Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Kontribusyon ng mga Natatanging
Pilipinong Nakipaglaban
Para sa Kalayaan
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 7: Kontribusyon Ng Mga Natatanging Pilipinong
Unang Edisyon, 2020 Nakipaglaban Para Sa Kalayaan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Juaren Joy M. Espino


Editor: Acremah M. Balayanan
Tagasuri: Ritchel S. Wong, Maria Runa C. Orbe, Ruth E. Lacasandili
Tagaguhit: Hasmina A. Dinas
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Johnny M. Sumugat - REPS, Araling Panlipunan
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Haron C. Kartil – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - SOCCSKSARGEN Region XII

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
6
Aralin Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Kontribusyon ng mga
Natatanging Pilipinong
Nakipaglaban para sa Kalayaan

/
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Self-Learning


Module (SLM) para sa araling Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong
Nakipaglaban Para sa Kalayaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan ng Self-Learning Module (SLM) ukol


sa Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban Para sa Kalayaan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw sa iyo! Kumusta ka? Handa ka na ba sa bagong aralin


sa linggong ito? Halika at simulan na natin ang paglalakbay. Ang modyul na
ito ay handang tumulong sa iyo para alamin at mapalawak ang iyong
kaalaman tungkol sa mga mga naging kontribusyon ng mga natatanging
Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan. Sana maging masaya ka at lalo
mo pang maipagmalaki ang lahing Pilipino.

Sino ang paborito mong superhero? Ano ba ang kanyang natatanging


kapangyarihang ginamit sa pagtulong sa mga tao?

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo. Ang mga aralin ay inayos ng
naaayon sa iyong interes at gulang. Ito ay makatutulong na mapaunlad ang
iyong sarili at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga ginawa ng ating mga
bayani upang ipaglaban ang ating kalayaan. Sa modyul na ito ay matutunan
mo ang;

• Kontribusyon ng mga natatanging pilipinong nakipaglaban para sa


kalayaan
(AP6PMK-Ih-11)
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang;

1. nakikilala ang mga bayaning Pilipino at ang kanilang mga kontribusyon


sapakikipaglaban para sa kalayaan.

2. nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging


Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan;

1
Subukin

Bago mo umpisahan ang paglalakbay sa araling ito, hayaan mong


subukin ang iyong kakayahan sa pagsagot sa paunang pagsusulit.

Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong
sanayang papel.
1. Sino ang nahirang na pinakaunang pangulo ng Republika ng Pilipinas?
a. Apolinario Mabini c. Gregorio del Pilar
b. Emilio Aguinaldo d. Macario Sakay
2. Siya ang pinakabatang bayani ng Pilipinas at tinaguriang bayani ng
Pasong Tirad.
a. Apolinario Mabini c. Gregorio del Pilar
b. Emilio Aguinaldo d. Macario Sakay
3. Siya ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mananakop
na Espanyol.
a. Lapu-lapu c. Andres Bonifacio
b. Emilio Aguinaldo d. Apolinario Mabini

4. Sino ang ating pambansang bayani?


a. Emilio Aguinaldo c. Andres Bonifacio
b. Dr. Jose P. Rizal d. Lapu-lapu
5. Saan natagpuan ang himpilan ng grupo ni Emilio Aguinaldo?
a. Palanan, Isabela c. Bundok Apayao
b. Pasong Tirad d. Batangas
6. Siya ay binansagang “Florence Nightingale” ng Panay dahil sa pag-
aalaga niya sa mga may sakit at sugatang sundalo sa Iloilo.
a. Tandang Sora c. Aguenda Kahabagan y Iniquinto
b. Teresa Magbanua d. Nazaria Lagos Y Labrilloso

7. Siya ay naatasan na mamuno ng isang Fuerza ng Sundalo sa Laguna


noong panahon ng labanan sa Pulang Lupa.
a. Teresa Magbanua c. Aqueda Kahabagany Iniquinto
b. Nazaria Layos d. Koronel Maximo Abad
8. Pinakahuling heneral sa sumuko sa mga Amerikano at nahalal na
Gobernadolcillo noong 1892.
a. Macario Sakay c. Nazaria Layos Y Labrilloso
b. Miquel Malvar d. Tiburcio Carpio

2
9. Kilala bilang dakilang lumpo at utak ng himagsikan.
a. Juan Alfonso c. Miguel Malvar
b. Paula Malolos d. Apolinario Mabini

10. Siya ay ang Pilipinong Rebulusyonaryo na nag tatag ng Katipunan.


a. Apolinario mabini c. Miguel Malvar
b. Jose Rizal d. Andres Bonifacio

Bigyang-pansin ang katanungan na hindi mo nasagutan upang


mabigyang- linaw at malaman ang tamang kasagutan sa ating pagpapatuloy
ng araling ito.

3
Kontribusyon ng Mga
Aralin
Natatanging Pilipinong
7 Nakipaglaban para sa
Kalayaan

Balikan

Kumusta ang pagsagot sa panimulang gawain? Madali lang ‘di ba?


Alam kong mayroon ka ng ideya sa ating aralin ngayon.

Bago natin tatalakayin ang ating aralin susuriin muna natin kung ikaw
ba ay handa na sa muling paglalakbay tungo sa mas malawak na kaalaman.

• Ano ang naging epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa


pandaigdigang kalakalan?
• Ano-ano ang kilusang naitatag upang malinang ang nasyonalismong
Pilipino?
• Noong panahon ng himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol,
ano-ano ang mga panyayaring naganap?
• Mga naging partisipasyon ng kababaihan noong panahon ng
Rebolusyong Pilipino?
• Sa Rebolusyong Pilipino ng 1896, ano ang mga maalala mong okasyong
naganap?
• Ibigay ang tatlong mahahalagang pangyayari sa Digmaang Pilipino-
Amerikano?

4
Mga Tala para sa Guro
Sa modyul na ito ay malalaman ninyo ang mga
kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa
kalayaan ng ating bansa. Mapapaunlad ang kakayahan sa
pagbasa at galing sa pag-iisip para masagutan ang katanungan.
Maaring humingi ng tulong sa magulang at nakatatandang
kapatid o tumawag sa guro kung kinakailangan.

Tuklasin

JumbledHero Kaya Mo Ba’ ‘To?

Ayusin ang mga jumbled letters ayon sa inilalarawan.

1. Siya ang ating pambansang bayani.


OS J E Z A R I L
2. Nagtatag ng katipunan.
DERANS OB I N C I O F

3. Ang bayani ng Pasong Tirad.

EGROGOI R LE D PL A IR

Nakilala mo ba sila? Magaling, kaya mo nga! Ngayon alamin naman


natin ang kanilang mga naging kontribusyon sa pakikipaglaban para sa
kalayaan kasama ng iba pang mga natatanging Pilipino.

5
Suriin
Tara at babasahin natin ang paglalarawan sa bawat isa.

Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng


Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang kanyang
isinulat, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Naka larawan sa mga nobelang ito ang kawalang –
katarungan at kalupitan ng mga Espanyol sa mga
Pilipino. Binigyan diin sa mga aklat na ito ang pag-
ibig sa bayan at ang minimithing kalayaan ng ating
bansa. Hindi nagustuhan ng mga Espanyol ang mga
isinulat niya sa kanyang mga nobela kaya’t ikinulong
www.seasite.niu.edu siya sa Fort Santiago at binaril sa Bagumbayan na
tinatawag na ngayong Rizal Park o Luneta .
Bata pa lamang si Rizal ay nagpakita na siya ng katalinuhan. Tatlong
taong gulang pa lamang siya nang natutong bumasa. Natutunan niya ang
pagbabasa habang nakikinig sa kanyang ina na tinuturuang magbasa ang
kanyang mga kapatid.

Ipinanganak si Andres Bonifacio noong ika-30


ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila sa isang
mahirap na pamilya. Natuto siyang magbasa kahit
hindi nakapa- aral. Siya ay isang Pilipinong
rebulosyonaryong nagtatag ng katipunan, isang lihim
na kilusan. Gumamit sila ng mga armas at lakas sa
pakikipaglaban. Siya rin ang isa sa mga unang
nagkaroon ng malinaw na pananaw kung ano ang
dapat para sa Pilipino. Gusto nilang maging malaya
www.seasite.niu.edu
ang Pilipinas mula sa Espanya.
Siya ay nagkaroon ng malalim na interes sa pagbabasa ng mga libro,
upang makakuha ng isang mahusay na pag-unawa sa mga socio-historical na
proseso. Ang kanyang hangarin na mabago ang kalagayan ng mga Pilipino sa
ilalim ng kolonyalismo ang naging daan sa pagsali niya sa La Liga Filipina na
itinatag noong Hulyo 3, 1982 sa layuning pagkaisa ng mga Pilipino upang
magsimula ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa
bansa.

6
Isang napakatalinong tao at may
napakatibay na paninindigan si Apolinario
Mabini. Sa kabila ng pagiging isang paralitiko ay
ginampanan niya ang isang mahalagang tungkulin
sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino para
sa ganap na kalayaan sapagkat siya ang
matalinong tagapayo ni Aguinaldo noong panahon
ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinagurian
siyang “Utak ng Himagsikan”.
Source: www.seasite.niu.edu

Si Heneral Emilio Aguinaldo naman ay


nahirang bilang “Pangulo ng Unang Republika
ng Pilipinas” noong Enero 23,1899. Hindi ito
kinilala ng Estados Unidos. Siya ay naging pinuno
ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinagpatuloy
niya ang labanan sa Luzon sa tulong ng
pinagkakatiwalang heneral na si Heneral Gregorio
del Pilar. Pumunta siya sa Palanan, Isabela kung
saan itinatag ang kaniyang himpilan. May
dumating na mga Pilipinong Iskawt sa kuta Source:www.seasite.niu.edu
nina Aguinaldo at hindi alam ni Aguinaldo na
isang palabas lang pala ang pagpapabihag ng mga Amerikano. Ang mga
Pilipinong iskawt ay kasabwat pala ng mga Amerikano upang mabihag si
Aguinaldo at hindi na siya nakatakas muli. Sinabi sa kanya ni Dr. Santiago
Barcelona na utang niya ang kaniyang buhay sa mga mamamayang Pilipino.
Hinayaan siyang manatiling buhay ng kanyang mga kababayan dahil
kailangan siya upang patuloy na ipaglaban ang kalayaan ng bansa. Nangako
siya ng katapatan sa pamahalaan ng Estados Unidos upang magkaroon ng
kapayapaan. Ipinagpatuloy niya ang pagtataguyod ng layuning maging
bansang malaya sa ilalim ng isang pamahalaang demokratiko.

Si Heneral Gregorio del Pilar ang


pinakabatang heneral, tinaguriang “Bayani ng
Pasong Tirad” at masasabing lihim na
propagandista nang pinalitan niya ng kasulatang
propaganda nina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar
ang mga pampleta ni Fray Rodriguez, ang Cura ng
Malolos, Bulacan.

Nang sumiklab ang rebolusyon noong Agosto


1896, si Gregorio del Pilar ay isa sa kabataan ng
Source: www.seasite.niu.edu Bulacan na nagpakita ng damdaming makabayan.

7
Kasama rin siya sa mga nakipagsapalaran sa probinsiya ng Nueva Ecija. Una
siyang nakipaglaban noong unang araw ng Enero 1897 sa mga Kakaron de
Sili, dahil sa kanyang ipinakitang kagitingan sa labanan, siya ay ginawaran
ng ranggo bilang isang Tinyente. Dahil sa kanyang katapangan at pakikibaka
kaya siya ay naging isang Kapitan sa hukbong sandatahan.

Noong ika-3 ng Setyembre, 1897, pinauwi niyang duguan ang mga


Espanyol sa Labanan sa Paombong. Iniangat ni Heneral Aguinaldo ang
kanyang ranggo bilang isang Tinyente-Koronel. Matapos ang paglagda sa
Kasunduan ng Biak-na-Bato, sinamahan niya si Heneral Aguinaldo sa
Hongkong. Nang muling sumiklab ang rebolusyon, matapos ang
pagtatagumpay ni Kapitan Dewey sa Manila Bay, bumalik si Del Pilar sa
Pilipinas kasabay ni Aguinaldo at naglagay ng sarili niyang watawat sa
Bulacan. Dito ay pinalaya nila ang probinsiya sa kamay ng mga Espanyol.
Umangat muli ang kanyang ranggo bilang isang Brigadier-Heneral at siya ay
namuno sa hukbo ng buong probinsiya ng Bulacan. Makalipas ang ilang
buwan, nakidigma si Gregorio sa mga Amerikano na ayaw kumilala sa
kasarinlan ng Pilipinas. Nakipaglaban din ang kanyang mga tauhan laban sa
hukbong Amerikano sa pamumuno ni Col. Juan M. Stotsenberg malapit sa
Quinga (Plaridel, Bulacan) kung saan napatay si Stotsenberg. Siya na ang
namuno sa bantay panlikod ni Presidente Aguinaldo sa pagtakas ng pangulo
sa Bayambang sa Pasong Tirad, noong Disyembre 2,1899 siya ay nakidigma
sa huling pagkakataon at isinaalang-alang ang kanyang buhay upang
makatakas si Heneral Aguinaldo.

Si Miguel Malvar ay huling heneral na


sumuko sa mga Amerikano at naging
gobernadorcillo noong 1892. Nang ikulong ang
kanyang ama sa isang walang basehang krimen,
pilit itong pinakawalan ng anak ng Katipunero.
Nang maulinigang pinaghahanap ng mga
Espanyol, napilitang lumikas sa Cavite si Malvar.
Doon siya pinadala ni Heneral Emilio Aguinaldo
upang mamuno sa mga tunggalian sa Zapote,
Indang, Bailen, Magallanes at Alfonso. Napansin
ng lahat ang katapangan ni Miguel sa bawat
labanan. Sa husay niyang humawak ng mga Source: www.seasite.niu.edu
tauhan at sa pagsunod sa mga ipinag-uutos ni
Pangulong Aguinaldo, naging Commanding General ng Batangas, Mindoro at
Tayabas.

Nang magsimula na ang digmaang Pilipino-Amerikano, nahirang siyang


Brigadier Heneral. Kung gaano siya katapang lumaban sa mga Espanyol ay

8
ganoon din siya kagiting na nakipagtunggali sa mga Amerikano. Pinatunayan
niya ito sa pamumuno sa mga laban sa Muntinlupa, San Pedro, Tunasan,
Calamba at Cabuyao. Matapos madakip ng mga Amerikano si Aguinaldo sa
Palanan, Pangasinan noong ika-23 ng Marso 1901 si Malvar ay naging
Commander –in-Chief ng mga Pilipinong militar. Sumuko kay Heneral
Franklin Bell noong Abril ng 1902. Bilang paghanga sa katapangan hindi
ipinakulong at ipinatapon si Miguel. Ibinigay sa kanya ang panunungkulan
bilang Gobernador ng Batangas pero hindi niya ito tinanggap. Namatay si
Miguel noong ika-13 ng Oktubre 1911 sa Maynila sa gulang na 46. Isang
libing na may parangal pangmilitar ang inihandog sa labi ng magiting na
heneral.

Si Agueda Kahabagan y Iniquinto ang


naatasan ni Miguel Malvar na mamuno ng isang
Fuerza ng sundalo sa Laguna. Tinatawag siyang
Henerala. Kasama rin siya ni Heneral Artemio Ricarte
sa pagsalakay sa garrison ng mga Espanyol noong
panahong iyon. Siya lang ang nag-iisang babae na
kasama sa listahan ng mga henerala sa Pilipinas.
Source: www.wikipedia.org

Iba pang mga Bayaning Nakipaglaban sa Kalayaan


Si Lapu-lapu ang kauna-unahang
pinunong Pilipinong nakipaglabanna Espanyol.
Ang unang pangkat ng mga Espanyolng
nagtangkang sumakopsa kapuluan ay
pinamunuan ni Magallanes. Dinala ni Lapu-lapu
ang kanyang mga tauhan sa Mactan upang doon
ay magiting nilangipinagtanggol kalayaan ng
Pilipinas. Nanalo sila dahil sa napatay nila si
Magallanes sa labanan. Itinanghal na unang Source: www.seasite.niu.edu
bayaning Pilipino si Lapu-lapu

Si Heneral Licerio Geronimo ang namuno sa


labanan sa San Mateo noong Setyembre, 1899 na kung
saan nasawi ni Heneral Henry Lawton.

Source: www.wikipedia.org

9
Si Teresa Magbanua ang kasamang nakipaglaban kay
Heneral Poblador sa Capiz. Nakipaglaban din siya sa mga
Amerikano sa Jaro, Iloilo noong 1899.

Source: www.wikipedia.org

Si Koronel Maximo Abad ang namuno sa labanan


sa Pulang Lupa, Marinduque noong Setyembre 1900.
Nalupig nila ang mga Amerikano sa labanang ito.

Source: www.wikipedia.org

Winasak ng pangkat niHeneral Vicente Lucban ang


garrison ng mga Amerikano sa Balangiga, Samar.

Source: www.wikipedia.org

Si Nazaria Lagos y Labrillaso ay binansagang


“Florence Nightingale” ng Panay dahil sa pag-aalaga niya
sa mga maysakit at sugatang sundalo sa Iloilo. Siya ang
naging unang presidente ng Red Cross saDueñas.

Source: www.wikipedia.org

Si Macario Sakay ay nagtatag ng pamahalaan sa


Katagalugan. Nagpalabas siya ng atas na nagpapatigil sa
pakikisama sa Estados Unidos. Ipinahayag niya ang
pakikipaglaban sa mga Amerikano upang makamit ang
kalayaan ng Pilipinas. Pinarurusahan niya ang mga
taong tumutulong sa mga Amerikano. Nakisali rin sa
labanan ang matatapang na kababaihan.
Source: www.wikipedia.org

Sa iyong sariling palagay, mahalaga ba ang naging kontribusyon ng


bawat Pilipinong nabanggit sa itaas?
Alin sa kanila ang pinakanagustuhan mo?
Kung ibabalik ka sa mga panahon na iyon, sa anong paraan mo
ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa?

10
Pagyamanin

Tayo na at pagyamanin natin ang natutunan mo sa aralin sa


pamamagitan ng ng iba’t ibang gawain.

Gawain 1 Magaling! E-STARBox na yan!

Panuto: Pagkukumpleto ng Concept Map. Isulat sa loob ng kahon kung ano


ang naging kontribusyon ng mga nabangit na natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan. Gawin ito sa sanayang papel.

Andres Bonifacio
Jose Rizal

Mga
Kontribusyo
Gregorio del Pilar n Miguel Malvar

Emilio Aguinaldo
Lapu-lapu

Apolinario Mabini

Nasulatan mo ba ang lahat na kahon? Magaling!

11
Gawain 2 I-Spy
Panuto: Hanapin sa grid ang mga pangalan o salita batay sa napag-aralan.
Tandaang may labingdalawang tamang sagot dito.

T T H G S S H E G W A H F D H S G G E G
J B J K M I G U E L M A L V A R R H L D
O A F G H J K L H F F F F H F D P H J J
S M D R G G G H B F D H T E R R I S E D
E E R G G G N D G G G R H N J K L S M S
R R V C D S F G H J K L O E G N I S I R
I R K A L A Y A A N H L U R H F P A L R
Z K Q A S D F G H J K L F A F M I J I H
A A S D F M A C A R I O B L D H N N O D
L N U W C R S A K A Y N X A M F A B A N
G O T Y U I O A A F H J U K L G S R G J
G R E G O R I O D E L P I L A R H H U K
D M N B V C X Z A S D F G G G J K N I K
O F G H J K L R T Y U I F G H J Y K N W
P G Q L P A P O L I N R I O S D D L A L
G J B O N I F A C I 0 A L E V F R O L X
N D Y Y D C V B G H J J J G F F F T D H
D E H W H H Y R S D B N K K L H D H O J
H T K E Y P I L I P I N O K G D D F J O
N T Q W E R T Y U I O P A S D F G C K W

Gawain 3 Kilala mo ako? Itambal Mo!


Panuto: Pagtambalin ang mga pangalan ng mga bayani sa hanay B at ang
kanilang kontribusyon sa hanay A.

A B

_____ 1. Kasamang nakipaglaban A. Heneral Licerio


Geronimo kay Heneral Poblador sa Capiz.

_____ 2. Tinatawag siyang Henerala. B. Macario Sakay

_____ 3. Nagtatag ng pamahalaan sa Katagalugan C. Agueda Kahabagan


Lucban
_____ 4. Binansagang “Florence Nightingale” D. Teresa Magbanua

_____ 5. Namuno sa labanan sa San Mateo E. Nazaria Lagos y


noong Setyembre, 1899 Labrillaso

12
Isaisip

Paano mo pahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga bayaning


Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Tandaan
Ang pagmamahal sa Inang Bayan ay pamana ng mga makabayang
Pilipino mula sa lahat ng antas ng lipunan sa nagbuwis ng kanilang buhay
lumaya lamang ang bansa sa kamay ng mga mananakop na dayuhan. Kaya
narapat lamang na pahalagahan ang kanilang naging kontribusyon sa
pagkamit ng kalayaan.

Isagawa

Gawain 5 Bandila Mo, Iguhit Mo!

Panuto: Iguhit ang watawat ng Pilipinas gamit ang kahong ito. Pagkatapos ay
isulat sa ibaba kung ano ang kahalagahan at sinisimbolo nito.

13
Tayahin

I. Basahin at unawain ang bawat ideya. Piliin at bilugan ang titik ng


tamang sagot. Gawin ito sa inyong sanayang papel.

1. Tinagurian siyang “Bayani ng Pasong Tirad.


a. Heneral Miguel Malvar c. Emilio Aguinaldo
b. Gregorio del Pilar d. Macario Sakay
2. Siya ang tinaguriang Ama ng Katipunan.
a. Jose Rizal c. Macario Sakay
b. Andres Bonifacio d. Agueda Kahabagan y Iniquinto
3. Inatasan ni Miguel Malvar na mamumuno ng isang fuerza ng sundalo
sa Laguna at tinawag na Henerala.
a. Melchora Aquino c. Agueda Kahabagan y Iniquinto
b. Nazaria Lagos ‘y Labrillaso d. Teresa Magbanua
4. Isinulat niya ang dalawang nobela na may pamagat na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.
a .Melchora Aquino c. Jose Rizal
b. Apolinario Mabini d. Teresa Magbanua
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa
kanilang kabayanihan?
a. Hamakin sila
b. Pagtawanan sila
c. Hindi kilalanin ang kanilang ginawa
d. Ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang ginawa

II. Piliin ang tamang kasagutan sa mga pangalan na nakalista. Isulat


ang sagot sa patlang ng bawat pangungusap. Sagutin ito sa inyong
sanayang papel.

Lapu-lapu Emilio Aguinaldo


Gregorio Del Pilar Nazaria Lagos ‘y Labrillaso
Apolinario Mabini

1. Noong Enero 23,1899 hinirang si ____________________________bilang


pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.

2. Itinuring na Bayani ng Pasong Tirad si _____________________.

3. Si ___________________________ ay tinawag na “Florence Nightingale”


dahil sa pangangalaga sa may sakit at sugatang sundalo.

14
4. Naging utak ng himagsikan si ___________________________sa kabila
ng kanyang kapansanan at tinaguriang dakilang lumpo.

5. Ang kauna-unahang pinuno na nakipaglaban sa mga Espanyol at


nakapatay kay Magellan ay si _______________________.

Karagdagang Gawain

Tara Laro Tayo!


Gamit ang patern na ito, gupitin at gawing dice. Gamitin sa iba’t
ibang paraan para sa pagpapahalaga at pag-alala sa mga nagawa ng mga
natatanging Pilipino na nasa larawan.

15
Susi sa Pagwawasto

Lapu-lapu 5.
12. KALAYAAN Apolinario Mabini 4.
3. Gregorio del Pilar 11. SAKAY Labrillaso
2. Aandres Bonifacio 10. MACARIO Nazaria Lagos ‘y 3.
1. Jose Rizal 9.PILIPINAS Gregorio del Pilar 2.
8.PILIPINO Emilio Aguinaldo 1.
Tuklasin 7.MIGUEL MALVAR A 5.
6.EMILIO AGUINALDO C 4.
5.MABINI C 3.
D 10. 4.APOLINARIO
B 2.
3.GREGORIO DEL PILAR
D 9. 2. BONIFACIO B 1.
B 8. 1.JOSE RIZAL I.
D 7. Gawain
D 6. Tayahin
B 5. unawa. 5. A
B 4. nalalaman at pag- 4. E
A 3. naayon sa kanyang 3. B
C 2. Ang sagot ng bata ay
2. C
B 1. Gawain 1 1. D
Subukin Pagyamanin Gawain 3

Sanggunian

Almario, Virgilio S. (Ed.). Emilio Aguinaldo Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts.
https://philippinesculturaleducation.com.ph/aguinaldo-emilio/, 2015.

Almario, Virgilio S. (Ed.). Macario Sakay Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts.
https://philippinesculturaleducation.com.ph/sakay-mario/, 2015.

Almario, Virgilio S. (Ed.). Miguel Malvar Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts.
https://philippinesculturaleducation.com.ph/malvar-miguel/, 2015.

16
Almario, Virgilio S. (Ed.). Teresa Magbanua Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts.
https://philippinesculturaleducation.com.ph/magbanua-teresa/, 2015.

Almario, Virgilio S. (Ed.). Miguel Malvar Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts.
https://philippinesculturaleducation.com.ph/malvar-miguel/, 2015.

Almario, Virgilio S. (Ed.). Vicente Lukban Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts.
https://philippinesculturaleducation.com.ph/lukban-vicente/, 2015.

Benitez, Kristina et al. “Agueda Kahabagan y Iniquinto.” The Philippine


Journal of Education Vol. 76 1997 Publishers Association of the Philippines
Inc. Accessed June 24, 2020.
https://books.google.com.ph/books?id=ZZScAAAAMAAJ&pg=PA147&dq=Ag
ueda+Kahabagan+y+Iniquinto&hl=fil&sa=X&ved=2ahUKEwiku_Xbn7LqAhW
Q7WEKHc63BC8QuwUwAHoECAEQCA#v=onepage&q=Agueda%20Kahabag
an%20y%20Iniquinto&f=false.

Magalang, Miguel R. “Col. Maximo Abad image. Printed in Col. Maximo Abad
Exultations and Twinges. Pdf 11-09-2014.
https://www.academia.edu/15636468/col. maximo abad exultations and
twinges in his life stories?fnclid=iwarobcr8t6-whyazxjtyhl_sh2-
javavjyuazvugyvehdynzdfrd6zpo5wu.

Dizon, Priscila B. Yamang Tao: Lahing Pilipino Bayanihan. Quezon City:


KASAPI: Philippine Educational Publishers Association, 1995.

17
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito
ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Malugod naming hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like