Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KABANATA 22-23:

Liwanag at Dilim
Talasalitaan
1. KINAGIGILIWAN-Kinatutuwaan
2. PANANAMLAY-Paghihina
3. KUMBIDAHIN- Anyayahan
4. LUMANGHAP-Umaamoy
5. DARATAL- Darating
6. TIGIB-Punong-puno
7. PINAGTATAKHAN-Pinagtatakpan

Tauhan
1. CRISOSTOMO IBARRA- Kasintahan ni Maria Clara
2. KAPITAN TIYAGO- Ama ni Maria Clara
3. MARIA CLARA- Anak ni kapitan Tiyago na umuwi sa kanilang bayan para
sa pista
4. SINANG & ANDENG- Sila ang kaibigan ni Maria Clara
5. TIYA ISABEL- Ang nagpalaki kay Maria Clara
Tagpuan
2. BAYAN NG SAN DIEGO
Buod
1.Tatlong araw ang paghahanda sa darating na kapistahan ng San Diego at
darating din sina Maria Clara at tiya Isabel upang mamalagi doon para sa
pista ng bayan.
2.Kumalat agad ang pagdating ni Maria Clara dahil kinagigiliwan siya ng
lahat.Kumalat din ang madalas na pagkikita nila kay Ibarra at napansin din ni
Maria Clara at ng mga tao na Malaki ang pinagbago sa pagkilos ni Padre
Salvi.
3.Samantala,plano nina Maria Clara at Ibarra na mamasyal kasama ang
kanilang mga kaibigan sa ilog.Iminungkahi ng dalaga na huwag isama si
Padre Salvi dahil nababahala siya kapag ito ay nasa paligid.
4.Hindi naman ito sinang-ayunan ni Ibarra dahil hindi raw ito magandang
tingnan.Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang dumating si Padre
Salvi.Humingi ng paumanhin si Maria Clara na iwan sina Ibarra at ang kura.
5.Inimbitahan ni Ibarra ang pari para sa isang kasiyahan sa bukid at kaagad
naman itong sinang-ayunan ng pari.
6.Laganap na ang dilim at nagpaalam na si Ibarra na uuwi.Sa daan,
nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa
kanya.Humingi siya ng tulong kay Ibarra tungkol sa kanyang problema sa
anak at asawa,at sabay silang nawala sa dilim.
Simbolismo
*Ang pagkatakot ni Maria Clara kay padre Salvi-dito ipanapakita na talagang
makapangyarihan ang mg prayle noon kaya kinakatakutan sila ng mga tao.
1.Liwanag
*Ang pagbabalik ni Maria Clara sa bayan ng San Diego
*Ang pagsabi ni Crisostomo Ibarra kay Maria Clara na magkakaroon sila ng
piknik
Kanser ng Lipunan
*Kahinaan ng mga kababaihan-Dahil pinakita dito sa kabanata ang tungkol
sa pagtingin ni Padre Salvi kay Maria Clara ngunit walang siyang magawa
kahit alam niya na iba ang pagtingin ni Padre Salvi sa kanya.

Ang Pangingisda
Talasalitaan
1.HUWEPE-Ilaw
2.BAKLAD-Panghuli ng isda na yari sa kawayan
3.SALOK-Pag-igib
4.BULABUGIN-Gulatin
5.TAIMTIM-Mapayapa
6.BUBUSULAN-Tatakpan

Tauhan
1.MARIA CLARA-Kasintahan ni Ibarra;mutya ng San Diego
2.CRISOSTOMO IBARRA-Nag-aral sa Europa na kasintahan ni Maria Clara
3.IDAY,VICTORINA,SINANG,NENENG,ANDENG-Mga kaibigan ni Maria Clara
4.ALBINO-Dating seminarista na nakasama sa pistang pambukid
5.TIYA ISABEL-Higap ni kapitan Tiyago na Tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara
Tagpuan
1.LAWA
2.GUBAT
3.BAKLAD

Buod
1.Madaling araw pa lamang ay umalis na ang mga tao para pumunta sa pistang
pambukid sakay ang dalawang bankang isa ay puro mga babae at ang isa ay puro
mga lalake.Nang nalaman na may butas pala ang banka ng mga lalake ay lumipat
sila sa mga banka ng mga babae at kumuha ng kani-kanilang mga
kapareha.papunta na sila sa baklad na pag-aari ni kapitan Tiyago.inutusan ni tiya
Isabel si Andeng na ihanda ang sabaw na may paasim.
2.May nagsabi naman na isa na para hindi sila mainip ay may tutugtog.Una nilang
pinakanta si Victorina kaso nagdahilan ito para si Maria Clara naman ang kulitin
nila.Pumayag naman si Maria Clara kahit malungkot na kanta lang ang alam
niya.Lahat ay tulala pagkatapos niyang kumanta dahil napakalambing at
napakaganda ang boses niya.Natauhan lang ang lahat ng bulabugin sila ni
Albino.Nang kumukulo na ang sabaw ay sabik na ang lahat sa isdang mahuhuli sa
baklad dahil limang araw na iyon hindi sinalok.Ngunit gulat ang lahat dahil kahit
maliit na isda ay wala silang mahuli.
3.Iba naman ang sumalok at sinabing may buwaya dahil natatamaan ang
salok.Kumuha ng lubid at tumalon sa tubig si Elias.Takot na takot ang lahat
samantalang si Ibarra ay may hawak na patalim.Naiahon ni Elias ang buwaya sa
baklad.Nang bubusulan na ni Elias ay buong lakas na pumalag ang buwaya at
kasama ang bangkero ay tumilapon sa baklad.Biglang tumalon si Ibarra sa tubig na
ikinagulat ni Maria Clara.Kinabahan ang lahat dahil namula ang tubig.
4.Dalawa pa ang tumalon sa tubig ngunit sakto noon ay umahon na sina Elias at
Ibarra kasama ang buwaya na napaslang.Natapon na lahat ng sabaw dahil sa
pagkulo kasi nakalimutan ito ni Andeng dahil sa nangyari.Natauhan din si Maria
Clara ng kausapin siya ni Ibarra.Ayaw ng tumuloy ng iba sa susunod na baklad
ngunit sinabi ni Ibarra na wala naming mapapahamak.
5.Pagdating sa susunod na baklad ay nagpakulo na naman si andeng ng
sabaw.Noong sasalok na ay kabado at tahimik ang lahat ngunit laking tuwa nila ng
halos mapuno ang pangsalok ng isda.Iba-iba ang ginawa nilang pagluto
roon.Tumuloy sila sa pampang na may kalapit na gubat na pagmamay-ari ni
Crisostomo Ibarra at doon sila kumain.

SIMBOLISMO
*Ang paghihiwalay ng mga kalalakihan sa mga kababaihan-ipinapakita
nito ang pagiging konserbatibo o sa pag-iingat sa kanilang sarili.

KANSER NG LIPUNAN
*Ang kanser ng lipunan na makikita sa mga kabanatang ito ay ang
patuloy na paghihigpit ng mga magulang sa kanilang mga anak na
babae. noon hanggang ngayon ang paghihigpit sa mga kababaihan ay
masasalamin mula sa kanilang pananamit, pananalita, at pakikihalubilo
sa kanilang mga kaibigan. Kinakailangan na laging naka hiwalay ang mga
kababaihan sa mga kalalakihan sa tuwing sila ay dadalo sa mga
pagtitipon at kasiyahan at laging may mga kasamang nakatatanda na
nagsisilbi nilang bantay at taga - saway kapag meron silang ginawang
kalokohan o lihis sa batas ng mga nakatatanda.

You might also like