Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PLV Social Contract

City Ordinance No. 297, Series of 2016

KASUNDUAN/ SOCIAL CONTRACT

IPINAPAALAM SA LAHAT SA PAMAMAGITAN NC KASUNDUANG ITO:

Ang Kasunduang ito na nilagdaan sa pagitan nina:

Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV), isang pampublikong paaralan na umiiral sa bisa ng


Kautusang Panlungsod Big. 014, Taong 2002, na matatagpuan sa Poblacion II, Malinta, Lungsod ng
Valenzuela, kinakatawan ni Dr. NEDES1--A C. TORRALBA, Pangulo ng PLV, na dito ay tinutukoy
bilang "PLV".

-at-

G. / Gng. Bb. ,may sapat na gulang, Pilipino, naninirahan


sa sa ilalim
ng paggabay ng kaniyang magulang na si
dito ay tatawaging "PINAGKALOOBAN";

SLIMASAKSI:

SAPAGKAT, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, batay sa layunin na magkaloob ng libreng


pagkakataong edukasyonal sa kolehiyo sa lahat ng mag-aaral ng Lungsod sa pamamagitan ng Kautusang
anlungsod Big. 297, Taong 2016 o mas kilala sa tawag na "Valenzuela City Free Higher Education Ordinance";

SAPAGKAT, ang "Education 3600 Investment Program" ay sistematiko at komprehensibong programa ng


Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela para sa mga mag-aaral nito upang lubusang baguhin ang pampublikong
sistema ng paaralan sa Lungsod. Ito ay hindi lamang nakatuon sa aspetong hardware o pagtatayo ng mga paaralan,
ngunit sa ibang aspeto rin na nakakaapekto sa pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral;

SAPAGKAT, ang Social Contract ("Kasunduan") ay naglalayong matiyak ang mahusay at matagumpay
a pagsasakatuparan ng "Education 3600 Investment Program" at iba pang programang Paniungsod at ito ay
aisasagawa sa pamamagitan ng mga boluntaryong pagtulong dito;

SAPAGKAT, upang malinang ang PINAGKALOOBAN bilang mas responsableng mamamayan na may
malasakit sa bayan, marapat lamang na siya ay bigyan ng pagkakataon na maging "volunteer" at makapaglingkod sa
mga nangangailangan;

SAPAGKAT, ang PINAGKALOOBAN ay nasasakop ng Kasunduan at batid ang mga nakasaad dito;

SAPAGKAT, ang Kasunduan ay magkakaroon lamang ng bisa sa pagkakataong ang


PINAGKALOOBAN ay matanggap sa PLV ayon sa mga alituntunin nito;

SAPAGKAT, ang PINAGKALOOBAN ay natanggap sa PLV at bunsod ng pagpapatupad ng "Valenzuela


City Free Higher Education Ordinance", ang PINAGKALOOBAN ay nakatanggap ng libreng tuition at miscellaneous
fees; at dahil nais din ng PLV na malinang sa kanya ang "spirit of volunteerism", ang pagbibigay serbisyo sa "Education
360° Investment Program" at iba pang programang Paniungsod ay isang akmang pagkakataon upang maibalik ang
pribilehiyong natanggap ng PINAGKALOOBAN at makapaglingkod sa mga nangangailangan;

NGAYON DAHIL DITO, ang PLV at ang PINAGKALOOBAN ay sumasang-ayon na:

I. KATANGIAN.

Ang libreng tuition at miscellaneous fees ay ipinagkaloob upang makapag-aral ng anumang kurso ang
PINAGKALOOBAN sa PLV. Ito ay kinapapalooban ng aktuwal na tuition at miscellaneous fees lamang. Ang lahat ng
bayarin sa PLV na hindi nasasaad dito ay obligasyong bayaran ng PINAGKALOOBAN.

TAKDANG PANAHON AT SAKOP NG LIBRENG TUITION AT MISCELLANEOUS FEES.

Ang Kasunduan ay tatagal lamang ng apat (4) o limang (5) taon, o ayon sa taong naitakda upang matapos
ang kurso na napili ng PINAGKALOOBAN. Ito ay para lamang sa regular load ng kurso ng PINAGKALOOBAN,
sang-ayon sa kurikulum ng PLV. Anumang tuition at miscellaneous fees na labas sa regular load -- maging ito ay dahil
nagtala ang PINAGKALOOBAN ng dagdag pang mga units na hindi sakop ng kanyang regular load o di kaya siya ay
may inulit na subjects na nakapaloob sa kanyang regular load -- ay obligasyong bayaran ng PINAGKALOOBAN.

Para sa mga PINAGKALOOBAN na nakatapos na ng mga naunang taon sa kanilang Bachelor's Degree sa
petsa ng pagpirma ng Kasunduang ito, tanging ang mga natitirang taon na lamang ng kanilang kurso na
nakapaloob pa sa kanilang regular load ang sakop ng Kasunduang ito.

1
PLV Social Contract
City Ordinance No. 297, Series of 2016

MGA OBLIGASYON NG PINAGKALOOBAN.

Ang PINAGKALOOBAN ay nararapat na tumupad sa mga sumusunod na obligasyon:

a. Sundin ang Vision-Mission ng PLV;

b. Sundin ang mga alituntunin ng PLV;

c. Tapusin ang buong kurso na kanyang napili;

d. Mag-ukol ng kanyang buong panahon na naaayon sa pinagtibay ng Kasunduan;

e. Lumahok at magbigay ng serbisyo sa mga components ng "Education 3600 Investment Program" at/o iba
pang programa na pinahintulutan ng PLV, ayon sa itatalaga nito, maliban na lamang kung hindi niya
kakayaning gampanan ang nasabing obligasyon dahil sa sakit na pisikal o pangkaisipan, matapos
magbigay ng kaukulang patunay dito at ito ay katanggap-tanggap sang-ayon sa lupon ng PLV;

f. Ang PINAGKALOOBAN ay mag-uukol nang hindi bababa sa apatnapung (40) oras ng serbisyo o
partisipasyon sa "Education 3600 Investment Program" at/0 iba pang programa na pinahintulutan ng
PLV sa bawat taong-pampanuruan (school year) o dalawampung (20) oras kada semestre kung saan
siya nakatala rito. Ang oras ng serbisyo na gagawin ng PINAGKALOOBAN ay naaayon sa component
ng "Education 3600 Investment Program" at/o iba pang programa na pinahintulutan at iskedyul na
ibibigay ng PLV. Gayunpaman, ang kondisyon na nakasaad sa talatang ito ay hindi hadlang sa higit
pang oras ng serbisyo sa "Education 360° Investment Program" at/o iba pang programa na
pinahintulutan ng PLV na maaaring ibigay nito o hingin ng PINAGKALOOBAN.

IV. PANAHON UPANG TAPUSIN ANG SERBISYO.

Bago magsimula ang susunod na taong-pampanuruan, dapat natapos na ng PINAGKALOOBAN ang oras
ng serbisyo sa "Education 360° Investment Program" na itinakda ng PLV sa bob ng isang taon. Sa pagkakataong hindi
matapos ng PINAGKALOOBAN sa bob ng isang taong-pampanuruan, maaari itong idagdag sa oras ng kanyang
serbisyo sa susunod na taon. Kung hindi pa rin ito matatapos, ito ay patuloy lamang na idaragdag sa mga susunod
na taon; ngunit lahat ng naipong oras ay dapat na magawa bago matapos ng PINAGKALOOBAN ang kanyang
egular load.

Halimbawa, ang isang PINAGKALOOBAN ay naatasang magbigay ng apatnapung (40) oras sa "Education
60° Investment Program" sa bawat taong-pampanuruan, kung dalawampung (20) oras lamang ang kanyang
aibigay sa kanyang regular load, ang natitirang dalawampung (20) oras ay idaragdag sa kanyang ikalawang taon.
Samakatuwid, dapat matapos ng PINAGKALOOBAN ang kabuuang animnapung (60) oras sa kanyang ikalawang
n. Kung hindi pa rin ito matapos ay patuloy lamang na idaragdag sa mga susunod na taon, ngunit dapat na
makumpleto ang lahat bago siya makapagtapos ng kanyang kurso.

Sa pagkakataong hindi matapos ng PINAGKALOOBAN ang kanyang takdang oras bago siya
makapagtapos ng kanyang kurso, hindi pipirmahan ang kanyang clearance at hindi rin ibibigay ang kanyang
Transcript of Records hanggang matapos niya ang kabuuang itinakdang oras ng serbisyo sa "Education 360° Investment
Program" at/o iba pang programa na pinahintulutan ng PLV.

V. PAGTATAPOS NG KASUNDUAN.

Ang Kasunduang ito ay mapapawalang bisa sa oras na:

(1) Makumpleto ng PINAGKALOOBAN ang nakatakdang kabuuang oras ng serbisyo sa "Education


360° Investment Program" at/o iba pang programa na pinahintulutan ng PLV; o

(2) Ma-disqualify ang PINAGKALOOBAN ayon sa Implementing Rules and Regulations ng "Valenzuela
City Free Higher Education Ordinance". Subalit, lahat ng oras ng serbisyo na hindi pa natatapos ng
PINAGKALOOBAN ayon sa mga taong-pampanuruan na siya ay nakatala sa PLV bago siya ma-disqualify ay dapat
pa rin niyang makumpleto bago siya umalis ng PLV.

VI. PAGBABAWAL SA PAGBAYAD.

Sa anumang pagkakataon, hindi ipinapahintulot na ang PINAGKALOOBAN ay magbayad ng tuition at


miscellaneous fees kapalit ng kanyang serbisyo sa "Education 360 Investment Program".

VII. SUPERBISYON.

Ang PINAGKALOOBAN ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng PLV at kailangang tumupad sa mga polisiya
ng kasunduang ito.

2
PLV Social Contract
City Ordinance No. 297, Series of 2016

VIII. KAWALAN NG PANANAGUTAN.

Anumang pinsala at/o danyos ang maidulot ng PINAGKALOOBAN na magbubunga ng/ o may
kaugnayan sa kanyang pagganap sa mga gawaing pangkomunidad na hinihingi sa ilalim ng Kasunduang ito ay
kanyang magiging tangi at eksklusibong pananagutan at responsibilidad kasama ng kanyang magulang / legal na
tagapangalaga na magpapatunay sa PLV na walang pananagutan sa anumang pag-angkin, pasagot sa mga legal na
hakbang, pinsala, gugol, pagsasakdal at gastusing bunsod o dulot ng tiyak na pinsala at/o danyos.

IX. IBA PANG MGA RESOLUSYON.

Kung may pagtutol o hindi pagkakasundo sa pagitan ng dalawang partido kaugnay sa hindi pagtupad ng
PINAGKALOOBAN sa kanyang mga sinumpaang obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito, sila ay malaya at
kusang-loob na ilalapit ang mga ito sa konsultasyon at prosesong negosyatibo tungo sa maayos na pagresolba ng
mga alitan. Kung ang mga partido ay hindi sumangguni sa mapayapang pakikipag-ayos, anumang pagtanggi o
kontrobersiya ang umusbong mula sa Kasunduang ito ay isusumite at idaraan sa pagdinig at pagpapasya ayon sa
mga kasunduan ng dalawang panig, bilang pagtupad sa Alternative Dispute Resolution Act (RA 9285). Panghuli, kung
ang dalawang panig ay sumang-ayon na maipaabot ang kanilang mga pagtanggi o alitan sa korte, tanging ang
angkop na korte lamang ng Lungsod ng Valenzuela ang siyang magkakaroon ng hurisdiksiyon/jurisdiction dito.

X. MGA SUSOG NA SUGNAY.

Ang PLV ay may karapatang baguhin o susugan ang kondisyon ng kasunduan kung kinakailangan dahil
sa paglabag ng PINAGKALOOBAN o iba pang dahilan na hindi kontrolado ng kinauukulang panig.

BILANG PATOTOO, ang dalawang panig ay lumagda sa Kasunduang ito ngayon ika- ng
20 dito sa Lungsod Valenzuela.

PLV: PINAGKALOOBAN:

Dr. Nederia C. Torralba (Lagda sa ibabaw ng Pangalan)


Pangulo
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela Ginabayan Ni:

(Lagda sa ibabaw Pangalan ng Magulang/Guardian)

NILAGDAAN SA HARAP NINA:

Republika ng Pilipinas )
Lungsod ng Valenzuela ) S.S.

PAGPAPATUNAY

SA HARAP KO, na isang Notaryo Publiko sa Lungsod ng Valenzuela ngayong ika- ng 20 ,


ay dumulog sina:

PANGALAN KATUNAYAN ng PAGKAKAKILANLAN

na kilala kong silang nagsagawa ng naunang Kasulatan, pin.atunayan nila sa harap kong malaya at sarili nilang
pagpapasiya.

SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK.

Kas. Big.
Dahon Blg.
Aklat Blg.
Taong 20
ARY/LD SD/PLV -JLAVampcf

You might also like