Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGPAPAKILALA NG

PANG AKADEMIKONG
PANANALIKSIK:
RESEARCH PROPOSAL
INIHANDA NI:
ANTON RIC C. DONTOGAN
IPINASA KAY:
Bb. VALLERY M. MAYAM-ES
PANANALIKSIK
“Epekto ng paglaganap ng mga wikang balbal at ang epekto nito
sa pananalita”
INTRODUKSYON
Tunay ngang wala ng permanente sa mundo kundi ang pagbabago. Ang lahat ng
bagay ay sumasailalim sa pagbabago. Pagbabago na naaayon sa ating panahaon na
maging ang ating wika ay tumutugon sa pagbabagong ito.
Ang pananaliksik na ito ay sumasailalim sa makabagong direksyon at inobasyon
na naglalarawan ng ating wika sa kasalukuyan. Salitang balbal, ito ang mga salitang
nabuo sa impormal na paraan, mga salitang nabuo sa mga pagsama-sama o
pinagdugtong-dugtong na salita na maaaring maging mahaba o maikli lang.
Lumalabas sa isinasagawang pag aaral na ang likhang salitang kanto, likhang
salitang bakla at likhang salitang sosyal ay madalas gamitin ng mga bata lalo na ang mga
mag aaral sa kanilang pang araw-araw. Ang paggamit ng salitang balbal ay nagdudulot
ng kahinaan sa ispeling, malabong pakikipag komunikasyon at pinag hahali sa mga
wastong salita.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
A. Ang paggamit ng mga salitang balbal ng mga kabataan na nagdudulot ng kahinaan sa
ispeling
B. Nakakasanayan na ng mga kabataan ang paggamit ng salitang balbal na nakakaapekto
sa tamang paggamit ng wika.
C. Ano ang maaaring maging bung anito kung sakaling ito ay mas tatangkilikin nila
kaysa sa wikang Filipino.

PAGLALAHAD NG LAYUNIN
* Mahikayat ang mga kabataan na iwasan ang paggamit ng salitang balbal, na maaaring
maging dahilan ng kahinaan sa paggamit ng wastong salita
* Magamit ng wasto, kilalanin at ipagmalaki ang ating sariling wika
KALAHOK SA PANANALIKSIK
Ang pag aaral na ito ay kabilang sa mga mag-aaral ng Bauko Catholic School sapagkat sa
kanila nakatuon ang gawaing ito. Ang mananaliksik ay pipili ng pitong(7) mga
partisipante na kukuha ng basehan sa “Individual Interview” na gagawin sa loob ng
paaralan. Tanging mag-aaral lamang ng Bauko Catholic School ang mga magiging
respondente o kalahok sa pananaliksik na ito. Sila ay magsasama-sama para malaman
naming ang kanilang mga kasagutan kung kayroon bang pagkaka-tulad sa kanilang mga
impormasyong ibinibigay at inilalahad o pabago-bago ba ang kanilang mga kasagutang
kanilang iminumungkahi.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang
pangunahing instrument sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang
sarbey ay ang pangkolekta ng mga impormasyon tungkol sa katangian, aksyon, opinion,
o grupo ng mga tao na tumutukoy bilang isang populasyon.

KAHALAGAHAN NG PAGSASALIKSIK
* Sa mga mag aaral, ito ay nagdudulot ng kahalagan dahil Malaki ang papel na
ginagampanan ng wika sa ating lipunan. Kung patuloy na gagamitin ang, Malaki ang
magiging epekto nito sa pag-unlad ng wikang Filipino. Magbibigay ng importansya ang
pananaliksik na ito sa kanila ng mga kaalaman hinggil sa kasanayan sa paggamit ng
wikang Filipino at mababatid ng mga mag-aaral ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa
pag-unlad ng wika.
* Sa mga manunulat, ang pag-aaral na ito ay magbibigay-daan sa kanilang isipan na ang
pagsusulat ng mga ganitong pagsasaliksik ay magdudulot sa bawat isa na ilahad ang
tunay niyang saloobin sa paraan ng pagsusulat.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


* Ayon kay (Achibald, 2007) ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang simbolog ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng
aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern ng lumilikha sa komplikado
at simerikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitaryo
at kontrolado ng lipunan.
* Sa pahayag naman ni Whitehood(1994), ang wika ay ang kabuuan ng kaisipan ng
lipunang lumikha nito. Ito ay ang pinakamabisang kasangkapan sa pakikipagtalastasan.
Ngunit hindi kasangkapang metanikal lamang, higit dito ay katangian, kalikasan at
kagamitan ng wika. Ito’y tagadala ng ideya at impormasyon na nagdadala sa mga tao
upang sila ay magkakaunawaan at magkaintindihan
* Ayon kay Mendoza(2003), ang wika ay lubhang makapangyarihan kaya nman
maraming tao ang madaling naiimpluwensiyahan dito gamit ang salitang balbal. Sa
pagpapalit ng mga salitang balbal, ang wikang Filipino ay unti-unting nakakalimutan at
naglalaho lalo na sa mga kabataan. Dahil sa impluwensya na siyang nakapaligid sa bawat
tao ay nagiging peligroso na ang wikang Filipino.

METODOLOHIYA
Ang layunin ng penomenolohikal at analisis nap ag-aaral na ito ay upang matukoy ang
iba’t ibang epekto ng paggamit ng mga mag-aaral ng mga salitang balbal sa wikang
Filipino
BIBLIOGRAPIYA
* http://www.academia.com
* http://www.senore.com/slideshare
* http://www.prezi.com/21833979.edu
* http://www.coursehero.com.doi.org./tpls
* http://www.prezi.com.Ejournal

You might also like