aalis .

Nilagyan ko na ng tubig ang malaking batsa at nilagyan ko na ng powder Pagkatapos


ay inilagay ko na ang mapuputing damit . Kinuha ko ang brush at sabon at nagsimula
na ako sa pagkukusot ng mga damit .

" My Heart may tanong ako "

Napairap ako sa kawalan bago ako nagsalita " Ano ? pagnasagot ko ba ang tanong mo
na yan aalis ka na rito ? "

" Hindi " napailing nalang ako " Yung tanong ko ay ... Bakit inihiwalay ang puti sa
may kulay na damit ? e pareho naman silang damit hindi ba ? bakit kailangan pang
ipaghiwalay "

" Yan ang hirap sa inyong mayayaman e , wala kayong mga alam " padabog kong
binitawan sa may tabla ang sabon na bareta .

" Ouch ! Sakit mo namang magsalita My Heart ... may alam naman kami pero hindi sa
mga ganyang bagay "

" Yun na nga e , mayayaman nga kasi kayo "

" Ay basta ! Sagutin mo nalang yung tanong ko , malay mo pag naging mag asawa tayo
at buntis ka at hindi ka na maaring maglaba ay ako na ang gagawa non , para alam ko
"

Napangiwi ako sa sinabi niya .Kinuha ko ang zonrox na nasa tabi ko at ibinato sa
kanya iyon na nailagan nanaman nito " Asa ka ! Kahit kailan hindi magiging tayo o
magiging mag-asawa man lang ... ASSANESS BAKULAW ! ASSANESS ! " Argh ! nasa
paglalaba lang ang pinag-uusapan namen bakit napunto siya dun sa tapik na pag-
aasawa ? . Grabeng lalaking ito . Ang sarap talagang ihagis sa ilog .

" O bakit masyado kang affected sa sinabi ko ? malay nga lang hindi ba ? .... O
sagutin mo na yung tanong ko dali "

Bumuntong hininga muna ako at pinakakalma ang sarili . " Hindi kasi pwede dahil
baka makulayan ang puting damit ng isang dekolor na damit parang kamatis lang yan ,
na kailangan ihiwalay ang mga sira sa hindi sira dahil magkakahawaan ang mga
ito ... O yan nasagot ko na , manahimik ka na diyan " napailing nalang ako . Ilang
beses na ba akong napabuntong hininga at napailing sa lalaking ito ? Lahi ba talaga
nila ang makukulit o sadyang siya lang ? aiyts !

" Meron pa akong tanong , ito naman hindi pa ako tapos e " hindi ko nalang siya
sinagot " Nakakangalay ba ang pagkukusot ? pati na ang pag bra-brush ? "

" Minsan , pero kung sanay kana sa gawain na ito hindi mo na mararamdaman ang
pangangalay na iyon "
" Ilang taon ka na ba sa paglalabada dito sa mansion ng mga Bautista ? "

" Wala pang taon , weeks palang . Alam mo ba nung nagkabungguan tayo ? --- "

" Oo , yun yung una nating pagkikita "

" *irap* yun ! kakasimula ko palang nun sa paglalaba dito na mag-isa "

" Eh ? hindi ba't pangalawa mo palang na balik dito niyan ? edi dapat hindi kapa
sanay dahil pangalawang beses mo palang na maglalaba dito "

" Mali ka , maraming beses na akong nakapunta dito dahil kapag wala akong pasok ay
sinasamahan ko ang Nanay ko na maglaba dito , sa bahay din ganito ang ginagawa ko
kapag weekend "

" Ang sipag mo naman "

" Tamad ka kasi "napangisi ako dahil alam ko sa sarili ko na mapapanguso iyan .
Ikaw ba naman ang sabihan ng tamad . tss! Nagulat nalang ako ng makita ko siyang
umupo sa tapat ng kinauupuan ko at inilublob niya ang kanyang mga kamay sa batsa "
Oy anong ginagawa mo ? umalis ka nga diyan " pero parang wala itong narinig .
Nakita ko nalang siya na may hawak na isang damit , nakakunot ang noo nito na
nakatingin doon na para bang hindi alam kung ano ang gagawin . Napangiti ako ng
napapailing . " Hindi mo alam ang gagawin noh ? " tanong ko sa kanya na ikinailing
niya ng hindi man lang tumitingin saken . " Ganito lang yan ... sandali " tumayo
ako at kumuha ako ng isang may kaliitan na batsa , kumuha rin ako ng tabla at isang
pisnet . Ibinigay ko sa kanya lahat iyon " Lagyan mo ng tubig yung batsa " sinunod
naman niya ito ng matapos siya ay binigyan ko siya ng polbos na ilalagay doon .
Kumuha ako ng tatlong piraso ng damit sa nilalabhan ko at inilagay ko sa batsa niya
. " Gayahin mo ako okay ? " tumango ito .

Tinuro ko lahat kung paano ang gagawin , mukhang nakukuha niya naman lahat . Bakit
ba naging interesado ang isang mayaman na taong ito sa bagay na hindi naman niya
magagawa buong buhay niya ? . Mayaman sila kaya hindi na nila kailangan pang
magpakahirap na labhan ang mga damit nila dahil pwede naman silang kumuha ng
labandera atsaka nalang nila babayaran .

" Ansakit naman sa kamay " reklamo nito na ikinatawa ko . As in tawa  , dahil
iniikot pa nito ang braso niya na halatang halata na nangangalay  na iyon atsaka
isa palang kaya yung nakukusot niya .

" Ganyan talaga sa una , masasanay karin "

****

Alfredo's POV

Alas diyes na ng gabi kaya nasa isang bar kami ngayon ng mga kaibigan ko . Pauwi na
sana ako kaso nag-aya itong si Francis , i dont know why pero parang may mabigat
itong problema . No Girls siyempre , may problema na nga yung tao mambababae pa ba
kami ? .

" Para kang binagsakan ng langit at bundok Frank , hindi ka naman ganyan kahapon ah
? " - Mike

" Hindi ba dapat Lupa iyon at hindi bundok ? " kunot noong sabi ko kasabay ng pag-
inom ko ng natitirang alak sa baso ko .

" Walang pakialaman Fred , luma na ang linya na iyon kaya pinalitan ko " napailing
nalang ako at ganun din ang nakita ko kay Arvie na ngayon ay tahimik lang na
umiinom sa tabi ni Frank .

" Badtrip mga Dude , parang susunod pa yata ako sa yapak ni Fred e "

" Bakit Dude ? nagkaroon ka ba ng anak gaya ni Fred ? "

" Gagu hindi ! I mean , gaya ng kay Fred ... Ikakasal din ako sa taong hindi ko
gusto "

" That's Life " - Arvie

Yumuko nalang ako at bumalik nanaman ang nakaraan saken . Hindi ko man gustong
maikasal noon , wala naman akong magawa at hindi ako makatanggi dahil kapag
tumanggi ako ... sa kalsada ang bagsak ko dahil tatanggalan ako ng mana ni Papang
at papalayasin pa ako sa bahay . Kaya kahit mabigat sa loob ko ay nagpakasal ako sa
taong hindi ko gusto at iyon ay si Vera .

" Woah ! Woah ! Ikaw ? ikaw ? Ikakasal ? WOW ! Bago yun ah ? " - Mike

" Tangina mo Dude , wag ka ngang gago ' hindi oras ng pagbibiruan ngayon kaya
manahimik ka diyan . Hindi ka nakakatulong e " inis na sabi ni Frank at tinungga ng
diretso ang punong puno niyang alak na nasa baso . Halatang halata mo nga sa kanya
ang pagka frustrate dahil nangyare sa kanya ang nangyare saken . Ganyan din ako
nung una , nag inom-inom hanggang sa malasing .

" Who's that Lucky Girl Frank ?... pft~ parang kamakailan lang si Fred ang tinanong
ko ng tanong na ito ah ? " - Arvie
" It's almost 7 years past ng mangyare ito saken "

" Pagkatapos pag lipas nanaman ng 7 years ay si Mike na ang susunod na ipapakasal
sa hindi niya gusto , pagkatapos ni Mike si Arvie naman ... Tae ! Para tayong mga
sinumpa na sa bawat lilipas ang pitong taon ay maipapakasal tayo sa babaeng hindi
naman naten gusto " - Frank

" Gwapo kasi tayo Dude " - Mike

" Anong konek ? " kaming tatlo

" Basta konek niyo mga gago ! ... Pero kung ganun nga ang mangyayare na bawat
lilipas ang pitong taon ay ipapakasal ang isa sa aten sa babaeng hindi naten
gusto ... Aba ilang taon na si Arvie nun ? "

Napaisip naman kaming lahat sa naging tanong ni Mike . Ilan taon na nga ba kung
ganun ang mangyayare samen ngayon ? . 27 na ako ngayon , pag si Mike na ang
tinamaan ng sinasabing sumpa nitong si Frank ay 34  at 41 naman si Arvie .

" Makakabuo kapa kaya nun Dude ? 41 ka na ang tanda muna nun "

" Ewww ! Gurang kana pala nun Dude ? yuck ! " - Mike
" Maka yuck , bakla ka ba Dude ? " mabilis pa sa alas kwatro na tumanggi si Mike sa
sinabi ni Frank .

" No I'm not ! Sa gwapo kong ito ? " sabay tayo at nagpost post pa sa harapan namen
na akala mo modelo ng kulungan ng baboy " Bakla ? tss asa dude "

" Ewan sa'yo Mike ! Humanap ka nga ng kausap mo ... Heto piso , bili ka kausap mo "
inabutan naman ni Frank ng piso si Mike na sinaktuhang naman nakapalad ito .

" Sige mamaya " sabay bulsa ng piso " Hahanap ako " sabay upo at uminom ng alak .
Napailing nalang kaming tatlo sa inasta ni Mike . Parang hindi bente syete anyos
kung umasta ito .

" Mabalik tayo Dude , sino nga pala ang babaeng ipapasakal sa'yo ? " pagbabalik ko
ng pinag-uusapan namen . Naaalala ko na naging ganito rin ang pag-uusap namen
tungkol sa taong ikakasal saken noon . May halo ding kalokohan ni Mike -_- .

" Jazmine Blancaflor , isang babaeng tagapagmana ng mga Blancaflor na siyang


nagmamay-ari ng malaking kumpanya dito sa Manila ... noon "

Napanganga kaming dalawa ni Arvie .

" Jazmine Blancaflor ? ang ex ni Mike ? si Blanche ? " hindi makapaniwalang tanong
ko . Grabe ang liit talaga ng mundo para magkita pa ang dalawang ito . Pero yun nga
lang , kay Frank na siya at hindi na kay Mike .
" Sinong Jazmine Blancaflor mga Dude ? at Ex ko ? wtf! Kelan pa'ko nagseryoso sa
babae ? "  - Mike

Napatingin ako sa dalawa na ngayon ay nakatingin din pala saken . Meron silang
sinasabi saken gamit ang mga mata nila na ' Do something ' . Nagkaamnesia kasi noon
si Mike gawa nung pagkaka aksidente niya noong nag break sila ni Blanche kaya hindi
niya na ito kilala .

" W-wala dude , nagkamali lang ako ng nabanggit na pangalan . Si Arvie pala ang may
Ex dun " nakahinga ako ng maluwag ng tumango-tango nalang ito . Wala ng nagsalita
pa sa aming tatlo pagkatapos non . Para narin siguro kay Mike ang ginagawa namen .
Ayoko man itong aminin pero , nag-aalala kaming lahat sa mangyayare kapag nakaalala
na si Mike , pero parang mas ko-komplikado ang lahat dahil magiging asawa na ito ni
Frank ? .

Wth!

--

Finished | Edited

=================

Kabanata Eight

Kabanata Eight

Vera's POV

      Nasa Veranda ako ngayon at nakaupo habang nakatingala sa langit . Andaming
bituin . Napakaliwanag ng gabi dahil sa napakabilog at maliwanag na buwan . Ang
sarap sigurong pagmasdan nito kasama sina Inay at Itay .

Napayuko ako at napatingin sa hawak kong litrato " Nay , ang ganda po ng kalangitan
noh ? ang saya po siguro kung kasama ko kayo ngayon na pinagmamasdan ito "
tumingala akong muli sa kalangitan . Napasinghap ako at biglang pumikit upang
humiling dahil sa nakitang kong shooting star . Ang wish ko ?

' San makasama ko na ang mga magulang ko at kapatid ko '

" Miss na miss ko na kayong lahat " bulong ko sa hangin . Napatayo ako sa
kinauupuan ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan . Nakita ko doon si Al na
nakasandal sa pintuan . Bakit ngayon lang kaya siya ? alas dose na ng umaga e . "
Bakit ngayon ka lang Al ? " tanong ko habang papalapit ako sa kanya . Hindi ko
maaninag ang mukha nito dahil nakapatay ang ilaw sa loob atsaka bakit hindi siya
umaalis sa kinatatayuan niya ? . Binuksan ko ang ilaw at laking gulat ko nalang ng
makita ang itsura ni Alfredo . Gulo-gulo ang buhok , hindi maayos ang damit at
mukhang basang basa pa ito . Saan kaya ito galing ? at ... lasing na lasing .

" O ano ? masaya kana na makita ako na nagkakaganito ng dahil sa'yo ? pitong taon
na ang nakakaraan simula nung makulong ako sa isang relasyon na hindi naman dapat "
putol-putol nitong sabi pero tama lang na maintindihan ko iyon ng malinaw . "
Pitong taon na nagtiis na hindi mangbabae dahil sa putanginang kasal na hindi naman
dapat naganap ! " sigaw nito

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang huli niyang mga sinabi . "
Fred ano bang --- "

" Isa kang malas saming magkakaibigan , dahil ... ng dahil sa'yo pati mga kaibigan
ko minamalas na dahil sa pagdating mo . Wala kang kwenta ! " napaluha na ako dahil
sa sinabi niya . " Puro nalang kamalasan ang dinala mo sa buhay ko , wala ng
magandang nangyare kundi masama ! "

Napatakip ako sa tenga ko at napapikit " Oo na ! Kasalanan ko na ! Ako na ang malas


! Pero hindi ko naman ginusto na mangyare ito , hindi ! ... Kung kaya ko lang
ibalik ang oras at nakaraan para ibahin ang nangyare noon , edi sana ginawa ko na .
Kung may kakayahan lang sana ako na ibalik ang lahat kahit na ikamatay ko pa
gagawin ko ... Pero hindi e , hindi pwede dahil wala akong kapangyarihan na gawin
iyon ... hindi ako diyos para gawin iyon ... hindi ako diyos hindi ... " napaupo
ako sa sahig at doon na naghahagulgol ng iyak . Kung kaya ko lang talaga sanang
ibalik ang nakaraan ay gagawin ko , dahil mas gusto ko pang mamatay nalang kesa sa
mabuhay sa impyernong mansion na ito . Sana namatay nalang pala ako ... sana naman
nalang ako para hindi ko na naranasan ang buhay na ito .

Tumayo ako at tumakbo patungo sa Veranda . Pumunta ako sa sulok at doon umupo at
ipinagpatuloy ang pag-iyak ko . " Sorry Al , hindi ko sinasadyang sirain ang buhay
mo ... I'm sorry " paulit ulit na sinasabi ko habang nakayuko sa mga tuhod ko .
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na ganun ang posisyon ko .

Nagising ako sa ingay ng mga manok na masayang nagtititilaok . Nagtaka ako ng may
mahawakan akong bagay na nakabalot saken . Ang kumot ko , pero panoong--- .
Napangiti nalang ako ng may biglang pumasok sa isip ko , dahil isa lamang ang
pwedeng gumawa nito kundi siya lang ... Inaamin kong nasaktan ako sa mga sinabi
niya saken kagabi na kahit lasing siya alam kong nagsasabi siya ng totoo , ng
saloobin niya . Dahil ang mga lasing raw ay hindi marunong magsinungaling . Pero
ako naman ang dahilan kung bakit siya nagkaganon kagabi . Tama siya , ako naman
kasi ang dahilan kung bakit naging miserable na ang buhay niya , ako ang dahilan
kung bakit hindi na niya magawa ang dati niyang ginagawa  noon . It's all my
fault , all this years ako ang puno't dulo ng lahat ng mga nangyayareng hindi
maganda sa kanya .

Tumayo ako at pumasok sa loob . Naratingan ko doon si Jean at Al na mahimbing parin


sa pagtulog . Lumapit ako sa crib ni Jean at binigyan ng magaan na halik " Morning
baby " mahina kong bati at hinaplos ko ang buhok nito paitaas . Umalis na ako doon
at si Al naman ang pinuntahan ko . Itinaas ko ang kumot nito pagkatapos ay
hinalikan ko ito sa noo " Im sorry Al , nang dahil saken naging  miserable ang
buhay mo ... I'm sorry " bulong ko sa kanya . Tinitigan ko ang mukha nito , napaka
gwapo talaga ng asawa ko . Pagkatapos non ay lumabas na ako ng kwarto at tumungo ng
kusina upang maghain na ng pagkain .

" Good Morning , breakfast is served " bati ko sa dalawang taong mahalaga sa buhay
ko kahit hindi ako mahalaga sa isa sakanila .

" Good Morning too Mhie " lumapit ako kay Al at kinuha sa kanya si Jean na agad
namang sumama saken .
" Anong gustong kainin ng anak ko ha ? " sabay halik ko sa kanyang pisngi . Umupo
ako sa tabi ni Al habang kandong kandong ko si Jean .

" I want Egg Mhie " tumango ako , maglalagay na sana ako sa plato namen ng biglang
pigilan ako ni Al at siya na ang naglagay ng itlog sa aming plato " Say thank you
to Daddy " utos ko kay Jean na agad naman niyang sinunod .

" Thank you Daddy " inabot pa nito ang ulo ng kanyang ama upang bigyan ito ng isang
halik sa pisngi . " You're welcome Baby , it's my pleasure to do that beacause im
your father okay ? "  tumango naman si Jean kasabay ng paggulo ng buhok ni Al
dito . Napangiti nalang ako . Masaya na ako na makita ang mag-ama ko na ganito .
Pero mas masaya sana kung tanggap ako ni Al bilang asawa niya . " Mhie " bumalik
ang tingin ko kay Jean ng bigla nitong hawakan ang kamay ko , nakita ko itong
itinuturo nito ang itlog na nasa plato at sumesenyas na gusto niya ng kumain " Okay
baby "

Pagkatapos namen mag-almusal ay tumungo kami sa main terrace ng mansion dahil


nandoon sina Mamang at Ate Badeth .Walang pasok ngayon si Al dahil lingo ngayon .
Nakaupo silang apat sa bakal na upuan habang ako naman ay nakatayo hindi kalayuan
sa kanila habang pinagmamasdan silang apat . Pinag-uusapan nila ngayon ang darating
na kaarawan ni Jean sa susunod na buwan .

" Anong gusto ng maganda kong apo sa darating na kaarawan mo ? hmmp ? " tanong ni
Mamang kay Jean na nasa hita niya nakaupo .

" I want Jollibee Mamu " masayang sabi ni Jean habang itinataas pa nito ang dalawa
niyang kamay . Naalala ko nanaman ang unang beses na lumabas kami ni Jean kasama
ang ama niya sa mall . Akala ko noon kung napano na siya dahil pilit siyang
nagpapababa sa pagkakakarga ko ngayon pala gusto lang niyang puntahan si Jollibee
na nadaanan lang namen .

" Your still not forgeting Jollibee ha ? " nakangiting sabi ni Al . Napakagandang
pagmasdan ni Al kapag nakangiti siya sa harapan ng pamilya niya . Ako kaya , kailan
ko siya mapapangiti si Al na ako ang dahilan ? . *sigh*
" Yes Daddy , he's so chubby but still cute " tumawa silang tatlo dahil sa sinabi
ni Jean .

" Okay Baby , si Tita na ang bahala sa birthday party mo at hinding hindi doon
mawawala si ... JOLLIBEE !! " - Ate Badeth

" Yehey ! Jollibee ! "

Lumingon ako sa likod at nakita ko doon ang isang maid na papalapit samen habang
may dala-dalang tray ng inumin . Lumapit ako sa kanya , kinuha ko ang tray sa kanya
at sinabing ako nalang ang magdadala nito doon . Tumango naman yung maid .

" Mamang , heto na po yung inumin ninyo " dahan-dahan kong inilalapag ang tray para
hindi matapon . Pero nakaramdam nalang ako ng may biglang sumagi sa siko ko kaya
dumaretso itong tumapon kay Ate Badeth .

" Sus Maryosep ! "

" OH MYGOD ! ANONG GINAWA MO ? " sigaw ni Ate habang napapatayo ito sa kanyang
kinauupuan . Mabilis naman akong gumalaw , kumuha ako ng tissue at pinunasan ang
damit niya kung saan siya nabuhusan .

" Ate sorry hindi ko sinasadya " sabi ko habang pinupunasan ang damit niya .
" Umalis ka nga diyan " Tumapon ako sa sahig ng bigla na lamang ako nitong itulak
ng malakas . Napalingon ako kay Jean ng marinig ko itong tinawag ako .

" Manang , kumuha nga kayo ng basahan dali " rinig kong utos ni Al sa mga
kasambahay .

" Kahit kailan napakalampa mo talagang hampaslupa ka ! Antanga-tanga mo ! "


napapaaray nalang ako ng bigla na lamang ako nitong sabunutan sa buhok . Tanging
iyak nalang at paghingi ng tawad ang nagawa ko habang hila-hila niya ang buhok ko .

" Mommy huhuhuhu Mommy " rinig na rinig ko si Jean na tinatawag ang pangalan ko at
umiiyak . Gusto kong sabihin na okay lang si Mommy pero hindi ko magawa dahil ang
tanging nararamdaman ko lang ay ang paghila at pagsabunot sa buhok ko ni Ate Badeth
.

" Alfredo , ipasok mo sa loob si Jean " rinig kong utos ni Mamang kay Al na siyang
sinundan agad naman ni Alfredo . Mas mabuti narin siguro iyon para hindi makita ng
bata na ganito ang trato nila saken .

" Ate tama na po ... H-hindi ko naman po sinasadya e " napasubsob ako sa sahig ng
malakas ako nitong binitawan paubob ni Ate badeth . Napahawak ako sa noo ko dahil
tumama iyon sa semento .

" Wala akong pakialam kung sadya mo man o hindi . Tangina lang Vera ! Hindi mo ba
alam kung gaano kamahal ang damit na ito ? mahal pa ito sa buong pagkatao mo !
tapos minsan mo lang tatapunan ng juice ha ? " pagkatapos niyang sabihin iyon ay
bigla na lamang niya ako hinila sa damit ko pataas kasabay non ang pagsampal niya
saken sa kanan kong pisngi .

" Ate .. Tama na po " pagmamakaawa ko sa kanya habang nakahawak sa kanan kong
pisngi . Namilipit nalang ako sa sakit dahil sa pagsipa saken ni Ate Badeth sa
tuhod ko kaya napaupo akong muli sa sahig " A-ate ... "

" Tama na ? mababayaran ba ng tama na yan ang damit ko ha ? " binigyan niya muli
ako ng isang sipa na siyang nagpamilipit lalo sakin sa sakit dahil sa sikmura ko na
ito tumama . Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko dahil sa sakit ng
nararamdaman ko . " letche ka talaga sa buhay ko " pagkasabi niyang iyon ay sunod
sunod niya na akong pinagsisipa sa binti na nagpasigaw saken dahil sa sakit .
Tanging iyak nalang ang naibubulalas ng bibig ko . Hindi ko na kayang magsalita pa
dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko dahil sa malakas niyang pagsipa
saken . Pinilit kong umusod ang sarili ko kahit hindi kaya ng katawan ko para
makalayo ng kunti kahit paano kay Ate Badeth . Nakita ko ang mga tao sa paligid
namen na , para lang silang nanunuod sa sine na tutok na tutok at hindi na
kumukurap pa . Bakit hindi nila ako tulungan ? maawa kayo saken , tulungan niyo ako
...

Nakita kong sisipain nanaman ako ni Ate Badeth kaya tanging pagpikit at pagyakap sa
sarili na lamang ang nagawa ko . Pero ilang minuto na ang nakalipas , hindi ko
naramdaman ang pagsipa niya . Humahagulgol na iminulat ko ang mga mata ko at nakita
ko sa harapan ko ang asawa ko . Napangiti ako dahil don . For the first time in my
life , iniligtas narin niya ako sa kapatid niya .

" Al-alfredo " tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng pagkahilo kaya bumagsak
ako sa sahig at nawalan na ng ulirat .

**

Alfredo's POV

Nasa Mini Bar ako ngayon sa loob ng mansion na kung saan pwede akong uminom ng kung
anong gustuhin kong alak . May naka assign doon na isang kasambahay o mas kilala
bilang bartender , pero babae ito na parang katulong lang o utusan .

" What yhe hell was that earlier Fred ? hindi ako makapaniwalang ipinagtanggol mo
ang babaeng hampaslupa na iyon ... White wine please " - Ate Badeth
" Hindi sa ipinagtanggol ko siya Ate , mali lang ang ginawa mo kaya ko ginawa iyon
" Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng baso nito .

" Anong mali sa ginawa ko Fred ? hindi ba't ikaw din mismo ginagawa mo rin 'yon sa
kanya ? ... O wag mong sabihing lumalambot na ang puso mo sa babaeng iyon ? . Baka
nakakalimutan mo Fred , kaya ka nasa posisyon mo ngayon at nagkandasira sira buhay
mo ng dahil sa babaeng iyon! "

" Hindi ko nakakalimutan yan Ate , pero ang punto ko lang sa sinasabi ko ay hindi
mo dapat iyon ginawa sa harapan ng bata " natahimik siya sa sinabi ko . Inubos ko
muna ang natitirang alak na nasa baso ko bago dinugtungan ang sinabi ko " Iyak ng
iyak si Jean kanina at ayaw nityong tumahan , awang awa ako sa anak ko kanina Ate .
Kaya kung gusto mong saktan si Vera , wag sa harapan ng anak ko " may inis sa boses
na sabi ko dahil naalala ko nanaman kung paano umiyak at nagwala si Jean kanina
habang hinahanap ang kanyang Ina .

" I--i-i'm sorry ... H-hindi ko naman sinasadya yung nangyare , uminit kasi agad
ang ulo kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko . Alam mo naman kung gaano kamahal
ang --- " pinutol ko na ang sasabihin niya .

" Alam ko Ate , pero sana naisip mo muna na nasa harapan naten yung bata bago mo
ginawa iyon " Tumayo ako sa stand stool at naglakad patalikod , nang may maalala
ako na sasabihin ko ay huminto ako "  Tsaka nga pala " narinig ko siyang nag 'hmp'
" Lumambot man ang puso ko , hindi parin magbabago ang tingin ko sa kanya . She
ruined my life at hinding hindi ko makakalimutan iyon " sabay labas ko ng Mini
Bar .

 __

Finished | Edited

=================

Kabanata Nine
Kabanata Nine

Vera's POV

Napapaungol ako sa sakit ng katawan ko nang magising ako sa pagtama ng liwanag sa


mukha ko . Unti-unting iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa bintana .
Nagsisimula ng sumibol ang araw . Iniangat ko ng dahan-dahan ang katawan ko upang
makaupo ako . Napapapikit nalang ako habang ginagawa ko iyon .

Nang makaupo ako ay bumalik lahat sa isip ko ang nangyare kahapon kaya hindi ko
nanaman napigilan ang emosyon ko kaya napaluha nanaman ako .

Simula palang ganito na ang trato niya saken . Hindi ko naman alam kung bakit galit
na galit siya saken e wala naman akong matandaan  na ginawa ko sa kanya para saktan
niya ako ng ganito . Kung hindi niya ako gusto sa kapatid niya pwede naman niya
akong sungitan o hindi nalang pansinin . Pero bakit ganito ? daig ko pa ang may
ginawa sa kanya ng masama para ganituhin niya ako .

" Stop crying , it's too early for that nonsense " mabilis na pinunasan ko ang luha
ko ng marinig ko ang tinig na iyon . Mabilis din akong tumayo at hindi na ininda
ang sakit na nararamdaman ko .

" Kumain ka na ? " tanong ko sa asawa ko na ngayon ay nakatapis lang ng tuwalya sa


pang ibaba nito na kakalabas lang galing banyo . Narinig ko siyang sumagot ng oo
kaya tumungo nalang ako ng closet niya upang kumuha ng susuutin niya sa kanyang
trabaho . Pagbuklat ko , nakita ko nanaman ang puting plastik kaya naglakas na loob
na akong magtanong sa kanya " Al , para kanino ang nakaplastik dito sa closet mo ?
ilang araw ko ng nakikita ito dito ah ? " kumuha ako ng three piece suit niya at
isinara na ang pinto ng closet . Tinignan ko siya na ngayon ay busy sa paglalagay
ng kung ano sa mukha nito . Gusto ko mang sabihin na kahit hindi na siya maglagay
ng mga yun gwapo na siya . Kaso baka pag sinabi ko yun baka magalit pa siya saken
kaya wag nalang .

" Get that thing " napa ' ahh ' ako sa sinabi niya habang nagtatakang nakatingin na
ako sa kanya . Inilapag ko muna sa couch ang damit nito at wala sa sariling sinunod
ko ang inutos niya .

" Kanino ba ito Al ? , may magbe-birthday ba sa mga kaibigan mo kaya bumili ka nito
? " ilalapag ko na sana sa table niya ito ng mapigil iyon dahil sa sinabi niya .
" It's for you " natigilan ako ng dahil doon at nanlalaki pa ang mga mata na
naibaling ko ang tingin ko sa kanya . Para saken ? iyon ?

" H-huh ? " hindi makapaniwalang tanong ko na bigla na lamang lumabas sa bibig ko .
Humarap ito pero hindi ito nakatingin saken , naglakad siya patungo kung saan ko
inilagay ang susuutin niyang damit .

" No more questions Vera " tipid nitong sagot habang isa-isa ng isinusuot ang mga
damit nito " Remember that i broked your cellphone ? that's why i changed it "

Napangiti ako sa huli niyang sinabi at hindi ko rin namalayan na nayakap ko na pala
siya dahil sa sobrang saya na naramdaman ko . Masaya ako dahil makakausap ko ng
muli ang mga magulang ko at lalong lalo na si Michaela . How I missed them . It's
almost past two years ng hindi ko sila nakakausap .

" Thank you Al " bulong ko sa kanya . Naramdaman ko ang mga kamay nito na humawak
saken at siya na ang nag-alis saken sa pagkakayakap ko . Masakit man ang ginawa
niyang iyon pero hinayaan ko nalang . Dahil mas matimbang ang nararamdaman kong
saya dahil sa ginawa niya ngayon . Hindi man niya ako mahal pero ramdam ko ngayon
na nagiging importante na ako sa kanya kahit konti hindi katulad noon na kulang
nalang ipagtabuyan niya ako at ayaw na ayaw niyang nadidikit ako sa kanya .

Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa ito ni Al saken . Ito na yata ang pinaka
masayang araw simula nung maging asawa niya ako at maging isang Bautista . Pero
hindi lang pala iyon , dahil may anghel rin na dumating para saken at si Jean
iyon .

***

Maiyak-iyak ako ng makausap ko sila Inay , Itay at Vernon . Lalong lalo na si


Michaela na ganun din nun nakausap ko siya . Naghahanda na ako ngayon ng pagkain
dahil maagang darating ngayon si Al , pasasalamat ko narin ito dahil sa ginawa niya
.

Nakaluto na ako ngayon ng pork minudo at ang paborito niyang tocino . Sinamahan ko
narin ng desert na fruit salad . Buti nalang at may stock sa ref kaya nakagawa
ako . Mahimbing naman na natutulog na si Jean kaya nakapaghanda ako .

Napangiti ako ng marinig ko ang busina ng kotse nito mula sa labas kaya minadali ko
ang paghahain para masalubong ko siya mula sa pinto . Nang matapos ako ay agad
akong nagpunas ng kamay at tumakbo patungo sa harapan ng pintuan .

" Good evening Al " bati ko sa kanya ng nakangiti . Wala akong nakuhang response sa
kanya pero hindi natanggal doon ang ngiti ko . Sanay na ako . Ano pa bang ine-
expect ko na sasabihin niya ? Good Evening Too ? Evening ? . Asa naman ako .
Nagmadali akong kunin ang kanyang suit case na agad naman niyang ibinigay saken "
Al , may pagkain na sa --- " hindi pa man natatapos ang sentence ko ng magsalita na
siya .

" I'm full " sasagot pa sana ako pero nakita ko nalang ito na paakyat na sa hagdan
patungong kwarto . Kaya ang dalawa kong balikat ay bumagsak kasabay ng paghinga ko
ng malalim . Ano na ngayon ang gagawin ko sa mga pagkain ? sayang naman kung
itatapon ko . Kung e re-ref ko naman wala namang kakain nun dahil ayaw nila sa
nireref o tirang pagkain . *sigh* Kung ako naman ang kakain ng lahat ng yun , hindi
ko naman kaya .

Inilapag ko muna ang suit case na dala ko sa isang couch at tumungo ng dining .
Sisimulan ko na sana ang pagliligpit ng marinig ko ang pagsalita ni Al mula sa
itaas na ikinangiti ko .

" Get me a food , bring it up here " magkokomento pa sana ako dahil sabi niya busog
na siya , pero hindi nako nagkomento at masayang tumango na lamang . Kakain din
kasi :) .

**

Nasa veranda ako ngayon sa kwarto namen at masayang kausap ko ngayon ang bunso kong
kapatid na si Vernon .
" Alam mo Ate , ang gwapo na ng kapatid mo " muntik na akong malaglag sa kinauupuan
ng marinig ko sa kanya iyon . Napangiti ako habang napapailing nalamang . Hindi ko
naman sinasabing pangit ang kapatid ko ngayon , nuon kasi medyo pabaya yun sa
sarili e .

" Talaga ? at paano mo naman nasabi yan ? araw-araw ka na ba naliligo ? " natawa
ako ng marinig ko siyang sumigaw sa kabilang linya .

" ATE ! Binata na'ko ! , kaya natural lang na maligo na ako araw-araw " natawa ako
lalo sa kanya . Kung sabagay , ilang taon ko ba siyang iniwan nun ? Ten years old
palang yata ang loko .

" Buti naisipan mo ng maligo ? hahahaha " rinig ko nanamang nagreklamo siya sa
kabilang linya kaya natawa nalang ako " Oo na ! OO na ! Binata ka na bunsoy ! "
natatawang sambit ko . Ano na kayang itsura ngayon ni Vernon ?

" Naman ! ... Alam mo ba Ate , ang daming may gusto saken sa skul "

" Talaga ? mga ilan ? isa ? hahahahaha "

" Ate naman e ! Ansama mo talaga saken , sabi ng hindi na ako yung dating Vernon na
marusing at hindi naliligo e " lalo akong napahalakhak sa sinabi niyang huli .
Napatakip naman agad ako ng bibig ng maalala kong natutulog na pala ang mag-ama
ko . " Kamusta kana pala diyan Ate ? " nag-iba ang tono ng boses nito . Ang boses
na masaya na naririnig ko kanina ay napalitan ng lungkot at pagkamiss .

" M-mabuti naman ako dito bunsoy , ikaw ? musta pag-aaral mo ? " pinunasan ko ang
luhang kumawala nalang bigla sa kanan kong mata .
" Okay na okay lang ako dito Ate , sa skul ? okay lang naman Ate , kahit paano
nakakapasa ako sa mga quiz . Ang hirap pala ng wala ka dito Ate , wala tuloy
nagtuturo saken sa mga home work ko " bigla kong naalala yung panahon na nandoon pa
ako at tinuturuan ko sa mga homework si Vernon pagkarating niya ng skwelahan .

" Kaya mo yan bunsoy ! Isipin mo nalang palagi na *sniff* n-nandiyan si Ate sa tabi
at ... nagtuturo sa'yo " bakit ba napakalapastangan naman ng mga luha ko ? bigla
bigla nalang tumutulo e .

" Ate umiiyak ka ba ? " tanong nito na may halong pag-aalala ni Vernon

" S-sorry ... Hindi ko na napigilan e , masyado ko na kasi kayong miss "
napahagulgol na ako sa iyak . Kainis naman e !

" Miss kana din namen dito Ate , kelan ka ba papasyal dito sa'ten ? " natahimik ako
bigla sa naging tanong niya . Kelan nga ba ? pero hindi naman pwede dahil
pinagbawalan akong dumalaw doon . Kung lumabas nga lang ng mansion bawal sa
probinsya pa kaya ? .

" K-kumaen na kayo diyan ? anong ulam niyo ? nakakamiss na ang luto ni Inay ha ? "
pag-iiba ko ng pinag-uusapan namen . Nakahinga ako ng malalim ng sumagot naman ito
sa tanong ko at hindi na nag-abalang magtanong pa sa naging tanong niya .

-Kinabukasan-

Same Routine . Magluto , maghanda ng mga gagamitin , magwalis , maglampaso at


maghugas ng mga pinagbotehan ni Jean . Lumilipas ang mabilis na panahon , pero ang
trato nila saken hindi ganun kabilis maglaho o mawala . *sigh* . Hanggang kailan
kaya sila magiging ganun saken ? hindi kaya sila nagsasawang pahirapan ako ? .
Ilang taon na ang nakakalipas ah ? *sigh* gusto ko ng maranasan muli ang salitang
FREEDOM . Kelan ko kaya muling makakamit iyan ? . Buti pa noon kahit anong gusto ko
nagagawa ko , samantalang ngayon kulang nalang hindi ko na magawa ang mga iyon .
Ganito ba talaga ang may buhay asawa ? para kang nasa isang kulungan na hindi mo
alam kung kailan ka lalaya ? . Pero hindi naman ganito ang nakikita ko kila Inay at
Itay e . Napakahirap man ng buhay , pero nagtutulungan silang pareho para mabuhay
nila kami ng kapatid ko . Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan nila sa isa't isa .
Kailan ko kaya mararanasan ang mga ganung bagay ? may asawa nga ako pero hindi ko
naman maramdaman iyon .

" Mrs Beautiful ! " napaangat ako ng tingin sa nagsalita na iyon . Sina Mike ,
Francis at Arvie . Kumunot ang noo ko . Anong ginagawa nila dito ng ganito kaaga ?

" Wow naman ! Napakaswerte naman talaga sa'yo ng asawa mo ha ? may maid na kayo
dito pero ikaw parin ang nagaahing ng pagkain niya " - Mike .Tumango nalang ako
habang nakayuko . " Gawain naman talaga ng isang katulad ko ang ganito , lalo na't
asawa ko ang pinagsisilbihan ko " pero kung alam niyo lang na ... aish !

" Naks ! Ang sweet ni misis ! "- tumawa silang tatlo sa sinabing iyon ni Mike . Ako
naman napayuko at nahihiya sa kanila .

" Where's Fred ? " inangatan ko ng tingin ang nagtanong na nasa di kalayuan ko na
si Arvie .

" Tulog pa--- " naputol ang sasabihin ko ng may biglang magsalita mula sa itaas .
Nang mag-angat kami ng tingin ay nakita namen doon si Al na bihis na bihis na ,
para pumasok ng opisina .

" Mr Bautista ! " ibinaling ko ang tingin ko kay Mike na ngayon ay nakakunot ang
noo ganun din yung dalawa na ipinagtaka ko . Bakita ganun mga itsura nila ?

" Bakit ka nakaganyan ? " - Francis


" May nakakalimutan ka yata Bro ? " - Arvie

Ehh ? hindi ko sila maintindihan . Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Al na


ngayon ay unti-unting nanlalaki ang mga mata at mabilis na pumasok sa loob ng
kwarto upang magpalit yata ? .

 Ehh ?

" A-anong meron ? " hindi ko na nakayanan pa kaya bigla ko nalang natanong iyon .
Nagkatinginan muna silang tatlo na para bang nag-uusap sa mga mata bago nila ulit
ako binalingan ng tingin .

--

Finished | Edited

=================

Kabanata Ten

Kabanata Ten

Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi nung tatlo kung saan sila pupunta kaya
nagmadaling nagpalit pang-alis si Al kaninang umaga . Hindi ko alam na ganun pala
magmahal si Al sa isang tao . Na kahit alam niyang ikakasal na ito sa iba na
ikakasakit lang niya , ay nakuha parin niyang dumalo sa kasal nito .
 Napayuko ako .

 Kung alam ko lang sana nung una palang na may mahal ng iba si Al , edi sana
tumanggi nalang ako sa kasal na inalok nila para sa pagiging kabayaran ko . Pwede
ko namang sabihin na kahit gawin nalang nila akong alila at katulong e  para lang
mabayaran 'yon , okay lang naman e mas maganda pa sana kung ganun nalang ang
nagyare . *sigh* Sana man lang kasi tumanggi din siya , edi sana hindi siya
nahihirapan ngayon .

Dadalo kasi sila ngayong apat sa kasal ng babaeng pinakamamahal ni Al na si Myra .


Hindi ko siya kilala pero nakita ko na ang litrato nito . At tama nga ang hinala ko
, na mas maganda , sexy at karespeto respetong babae ito . Hindi tulad ko na hindi
naman kagandahan at kasexihan .

Balak kayang pigilan ni Al ang kasal kaya dumalo pa siya doon ? . Pero paano kung
oo nga , paano na kami ? hindi ba't kasal kami ? . Pero napaluha nalang ako at
napailing at naalala na naman na sa papel lang kami mag-asawa .

Francis's POV

Kararating lang namen ngayon sa beach resort na kung saan ikakasal si Myra ngayong
araw na ito . Lumingon ako ngayon kay Fred na ngayon ay halo-halo ang expression
nito sa mukha at ang pinakalumabas doon ay ang lungkot . Sino ba namang hindi
malulungkot kung malaman mo na ang babaeng mahal na mahal mo noon ay ikakasal na sa
iba ngayon . Hindi ko naman masisisi din si Myra kung maghanap siya ng iba . Dahil
alam ko , namen at siya na kasal na si Fred sa ibang babae at 'yon si Vera .

" Anong gagawin naten ngayon ? " biglang tanong ko sa kanila ng makarating na kami
sa kung saan magaganap ang kasal maya't maya lang .

" Pigilan ang kasal ? " malakas namang binatukan ni Arvie si Mike na kulang nalang
mawalan ng ulo . Tama ba namang kasing sabihin iyon ? ano namang mapapala ni Fred
kung pipigilan niya ang kasal e kasal na siya ? . Utak biya talaga itong si Mike
kahit kailan .
" We're just gonna watch only the wedding , nothing else " hindi kami nakaimik
tatlo nung sabihin iyon ni Fred atsaka na ito naunang naglakad sa amen .
Nagkatinginan kaming tatlo at napailing . Sana pala hindi nalang namin sinabi sa
kanya na ikakasal na si Myra para hindi na siya nasasaktan ngayon .

Arvie's POV

Tahimik lang kaming apat na nanunuod at nakikinig sa seremonyas ng pari . Ilang


minuto palang ang lumipas ng magsimula ang kasal ni Myra sa magiging asawa niya na
si Ruffert Manalili . Kilala ko ang lalaking ito , siya yung sikat sa school dahil
sa gwapo daw siya , magaling mag gitara daw at higit sa lahat mayaman daw . May
salitang 'daw' , kasi hindi ko naman alam kung totoo ang mga iyon .

" Fred ! " sabay-sabay naming tawag kay Fred ng bigla itong tumayo at umalis sa
venue ng kasal . Tatayo na sana ang dalawa ng pigilan ko sila at sinenyasan na ako
na ang susunod sa kanya . Mabilis naman silang sumang-ayon kaya tumayo na ako at
sinundan ito .

Nakita ko ito na nakasandal sa isang puno ng niyog habang nakatingin sa kawalan .


Nilapitan ko ito at pagkatapos ay sumandal din sa isa pang puno ng niyog na kaharap
ng kinsasandalan niya .

" You still loved her ? " paninimula ko at tumingin din sa kawalan . Hindi ito
kaagad nakasagot at rinig na rinig ko ang pagsinghot niya na tila ba pinipigilan
ang mapaiyak . " Go ahead bro , hindi masamang umiyak " nakita ko sa pheripheral
view ko na napatingin siya saken , kaya dahan-dahan akong lumingon sa kanya at
binigyan siya ng isang ngiti " Dahil yan ang nagpapakita ng kung gaano mapagmahal
ang isang lalaki , hindi yan kabaklaan , tanging mga gago lang ang nagsasabi non
dahil hindi nila kayang magmahal ng totoo " umiwas siya ng tingin saken at tumingin
ulit sa kawalan " Alam kong mahal na mahal mo si Myra pero... kailangan mo na
siyang kalimutan at ang nararamdaman mo para sa kanya . Kasal kana at may pamilya
Fred at ganun na din si Myra pagkatapos ng kasal niya ngayon, hindi mo kailangang
ibaon ang sarili mo sa pagmamahal sa kanya . Ituon mo nalang ang pansin mo sa asawa
at anak mo , dahil kahit anong mangyare , sila at sila parin ang makakasama mo
habang buhay " hindi parin ito nakaimik sa sinabi ko , pero ilang minuto ang
lumipas ay narinig ko narin itong nagsalita .

" Dapat ako ang mahal ni Myra at hindi si Ruffert , dapat ako ang nasa harap ng
pari at hindi si ruffert ! Dapat ako ! AKO ! " pumulot ito ng bato at malakas na
inihagis iyon sa malayo " Kung hindi sana dumating sa buhay ko si Vera edi sana
masaya ako ngayon , masaya ako sa piling ni Myra at hindi nagluluksa ng ganito "
nagpantig ang tenga ko at nakaramdam ng inis ng dahil sa kanya .

" Are you doubting your child and wife , Fred ? " naikuyom ko ang dalawa kong kamay
at seryosong tumingin kay Fred na ngayon ay sumandal muli sa puno ng niyog .

" Yes " nakaramdam ako ng inis , galit dahil sa sagot niyang iyon . Magsasalita na
sana ako ng dugtungan pa niya iyon " But not my child , only my wife who's started
ruining my life "

Gusto ko siyang suntukin sa sinabi niyang iyon pero hindi ko nalang ginawa . Sa
puno nalang ako ng niyog sumuntok para kahit paano mabawasan ang pagkainis na
nararamdaman ko ngayon sa kanya . Hinarap ko siyang muli " Hindi mo pa ba
nakalimutan ang nakaraan Fred ? it's almost past 7 years ! Hindi mo parin ba
nakuhang mahalin si Vera ? " yumuko ito at hindi sumagot " Nakasama't nagkaroon na
kayo ng anak hindi mo pa ba siya nagagawang mahalin ? " umiling ito na lalong
ikinainit ng ulo ko " Naging mabait , maasikaso , mapagmahal , mapagkumbaba ,
mapagtiyaga at magapagtiis  na tao si Vera , tapos hindi mo pa siya nakuhang
mahalin ? ano kang klaseng lalaki ! " tumingin ito ng masama saken kaya ganun din
ang ginawa ko . Tumayo siya sa harapan ko at nakipagsukatan ng saken . " Wala kang
kwenta "

" Hindi mo ako naintindihan Arvie , wala ka sa posisyon ko para sabihin saking wala
akong kwenta . Hindi mo alam ang dinanas kong paghi--- "

" Alam ko ! Alam namen ! ... dahil kami ang tinakbuhan mo nung malaman mo na
ikakasal ka sa iba , kami ang kasama mo kapag naglalasing ka dahil hindi mo tanggap
na ipapakasal ka sa taong hindi mo gusto . Kami ang nakikinig sa'yo sa tuwing may
malaki kang problema , kaya alam ko lahat ! Namen ! Kung anong dinaranas mo noon at
ngayon ... Pero hindi naman yata tama na hanggang ngayon hindi mo parin magawang
mahalin yung tao . Sobra na Fred ! Sobra na ! " isang malakas na suntok ang nakuha
ko mula sa kanya na ikinaupo ko sa buhangin dahil sa lakas ng impak nito . Dumura
ako ng dugo na nasipsip ko sa gilid ng labi ko . Hindi ko ininda ang sakit at
tumayo nalang ako ulit at nakipagtitigan sa kanya ng masama .

" Siya parin ang dahilan kung bakit nagkanda leche leche ang buhay ko kaya hindi ko
makakalimutan iyon kahit ilang dekada pa ang lumipas . She ruined my life , kaya
ganun din ang gagawin ko sa kanya hanggat nabubuhay pa'ko " this time ako na ang
sumuntok sa kanya na ikinatumba din nito sa buhangin . Alam ko ang sinasabi niya
kahit hindi na niya ito sabihin pa .

" Hindi mo tanggap na wala kang kwentang lalaki pero ano yang ginagawa mo ? hindi
ba yan ang tatak ng isang lalaki na walang kwenta ha ? ... Nananahimik lang ako
simula nung una kaming magkita ni Vera , sa  unang pagkikita palang namen na iyon
ay may nakita na akong pasa niya sa braso  " nakita kong nanlaki ang mga mata
nito . So true , siya ang may gawa non . Gago talaga ! " Bakit ka nagulat ? akala
mo siguro hindi mapapansin ang pasa kapag nagsuot ng long sleeve si Vera noh ? "
hindi ulit siya nakasagot . Yumuko ako at lumapit sa nakaupo sa buhangin na si Fred
. " Kung hindi mo kayang mahalin si Vera , ako na ang gagawa non . Kahit kasal pa
kayo , handa akong agawin siya sa'yo ! No matter what ! Tandaan mo yan ! " dinuro
ko pa siya bago ako tuluyang naglakad paalis sa kinalulugaran niya .

 **

Vera's POV

      Pasilip silip ako ngayon sa labas ng mansion upang tignan kung nakauwi na ba
si Al . Alas diyes na kasi ng gabi at hindi parin ito umuuwi . Paikot-ikot na din
ako sa kinatatayuan ko dahil nag-aalala ako na baka may nangyare nang masama doon .
Tinawagan ko kasi si Mike at tinanong kung kasama pa niya si Al , pero hindi na daw
. Nasaan na ba ang lalaking iyon ? . Napalundag ako sa gulat ng makarinig ako ng
malakas na pagbusina ng kotse . Nakahinga ako ng maluwag ng dahil doon .

Mabilis na bumaba ako ng kwarto at tumungo ng pinto upang salubungin siya . Pero
hindi ko inaasahan ang ginawa niya .

 ___

Finished | Edited

=================

Kabanata Eleven
Kabanata Eleven

     Iyak at pagpikit nalang ang nagawa ko pagkatapos akong bugbugin ni Fred sa


hindi ko malamang dahilan . Sinalubong ko lang naman siya sa pintuan at nabigla
nalang ako ng bigla niya akong pagsasampal-sampalin at ang masama pa doon ay
iginapos niya pa ang mga kamay at paa ko at ikinulong sa lumang bodega ng mansion .
Hindi ko magawang sumigaw upang humingi ng tulong dahil nakatakip ang bibig ko
gamit ang packaging tape .

Ano nanaman bang nagawa ko ? okay naman kami nung isang araw e . 'God Help me '
sabi ko sa isip ko at tumingala mula sa itaas . Pinikit ko nalang ang mga mata ko
at tiniis ang kirot na nararamdaman sa mukha at buong katawan ko hanggang sa
makatulog ako .

Napasinghap ako sa kawalan at napabangon sa pagkakahiga ng may maramdaman akong


malamig na tubig na bumuhos sa mukha ko . Umubo ako at hinahabol ang hininga dahil
sa may pumasok sa ilong ko na tubig . Pag-angat ko ng tingin kung sino ang may gawa
non , nakita ko ang isang pigura ng isang tao na nakangisi habang nakapameywang na
nasa harapan ko na may hawak na isang pitsel . 

Si Ate Badeth .

" There you are " Yumukod ito upang pantayan ako at napabaling nalang sa kanan ang
ulo ko ng bigla niya akong sampalin ng malakas " Akala mo siguro , porke
pinagtanggol ka ni Alfredo nung isang araw akala mo  mabait na siya sa'yo ? In your
dreams ! . Kahit kailan , hinding hindi ka mapapatawad ng kapatid ko ! " sabay
talikod niya at isinarang muli ang pinto ng bodega . Nakahinga ako ng malalim ng
bigla na lamang naalis ang pagkakatape ng bibig ko kaya nakahinga na ako ng maluwag
.

Sumiksik ako sa sulok at niyakap ang sarili ko at patuloy nanaman sa pag-agos ang
walang humpay kong mga luha . " Ano bang ginawa ko ? " tanong ko sa sarili ko sa
likod ng paghikbi . 

Wala talaga akong matandaan na ginawa ko upang gawin niya saken ito . Sa lahat ng
ginawa at pananakit saken ni Al ito ang pinaka masakit at malala sa lahat .

Kamusta na kaya si Jean ? nakatulog kaya siya ng mahimbing ? nakainom na ng gatas ?


miss ko na ang baby ko .
Napatakip ako ng mga mata ng biglang bumukas muli ang pintuan ng bodega ,
nakaramdam ako ng takot kaya minabuti ko nalang na isiksik ang sarili ko sa sulok .

" L-layuan mo a-ako " nauutal na sabi ko habang pilit na sinisiksik ang sarili ko .
Napapikit nalang ako ng makita kong lumapit ito saken . Hinihintay kong may dumapo
saken na kahit anong bagay pero iba ang naramdaman ko kaya napamulat ako dahil
nararamdaman ko ang pagpapakawala sa mga paa ko na nakatali . Nakatitig lang ako sa
kanya habang ang tali na ng mga kamay ko ang inaalis niya .

" Your free , makakaalis kana " sabay tayo at lumabas agad ng bodega . Doon lang
bumalik ang huwisyo ko . Tatayo at hahabulin ko sana siya kaso bigla na lamang
akong natumba dahil nanghihina ako . Naalala ko na wala pa palang laman ang tiyan
ko simula nung ikulong ako dito ni Al .

Mabilis na nagtungo ako ng banyo at naligo . Pagkatapos ay pumunta ng kusina upang


kumain . Hindi ko alam kung gaano karami ang nakain ko . Pagkatapos tumungo na ulit
ako ng kwarto upang puntahan ang mahimbing na natutulog pa na si Jean .

Hinalikan ko ito sa pisngi at hinaplos ang mukha . " Para sa'yo baby magiging
malakas si Mommy . Kahit anong mangyare hinding hindi kita iiwan " bulong ko sa
kanya at muli ay binigyan ko siya ng magaan na halik .

******

Mike's POV

       Nasa condo kami ngayon ni Arvie at nakikibalita kung ano ang nangyare nung
kasal ni Myra , dahil bigla nalang umuwi ng mag-isa at hindi nagpaalam si Fred .
Ilang ulit na naming tinanong ito kay Arvie ngunit tanging iling lang ang
isinasagot nito .

Kung ganyan ang nagiging sagot niya , ibig sabihin may nangyareng hindi maganda sa
pag-uusap nila kaya todong pilit kami ni Francis upang malaman naming dalawa .
" Bro ! Bakit hindi mo pa kasi sabihin kung ano ang nangyare ? putulan kita ng ulo
diyan iling ka lang ng iling e " napapakamot ulong sabi ko .

" May hindi ba magandang nangyare sa pag-uusap ninyo kaya hindi ka makasagot at
puro iling lang ang nasasagot mo ? " - Frank

Hinintay namen siyang sumagot dahil hindi ito umiling pero makalipas lang ng ilang
minuto ay pareho nalang kaming napasapok sa ulo ni Frank ng umiling nanaman ito .

" Ayoko na ! Suko nako ! Kung ayaw mong sabihin , edi wag ! " suko na sabi ko "
Pupunta nalang ako kila Fred at sa kanya nalang ako magtatanong " tatayo na sana
ako ng may naramdaman akong humawak sa pulsuhan ko . Pagtingin ko , si Arvie ang
nakahawak doon kaya mabilis na tinanggal ko iyon at pinunasan " Eww kadiri ka !
Bakla ka na ba bro ? tss " sinamaan niya lang ako ng tingin kaya binelatan ko
nalang siya at lumayo . Tumungo ako sa likuran ni Frank .

" Magkwe-kwento ka na ba bro ? " mahinhing tanong ni Frank kay Arvie . Napaupo ako
agad sa tabi ni Frank ng biglang tumango si Arvie .

 Chismiss na'to .

Napanganga kaming dalawa ni Frank ng maikuwento na ng buo ni Arvie kung anong


nangyare nung kasal ni Myra .

" M-may gusto ka kay Mrs Beautiful ? " yun agad ang tanging lumabas sa bibig ko ng
matapos siya sa pagkwe-kwento . Walang pag-aalinlangan na tumango ito . Napatingin
ako kay Frank ng bigla na lamang itong tumayo .

" Hibang ka na ba Arvie  ?! Asawa iyon ng kaibigan naten ! Gago ka ba ? " rinig na
rinig ko ang galit sa boses ni Frank . Nakita kong tumayo rin si Arvie .

" Hindi ako nahihibang Frank , at wala akong pakialam kung asawa pa siya ng
kaibigan naten . Mahal ko si Vera , mahal ko siya ! "

*BOOGSH*

" BRO ! " pinigilan ko na si Frank ng makita kong muli niyang susuntok si Arvie na
ngayon ay napaupo sa kanyang kinauupuan kanina . Pilit namang pumipiglas si Frank
sa pagkakapigil ko kaya hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya .

" Walanghiya ka Tol ! Sarili nating kaibigan pinagtataksilan mo ! Ang dami-dami


namang pwedeng babae diyan na pwedeng magustuhan mo , bakit ang asawa pa ni Fred
ang napagdiskitahan mo ?! " sigaw nito

" Frank tama na ! " awat ko dahil pilit parin itong kumakawala saken .

" Hindi naman mahuhulog ang loob ko kay Vera kung hindi naging pabayang asawa yang
si Fred e " napatigil sa pagpupumiglas si Frank sa sinabi ni Arvie at ako naman ay
napatingin sa kanya .

" Anong pabaya ? "


Ngumisi muna si Arvie bago nagsalita " Wala ba kayong nakikita sa tuwing pumupunta
tayo sa mansion nila ? nung una nating nakilala si Vera , wala ba kayong napansin
sa kanya ? " kumunot ang noo ko at alam kong ganun din si Frank .

" Anong ibig mong sabihin ? "

" Hindi tinatrato ng tama si Vera sa mansiong iyon . Nung una natin siyang nakilala
sa party may malaking pasa si Vera sa braso "

" ANO ? "

" Hindi niyo lang ito siguro napansin dahil naka long sleeve ito ... Nung dumadalaw
naman tayo sa kanila . Kung hindi siya pabaya . Bakit hinahayaan niya lang na
gumawa ng gawaing bahay ang sarili niyang asawa kung pwede naman niya itong pigilan
? "

Napaisip ako sa sinabi ni Arvie . Tama siya , kapag dumadalaw ako doon . Lagi kong
nakikita si Vera na gumagawa ng gawaing bahay kahit marami na silang kasambahay sa
loob ng mansion . Pero ipinaliwanag naman iyon ni Vera hindi ba ?

" Ikaw ba Arvie gumagawa ka lang ng kwento upang pagtakpan yang kataksilang ginawa
mo ha ? "

" He's telling the truth Frank " bumaling ang tingin nila saking dalawa kaya
pinagpatuloy ko ang sinasabi ko " Sa tuwing pupunta ako ng kusina , nakikita ko
doon lagi si Vera na naglilinis " kumunot ang noo ni Frank at itinulak ako
" Hindi ba't si Vera na ang nagsabi na natural lang sa asawa ang gumawa ng gawain
na mga ganun ? "

" Oo sige gawain nga iyon ng isang asawa ! Pero paano mo maipapaliwanag ang mga
pasa na nakita ko sa braso ni Vera ?! " natahimik si Frank at hindi nakapagsalita
sa naging tanong ni Arvie " Kaya hindi niyo ako masisi . Taksil na kung taksil .
Wala akong pakialam . Mahal ko si Vera , kaya gagawin ko ang lahat para mapasaaken
lang siya . Kahit kasal pa siya sa sinasabi niyong asawa niya na kaibigan pa
naten , wala akong pakialam " sabay alis nito sa harapan namen at pumasok sa
kanyang silid . Napaupo  ng pabagsak sa sofa si Frank at ako naman ay napabuntong
hininga nalang .

" Malaking gulo 'to ! "

---

Finished | Edited

=================

Kabanata Twelve

Kabanata Twelve

Vera's POV

      Nanghihina na bumangon ako ng kama , umaga nanaman kasi at kailangan ko pang


gampanan ang mga tungkulin ko tuwing umaga  bilang asawa . Pagbukas ko ng pinto ay
napahawak ako sa kabilang dibdib ko dahil may biglang bumati saken .

" Good Morning Mam " ngumiti ito saken kaya nginitian ko nalang din siya ng may
pagka-alanganin at may pagtataka . Anong nangyayare kay Ate ? baka makita pa siya
ni Mamang Yhssa , mawalan pa siya ng trabaho . Magsasalita pa sana ako kaso bigla
din agad itong umalis sa harapan ko .

Tumingin ako sa baba dahil may naririnig ako . Si Mamang ba'yun ? . Nakita ko si
Mamang na panay ang utos sa mga kasambahay . Palinis ito , pakitanggal iyon . Bakit
kaya ? anong meron at kulang nalang linisin nila ang buong bahay ? pero dapat ako
ang gumagawa nun hindi ba ? .

" MAGMADALI KAYO ! PARATING NA ANG ASAWA KO ! "

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay Mamang . Darating na si Papang Sandro ? .
Napangiti ako ng dahil doon . Makikita ko na rin si Papang . Ilang taon na rin ang
lumipas simula nung nakita ko ito , lumuwas kasi ito ng ibang bansa at sa pagluwas
niyang iyon , doon na nagbago ang lahat . Ang mga puting kulay nila noon kapag
nandiyan si Papang , naging itim iyon nung wala na siya . Kaya pala binati ako nung
si Ate . 

Bumalik ako ng kwarto at pinaglabas na lamang ng gagamiting damit si Al pagkatapos


non ay nagtungo ako sa drawer ko upang kunin ang isang bagay na noon ay gustong
gusto ko ng ibigay kay Papang . Ang T-shirt na ako mismo ang may gawa nung nasa
Probinsya pa ako . May ganito din si Al , pero hindi niya iyon sinusuot . Bagkus ay
nakastock lamang iyon sa kanyang damitan .

May nakaukit sa damit na palayan , dahil iyon ang hanap buhay namen sa probinsya at
may nakaburda ding pangalan nila na nasa likod nakaukit . Bata palang ako ,
tinuruan na ako ni Inay na manahi ng mga damit at hanggang sa pagtanda ko ay dala
ko iyon . Gusto ko nga noon nung ipinagbubuntis ko palang si Jean ay ako ang gagawa
ng mga magiging damit niya . Ang kaso , pinagbawalan ako ni Mamang dahil baka kung
ano pa raw ang makuha ng bata sa mga iyon . Kaya't simula non , hindi na ako muling
nanahi pa .

" Papang's coming home " rinig kong sabi ni Al na kakalabas lang ng banyo . Tumango
nalang ako ng hindi man lang ito nililingon kaya narinig ko siyang napa 'tss' pero
hindi ko nalang ito pinansin . Tinupi ko yung t-shirt atsaka ako tumayo at tumakbo
patungong kabinet na puno ng mga stocks ng kahit anong mga gamit . Kumuha ako ng
isang Paper bag at Card Greeting . Pagkatapos kong kunin ang mga kailangan ko ay
tumungo ako ng Veranda upang ayusin iyon . Nang matapos ako ay inilagay ko iyon sa
itaas ng drawer ko . Nabigla at napasapo ako sa dibdib ko ng my biglang nagsalita
sa likuran ko " Para kanino 'yan ? " si Al
" Para kay Papang " sagot ko . Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong
pigilan nito sa braso na ikinaaray ko dahil mahigpit iyon . Inangatan ko ito ng
tingin habang napapangiwi sa sakit " A--Al , masakit " pero lalo lamang akong
nasaktan at napapikit ng dahil doon .

" Sinuway mo ba si Mamang ? " naimulat ko ang mga mata ko at nagtatakan tumingin sa
kanya .

" Anong sinasabi mo Al ? hindi ko sinusuway si Mamang , alam mo 'yan " pagkasabi ko
non , akala ko bibitawan niya na ang braso ko ngunit mali ako dahil hindi parin
niya ito tinatanggal .

" Kung hindi ... saan mo nakuha ang bagay na ibibigay mo kay Papang ? " 

" Matagal na iyon na naka stock sa drawer ko , kaya pakawalan mo na ako ... AHHH !
"

" Sinisigawan mo na ako ? " maluha-luha na ako dahil sa sakit .

" H-hindi " tipid kong sagot " AHHH ! " napatili ako ng bigla na lamang ako nitong
pwersahan na binitawn kaya tumama ang likuran ko drawer . Tumausdos ako paibaba
dahil sa sakit na naramdaman ko sa likuran ko . Tumama yata iyon sa bakal na
hawakan nung drawer .

" Hindi porke parating na si Papang hindi ka na makakatikim saken . At wag na wag
kang magtatangkang suwayin si Mamang kung hindi ... mas matindi pa ang gagawin ko
sa'yo nung isang araw ... Nagkakaintindihan ba tayo ? " tumango ako kahit
nanghihina na ako . Ang mga namuong luha sa mga mata ko kanina lang ay tuluyan ng
bumagsak . Napayuko nalang ako ng dahil doon . Rinig ko naman ang mga yapag ng mga
paa niya na paalis na sa harapan ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na
mapahagulgol .

" Mhie ? "

Mabilis na tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko . Kahit masakit ang likuran ko
ay tumayo ako ng tuwid para hindi lamang mapansin iyon ni Jean . 

" Y-yes baby ? " lumapit ako sa crib niya at kinuha siya doon .

" Are you crying Mhie ? " tanong nito . Mabilis na iniwas ko ang mukha ko sa kanya
at naglakad ako patungo sa kama . Umupo ako doon habang si Jean naman ay nasa
kanlungan ko .

" No ... anong dahilan ni Mommy para umiyak ha ? " sabay halik ko sa pisngi niya .
Inihiga ko ito sa kama at tinitigan ito sa mukha . Nabigla at the same time ay
napangiti ng bigla na lamang ako nitong hawakan sa magkabilang pisngi .

" You're lying Mommy ... You said  lying is not good right ? " napakawala nalang
ako ng isang tawa . Para talagang matanda na itong si Jean , alam na ang
nagsisinungaling at hindi . Iba na talaga ang matalinong bata .

" I know ... pero hindi talaga umiyak si Mommy , napuwing lang ako . Humangin kasi
ng malakas kanina nung nasa veranda ako kaya ... ayun ! Napaluha si Mommy "

" E bakit po kayo nakaupo sa tapat nun ? " sabay turo nito na sinundan ko naman .
Nakaturo ito sa drawer . Ibinalik kong muli ang tingin ko sa kanya .
" May kinuha lang si Mommy doon " nakita ko itong napatango-tango . Nginitian ko
nalang siya . Sorry baby kung nagsinungaling si Mommy sa'yo . Hindi ko lang kasi
kaya na pati ikaw problemahin mo kung ano ang meron na problema ako . Masyado
kapang bata para malaman ang lahat . Alam kong matalino ka , pero hindi pa ito ang
tamanag panahon upang malaman mo ang lahat .

" Mhie I want milk " natawa ako . Kahit matanda na kung mag-isip , bata parin ito
na dumedede ng gatas :)

" Okay Baby , wait lang ipagtitimpla kita okay ? " tumango ito . Humalik muna ako
ng magaan sa kanyang kanang pisngi bago ako tumayo upang pumunta sa table na kung
saan nandoon lahat ang kailangan ni Jean . Bumalik din ako agad pagkatapos kong
magtimpla . " Do you want to see your LoloPapang na ? hmp ? " natawa ako ng bigla
nitong binitawan ang kanyang gatas at tumayo sa harapan ko .

" Yes Mhie ! Yes ! Yes ! Yes ! " natawa ako lalo dahil habang sinasabi niya iyon ay
tumatalon pa ito sa kama . Halata na gustong gusto na niyang makita ang LoloPapang
niya . Sino bang hindi ? sa pagkakatanda ko hindi pa nito nakikita si Papang ,
tanging sa litrato lang niya ito nakikita dahil may nakasabit na malaking picture
frame nina Mamang at Papang sa dingding kapag paakyat ka ng hagdan .

Hinawakan ko ito sa magkabilang balikat upang patigilin ito sa pagtalon "  Excited
much Baby ? " tumango-tango pa ito ng maraming beses habang nakangiti " Wag kang
mag-alala Baby . Ilang oras at minuto nalang makikita mo na ang LoloPapang mo "

" Yehey ! LoloPapang is coming ! " sabay yakap nito saken . Niyakap ko rin siya .
Thank you Baby dahil sa'yo , kahit paano nakalimutan ko nanaman na sinaktan ako ng
Daddy mo . Kahit anong mangyare baby hindi ka iiwan ni Mommy . Kaya kong tiisin ang
lahat wag ka lang mawala saken . Dahil hindi ko kaya kapag nangyare iyon .

*****
" Sandro " agad na lumapit si Mamang kay Papang at hinalikan ito sa labi

" Papang!/LoloPapang! " sabay naming tawag ni Jean kay Papang na kakapasok lamang
ng mansion . 

" Vera ! " mabilis na lumapit ako kay Papang at hinalikan ito sa pisngi . Kahit
alam kong nakatingin saken ng masama ngayon si Mamang ay hindi ko na lamang ito
pinansin .

" Welcome back po Papang " maligayang bati ko . Ngumiti ito saken , napansin ko
naman ito na tumingin kay Jean " Ay Papang , si Jean po pala , ang Apo niyo "
nanlaki ang mga mata ni Papang sa sinabi ko . Kaya ganun ang naging reaksiyon ni
Papang ay dahil alam kong hindi nila ito pinaalam sa kanya , dahil narin siguro sa
dami ng ginagawa ni Papang kaya hindi na nila ito inistorbo pa .

" Hi po LoloPapang " kumaway si Jean sa kanyang LoloPapang . Mabilis namang kinuha
saken  ni Papang si Jean at kinarga .

" May Apo na pala ako ? bakit hindi ko alam ito ? " nagtatakhang tanong nito .
Nagkibit balikat ako , kaya kay Alfredo niya itinuon ang tingin . Inangatan ko ng
tingin si Al .

Nabigla ako ng bigla na lamang ako nitong akbayan ng hindi man lang ako tinitignan
" Its a surprise sana Papang , ang kaso ... " mas lalo akong nabigla ng halikan ako
nito sa tuktok ng ulo ko " Sinira na ng maganda kong asawa e " nilingon ko si
Papang at napapeace sign lang ako . Surprise ba yun ?  bakit hindi nila ako
inupdate . Kung sabagay , hindi naman nila ako close para i-update pa tungkol sa
surprise na ito .

" Totoo ba ito Yhssa ? walang halong biro ? " hindi makapaniwalang tanong ni Papang
kay Mamang . Nakangiting umiling si Mamang at lumapit ito kay Papang upang halikan
muli ngunit sa pisngi naman .
" It's not Sandro , surprise dapat talaga ito , ang kaso masyado yatang excited
itong si Vera kaya nasabi niya ito agad "

" Oh God ! Akala ko matatagalan pa kayo bago magkaroon ng Anak " binaling ni Papang
ang tingin niya ulit kay Alfredo " I'm so proud if you son . Sabi ko na sa'yo hindi
mahirap mahalin si Vera e , tignan mo ... May biyaya na agad kayo " napayuko ako ng
dahil doon . 

Nagkakamali ka Papang , hindi po ako mahal ng anak niyo nung may nangyare samen ni
Al . He's Drunk that time at pinagkamalan niya ako na siya yung gusto niya .... si
Myra .

 Mabilis na iniangat ko ang tingin ko ng maramdaman ko ang madiin na pagpisil ni Al


sa braso ko . Nakatingin ito ng masama saken at parang may sinasabi na agad ko
namang naintindihan . He wants me to smile like na totoo nalang o totoong nangyare
nalang ang sinasabi ni Papang . Ginawa ko naman iyon . Ngumiti ako ng nakatingin
kay Papang at kay Jean na ngayon ay nakikipagbiruan na sa kanyang Lolo .

Hindi ganito ang gusto kong mangyare noong bata ako . Ang gusto kong maging buhay
non kasama nang magiging asawa at pamilya ko ay sa masayang pamilya , kahit na
nakatira lang kami sa isang barong barong na bahay ay okay lang basta masaya kami
, sama-sama at lalong lalo na nagmamahalan . Na kahit mahirap ang buhay ay basta
sama-sama parin kami at walang mang-iiwan ay kakayanin ang lahat ng pasubok na
darating . Alam kong simple lang iyon , pero yun talaga ang gusto ko at hindi ang
ganito . Oo maganda ang tinitirhan namen , mga tao ba ang nakatira ? . Oo masaya ,
pero naging masaya ba ako ? . Hindi ! I want a normal life . Yun lang ang gusto
ko ! ... Pero malabo na yatang mangyare 'yon ngayon . Dahil nakatali na ako , sa
isang buhay na para akong preso at patay at ng dahil doon binansagan ko ang sarili
ko na walang buhay na asawa kung tratuhin . A Lifeless Wife , yun ang naitwag ko sa
sarili ko .

" Papang ! " tawag ko . Nasa Terrace kami ngayon . Lumingon ito saken .

" Bakit Vera ? may kailangan ka ba Iha ? hmp ? " nakangiti nitong tanong saken .
Naglakad ako patungo sa kinauupaun niya habang nakalagay sa likuran ang mga kamay
dahil hawak ko na ang bagay na gusto kong ibigay pa sa kanya noon . Tumigil ako sa
harapan nito .
" Papang , may ibibigay po sana ako sa inyo "

" Ano iyon Iha ? " dahan-dahan na inilalabas ko ang aking mga kamay mula sa likuran
.

" Para sa'inyo po " kinuha naman niya agad ito at nagpasalamat . " Sana po
magustuhan niyo Papang , ako po ang may gawa niyan "

" Really ? " hinawakan ako nito sa pulsuhan ng hindi man lang tinatanggal ang
tingin saken " Kahit hindi mo na sabihin Vera , magugustuhan ko ito basta galing
sa'yo Iha "

" Salamat po Papang ... sige na po Papang , buksan niyo na po " tumawa ito at tsaka
sunod-sunod na tumango . Sa kanya ko lang tinuon ang tingin ko habang binubuksan
niya yung paper bag . Napangiwi ako ng makitang tinitigan lang iyon ni Papang .
Hindi niya yata nagustuhan ... " Ahhh... Papang hindi niyo po ba nagustuhan ? " sa
nakikita kong reksiyon niya ay parang gusto ko nalang bawiin ang ibinigay ko sa
kanya . Baka hindi nagustuhan ni Papang dahil hindi siya yung tipong gusto ang mga
bagay na gawa ng mga katulad ko .

" Nakakamangha " nanlaki ang mga mata ko na nakatingin lang kay Papang na ngayon ay
sa damit lang nakatuon ang tingin .

" P-po ? ... Papang " nabigla na lamang ako , nung bigla niya akong niyakap ng
mahigpit . Akala ko kakawala din ito agad , pero nagtaka ako nung magtagal ito
saken na nakayakap . " B-bakit po Papang ? m-may pr-problema po ba ? " ramdam ko na
umiling ito mula sa balikat ko .
" Kung ano man ang nagawa sa'yo ng anak ko many years ago ... Ako na ang humihingi
ng tawad sa'yo Iha " kumabog ng malakas ang dibdib ko .. Paanong-- " Kahit hindi mo
sabihin alam ko ang lahat " nanlaki ang mga mata ko lalo . Alam niya ang lahat ?
pero ... paano ? " I have my eyes here Iha " nakaramdam nalang ako ng mainit na
likido na tumutulo mula sa mga mata ko " Alam kong darating din ang tamang panahon
na mamahalin karin ng anak ko ... May katapusan ang lahat ng paghihirap mo na
dinaranas ngayon Iha , kaya sana ... wag kang sumuko " nayakap ko nalang ng
mahigpit si Papang ng dahil sa sinabi niya .

Tumango-tango ako " O-opo Papang " ramdam ko ang kamay nito na hinahagod ang
likuran ko .

" At isa pa pala ... Alam kong hindi maganda ang trato sa'yo ni Yhssa at ng isa ko
pang anak na si Badeth . Kaya ako narin ang nanghihingi ng tawad para sa kanila ,
sana mapatawad mo sila Iha " tumango-tango nalang ako ulit

" Handa po akong patawarin sina Mamang at Ate kahit anong mangyare Papang , dahil
alam ko naman po kung baket nila nagawa iyon e . Nasira po ang buhay ni Alfredo ng
dahil saken , kaya hindi ko po sila masisisi kung magalit sila saken o kamuhian
nila ako buong buhay nila " sabi ko sa likod ng mga paghikbi ko 

Ramdam ko muling umiling si Papang sa balikat ko na ikinakunot ng noo ko . Bakit ?


hindi ba't yun naman talaga ang dahilan kung bakit ganun sila saken ? " May dahilan
lang si Yhssa kaya niya ginagawa iyon " napa Po? ako sa sinabi ni Papang .
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at iniharap ako sa kanya kaya mabilis na
pinunasan ko ang luha ko " Mas maganda na hindi na saken magmula ang bagay na
iyon , you better asked your father on that " kumunot ang noo ko . Paano napasama
si Itay sa usapan ? . Binitawan niya na ako , nakita kong yumuko ito para kunin ang
ibinigay ko sa kanya at muling tumingin saken " Thank you for this Iha , I really
liked it "

Ngumiti ako ng pilit dahil hindi parin maalis sa isip ko kung paano nadamay si Itay
dito . Tinap niya ako sa braso atsaka na ako iniwan na nag-iisa sa Terrace .

***

Hanggang ngayon , hindi parin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namen ni
Papang kanina lamang sa Terrace . Bakit nasali si Itay sa usapan namen ? may hindi
ba sinasabi si Itay sa amen nila Inay ? . Pero ano yon ? , wala akong alam na
dahilan upang masali siya dito .

Hawak ko ngayon ang cellphone na bigay saken ni Al at nagdadalawang isip na tumawag


kay Michaela upang makausap si Itay . Para itanong sana sa kanya kung ano ang
ugnayan nila noon na dalawa ni Mamang Yhssa at bakit nasali siya rito . Pero parang
... hindi ko yata kaya na malaman kung ano ito . Alam kaya ito ni Inay ? .

Finished | Edited

=================

Kabanata Thirteen

Kabanata Thirteen

     Isang lingo na ang nakakalipas pero hanggang  ngayon hindi ko parin maitanong
kay Itay ang tungkol sa napag-usapan namen ni Papang . Sa lingo din na iyon ay
lutang ako kaya lagi akong napag-iinitan ni Mamang , dahil sa hindi ko na maasikaso
ng maayos si Jean isama mo pa na hindi ko narin maasikaso si Al na isang lingo
narin umuuwi ng madaling araw at laging lasing .

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malakas na pagbusina ni Al na nasa


harapan na ng gate ng mansion . Mabilis na bumaba ako para puntahan ito sa ibaba .
Paniguradong lasing nanaman ito dahil hindi naman ganun kalakas magbusina si Al
kapag dumarating siya ng hindi lasing . Alam kong ikakapahamak ko na lumapit ng
ganun siya , pero hindi naman tama yung iwasan ko siya ng ganito ang sitwasyon niya
. Baka mapahamak pa ito .

" Al ! " tawag ko sa kanya at napatakbo ng makita ko itong palabas ng kanyang kotse
at matutumba ito . Mabilis na hinawakan ko siya sa kabilang braso upang alalayang
tumayo at hindi sumayad sa sahig 

" B-bitawan  mo--ko " napatili ako nung muntik ko ng mabitawan si Al ng hawiin nito
ang kamay ko na nakakapit sa kanang braso niya . Pinilit ko siyang itayo ngunit
hindi ko ito kaya . Kaya naglakas loob na akong humingi ng tulong kay manong guard
na nasa guard house . Mabilis naman itong tumakbo patungo saken at tinulungan akong
buhatin si Al na ngayon ay tulog na yata ,

" Kuya sa kwarto po " tumango ito . Tutulong na sana ako sa pagbubuhat ngunit
pinigilan ako nito .

" Ako na po Mam , kaya ko na po si Sir " tumango ako . Sinimulan niya ng pasanin si
Al , nung una hindi nito kaya . Dahil may kabigatan si Al , dahil naggy-gym ito .

" Sigurado po ba kayo na ayaw niyo ng tulong manong ? " tanong ko , dahil sa
nakikita ko ay nahihirapan si Manong sa kanyang ginagawa .

" Opo Mam " pagkasabi niyang iyon ay namangha ako nang makuha na nga niya itong
mapasan sa pangalawang beses . Nauna na siyang naglakad kaya sinundan ko nalang
siya at inaalalayan parin si Al sa likuran nito .

Napatitig ako kay Al na ngayon ay mahimbing ng natutulog habang buhat buhat ni


Manong Guard . Napatitig ako sa mukha nito na ngayon ay maamo kung tignan . Kailan
ko kaya makikita ang mukha na iyan na nakatingin saken ng ganyang kaamo ? . Kailan
ka ba kasi magbabago saken Al ? .

Mabilis na inunahan ko si Manong sa paglalakad upang pagbuksan siya ng pinto ng


kwarto namen . Agad naman itong pumasok at tumungo sa kama namen . " Dahan-dahan
lang po Manong " sabi ko habang inaalalayan si Al na ibinababa ni Manong .
Nagpasalamat ako't sinamahan na lumabas si Manong hanggang sa pintuan . Pinuntahan
ko ulit si Al at tinanggalan ng sapatos , medyas , kasunod ang kanyang suot na
pang-itaas . Nasa pangalawa palang na butones palang ako nung biglang hawakan ni Al
ang kamay ko . Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin ito saken .

" My--ra " banggit nito sa pangalan ng mahal niya . Unti-unting lumalapit ang labi
nito sa labi ko .
 Mangyayare nanaman ba ang nangyare noon ? .

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama mula sa mukha ko . Tumingin ako sa katawan
ko na ngayon ay tanging kumot na lamang ang bumabalot sa hubad kong katawan .
Dahan-dahan akong umupo habang hawak-hawak ang kumot . Bigla na lamang may tumulo
na mainit na likido sa pisngi ko dahil naalala ko nanaman ang nangyare kagabi .
He's making love with me , pero hindi nanaman ako ang dahilan kung bakit .
Pingkamalan nanaman niya na ako si Myra . Kelan ko ba mapapalitan sa puso mo si
Myra , Al ? .

Ibinalot ko ang kumot sa buo kong katawan bago tumayo upang pulutin ang mga damit
namen na ngayon ay nagkalat sa sahig . Pagkatapos kong magpulot ay nagpunta agad
ako sa banyo upang mag shower at magbihis . Matapos kong gawin ang dapat kong gawin
sa banyo , ay ang mga gagamitin naman ngayon ni Al ang aayusin ko . Paglabas ko ng
banyo ay napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa bigla ng makita si Al na ngayon ay
hawak ang ulo at nakaupo sa kama .

Mabilis na lumapit ako sa kanya at hinawakan ito sa likod " Okay ka lang ba Al ? "
pero imbis na sagutin ang tanong ko ay nagtanong din siya .

" We did again ? " alam ko na kung ano ang tinutukoy niya kaya tumango nalang ako
at mahinang sumagot ng oo " F*ck! " nakita ko itong napahilamos sa kanyang mukha
dahil sa inis na nararamdaman niya . 

" I-im sorry " pagkasabi ko non ay napaurong ako sa kinatatayuan ko ng bigla na
lamang ako nitong hawiin . Tumayo ito at humarap saken na puno ng galit ang mga
mata kaya nakaramdam nanaman ako ng takot dahil baka kung ano nanaman ang gawin
nito saken .

" Bakit hindi mo ako pinigilan ? D*mn it Vera ! " napapikit ako dahil sa lakas ng
pagkasabi niyang iyon . Hinihintay ko nalang na dumampi sa katawan ko ang mabibigat
niyang mga kamay ngunit hindi ko ito naramdaman . Kaya tanging isang hikbi nalang
ang nailabas ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko . Bakit ba napaka babaw ng luha
ko ?.
" Stop Crying , I'm not hurting you ... Today , may pupuntahan tayo at ayokong
makita nilang may pasa NANAMAN ang asawa KO ! . Magbihis ka na ! " rinig ko ang mga
yapag niya na papalayo saken kaya iminulat ko ng unti-unti ang mga mata ko .
Nanghihina ang mga tuhod na umupo ako mula sa kama at doon ipinagpatuloy ang pag-
iyak .

Hanggang ganito nalang ba talaga ako habang buhay ? . Iiyak nalang kapag sinasaktan
? magtitiis sa lahat ng ginagawang paghihirap saken ? Magbibingihan sa lahat ng mga
sinasabi nilang masasakit ? . Kailan ba lahat matatapos ito ? sukong suko na ako ,
pero hindi ko kaya ! . Hindi ko kaya dahil ayokong mahiwalay sa anak ko !

Nasa isang lugar kami ngayon na kung saan maaring mag Golf . Sa ilang taon kong
naburo sa mansion ngayon ko lang muli nalanghap at nasinagan ang amoy at lawak ng
maynila . Nasa Club Intramuros Golf Course kami ngayon at nakasakay ng isang troll
o trolly upang makarating sa field na kung saan sila maglalaro . Sabi ni Al saken
kaya siya nagpunta rito at kasama ako ay isang kasyosyo nito sa kumpanya ang
nakikipagkita rito upang pag-usapan ang negosyo habang naglalaro at kaya ako kasama
ay dahil gusto raw akong makita nito . Tinanong ko kung bakit , ngunit isang kibit
balikat na nagpapahiwatig na hindi rin nito alam . Huminto na ang troll ,
inalalayan naman akong bumaba ng isa sa mga staff nagpasalamat ako at tumango lang
ito . Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at hindi ko maiwasang hindi mamangha .
Kung ganito lang sana ang imahe na makikita mo sa maynila ngayon , sana walang
polusiyon . Berde lahat at konti lang ang makikita mo na mahahalo sa kulay na
iyon . Ang sariwa pa ng hangin , may kainitan dahil walang gaanong puno , pero
hindi iyon nagkaroon ng lamat upang masira ang view ng lugar na ito .

" Let's go ! " natinag lamang ako sa paglilibot ko ng paningin ng magsalita si Al .


Tumango ako na siyang paglakad niya paalis kaya't sinundan ko nalang ito hanggang
sa makarating kami sa isang ... parang kubo o cage ? ay ewan pero mukha siyang
bahay na open-open ang dating ! Yun !

" Mr Santos " tumingin ako sa loob ng bigla na lamang may binanggit na apilyido si
Al . May nakita akong dalawang lalaki na nakatalikod , pareho silang naka black na
damit . Walang lumingon , sino kaya si Mr Santos sa kanilang dalawa .

" Mr Bautista " nanlaki nalang ang mga mata ko nung makita kong hindi lang pala
sila dalawa , kundi tatlo . Natatakpan lamang pala ito nung dalawa kaya hindi ko
siya nakita .

Tumayo ito sa kinauupuan niya at nakipakamay kay Al . Napahawak ako sa braso ni Al


at nagtago ng kaonti sa likuran nito dahil nakita kong tumingin ito saken . Pero
isang iglap lang ay nakita ko nalang ang sarili ko na kaharap siya .

" So ... this is your wife ? " tanong nito at muling tumingin kay Al

" Yes , she's Vera " tipid na sagot ni Al . Ibinalik muli nito ang tingin saken
kaya napayuko ako .

" Don't be scared Mrs Bautista , im not eating people " ramdam ko ang pagpisil ni
Al sa braso ko kaya nag-angat ako ng tingin at ngumiti ng pilit " By the way , I'm
Aljon Santos " sabay lahad nito ng kamay . Nung una tinitigan ko lang iyon , hindi
man ito ang unang pakikipagkamay ko ngunit may hindi kasi ako gustong nararamdaman
kapag kaharap ko siya . Yung tila ba may gagawin siyang masama , pero mukha naman
siyang mabait , hindi ko maintindihan ! Kinuha ko din iyon ng maramdaman ko nanaman
ang pagpisil ni Al sa braso ko .

" Vera Vita Bautista , nice to meet you Mr Santos " binitawan ko din agad ang kamay
nito at nakita ko itong tumawa .

Lumipas ang dalawang oras nung magsimula silang maglarong dalawa habang pinag-
uusapan ang business ay hanggang ngayon ay hindi parin sila tapos . Mgdadalawang
oras narin akong laging tinitignan ni Mr Santos na siyang kinailang ko lalo sa
kanya . Mukha siyang mabait , pero napakacreepy niya . Pag kasi natiye-tiyempuhan
ako nitong nakatingin sa kanya bigla na lamang siyang ngingisi .

Mabilis na tumayo ako sa kinauupuan ko ng makitang pabalik na sila Al at Mr Santos


at iba pa . Mukhang tapos na sila . Inabutan ko ng isang mineral water si Al at ng
kanyang bimpo . Uminom naman ito agad at nagpunas ng pawis sa mukha .
" Great game Mr Bautista , I hope we do this again "

" Ofcourse Mr Santos , anytime "

Nakita kong nagkamayan sila . Nagpaalam na si Mr Santos kay Al at sa iba pa . Pero


bago siya tuluyang umalis ay binigyan nanaman ako nito muli ng isang sulyap na
kanina pa niya ipinapakita saken . Ngumisi ito bago muling tumalikod at
ipinagpatuloy ang paglakakad palayo .

" Let's go home " tumango ako ng wala sa sarili habang sinusundan ng tingin ang
papalayong si Mr Santos . Sana walang ibig sabihin ang mga tingin na iyan . "
VERA ! " bumalik ang huwisyo ko ng sumigaw si Al . Tumakbo ako patungo sa troll at
sumakay .

Isang oras lang ang lumipas ay nakauwi rin kami agad ni Al sa mansion . 

Back to jail again .

" I think Mr Santos , likes you Vera " napahinto ako sa pagpasok ng mansion ng
marinig ko iyon kay Al . Tumalikod ako upang tumingin sa kanya .

" Huh ? " takhang tanong ko sa kanya . Ngunit hindi ako nito sinagot at siya na ang
unang pumasok ng mansion . Ano kayang ibig sabihin doon ni Al ? . Gusto ako ni Mr
Santos ? pero bakit ? hindi naman ganun ang nakikita ko sa kanya e .

*
Kahapon isa lang ang iniisip ko , ngayon dalawa na . Hindi parin kasi maalis sa
isip ko ang mukha nung Mr Santos kung paano niya ako titigan at bigyan ng ngisi .
Aish !

Nasa kusina ako ngayon ay naghahanap ng lulutuin para kay Al . Siguro ipagluluto ko
nalang siya ng sinigang na baboy . Binuksan ko ang freezer at kinuha ang porkchop .
Naglabas narin ako ng mga ingredients .

Tanghalian na itong niluluto ko , ipapahatid ko nalang siguro kay Manong Driver ito
sa opisina niya . Gustuhin ko man na ako ang magdala sa kanya roon , ay hindi naman
pwede .

Pagkatapos kong nagluto ay inilagay ko na iyon sa baunan , nilagyan ko narin ng


isang bote ng tubig , para kapag nauhaw siya , hindi niya na kailangang humingi sa
secretary niya .

Handan na ang lahat , ang kailangan ko nalang gawin ay ibigay ito kay Manong Driver
. Paglabas ko ng bahay ay ni isa sa mga magagarang sasakyan ng mga Bautista ay wala
akong nakita .

“ Nasaan sila ? “ tanong ko sa sarili ko habang inililibot ko ang paningin sa


paligid . Pumasok na lamang akong muli sa loob at doon naghanap kung meron bang tao
, ngunit wala akong nakita . May napadaan na isang kasambahay kaya naglakas na
akong loob na kausapin siya , mukhang wala naman si Mamang kaya hindi niya
masasaksihan ito .

“ Ate , nasaan po sila ? “ inilibot pa ni Ate Kasambahay ang paningin niya na para
bang tinitignan kung may makakakita sa kanya “ Okay lang yan Ate , wala naman
yatang tao sa loob e “ tumingin ito saken .

“ M-may dinaluhan po silang isang kasal kasama si Mam Badeth "

" Kasal po nino ? " tanong ko , umiling si Ate kasabay ng pagtaas ng dalawa niyang
balikat " Sige Ate , salamat po " tumango si Ate at agad ring umalis . Kanino ko
ngayon ito ipapadala ? . Walang tao sa loob at ni isang sasakyan at driver wala .
*sigh* Ako nalang nga . Tutal sa office lang naman ni Al ako pupunta at hindi kung
saan . Pero mas mabuti ng iteks ko muna si Al para alam niya na pupunta ako .
Pagkatapos kong magteks ay nagbihis muna ako ng pang-alis , pagkatapos ay
hinabilinan ko si Ate na nag-aalaga kay Jean . Sumakay lang ako ng taxi patungo
roon .

Nang makarating kami sa tapat ng company nila Al ay bumaba na ako ng taxi at


nagbayad. Tiningalaan ko muna ang buong kumpanya , nung unang pagpunta ko rito
hindi pa ito ganito kataasan . Pero ngayon ang laki na ng itinaas nito . Ang galing
talaga ni Al magpatakbo ng negosyo . Nakangiting pumasok ako sa loob ng kompanya ,
ang iba ay binabati ako samantalang ang iba ay parang walang nakita at dinaraanan
lang ako . Siguro mga bagong employees sila at yung mga bumati saken ay mga dati pa
kaya kilala nila ako . Sumakay ako ng elevator at pinindot ang fifth floor . Ng
makarating ito sa pupuntahan ko , ay lumabas na ako . Napahinto ako saglit at
pinasadahan ng tingin ang mga taong nasa paligid . Pati ang floor na ito ay
napakarami ng nagbago . Kung dati nasa paligid at kalat-kalat ang mga employer
ngayon naman ay konti nalang at kulang nalang wala ng matira sa floor na ito ,
siguro ay nasa ibang floor sila at doon na tinipon tipon sa isang floor .

Naglakad na ako patungo sa office ni Al . Nung nasa harapan na ako ay hahawakan ko


na sana ang pihitan nang may biglang nagsalita sa likuran ko kaya napigil iyon .

" And who are you Miss ? "

" I'm Vera , Alfredo's wife " pagkasabi ko non ay tinignan ako nito mula ulo
hanggang paa , pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin sa mukha ko .

"Are you joking ? si Sir magkakaasawa ng isang katulad mo ? o baka naman isa ka sa
mga babaeng nanghahabol sa kanya ? " tumaas ang kilay ko ng dahil doon . Rinig ko
narin ang bulungan ng mga taong nasa paligid .

" Alam mo ba ang sinasabi mo niyan Miss ? " balik na tanong ko sa kanya . Tumaas
ang kilay nito at nagcross arm pa .

" Oo naman , alam mo Miss kung manghahabol ka lang naman , wag dito ! dun ka sa
labas "
" Hindi ako naghahabol Miss "

" Yea right ! Para namang maniniwala ako sa'yo , umalis kana nga rito bago pa ako
tumawag ng guard para kaladkarin ka palabas "

" Bakit ba ayaw mong maniwala saken Miss ? "

" Bakit ayaw kong maniwala ? . Kasi hindi ikaw yung tipo na babae na gusto ng boss
ko , tignan mo nga yang sarili mo . Mukha kang probinsiyana at walang ka-class
class kung tignan . Umalis kana di--- "

Napalingon kaming dalawa nang biglang may nagsalita . Nung una nawawalan na ako ng
pag-asa na makapasok pa sa loob ng office ni Al , ngunit nung dumating 'siya' ang
dating secretary ni Al ay nabuhayan ako ng loob . 

" Mrs Levi " tawag agad nung bagong secretary ni Al at tumakbo ito papunta sa tabi
nito . Tumingin ako kay Mrs Levi na ngayon ay hindi parin nagbabago ang itsura ,
napaka sungit paring tignan ngunit sa loob naman nito ay napakabait niyang tao.

" Anong nangyayare dito ? " tanong nito " Yan po kasi Mrs oh ? " sabay turo saken "
Asawa daw po siya ni Sir Fred ? pft~ " rinig ko rin na tumawa ang nasa paligid
ngunit si Mrs Levi ay nanatiling seryoso ang mga mukha na nakatitig saken .
Napayuko ako sa naisip ko at bumalik ang pagkawalan ko ng pag-asa .

" Mrs Bautista ? " napaangat ako ng tingin ng bigla niya akong tinawag " Ikaw nga ,
Iha kamusta na ? " napangiti ako ng bigla na lamang niya akong niyakap . Nakita ko
ang mga tao sa paligid na napanganga lalo na yung bagong secretarya ni Al hindi
lang mata ang nanlaki sa kanya , isama mo narin pati ang bibig niya na kasya na ang
kamao niya kapag ipinasok .
" Okay lang naman po ako Mrs Levi " bumitaw ito sa pagkakayakap saken at
nakangiting tinitigan ako sa mukha pero hindi parin umalis ang pagkasungit ng
kanyang mukha kahit nakangiti na ito " Mukha parin po kayong masungit Mrs Levi " 

Tumawa ito " Inborn na yan Iha , ikaw talaga " sabay hampas ng mahina sa braso ko "
Wag mong sabihing takot ka parin saken ? " natawa kaming dalawa . Naalala ko kasi
yung una naming pagkikita . Takot na takot talaga ako kay Mrs Levi nun , pero nung
makausap ko siya ng sarilinan ay nawala iyon . " Nga pala , ipapakilala kita
sakanila " tumango nalang ako . Hinawakan ako nito sa kabilang balikat at sabay
kami na humarap sa mga taong nandoon " Please , meet and greet Mrs Bautista , wife
of Mr Bautista " isa -i sa naman nila akong binati , at ang huli na tinignan ko ay
yung bagong secretary na mukhang hindi parin nakaget over sa nalaman .

" Mrs Belle , aren't you greet the Wife of your Boss ? " ngumiti ako sa kanya ng
bumalik na ito sa katinuan niya .

" H-hi " sabay yuko nito

" Hello sa inyong lahat " bati ko sa kanila . Sinenyasan naman sila ni Mrs Levi na
magsibalikan sa kani-kanilang trabaho . Hinarap naman ako nito at tinanong " Ano
nga palang ginagawa mo rito sa labas Iha ? bakit hindi ka pumasok sa loob ng office
ng asawa mo ? " nilingon kong muli si Belle na ngayon ay nakayuko . Napailing
nalang ako at ibinalik muli ang tingin kay Mrs Levi .

" Kararating ko lang po Mrs Levi nung dumating kayo " tumango ito sa sinabi ko "
Ano na nga po pala ang posisyon niyo Mrs Levi ? " natawa ako ng bigla itong
napatalon sa kanyang kinatatayuan .

" Oo nga pala . Sorry Iha , maiiwan na kita ha ? may kailangan pa pala akong gawin
"  bineso ako nito bago naglakad paalis , pero natawa ako ulit nung bumalik siya at
inarap ako " Pinromote pala ako ni Alfredo na maging isang Manager ng kompanya ,
bait noh ? Sige Iha "

" Sige po " sinundn ko lang ito ng tingin hanggang sa makapasok siya ng elevator .
Nilingon kong muli si Belle na ngayon ay nakatingin din pala saken .

" Sorry po Mam , sana po mapatawad niyo ako " at yumuko itong muli 

" It's okay Belle , wala karin naman kasalanan dahil hindi mo naman kasi alam e "
tumango ito habang nakayuko kaya nginitian ko nalang siya kahit hindi naman niya
nakikita . Tinalikuran ko na ito at nagtungo ng muli sa tapat ng opisina ni Al .
Hahawakan ko na sana ang door knob ng may narinig ako mula sa loob . Sino kaya ang
kasama ni Al sa loob ? o baka naman may kausap siyang importanteng tao .

Dahan-dahan na binuksan ko ang pinto upang hindi ko sila maistorbo ng kausap niya .
Ng maibukas ko ng kaunti ang pinto ay sumilip ako . Ganun nalang ang pagkalaki ng
mga mata ko ng makita ko kung sino at kung ano ang ginagawa ni Al sa loob ng
opisina niya . Bumilis ang tibok ng puso ko at muntik ko pang mahulog ang hawak ko
dahil parang nanghina ako sa nakita ko . Agad na isinarado ko ang pinto at humawak
sa puso ko . Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko sa gilid ng mga mata ko . Tinanong pa
ako ni Belle kung okay lang ako , ngunit hindi ko na siya nasagot ay bagkus tumakbo
na lamang ako patungong elevator at sakto naman itong bumukas kaya agad na pumasok
ako't dun humagulgol ng iyak .

Tumakbo ako palabas ng nasa unang palapag na ako ngunit hindi ko inaasahan na may
mabangga pa ako . Pag-angat ko ng tingin ay lalo lamang akong napahagulgol .

**

Alfredo's POV

Natigil ang ginagawa namen ni Lyn ng marinig namen ang pagsarado ng pinto . "
Sh*t ! " napamura ako at agad na isinuot lahat ang mga damit na sunot ko .

" Aray babe ha ? hindi masakit ! Tss ! " reklamo ni Lyn dahil nahulog ito mula sa
sahig . Pinulot ko ang mga damit nito at agad na ibinigay sa kanya .
" Magbihis ka " pagmamadali ko sa kanya habang tinitiganan ang pinto kung
magbubukas muli iyon . Paniguradong may nakakita samen kanina . Nang matapos akong
magbihis ay dahan-dahan na sumilip ako sa labas . Nakita kong wala namang tao ,
tumingin ako sa relo ko at nakita kong lunch break na pala . Nakahinga ako ng
maluwag at isinara itong muli .

" What's the problem baby ? " may pagkamalambing nitong sabi . Umupo ako sa swivel
chair ko . Pagkatapos magmagbihis nito ay pumunta siya sa kinauupuan ko at
kumandong paharap saken at pinaghahalikan ang leeg ko . Napapaungol naman siya sa
ginagawa niya , madadala na sana ako ngunit pinigilan ko ito gamit ang paghawak sa
kanyang magkabilang balikat at inilayo saken dahil baka may makakita nanaman
samen . " Why ? " takhang tanong nito habang nakakunot ang mga kilay .

" Get off me now Lyn " sumunod naman ito agad , ngunit padabog nga lang siyang
tumayo " You can go now " sabay talikod ko sa kanya . Ipinatong ko ang dalawa kong
siko sa lamesa at pinagsalikop ang dalawa kong kamay . Rinig ko naman ang ingay ng
mga takong niya palayo hanggang sa makarinig na lamang ako ng malakas na pagsarado
ng pinto . 

Sh*t sino kaya ang nakakita samen kanina ? .

--

Finished | Edited

=================

Kabanata Fourteen

Kabanata Fourteen

        Akala ko pagkatapos naming makasal ni Al , maaalis na sa kanya ang


pangbababae niya . Pero mali pala ako. Kapag pala naging babaero na ang isang tao ,
habang buhay na ito sa kanya . Kasal o hindi , hindi na maiaalis iyon .
" Ano yang dala mo ? " tanong saken ng katabi ko . Nasa isang parke kami ngayon na
kung saan malapit sa nakatayong building ng mga bautista . 

 Hindi ko ito sinagot . Nakatingin  lang ako sa isang direksiyon at iyon ay doon sa
mga mag-asawa na sweet na nagsusubuan ng cotton candy . Bata man silang tignan
dahil sa cotton candy , pero para sakanila ka sweetan iyon , pati narin saken . 

" Patingin nga ako " ramdam ko na kinuha nito mula sa kamay ko ang hawak ko , pero
hindi parin naalis ang tingin ko sa mag-asawa . Buti pa si Ate namumuhay na ng
masaya , payapa . Samantalang ako , masaya nga ako dahil kay Jean , hindi naman
payapa ang buhay ko " Wow sinigang ! Pahingi ako ah ? " tumango nalang ako bilang
sagot " Salamat ! "

Naalala ko pa nung bago ako umalis ng probinsya kinaiinggitan nila akong lahat .
Kesyo daw magiging mayaman na ako , ang mga magulang ko , hindi na raw kami
maghihirap at lalong lalo na , hindi na namen kailangan magtrabaho pa dahil nga sa
magiging mayaman na kami . Pero hindi naman kasi totoo lahat yun e , mananatili
parin kaming mahirap dahil iyon na talaga kami . Nakapag-asawa man ako ng mayaman ,
mahirap parin kami . Kaya sabi ko sila bago ko tuluyang lisanin . 

'Kung ano ang kinagisnan ko , iyon parin ang dadalhin ko' .

" Wow ang sarap naman nito ! Ikaw ba ang nagluto nito Vera ? " hindi ko na natiis
ang kaingayan nitong katabi ko kaya nilingon ko na siya . Nakita ko itong
nilalantakan na nito ang dala kong pagkain para sana kay Al .

" Ang ingay mo ! Mas okay pa yata yung tahimik ka kesa yung ganyan ka kaingay "
sinamaan ako nito ng tingin . Tss ! Napaka bipolar nitong lalaking ito . Dahil sa
inis kinuha ko sa kanya ang kinakain niya " Akin na nga yan ! Hindi naman sa'yo yan
e " tumaas ang isang kilay ko nung bigla niya itong kinuha .

" Hiningi ko sa'yo 'to , kaya akin na ito ngayon " sabay subo . Tumaas pa ang isa
kong kilay ng makita kong paubos na ito .
" Humingi ka lang naman e , hindi ko naman sinabing ubusin mo ! " kahit naman
lutang ang isip ko , alam ko parin ang nangyayare sa paligid ko . Nakita ko itong
ngumiwi . Mabilis naman nitong binitawan ang hawak niya at napapansin ko na
ibinabalik na niya ito sa dating ayos " Anong ginagawa mo niyan ? " nakakunot na
kilay na sabi ko habang tinitignan ang ginagawa niya .

" Ibinabalik ko na " tipid nitong sagot

" Bakit mo ibinabalik ? " tumingin ito saken at nakipagtitigan . Kinunot din nito
ang kanyang kilay .

" Baka maubos ko , kaya ibinabalik ko na "

" Bakit hindi mo pa inubos ? " napanganga ito sa sinabi ko . Anong nakakanganga sa
sinabi ko ? . May gana pa siyang ibalik kung kelan paubos na , e hindi narin naman
makakain yan ni Al e .

" Ang gulo mong kausap Vera " kumunot ang noo ko sa sinabi niya . Paano ako naging
magulo ? " Kanina sabi mo bakit ko inubos ? ngayon namang ibabalik ko na sasabihin
mong bakit ko pa hindi inubos . Ano ba talaga ? " napangiwi ako . Ganun ba yun ? .

" Ah-hehe " nagpeke ako ng tawa at napakamot sa ulo ko " Paano kasi ibinabalik mo
pa samantalang paubos na , hindi narin naman yan makakain ni--- " napahinto ako sa
pagsasalita ng bigla itong umiwas ng tingin saken . 

E ? bakit ? .
" Pakisabi kay Fred , sorry . Dahil kinain ko ang pagkain na para pala sa kanya "
parang nakaramdam ako ng guilty . Pero bakit ? wala naman akong ginagawa sa kanya
ah ? . " Ano nga palang dahilan at bakit ka umiiyak kanina ? " tanong nito habang
nakatingin sa malayo . Napayuko naman ako ng dahil doon , dahil naaalala ko nanaman
kung ano ang nakita ko kanina .

" W-ala naman . Natapilok lang ako , e sa masakit k-kaya ayun , napaiyak ako "
pinilit kong maging makalma ang sarili ko para hindi gumiba ang boses ko . Ramdam
ko nanaman ang pag-init ng dulo ng mata ko kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya .

" Hanggang kailan mo ba titiisin ang buhay mo sa mansion ng mga bautista Vera ?
hindi ka pa ba nagsasawa na umiyak nalang lagi ? . Bakit hindi ka umalis ? lumayo .
Hindi mo naman kailangan tiisin ang lahat kung pwede namang gawin iyon hindi ba ? "
naibalik ko ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya .

Kitang kita ko ang sensiridad sa mga mata niya kahit nakatagilid ito , yumuko
nalang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko . " Noon , naisip ko narin yang mga
sinabi mo . Pero simula nung dumating sa buhay ko si Jean , nawala ang lahat ng
iyon . Hindi ko kayang iwan si Jean , hindi ko kayang malayo sa kanya . Kaya handa
akong magtiis habang buhay , basta makasama ko lang siya " Napaangat ako ng tingin
ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang kamay . Magkatitigan kami ngayon mata sa
mata .

" Bakit hindi mo siya isama sa pagtakas ? maari naman siguro iyon " umiling ako na
ikinatakha niya .

" Naisip ko narin yan , pero naisip ko rin na ... Kung lalayas kami , anong
ipapakain ko sa kanya ? saan kami titira ? at kung maghahanap naman ako ng
trabaho , sino mag-aalaga sa kanya ? . Hindi naman kami maaring umuwi ng
probinsya , dahil iyon ang unang pupuntahan ng mga Bautista . Handa kong ibuwis ang
lahat para sa kinabukasan ng anak ko Arvie , kahit buhay ko pa ang kapalit , basta
alam ko na , nasa mabuting kalagayan si Jean , mapapanatag na ako " nakangiti kong
sagot at binawi ang kamay ko sa kanya . Tumingin ako sa kalangitan na ngayon ay
nagsisimula ng kumulimlim . Siguro uulan . Hindi ko na ito narinig na nagsalita
pa . Tumayo ako at inayos ang sarili ko , uuwi na ako dahil baka abutan ako ni
Mamang na wala sa bahay at kung ano nanaman ang isipin non . Kinuha ko na ang dala
ko at nagpaalam na kay Arvie , tumango lang ito bilang sagot . Tumalikod ako at
humakbang palayo . Pero nakakatatlo palang ako ng hakbang ng may naalala ako "
Arvie ! " tawag ko , nag 'hmp?' naman ito " Sana hindi na malaman ni Al na nagpunta
ako sa kumpanya " narinig ko siyang sumagot kaya napatango nalang ako at
ipinagpatuloy ko na ang paglalakad .

Arvie's POV

Sinundan ko ito ng tingin palayo . Hindi ko iyon tinanggal hanggang sa nawala na


ito sa paningin ko . Sumandal ako sa sandlan ng bench na kinauupuan ko at
nagcrossarm atsaka pumikit .

" You can get out now , I know you're there " pagkasabi ko non ay nakarinig nalang
ako ng tawa . Hindi lang tawa , kundi nakakalokong tawa " What are you doing here ?
"

" Nothing ... napadaan lang ako at nasaktuhan ko kayong nakita . How was it ?
nakukuha mo na ba ang loob niya ? " umiling ako " Poor you , akala ko ba charming
ka ? habulin ng babae ? nasaan ngayon ang mga iyon ? . C'mon Arvie , galingan mo
paano--- " pinutol ko na ang sinasabi niya gamit ng pagtaas ng isa kong kamay .
Pero nakapikit parin ako .

" Wag mo akong masyadong madaliin , hindi katulad ng ibang babae si Vera . She was
different from the others , atsaka hindi naman ako nagmamadali . Marami pang araw ,
lingo , buwan at taon ang pwedeng lumipas , I can wait "

" You can wait , but I'm not " naimulat ko ang mga mata ko ng dahil sa sinabi niya
at tinignan siya " Hindi lang ikaw ang makikinabang dito , pati narin ako Bing .
Kung ikaw wala ka pang gagawin at wala ka pang plano , ako meron at marami na "
tumalikod ito saken , pero ako nanatiling nakasandal lang " Paalala lang Arvie ,
wag na wag kang mahuhulog sa sarili mong patibong , kundi ikaw ang talo sa larong
ginawa mo " pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglaka na ito palayo . Kumunot ang
noo ko at napaisip sa huli niyang salita na binitawan . 'Wag akong mahuhulog sa
sarili kong patibong ?' what he mean by that ? . Tss ! Gagawa man ako ng patibong ,
sisiguraduhin ko munang sila ang mahuhulog bago ako at sisiguraduhin ko rin , na
ako ang mananalo , sa larong ako ang nagpasimuno at gumawa .
Alfredo's POV

     Pagkatapos sa trabaho ay sa condo ako ni Arvie dumaretso , nandito rin ang


dalawa . Nag-aya kasi akong mag-inuman , nakakasawa narin kasing uminom ng mag-isa
lang e . Kaya kahit may naging hindi kami pagkakaintindihan ni Arvie ay dito ko
parin pinili na pumunta at uminom . Dahil kaibigan ko siya , sila .

" Mga Bro ! Punta kayo sa kasal ko " walang ganang paninimula ng usapan ni Francis
pagkatapos nilagok ang punong alak sa baso nito .

" Wow ! Kasal ! Invited ! Kelan ? aba ! Kelangan kong paghandaan yan noh ?
kailangan gwapo ako " - Mike

" Napaka aga naman yata ng pag-iimbita mo ? hindi naman nagmamadali ang mga parents
niyo niyan ? " - Arvie

" Tama , ako nga umabot pa ng kalahating taon bago ako ikinasal nung sabihin kong
ikakasal na ako e " sabat ko naman . Naglagay naman ako ng alak sa baso ko at agad
ko ring inubos iyon .

" Parang hindi na kayo nasanay sa mga magulang ko , basta kapag business dapat
minamadali hindi na inata-ata pa . Tss ! " naalala ko sa kanya kung ano ang mga
nararamdaman ko nung malaman ko na ikakasal ako . Ganyan na ganyan din ako ka
frustrate nun , naiinis , nagagalit .

Natigil lahat ng mga dati kong ginagawa . 


Michaela's POV

   Humahangong tumatakbo ako ngayon papasok ng hospital ng mabalitaan ko na sinugod


si Tito Vero dito .

" Vero Grace ? " tanong ko agad sa Nurse Station . Tinignan naman agad nito ang
record niya ta mabilis na sinabi saken na ...

" Kaano-ano po kayo ng pasyente ? "

" Pamangkin niya po ako "

" Nasa Room 106 na po ang pasyente mam "

" Salamat " pagkasabi ko non ay tumakbo nanaman ako ng mabilis . Alam na kaya ito
ni Vera ? at ano ba ang sakit ni Tito kaya siya napunta rito ? .

 Nanghihimakos na binuksan ko ang pintuan at doon tumambad saken ang natutulog na


si Tito Vernon na nakahiga sa isang Hospital Bed nasa gilid naman ng kinahihigaan
nito ay doon nakaupo si Tita Chinny . Mabilis na lumapit ako kay Tita Chinny at
yumakap " Tita " tanging sambit ko dahil naramdaman ko ang paghikpit ng yakap saken
ni Tita . Hindi ko man rinig na umiiyak siya , pero ramdam ko naman ang pagbasa ng
damit ko sa braso ko . Hinagod ko ang likod niya " Wag ng umiyak Tita , gagaling
din po si Tito , magtiwala lang po tayo sa Diyos "ramdam ko na tumango siya kaya
hinawakan ko ito sa magkabilang pisngi at tinitigan sa mga mata " Alam na po ba ito
ni Vera ? " umiling ito habang nagpupunas ng luha " Bakit po ? " takhang tanong ko
at binitawan na ito , hindi ito agad nakasagot kaya napakunot ang noo ko "
Kailangan pong malaman ito ni Vera , Tita . Kailangan niyang--- "
" Wag na natin pang dagdagan ang mga problema doon ni Vera , Iha . Ikaw narin ang
nagsabi ... Na gagaling din si Vero , kaya wag mo ng sabihin sa kanya ...
Nakikiusap ako Micha " lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Chinny

" B-bakit po ? "

" Magiging komplikado lang lalo ang buhay niya doon kapag nalaman pa niya ito "
nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko .. Paanong--- " Kahit walang sinasabi samen
si Vera , alam ko at alam namen ni Vero , na hindi maganda ang nagiging buhay niya
doon " napaatras ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong titigan sa mga mata ni Tita
Chinny , pero isang ngiti lang ang ibinigay niya saken .

" P-paano niyo po nasabi yan Tita ? paano niyo po nalaman na --- " naputol ang
sasabihin ko ng bigla itong nagsalita na ikinatakip ng bibig ko . WhatTheEf~

--

Finished | Edited

=================

Kabanata Fifteen

Kabanata Fifteen

[ Vera's POV ]

     Bumaba ako ng kwarto at tumungo ng kusina upang uminom dahil nauuhaw ako .
Mag-aalastres palang ng madaling araw . Hindi ko alam pero hindi ako makatulog ng
maayos . Tapos minsan , may pakiramdam pa ako na kinakabahan , yung para bang may
mangyayareng masama ? . Inalis ko na nga lang sa isipan ko at inisip na wala lang
iyon , pero hindi naman maalis alis kahit anong gawin ko .
Napatili ako ng bahagya ng bigla nalamang dumulas sa kamay ko ang basong hawak ko ,
napatitig lang ako doon at mas lalo akong kinabahan sa nangyare . Biglang pumasok
sa isip ko ang pamilya ko ... Inilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko ...

" No ... Walang nangyareng masama sa kanila ... " pangungumbinsi ko sa sarili ko .
Tumalikod ako't kumuha na lamang ng panglinis , pagkatapos non ay umakyat na lamang
ako at hindi na uminom pa ng tubig .

Lumipas ang mga oras ay sa hawak na cellphone ko lamang ako nakatingin , hindi na
ako natulog dahil ... nandoon parin ang kaba at sinaluhan pa ng takot ang
nararamdaman ko simula nung nangyareng aksidenteng nahulog ang baso ko hindi na ako
nakatulog at natanggal pa iyon . Lalo tuloy akong nag-aalala sa mga magulang ko sa
Probinsya . Okay lang kaya sila ? sana oo .

Muntik ko ng maihagis ang cellphone ko ng bigla na lamang may nagsalita , ang akala
ko tulog pa hanggang ngayon si Al .

" Ang aga-aga cellphone hawak mo " lumunok ako at dahan-dahan na inilapag ang
cellphone ko sa side table na nasa tabi ko lang .

" Sorry " mahina kong paghingi ng tawad , kita kong inirapan niya ako at tumalikod
mula saken at bumalik sa pagtulog . Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga at
napatitig sa likuran ni Al . Sumagi nanaman sa isip ko ang nakita ko nung isang
araw kaya mabilis na inalis ko na ang tingin ko mula sa kanya .

Bumabalik nanaman sa isip ko ang naging pag-uusap namen ni Arvie ... Ilang beses ko
naring naisip 'yon , pero ilang beses ko naring tinanggihan dahil sa nega thoughts
na agad pumapasok sa tuwing naiisip ko iyon . Kabutihan lang naman ang nais ko sa
anak ko . Kaya hanggang alam kong okay pa siya dito , magiging okay lang din ako
kahit hirap na hirap na ako .

Biglang tumunog ang cellphone ko na ikinagising ni Al kaya nasigawan ako " VERA ANO
BA ?! "

Mabilis na dinampot ko ang cellphone ko at tumakbo patungong veranda . Napahawak


ako sa puso ko na ngayon ay mabilis na tumitibok dahil sa kabang naramdaman ko
kanina nung sigawan ako ni Al . Huminga muna ako ng malalim bago tinignan kung sino
ang tumatawag ... si Michaela . Bakit kaya siya napatawag ? dati naman nagteteks
muna siya bago tumawag , bakit ngayon biglaan ? .
" Hello MIchaela ...  bakit hindi ka muna tumawag na tatawag ka , muntik nanaman
akong--- " naihulog ko ang hawak na cellphone ko dahil sa sinabi ni Michaela sa
kabilang linya ... " H-hindi ... " inilig ko ang ulo ko habang sinasabi ko ang
katagang iyon . Napaupo ako sa silya at natulala sa kawalan . Unti-unting bumubuhos
ang luha ko .... " HINDI ! "

Yhssa's POV

      Pinagkatiwalaan ko siya , ipinagkatiwala ko sa kanya ang puso ko ng limang


taon tapos ... malalaman ko nalang sa pagbabalik ko na may ibang mahal na siya ? .
Ang malanding babaeng iyon , hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya ...
maghihiganti ako , maghihiganti ako sa kanya ...

" Itigil mo na ang ginagawa mo Yhssa , walang kasalanan yung bata sa ginawa sa'yo
ni Vero at Chinny "

" Hindi ... hinding hindi ako titigil hanggat may nabubuhay pa sa kanila ... at
anong wala ? meron ... dumadaloy sa hampaslupang iyon ang dugo ng malanding babaeng
iyon , kaya may kasalanan siya "

" Wala Yhssa , kaya wag mo ng pag-initan yung bata ... Kung meron ka mang sama ng
loob sa mga magulang niya , please ... wag mo ng idamay pa ang mga bata dahil wala
silang alam sa mga nangyayare " natahimik ako sa sinabi niya . Inismiran ko siya at
naglakad ako patungo sa sid table upang kunin ang alak ko " Yhssa , hindi kapa ba
nakakapagmove-on sa nakaraan mo ? ninyo ? nandito na ako ang mga anak mo ... Ano pa
bang gusto mo ? "

Ano pa nga ba ? meron na akong masaya't malaking pamilya . Ano pa nga ba ang gusto
ko kaya ko pa iyon ginagawa ? . Ang alam ko lang kasi kaya ko iyon nagagawa , dahil
sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng babaeng hampaslupa na iyon ay nakikita ko
sa kanya ang malandi niyang Ina . Kung alam ko lang sana na anak ni Chinny ang
magiging asawa ng anak ko , tumutol sana ako sa kasal na ginawa ng magaling kong
asawa .

" Ikaw ang may kasalanan nito Sandro , kung sana sinabi mo saken noon kung sino ang
mapapangasawa ng anak mo , edi sana napigilan ko pa iyon at tumutol na ... hindi na
sana nahihirapan yang anak ng malandi at ng ex-boyfriend ko ... "

" Kaya ko lang naman nagawa iyon ay dahil gusto kong magkaayos ayos na tayo , kayo
ni Vero ... Kung alam ko lang na ganito pala ang epekto sa'yo ng kasalan na naganap
, dapat pala hindi ko na iyon itinuloy pa "

Mariin kong ibinaba sa bar ang hawak kong baso at umupo sa isang stand stool "
Dapat noon mo pa sana naisip ang bagay na iyan Sandro , kaya hindi mo ako masisisi
kung ganun ang naging trato ko kay Vera ... " hindi ko na ito narinig pang
nagsalita .

Nung mai-set kasi ang kasal ni Alfredo sa babaeng iyon ay wala ako , ako ang nasa
Ibang bansa at inaasikaso ang negosyo namen doon . Laking gulat ko na lamang ng
mabalitaan ko na kasal na pala ang bunso kong anak na si Alfredo . Nung una naging
masaya ako , dahil sa wakas sabi ko sa isip ko na magtitino narin ang anak ko sa
isang babae . Pero namuo ang galit at nanumbalik ang ginawa saken ni Vero nung
makita at malaman ko kung sino ito at kung ano ang dahilan ng pagpapakasal nila .
Alam kong nanghiram sila ng pera noon para sa operayon ng anak nila , hindi ko
naman alam na ganito pala ang magiging kapalit , kung alam ko lang sana ... Hindi
ko na sana sila pinahiram pa at hinayaan nalang mamatay ang anak nila ng dahil sa
sakit .

Nagkatinginan kaming dalawa ni Sandro ng may biglang sumigaw . Naningkit ang mga
mata ko ng mabosesan ko ito .

 'Anong problema ng babaeng iyon at sumisigaw siya ? ' .

 Naunang lumabas saken si Sandro , inubos ko muna ang alak na nasa baso ko bago
sumunod sa kanya sa paglabas .

" Anong nangyayare dito ? ... Vera ? " tanong ni Sandro ng makapasok siya ng kwarto
ni Alfredo . Tinaas ko ang kilay ko ng makapasok ako ng kwarto . Naratingan namen
doon si Vera na nakaupo sa sahig habang takip takip ang mukha gamit ang dalawa
niyang palad . Humahagulgol pa yata ito sa iyak .
" Anong drama nanaman yan Hampaslupa ? at anong sinisigaw sigaw mo diyan ? "
tinignan  ako ng may pagbabanta ni Sandro pero inirapan ko lang siya .

" Vera Anak , anong problema ? " napairap ako sa naging tawag ni Sandro sa kanya .
Kung ako lang tumawag sa kanya ng ganyan baka masuka lang ako . Hindi pala ,
nasusuka na talaga ako . Lalo na nung tinawag ko siyang ganyan n un g nandiyan ang
mga kaibigan ni Alfredo . Tss ! Nagsabi kasi ako ng masamang salita kaya nakakasuka
.

Lumapit si Sandro sa kinauupuang sahig ni Vera at hinaplos sa likod . Inalis naman


nito ang pagkakatakip ng kanyang mukha , luhaan ito . Maga ang mga mata . Napangiti
ako . Bakit ba napakagandang makita na ganyan ang itsura niya ? hahahaha .

" Papang ! " sabay yakap nito na ikinairap ko ng dalawang beses sa kawalan . Ang
arte talaga nitong babaeng ito kapag nandiyan si Sandro .

" Anong problema Anak ? bakit ka umiiyak ? anong nangyare ? " sunod-sunod na tanong
ni Sandro . Binuklat ko ang pamaypay ko at umupo sa isa sa mga couch sa loob ng
kwarto . Itinaas ko ang dalawa kong kilay at ako ang unang sumagot sa tanong ni
Sandro .

" Nag-iinarte lang yan , nagpapapansin ... kulang kasi sa pansin e "

" Yhssa ! " saway saken ni Sandro " Bakit ? totoo naman ah ? masyadong attention
seeker ang babaeng iyan . Hindi kasi pinapansin dito kaya nagkakaganyan  " nakita
ko itong napailing nalang . Inalis ko ang tingin ko sa kanila at tumingin na lamang
sa labas ng veranda habang pumapaypay .

" Iha ... tell me what's wrong ? "


" S-si ... Itay po k-kasi " naibalik ko ng hindi oras ang paningin ko sa dalawa ng
mabanggit ng hampaslupa ang tatay niya .

Nanlaki ang mga mata ko at naibagsak ko ang hawak ko na pamaypay at parang huminto
ang paligid ko dahil sa narinig ko mula sa kanya . Paanong---- hindi maari !

Vera's POV

      Saya , lungkot at pagdadalamhati ang nararamdaman ko ngayon habang nakasakay


ako ng kotse . Patungo kami ngayon ng probinsya . Hanggang ngayon , hindi parin
matanggap ng sistema ko ang nabalitaan ko ang nalaman ko . Hindi ko man lang
nasilayan si Itay bago ito nawala at hindi ko narin maitatanong ang dati ko pang
gustong itanong sa kanya . Ramdam ko ang paghawak ng magaan sa balikat ko .
Paglingon ko ay si Papang Sandro .

" Condolence Iha " tumango na lamang ako at ibinalik ang tingin sa bintana .
Tanging iyak nalang ang tangi kong nagawa kanina hanggang sa makasakay ako ng kotse
at magbiyahe kami . Hindi ko rin naririnig na umiimik si Mamang . Si Al naman hindi
nakasama dahil may trabaho ito , si Jean naiwan sa mansion kasama ng yaya nito . Si
Ate Badeth , hindi sumama .

Bakit hindi sinabi saken ng pamilya ko na may sakit si Itay ? bakit wala akong alam
? ... ' Itay , bakit mo kami iniwan ... '

" Inay ! " tawag ko kay Inay ng makababa ako ng kotse , nakita ko ito na nakaupo
mula sa labas ng bahay namen . Tumayo ito sa kinauupuan niya , tumakbo ako patungo
sa kanya at mahigpit na niyakap at doon nagii-iyak .

" Nakikiramay kami Chinny " rinig kong sabi ni Papang na nasa likuran ko .

" Salamat po Don Sandro ... Maraming salamat sa pagpunta ... Pasok po kayo "
kumawala ako sa pagkayakap kay Inay . Sinabi saken ni Inay na aasikasuhin niya muna
sina Papang kaya tumango muna ako .

" Ate ! " nilingon ko ang tumawag saken . Napangiti ako ng makita ko kung sino iyon
. Napakalaki na nga ng pagbabago niya , hindi na siya yung batang gusgusin at ayaw
maligo noon .

" Vernon ! " yumakap ito saken ng mahigpit . Kasama pala niya ang pinsan ko na si
Abigail na nakasunod lamang sa kanya . " Pinsan " ngumiti lang saken ito ng tipid .

" Ate buti nakapunta ka , miss na miss na kita Ate " natawa ako , lumaki man siya
pero bata parin ang isip .

" Miss na miss rin kita bunsoy " kumawala ito saken at lalo akong natawa nung bigla
na lamang ako nitong paghahalikan sa pisngi . Malaki man ang nagbago sa kanya ,
pero siya parin yung bunsoy na kilala ko , siya parin yung bunsoy na malambing at
mahal ako .

Nabigla na lamang ako nung biglang umaray sa sakit si Vernon at unti-unting


lumalayo ito saken .
" Akala ko ba ako lang ang mahal mo , tapos ngayon makikita ko nalang na may
hinahalikan kang ibang babae ? walanghiya ka talaga . Tapos maghahanap ka nalang
yung mas matanda pa saken . Wala kang taste ! " kumunot ang dalawa kong kilay ng
dahil doon . Nakita ko na lamang ang isang babae na hinihila ang patilya ng kapatid
ko . Medyo may katangkaran , maputi , maganda . Pero sino siya ? . Tumabi saken sa
pagkakatayo si Abi .

" A-aa-aray ! Masakit ! A-Aaray ! Uy ! "

" Sino yun ? " takang tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakatingin sa
papalayong sina Vernon at yung babae .

"  Siya si Yuna ... girlfriend ng magaling mong kapatid " napalingon ako ng hindi
oras sa sinabi ni Abigail .

" Girlfriend ? " takhang tanong ko ulit . Tumango naman ito " Weh ? pumatol yun sa
kapatid ko ? " tumango ulit ito . Hindi naman sa ayaw kong maniwala . Hindi naman
kasi kagwapuhan ang kapatid ko para magkaroon ng syota na maganda .

" Tara pasok na tayo sa loob , para makita mo narin si Tito " bumalik ang lungkot
sa mukha ko . Tumango nalang ako at sumunod sa kanya sa paglalakad papasok ng bahay
.

Hindi ko mapigilan ang luha ko habang papalapit ako ng papalapit sa kinaroroonan ng


kabaong ng Itay . Parang ano mang oras ay mahihimatay ako dahil hindi ako makahinga
. Bumuhos na parang gripo ang luha ko ng makita ko ang Itay ko na mapayapang
natutulog sa kanyang himpilan .

" I-itay ! " tanging nasambit ko at nayakap na lamang ang kabaong nito . Ramdam ko
na inalalayan ako ni Abi mula sa likuran ko " Itay bakit niyo po kami iniwan ...
Itay ! "
" Vera , Anak " rinig kong tawag saken ni Inay . Kumalas ako sa pagkakayakap sa
kabaong at kay Inay naman ako yumakap " Bakit tayo iniwan ni Itay , Nay ... Bakit ?
" humagulgol na ako ng iyak sa balikat niya . Basang basa narin ang damit nito
dahil sa luha kong walang tigil sa pagtulo .

" Tahan na anak ... hindi ko alam , pero alam kong may dahilan ang diyos kung bakit
na niya kinuha ang Itay sa aten "

" Bakit hindi niyo po pinaalam saken na may sakit si Itay ? bakit Nay ? bakit ? .
Kung alam ko lang edi sana wala po sa kinahihigaan niya ngayon si Itay ... Nay
bakit ?! " pagwawala ko , pinigilan ako ni Inay at pilit na pinapakalma ako . 

Nakatulala ako sa isang tabi habang nakikinig sa sinasabi ni Inay ... kung anong
kinasakit at kinamatay ni Itay , at kung bakit hindi nila ito sinabi saken ...
Dahil nanaman pala sa kanila ... At ang matagal ko ng gustong itanong kay Itay , ay
si Inay ang sumasagot ngayon . Nagkaroon pala noon ng relasiyon si Itay at si
Mamang .

" Lumuwas ng ibang bansa si Yhssa noon para tulungan ang kanyang mga magulang sa
kanilang negosyo sa ibang bansa , sa pagluwas niyang iyon ay doon naman kami
nagkakilala ng Itay mo ... Hindi naman sana magiging kami non kung hindi tinakot ni
Don Liticio si Vero para lamang layuan si Yhssa "

" A-ano ? " napalingon ako kay Mamang Yhssa na ngayon ay nanlalaki ang mga mata na
nakatingin kay Inay na parang hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig . " K-kung
gumagawa ka lang ng kwento para pagtakpan yang kalandian mo ... wag mong gamitin si
Papang "

" Yhssa . Calm down , just listen to her first "


Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Inay . Umiiling-iling ito " Hindi ko ginagamit
ang pangalan ng iyong Ama Donya Yhssa at nagsasabi ako ng totoo ... Hindi ko mahal
si Vero noon nung makita mo kaming nagpakasal . Napilitan lamang din akong gawin
iyon dahil pinagtangkaan ang buhay ko at buhay ng pamilya ko ng iyong ama ... na si
Don Liticio ... Maniwala ka man sa hindi , pero yun ang totoo "

" Inay ? " hindi makapaniwalang sambit ko ng pangalan niya sa lahat ng narinig ko
mula sa kanya . B-bakit ngayon lamang niya sinasabi ngayon ito ? bakit ngayon lang
niya pinapaalam samen ? . Hinawakan ako nito sa magkabilang kamay at pinisil iyon .

" Pasensyahan mo na kami ng Itay mo anak , ayaw lang namen kayo na masama pa sa
gulong pinasok namen noon ... pero hindi rin naming inaasahan na ganito pala ang
mangyayare ... pasensya ka na anak ko "

--

Finished | Edited

=================

Kabanata Sixteen

Kabanata Sixteen

     Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko . Parang naririnig ko ang boses ni


Mike . Pero imposible naman na  nandito iyon dahil nasa probinsya ako .

Naalala ko pala , pagkatapos naming magka-usap-usap ay nakatulog na lamang ako sa


kinauupuan ko . Pagmulat ko ng mga mata ... Nanlaki ang mga ito dahil tatlong mukha
ang nakita ko na nakadungaw sa harapan ko . Anong---

" Good Morning Mrs Beautiful "


" Ahh ! ... " napatakip silang tatlo ng tenga " A-anong ginagawa niyo dito ? "
takahng tanong ko . Tumayo ako at hinarap silang tatlo . Inilibot ko ang paningin
ko , nasa sala naman ako ng bahay namen ngunit ... anong ginagawa nilang tatlo dito
?

" Sakit mo pala sa tenga tumili Vera ... Aray ! My precious ears " - Francis

" Ano sabi mo Pre ? " takhang tanong ni Mike habang nililinisan ang tenga nito .
Nilingon ko naman si Arvie , nakatingin lang din ito saken . Hindi ko inalis ang
tingin ko sa kanya dahil hinihintay ko ang sasabihin niya , pero nagdaan ang ilang
minuto ay nagtitigan lamang kaming dalawa .

" Woah! woah ! Hindi naman kayo magkalasawan niyan ? " naalis ang tingin ko kay
Arvie at ibinaling sa nagsalitang si Mike " At anong ibig sabihin ng titigan na yon
ha ? kayong dalawa ha ? wag niyong sabihin na --- " mabilis pa sa alas kwatro na
tumutol ako sa sinasabi ni Mike

" Oy wala lang iyon ! Hinihintay ko lang kasi siya na may sabihin , paano kasi
kayong dalawa kung makapagreklamo kayo sa pagtili ko , parang ang lakas-lakas ng
ginawa kong pagtili " umupo nalang muli ako sa upuan ko kanina . Ng may naalala ako
ay inilibot kong muli ang paningin ko sa paligid ngunit hindi ko ito nakita ulti
mang anino nito wala .

" Si Fred ba hinahanap mo ? " naibaling ko ang tingin ko kay Arvie na ngayon ay
nakatingin sa ibang direksiyon . Ako ba kinakausap nito o ang ... pinto ?

" Kung si Fred nga hanap mo , wala siya " ibinaling ko ang tingin ko kay Francis .

" Hindi sumama dito , dahilan ? marami daw siyang gagawin . Tss! mga palusot ni
Fred ano ? bakit hindi nalang niya sabihing mambababae lang siya kaya hindi siya
sumama ... Aray ! Frank , bakit ka naniko ? "

" Dila mo nga . Kung makapagsalita ka ng ganyan tungkol kay Fred , parang wala sa
harapan  mo ang asawa niya ah ? " napatakip naman bigla ng bibig si Mike . Napayuko
na lamang ako . Kahit hindi naman niya sabihin yon , alam ko rin naman na ganun ang
ginagawa niya .

" Sorry " rinig kong sabi ni Mike . Iniangat ko ang tingin ko at ngumiti ng tipid
sa kanya " Okay lang ... T-teka , kumain na ba kayo ? " tanong ko sa kanila at isa-
isa ko silang tinignan .

" Oo Vera , thank you nalang " agad na sagot ni Francis at ganun din yung dalawa .
Nagpaalam muna saglit sina Mike at Francis para makapaglibot muna raw sila dito .
Kaya ngayon , dalawa nalang kami ni Arvie na nakaupo mula sa sala . Tahimik . Dahil
ni isa saming dalawa ay walang nagsasalita . Wala rin naman akong masabi at hindi
ko rin alam kung paano magsisimula ng pag-uusap .

" Why are you always saying that you're okay ? " nagtatakang iniangatan ko ito ng
tingin . Napalunok ako ng makita ko itong seryoso siyang nakatingin saken . Ano
nanaman bang nalaman niya ? . Napapansin ko kasi pag tuwing kaming dalawa na lamang
ang magkasama lagi nalang siyang may alam tungkol sa nangyayare sa paligid ko . "
Okay lang ba talaga sa'yo na may ibang kalandian ang asawa mo ? " lumakas ang kabog
ng puso ko at nakaramdam ako ng kirot kaya napahawak ako doon . " Bakit napakagusto
mong masaktan Vera ? ano bang pinakain sa'yo ni Al na kahit ayaw naman niya sa'yo
hindi mo naman siya maiwan-iwan "

" Ipinaliwanag ko na sa'yo kung bakit hindi ko siya maiwanan Arvie ... Ano ba ang
pakialam mo ha ? may buhay ka , kaya ang buhay mo nalang ang pakialaman mo at wag
ang akin " gulat ang nakita kong naging expression sa mukha niya . Unti-unting
nanlaki din ang mga mata ko kasabay ng pagtakip ng bibig ko ng marealize ko kung
anong sinabi ko .. gusto ko mang ibuka ang bibig ko para humingi ng pasensya ,
ngunit hindi ko magawa .

" Hindi ko gusto ang makialam sa buhay na meron ka Vera , pero ... hindi ko
mapigilan ang sarili ko na gawin iyon " iniwas nito ang tingin niya saken na
ikinapagtaka ko .

" Ba-bakit ? "

Umiling ito at tumayo sa kinatatayuan niya . Humakbang siya ng ilang beses at


huminto rin , nakatingin lamang ako sa kanyang likuran . " Kapag sinabi ko ba kung
bakit ? maniniwala kaba ? kaya mo bang ibigay ? "

" Huh ? "

" Simula palang nung makilala kita Vera , iba na ang naramdaman ko sa'yo . Noon
wala akong interes sa mga babaeng katulad mo na lowlife , dahil laki ako sa
mayamang pamilya kaya mas gusto ko ang mayaman kesa sa mga mahirap " gusto kong
magkomento sa sinabi niya ngunit gusto kong malaman kung ano ang susunod noyang
sasabihin kaya pinanatili ko nalang na nakasara ang bibig ko " Pero nagbago iyon
simula nung makilala kita " sabay lingon saken na ikinakaba ko . Napaurong ng
bahagya ang kinauupuan ko , hindi ko alam pero ... bakit nakaramdam ako ng takot
nung lumingon siya saken ? noon hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa tuwing
nakatingin siya ng ganun saken , pero bakit ... at anong sinasabi niya ? hindi ko
siya maintindihan . " I think , I'm inlove with you Vera "

Ano ?

*****

Alfredo's POV
  Naikuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa dalawang tao na ngayon ay
magkatinginan sa isa't isa . Ano ngayon ang pinag-uusapan nila at ganyan sila kung
makatitig ? . Wag mong sabihin na , ginagawa na nga niya ang sinabi niya noon .
Walanghiya ! Traydor ka talagang kaibigan ! Malandi ka namang babae ka ! Humanda ka
saken kapag nakauwi ng mansion .

" Alfredo , Iho ... Anong ginagawa mo diyan ? " nilingon ko ang may katandaang
babae na siyang Nanay ng naging asawa ko .

" Wala po , may tinitignan lang " palusot ko at umalis na sa sulok na iyon .
Nilapitan ko siya , inabutan naman niya ako ng maiinom na agad ko namang kinuha .
Umupo ako sa silya at ganun din siya . Nasa tapat kami ngayon ng burol ng asawa
niya na si Itay Vero . Hindi nga ako makapaniwala na maagang kukunin siya dahil
napakabait niyang tao para mangyare ng napaka aga sa kanya ito ...

" Hindi rin ako makapaniwala na ganito siya kaagang kukunin samen " napalingon ako
kay Inay Chinny . Nakakabasa ba siya ng iniisip ng ibang tao ? . Bakit alam niya
ang nasa isipan ko ? " Napakabait na tao ng Tatay Vero mo Iho , napakarami niyang
natulungan na tao dito sa Probinsya namen ... Napakaraming ngang nabigla nung
maibalita sakanila na pumanaw na ang asawa ko ... Pero ganun talaga siguro noh ?
oras na niya talaga siguro kaya kinuha na siya samen . Alam kong may dahilan ang
panginoon kaya nangyare ito , at sana ang dahilan na iyon ay ... makakabuti na sa
ating lahat " sabay hawak nito sa gilid ng kabaong at hinaplos haplos iyon habang
nakatingin doon . Tinignan ko na lamang muli ang kabaong ni Itay Vero .

" Siguro nga po Inay " Hindi ko man nakasama ng matagal si Itay Vero ay alma kong
napakabuti mong tao . Bata palang kasi ako noon nakakarinig na ako ng balita
tungkol sa kanyang kabaitan . Tumutulong siya sa mahirap kahit isa rin silang hirap
. Magaling makitungo sa mga katrabaho nito sa pagsasaka . Yan ang mga naririnig ko
tungkol sa kanya noon . Kung nasaan ka man ngayon Tay Vero , sana nasa mapayapang
lugar na ho kayo ngayon at sana kung ano man ang naging dahilan ng pagpanaw niyo ,
sana nga'y makakabuti nga ito sa lahat .

" Ang Mamang at Papang mo nga pala , umuwi rin sila kagabi " tumango ako sa sinabi
niya " Ikaw Iho " nilingon ko siya , pero hindi ito nakatingin saken " May alam ka
ba ? " kumunot ang noo ko sa naging tanong niya .
" Saan ? " takhang tanong ko . Nilingunan ako nito at nginitian na siyang lalong
ikinakunot ng noo ko . " Mukhang wala kang alam Iho " sabay tayo nito " Sige Iho ,
may aayusin muna ako sa kwarto .. Ikwa na muna ang magbantay sa Itay mo " pipigilan
ko pa sana siya ng bigla na lamang itong tumalikod paalis . Ano yung hindi ko
alam ? tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa likod na papalayong si Nay
Chinny . Naalis lang ang tingin ko doon ng may biglang lumabas galing sa sala .
Napangisi ako ng makita kong pareho silang nabigla na nakita ko .

" A-al "

Tumayo ako at hinarap silang dalawa " Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa
ah ? " sabay tingin ko sa mga kamay nila . Agad namang binawi ni Vera ang kamay
niya sa pagkakahawak dito ni Arvie . Nagpakawala ako ng tawa " Bakit mo inalis ?
nahihiya ka ? meron ka pa pala nun ? "

" A-al ... M-mali ka ng iniisip "

" Tama si Vera , mali ang iniisp mo Fred "

" Sige ,magkampihan kayong dalawa ... Sinong maniniwala sa inyo ? tanga at bulag
lang ang maniniwala sa inyo " nakita kong magsasalita pa si Arvie , pero pinigil ko
na iyon gamit ng pagtaas ng isa kong kamay sa harapan niya " Alam ko Pre , pero
sinasabi ko lang sa'yo . Ilugar mo yang panliligaw mo diyan sa asawa ko "
napanganga si Vera sa narinig niya na ikinagisi ko naman habang si Arvie ay seryoso
ng nakatingin saken " Baka nakakalimutan mo , nasa pamamahay ka ng Ina at Ama ng
asawa ko na nililigawan mo "

" Fred , ayoko ng gulo ... Mali yang iniisip mo at hindi ko nililigawan si Ve--- "
" Hindi ? o hindi pa ? " natahimik siya " Pinapaalalahanan lang kita Arvie , ilugar
mo yan okay ? " at nilagpasan ko na sila at lumabas na ng bahay . Rinig ko na
tinatawag ako ni Vera ngunit dinedma ko lang iyon . Nagpatuloy lang ako sa
paglalakad hanggang sa m akarating ako kung saan ko ipinark ang sasakyan ko .
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ng may biglang humawak sa kamay . Inalis
ko agad iyon .

" Al mag-usap tayo "

" Wala na tayong dapat pag-usapan Vera . Gawin mo na kung anong gusto mong gawin
dito , dahil kapag oras na nakauwi ka na ng mansion . Hinding hindi mo na magagawa
ang mga nagagawa mo dito "

Pinipilit niya parin na kausapin ako ngunit nagpumiglas ako at pumasok na sa loob
ng kotse . Kinuha ang susi at agad na inistart iyon . Rinig na rinig ko ang
pagkatok nito sa binatana ngunit hindi ko pinansin at pinaandar ko nalamang palayo
ang kotse ko . Hindi ka pa bayad sa lahat ng ginawa mo saken Vera , kaya hindi ka
pwedeng mapunta sa iba . Tandaan mo yan !

Vera's POV

      Ang sundan na lamang ng tingin ang nagawa ko nung humarurot na paalis ang
sasakyan ni Al . Bakit ayaw niya akong kausapin ? magpapaliwanag lang naman ako sa
nakita niya kanina e . Kaya lang naman hawak ni Arvie ang pulsuhan ko ahil muntik
na akong matakid kanina kaya inalalayan niya nalang ako palabas ng sala . Hindi ko
alam pero bigla na lang akong nahilo .

" Inaway kananaman ba niya Insan ? " napahawak ako sa kabilang dibdib ko ng may
biglang lumabas na lamang sa likod ng napakalaking puno ng akasya .
" Papatayin mo ba ako sa takot Insan ? anong ginagawa mo diyan ? " lumapit ito
saken habang may hawak nanamang libro napasapo nalang ako sa noo ng maalala ko kung
anong naging tanong ko . Mahilig nga pala sa tahimik na lugar ang babaeng ito .

" Nag-away kayo noh ? " pagbabalik tanong nito . Tanging tango na lamang ang
naisagot ko " Tara , dun tayo sa dati nating tambayan " sabi nito at nagsimulang
maglakad kung saan ang direksiyon ng dati naming tambayan na dalawa . Ang ginawa ni
Itay na bahay kubo sa ilalim ng puno at malapit sa Ilog . Bumuntong hininga nalang
ako at sumunod nalamang sa kanya .

" Ganun parin ba ang trato nila sa'yo Insan ? " paninimula nito ng pag-uusap namen
ng makaupo kami sa loob ng kubo . Ipinatong ko ang braso ko sa bintana tsaka ko rin
ipinatong ang baba ko doon at tumanaw sa ilog . Tumango ako bilang sagot .
Napakalinis parin pala ng ilog na ito . Wala paring pagbabago . " Alam kong
kapakanan lang ni Jean ang iniisip mo Insan , pero paano naman ang kapakanan mo ?
hindi naman habang buhay  titiisin mo nalang ang lahat Insan . Hindi ka pa ba
napapagod ? "

" Pagod na , pero hindi ako susuko ... Mahal na mahal ko si Jean , kaya kahit ano
ay gagawin ko para sa kanya ... Okay lang naman ako Abi , wag ka ng mag-alala saken
. Kilala mo ako , malakas akong tao "

" Malakas ka nga , pero tao ka parin hindi ka diyos para maging malakas buong buhay
mo ... Minsan Insan , mas mabuti ring isipin mo ang buhay mo kesa sa buhay ng iba "

" Hindi lang isang ordinaryong buhay si Jean , Insan ... Siya ang buhay ko , kaya
kapag nawala siya ... Para narin akong namatay . Alam kong mahirap ang dinaranas ko
sa kamay nila , pero kaya ko pa naman tiisin , titiisin ko ang lahat dahil alam ko
may panahon din na magbabago ang lahat "

" Pero kelan pa Insan ? kapag patay ka na ? " nilingon ko siya . Bilib rin ako sa
taong ito , nakukuhang manermon pero sa libro parin ang atensiyon .
" Hindi naman siguro , pero ramdam ko ... malapit na iyon " tumango-tango na lamang
ito habang nasa libro parin ang pansin kaya napailing nalamang ako at ibinalik ang
tanaw sa ilog .

May naririnig akong mga boses na nagsasalita kaya pinakinggan ko ito ng mabuti "
Sila Mike yun ah ? " napatingin ako ng hindi oras kay Abi ng bigla na lamang itong
tumayo at parang hindi alam ang gagawin " Anong nangyayare sa'yo Abi ? " takhang
tanong ko rito

" Kailangan ko ng makaalis dito Insan ... Sige mauuna na ako sa'yo "

" Teka Abi ! " pigil ko sa kanya ngunit nagpatuloy lang ito sa paglabas ng kubo "
Anong nangyare don ? " kunot noong tanong ko sa sarili ko .

" Ate ! " Tawag saken ni Vernon , nasa likuran naman nito si Francis at Mike .
Pumasok na silang tatlo sa loob . Nagtaka ako nung makita ko ng hindi makapakali si
Mike na para bang may hinahanap .

" Wala naman siya dito Vernon e , sabi mo nandito siya ? " - Mike

" Oo , dito kaya ang tambayan nilang dalawa ni Ate , o baka naman may pinuntahan
lang kaya wala siya dito " - Vernon

" O baka naman iniiwasan kana Pre , ampangit mo kasi e " - tumawa naman si Francis

" Hindi ako panget Pre , gwapo ako , Gwapo ! ... Mrs Beautiful , wala ba talaga
siya dito ? " kumunot lalo ang noo ko ng tanungin niya ako bigla .

" Sino ? " nagkatinginan silang dalawa ni Vernon na lalong ikinapagtakha ko . Sino
ba hinahanap nilang dalawa ? si Abi ? .

" Si Ms BookWorm , Vera " sagot ni Francis na agad namang binawala nitong si
Mike .. Err ? BookWorm ?
" The who ? "

" W-wala Ate ... Ang sinasabi lang nitong si Kuya Francis , ay yung librong uod na
may-ari ... Hindi kasi namen alam yung name kaya pinangalanan nitong si Kuya
Francis na Ms BookWorm ... Hindi ba Kuya ? " kumunot ang kilay ko ng makita ko si
Frank na nakatakip ang bibig gamit ang kamay ni Mike kaya sinamaan ko ng tingin si
Mike . Paano sasagot yung tao kung tinakpan yung bibig ?

" Oo Mrs Beautiful , sabi kasi nitong si Vernon , maganda raw iyon , mestisa .
Hihingian sana namen ng numero . Ha-ha-ha " halata sa tawa ni Mike na hindi talaga
ito natatawa . Nakita ko si Francis na pilit nagpupumiglas kay Mike . Tinayo ni
Vernon at Mike si Francis at sapilitang inilabas ng kubo " Sige Mrs Beautiful ,
mauuna na kami . Bye " sinundan ko nalang sila ng tingin . Rinig na rinig ko ang
pagmumura ni Francis sa kaibigan nitong si Mike .

" Anong nangyayare sa mga iyon ? " tanong ko sa kawalan habang napapailing nalang "
Mga wala talagang magawa " nasabi ko nalang sa sarili ko at lumabas ng kubo at
tinanaw ang lawak ng Ilog . Sana ganito rin kalawak ang pagmamahal saken ni Al .
Kailan kaya mangyayare iyon ? ... *sigh*

---

Finished | Edited

=================

Kabanata Seventeen

Kabanata Seventeen

     Tanging iyak lamang ang iyong maririnig sa paligid galing sa mga taong
nagdadalamhati sa pagkawala ng aking ama . Masaya ako dahil marami palang
nagmamahal sa kanya hindi lamang kaming pamilya niya . Napaka proud kong anak para
sa aking ama , nagpapasalamat parin ako sa'yo panginoon , dahil kahit maaga mo
siyang kinuha samen ay nagpapasalamat parin ako dahil nagkaroon ako ng ama na tulad
niya .

Akay-akay ko ngayon ang aking Inay na walang hinto sa pag-iyak simula nung buhatin
na palabas ang himpilan ni Itay . Hindi ko rin maiwasan na hindi mapaiyak lalo na't
kapag tumitingin ako kay Inay , ganun din ang aking kapatid na si Vernon na siyang
nakayakap saken ngayon . Nasa kanan naman ni Inay , ay nandoon si Al na pirmi lang
na nakatingin sa dinaraanan . Alam kong hindi sila nagkakilala masyado ni Itay pero
alam kong naging mahalaga rin si Al sa kanya . Yung tatlo namang kaibigan ni Al ay
nasa likuran namen .

Nakarating na kami sa sementeryo na kung saan ililibing si Itay . Binuksan muli ang
kabaong nito para mabasbasan ng pari ang kabaong nito bago tuluyang ihukay sa
lupa . Niyakap naman ako ni Inay at humagulgol sa pag-iyak . Ganun din si Vernon ,
pero ako pinanatili ko lang na hindi umiyak dahil ayaw na ayaw akong nakikita ni
Itay na may luha sa mga mata . Kaya kahit gusto ko ng magwala , humagulgol sa iyak
ay hindi ko magawa pero may lapastangan na luha na kumakawala parin sa aking mga
mata .

" VERO ! " sigaw ni Inay ng unti-unti ng ibinababa ang kabaong ni Itay sa hukay .

" Nay tahan na po ! Nay ! " pagpigil ko sa kanya dahil nagwawala na ito ,
tinulungan naman ako ni Vernon na pigilan si Inay sa pagwawala nito . Niyakap
nalang namen siyang dalawa ni Vernon kahit na gustong kumawala nito . Pero hindi
rin nagtagal ay tumigil narin ito sa pagpupumiglas at pagwawala at tanging iyak at
hagulgol na lamang ang nagawa .

" Inay ... Paano po pala kayo nagkakilala ni Itay ? Paano niyo po nalagpasan ang
lahat ?  at paano kayo nagkamabutihan ni Itay sa huli ? yun po bang paano po kayo
napamahal sa isa't isa gayun pa man hindi naman po talaga kayo nagmamahalan noong
ikinasal kayo " tanong ko kay Ina habang nakasandig ang ulo ko sa balkikat niya . .
Nasa sementeryo parin kaming dalawa ngayon at nakaupo sa harapan ng libingan ni
Itay . Natanong ko ang bagay na iyon dahil gusto kong malaman kung paano nila
nalagpasan ang ganoon sitwasyon . Kung anong nangyare pagkatapos nilang makasali ni
Itay na hindi naman nila mahal ang isa't isa . Para kasing tugma lamang ito sa
kwento ng buhay ko . Pareho kaming hindi mahala ang taong napangasawa namen ?

" Nagkakilala kami ng Itay mo noon , sa isang palengke . Alam mo ba yung lugar sa
palengke kung saan kami laging pumupunta ng iyong Itay noon ? " tumango ako " Doon
kami nagkakilala ng Itay mo ... Marami kaming pinagdaanan ng Itay mo , lahat ng mga
pangarap namen ay isa-isang nawawala dahil sa kasal na naganap na iyon . Pero ni
minsan , hindi namen sinisi ang isa't isa sa nangyare . Ganun naman talaga siguro
iyon , ganun lang talaga siguro ang kapalaran naming dalawa ng iyong Ama ...
Nagdaan noon ang maraming taon , hindi namen namalayan ng Itay mo na nahuhulog na
kami sa isa't isa , hanggang nga sa may nangyare samen at ikaw ang naging unang
bunga " Napangiti ako doon pero nahaluuan din iyon agad ng pait dahil sa naisip
ko . Buti pa sila Itay at Inay hindi nila sinisi ang isa't isa kung bakit sila nasa
sitwasyon na iyon . Samantalang ako na saakin lahat ang sisi at hanggang ngayon
hindi parin ako makuhang mahalin at patawarin ni Al .

Isa-isa na akong nagpapaalam ngayon sa mga mahal ko sa buhay . Ngayon na kasi ang
uwi ko kasama si Al . Alas kwatro palang ng madaling araw .

" Mag-iingat kayo sa biyahe mga anak " - Inay

" Opo Nay . Kayo rin po mag-iingat kayo rito " ngumiti ito saken at tumango ganun
din ang ginawa ko at niyakap ko siya ng mahigpit .

" Ate ... " natatawang kumawala ako sa pagkakayakap ko kay Inay ng marinig ko ang
kapatid ko na umiiyak habang tinatawag ako . Para talagang bata itong bata ito . "
Napakaiyakin mo talaga Vernon , paano ka nga ba nagkaroon ng girlfriend kung ganyan
ka kumilos , para kang bata haha " sabay yakap ko sa kanya at ganun din ito saken .

" Ate ... Hindi ko siya GirlFriend ... Assumera lang yung babaeng yun , pasalamat
siya kaibigan ko siya kundi baka nasapak ko na iyon " mabilis pa sa alas kwatro na
binatuakn ko siya sa ulo na ikinaaray nito . " Aray ! Ate naman e ! Para saan yon ?
"

" Yan ang wag na wag mong gagawin Vernon " pagbabanta ko sa kanya  . Maraming beses
naman itong tumango . " Hindi magandang tignan na nananakit ka ng isang babae ,
tandaan mo yan okay ? " tumango ulit ito " Bakla lang ang gumagawa non " napangiwi
ito sa sinabi ko . Napalingon kaming lahat ng makarinig kami ng malakas na
pagsarado ng pintuan . Paglingon ko , nakita ko nalang si Al na nasa loob na ng
kotse . Anong nanayre dun ? .
" Natamaan sa sinabi mo Insan " bulong saken ni Abi . Kumunot ang noo ko , saan
siya natamaa--- nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung ano ang sinabi ko . Patay
nanaman ako nito panigurado . Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa naisip ko .

" Ah ... sige po Inay , Vernon , Insan . Aalis na po kami , pasabi nalang po kay
Michaela " tumango silang tatlo . Tumingin ako kay Abi na ngayon ay may hawak
nanamang libro " Abi ... " tumingin ito saken " Alam kong maganda sa isang tao ang
laging nagbabasa ng libro , pero nakakasira rin yan sa komunikasyon mo sa ibang tao
... Alam kong mahiyain ka , tahimik , pero wala kang mararating sa buhay mo kung
ganun ka lagi at puro libro lang ang hawak mo at lagi mong kasama . Subukan mo
namang humanap ng kaibigan "

" Hindi ko sila kailangan " nabigla ako sa sinabi niya " Ang mga libro ko ,
napapasaya ako hindi katulad ng mga sinasabi mong kaibigan na kahit anong oras ay
pwede ka nilang saktan at traydorin . Kaya hindi ko sila kailangan " sabay talikod
nito at naglakad palayo . Napalingon naman ako kay Vernon at bin igyan ng tingin na
nagtatanong kung anong nanagyare kay Abi .

" Mahabang storya Ate , alam mong hindi naman ganyan si Ate Abi noon hindi ba ? "
tumango ako " Ikwe-kwento ko nalang sa'yo Ate kapag nakabalik ka nalang ulit dito .
Mukha kasing kanina pa naiinip yang si Kuya dahil kanina pa nakatingin ng masama
sa'ten " lumingon ako sa kotse at tama nga si Vernon , nakatingin na nga ng masama
samen si Al . Binaling kong muli ang tingin ko sa kanilang dalawa " Sige po Inay ,
aalis na po kami " paalam kong muli tumango si Inay . Niyakap ko muna silang muli
isa-isa bago nagpasyang pumasok na sa loob ng kotse .

" Why you took so long ? parang hindi na kayo magkikita muli ah ? " bungad ni Al ng
makapasok ako sa loob ng kotse . Hindi nalang ako sumagot dahil baka kung saan
nanaman ito mapunta . Mabilis na pinaandar inistart niya na ang kotse , bumusina
ito bago pinaharurot paalis . Kung sasagot man ako , ito ang magiging sagot ko sa
tanong niya ' Parang ganun na nga , hindi mo narin naman ako papayagan pang muli na
makauwi samen hindi ba ? ' Totoo naman e , baka ito narin ang huling uwi ko dito
samen . Pero sana wag naman , dahil hindi k kayang hindi makita ang mga mahal ko sa
buhay kahit isang araw lang sa isang taon okay na saken .
Nasa gitna kami ng biyahe ni Al ng bigla ko nalamang nakagat ang labi ko at
nakramdam ng kaba na hindi ko maintindihan kung bakit . Kaya malakas na napaaray
ako dahil sa sakit . " Anong arte yan ? " tanong saken ni Al habang nasa daan ang
mga mata nito .

" W-wala , nakagat ko lang yung labi ko " narinig ko siyang napa tss . Ako naman ,
hindi maalis sa isip ko ang biglaan ko nalamang pagkakaroon ng kaba na nanaramdaman
. Humawak ako sa kaliwang dibdib ko at mahigpit na hinawakan iyon . Anong ibig
sabihin nito ? . Diyos ko . Wag niyo pong papabayaan kahit isa sa mga taong mahal
ko , kakakuha niyo lang po sa Itay ko , wag niyo naman po sanang hayaan na meron pa
pong sumunod sa kanya , nagmamakaawa po ako sa inyo .

Lumakas lalo ang kaba na nararamdaman ko ng makarating na kami sa harapan ng


mansion . " Get down " sabi ni Al bago lumabas ng kotse . Nakahawak sa kabilang
dibdib ko na hinawakan ko ang buksanan ng kotse at ipinihit na iyon palabas .
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko na nagpapahiwatig na lumalalim ang
nararamdaman kong kaba . Ano bang nangyayare saken ? ano bang ibig sabiin nito .

Parang gusto ng lumabas ng puso ko ng makarinig ako ng pagtawag ng isa sa mga


kasambahay sa mansion . Humahangos na lumapit ito kay Al at nagtaka ako ng makita
ko ang mga mata ni Ate na para bang kakagaling lang nito sa pag-iyak at ng dahil
doon ay nakaramdam narin ako ng takot . Mabilis na tumakbo ako sa kinaroroonan
nilang dalawa .

" Anong nangyayare ? " bakas narin sa tono ng boses ni Al ang takot . Pero imbis na
sumagot si Ate ay umiyak ito na lalong ikinadagdag ng kaba at takot na nararamdaman
ko . Para na akong sasabog , hindi ko na alam kung hanggang saan ang kaya ng buong
katawan ko na dagdagan pa ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon . Mukhang
magsasalita pa si Al , pero napigil iyon ng biglang na lamang lumabas sa loob ng
Mansion , sina Mamang , Papang at Ate Badeth . Mga basa lahat ang kanilang mga
mukha . Anong nangyayare ? bakit lahat sila umiiyak ?

" Mamang " pag-aalalang tawag ni Al kay Mamang at mabilis na niyakap , nakiyakap
narin si Badeth na isa ring walang tigil sa pag-agos ang mga luha .

" Alfredo ... " humahagulgol na tawag ni Mamang sa pangalan ni Al . Sa tana ng


buhay ko na nakatira sa mansion na ito , ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito
si Mamang , lalo na si Ate Badeth .
" Papang ... Ano pong nangyayare ? bakit umiiyak si Ate at Mamang ? " takhang
tanong ni Al habang yakap-yakap ang Ina at ang kapatid nito . Nakita kong bumakas
sa mga mata ni Papang ang lungkot bago ito nagsalita , salita na hindi kinaya ng
sistema ko .

" Jean was kidnapped "

Parang gumuho ang mundo ko at nanghina ang buong katawan ko kaya  bumagsak ako sa
sahig at tumulo ang mga luha ko . " Mam ! " tawag saken ni Ateng kasambahay . Pilit
na iniiling ko naman ang ulo ko at hindi tinanggap ng utak ko ang narinig ko .

" Iha ... " tawag saken ni Papang . Umiling-iling ako at iniangatan ng tingin si
Papang " H-hindi po totoo yang sinasabi niyo Papang "

" It was true ! Iiyak ba kami dito kung hindi totoo ? bobo ka talaga ! " - Ate
Badeth

" H-hindi ! " umiiling na sabi ko habang pilit na itinatayo ko ang sarili ko "
Hindi totoo yan , ilabas niyo si Jean ! Ilabas niyo sya ! JEAN ! " sabay takbo ko
papasok ng mansion . Hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas , pero ang
alam ko lang kasi . Nagsisinungaling sila at tinatago lang nila saken ang anak ko .

Tumaas ako patungong kwarto , hindi ko nakita doon si Jean . Sinunod ko ang nursery
nito kung saan doon siya laging pinaglalaro ni Mamang pero wala rin ito doon . "
JEAN ! , Jean ! Nandito na si Mommy ! Jean ! " unting-unti na nawawalan na ako ng
lakas at pag-asang makita pa sa loob ng mansion si Jean ng taging kusina na lamang
ang hindi ko napupuntahan . " Ate nakita niyo po si Jean ? wala po sa kwarto niya e
" tanong ko sa mga taong nasa loob ng kusina . Hindi sila sumagot bagkus ay
nakatingin lamang silang lahat saken " Bakit ayaw niyo pong sumagot ?! Nasaan po si
Jean ? mga ATE . NASAAN PO SI JEAN ?! " may naramdaman akong humawak sa braso ko ,
pag-angat ko ng tingin ay doon ko nakita si Al .
" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo niyan  ? " tanong nito " Hinahanap ko si Jean ,
tapos tinatanong ko sila hindi sila sumasagot " humikbit ang hawak niya sa braso ko
na ikinaaray ko " Hindi nila masasagot ang tanong mo dahil hindi nila alam kung
sino ang kumuha kay Jean " marahas kong kinuha ang brso ko sa kanya . Nabitawan
naman niya iyon .

" Kahit ikaw Al naniniwala ka sa kanila na nawawala si Jean ? itinatago lang nila
saken ang anak ko . Hindi totoong nakidnap si Jean . Hindi ! "

" TUMAHIMIK KANA ! " Parang isang malamig na tubig ang naging sigaw ni Al na
nakagising sa kaluluwa ko na ayaw maniwala na nakidnap ang anak ko . Nakaramdam
naman ako ng pagkahilo at sa isang iglap lahat ng nasa paligid ko ay naging madilim
.

Alfredo's POV

       Nasa tapat ako ng pintuan ng mansion ngayon habang kaharap ang mga kaibigan
ko na tumutulong samen para hanapin ang anak ko at kung sino man ang taong kumidnap
dito . Pagnakita ko lang ang walanghiyang lalaking iyon hinding-hindi ko siya
mapapatawad . Papatawan ko siya ng Death Penalty sa ginawa niyang pagkidnap sa anak
ko . Alam kong bawal iyon , pero gagamitin ko ang pera ko na kahit maubos pa ito
gagawin ko . Mabalik lang ang parusang iyon na nararapat para sa kanya .

" Humingi narin ako ng tulong sa mga pulis , at nagsisimula na sila ngayon na
kumuha ng ibedensiya kung saan naganap ang kidnapan " - Francis

" Tinawagan ko narin ang Tito ko na si Spo2 Corpuz para tumulong sa paghahanap kay
Jean " - Mike

" Tumawag narin ako ng isang Detective , NBI at kung ano-ano pa na pwedeng
makatulong sa paghahanap kay Jean " - Arvie
" Maraming salamat sa inyo " isa-isa naman silang tumango .

" Sino naman ang pwedeng gumawa ng kagaguhan na ito at pati yung bata idinamay pa ?
may naging kaaway kaba Fred ? " - Francis

" Wala ... Wala akong nakaaway , kilala niyo ako . Basta tungkol sa negosyo ,
matino akong tao " inosenteng sagot ko . Wala naman talaga akong naaalala na naging
kaaway ko simula nung ako ang humawak sa kumpanya namen dito sa pilipinas . Maliban
nalang kila Mamang at Papang noon , pero malabo rin iyon dahil napakabait nilang
tao .

" O baka naman , gusto lang ng ransom ng mga taong kumidnap kay Jean . Alam niyo
naman sa panahon ngayon , pahirapan na sa buhay kaya ang ibang tao ay nagnanakaw ,
gumagawa ng Illegal at kumikidnap ng mga bata na alam nilang maipagpapalit nila ito
ng malaking halaga dahil alam nila na mayaman ito " - Mike

" May utak ka parin talaga Mike , kahit pangit kang bakulaw ka ... Pero wengya ,
bakit sa dinami dami ng batang mayayaman dito at si Jean pa ang pinagdiskitahan
nila ? " - Francis

" Puri ba yan ? sarap mong pektusan " - Mike

" Excuse me , may kailangan lang akong kausapin " hindi pa man kami nakakasagot sa
sinabi nito ay agad na itong naglakad palayo .

" Teka Arvie ! " huminto naman ito sa paglalakad ngunit hindi naman kami nito
nilingon " Hindi pa tayo tapos maghanap " - Mike

" Babalik rin ako , may kailangan lang talaga akong punatahan . Sige , maiwan ko na
kayo " at walang ano-ano'y pumasok na ito sa kanyang kotse at mabilis na pinasibat
palabas ng mansion .

" Parang kanina lang sabi niya maghapon tayong maghahanap at walang aalis , tapos
ngayon siya mismo umaalis ? lakas ng trip " napapakamot na ulong sabi ni Mike
habang nakatingin sa kotse ni Arvie na papalayo .

" Baka importante naman talaga yung pupuntahan , hayaan mo na . Nandito pa naman
tayong dalawa , kaya naman natin sigurong maghanap kahit wala siya " - Francis

" Kung sabagay " - Mike

Nagpatuloy sa pag-uusap yung dalawa , habang ako naman ay hindi natanggal ang
tingin ko sa daan na dinaanan ng kotse ni Arvie . Bakit parang may hindi ako
magandang nararamdaman sa ikinilos niyang iyon ? may alam ba siya sa pagkakidnap ni
Jean ? . Pero malabo iyon , tutulong ba siya sa paghahanap kung OO ? at imposible ,
dahil napakamahal nila si Jean .

" Kumusta na pala ang asawa mo Fred ? " nabalik lang ang pansin ko sa dalawa ng
tanungin ako bigla ni Francis " Hinimatay siya kanina hindi ba ? kamusta na siya
ngayon ? "

" Okay na siya " tipid na sagot ko at naglakad papasok ng mansion . Rinig ko naman
ang dalawa na sumunod sila saken papasok .
" JEAN ! " napaangat ako ng tingin at alam kong ganun din yung tatlo dahil sa
narinig namen . " Alfredo ! Nakita mo ba si Jean ? wala siya sa Crib niya . Nasa
Nusery Room ba siya ngayon ? " sunod-sunod na tanong nito habang bumaba ng hagdan .

" Mrs Beautiful , nakidnap si Jean hindi ba ? " - Mike

" Mike ! "

" A---HUH ? A-anong sinasabi mong nakidnap si Jean , Mike ? kasama ko palang si
Jean kanina kaya imposible yang sinasabi mo " pagbabalewala nito sa sinabi ni
Mike . Lumapit ito saken at tinitigan ako sa mata . Bakas sa mga mata niya ang
pangungulila at pag-aalala . " Sinong kasama ni Jean sa Nursery ? nandoon ba ang
yaya niya ? at ano yung sinasabi ni Mike ? hindi naman totoo yon hindi ba ? hindi
naman nakidnap si---- *PAK* "

" FRED ! " sigaw nung dalawa . Nangangalaiti na tinignan ko ang babaeng nasa
harapan ko na ngayon ay nakatagilid ang mukha at hawak-hawak ang kabilang pisngi .
Naluluhang binalingan niya ako ng tingin .

" Ano ? gising ka na ba ? o kulang pa ? " hindi ito nakasagot bagkus ay umiyak
nalang ito ng umiyak at parang narealize na niya kung anong nangyayare sa paligid
niya " Alam kong nag-aalala ka para kay Jean , pero sana naman wag kang ganyan .
Hindi mo mahahanap ang anak mo kung magiging ganyan ka kabaliw , alam mo ba yon
ha ?! " humagulgol na ito sa iyak , parang gripo narin ang kanyang luha dahil hindi
na ito tumitigil sa pag-agos " Hindi lang ikaw ang nawawalan ngayon Vera , kaya
please huminahon ka nga at hindi oras para magpakabaliw ka ng ganyan ! "

" Fred tama na ! Nag-aalala lang naman si Vera sa anak niya kaya siguro siya
nagkakaganyan " - binalingan ko ng masamang tingin si Mike " Bakit ? siya lang ba
ang nag-aalala ha ? anak ko rin iyon Mike ! Anak ko rin si Jean ! Anak ko rin
siya ! "
" Tama na ! " nabigla na lamang ako ng bigla akong yakapin ni Vera . Hinawakan ko
ito sa magkabilang braso para tanggalin siya sa pagkakayakap saken , pero masyadong
mahigpit ang pagkakayakap niya saken kaya hindi ko ito magawang tanggalin " I-im
sorry Al , h-hindi na mauulit ..."

" Umalis ka nga diyan ! " pero umiling lang ito at hindi kumawala sa pagkakayakap
saken .

" Lalabas muna kami Pre " paalam nung dalawa . Hindi na nila ako hinintay pang
makasagot ay lumabas na sila sa loob ng mansion .

" Sabi ng umalis ka diyan e ! " buong lakas ko itong tinanggal sa pagkakayakap
saken at hindi naman ako nabigo doon dahil tumilapon siya sa sahig . " Anong drama
yan ha ? hindi porke nandiyan ang mga kaibigan ko ay pwedeng pwede mo na lamang
akong yakapin . Baka nakakalimutan mo Vera , hindi kita ---- " naputol ang
sasabihin ko ng magsalita ito at siya ang nagpatuloy sa sinasabi ko

" Hindi mo ako mahal , hindi mo ako tanggap " nagkasalubong ang dalawa kong kilay
sa sinabi niya . Sinundan ko ito ng tingin habang papatayo siya sa kanyang
kinauupuan . Unti-unti naman ako nitong iniangatan ng tingin hanggang sa
magkatinginan na kami mata sa mata . Puno ng sakit ang nakikita ko sa mga mata niya
. Pero ano naman ngayon ? " Alam ko na iyan Al , hindi mo na kailangan ulit-ulitin
pa " hindi lang kilay ang kumunot saken kundi pati na ang noo ko , sasagot na sana
ako ng dugtungan niya bigla ang sinasabi niya " Hindi ba pwedeng kalimutan mo muna
ang mga iyon Al ? kahit ngayon lang , alang-alang sa kapakanan ng anak naten .
Kahit ngayon lang , ituring mo naman ako na parang asawa mo " hindi ako nakasagot
sa sinabi niya at umiwas agad ako ng tingin .

" Bakit ko naman gagawin iyon ? " napapalunok na tanong ko . Anong sinasabi ng
babaeng ito ? wala na talaga siya sa sarili niyang pag-iisip .

" Gusto kong maranasan kahit minsan lang ... na may taong nandiyan para saken para
damayan ako sa pighating nararamdaman ko dahil nasa kapahamakan ang anak ko . At
ikaw ang taong iyon Al , dahil ikaw ang asawa ko , ikaw ang kailangan ko "
naramdaman ko ang pagyakap muli saken nito , kung kanina tutol n a tutol ang buong
sistema ko na yakapin niya ako , pero ngayon parang gusto ko din siyang yakapin .
Hindi ko alam pero , parang nadala ako sa sinabi niya . Kahit naman ako e ,
kailangan ko ng tao na masasandalan ko . Pinapakita ko man  na okay ako ngayon
kahit nasa kapahamakan ngayon ang anak ko , hindi totoo yon . Nakatago sa likod ng
mga maskara ko ang tunay na nararamdaman ko . " Gusto ko ng makita ang anak naten
Al , miss na miss ko na si Jean " parang isang magic , dahil parang kusang
natanggal ang maskara na mahigpit na nakakapit sa mukha para itago ang totoong
nararamdaman ko dahuil bigla nalamang bumuhos ang mga luha ko sa pisngi ko . Hindni
ko na kaya ang nararamdaman ko kaya napayakap nalang ako kay Vera at doon umiyak sa
balikat niya . " Al " may halong pag-aalala na tawag saken ni Vera .

" S-sandali lang ito ... H-hindi ko na kasi kaya pang matago pa sa maskara ko "
sabi ko sa likod ng paghikbi ko . Ramdam ko na niyakap na lamang niya ako ng
mahigpit at hindi na nagsalita pa . H-hindi ko alam kung tama ba ito , pero gumaan
ang pakiramdam ko na kanina lang ay napakabigat at hindi ko na kaya pang dalhin .

--

Finished | Edited

=================

Kabanata Eighteen

Kabanata Eighteen

Alfredo's POV

      Kasalukuyan kong kinakausap ngayon ang mga pulis na pinaghingian ng tulong ng


mga kaibigan ko , kasama na dito si SPO2 Corpuz , isa sa mga pulis na nakatuklas ng
mysteryo sa isang patayan na naganap sa kanilang lugar kamakailan lang .

" Sa ngayon ba wala pang tumatawag sa inyo para humingi ng ransom ? " umiling ako
sa naging tanong nito " Kung ganon , kinalulungkot ko na sabihin na ... isa sa mga
batang nawawala ang anak ninyo " sabi ng isa sa mga pulis
Naihampas ko ng malakas ang mga kamay ko sa lamesang nasa harapan namen , ramdam ko
na hinawakan ako sa braso ni Vera na nasa kanan ko lang " Anong gusto mong
palabasin nyan SPO3 Sanchez ... na kabilang ang anak ko sa mga batang kinukuha para
ibenta ang laman ? ha ? "

" Huminahon ka Mr Bautista , isa yan sa mga fact na pwedeng mangyare , dahil isa
iyon sa mga usong gawain ngayon ng mga taong mga walang magawa sa kanilang buhay "
sagot ni SPO2 Corpuz " Wala ka ba talagang natatandaan na naging kaaway mo sa
inyong kumpanya para gawin ang bagay na ito ? " umiling ako sa naging tanong nito .

" Wala po talaga SPO2 Corpuz , hindi naman po ako gahaman sa pera para makipag-away
pa sa iba ... Pero ang Mamang at Papang po baka meron , sila po kasi ang unang
humawak sa kumpanya bago ako " hindi naman sa itinuturo ko sina Mamang at Papang .
Pero may kutob  kasi ako na may hindi sila sinasabi saken noon na nangyare sa
kumpanya bago nila ito ibinigay saken .

" Maaari ba namin silang makausap ? " tumango ako . Tatayo na sana ako para tawagin
sila pero hindi ko na iyon nagawa dahil nasa likuran na pala namin ang mga ito .

" Anong katanungan ang gusto niyong sagutin ko SPO2 Corpuz ? " tumayo naman ang mga
pulis at isa-isang nakipag kamay kay Papang at Mamang .

" Marami po Sir , pero maupo muna po tayo " tumango si Papang , kaya umupo sila sa
malaking sofa katabi si Mamang " Magsisimula na po akong magtanong " tumango ulit
si Papang ng walang pag-aalinlangan " Meron po ba kayong naging kaaway sa kumpanya
ninyo bago niyo po ipinasa sa anak ninyo ang responsibilidad niyo sa kumpanya ? "

" Meron " mabilis na sagot ni Papang na ikinabigla ko . Gusto kong magsalita ngunit
may pumipigil saken , pagtingin ko sa katabi ko ay ang mukha ni Vera ang nakita ko
na nagsasabing ' Hayaan ko muna sila ' kaya yun nga ang ginawa ko . Binalik kong
muli ang tingin ko sa kanila at pinakinggan ko na lamang itong mag-usap .
" Sino ang mga ito ? " Mga ? maraming nakaaway si Papang sa kumpanya ? bakit hindi
ko alam ito ? .

" Arjon Candelaria at Arvic Reyes " - Papang

" Si Tito ? " hindi makapaniwalang tanong ko , paanong --- tumango si Papang ng
walang pag-aalinlangan " Paano ? bakit hindi ko alam ito Papang ? "  hindi ako
sinagot ni Papang at itinuon na lamang muli ang tingin sa mga Pulis .

" Tungkol ba sa negosyo ang pinag-awayan ninyong tatlo ? " SPO4 Villarico

Umiling si Papang " Matalik na kaibigan ko silang dalawa , hindi nga kami
magkahiwa-hiwalay e dahil para na kaming magkakapatid . Pero isang araw , nagkaroon
ng Problema ang kumpanya ni Arjon , kinailangan niya ng malaking pera , humihiram
ito saken ngunit hindi ko siya napahiram dahil ganun din ang kumpanya na hawak ko
noon , hindi ito naintindihan ni Arjon at akala niya ay nagsisinungaling lang ako
sa kanya dahil hindi naman daw halata na nangangailangan ng malaking pera ang
kumpanya ko , kaya nagalit ito saken at kinamuhi ako nung tuluyan ng bumagsak ang
kumpanya niya . Kay Arvic naman , k-kasalan ko kung bakit namatay ang asawa
nito ... P-pero aksidente ang nangyare " lalong nanlaki ang mga mata ko sa narinig
ko mula kay Papang .

" Tapos , ano na ang naging sumunod na pangyayare ? " ngunit hindi nakasagot agad
si Papang kaya si Mamang na ang nagtuloy .

"Akala kasi noon ni Arvic na may relasiyon ang asawa ko sa asawa niya . Pero hindi
niya alam , na bago sila magkakilala ni Sandro ay magkakilala na sila ni Rania ...
Nagkaroon ng away sa pagitan nilang dalawa , nasaktuhan na nandun si Rania kaya
aksidenteng naitulak ni Sandro si Rania na ikinahulog nito mula sa ikalawang
palapag ng building . Sinisi ni Arvic si Sandro sa nangyare , sinampahan ng kaso si
Sandro pero hindi ito naaprobahan ng korte o ng mga pulis dahil sa nakita na kuha
ng cctv camera na nakasaksi sa pangyayare . Na kaya lang naman naitulak ni Sandro
si Rania ay dahil itinulak nito ng pagkalakas lakas si Sandro patungo kung saan
nandun si Rania dahilan ng pagkahulog nito " - Mamang

" Nasaan na po ngayon ang mga nasabing kaaway ninyo ? " SPO2 Corpuz

" Wala na akong nabalitaan simula pa noon hanggang ngayon tungkol kay Arjon , pero
kay Arvic , meron pa dahil kaibigan ng anak ko ang anak nito pero hindi parin kami
nagkikita hanggang ngayon nung mangyare ang aksidenteng iyon " - Papang

" Sa palagay niyo po ba , isa sa mga kaibigan niyo noon ang posibleng may kagagawan
nito ? " - SPO3 Sanchez . Umiling si Papang . " Hindi ganyan ang pagkakakilala ko
sa kanila , may galit man sila saken pero natitiyak ko na hindi nila magagawa ang
bagay na iyan lalo na't hindi pa nila nakikilala at nakikita ang Apo ko " - Papang

" Hindi po tayo nakakasiguro Mr Bautista , kayo narin po ang nagsabi na kaibigan ng
inyong anak ang isa sa mga anak ng kaibigan ninyo noon . May posibilidad na may
kinalaman ang anak nito sa nangyayare , hindi po ba ? " - SPO2 Corpuz

Napatayo ako ng dahil sa sinabi niya " Hindi po magagawa yan ni Arvie ! "
pagtatanggol ko 

" Paano mo naman nasabi Iho ? " tanong nitong muli

" Matagal ko na po siyang kaibigan , kaya imposible yang sinasabi niyo na may
kinalaman siya dito "

" Al , umupo ka muna " pero hindi ko ito pinansin


" Hindi rin  naten masasabi yan Iho , kahit sabihin pa naten na matagal na kayong
magkaibigan , marami ka bang nalalaman tungkol sa kanya ? " natahimik ako . Simula
kasi nung nakilala ko si Arvie . Tahimik ito , pero kahit na ganun at
nakikipagbiruan parin siya samen , pero never ito na nagkwento tungkol sa buhay
niya bukod kay Tito Arvic . " Natahimik ka Iho ? mukhang sa pinapakita mong yan ay
mukhang wala kang alam sa kaibigan mo " napaupo nalang ako sa sinabi nito dahil
totoo naman iyon . " Mabalik po tayo ... Ayon sa nakuha naming impormasyon mula sa
inyo , ang unang iimbistegahan namen ngayon ang mga nasabing pangalan na maaring
gumawa ng kidnapan na ito . At kung wala man sa kanila ang gumawa nito isa lang po
ang masasabi ko sa inyo na maaring kumuha sa batang si Jean ... ang mga sindikato ,
na dumudukot ng mga bata para ipagbenta ang mga lamang loob ng mga ito o idinadala
sa ibang lugar upang mamalimos "

" HINDI ! Hindi pwedeng mangyare yan , napakabata pa ni Jean . Napakabata pa ng


anak ko ! Nagmamakaawa ako sa inyo , hanapin niyo po ang anak ko . Hanapin niyo po
si Jean " gamit ang yakap na pinigilan ko sa pagwawala si Vera . Akala ko ba ---
naiintindihan ko siya , pero hindi sa ganitong paraan .

" Baka nakakalimutan mo ang pinag-usapan naten Vera " bulong ko sa kanya .
Tumahimik naman ito at yumakap saken atsaka humagulgol na lamang sa iyak " Jean's
gonna be fine , walang mangyayareng masama sa kanya , sinisigurado ko iyon "
tumango naman ito . Binalingan ko ng tingin ang mga pulis . " Gawin niyo lahat ang
makakaya ninyo , kahit magkano babayaran ko serbisyo ninyo basta mahanap niyo lang
ang anak ko "

" Hindi kami nangangako na mahahanap namen ang anak ninyo , pero nangangako kaming
gagawin namin ang lahat ng makakaya namen " tumango ako sa sinabi ni SPO2 Corpuz .
" Sige po , mauuna na po kaming tatlo . Babalik nalang po kaming muli para sa
karagdagang impormasiyon " tumayo silang tatlo na sabay-sabay .

" Sige ho " sabi ko at tumango , nakipagkamay naman silang tatlo samen ni Papang
bago tuluyang lumabas ng mansion . Tumahimik ang buong paligid , hindi rin umalis
sa kinauupuan nila si Mamang at Papang . Ito na siguro ang chance ko upang
magtanong sa kanila sa nalaman ko kanina lang . " Papang , explain everything "

" Nasabi ko na ang lahat Alfredo , wala na akong ibang sasabihin pa sa'yo " sabay
tayo nito at tumalikod mula samen . Pero napahinto ito sa sinabi ko .
" You're lying ... Do you have a relationship with Tita Rania in the past ? "

" Iho , walang realsyon ang--- "

" Wag niyo ng pagtakpan si Papang , Mamang " tumahimik si Mamang dahil sa sinabi ko
. Ibinalik kong muli ang tingin ko kay Papang na ngayon ay nakatalikod parin
samen . Inalis ko ang pagkakayakap ko kay Vera at tumayo para harapin si Papang "
Tell me the truth Papang , are you having an a fair with Tita Rania , from the past
? "

" Yes " walang kuskos balungos na sagot ni Papang at hinarap kami . Rinig ko naman
ang pagsinghap ni Vera at ganun din ako . Nag-aalinlangan ko anmang tinignan si
Mamang , nakayuko lang ito at sapo-sapo ang noo " Do you know about this Mamang ? "
pasimpleng tumango si Mamang sa naging tanong ko . Anong--- " Naguguluhan ako !
Mamang , Papang ! Paano niyo nagawa ito sa isa't isa ? pwede ba ipaliwanag niyo
naman saken oh ? " tumayo si Vera at niyakap ang braso ko . Nahilamos ko naman ang
buhok ko ng walang nagsalita sa kanila , tinanggal ko ang pagkakahawak saken ni
Vera at umalis nalang doon . Narinig ko pa na tinawag ako ni Vera ngunit hindi ko
na ito nilingon at lumabas na lamang ako ng mansion para pumunta sa bukid para
lumanghap ng sariwang hanging at upang luminis din ang isip ko . Ang dami-dami ko
ng iniisip . Una , kung saan namen hahanapin si Jean at pangalawa , bakit hindi man
lang nakuhang magalit omag reak man lang ni Mamang sa nalaman niya ? . Ang gulo !
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ! Pumulot ako ng malaking bato at buong
lakas na ibinato ko iyon nananggigigil pa  " ARGH ! P*tang*na ! " pabagsak na umupo
ako sa isang sako ng buhangin at sinapo ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad
. Bakit ba ganito ang nangyayare sa buhay ko ? . Noon maayos naman ito ah ? bakit
ngayon puro nalang problema at pasakit ang nangyayare . Iisa lang naman ang
pinagmulan nito e , yun ay ang nung pinakasalan ko ang babaeng hindi ko gus----

" Everything's gonna be fine Al , yan ang sinabi mo hindi ba ? " sabi nito habang
nakayakap sa likod ko " Lahat ng problema may solution , hindi man ngayon maso-
solve , pero alam ko na balang araw ay darating din ang solusiyon sa lahat ng
problema na meron ka ngayon ... Hindi mo man makita o pansin , pero nandito lang
ako para sa'yo upang samahan ka sa lahat , alam ko na ako ang sinisisi mo kung
bakit nagkakaganito ang buhay mo ngayon , kaya handa akong tulungan ka sa abot ng
makakaya ko kahit buhay ko pa ang maging kapalit  , dun naman talaga dapat ang
tuloy ko kung hindi kami pinahiram ng pamilya niyo ng ganun kalaking pera e " para
akong isang ice cream na bigla na lamang na lusaw ng sabihin niya ang mga salitang
iyon at napaisip kung hindi pinahiram ng pamilya ko sila Vera noon ng pera , siguro
masaya pa ngayon ang buhay ko , siguro magkasama na kami ngayon ni Myra at wala
akong problema katulad ng mga problema ko ngayon . Pero naisip ko din na kapag
hindi nangyare 'yon , buhay naman ni Vera ang mawawala at hindi mabubuhay ang isang
taong pinakamamahal ko , ang anak ko na si Jean " Sa lahat ng naging epekto ng
kasal na hindi naman dapat naganap , ay humihingi ako ng tawad sa'yo Alfredo "
ramdam ko na hinalikan ako nito sa tuktok ng ulo ko " Maging matatag ka lang Al ,
malalagpasan mo rin ang lahat . Pinapangako ko sa'yo , pagkatapos ng malaking
problema na kinakaharap naten ngayon  kay Jean , ay hinding hindi na muli ako
magiging matigas pa ang ulo . Lahat ng gusto niyo susundin ko ng walang bahid na
katangahan o kabobohan " ramdam ko na kumawala na siya sa pagkakayakap saken at
rinig ko ang mga yapak nito na palayo sa kinauupuan ko . Hindi ko namalayan na ,
may luha na lamang na biglang tumulo sa aking mata . Napapikit ako ng madiin "
Bakit ba napaka matiisin mong tao Vera ? " tanong ko sa sarili ko at muling
binuksan ang mga mata at tinanaw ang lawak ng bukid . Napakaswerte sana ng magiging
asawa mo Vera , at hindi ako ang lalaking iyon .

Vera's POV

     Nasa loob ako ng kwarto namen ngayon , nakaupo sa dulo ng kama habang yakap
yakap ang litrato ni Jean . Mag-iisang araw na ang lumipas simula nung mawala
siya . Nag-aalala na ako sa kanya . Pinapaliguan kaya siya ? pinapalitan ng
diaper ? pinapadidian ? . Kung sino man ang dumukot sa anak ko sana wag nila itong
pabayaan . Napapitlag ako sa kinauupuan ko at napatingin sa cellphone ko ng bigla
na lamang itong tumunog . Si Michaela siguro ito , makikibalita siguro . Inilapag
ko muna ng dahan-dahan ang litrato ni Jean sa kama bago inabot ang cellphone ko na
nakapatong lang sa itaas ng side table ng kama . Kumunot ang noo ko nung num lang
ang nakalagay , nagpalit ba ng num si Micha ? bakit hindi niya yata tineks
saken ? .

[ Hello ? ]

[ Magandang gabi magandang binibini ] sino to ? bakit boses lalaki ?

[ Sino ka ? ]

[ Chillax magandang binibini , nakakapangit ang masyadong kasungitan ]

[ Bakit ang dami mong sinasabi ? sino ka ba ha ? ]

[ Masyado kang mainipin magandang binibini ... Pero sige kung yan ang gusto mo ,
sasabihin ko na kung anong pakay ko sa inyo ] naghintay pa ako ng ilang minuto
dahil parang nawala ito sa linya , pero nung tinignan ko naman ang cellphone ko ay
patuloy parin ang linya nito [ MOMMY HELP ME ! ] lumakas ang pintig ng puso ko at
napaluha ako ng marinig ko ang boses ng anghel ko .

[ JEAN ! Baby are you okay ? sinasaktan ka ba nila diyan ? Baby ! Please ! Answer
Mommy ! ] ngunit wala na akong narinig na boses ni Jean , ang narinig ko na lamang
ang taong kausap ko kanina . Naikuyom ko ang palad ko at nag-igting ang mga ngipin
ko dahil sa galit na nararamdaman ko sa taong kausap ko ngayon . [ WALANGHIYA KA !
IBALIK MO ANG ANAK KO ! ] tawa lamang ang isinagot nito saken . Magsasalita pa sana
ako ng may biglang kumuha ng celphone ko saken , pagkatingin ko ay si Al na basang-
basa pa dahil kakalabas lamang nito ng banyo nakatapis lang din ito ng tuwalya sa
kanya ibaba .

[ P*TANG*NANG HAYOP KA ! IBALIK MO ANG ANAK KO ! MAGKANO BA ANG KAILANGAN MO


HA ? ... HINDI MO KAILANGAN NG PERA ? NAPAKAIMPOSIBLE NAMAN NIYANG SINASABI MO !
MAGKANO BA AT IBIBIGAY KO SA'YO ... TARANTADO KA BA ? ... SINO KA BANG P*TANG*NA KA
... ANONG KINALAMAN NG AMA KO DITO HA ? ] nabigla ako nung nabanggit ni Al ang
salitang Ama . Paano nasali si Papang sa usapan . Heto nanaman ako sa napakalaking
tanong . Ano na ba kasi pinag-uusapan nila ?

" Bakit nasali si Papang Al ? ano bang pinag-uusapan ninyo ? " tanong ko ngunit
hindi ako sinagot ni Al .

[ Ako nalang ang pupunta . Magkano ba kailangan mong Ga*o ka ? ... Sige , pupunta
ako ngayon din dala ang hinihingi mo ... Pero Tang*ina lang , sana sumunod ka sa
usapan . Kapag may nangyareng hindi maganda sa anak ko hinding hindi kita hahayaang
mabuhay pa sa mundong ito . TANDAAN MO YAN ! ] sabay baba nito ng cellphone .
Tumayo ako at hinarap siya . Nag-iigting ang mga bagang nito at halatang halata na
galit na galita at parang mawawala na ito sa sariling pag-iisip . Pero wala akong
pakialam , ang gusto ko lang malaman ay kung anong piang-usapan nila .

" Al , anong pinag-usapan niyo ? " tanong ko habang nakahawak sa kabilang braso
nito . Binabaan naman ako nito ng tingin .

" I'm going to get Jean " sabay alis sa kinatatayuan nito at tumungo ng closet at
mabilis na nagbihis pang-alis pagkatapos ay may kinuha niya ang kanyang cellphone
at may kinausap doon . Hindi talaga ako mapalagay kaya lumapit ako sa kanya para
tanungin muli siya .
" Ano daw kinalaman ni Papang at nasali siya sa usapan ninyo ? " hindi itp sumagot
" Al kailangan ko ng mga kasagutan mo ! Nag-aalala na ako ! AL " mangiyak ngiyak na
sabi ko dahil parang walang balak itong sabihin saken .

" Mag wi-widraw ako ng sampong million sa bangko para makuha ko si Jean " nanlaki
ang mga mata ko sa narinig ko " Sampong Million ? " hindi makapaniwalang tanong
ko . Masaya ako dahil kahit paano alam kong mahalaga sa kanila si Jean . Biruin mo
na isasakripisyo nila ang sampong milliong piso sa isang buhay ng tao ? hindi lang
pala basta buhay ito . Anak pala niya ito at sarili niyang dugo . Tumalikod ito at
humahakbang palabas ng pinto . Pero bago mangyare iyon ay mabilis na pinigilan ko
siya sa braso na ikinahinto nito .

" Saan ? sasama ako Al " 

" Hindi pwede , masyadong dalikado sa pupuntahan  ko at baka mapaano kapa at baka
maging pabigat ka lang saken "

" H-hindi . Promise ! Hindi ako magiging pabigat sa'yo . Lahat ng inuutos mo
susundin ko . Please ! Pasamahin mo lang ako ! " pagpupumilit ko . Gusto ko ng
makita ang anak ko , gusto ko ng mayakap . Miss na miss ko na ang anak ko . Kaya
gagawin ko ang lahat upang pumayag lamang si Al . Para sa'yo anak .

" Hindi . Ayoko ! Maiiwan ka dito " nanlumo ako sa narinig ko 

" Pero Al --- "

" Kapag sinabing dito ka lang . DITO KA LANG ! " sigaw nito saken kaya napabitaw
ako sa braso niya . Tumulo agad ang luha ko ng dahil doon . Hindi ko alam bakit ang
dali kong maiyak ngayon . Dati naman kahit sigaw-sigawan at sampalin ako ni Al
hindi ako agad umiiyak . Pero anong nangyayare saken ngayon ?. Napakababaw na ng
mga luha ko . " Aalis na ako , at dito ka lang sa kwarto na ito " sabay sarado nito
at nilock sa labas . Tumakbo ako at kinalampag ko ang pintuan at sinabing buksan
niya iyon ngunit hindi niya ginawa . Kailangan kong gumawa ng paraan . Hintayin mo
ako Baby , darating din si Mommy .

Lumabas ako ng veranda at dumungaw sa ibaba . Hindi naman kataasan , kaya kaya kong
bumaba . Pero paano ? . Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto . Napatingin
ako sa kama namen at napangiti ng may maisip ako . Mabilis na tumakbo ako ptungong
kama at kinuha lahat ng kumot t pinagdugtong-dugtong ito . Nang matapos kong
pagbuhulin buhulin iyon at itinli ko ito sa bakal at inihagis paibaba . Kinuha ko
muna ang cellphone ko bago nagpasiyang bumaba gamit ang kumot na binuhol buhol ko
at ginawang tali .

Napangiti ako ng ligtas at hindi ako nahulog sa pagbaba ko . Napasimangot ako ng


maalala ko kung saan na ako pupunta ngayon . Hindi pala sinabi ni Al kung saan ang
lugar . " Paano na ngayon ito ? " tanong ko sa sarili ko . " Bahala na si Batman !
" walang bahalang sabi ko . Ihahakbang ko na sana an g mga paa ko paalis ng biglang
tumunog ang cellphone ko . Nagkasalubong ang kilay ko ng makita ko kung sino ang
nag message . Ang kumidnap kay Jean .

Binuksan ko ang mensahe . Nang mabuksan ko iyon ay hindi ko alam kung ano ang
mararamdaman ko , kung tatalon ba ako o magpapagulong-gulong sa sahig . Nilalaman
lamang ng mensahe na iyon galing sa ga*ong yon ay ang address kung saan magaganap
ang palitan . Tumakbo ako palabas ng mansion at agad na pumara ng taxi . Tinawagan
ko narin sina SPO2 Corpuz , SPO3 sanchez at SPO4 Villarico . Para maging ligtas si
Al at ang anak ko kapag nagpalitan na sila . Wala pa naman ding back-up si Al baka
mapano iyon .

" Kuya sa Cambria , yung abandonadong building po sa Home city " tumango naman si
Manong " Pakibilisan lang po manong , emergency po ito "

" Sige po " isinuot ko ang seatbelt ko ng pinaharurutan nga ito ni Manong . Mas
mbuti na yung ganito , gad akong makakarating doon .

Mabilis na bumaba ako sa taxi ng makarating kami agad doon " Kuya hintayin niyo
nalang po ako " tumanngo ito at pinatay na ang makina ng kanyang sasakyan . Isa-isa
naring nagsisidatingan an g mga pulis .

" Mrs Baurista ! " tawag saken ni SPO3 Corpuz . Lumapit naman ako agad sa kanya "
Ito na ba ang lugar kung saan magaganap ang palitan ng ransom at ng iyong anak ? "
tumango ako bilang sagot " Bakit parang wala namang tao ? " takhang tanong  nito
habang inililibot ang paningin sa paligid . Kahit ako nagtatakha in dahil masyadong
tahimik ang lugar at walang kaingay-ingay sa paligid .
" Baka tahimik lang po sila Sir , pasukin na po naten . Kailangan ko na pong makita
ang anak ko , paniguradong takot na takot na po iyon , takot pa naman din po iyon
sa dilim " tumango si SPO2 Corpuz at isa-isang sinenyasan ang mga kasama nito .
Ngunit hindi pa man tuluyang nakakaalis sa kinatatayuan ang mga ito ay nakarinig na
ako ng isang tinig .

" JEAN ? " hindi ako pwedeng magkamali . Si Jean ang naririnig ko . Kilalang kilala
ko ang boses ng anak ko kaya hindi ako pwedeng magkamali " Jean nandito si Mommy "
sabay takbo ko kung saan ko narinig ang tinig . Pinigilan pa ako ni SPO4 Villarico
ngunit hindi nito nagawa .

" Mam delikado diyan ! " paalala saken ng isa sa kanila ngunit hindi ko nalang sila
pinansin at patuloy akong naglkad patungo sa tinig na naririnig ko .

" Mommy " bumilis ang pintig ng puso ko ng marinig ang salitang iyon . Si Jean nga
iyon " JEAN NANDITO NA SI MOMMY ! NASAAN KA BABY ? " sigaw ko . Palakas ng palakas
ang tinig , hindi nalang pala tinig ang naririnig ko dahil may kasama na itong
hikbi . Umiiyak ang anak ko . " JEAN , NANDITO NA SI MOMMY , WAG KA NG MATAKOT !
BABY NASAAN KA BA ? " hindi ko narin mapigilan ang sarili ko na maluha habang
naririnig ang bawat paghikbi niya . Napahinto ako sa paglalakad ng makarating ako
sa bungad papasok ng building , may konting liwanag doo n na tumatama sa isang
madilim na lugar . " BABY ! " tawag ko ng makita ko siya doon na nakaupo at
nakaubob ang mukha nito sa kanyang binti . Mabilis na binuhat ko ito at mahigpit na
niyakap at pinaghahalikan . Patuloy naman ito sa pag-iyak at kitang-kita mo sa
kanya na takot na takot ito dahil sa panginginig ng buo nitong katawan . " Shhh .
Stop crying na baby , Mommy is here " pagpapatahan ko sa kanya . Niyakap naman ako
nito ng mahigpit . Tumayo ako at naglakad na pabalik kung saan nandoon ang mga
pulis . May dalawang pulis na lumapit saken at inalalayan kaming dalawa .

" Sinong nakita mo na kasama ng bata ? " tanong agad saken ni SPO3 Sanchez .
Umiling ako " Wala akong nakitan g tao sa loob , tanging si Jean lang ang nakita ko
doon "

" Ano ? kung ganun .... " - SPO3 Sanchez


" Set up lang ito , hindi ito ang tunay na ruta kung saan magpapalitan sila " -
SPO2 Corpuz . Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko si Al .

" Ang asawa ko Sir , baka kung mapahamak siya . Iligtas niyo ang asawa ko "

" May sinabi ba sa inyong lugar kung saan pupunta ang asawa niyo para ibigay ang
ransom ng hinihingi ng mga kidnapper ? " umiling ako " Sa ngayon , wala pa tayong
magagawa . Ang magagawa nalang naten ngayon ay maghintay " - SPO3 Sanchez

" Ho ? bakit ? " takhang tanong ko .

" Mahirap maghanap ng isang lugar na walang kasiguraduhan ,  para bang isa itong
buto ng aratilis na mahirap hanapin pagbumagsak na sa lupa ... Pasensya na misis "
- SPO3 Sanchez

" Naintindihan ko po " nakayuko kong sabi at pumatak nanaman ang mga luha ko . "
Umalis na tayo rito " maotoridad na utos ni SPO2 Corpuz . Nagsitanguan naman ang
mga kasamahan  nila at isa-isa ng sumakay sa kanilang mga mobil . Inalalayan naman
kami ni SPO2 Corpuz sa paglalakad patungo sa taxi ng sinakyan ko kanina " Maraming
salamat po Sir "

" Wala ka pang dapat ikapagpasalamat Iha , buhay palang ng anak mo ang naililigtas
naten . Nasa panganib parin ang buhay ng asawa mo . Tawagan mo nalang kami ulit
kapag may nalaman kana , wag kang mag-alala hindi kami tutunganga lang . Maglilibot
kami sa buong lugar , baka sakaling may makita kaming kakaiba " tumango na lamang
ako " Sa Mansion ng mga bautista Mama " sabi nito sa Driver . Tumango si Manong at
pinaandar na ang taxi nito .

Nilingon ko ang hawak ko na kanina pa ay wala ng kibo . Napangiti ako ng makitang


mahimbing na natutulog na ito . Hinalikan ko ito sa buhok at mahigpit na niyakap "
I love you Baby , pinapangako ni Mommy na hindi na muling mangyayare pa sa'yo ito .
Bago ka nila makuha saken , patayin muna nila ako " pagkasabi ko non ay hinalikan
ko ito sa pinsngi . Napalitan ng pag-aalala ang ngiti ko ng maalala ko na nasa
panganib ngayon si Al . Nasaan ka na ba ngayon Al ? . Nasa akin na si Jean, kaya
umuwi ka na .

***********

Arvie's POV 

( Nangyare po itong scene na ito pagkatapos magmadaling umalis ni Arvie at bago


makita ni Vera ang kanyang anak :D Kamsa )

         Pumasok agad ako sa kotse ko at minadaling paharurutin ito paalis . F*ck !


Ito ba ang isa sa mga plano niya ? Ang kidnapin ang batang walang kamuwang-muwang ?
. Hindi siya nag-iisip ! Hindi siya nag-iisip !

Mabilis na ipinarko ko ang sasakyan ko sa parking lot sa isang hotel kung saan
nakatira ngayon ang g*go ! Hinding-hindi ko siya mapapatawad kapag may ginawa
siyang masama kay Jean at kakalimutan ko rin na magpinsan kami .

Nasa 3rd floor na ako kung saan doon ang pwesto ng kwarto niya . Naglalakad na ako
patungo doon , napahinto ako ng makita ko siyang papalabas . Naikuyom ko ang
dalawang kamao ko dahil sa inis at galit na nararamdaman ko para sa kanya .

" Oh ? Insan nandiyan ka pala ? ... Anong sadya mo at naparito ka ? " inosente
nitong sabi at nakangising lumapit saken . Pinigilan ko ang sarili ko na suntukin
siya kahit mismong sistema ko ay hindi magawa iyon .

" Saan mo dinala si Jean ? " walang kuskos balungos na tanong ko . Lalo naman itong
napangisi dahil doon . ' Sabi ko na nga ba ' , sabi ko sa isip ko " Alam kong
nasa'yo si Jean ngayon , kaya sabihin mo na kung nasaan siya , bago pa magblanko
ang paningin ko at mapatay nalang kita "

" Are you Threatening me ? " sabay tawa nito ng malademonyo " That was part of my
Plan , Arvie ... at sa tono at kilos mo ngayon , siguro inaakala mo na may gagawin
akong hindi masama sa batang iyon ? "

" Bakit ? wala nga ba ? . Kilala kita Jon , wala kang sinasanto . Pero sana naman ,
wag mo ng idamay sa walang kasantohan mo yung bata ! "

" Anong akala mo saken baliw ? "

" Kung sabihin kong ... Oo ? anong gagawin mo ? " nagkasalubong ang kilay nito at
masamang tumingin saken . Sinamaan ko rin siya ng tingin hanggang sa magkasukatan
na kami ng tingin " Minsan mo ng nagawa sa isang bata ito , kaya hindi na kita
hahayaan pang magawa ulit iyon . Handa na akong makipagpatayan sa'yo kahit
magpinsan pa tayo  "

" It was an accident Arvie , bakit ayaw mong maniwala saken ? "

" I'm not believing you because i'ts true . I saw it with my two naked eyes , how
you pushed that innoccent girl into that high building "

" It's not my fault , it's the girl fault , im the one who stop her to do that . I
hold her hand and that's it , she jumped "

" Hindi parin ako naniniwala sa'yo ... Ngayon , sabihin mo saken kung nasaan si
Jean habang napipigilan ko pa ang sarili ko na bangasan yang pagmumukha mo ! "
" Why should I tell you ? " nakangising sabi nito . Mabilis namang dumapo ang
kanang kamao ko sa mukha nito na ikinatilapon niya sa sahig . Hawak-hawak nito ang
kanyang gilid ng labi na binalingan ako ng tingin .

" Sabi ko na sa'yo ... WAG MONG UBUSIN ANG PASENSYA KO ! Nasaan si JEAN ? " sabay
sugod ko ulit sa kanya . Dumagan ako sa kanya at hinigi ko ng marahas ang kwelyo
nito . Nakaamba na ang kamao ko para isuntok sa kanya " ARRRGH ! " mabilis na
naihinto ko sa harapan ng mukha niya ang kamao ko na ilang spasyo nalang ang
natitira .

" Wait ! ... sasabihin ko na "

" Sabihin mo na ! " sabi ko habang nandoon parin sa harapan niya ang kamao ko .
Ayokong naninindak ng tao , pero kapag kilangan na ng gnito kahit sino pa yan hindi
ko siya uurungan .

" Nasa isang abandonadong lugar siya ngayon , wala naman talaga akong balak na
gawing masama sa kanya , ang plano ko lang naman ay takutin sila yun lang "
pabagsak ko na binitawan ang kwelyo nito at tumayo sa harapan niya .

" Saang abandonadong lugar ? " seryosong tanong ko . Napakuyom muli ako ng kamao ng
bigla na lamang siyang tumawa . " Anong nakakatawa ? "

" You " nagkasalubong ang kilay ko ng dahil sa sinabi niya . Sinundan ko lamang
siya ng tingin habang tumatayo siya at ngayon ay magkatutukan na kaming dalawa "
Your so have many commands Arvie ... pwedeng ako naman ? "
" What do you mean ? "

" Sasabihin ko sa'yo kung nasaan ang bata ... Pero ! ... ibibigay mo muna saken ang
numero ng ina nito " nanlaki ang mga mata ko dahil sa bigla pero agad ko ring
inalis iyon .

" Anong kailangan mo kay Vera ? "

" Marami ka ng masyadong tanong Arvie , pero isa nalang ang maisasagot ko ... It
was all part of my Plan ... Don't worry , hindi masasaktan ang taong mahal mo rito
" lalong nagkasalubong ang kilay ko ng dahil sa sinabi niya " Bakit ? akala mo ba
hindi ko napapansin na nahuhulog ka na sa taong pain mo lang naman noon ? ... sabi
ko na nga ba't mangyayare ito , kaya ayoko sa mga taong may puso e "

" Wag na wag mong gagalawin si Vera , kundi --- " hindi ko pa natatapos ang
sinasabi ko ng dugtungan niya na ito .

" Kundi ano ? papatayin mo ako ? ikaw ang makakalaban ko ? . Ulit-ulit ka nakang
Arvie , nakakasawa ka na " nag-igting ang mga bagang ko dahil sa tindi ng galit na
nararamdaman ko sa kanya . I want to kill him now , pero hindi ko magagawa iyon
dahil kapag oras na ginawa ko iyon , baka hindi ko makuha kung saang abandonadong
lugar nasaan si Jean . " Madali lang naman ang hinihingi ko kumpara sa hinihingi mo
... So ? are you giving it to me now ? " nakangising sabi nito at inilahad saken
ang cellphone nito . Kahit labag sa kalooban ko ay hinaklis ko sa kanya ang
cellphone at mariin na pinindit pindot ito . Kung china phone lang siguro iyon
kanina pa sira . Ibinalik kong muli sa kanya ang cellphone nito , hindi narin
matanggal ang sama ng tingin ko sa kanya . Nanginginig ang buo kong kalamnan dahil
gustong gusto ko na siyang patayin , pero pinipigilan ko lang . Para sa'yo ito Jean
. Lalong lalo na sa'yo Vera . " Good Boy ... Nasa Cambria Home City ang bata ,
maari mo na siyang puntahan at kunin ito doon " naglakad siya patungo saken at
tumapat sa gilid ng tenga ko " Pero mag-iingat ka , dahil doon patungo ang mga
pulis " nanlaki ang mga mata ko . Paanong--- " Do you have a clue , what is my next
step ? ... To kill your friend , Alfredo Bautista . Is it fun right ? dahil kapag
nangyare iyon ay wala ka ng magiging kaagaw pa kay Vera  , kaya maging masaya ka
nalang sa gagawin ko . Goodbye Dear Cousin ! " sabay alis nito sa tagiliran ko .
Ako nama'y parang naistatwa doon , mula sa narinig ko sa kanya . Papatayin niya si
Fred ? he's he serious ? ang alam ko lang naman noon na plano namen ay pagbagsakin
ang Bautista's Company , pero bakit ngayon napupunta na sa patayan ? Tang*na !
Kailangan ko ng--- tumunog bigla ang cellphone ko . 

Pagkatingin ko noon ay nanlaki ang mga mata ko at agad na tumakbo patungo sa tapat
ng elevator . He texted me na tapos na niyang kausapin si Vera at Fred kaya oras ko
na para magmadali na kunin si Jean sa nasabing lugar . Mabilis na pinaharurot ko
ang kotse ko patungo doon , may kalayuan pa naman din iyon . Bahala na kung mahuli
ng pulis , ang mahalaga , mailigtas ko si Jean .

Ng makarating ako roon ay nagtaka ako ng may dalawang lalaki na naroon at palapit
sila sa kinaroroonan ko " Walanghiya ka talaga Bing ! " sabi ko nalang sa sarili ko
habang tinitignan kung susugod na ang dalawa . Nagkaikutan kami doon at
nagkasukatan ng tingin , pero nung mapadpad ako kung saan sila nakatayo kanina ay
nagulat nalang ako nung bigla nalang silang tumalikod at umalis . Nakahinga naman
ako ng maluwang doon . Tss! Kalokohan talaga ng lalaking iyon ! . Nataranta ako
bigla ng marinig ko ang serena ng mga mobil ng mga pulis . Agad na pumasok ako doon
at hinanap si Jean . Nakita ko ito doon na nakahiga sa nakalatag na karton .
Mabilis na nilapitan ko ito at tinignan kung may nakuhang galos ito . Npangiti ako
nung makitang okay lang ito at walang galos kahit kaunti " Ngayon , naniniwala sa
ako sa'yo Jon ... Alam ko namang mabait ka sa mga batang katulad ni Jean at hinding
hindi mo magagawa iyon sa kanila , dahil may kapatid karin ... na si Arien "
pagkasabi ko non ay tumayo ako at pinatay lahat ang ilaw sa loob ng pasilyo ,
binuhat ko si Jean at idinala sa harapan ng building kung saan nag-iwan ako ng
konting liwanag at kung saan din ay agad na makikita ang bata . Mabilis na nagtago
ako sa madilim ng makita kong nasa tapat na ng building ang mga pulis . Rinig ko
ang pag-uusap nila mula sa labas . Napansin kong nagising na si Jean kaya mas lalo
akong nakahinga ng maluwag . Iyak ng iyak si Jean at tawag ng tawag sa kaniyang ina
. Gusto ko man itong lapitan ngunit hindi ko magawa dahil baka makita nila ako . Ng
makita kong kinarga na ni Vera si Jean ay doon na ako nagpasiyang umalis na sa
lugar na iyon . Kailangan ko pang hanapin si Bing , hindi niya maaring patayin si
Fred . Dahil alam ko , na kahit hindi maganda ang naging trato sa kanya ni Fred ay
mahal parin ito ni Vera . Atsaka may anak sila , ayokong maranasan ni Jean ang
naranasan ko noong bata ako . Kaya mas pipiliin ko nalang na mabuhay si Fred , kesa
sa babaeng kahit kailan hindi naman mapapasa-akin .

--

Finished | Edited

=================

Kabanata Nineteen

Kabanata Nineteen

Alfredo's POV  
 ( Heto na yung scene na umalis si Al sa kanilang mansion :D Kamsa )

Pagkatapos kong magwidraw ng pera ay agad na akong tumungo sa nasabing lugar na


pakikitain namen ng kumuha sa anak ko .

" Baby ... Daddy's coming " sabi ko habang pinipigilan na maluha . Kailangan ako ng
anak ko ngayon , kaya kailangan kong maging matibay . Ikaw ang tanging dahilan kung
bakit umuuwi pa ako ng mansion , ikaw ang tanging dahilan kung bakit pa ako
nabubuhay sa mundong ito . Kaya handa akong ibuwis sa'yo ang lahat kahit pa buhay
ko . Mahal na mahal kita anak . Parating na si Daddy , hintayin mo ako .

Tumunog ang cellphone ko . May pinindot lamang ako sa kabilang tenga ko at


automatiko na iyong nag-sagot ng tawag . " Hello ? "

[ Fred ]

[ What do you need ? ]

[ Nasaan ka ngayon ? ]

[ Why do I tell you ? ]

[ Just fvking answer me Fred ! Nasa bingit ka ng kamatayan ! Kaya sabihin mo na


saken ngayon kung nasaan ka ? ]

[ Why do you care ? sa pagkakaalam ko , yun ang gusto mo para masolo mo na ng


tuluyan si Vera... ] natahimik sa kabilang linya kaya itinuloy ko na ang sinasabi
ko [ At kung mangyare man yang sinasabi mo , payag ako ... per--- ]

[ Ano ba yang sinasabi mo Fred ? g*go ka ba ? . Kaya mo na bang iwan ang anak mo ha
? ] ako naman ang biglang natahimik dahil sa sinabi niya [ Hindi mo kaya hindi ba ?
kaya sabihin mo na kung nasaan ka at ng mapuntahan kita ! ]

Wala na akong nagawa kundi sagutin ang itinatanong niya . Hindi ko pa kayang iwan
ang anak ko at yun ang sagot ko sa tanong niya .

[ Nasa gitna palang ako ng pagmamaneho ngayon patungo kung saan ang nasabing lugar
ng dumukot kay Jean ]
[ Saang lugar ? ] rinig ko sa kabilang linya ang pagsarado ng pintuan ng kotse
niya 

[ Rechaet  Building ]

[ Copy ! wag na wag kang papasok doon Fred hanggat wala ako . Hintayin mo ako kung
gusto mo pang mabuhay ] rinig ko na pagputol niya sa linya . Kumunot ang noo ko at
nagtaka dahil sa naisip ko .

" Paano niya nalaman na nasa bingit ako ng kamatayan ? " tanong ko sa sarili ko .
Inilig ko nalang ang ulo ko para tanggalin ang nabuong katanungan sa isip ko at
nagpokus na lamang sa kalsadang aking . Ngunit ayaw nitong maalis at paulit-ulit na
nage-echo sa ulo ko . Damn ! May kinalaman kaya dito si Arvie ? .

Bumaba agad ako ng kotse ng makarating na ako sa tapat ng Rechaet . Hindi ko na


pinakinggan pa ang sinabi ni Arvie . Dahil kung meron nga itong kinalaman sa
pagdukot sa anak ko , hindi ko dapat siya pagkatiwalaan . Hindi na ako magtataka
kung bakit niya ginagawa ito . Alam ko naman na tungkol ito sa pagkamatay ng Ina
niya . Pero ang ipinagtataka ko ... wala naman kaming kasalanan sa nangyare ? at
bakit kami ang ginugulo nila ? .

Papasok na sana ako sa loob ng building ng may bigla na lamang sumulpot na dalawang
lalaki sa harapan ko kaya napahinto ako . " Sino kayo ? " nakakunot noong tanong ko
sa kanilang dalawa habang palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa .

" Sumunod ka nalang , ayoko ng ganyang tanong " maotoridad na sabi ng isa sa kanila
. Silang dalawa ay may malalaking pangangatawan kumpara saken , kaya kung lalaban
ako sa kanila , baka matalo lamang ako .

" Kapag hindi ka sumunod ... Alam mo na kung anong mangyayare sa anak mo " sabay
ngisi nito ng nakakaloko . Nagkaroon naman ng kaba ang dibdib ko ng dahil doon . "
Pero bago ang lahat ... Dala mo ba ang perang ipinapadala ni Boss ? "

" O-oo . Heto " sabay taas ko ng isang black suit case 

" Magaling , tayo na sa loob " sabay silang tumalikod at naglakad paloob ng
building kaya't sumunod nalang rin ako , ramdam ko rin na may tao sa likuran ko
ngunit hindi ko na lamang pinansin iyon dahil baka isa lamang ito sa kanila .

Nakarating kami sa isang lugar sa loob ng building na kung saan napakalawak ng loob
nito , maraming kung anong nakakalat doon . Hindi ko lang maysyadong maaninag ang
loob dahil napaka dilim ng liwanag .

" Boss ! Nandito na siya at kumpirmadong dala niya ang gusto mo " sabi ng isa sa
kanila . Sumilip ako para tignan kung sino ang kausap nila ngunit hindi ko ito
makilala dahil tanging likod lamang nito ang nakikita ko .

" Magaling ... kunin niyo na sa kanya ang pera at dalhin sa harapan ko " utos
nito , humarap saken ang isa sa mga lalaking humarang saken kanina at mabilis na
hinawakan ang hawak ko , ngunit hinila ko iyon na ikinabitaw niya .

" Masyado ka yatang mabilis ? , nasaan muna ang anak ko bago ko ibigay ang perang
hawak ko ngayon " hindi ito nagsalita ay bagkus tumawa lang ito ganun din ang mga
taong nasa paligid namen .

" Wala na ang anak mo samen , kaya amina na yang hawak mo " nagitla ako sa sinabi
niya kaya tuluyan na nitong nakuha ang suit case na hawak ko .

" Anong ibig niyong  sabihin na wala sa inyo ang anak ko ? SAAN NIYO DINALA ANG
ANAK KO ? ! Mga walanghiya kayo ! Hindi ba usapan naten kapag naibigay ko na ang
gusto niyo , ibabalik niyo na ang anak ko ! Mga walanghiya kayo ! " susugurin ko na
sana ang taong hanggang ngayon ay nakatalikod mula saken ngunit mabilis na
pinigilan ako ng isa sa mga nasa harapan ko " BITAWAN NIYO AKO ! PAPATAYIN KO ANG
LALAKING IYAN ! "

" Tumahimik ka ! "


" Wag kang masyadong matapang bata ... kung papatayin mo si Boss , kami muna dapat
patayin mo bago siya " natigil ako sa sinabi ng isa na nasa harapan ko " Masyado
kasing mainitan yang ulo mo bata , bakit hindi muna naten palamigin ? " para akong
nagpunta sa isang mayelong lugar ng dahil sa ginawa niya . Binuhusan lamang naman
ako nito ng isang pitsel na puno ng ice cube . Rinig na rinig naman ang mga tawa ng
mga nasa loob dahil nage-echo ito .

" Nasaan ang anak ko ? " mariin kong tanong habang nanlilisik na mata na binigyan
ko siya ng tingin . Hindi ito sumagot . Napaluhod ako't napasuka ng dugo ng bigla
na lamang akong suntukin ng isa sa mga nasa harapan ko .

" Wala na nga sabi samen ang anak mo , bakit ba ang kulit mo ? " tanong saken ng
taong sumikmura saken at sinipa ako na ikinahiga ko sa sahig dahil sa kirot na
nanaramdaman ko sa aking binti . 

" Gun "

" Boss ? "

" Darating din tayo diyan , wag mo muna siyang masyadong pahirapan "

" Yes Boss ! Pasalamat ka g*go ka ! "

" ACK!! " sinipa naman ulit ako nito , pero sa likuran ko na . Mas lalong sumakit
ang nararamdaman na kirot  ng dahil doon . " N-nasaan a-ang a-anak k-ko !? " yan
parin ang tanging tanong ko sa kabila ng mga natamo ko . Gusto kong malaman kung
nasaan ang anak ko at hinding hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman na
ligtas siya .
" Patulugin muna yan ! Pagkatapos nito ... umalis na kayong lahat " utos nito ..
Anong--- isa nalang ang tangi nakita ng mga mata ko bago ako tuluyang nawalan ng
malay ... Siya ? paanong naging----...

Vera's POV

      Ng makarating kami sa loob ng mansion ay agad na idinala ko sa kwarto namen


si Jean na hanggang ngayon ay mahimbing parin sa pagtulog . Hinilamusan ko ito at
pinalitan narin ng damit . Ipinagtimpla ko narin siya ng kanyang gatas na agad
naman niyang kinuha kahit na ito'y nakapikit pa . Walanghiyang kidnapper yon ,
ginutom nila ang anak ko . Mga wala silang awa . Aish !

Nang mailagay ko na sa crib si Jean ay nagmadali na lumabas ako ng kwarto upang


tumungo sa silid nila Mamang at Papang upang ibalita sa kanila na nandito na si
Jean , ngunit may masama rin akong balita sa kanila .

Kumatok muna ako sa pintuan at ilang mga segundo lang ay nagbukas din agad ang
pinto at ang taong bumunga sa harapan ko ngayon ay si Mamang na nakapangtulog na .

" Anong kailangan mo ? " nakataas na kilay na tanong nito at nagpameywang sa


harapan ko .

" Gusto ko lang po sanang ibalita sa inyo na ... nailigtas na po namen si Jean "
nakita kong nanlaki ang mga mata nito ng dahil sa sinabi ko . Makikita mo sa kanya
ang pagkabigla , pero mas tumitimbang ang nakikita kong saya sa kanyang mga mata .

" Talaga ? nasaan na ang apo ko ngayon ? " excited nitong sabi , lalagpasan na sana
niya ako ngunit pinigilan ko siya gamit ang paghawak sa kanyang pulsuhan . Lalong
tumaas ang kilay nito " What are you doing ? let go of my hand "

" P-pero p-po kasi... " hinaklit nito ang kamay niya na hawak ko at nagpameywang na
humarap saken . Ako naman ay napayuko dahil simula ng namumuo ang mga luha ko sa
mga mata ko .

" Anong drama yan Vera ha ? wala akong oras para diyan okay ? kailangan ko ng
makita ang apo ko , kung wala ka namang magandang sasabihin at magdra-drama ka lang
diyan . You better get lost on my site " tumalikod ito at humakbang na palayo mula
saken . Nanghina ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako sa sahig .

" N-nasa panganib si Al ngayon Mamang " iniangatan ko ito ng tingin at nakita kong
napahinto ito sa kanyang paghakabang palayo saken . " AHH ! " napatili ako ng bigla
akong higitin ni Mamang sa kabilang braso patayo .

" Anong sinasabi mong nasa panganib ang anak ko ? hindi ba't kasama mo siya kanina
sa kwarto ninyo ? ha ? "

" O-opo *huk* , pero nung time na pong iyon ay tumawag saken ang kidnaper at si Al
ang huli nitong nakausap , nagkaroon po sila ng usapan na ibibigay lang si Jean
kapag nagbigay ng ransom si Al sa mga ito ... ngunit mali po ang napuntahan ni Al ,
Mamang . Set-up lang po nila iyon . Mamang nasa panganib po si Al , kailangan po
naten siyang iligtas " pagwawala ko sa harapan nito at napayakap nalang . Hindi
naman agad nakapagsalita si Mamang dahil sa sinabi ko .

" Anong nangyayare dito ? " napakawala ako sa pagkakayakap kay Mamang ng marinig
kong magsalita si Papang mula sa likuran ko .

" S-sandro ... Ang anak naten " nakatulalang sabi ni Mamang . Kumunot naman ang noo
ni Papang at halatang hindi nakuha nito ang sinasabi ni Mamang .

" Anong nangyare kay Alfredo ? " hindi nakasagot si Mamang dahil bigla na lamang
itong nag-iiyak . Nagtatakang tinignan ako ni Papang kaya ako na ang sumagot habang
nakayuko .
" Nasa panganib po kasi ngayon si Al , Papang "

" Ano !?  paano nangyare iyon ? paano siya napunta doon ? " sunod-sunod na tanong
ni Papang . Isa-isa ko naman iyong sinagot " My grandaughter is safe , but my son
is in danger ... Alam na ba ito ng mga pulis ? " tumango ako

" Sila po ang kasama ko na nakakuha kay Jean sa nasabing lugar na itinxt saken ng
kidnapper "

" So , anong ginagawa nila ngayon ? . Hinahanap ba nila ang anak ko ngayon kung
nasaan ito ? "

Tumango ako " Naghanap parin po sila kahit wala po silang ideya kung saan
nakipagpalitan si Al , kahit ako po hindi ko alam dahil hindi po sinabi saken ni Al
kung saan siya pupunta ... Papang nag-aalala na po ako para kay Al , ano pong
gagawin naten ngayon ? "

" Me too Iha , pero sa ngayon ... wala tayong ibang gagawin kundi maghintay na
lamang sa ibabalita ng mga pulis " nabigla ako sa isinagot ni Papang .

" Po ? pero paano po si Al , nasa panganib po ang---- "

" Alam ko Iha , pero wala naman tayong magagawa upang iligtas siya " natahimik ako
" Ama ako ng asawa mo , kaya kung nag-aalala ka para sa kanya , mas nag-aalala
ako . Gusto ko man na ako na ang lumigtas sa anak ko , ngunit wala akong
kapangyarihan upang gawin iyon " tanging hikbi nalang ang nagawa ko " Magpahinga na
tayong lahat , bukas na tayo makibalita sa mga pulis " tumango nalang ako . Ramdam
ko na hinawakan ako nito sa balikat " Alfredo will be fine , sinisigurado kong
babalik dito sa mansion si Al na humihinga at buhay pa Iha . Manalig lang tayo sa
Diyos , may awa ang Diyos Vera " pagkatapos nitong sabihin iyon ay nagsimula na
itong maglakad habang akay-akay ang asawang hindi na huminto sa pag-iyak .

Wala sa sariling naglalakad ako patungo sa kwarto namen ng biglang tumunog ang
cellphone ko na muntik ko pang naihulog . Pagkatingin ko sa screen ay laking gulat
ko na lamang ng ang tumatawag na iyon ay ang numerong nakausap ko kanina .
Nagmadaling sinagot ko iyon , baka nasa kanya si Al .

[ Hello ? ]

[ Magandang gabi magandang binibini ]

[ Nasaan ang asawa ko ? ]

[ Parang kanina lang hinahanap mo anak mo , ngayon asawa na ? sinong gusto mong
isunod na hanapin mo , ang sarili mo na ba ? hahahaha ]

[ Baliw ! Wag na wag niyong sasaktan si Alfredo , mga walanghiya kayo ]

[ Hindi namen siya sasaktan kung pupunta ka rito ]

[ Sige , saan ba yan ? ] bahala na si batman . Diyos ko , wag niyo pong hayaan na
may masaktan sa amen .

[ Hindi ka ba natatakot ? ]

[ Para saan ? sa mga katulad niyong demonyo ? sana'y na akong makakita ng demonyo
kaya hindi ako natatakot sa inyo ]

[ Hahahaha , tama nga si Bing ... Iba ka sa lahat ng babae , tahimik na akala mo
Anghel na may Halo sa ulo pero kapag nagalit naman parang dragon kung magbuga ng
apoy ]

[ Wala akong oras sa kalokohan mo , sabihin mo na kung saan lugar iyan at makapunta
na ako ngayon din ]

[ Chillax , Magandang binibini , masyado mo naman yatang minamadali ang buhay


mo ? ] lumakas ang pintig ng puso ko ng dahil doon [ Hindi ka ba natatakot , na sa
oras na pumunta ka rito ay maari kang mamatay ? ]
[ Hindi na ako takot mamatay dahil minsan na akong muntik mapunta diyan , at kung
yun man ang tadhana ko ay siguro tatanggapin ko na lamang ]

[ Nakakamangha , kung hindi ka lang siguro asawa ng balasubas na Alfredo na iyon


baka niligawan na kita ]

[ At sa tingin mo ba magpapaligaw ako sa tulad mong demonyo ? Managinip ka ! ...


Sabihin mo na saken kung saan , ang dami mong dada ! ]

[ Tss! No thanks nalang pala , hindi pala ako pumapatol sa laspag ]

[ Anong sinabi mo ? ]

[ Walang ulitan sa bingi ... Rechaet Building , in 1 hour wala kapa rito ... Your
husband will die . Naiintindihan mo ? at wag na wag kang magkakamali na mag tawag
ng pulis , dahil kapag nakatakas ako sa kanila . Hindi lang pamilya ni Alfredo ang
papatayin ko , pati na ang mga magulang mo ]

[ O-oo ] tumakbo ako patungong kwarto at nagmadali na pinuntahan i Jean at


hinalikan ito sa noo " Kung ito man ang huli nating pagsasama baby , sana lumaki
kang masigla , malakas at msayahing bata . Mahal na mahal kita anak " at muli ...
Ay hinalikan ko ito ng mariin sa noo . 

Nakasakay ako ngayon ng Taxi . Buti na lamang at nakita ko si Manong . Pauwi narin
kasi ito dahil gabi na . " Manong malayo po ba dito ang Rechaet Building ? " tanong
ko

" Ay Opo Mam , dalawang oras po ang biyahe doon . Doon po ba ang tungo niyo
ngayon ? " nanlaki ang mga mata ko . Dalawang oras ? pero isang oras lang ang
binigay niyang palugit saken . Paano na ito ?

" Manong kaya niyo po bang magmaneho ng isang oras lamang doon ? Manong sige na
po , kailangang kailangan lang po . Dahil kung hindi po tayo makakarating ng isang
oras doon , ay may isang buhay na mawawala " tumango si Manong

" Susubukan ko Mam "


" Wag niyo na pong subukan Manong , kahit 180-200 pa yung takbo niyo okay lang po
makarating lang po tayo ng maaga roon "

" Sobra kayo Mam , 100 lang po . Hindi naman po traffic sa kalsada e "

" Ay !! Magmaneho nalang nga po kayo Manong " nakasumangot na sabi ko . Aish ! Gaya
ng sabi ng kidnapper ay hindi nga ako tumawag ng Pulis . Ngunit nag-iwan ako ng
sulat na nakadikit sa pintuan nila Mamang at Papang . Nakasulat doon kung saan ako
patungo ngayon .

Tumingin ako sa salamin ng taxi at tumingala sa kalangitan " Parating na ako Al "
bulong ko at nagsiunahan nanamang tumulo ang mga luha ko . 

Hindi man ako kinuha noon ng magkasakit ako , siguro ito na ang tamang oras , araw
at panahon na kukunin na ako  Kung mangyare man iyon Diyos ko , kayo na po ang
bahala sa mga magulang ko . Lalong lalo na sa asawa't anak ko .

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil limang minuto nalang ang natitira "
Manong malayo pa po ba tayo ? " tarantang tanong ko kay manong

" Malapit na po tayo Mam "

" Pakibilisan pa ho ng konti , wala na po tayong oras "

" Nandito na tayo " napatingin ako sa labas ng taxi . Nakahinto kami ngayon sa
tapat ng isang napakalaking building ngunit napakaluma na ito . " O iha ? akala ko
ba nagmamadali ka ? bat nakatunganga kaparin diyan ? " nabalik lang sa katinuan ang
utak ko ng dahil sa sinabi ni Manong . Si Manong talaga oh ? .
" Heto na po yung bayad " sabay abot ko ng bayad at nagmadaling bumaba . Tumingin
ako sa relo ko at may dalawang oras pa ako . Kaya nagmadali akong tumakbo patungo
doon . Hingal na hingal ako ng makapasok ako sa loob . Madilim sa paligid at ang
tanging ilaw lang na nadoon ay ang nasa gitna ngunit napakadilim parin nito .

" Your Here " napaangat ako ng tingin ng may biglang nagsalita . Ngunit walang
nakita ang mga mata ko kahit nung in ilibot ko ito .

" Nasaan ka ? magpakita ka saken ! Nasaan ang asawa ko ? " pagkatanong kong iyon .
Ay napatakip nalang ako ng bibig ng makita ko ang asawa ko na nakabitin patiwarik .
" ALFREDO ! " sigaw ko . Lalapitan ko sana ito ng makarinig ako ng isang putok kaya
napahinto ako .

" Diyan kalang magandang binibini . Bawal lapitan yan dahil nakakamatay " inikot ko
ang tingin ko sa buong paligid ngunit hindi ko parin ito makita .

" Sino ka ba ha ? anong kasalanan namen sa'yo at ginagawa mo ito sa pamilya ko ? "

" Do you heard the word ' Revenge ' ? yun ang ginagawa ko ngayon . Anong nagawa
mo ? wala pero ang asawa mo't pamilya nito meron " napaurong ako sa kinatatayuan ko
ng may nakita kong pares ng sapatos na lumabas mula sa dilim " Alam mo ba kung ano
iyon ? " habanag nagsasalita ito ay yun naman ang unti-unting paglabas niya sa
dilim " Ng dahil sa kanila , bumagsak ang kumpanya ng Tatay ko ng Labing dalawang
taon niyang pinagpaguran at iningatan . Nanghihingi ng tulong ang ama ko sa
pamilyang bautista noon , pero hindi ito nagbigay ng tulong kahit singkong dusing .
Ng dahil sa kanila , naghirap ang pamilya ko , kami ... Kaya nagsikap ako na
makatapos ng pag-aaral noon kaya heto kami ngayon ... Masaganang muli na namumuhay
at nakapagpatayo ng isang kumpanya "

" M-maganda na ang buhay niyo , pero bakit mo pa ginagawa ito ? "
" Para sa katarungan ? haha " napatakip at lalo akong napaurong sa kinatatayuan ko
ng buo ko na siyang makita . Siya ? sabi na nga ba't ... " Nakakabigla ba magandang
binibini ? , hindi mo ba inaasahan na ako ang may kagagawan ng lahat ng ito ? .
Mukha nga dahil hindi ka nakasagot "

Ang mga titig niya , ang mga bawat ngiti niya ng nakakaloko ay meron ngang masamang
binabalak . Sinasabi ko na nga ba . Nung una palang kaming nagkita hindi na maganda
ang pakiramdam ko sa kanya sa tuwing tumitingin ito saken ng ganun .

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang naglabas ng baril . Anong--- " Anong
katarungan ba ang hinahangad mo ?  , nakapagpatayo ka na ng bagong kumpanya ,
mayaman na ulit kayo , hindi pa ba sapat 'yon ? "

" Hindi " sabay kasa nito ng baril na ikinapalunok ko " Wala ka kasi sa posisyon ko
noon kaya hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ... Maari ngang yumaman kaming
muli at nakapagpatayo na ng bagong kumpanya , pero ang ginawa ng pamilya ng asawa
mo sa pamilya namen ay mananatili parin iyon na sariwa sa aming mga utak , isip at
ala-ala " napahigit ako ng hininga ng bigla na lamang nitong itinapat ang baril sa
tapat ng ulo ni Al .

" W-wag , m-maawa ka ... Wag mong gawin yan ! " pagmamakaawa ko ngunit tumawa lang
ito at pagkatapos nakangising bumaling ng tingin saken .

" Maawa ? sa pulubi lang ako maawa "

" WAG ! " napatakip nalang ako ng mukha ng makarinig ako ng putok . Napaluhod ako't
napaiyak . Pero naiangat ko din ang paningin ko ng marinig ko siyang nagmura .

" Fvck ! " pagkaangat ko ng tingin sa kanya ay nakita ko na lamang ang kanyang
kanang kamay na may hawak na baril kanina ay ngayon ay hawak niya na sa kabilang
kamay at dumudugo ito . Lumingon ako sa likuran kung saan nakarinig ako ng tinig ,
pero laking gulat ko nalang ito at nagtakha kung bakit siya narito at kung bakita
may hawak siyang ... 

Baril .

" Walanghiya ka Arvie , anong ginagawa mo ? "

" Sabi ko naman sa'yo Jon , ako ang makakalaban mo sa oras na ginawa mo ito , pero
hindi ka nakinig . Kaya tayong dalawa ang magtutuos ngayon "

" Oh Really ? natakot naman ako sa sinabi mo " yumuko ito at pinulot ang nahulog
nitong baril.

" Dapat lang , dahil hindi ako nagbibiro " napaatras ako sa kinauupuan ko ng
biglang lumapit sa kinaroroonan ko si Arvie " Wag kang matakot Vera , hindi kita
sasaktan . Nandito ako para iligtas kayo " hindi ko na sinubukan pang umurong dahil
kitang-kita ko sa kanya ang sensiridad sa kanyang mga mata .

" Aww ! How sweet you are my dear cousin bing " wala sa oras na napalingon ako kay
Aljon . Pinsan ? magpinsan sila ? 

" M-mag-p-pinsan kayo ? " hindi makapaniwalang tanong ko habang palipat lipat ang
tingin ko sa kanila , sa huli ay nahinto ito kay Arvie .

" Nakakabigla ba Magandang binibini ?pwes wag ka ng mabigla dahil yun ang totoo "
nakangisi nitong sabi .
" Tumahimik ka ! Wala akong pinsan na demonyo ! "

" Sorry ka , pero nagkaroon kana at wala ka ng magagawa doon "

" TUMAHIMIK KA NA! " nanggigigil na sigaw ni Arvie habang nanlilisik ang mga mata
na nakatingin kay Aljon . Oo si Aljon , natatandaan niyo pa ba nung isinama ako ni
Al sa isang palaruan ng Golf ? siya . Siya yung Mr Santos na nakipagkita sa amen
noon .

" Truth really hurts " kitang kita ko sa mga kamao ni Arvie ang galit na
nararamdaman nito dahil sa napakahigpit na pagkakayukom nito . Tumayo ako sa
kinauupuan ko at nakita kong nagkasukatan sila ng tingin . Walang nagpatalo sa
kanila . Naalis lang ang tingin ko sa kanila ng makita kong gumalaw si Al na
hanggang ngayon ay nakabitin parin ng patiwarik .

" Al " bulong na tawag ko sa kanya . Muling ibinalik ko ang tingin sa dalawa na
hanggang ngayon ay nagkakasukatan parin ng tingin . Ito na ang pagkakataon ko na
makalapit kay Al . Hindi naman siguro nila ako mapapansin dahil busy silang dalawa
sa isa't isa . Ngunit mali yata ang ginawa ko .

Alfredo's POV

      Napakabigat ng pakiramdam ko mula sa ulo ko maging ang dalawa kong kamay na


parang maghapon na nakataas ng magising ako . Unti-unti kong iminulat ang mga mata
ko . Nagtaka ako ng baliktad ang nakikita ko " Ahh " napaungol ako sa sakit ng
makaramdam ako ng kirot sa buo kong katawan . Pilnilit kong itayo ang sarili ko
ngunit parang nakatayo na ako . Napatingin ako sa ibaba at doon ko lang napagtanto
na nakabitin ako patiwarik at doon lang din bumalik ang mga alaala na kanina lang
nangyare . Walanghiya ka Aljon ! Walanghiya ka !
" Al " may narinig akong nagsalita ngunit mahina lang ito at tamang tama lang na
marinig ko . Nagtaka ako dahil isa lamang ang taong tumatawag saken ng ganun .
Anong ginagawa niya dito ? . Nakita ko ito sa isang tabi . Nakatingin sa dalawang
lalaki na ngayon ay nagtatagisan ng tingin . Lalo akong nagtaka ng makita ko kung
sino ang isang lalaki . Sabi na nga ba . May kinalaman dito si Arvie . Walanghiya
ka Arvie ! Traydor ka !

" Vera ! WAG !! "

*BANG*

" VERA ! " tanging sigaw ko . Nagsimula ng pumatak ang luha ko ng makita ko na
lamang na bumagsak sa sahig si Vera at nawalan agad ito ng malay . Nakarinig muli
ako ng putok , pagkatingin ko ay si Aljon ay nakahandusay narin sa sahig at may
tama ng bala sa kanang dibdib . Pero hindi ko na inintindi iyon . Ang gusto ko
makawala ako dito , para mapuntahan ko si Vera ! " PAKAWALAN NIYO AKO RITO ! VERA !
T*NGINA NAMAN OH ! VERA ! "

" Vera ! "

" PAKAWALAN MO'KO RITO TRAYDOR KA ! PAKAWALAN MO'KO DITO ! VERA!! " nanggigigil na
sabi ko habang masama ang tingin ko sa kanya . Iniangatan ako nito ng tingin ,
tumayo ito sa pagkakaluhod at tumungo saken para tanggalin ang pagkakatali ng paa
ko " Paano mo nagawa ito samen Arvie ? pinagkatiwalaan kita ng matagal na panahon ,
pero anong ginagawa mo ? ano ito ? pati anak ko idinamay mo ng dahil sa kagaguhan
mo ! "

" Wala akong alam sa mga nangyayare dito , pero aaminin kong tinraydor nga kita "
sabi nito habang dahan-dahan na inaalalayan ako nito pababa . Mabilis na itinulak
ko siya palayo saken ng makatayo na ako ng maayos .
" Wala kang alam sa nangyayare ? napaka-imposible mo naman . Paano ka nakarating
dito kung hindi mo alam ? hindi ako tanga Arvie "

" Hindi kita masisisi kung magalit ka man saken ngayon , pero wala talaga akong
balak na saktan kayo lalong lalo na si Vera " nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko
si Vera . Agad na binalingan ko ito ng tingin at tumakbo patungo sa kanya . 

" Vera , Vera gumising ka " sabi ko habang tinatapik ang pisngi nito , ngunit hindi
ito nagresponse " Vera ! VERA ! " inalog alog ko na siya ngunit hindi parin ito
magising-gising . Napatingin ako sa kamay ko ng maramdaman ko na bumasa iyon ,
nakaramdam ako bigla ng takot ng makita ko iyon . Nagunahan ang mga luha ko sa
pagbuhos . " VERA ! " sigaw kong muli 

" Hindi gigising si Vera kung sisigaw at sisigaw ka lang diyan , dalhin mo na siya
sa pinakamalapit na hospital " ng marinig ko iyon ay nagmadali akong buhatin si
Vera . Kahit na masakit at hinang -hina ako ay pinilit ko parin itong buhatin .
Hindi ko man mahal ang abbaeng ito , siya parin ang Ina ng anak ko . Kaya hindi
siya maaaring mamatay . Hindi ! " Fred " napahinto ako sa paghakbang at nilingon
ang traydor kong kaibigan . Lumapit ito saken , kaya umurong ako . Umiling ito kaya
hindi ko na muling ginawa iyon , napatingin ako sa kanya ng bigla na lamang niya
akong abutan ng susi ng kanyang kotse " Nasa kaliwang kalsada lang ang kotse ko at
nakaparko lamang ito sa malayo ... Dalian mo na , umalis na kayo rito at dalhin mo
na si Vera sa hospital " nakangiti nitong sabi . Ngunit napatulala ako sa kanya
dahil doon " Ano pa ba tinutunganga-tunganga mo diyan ? , Umalis na kayo dito !  "

" Walang aalis ! " sabay kaming dalawa na napatingin sa nagsalita . Nanlaki ang
mata ko at ganun din si Arvie . Anak ng ! Ang mga masasamang damo nga naman ! "
Hindi pa tayo tapos "

" Takbo na Fred "

" Huh ? "


" Tumakbo kana , ako na ang bahala sa kanya " kitang kita ko sa kanya ang
pagkaseryoso nito kaya tumango na lamang ako at humakbang na patalikod " Ingatan mo
si Vera , Fred . Wag na wag mo siyang papabayaan at sasaktan . Dahil kapag nakita
at nabalitaan ko na ginagawa mo pang muli sa kanya iyon . Kahit patay na ako ,
babangon ako't kukunin ko siya sa'yo . Nagkakaintindihan ba tayo ? " napahinto ako
sa sinabi niya

" Anong sinasabi mo ? sinong mamatay ? . Walang mamatay Arvie , kung naging traydor
ka man samen , wala akong pakialam dahil ikaw naman ang nagligtas samen sa
kapahamakan "

" Ramdam ko na , ito na ang huling araw ko sa mundong ito "

" Wag ka ngang magsalita ng ganyan ! "

Ngumisi ito " Nagsasabi ako ng totoo , ngayon umalis na kayo . Parating narin ang
mga pulis at pakisabi narin kay Vera na mahal na mahal ko siya  "

" Ang dami niyong drama ! Ano yan Bromance ? t*nginang mga BADING ! "

" Pagsinabi kong takbo , tumakbo na kayo "

" pEro-- "


" Isa " kahit labag sa kalooban ko ay inihanda ko nalang ang sarili ko para tumakbo
" Dalawa . TAKBO ! " pagkasabi niya ng takbo ay tumakbo na ako sa abot ng makakaya
ko . Narinig ko pang nagsalita si Aljon ngunit hindi ko na ito pinansin pa .
Napahinto lang ako sa pagtakbo ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok . Hindi...
paglingon ko . " ARVIE ! "

" Hahahaha , sa akin parin ang huling halakhak "

Nakatingin lamang ako sa katawan ng kaibigan ko na ngayon ay naliligo na sa kanyang


sariling dugo . Rinig na rinig ko na ang mga pulis na parating ngunit parang wala
man sa lalaking nasa harapan ko dahil patuloy lang ito sa pagtawa . Iniangatan ko
ito ng tingin at nanlilisik ang mga mata . Sa oras na ito , gusto ko man siyang
patayin . Ngunit wala naman akong dalang baril upang gawin iyon , atsaka kailangan
ko pang madala sa hospital si Vera . Mas mahalaga ang buhay ng hawak ko kesa sa
walang kwentang buhay ng putaenang lalaking ito .

" Ibaba mo ang iyong baril " rinig kong sabi ng isa sa mga pulis na nasa likuran ko
na " At sumuko ka na ng maayos at para hindi na ito umabot pa sa santong paspasan "

" Ano ako baliw ? magkakapatayan muna tayo " sunod sunod itong nagbabaril sa mga
pulis . Ako naman ay tumakbo na palabas ng building . May sumalubong saken na mga
pulis at agad na inalalayan kami patungo sa ligtas na lugar . Pero may biga akong
naalala .

" Sir , kailangan ko na pong dalhin ang asawa ko sa hospital " napatigil ito at
napatingin sa hawak ko .

" Sige , magmadali ka Iho dahil mukhang nauubusan na ng dugo ang asawa mo . Wag na
kayong mag-alala dito , kami na ang bahala " tumango ako at nagmadaling tumungo
kung saan nakaparko ang kotseng sinasabi ni Arvie . Mabilis na ipinasok ko si Vera
sa loob ng kotse pagkatapos ay pumasok narin ako at mabilis na pinaharurot ito at
nagsimula ng maghanap na malapit na hospital .
" TULONG ! " sigaw ko ng makababa ako ng kotse . Buti nalang at hindi kalayuan ang
hospital na ito sa lugar na iyon . Binuksan ko ang pintuan ng kotse at binuhat muli
si Vera . Meron namang agad na lumabas at may dala-dalang gurney ang dalawang
nakaputing uniporme . Dahan-dahan na inilapag ko doon si Vera .

Nasa tapat ako ngayon ng ER , isang oras at mahigit na ang lumipas ngunit hindi
parin lumalabas ang doktor . Napapasabunot nalang ako sa buhok ko habang nakatingin
sa pintuan ng ER .

" Alfredo " nilingon ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko . Ang mga magulang
ko . Mabilis na lumapit ako kay Mamang at yumakap dito ng mahigpit .

" Vera's gonna be okay son . You dont have to worry about " nagtatakhang tumingin
ako kay Mamang " I already forgived her , for what she did . Iniligtas niya ang apo
ko , at kanina naman ay ikaw ang iniligtas niya . Kaya utang na loob ko sa kanya
ang mga buhay ninyo "

" Po ? " kunot noong tanong ko . Iniligtas ? .

" May nakarinig kay Vera habang nakikipag-usap ito sa kidnapper ... at kahit alam
niya na ikapapahamak niya ang pumunta roon , ay hindi ito nagdalawang isip para
puntahan ka . I'm so happy to have a daughter-in-law like that . She was very brave
girl "

Nagpatingin muli ako kay Mamang " I will pray fo her safety Fred . Hindi siya
papabayaan ng Diyos " sabi ni Mamang habang pisil pisil nito ang dalawa kong
kamay .

Napaisip naman ako sa mga narinig ko mula kay Mamang at Papang .


Hindi naman ako naging mabait at mapagmahal na asawa sa kanya pero bakita siya
ganito ? . Kaya ko lang naman ginagawa iyon dahil gusto ko na siya mismo ang umalis
sa mansion para walang masabi saken si Papang . Pero hindi , tiniis niya ako at
lahat lahat ng paghihirap na naranasan niya pati na kay Mamang at Ate . Bakit mo ba
ginagawa ang lahat ng ito Vera ? . Wala sa sariling tumalikod ako sa mga magulang
ko at sumilip muli sa pintuan ng ER . Ramdam ko naman na may humaplos sa likuran ko
.

" Matapang na babae si Vera , Iho at alam kong malalagpasan niya ito . Sa lahat ng
naranasan niya sa kanyang buhay na paghihirap , hindi na ito bago pa sa kanya .
Sana pagkatapos ng pangyayareng ito Iho , magbago kana sa asawa mo . Mahalin mo
siya tulad ng pagmamahal niya sa'yo , pahalagahan mo siya tulad ng pagpapahalaga
niya sayo at pag-ingatan na para bang isang diyamante na hindi pwedeng mawala sa
buhay mo/niya kahit kelan . Bihira lang ang isang babae na katulad ng asawa mo
Iho , at nag-iisa lang si Vera , kaya wag mo na itong hayaan pa na mawala pa siya
sa'yo " tumulo ang mga luha ko ng dahil sa mga sinabi ni Papang " Magdadasal muna
kami ng Mamang mo . Puntahan mo nalang kami doon kapag lumabas na ang doktor "
bahagyang tumango ako . Pinat muna ako nito ng dalawang beses bago nila ako nilisan
.

Tama si Papang . Pangalawang buhay na ito ni Vera kaya hindi ko na ito sasayangin
pa . Pipilitin kong mahalin siya , pahalagahan at pagkaingatan sa abot ng makakaya
ko . Sila narin nagsabi na hindi mahirap mahalin si Vera . Utang ko ang buhay ko
sa'yo Vera . Kaya gagawin ko ang lahat para sa'yo . Magbabago ako ng trato sa'yo ,
hindi na kita bubugbugin at hindi na kita sasaktan ng walang dahilan . Hindi narin
kita sisigawan at papasinin na kita araw-araw . Babawi ako sa'yo Vera . Pero sana
mabuhay ka . Kailangan ka pa ni Jean , ng pamilya mo at kailangan din kita bilang
asawa ko .

Nataranta ako at hindi ko alam ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan ng ER .
" D-dok , kamusta na po ang asawa ko ? " utal utal na tanong ko at halatang
kinakabahan ng dahil doon . Inalis muna ng doktor ang kanyang gloves sa kamay bago
ako sinagot .

" Your wife's life is safe and also your child " nagpantig ang mga tenga ko .

" Anak ? "


" Why ? hindi mo ba alam ito Mr ? " umiling ako " Okay , so congratulation Mr
Bautista , because your wife is three weeks pregnant " ang lakas ng pintig ng puso
ko at hindi ko alam kung anong e-re-reak ko sa narinig ko . Gustong gusto kong
magtatalon sa tuwa , pero napigil iyon ng dugtungan niya ang sinasabi nito " But
your wife is unconcious for 1 month or more than 1 month . Maraming nawalang dugo
sa pasyente , pero nasalinan na namen siya ng dugo . She's unconcious because of
the damage of the bullet on her side stomach , pasalamat ka Iho at hindi sa mismong
tiyan tinamaan ang iyong asawa . Kundi , pati ang magiging anak mo ay nasa
kapahamakan ngayon " natulala ako habang nakikinig lamang sa sinasabi ng doktor .

" M-may tiyansa po bang ... h-hindi na ito magising ? " wala sa sariling tanong ko

" Im sorry to tell you , but ... Yes ! " parang biglang gumuho ang mundo ko ng
dahil sa narinig ko . Hindi lang isa ang mawawala saken kapag nangyare iyon "
Nasalinan man namen siya ng dugo , hindi parin ito magiging maayos sa kalagayan
niya dahil hindi niya dugo iyon . I'm sorry "

" O-okay lang po Dok " sabay punas ng luha ko .

Tumango ito " Ililipat na ang asawa mo sa Room 03 , kailangan niyang malapit sa
nurse station para kung magkaproblema man ay madaling mapupuntahan ang room
ninyo ... Mauuna na ako Iho " pinat muna ako nito bago tuluyang umalis sa harapan
ko . Naiwan naman akong nakatulala doon at parang ayaw tanggapin ng buong sistema
ko ang mga narinig ko .  Wala sa sariling naglakad ako upang tumungo ng dasalan
upang puntahan sina Mamang at Papang para ibalita ang sinabi ng doktor sa kalagayan
ni Vera .

**

[ 1 month later ]

    Isang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi parin nagigising si Vera . Kung
anu-ano na ang itinutusok sa kanya para lang maging ligtas ang batang nasa
sinapupunan niya . Ilang beses narin itong nalagay sa panganib at nagpapasalamat
ako't naililigtas nila ito . Walang araw na hindi ako nagdasal sa Diyos para sa
kaligtasan nila . Kaya sana hanggang kaya pa ng katawan ni Vera ay hindi ito sumuko
. Gusto ko pang bumawi sa'yo Vera , sa inyong mag-iina ko . Kaya wag mo muna kaming
lisanin , wag mo muna akong iwan .

" Hindi kaba pupunta ng kasal ng kaibigan mo Fred ? Ngayon iyon hindi ba ? " bungad
na tanong saken ni Mamang ng makapasok siya ng ward ni Vera . Tumayo ako sa
kinauupuan ko at kinuha ko ang bulaklak na dala niya at inilagay iyon sa flower
vase .

" Hindi na po siguro Mamang , mas kailangan po ako ng asawa ko dito . Gusto ko po
kasi kapag nagising siya , ako ang una niyang makita , ako ang unang masilayan ng
kanyang mga mata " naramdaman ko ang palad ni Mamang na ipinatong nito sa balikat
ko .

" Ako na muna ang bahala sa asawa mo Iho , kasal iyon ng kaibigan mo . Papalagpasin
mo ba iyon ? baka magtampo niyan sa'yo si Francis " hinarap ko naman ito

" Mas hindi ko po mapapalagpas ang pag-gising ng asawa ko Mamang ... Alam niyo
naman po kung gaano ko kagustong makabawi sa kanya sa lahat ng naging pagkukulang
ko sa maraming panahon na lumipas . Kaya hindi ko po kayang---- "

" Okay Iho . Isa lang sinabi ko ang dami mong sinabi " sabay alis sa harapan ko at
tumungo sa gilid ng hospital bed ni Vera . Napakamot naman ako ng ulo ng dahil doon
. Si Mamang talaga kahit kelan .

" May recovery ba daw ? " tanong nito habang nakatingin lamang kay Vera . Umupo
naman ako sa hospital bed sa may paanan ni Vera bago sumagot .

" Wala , Mamang . Nag-aalala na nga po ako para sa mag-ina ko e , baka kung mapaano
napo sila " napahawak ako sa noo ko ng biglang may tumama doon ng kung ano .
Pagkatingin ko kay Mamang ay nakapameywang ito na nakatingin saken at mukhang galit
na galit . Anong ginawa ko ?

" Walang mangyayareng masama sa mag-ina mo Okay ? . Just think Positive , throw
away all your negative thoughts . God is always there , hindi niya papabayaan na
may mangyareng masama sa mag-ina mo . Ituloy mo lang ang pananampalataya sa kanya ,
may mangyayare rin na hindi mo inaasahan , kaya wag na wag kang bibitiw sa kanya
okay ? " tumango nalang ako't napabuntong hininga . Tama si Mamang , kailangan kong
itapon lahat ang mga negatibong nasa isip ko , kailangan think positive lang lagi .
Bakit ba lagi nalang tama ang mga magulang ko ? kelan naman kaya ako magiging
tama ? Kaasar !

" Mukhang mauulit ang nangyare sa inyo ng asawa mo sa buhay ng kaibigan mo anak
ah ? " wala sa oras na naibaling ko ang tingin ko kay Mamang na ngayon ay
nakadungaw na pala sa bintana .

" Hindi naman po siguro Mamang , iba po ang buhay ko sa buhay ni Frank at malabong
mangyare sa kanya ang nangyare sa amin noon ng asawa ko na pingsisihan ko ng
napakalaki buong buhay ko ngayon " nakayuko kong sabi . Lumapit ako ng kaunti kay
Vera at hinawakan ito sa kanang kamay ng mahipit , hinalikan ko iyon at inilagay sa
pisngi ko . Sana magising kana . Hinihintay ka na ng anak naten Vera .

"Hindi malabong  mangyare iyon Iho ... Ikinasal din ang kaibigan mo sa babaeng
hindi niya mahal , alam mo iyan hindi ba ? . Kaya hindi malabong mangyare na
mangyare sa kanya ang mga nangyare ngayon sa inyo ni Vera "

" Kilala ko po si Frank , Mamang . Hindi niya po magagawa ang nagawa ko noon kay
Vera ... Napakalaki kong tanga kumpara kay Frank , kaya naniniwala ako na magiging
mabait itong asawa sa taong papakasalan niya ngayon " hindi na ito nagsalita pa
kaya ganun din ako . Maya't maya lang ay nagpaalam na ito na lalabas muna upang
bumili ng makakakain namen . Doon bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan .

" I'm so sorry Vera . Hindi ko parin maiwasan na sisihin ang sarili ko sa lahat ng
nangyare . Kung bakit ka naghihirap , kung bakit ka nandiyan sa kinahihigaan mo
ngayon . Please , Vera . Wake Up . Marami akong plano para makabawi sa'yo , marami
tayong pupuntahan , marami tayong gagawing adventure na tiyak kong magugustuhan
mo ... Hinding hindi na kita muling sasaktan Vera , ipinapangako ko sa'yo yan .
Gumising ka lang mahal ko at gagawin ko ang lahat ng iyon " napatayo ako bigla ng
tumunog ang makina na siyang nagbibigay buhay kay Vera . Nanlaki ang mga mata ko at
parang napako ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ako makakilos at hindi ko alam
ang gagawin ko . Hindi naman ito ang unang beses na nangyare ito ngunit bakit
ganito ang nararamdaman ko ? .

" V-vera ? " tanging sambit ko nalang " VERA ! " sigaw ko at hinawakan siya sa
kamay " NURSE TULONG ! NURSE ! Vera , wag mo kaming iwan . Vera wag mokong iiwan
VERA ! " pumasok ang mga Nurse at Doktor sa loob ng kwarto at nagmadaling tinignan
si Vera .

" Sir sa labas na muna po kayo maghintay " sabi ng isa sa mga nurse

" Hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko , hindi pwede "

" Sir bawal po talaga , lumabas nalang po kayo upang matignan po namen ng maayos
ang pasyente " gusto kong sumagot na ' Hindi niyo ba matitignan ang asawa ko na
nandito ako ? ' pero hindi ko anlang ginawa at sinunod ko nalang ang utos nito
kahita na labas sa loob ko . Napasuntok naman ako sa pader at sumilip sa loob 

" Vera lumaban ka ! " bulong ko at naiyukom ko ang kamao ko sa pader .

" Anong nangyayare Iho ? " mabilis na niyakap ko si Mamang , nahulog naman nito ang
hawak nitong plastik .

" Hindi po ako maaring iwan ni Vera , Mamang . Hindi po ako maaring iwan ni
Vera .... Mamang " iyak ko habang mahigpit na yumayakap sa kanya . Ramdam ko ang
paghaplos nito sa aking likuran .
" Hindi ka iiwan ng asawa mo Iho , hindi gagawin ni Vera iyon "

" Mamang ... "

--

Finished | Edited

=================

Kabanata Twenty - Finale

Kabanata Twenty - Finale

Vera's POV

Nagtaka ako ng pagkagising ko ay puro puti na ang nakikita ko sa paligid , walang


ibang kulay kung hindi puti lamang . Nasaan ako ? anong lugar ito ? .

" Vera " kumabog ng malakas ang puso ko ng marinig ko iyon . Ang boses na iyon ,
ang boses na iyon ay pag-aari ng Itay ko . Tumulo bigla ang luha ko ng dahil doon .

" I-itay " sabi ko atsaka pa lamang ako bumaling ng tingin . Ngumiti ito saken ,
tumakbo naman ako patungo sa kanya at yumakap dito " Kumusta kana anak ko ? "

" Miss na miss ko po kayo Itay "


" Ako rin anak , lalo na ang kapatid at ang Inay mo "

" Wag na wag na po kayong aalis ulit Itay , kailangan pa po namen kayo nila Inay ,
ng mga magsasaka " hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya
at tinitigan ako sa mata . Umiling ito bilang sagot na ikinaluha ko " Ba-bakit po
Itay ? a-yaw niyo na po ba kaming makasama ? "

" Gusto ko ngunit ... hindi na maari anak , hindi ko kayo gustong iwan ng ganitong
kaaga ngunit iyon na siguro ang tamang panahon upang lisanin ko ang mundo naten "

" Lisanin ? " nanlaki ang mga mata ko at naalala na ... wa-wala na pala si Itay .
Tumango ito " Na-nasaan po ako ngayon Itay ? " takhang tanong ko at muling inilibo
ang paningin sa paligid .

" Nasa mundo ka ng mga tulad kong kaluluwa , Anak " napatingin ako sa kanya ng
biglaan dahil sa sinambit nito . Kaluluwa ? . Nanlaki lalo ang mga mata ko ng
maalala ko ang nangyare . Lalong tumulo ang luha ko ng dahil doon .

" I-ibig sabihin po ba nito ... Pa-patay na po ako ? sinusundo niyo na po ako ? "
hinihintay ko ang sagot ni Itay ngunit tanging isang iling lang ang natanggap ko na
ikinatakha ko " Ano pong ibig niyong sabihin ? "

" Naglalakbay lang iyong kaluluwa ngunit hindi kapa patay anak ko " sabay ngiti
nito " Nagtagpo lang ang mga kaluluwa naten dahil may kailangan akong sabihin sa'yo
bago ako tuluyang umakyat ng langit "
" A-ano po iyon ? Itay "

" Alam kong naging mahirap ang naging buhay mo sa pamilya ng mga bautista , tiniis
mo ang lahat ng sakit , lahat ng pag-aalipusta , lahat ng pananakit , lalo na ang
pagiging malupit nila sa'yo Anak at masaya ako dahil nagawa mong maging matapang sa
lahat ng iyon . Napaka proud kong ama para sa'yo Anak dahil nagkaroon ako ng isang
anak na mas matapang pa kung humarap saken sa mga pagsubok na dumating sa buhay  "
ngumiti ulit ito , ngumiti rin ako ngunit mapait at pilit " Mahal na mahal ko
kayo , lalong lalo na ang Inay mo . Kung may problema kayo , wag na wag kayong
mahihiyang manalangin sa kanya at humiling ng solusiyon , mabait ang panginoon at
alam kong lahat ng mga mabibigat na problema mo na ikinakaharap ngayon ay mawawala
din na parang bula sa hangin . Ipagpatuloy mo ang pagiging matatag mo Anak , dahil
yan ang magiging tulay ng malaking pagbabago sa iyong buhay " lumapit ako sa kanya
at niyakap muli ito ng mahigpit .

" Mahal na mahal karin namen Itay " yan na lamang ang tanging nasabi ko at tanging
iyak nalang ang nagawa ko . Ilang minuto ang lumipas ay ganun lang ang pwesto namen
ni Itay . Hinahaplos niya ng ulo ko at habang ako naman ay nakayakap parin sa kanya
. Ngunit ilang segundo lang ay nagsalita muli ito .

" Kailangan mo ng bumalik Anak "

" Ayoko pa po Tay , gusto ko pa po kayong makasama "

" Ako rin anak ngunit hindi na maari , hinihintay ka na ng asawa mo " natigil ako
sa pag-iyak ng dahil doon . Hinihintay ako ni Al ? pero napakaimposible naman
iyon . Wala namang pakialam saken iyon kahit mamatay naman ako ngayon e .

" Wala naman pong pakialam saken si Al e , siguro po Itay kahit mamatay ako ngayon
hindi naman magiging malungkot 'yon , magiging masaya pa nga po iyon dahil wala na
ako sa buhay niya , wala na pong magiging sabagal sa buhay niya " inalis ako sa
pagkakayakap ni Itay sa kanya , pero ako ay nanatiling nakayuko lamang . Iniangat
ni Itay ang mukha ko gamit ang paghawak nito sa baba ko .
" Hindi Anak ko , mali ka ng iyong iniisip "

" Tama po ako Itay , noon pa po ako gustong mawala ni Al sa buhay niya , kaya
imposible po yang sinasabi niyo "

" Bumalik kana sa katawan mo anak at doon mo makukuha ang sagot sa mga sinasabi mo
ngayon "

"  Po ? "

" Paalam anak ko "

" Itay sandali lamang po " tawag ko sa kanya , hahabulin ko sana ito ngunit huli n
ang lahat dahil bigla na lamang itong nawala na parang bula . Nakaramdam naman ako
ng hilo kaya napupo ako sa damo at unting unti na nawawalan ako ng paningin at
malay hanggang sa bumagsak nalang ako't napahiga sa damuhan .

" Diyos ko , maraming maraming salamat po at iniligtas niyo pong muli ang mag-ina
ko sa kapahamakan . Napakalaki na po ng utang na loob ko sa inyo " sino yon ? at
bakit parang napakapamilyar ng boses na iyon ? a-at bakit hindi ko maiglaw ang
katawan ko ? at ang mga mata ko bakit hindi ko mabuksan ? pati narin ang bibig ko
ngunit nakakahinga naman ako ng maayos . Pilit kong ikinikilos kahit ang mga daliri
ko man lang ay hindi ko magawa . Naalala ko na ganito rin ang mga nangyayare sa
pinikula na may hinihintay silang isang salita sa isang taong nagmamahal sa kanila
para magkadahilan ito na mabuhay pa sa mundong ibabaw . Pero sino naman ang gagawa
non ? wala namang nagmamaha---- " Mahal na mahal kita Vera , wag na wag mo muna
akong iiwan " parang nagkusa ang mga daliri ko na gumalaw , ganun din ang mga mata
ko na bigla na lamang namulat . Malabo ang nakikita ko nung una , pero habanag
tumatagal ay lumilinaw din iyon . Kusang pumatak ang luha ko ng makitang puti
nanaman lahat ang mga nakikita ko . P-patay na ba talaga ako ? bakit puro puti
nanaman ang nakikita ko ? . Tanong ko sa sarili ko . Gusto kong iangat ang kaliwang
kamay ko ngunit hindi ko magawa dhil napakabigat nito na para bang may nakadagan na
kung ano . Pagkatingin ko ay nanlaki nalang bigla ang mata ko ng makita ko si Al na
ngayon ay hawak-hawak ang kamay ko at nakayuko ito . Paanong napunta dito si Al
kung patay na ako ? may nangyare rin bang masama sa kanya pagkatapos kong mabaril ?
. Oh no ! Paano na ang anak namen nito ? .

" A-al " tawag ko sa kanya habang pinipigilan ang paghikbi . Unti-unti naman nitong
iniangat ang kanyang ulo . Nagtaka ao ng biglang manlaki ang mga mata niya at
napatayo sa kanyang kinauupuan " N-nasaan si Jean ? " hindi ko na napigilan ang
luha ko na tumulo ng tumulo . Naawa ako sa anak . Hindi niya kasamang lalaki ang
kanyang mga magulang .

" B-bakit ka umiiyak ? a-anong nangyayare ? may masakit ba sa'yo ? uy Vera


magsalita ka naman oh ? " sunod-sunod na tanong nito na lalong ikinatakha ko sa
kanya . Bakit siya nagkakaganyan ? pataya na kami hindi ba ? bakit niya pa
itatanong kung may masakit saken ? natural wala dahil... " Gusto mo ba tumawag ako
ng doktor ? ... Ay shunga ka Alfredo , dapat pala tinatawag mo na ngayon ang doktor
" ano daw ? doktor ? may doktor ba sa la--- " Sandali lang mahal , tatawag muna ako
ng doktor " sabay alis nito .

Bumilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa itinawag niya saken . Mahal ? . A-anong
ibig sabihin niya doon ? at bakit niya ako tinatawag na mahal ? . Ilang sandali
lang ay may mga pumasok na mga nakaputing uniporme . Kung ano ano ang ginagawa nila
saken , may humahawak sa pulsuhan ko at may nag-iilaw sa mata ko kaya napapapikit
ako ngunit hindi ko maipikit iyon dahil hawak iyon ng isa sa kanila . Kung
saganon , h-hindi pa ako patay ? . Napaiyak ako lalo sa naisip ko , hindi dahil sa
lungkot , kundi dahil sa saya . Makakasama ko pa ang anak ko , ang pamilya ko at
lalong lalo na si Al .

Naramdaman kong may humawak sa kanan kong kamay , pagkatingin ko ay si Al iyon .


Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala ngunit nangingibabaw naman sa kanyang mga
mata ang saya " Thanks God , you're awake " sabay halik nito sa kamay ko . Nabigla
ako ng may tumulong luha sa kanyang mga mata . Bakit umiiyak si Al ? sa tagal namen
na magkasama , ngayon ko lang siya nakitang umiyak , lalo na ang mga mata niyang
may bahid ng saya . Itinaas ko ng dahan-dahan ang kamay ko , at pinunasan ang luha
na tumulo sa kanyang pisngi .

" Your wife is safe now . Makakahinga kana ng maluwang Iho " tumango si Al sa
sinabi ng doktor ngunit hindi nito tinatanggal ang pagkakatingin niya saken "
Mukhang marami kang gustong sabihin sa asawa mo Iho , lalabas muna kami upang
walang maka-istorbo "
" Thank you Dok " tumango ang doktor atsaka na sila isa-isang lumabas . Ibinalik ko
ang tingin ko kay Al na ngayon ay walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya . Bakit
ba siya nagkakaganyan ? .

" I thought ... your gonna leave me " hindi ako sanay sa mga ikinikilos ngayon ni
Al , ano bang nangyayare sa kanya ? " H-hindi ko kakayanin kapag nangyare iyon Vera
, gusto ko pang bumawi sa'yo , sa lahat ng naging pagkukulang ko bilang asawa mo .
Sa lahat ng nagawa kong pananakit sa'yo , gusto ko lahat pagbayaran iyon . Sana
mapatawad mo'ko Vera , pinagsisisihan ko na ang lahat ng mga ginawa ko . Mahal kita
Vera , mahal ko kayo ng mga anak naten " kahit na basang basa na ang pisngi ko
dahil sa naririnig kong mga salita mula sa kanya , hindi ko maiwasan na magtakha
dahil sa huli niyang sinabi . Mga ? mga anak ? .

" M-may iba kang anak sa labas ? " hindi makapaniwalang tanong ko at hinigit ko ang
kamay ko na hawak-hawak niya . Ba-bakit ngayon ko lang nalaman na may anak pala
siya sa labas ? tapos sasabihin niya mga anak namen ? . Kumunot ang noo ko ng bigla
siyang tumawa habang pinupunasan ang basa nitong mukha .

" Wala akong anak sa labas ano kaba ? , gwapo ako babaero , pero hindi ako
nakikipag... alam mo na hahahaha " naalis ang kunot ng noo ko ng marinig ko ang
tawa ni Al at maalala ko na ngayon ko lang nakitang ngumiti si Al ng ganito sa
harapan ko , kung meron man , hindi ako ang tinatawanan nito o nginingitian kung
hindi ibang tao , pero ngayon ... Ako ang dahilan ng kanyang tawa at ngiti .

" E sino yung sinasabi mong mga anak ? hindi ba si Jean lang ang anak naten ? "
gusto kong umurong sa kinahihigaan ko ng bigla na lamang itong kumunot ang noo at
masamang nakatingin saken . Lumunok ako ng laway , anong nasabi kong masama ? wala
naman ah ? .

" Seriously ? hindi mo alam ? " pati ako ay napakunot narin ang noo dahil sa naging
tanong niya . Anong hindi ko alam ? . Umiling ako " You're 1 month and 3 weeks
pregnant " nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya . B-buntis
ako ? . Naramdaman kong muli ang mga kamay nito na humawak sa kamay ko " I know ,
alam kong nakakabigla . Ganyan din ang reaksiyon ko nung malaman kong buntis ka ,
masaya ako ngunit may halo nga lang na kaba at takot . Dahil akala ko , mawawala
kayong dalawang mag-ina saken . Isang buwan kang unconcious alam mo ba iyon ?
mamatay-matay na ako sa pag-aalala dahil sa ilang beses mong pagtuwid nang buhay mo
sa makinang ito " sabay turo niya sa makinang nasa tabi niya " But thanks to God at
hindi niya hinayaang mangyare iyon , napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya na
ginawa niyang iyon , lalo na ngayon  , dahil gising kana " napahawak ako sa tiyan
ko gamit ang kaliwa kong kamay . Kung ganun ... 3 weeks akong buntis noong mabaril
ako ? kaya pala napaka-emotional ko sa mga nagdaang araw , kaya pala madali akong
maiyak ng dahil doon . Nataranta ako ng may maalala ako , hindi ba sa tiyan ako
tinamaan ? " A-ang baby ? okay lang ba si Baby ? hindi ba siya natamaan ? hindi ba
--- " natigil ako sa paghuhurentado ko ng bigla akong halikan ni Al sa labi ko .
Bakit ang daming nangyayare ngayong araw na ito ? kanina lamang ang mga hindi ko
nakikitang emosiyon kay Al ay nakikita ko na ngayon mismo sa harapan ko tapos
ngayon ... nagagawa na akong halikan sa labi ng asawa ko at siya pa mismo ang
humalik saken . Napapikit ako at doon naman ito bumitaw sa pagkakahalik saken .

" Our Baby is okay , you dont have to worry about " iminulat ko ang mga mata ko at
ang gwapong mukha ng asawa ko ang nakita ko . Kaya ako pumikit ay dahil baka
nananaginip lang ako at sa pag mulat ko ng mga mata , ay baliktad naman pala ang
nangyayare . Ngunit hindi ... totoo ang lahat , totoo ang lahat ng mga nangyayare .
Mabilis na niyakap ko siya at ramdam ko na niyakap niya rin ako pabalik .

" Akala ko nananaginip lang ako " sabi ko habang tumutulo nanaman ang mga luha ko .
Masaya ako pero bakit ganito ang mga mata ko ? bakit pilit silang lumuluha ? .
Narinig ko itong tumawa .

" Pwes nagkakamali ka . Ang naging panaginip mo ay ang mga masasamang nangyare
sa'yo noon , ito na ngayon ang totoo . Lahat ng mga nangyare noon sa'yo , ang mga
nagawa ko sa'yo sa lahat ng mga ginawa ng pamilya ko sa'yo . Lahat ng iyon ay
panaginip lamang Vera . Kaya sana kalimutan mo nalang lahat dahil ang lahat ng iyon
ay pinagsisisihan ko na . Gagawa nalang muli tayo ng panibago , panibagong memorya
na hinding hindi mo makakalimutan buong buhay mo . Sorry Vera , I'm really really
sorry " humigpit ang yakap nito saken at ramdam ko ang pagbasa ng suot kong
hospital dress dahil sa likidong tumutulo nanaman sa kanyang mga mata . Ilang beses
ko bang makikita si Al na umiiyak ngayon ? . Hanggang ngayon hindi parin ako
makapaniwala na nangyayare ang lahat ng ito . Sana wag ng matapos ang araw na ito .

" Bilang asawa mo , pinapatawad na kita Al . Alam ko naman kung bakit niyo nagawa
saken iyon e , naiintindihan ko kayo . Kahit hindi na pa kayo humingi ng tawad ay
papatawarin ko parin kayo . Masaya ako ngayon Al , masayang-masaya hindi ko na nga
alam kung gaano kasaya e , basta alam ko lang masaya ako " natawa ako sa sinabi ko
dahil puro masaya lang ang naintindihan ko doon " Lalo na ngayon na nalaman ko
na ... natutunan mo narin pala akong mahalin . Lahat ng mga nangyare noon , ay
bangungot na lamang iyon para sa akin sa ating nakaraan . Kakalimutan ko na ang
lahat . Gusto ko ring magsimula tayong muli Al , gusto ko ring gumawa ng panibagong
masayang memorya , kasama ka at ng mga anak naten . Mahal na mahal ko kayo Al ,
mahal na mahal "
" I love you tooVera " sa sinabi niyang iyon ay gustong tumalon ng puso ko . Kung
hindi lang siguro nakakabit iyon , ay wala na iyon ngayon sa kinalalagyan niya .
Salamat Diyos na makapangyarihan sa araw na ito . Tama po kayo at ang kasabihan na
ito . There's a Rainbow after the Rain . May ginahawa pagkatapos ng paghihirap .
May ngiti pagkatapos ng lungkot . Maraming salamat po . Maraming maraming salamat
sa araw na ipinagkaloob mo ngayon saken . Humiwalay sa pagkakayakap saken si Al at
muling inangkin ang aking labi .

" OMG ! Rated R ! " nagkahiwalay ang aming mga labi ng may biglang sumigaw . Ng
makita ko iyon ay nakaramdam ako ng hiya , ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko
ng dahil doon na ikinayuko ko . Waaa~ nakakahiya talaga !

" G*go ! " sigaw ni Al dito .

" Kaya naman pala hindi ka naka-attend ng kasal ko ay dahil busy kana sa asawa mong
makipaghalikan noh ? "

Napaangat ang ulo sa narinig ko " Kasal ? " takhang tanong ko . Tinabihan naman ako
sa pagkakaupo sa hospital bed ni Al . Yumakap ito saken sa likod at ipinatong ang
baba sa balikat ko . Ramdam ko naman itong tumango " Kanino ? hindi ba wala ka
namang Girlpren  ? " tumawa ng pagkalakas-lakas si Mike at rinig ko ring napatawa
ng bahagya si Al , nagkasalubong naman ang kilay ni Francis 

" Tumigil ka nga ! May Girlpren ako noh ! " asar na sabi nito , patuloy lang sa
pagtawa si Mike .

" Makatawa ka diyan wagas , ikaw rin naman " this time si Francis naman ang tumawa
ng malakas . Si Mike naman ay napanguso . Napalakas din ang tawa ni Al na hanggang
ngayon ay hindi parin umaalis sa likuran ko . Sumandal nalang ako sa kanya .
" Mrs beautiful naman e ! Malapit na akong magka girlpren wag ka ! Basta ba
tulungan mo ako , mukhang man hater yung pinsan mo e " kumunot ang noo ko .
Pinsan ?

" Pangit ka lang kasi Pre kaya ayaw sa'yo " - Francis

" Anong pangit ? gwapo ako . GWAPO as in A-K-O . Okay ? " - Mike

" Sinong Pinsan ? " takhang tanong ko . Walang sumagot sa dalawa dahil patuloy lang
sila sa pagbabangayan .

" Si Abigail , yung anak nung labandera namen noon sa mansion . Si Aleng Alily ? "
malakas namang pinalo ko sa kamay si Al na ikina-aray nito " Masakit . Bakit ka
namamalo ? "

" Anong Aleng Alily ? Tiyahin ko 'yon , kaya tiyahin mo narin ngayon iyon . Wag na
wag ko ng maririnig sa'yo na tinatawag mong Ale ang tiya Alily ha ? " tinaas nito
ang isa niyang kamay na nagapahiwatig na suko na ito .

" Okay ? ... sungit mo naman , parang yun lang e " magsasalita pa sana ako ngunit
agad niya ng dinampihan ang labi ko ng labi niya na agad rin niyang inalis " Wag
masyadong masungit mahal , papangit si baby sige ka "

" MAHAL !? WOW NAMAN ! " naibaling ko ang tingin ko sa dalawa ng bigla silang
sumigaw . Ramdam ko naman si Al na isinubsob nito ang mukha niya sa likod ko .
Nahiya yata ang loko .
" Ano namang dapat ika sigaw dun aber ? "

" Bago yun e " - Mike

" Parang hindi kasi si Al ang nagsabi non " - Francis

Pareho silang napatakip ng bibig ng samaan ko sila ng tingin . Buti naman at


nakukuha sila sa tingin . Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla iyong tumunog ng
pagkalakas - lakas . Malakas rin na tawa ang nakuha ko sa kanila na ikinapula ng
pisngi ko . Nilingon ko si Al na ngayon ay tawa rin ng tawa .

" Nagugutom ako Al " nakanguso kong sabi

" Halata nga Mahal , lakas makareklamo niyang tiyan mo e " sabay tawa ulit nito .
Unti-unti naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa isang
lamesa na puno ng pagkain . Ilang sandali ay bumalik muli ito at iniabot na saken
ang kinuha niyang pagkain na agad ko namang kinuha at kinain . Ganito pala ang
feeling ng isang buwan hindi kumakain ? .

" Kain lang ng kain Mrs Beautiful , marami pa kaming dala oh ? " - Mike

" Isang buwan ka lang natulog , pero kung makakain ka ngayon parang isang taon ah ?
"- Francis

" Hayaan niyo na mga Pre , dumoble ang gutom kasi dalawa silang hindi kumain ng
isang buwan ng baby namen " natigilan ang dalawa at nanlaki ang mga mata .

" BUNTIS KA ?! " sabay nilang pasigaw na tanong at napanganga . Nagkibit balikat
nalang ako , si Al naman ay narinig kong tumawa at bumalik mula sa likuran ko t
niyakap ako . Parang kung makareak sila , sila ang ama ng dinadala ko e . Ang sarap
lang nilang pagsusulpakan ng tig-iisang mansanas sa bibig ngayon .

Makalipas ang isang lingo ay nadischarge narin ako sa hospital . 2 months narin ang
baby ko . Nakausap ko narin si Mamang at humingi narin ito ng tawad na agad ko
namang pinatawad . Gaya nga ng sabi ko kay Papang noon , papatawarin ko agad si
Mamang kapag humingi ito ng tawad . Si Ate Badeth ? wala siya ngayon . Nasa London
siya ngayon dahil kinuha siya bilang cover girl . Iba talaga kapag maganda ka noh ?
. At bago rin kami umuwi ni Al sa manasion ay dumaan muna kami sa puntod ng nag-
iisang tao na nagligtas sa buhay naming lahat . Si Arvie . Nabigla nga ako nung
malaman ko na wala na ito . Nabaril daw kasi ito ng pinsan niya na agad niyang
ikinamatay . Ganun din ang kanyang pinsan na si Aljon , wala narin ito dahil
nanlaban ito sa mga pulis .

Huminto ang kotse sa tapat ng mansion . Magbabago narin kaya ang buhay ko dito sa
loob ng mansion ? . Pinagbukas ako ng pinto ni Al . Inilahad nito ang kanyang
kanang kamay na agad ko namang kinuha .

" Alam ko iniisip mo ngayon Mahal ... Mali ka ng iniisip okay ? maayos na ang lahat
, wala ka ng dapat pang ipag-alala " nakangiting sabi ni Al . Ngumiti rin ako
ngunit tipid . Hindi ko parin kasi maiwasan na hindi mag-isip ng hindi maganda .
Hindi maganda ang naging buhay ko sa loob ng mansion na ito kaya hindi niyo ako
masisisi .

Inakbayan ako ni Al papasok ng mansion . Pagbukas ng pinto , napahawak ako sa


kaliwang dibdib ko ng may biglang pumutok kasabay ng pagbagsak ng ibat ibang kulay
na papel .

" WELCOME HOME MAM VERA ! " sigaw lahat ng taong nasa loob .

" Welcome home Mahal " sabay halik ni Alfredo sa sintido ko . Ako naman hindi agad
nakapag salita dahil sa nakita ko . Sa pangalawang palapag ay mayroong isang
malaking tarpolin at nakasaluta ang salitang ' Welcome Home Vera ' . Tama si Al ,
mali ang iniisip ko " Huy mahal ! Libre magsalita " bulong ni Al sa tenga ko na
ikinabalik ng huwisyo ko .
" M-maraming salamat po " sabi ko sa lahat . Agad ko namang pinunasan ang luhang
bigla na amang tumulo sa mata ko .

" ATE ! " napatingin ako nung may biglang tumawag saken na Ate .

" Vernon ? " hindi makapaniwalang tawag ko sa kapatid ko . Tumakbo ito patungo
saken at niyakap ako . Ang luhang pinunasan ko kanina ay lalong dumami .

" Ate , alam mo ba ? dito na kami titira ni Inay " masayang sabi nito ng kumawala
ito sa pagkakayakap saken .

" Talaga ? " hindi makapaniwalang tanong ko . Maraming beses na tumango n g tumango
si Vernon .

" Anak " this time si Inay naman ang niyakap ko . Nag-alala naman ako ng maalala ko
ang sinabi ni Vernon .

" Sigirado po ba kayo na dito na kayo titira Inay ? paano na po ang bahay naten sa
probinsya ? " sa pagkakaalam ko kasi , ang bahay na iyon ay magkasamang itinayo
iyon ng mga magulang ko . Sa sarili nilang pagsisikap at pawis .

" Oo anak , masakit man , pero kayang tanggapin . Maalala ko lamang ang iyong Itay
kung doon pa ako titira habang buhay , baka sumunod lang ako sa kanya kapag
nangyare iyon "
" Inay naman e . Wag naman po kayong magsalita ng ganyan "

" Totoo ang sinasabi ko anak . Kaya napagdesisyunan ko na tanggapin ang alok ni
Donya Yhssa na tumira kami rito " natigil ako at napatitig kay Inay dahil sa sinabi
niya .

" Alok ni Mamang ? " tumango si Inay .

" Hindi ka ba masaya Iha ? " napalingon ako sa likuran ni Inay ng may biglang
nagsalita . Si Mamang Yhssa , papalapit ito samen ngayon . Ngunit bago pa man siya
makarating sa kinaroroonan namen ay tumakbo na ako patungo sa kanya at niyakap ito
ng mahigpit .

" Masayang-masaya po ako Mamang . Maraming maraming salamat po " hinawakan ako nito
sa magkabilang balikat . Pinunasan naman nito ang mukha ko gamit ang panyo na hawak
niya .

" Kulang pa iyan sa lahat ng mga ginawa ko sa'yo Iha " sabay ngiti saken . Ngumiti
nalang din ako .

" Anong kaguluhan ang meron dito ? " sabay-sabay na napatingin kami sa bungad ng
pintuan ng may biglang nagsalita . Si Ate Badeth ...

" Iha , why are you so early ? akala ko ba hapon pa ang flight mo pauwi ? " lumapit
si Mamang dito at bineso ito .

" Oo nga Ate , akala ko ba hapon ? . Siguro miss mo na ako noh ? wala bang pogi sa
London kaya naisipan mong umuwi dito agad ha ? " natawa si Mamang ng bigla na
lamang batukan ni Ate Badeth si Al ng malakas .

" Filingero ka talaga , anadami kayang gwapo sa London noh ? . May gusto lang kasi
akong makita kaya maaga akong umuwi " sabay tingin nito saken na ikinayuko ko .
Nabigla na lamang ako ng makaramdam ako ng pagyakap saken , pagkatingin ko ay lalo
akong nabigla ng si Ate Badeth ang nakita ko .

" I'm so sorry for all what I did Vera " bulong nito

" O-okay lang po Ate , pinapatawad na po kita " humigpit ang yakap nito saken . "
Tama nga sila , mabait kang tao at mapagpatawad . Masaya ako't nagkaroon ako ng
isang kapatid na kagaya mo . Welcome Home Vera , and welcome to our Family "
napangiti ako doon . Naghiwalay kami bigla ni Ate badeth sa pagyayakapan ng may
biglang nagpahiwalay samen . Pagkatingin namen ni Ate Badeth , ay si Al pala ito .
Kumunot ang noo ni Ate at ako naman ay nagtatakha lang na nakatingin sa kanya .

" Problema mong pangit ka ? " inis na sabi ni Ate Badeth

" Makapangit naman 'tong si Ate , iisa lang pinanggalingan naten ng genes , kung
pangit ako pangit karin " susuntukin na sana ito ni Ate Badeth ngunit mabilis na
nakatago si Al sa likuran ko .

" Lumabas ka diyan duwag ! Bawiin mo ang sinabi mo " kung kanina inis lang ngayon
galit na . Ganito pala mag-away ang magkapatid na ito . Nakakatuwa naman .

" Babawiin ko lang sinabi ko kapag sinabi mong gwapo ako "
" ASA KA ! "

" Edi pangit ka talaga "

" ALFREDO ! " sigaw ni Ate . Nakita ko namang tumakbo palayo si Al sa amin na agad
namang hinabol ni Ate Badeth na ngayon ay pulang pula na dahil sa galit . Natawa
kaming lahat ng dahil doon . Lumapit saken si Mamang at ipinatong ang kaliwang
kamay sa kaliwang balikat ko .

" Hindi parin sila nagbabago , parang parin silang mga aso't pusa kung mag-away " -
Mamang Yhssa

" Ganyan na po ba talaga sila simula palang nung mga bata sila ? " tumango si
Mamang

" Hindi ko alam kung bakit hindi sila magkasundong dalawang magkapatid , e sa
pagkakaalam ko naman ay kapag magkapatid ay lalaki at babae ay magkakasundo , sila
baliktad " natawa ako . Kung sabagay , kami nga ni Vernon magkasundo kami niyan
kung mag-aaway man kami panandalian lang dahil agad na maglalambing ang isa kapag
na-realize namen na mali kami .

" Si Papang po pala nasan Mamang ? " hindi ko pa kasi ito nakikita simula nung
pumasok ako ng mansion .

" Kakaalis lang ng Papang mo patungong US , hindi kana nahintay na dumating dahil
napaka importante ng pinuntahan niya doon " tumango nalang ako 
" Sige na Iha , pumasok kana sa loob ng kwarto niyo at magpahinga " tumango ulit
ako " Alfredo , Bernadeth ! Tumigil na kayong dalawa . Alfredo , ihatid mo na sa
loob ng kwarto niyo ang asawa mo ng makapagpahinga na " maotoridad na pagkakasabi
nito . Mabilis namang huminto ang dalawa at mabilis ding lumapit saken si Al upang
alalayan ako maglakad . Ngunit bago kami makalayo ay may naitanong ako kay Mamang .

" Sino pong Bernadeth , Mamang ? " takhang tanong ko . Natawa silang tatlo sa
sinabi ko .

" Ako iyon Vera , palayaw ko lang ang Badeth " sabay kindat saken . Napatango na
lamang ulit ako .

" Ayaw niya kasing tinatawag siyang Bernadeth at mas gusto niya ang tinatawag na
Badeth , hindi ko nga alam kung bakit e , e mas maganda pa nga ang Bernadeth kesa
sa Badeth e " bulong saken ni Al

" Anong binubulong-bulong mo diyan Al ? baka gusto mong mabangasan ? " - Ate Badeth

" Wala , sabi ko maganda ka . Diba Vera ? " natatawang tumango nalang ako " Sige
iaakyat ko na muna si Vera sa kwarto " paalam nito " Sa kabaliktaran " bulong nito
na ikinatawa ko . Loko-loko pala 'tong si Al . HahaXD

" Inay , akyat na po ako " paalam ko kay Inay

" Sige , Anak . Magpahinga ka't mag-ipon ng lakas mo "


" Isang buwan na po akong nagpahinga Inay , tama na po naman iyon " napa-aray ako
ng bigla akong pingutin ni Al sa ilong .

" Ang ibig sabihin ni Inay , magpahinga lang . Hindi yung matutulog ka nanaman ng
isang buwan "

" Oo na po , kelangan pisilin pa ang ilong ko ? " napailing nalang ito at tuluyan
na akong inilalayan papasok ng kwarto .

--

Finished | Edited

=================

EPILOGUE

EPILOGUE

Alfredo's POV

     Nasa sala kami ngayon sa mansion habang karga at hele hele ko ang bunso kong
anak na si Gelo . Tatlong buwan na ito ngayon simula nung ipinanganak siya ni
Vera . Ang cute at ang gwapo ng anak ko . Parang ngayon palang nakikita ko na , na
maraming papaiyaking babae ito kapag lumaki na . Kasama ko ngayon ang mga kaibigan
ko . Nakakapanibago nga lang kahit napakatagal na nung simula nung mawala siya .

" Napapansin ko yata simula nung ikinasal ka Francis , wala ka lagi . Saan ka ba
nagpupupuntang lalaki ka ? " paninimula ng pag-uusap ni Mike
" Tama . Nung isang araw pinuntahan ka naming dalawa ni Mike sa opisina mo wala
ka , tinanong naman namen yung sekretarya mo maaga ka daw umuwi . Pumunta naman
kami ng mansion mo wala karin daw sabi ng asawa mo . Saan ka ba pumupunta Frank ?
ngayon ka lang naging ganyan ah ? "

" Wala . Nasa kung saan lang ako " hindi nakatingin na tugon nito na ikinatingin
naming dalawa sa isa't isa ni Mike . Imposible , hindi gawain ni Frank ang pumunta
kahit saan . May biglang pumasok sa isip ko ng may naalala ako na nakita ko sa
kotse nito nung isang lingo lang ang nakakaraan nung may kinuha ako sa loob ng
kotse nito . It's a condom .

" Are you making a sex with the other girl , Frank ? " napatingin silang dalawa
saken dahil sa naitanong ko . Halata sa naging reaksiyon ni Frank an pagkagulat .

" Pa-paanong--- "

" I see a condom last time nung may kinuha ako sa loob ng kotse mo . Totoo ba ito ?
. Kaya ba wala ka lagi sa mansion niyo sabi ng asawa mo ? kaya ba lagi kang wala sa
opisina mo dahil may iba kang kasamang babae na ikinakasiping mo ? . Paano mo
nagawa ito sa asawa mo Frank ? "

" Nagsabi ang hindi " kumunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya " Bakit ? hindi ba
totoo ? . Nakikisiping karin naman sa ibang babae noon ah ? "

" Pero nakaraan na'yon , iba na ang ngayon atsaka minsan ko lang nagawa iyon at
wala ng sumunod pa "

" Pero nangyare parin , nagawa mo parin . Kaya wag mo akong pangaralan ngayon na
parang malinis ka "
" Pero iba ang naging dahilan ko kaya nagawa ko iyon kumpara sa'yo "

" Anong iba ? pareho lang Fred . Naipakasal din ako sa taong hindi ko gusto , kaya
anong pinagka-iba nating dalawa ? "

" Frank ... "

" Alam mo kung ano ang nararanasan ko ngayon , kaya dapat naintindihan mo ako "
nanggigigil na pagkakasabi nito sabay tayo at lumabas ng mansion . Nagkatinginan
naman kaming dalawa ni Mike na kanina pa walang imik .

" Hindi ako makarelate kaya hindi ako sumali " painosenteng sabi nito habang
iniilig ang ulo . Loko-loko talaga . Aish ! Tama nga kaya ang sinabi ni Mamang
noong nasa hospital kami ? mangyayare nga ba ulit ang nangyare samen noon sa kanila
? . Wag naman sana dahil pagsisisihan niya iyon ng buong buhay niya , kung ako
pinagsisihan ko ng buong buhay ko iyon , paano pa kaya siya kung ganun nga ang
mangyare ? . Aish !

Vera's POV

   Nasa Brilliant Park kami ngayon , ang Brilliant Park ang pinaka gusto kong lugar
, dahil napaka raming uri ng bulaklak dito . Napakaganda rin ng pagkakaayos , kung
saan nakalagay ang mga benches o kahit ano pang pwedeng upuan . Hindi mawawala ang
mga makukulay na palaruan para sa mga bata . Enjoy na enjoy nga si Jean e , habang
si Gelo naman ay tuwang tuwa lang na nakikipaglaro sa yaya niya na si Ate Merly .
Pero may isang tao na hindi masaya na narito ngayon , walang iba kung hindi ang
asawa ko na kanina pa tahimik at malalim ang iniisip . Siguro tungkol ito sa
narinig ko kani-kanina lamang sa kanilang magkakaibigan .

" Gusto mo bang kausapin ko siya ? panigurado namang makikinig saken yun e . Takot
lang niyang mapingot sa tenga " tumawa ako kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi
ko . Gusto ko lamang siyang ngumiti kaya ginawa ko iyon .

" Paano kung mangyare ang nangyare sa atin noon sa kanila ? " seryosong tanong nito
habang nakatingin sa kawalan . Napaisip naman ako . Ilang sandaling pananahimik ,
lumingon ito saken .

" Kung yun talaga ang nakatakda sa kanila , alam ko at alam mo na may happy ending
naman hindi ba ? . Tignan mo tayo ngayon . Masaya na tayong lahat hindi ba ? ...
Pero malabong mangyare iyon , dahil ang tao ay may iba't ibang takbo ng buhay .
Gaya mo man siyang naipakasal sa babaeng hindi niya gusto , pero hinding-hindi
parin mangyayare ang nangyare sa aten noon sa kanilang buhay ngayon " nginitian
niya ako't mabilis na hinalikan sa pisngi .

" Sana nga Mahal , dahil ayokong maranasan niya ang pagsisisi ko noong panahon na
muntik ka ng mawala saken . Alam kong kahit ganoon si Frank , alam kong hindi niya
ito sasaktan " sabay yakap saken

" Magtiwala lang tayo kay God , alam kong may maganda nanaman siyang dahilan kaya
nangyare nanaman ulit ito " tumango siya . Tuminghayad ako at ako naman ang humalik
sa pisngi niya na ikinangiti niya lang .

" May tanong ako sa'yo Mahal " 

" Ano iyon ? " tanong ko habang umuupo kami sa isang bench na hindi kalayuan sa
magandang fountain na nasa pinaka gitna ng Brilliant Park .
" Hindi kaba nakaramdam ng galit o selos kanina ng marinig mo na may ibang
nakasiping ako ? " napayuko ako ng dahil doon at naalala ang pangyayareng ako mismo
ang nakasaksi . Mabilis naman ako nitong niyakap at umubob ito sa balikat ko " Im
sorry , I'm sorry kung nagawa ko iyon dati . Hindi ko na alam kasi ang gagawin ko
kaya sinubukan ko ang isang gawain ng isang cassanova . Ngunit pagkatapos ng
pangyayareng iyon , ay hindi ko pala kaya "

" I'm the one who saw you making a sex withthat time Al " natigilan ito sa sinabi
ko " Nasaktan ako nung time na iyon , iyak lang ako ng iyak pero buti kahit paano ,
nandiyan si Arvie at pinatahan niya ako . Hindi ako nakaramdam ng galit sa'yo ,
pero selos oo . Hindi ako nagalit kasi alam ko naman kung bakit mo ginagawa iyon ,
kilala kang isang babaero , mahilig sa maganda at sexy'ng babae at hindi maiiwasan
ang mga ganun . Kumpara sa asawa mo , na walang ka class class at probinsyana pa "
patuloy lang ito sa pananahimik ngunit ramdam ko ang pagbabasa ng damit ko "
Nagselos ako , dahil kahit paano , asawa mo ako non na may karapatang magselos
kapag nakikita ang asawa na may kasamang iba o may kasiping na iba ... pero never
akong nagtanim ng galit sa'yo pagkatapos ng pangyayare na iyon . Pinapatawad na
kita Al . Hindi mo naman siguro uulitin pa iyon hindi ba ? " tumango ito na
ikinangiti ko .

" Mahal na mahal ko kayong mag-iina ko , kaya hinding hindi na ako gagawa pa ng
ikasisira nating lahat . Pinapangako ko Vera , hinding-hindi na ako gagawa ng
kalokohan "

" Mahal na mahal karin namen ng mga anak mo Al at ayoko sa mga pangako ang gusto ko
ginagawa at hindi nagbibitaw lang ng pangako na wala namang kasiguraduhan " tumango
ulit ito , umalis ako sa pagkakayakap niya at hinawakan ko ang magkabila niyang
pisngi . Pinunasan ko ang mga luha nito gamit ang mga kamay ko . Napasinghap nalang
ako ng bigla niya akong siilin ng halik . Humalik narin ako pabalik hanggang sa
lumalim ito ng lumalim .

Ako si Vera Vita Grace-Bautista na nagsasabing ...

Hindi lahat ng mabibigat na problema ay kailangan takasan . Dahil ang lahat ng ito
ay may solusiyon at iyon ay kailangan lang nating hintayin . Patience is a Virtue
ika nga nila . Marami mang pasakit ang buhay may darating din na kaginhawaan .
Maging matiisin tayo sa buhay , hindi naten kailangan maglayas o umalis upang
takasan ito . Dahil kahit takasan mo ang isang problema , darating at darating rin
ito balang araw sa'yo at kailanman ay hinding-hindi mo na matatakasan pa . Hanggat
maaga ay maging matiisin tayo , para sa huli ay maging masaya tayo . 

Hindi rin naten kailangan maghiganti dahil sinasaktan nila tayo . Minsan kailangan
mo ring isipin kung bakit nila ginagawa iyon . Lahat may dahilan kaya lahat
nangyayare :)

                                                                             ~THE
END~

--

Finished | Edited

=================

Author's Note

KYAAA! EMEGED SABOG COFEEE! I MEAN CONFETTI!

Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa story ng ating bida na sina Vera at


Alfredo Bautista . Maraming maraming salamat talaga sa inyo dahil kung wala kayo ,
baka hindi ko nanaman ito natapos >_< hihi . Lalong lalo na sa lahat ng Readers ng
ALW at ang mga Cast nito :D Thank you sa pagsupport guys :*

Merry Merry Christmas po sating lahat .

MAMAMAS KO PO ! HahaXD

Salamat talaga Guys :D

Free to comment at ilabas ang saloobin . Ang saloobin at ine-expect na dapat


mangyayare sa sumusunod na kabanata hahaXD . Yung bagang akala ko ganun
mangyayare ? yung ganyan , ganun ? hahaXD . Walang mahihiya Guys ! Ang mahihiya
walang kiss kay Mike at Francis at mumultuhin daw ni Arvie . Sige kayo hahaXD

Salamat talaga Guys ^^ Lovelots


Mhixia_A ( Saan ko nakuha ang Mhixia_A ? sa cast at tumatawag na Miss A saken sa
Imba Barkada's ^^ . Maraming salamat sa inyo Mhai and Lheii , kung hindi sa inyo o
sa pagtawag niyo saking Miss A ay hindi ko maiisip ang pangalang Mhixia_A . Labyu
Guyth :* lalo na ang Imba Barkada's Miss you guyth :* . UPDATE na ba ako sa Imba's
Superstar ? hahaXD )

*****

Guyth ! Abangan niyo din ang susunod na story ko :D Storya iyon ni Francis
Birrell . A CASSANOVA'S WIFE ang title ^^ pahanap nalang sa wall ko :D Thank you
Guys ! LoveYa All :*

Chapter 1 is updated :)

Meron rin po pala kaming Group sa Pesbuk ng ALW . Kung gusto niyo po sumali doon
upang makilala ang mga naging cast ng ALW o makipagkaibigan . Just Search A
Lifeless Wife Readers :D Kamsahamnida :)

/le sindi ng Fireworks/

KABOOM

MERRY HAPPY NEW YEAR HAHAHAXD MERRY CHRISTMAS EBLIIBODE ^_^

|| THE END ||

~~~Guys ^_^ , can I be your txtmate ? Hihi here's my numbers ....TNT Cell#:
09070436072

Pakilala kayo guys ha ? :-) thankiee ^_^ ...~~~

☆☆☆

=================

Author's chena chuchu !

Hi po sa lahat ^_^ . I would like to thank all of you again guys , for reading my
story :) hihi , at sa lahat nga po pala ng nagte-teks saken sa aking mahiwagang
numero , ay maraming salamat po ulit ' , but I would like to tell you the truth
guys na hindi po ako MAPAG-LOAD hahaha xD , lagi po akong walang LOAD guys at isang
araw sa isang buwan lang po yata ako ginaganahan mag load >_< , kaya pasensya po sa
mga taong nagteteks saken na hindi ko po narereply'an .
Yun lamang mga kaibigan , at huwag po sana kayong mahiya na magtanong saken at i-
message ako sa WP :D

THANK YOU :*

You might also like