Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA

Graduate School

PAGGAMIT NG PURONG WIKANG FILIPINO SA ASIGNATURANG


KOMUNIKASYON; PAKIKIPAGTALASTASANG ORAL AT AKADEMIKONG
PAGSULAT NG MGA PILING MAG-AARAL

Isang Tesis
Na Iniharap
Sa Kaguruang Paaralang Paggradwado
University of Perpetual Help System Laguna
Sto. Nino, Binan, Laguna

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa mga Pangangailangan para sa Titulong
Master sa Sining ng Edukasyon
Medyor sa Filipino

Ni

KAREN KEITH P. PANGILINAN, LPT

March 2021

i
UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

20Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NG PAG- AARAL

Panimula

Mula pa noong unang panahon tungkulin na ng wikang Filipino ang magbigay

pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino. Wikang Filipino, na ating wikang pambansa at

pagkakakilanlan ng bawat mamamayan sa ating bansa. Ito ay nagsisilbing instrumento para

sa pambansang pagkakaunawaan at tulay sa magandang ugnayan. Bilang mga mamamayang

Pilipino ng bansang Pilipinas, dapat lamang ingatan at gamitin ang regalong pinagkaloob sa

atin. Higit sa lahat ay sa larangan ng edukasyon, dapat itong magamit upang mas maging hitik

at liglig ang pagkakaunawa at paggamit dito ng bawat mag-aaral. Ayon kay Reyno (2018)

mahalaga na magkaroon ng oryentasyon ang bawat mag-aaral kung bakit pinag-aaralan ang

wikang Filipino. Sa pamamagitan ng oryentasyon, malalaman nila na higit sa isang asignatura

ang Filipino sa kanilang kinukuha o pinag-aaralan. Isa sa tungkulin ng mga mag-aaral na

mamamayang Pilipino ay magamit at mapaunlad ang wika natin.

Ang paggamit ng sariling wika upang maunawaan dahilan sa pagkakaroon ng

trabaho. Sa kabilang banda kung ating pagtatantuhin, bilang mga mamamayan ay may

tungkulin o gampanin din tayo na dapat gampanan sa wika natin. Ito ay ang pagpapayabong

o pagpapaunlad dito na magagampanan natin sa pamamagitan ng hustong paggamit nito.

Gamitin ang wika sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa lahat ng larangan at higit sa

lahat, sa larangan ng edukasyon.


UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

Ayon nga sa pag-aaral ni Flores (2015) mahalagang element ang pilosopiya ng

wikang Filipino kapag pinag-uusapan ang wikang pambansa. Sinusog na pag-aaral ni Agosto

(2020) na mahalaga ang wika sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino.

Ang paggamit ng purong wikang Filipino sa asignaturang Filipino o Komunikasyon

ay isa sa pinakamahusay na aplikasyon ng paggamit ng wikang pambansa natin sa larangan

ng edukasyon. Sa ganitong asignatura ay dapat makita kung paano ginagamit sa mahusay na

komunikasyon ang wika natin. Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Filipino na asignatura ay katataglayan ng mga aralin kagaya na lamang ng mga dapat isaalang-

alang sa komunikasyon, pagsulat ng teksto, hustong paggamit ng wika, pagpili ng angkop na

salita, gamit ng wika sa lipunan, kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa at maging

ang mga batas patungkol sa ating wika. Sa madaling sabi madaling mapapalutang ang bisa ng

paggamit ng Purong wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsulat at pagsasalita.

Isang asignatura na kakikitaan ng mga aralin na hahasa sa pakikipagtalastasang oral

at lebel ng akademikong pagsulat ng isang indibidwal. Isinagawa ang pananaliksik na ito

upang bigyang halaga, palutangin ang kahusayahan sa akademikong pagsulat at

pakikipagtastasan sa pamamagitan ng paggamit ng purong wikang Filipino sa asinaturang

komunikasyon.

Pinili ng mananaliksik ang pag-aaral na ito upang mapalutang ang bisa ng paggamit

ng purong wikang Filipino sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat pagdating

sa asignaturang komunikasyon. Ayon ng kay Bisnar (2014) mahalaga ang papel na

ginagampanan ng ng wika sa pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita. Ang pag-aaral na ito


UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

ang magbubukas sa mga mag-aaral at maging mga guro sa magiging kagandahang dulot ng

pagyakap natin sa paggamit ng purong wikang Filipino sa asignaturang komunikasyong sa

mga mag-aaral.

Balangkas Teoretikal

Nakabatay ang pag-aaral na ito sa teoryang Behaviorist ayon dito ang mga bata ay

pinanganak na may kakayahan na sa pagkatuto ng wika at ang kanilang kilos at gawi maaring

hubugin sila sa kanilang kapaligiran. Ang pag-aaral na ito ay magpopokus sa paggamit ng

target na wika kagaya sa teoryang behaviorist naniniwala ito na mas medaling matututo ang

mag-aaral kung mayroong target na wikang ginagamit sa pagkatuto. Binibigyang-diin ni

Skinner mula sa artikulo ng Marbleton Council (2021) na kailangang “alagaan” ang pag-unlad

na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang

gawi o kilos. Ang teoryang ito ay nagbiggay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga

pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang audio-linual method (ALM), ang mga

pangunahing katangian nito ay ang mga sumusunod: binibigyang diin ang kasanayang

pakikinig at pagsasalita; binibigyang-diin ang pag-uulit at mga drill; paggamit lang ng target

na wika; kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot; kagyat na pagwawasto

ng kamalian at ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro. Mailalapat ang teoryang sa

pag-aaral na ito sapagkat magpopokus lamang sa paggamit ng isang target na wika ito ay ang

wikang Filipino.
UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

Balangkas Konseptwal

Ang konseptwal na balangkas nito ay nakasalig sa teoryang Behaviorist ni Skinner

na ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa target na wika. Sa pag-aaral na ito ay

magpopokus ang guro at mag-aaral sa paggamit ng target na wika o ang wikang Filipino

lamang sa larangan ng pakikipagtalastasang oral at pagsulat. Hahasain ang mga mag-aaral

na gumamit ng purong wikang Filipino upang matamo ang pagkatuto at pagyakap sa wikang

pambansa natin. Ayon sa teoryang ito dapat magkaroon ng target na wika upang mapadali

ang pagkatuto. Sa pag-aaral na ito ay gumamit ng target na wika ito ay ang purong wikang

Filipino sa asignaturang Komunikasyon upang matamo ang pagkatuto.

Modelong Konseptwal

MALAYANG BARYABOL DI-MALAYANG BARYABOL

Bisa at Dalas ng Persepsyon ng mga


Propayl ng mga paggamit ng mga mag-aaral
Respondente Mag-aaral

Pigura 1 Ang Operasyunal na modelo ng paggamit na target na wika


UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

Palalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang bisa ng paggamit ng Purong

wikang Filipino sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat sa asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik sa mga piling mag-aaral bayan ng Carmona, Cavite.

1. Ano ang propayl ng mga respondente?

1.1 Uri ng paaralan

1.2 Istrand

2. Gaano kadalas ang paggamit ng purong wikang filipino sa asignaturang

komunikasyon ng mga mag-aaral sa piling paaralan sa bayan ng carmona, cavite?

2.1 Pakikipagtalastasan oral

2.2. Akademikong pagsulat

3. Ano ang pananaw ng mga respondent sa bisa ng paggamit ng purong wikang

filipino sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat pagdating sa

asignaturang komunikasyon ?

4 . May makabuluhang bang pagkakaiba ang dalas ng paggamit ng purong wikang

filipino sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat kung papangkatin ang

kanilng propayl?

5. May makabuluhan bang pagkakaiba ang pananaw ng mga respondente sa bisa ng

paggamit ng purong wikang filipino sa bisa nito sa pakikipagtalasang oral at


UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

akademimong pagsulat kung papangkatin ang propayl?

6. May makabuluhan bang kaugnayan ang dalas ng paggamit ng purong wikang filipino sa

bisa nito sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat pagdating sa asignaturang

komunikasyon.

7. Base sa resulta ng pananaliksik ,ano ang kaukulang aksyon ang maimumungkahi ng

mananaliksik?

Paglalahad ng Hipotesis

Sinubukan ng mananaliksik ang mga sumusunod na hipotesis na ayon sa istatistika

para sa malalim na solusyon sa problema.

Ho 1 Walang makabuluhang pagkakaiba ang dalas ng paggamit ng purong wikang

filipino sa pakikipagtalasang oral at akademimong pagsulat kung papangkatin ang kanilang

propayl.

Ho 2 Walang makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng respondent sa bisa ng

paggamit ng purong wikang filipino sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat

kung papangkatin ang kanilng propayl .

Ho 3 Walang makabuluhang kaugnayan ang dalas ng paggamit ng purong wikang

filipino sa bisa nito sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat pagdating sa

asignaturang komunikasyon.
UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

Hinuha ng Pag-aaral

1. Ganap ang kakayahan sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral sa paggamit ng purong

wikang Filipino

2. Magandang dulot ang paggamit ng purong wikang Filipino sa pakikipagtalastasan oral

sa mga mag-aaral.

3. Nabigyang halaga ang wikang pambansa na Filipino sa larangan ng edukasyon.

4. Mabisa ang pagtuturo ng Komunikasyon sa pamamagitan ng paggamit ng purong wikang

Filipino.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kaugnayan ng paggamit ng purong wikang

Filipino sa pakikipagtalasang oral at akademikong pagsulat. Ang tagatugon o sampol ay

kinuha mula sa kabuuang populasyon ng baitang 11 ng mga piling paaralan sa Carmona,

Cavite ito ay ang STI Carmona at Angelo Levardo Loyola Senior High School. Ang mga

piniling respondente o tagatugon ay ang mga piling mag-aaral ng baitang 11 na kumukuha

ng asignaturang Filipino o Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

sa dalawang pangunahing Senior High School sa Carmona, Cavite na Angelo Levardo

Loyola Senior High School at STI Carmona ngayong panuruang taon 2020-2021.
UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

Ginamit ang slovin Formula sa pagpili ng mga respondente upang makabuo ng

inaasahang bilang na 297 para sa Angelo Levardo Loyola Senior High School at 74 para

sa STI Carmona na may kabuuang 371 na repondente.

Sa pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang bisang paggamit ng purong wikang

Filipino sa asignaturang Komunikasyon. Ang paggamit ng purong wikang Filipino sa

pakikipagtalastasang oral at pagsulat ang saklaw ng pananaliksik na ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay lubhang mahalaga na magmumulat sa atin lahat ng

kahalagahan ng paggamit ng purong wikang filipino sa pag-aaral at pagtuturo ng asignaturang

komunikasyon. Layunin din ng pag-aaral na ito na makatulong sa mga isyung pangwika sa

edukasyon at mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat isa sa paggamit ng wikang pambansa

na Filipino. Nais din palutangin sa pag-aaral na ito ang kahalagahan ng paggamit purong

wikang Filipino sa asignaturang Filipino at hindi ng wikang banyaga.

Sa Pamunuan ng Paaralan- Magsisilbing tagapagmulat ang pag-aaral na ito sa mga

isyung pangwika sa paaralan. Ang pagkakaroon ng istandardisyon sa kung anong wika

lamang ang dapat gamitin sa mga asignaturang Filipino.

Sa mga mag-aaral- Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay maaaring mahahasa at

maragdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa paggamit ng wikang Filipino.

Maaari ring mtatasa rin ang kanilang pakikipagtalastasan at lebel ng akademikong pagsulat.
UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

Sa mga Guro- Makatutulong ang pag-aaral na ito upang umuland ang

bokabularyong Filipino at maaaring magsilbing intrumento ito upang mapadali ang

pagtuturo ng asignaturang komunukasyon.

Sa mananaliksik- Mapauunlad ang kaalaman sa larangan ng paggamit ng purong

wikang Filipino.

Sa mga susunod na Mananaliksik- Maaari magsilbing gabay sa kanila ang pag-

aaral na ito at makapagbigay ng karagdagang kaalaman patungkol sa tulong ng paggamit ng

purong wikang Filipino sa asignaturang Komunikasyon.

Katuturan ng mga Talakay

Pagbibigay linaw sa mga katawagang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang mga


sumusunod na salita ay sinikap na bigyang linaw at kahulugan.

Wika Filipino – Tumutukoy sa pambansang wika sa bansang Pilipinas na ginagamit

ng mga Pilipino.

Purong wikang Filipino - Paggamit ng buong wikang Filipino lamang ang mga

salitang bibigkasin.

Pakikipagtalastasan - Sa pag-aaral na ito binigyang depinisyon ito bilang

pakikipag-usap at pagsasabi ng saloobin o nais ipabatid.

Lebel ng akademikong pagsulat- Ito ay nangangahulugan nang antas ng kanilang

pagsulat. Paraan ng kanilang pagsulat kung umuunlad ang pagsulat.


UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

Asignaturang Komunikasyon- partikular na kursong Filipino kinukuha sa paaralan

ng mga mag-aaral.

Target na Wika- Pagkakaroon ng iisang wikang inaaral o sinasalita sa pag-aaral.

ALM (Audio Lingual Method)- Nakapokus ang pagkatuto sa pagtuturong oral o

pasalita ayon sa word express 2021

Matasa- Ang pagpapalabas ng resulta o paghubog sa isang bagay.

Dalubwika- Mga taong dalubhasa o malaki ang nalalaman sa usaping wika.

Compleks- Gulo o isyu sa paggamit ng wika at istruktura nito.

Unang Wika (L1)- Wikang kinagisnan ng isang indibidwal ginamit na pagkasilang

pa lamang at napaunlad sa paglipas ng panahon.

Pagpapaunlad Intelekwal- Paghahasa ng isipan sa larangan ng edukasyon.


UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA
Graduate School

You might also like