Aralin 5.1 Purposive Communication

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Aralin 5.

Rehistro at Barayti ng Wika


LAYUNIN
 nakikilala at naiisa-isa ang baryasyon o barayti ng wika;
 napag-iiba ang akwisisyon at pagkatuto ng wika

BILINGGUWALISMO
• Leonard Bloomfield (1953)- Ang paggamit ng tao sa dalawang wika na tila ba ang
dalawang ito ay kanyang katutubong wika. (Perpektong bilingguwal)
• John Macnamara (1967)- Isang taong may sapat na kasanayan sa isa sa apat na
makrong kasanayan
• Uriel Weinreich (1953)- paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan.
MULTILINGGUWALISMO
• Paggamit ng higit pa sa dalawang wika sa pagkatuto at pagtuturo
• Ipinatupad noong 2012 ang MTB-MLE (DO 16, s. 2012- pamantayan)
• Itinalaga ng DepEd ang 12 na wika na gagamitin sa pagtuturo at ituturo din bilang
hiwalay na asignatura
• Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod:
Tagalog Kapampangan
Pangasinense Ilokano
Bikol Cebuano
Hiligaynon Waray
Mëranao Chavacano
Tausog Maguindanaoan
• Ang pitong wikaing naidagdag ay ang sumusunod:
Ybanag- Tuguegarao City, Cagayan, At Isabela
Ivatan- Batanes Kinaray-a- Antique
Yakan- Muslim Aklanon- Aklan At Capiz
Sirigaonon- Surigao City Sambal- Zambales
BILINGGWALISMO/MULTILINGGWALISMO
BILINGGWALISMO
Paggamit ng dalawang wika sa pagkatuto at pagtuturo
MULTILINGGWALISMO
Paggamit ng higit pa sa dalawa na salita/wika ng isang indibidwal o kumunidad.

BARAYTI NG WIKA
DAYALEK
 Ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar.
 Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba subalit naiiba ang
punto o tono.
 May magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan
 BAGAMA’T MAY PAGKAKAIBA AY NAGKAKAINTINDIHAN NAMAN ANG MGA
NAGSASALITA
 “Magkain tayo sa mall.” _Bisaya
 “Kumain tayo sa mall.” _Tagalog sa Maynila
 Isa pang halimbawa, bagamat malapit ang Cavite sa Maynila, kitang-kita ang pagkakaiba
ng gamit ng mga salita, punto at paraan ng pagsasalita ng mga Caviteño sa mga
Manileño. Halimbawa nito ang mga pangungusap sa ibaba:
 (Cavite) Sir, ano po ba ang bugong ninyo ngay-on? Mangyari po kasi, ako ay namaraka
kahapon. Kayo po ba’y nakain ng tinumis na baboy?
 (Maynila) Sir, ano po ba ang baon ninyo ngayon? Namalengke po kasi ako kahapon.
Kumakain po ba kayo ng dinuguang baboy?
IDYOLEK
• Natatanging pagkakakilanlan ng isang tao sa ibang tao.
• TRADEMARK!
• Walang dalawang taong nagsasalita ng iisang wika ang bumibigkas nito ng
magkaparehong-magkapareho.
• pinakakilala ang mga idyolek ng mga kilalang tao sa lipunan katulad nina:
MARC LOGAN
-mahilig siyang gumamit ng mga magkakatugma sa nakatatawang pahayag.
GAS ABELGAS
-nakilala at ginayaa ng marami ang paraan ng kanyang pananalita kapag siya ay
nagbabalita
KRIS AQUINO
-aha, ha ha ha! Nakakaloka! Okey Darla!
NOLI DE CASTRO
-kabayan!
-magandang gabi, bayan.
MIKE ENRIQUEZ
-hindi namin kayo, tatantanan!
RUFFA MAE QUINTO
-Todo na to! Yey!
• Umaayon ito sa personal o indibidwal na gamit ng wika. Ito ang tutugon
kung bakit may mga taong gumagamit ng SIYA sa mga bagay na hindi
naman tao. Tandaaang sa istriktong gramatika, ang SIYA ay isang panghalip
panao.

Halimbawa:
Mare, natikman mo na ba siya? Masarap pala siya! Tikman mo rin siya.
Tingnan mo siya. Mukhang mahirap siyang isuot. Pero di bale, bibilhin ko pa rin siya.
• Sa ibang mga linggwist, ang paggamit halimbawa ng mga Caviteno ng “Bale” sa unahan
ng kanilang mga pangungusap ay maituturing ding nasa ilalim ng idyolek, o maging ang
mga pagmumura habang nagsasalita. Kung gayon, ang idyolek ay umaayon sa
indibidwalidad o kakanyahan ng gumagamit ng wika.
ETNOLEK
• Barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo.
• Nagmula sa pinagsamang etniko at dialek.
• Taglay nito ang mga salitang pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko.
HALIMBAWA:
• BULANON- full moon
• KALIPAY- tuwa o ligaya
• PALANGGA- mahal o minamahal
• SHUWA- dalawa
• SADSHAK- kaligayahan

SOSYOLEK
• Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan ng mga tao.
• Nagpapangkat batay sa paniniwala, kasarian, edad atbp.
nakapag-aral – hindi nakapag-aral
matatanda – kabataan
babae – lalake
• RUBRICO (2009)- palatandaang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng
mga tao batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa grupo na kanilang kinabibilangan.
• Kabilang dito ang “WIKA NG MGA BEKI”
HALIMBAWA:
Indiana Jones- nang-indiyan
Givenchy- pahingi
Bigalou- malaki
• Kabilang dito ang “COÑO/ CONYOSPEAK” – sosyolek ng mga sosyal/pasosyal
HALIMBAWA:
Let’s make kain na.
Wait lang. I’m calling Anna pa.
I know right. Sige, go ahead.
• Kabilang dito ang “JEJEMON/ JEJESPEAK” – kabataang jologs
HALIMBAWA:
3ow ph0w, mUsZtAh nA ph0w kaOw?- “Hello po, kumusta na po kayo”.
aQcKuHh iT2h- “Ako ito”.
iMiszqcKyuH- “I miss You”.

REGISTER
• Naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap.
• Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay
isaang taong may mataas na katungkulan. Gayundin sa pormal na pangyayari tulad ng
pagsisimba, pulong o talumpati.
• Pormal kapag sumusulat ng panitikan, ulat o pormal sanaysay.
• Di-pormal naman kapag kaibigan o malalapit na pamilya
• Di-pormal tulad ng sa pagsusulat ng komiks atbp.
HALIMBAWA:
“Hindi ako makakasama, wala akong datung”.
“Hindi po ako makakasama dahil wala po akong pera”.

PIDGIN AT CREOLE
• Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native
language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman.
• Nangyayari ito kapag ang dalawang taong nag-uusap ay hindi magkaintindihan dahil
magkaiba sila ng unang wika at hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
• Naging likas na wika ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin.
• Nagamit ang pidgin sa mahabang panahon hanggang sa nagkaroon ng pattern o mga
tuntuning sinusunod ng karamihan. Tinawag itong creole.
• CREOLE- ang wikang nagmula sa pidgin at naging unang wika sa isang lugar
HALIMBAWA:
Chavacano (Ang wikang katutubo ay nahaluan na ng bokabularyo ng wikang Kastila).
 Akwisiyon ng wika
 Pagkatuto ng wika
AKWISISYON NG WIKA
• nagaganap nang hindi namamalayan at katulad ito halos kung paano natin natututunan
ang unang wika. “Pinupulot’ ng mga bata ang wikang kanyang naririnig na sa palagay
niya ay kailangan sa pakikipag- usap sa mga tao sa kanyang paligid.
• tumutukoy sa pagkatuto ng wika na walang pormal na pag- aaral o nakabatay sa
karanasan. Natatamo ng mga bata ang wika ayon sa natural na daloy ng kanilang pag-
iisip at sa mga pagkakataong wala silang alam sa mga tuntuning panggramatika.
PAGKATUTO NG WIKA
• tumutukoy sa pormal na pagkatuto ng wika sa isang loob ng silid- aralan at resulta ng
direktang pagtuturo sa mga tuntunin ng wika.
• isang binalak na proseso kung saan pinag- aaralan ang wika sa pamamagitan ng
organisadong paraan at inilalahad sa isang sistematiko at pormal na paraan. Badayos
(2011)

You might also like