Professional Documents
Culture Documents
Fil-10 Ahangeles WHLP1-Q1
Fil-10 Ahangeles WHLP1-Q1
Fil-10 Ahangeles WHLP1-Q1
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
ALEXIS G. SANTOS NATIONAL HIGH SCHOOL
Learning Area: Filipino Module No: 1 Week: 1 Date: SETYEMBRE 13-17, 2021
Naiuugnay ang mga mahahalgang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig.
Layunin:
1. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.
2. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.
3. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay; at
4. Nagagamit nang wasto ang pandiwa 1. sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan; 2. pokus ng
pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing, pinaglalaanan at kagamitan, sa pagsulat ng
saloobin sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; tagaganap at layon sa isinulat na sariling
kuwento.
Paggising, iayos ang higaan, kumain ng almusal at maghanda para sa isang makabuluhang araw.
Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo kasama ang
miyembro ng pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
Sa pasimula ng aralin, hayaan munang alalahanin ang ilang pangyayari na iyong naranasan sa
nakalipas na linggo.
Matapos ang pagbabalik-tanaw sa iyong mga naranasan noong nakaraang linggo, kuhanin na ang
modyul at ang sagutang papel na iyong gagamitin sa pagsasagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
Sagutan ang paunang pagtataya sa pahina 5-6.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin
ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng guro.
BALIKAN
Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay kang kailangang sagutan bilang pagbabalik-aral sa mga
kaalamang natutuhan mo na sa nakaraang baitang. Maaari mong tingnan at suriin ang graphic
organizer na nasa pahina 7.
Tandaan: Magbigay ng sariling kasagutan batay sa graphic organizer. Bigyan mo ng pagkakataon ang
iyong sarili na mag-isip at alalahanin ang araling napag-aralan o natalakay na ninyo sa klase noon.
TUKLASIN
Isang mitolohiyang griyego ang babasahin sa pahina 8-10. Matapos ito, sagutin ang pag-unawa sa
binasa at ang panunuring pampanitikan sa pahina 9.
Tandaan: Ang mga tanong ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng
mitolohiyang griyego.
SURIIN
Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat
tatalakayin rito ang nilalaman ng aralin. Basahin, pag-aralan at unawaing mabuti ang mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa pandiwa, gamit ng pandiwa at pokus ng pandiwa na mababasa
sa pahina 11-12.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ang pandiwa, gamit ng pandiwa at pokus ng pandiwa para sa
malinaw na pagkaunawa sa mga araling ito.
PAGYAMANIN
Sa parteng ito masusukat mo kung lubos mo bang naunawaan ang konsepto ng aralin. Mayroong anim
na pagsasanay (Gawain A-F) ang kailangan mong sagutan mula sa pahina 13-14.
Tandaan: Siguraduhing maayos mong masasagot ang mga inihandang pagsasanay. Sundin nang tama
ang bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.
ISAISIP
Sa bahaging ito, maibubuod mo ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 14.
Kinakailangan mong kompletuhin ang bawat parirala upang mabuo ang diwa nito.
Tandaan: Tiyakin na nasagutan mo ang lahat ng aytem. Maaari mong balikan ang aralin upang
malinaw mong maipahayag ang iyong kasagutan.
ISAGAWA
Basahin at unawaing mabuti ang mga gawaing makikita sa bahagi ng “Isagawa” na nasa pahina 15
ng modyul. Sagutin ang mga katanungan matapos basahin ang iba’t ibang sitwasyon. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong
batay sa sariling karanasan at pang-araw-araw na pamumuhay. Tiyaking ang lahat ng aytem ay
nasagutan.
TAYAHIN
Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan mo ba ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina 16.
Tandaan: Mahalagang ang sagot sa pagtataya ay magmumula mismo sa iyo ayon sa iyong natutuhan sa
aralin.
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan mo ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa kaalamang
iyong natamo. Makikita ito sa pahina 16 at ang sagot ay isusulat sa sagutang papel.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong sarili nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Lalo ka pang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.
Inihanda ni:
ANNABELLE H. ANGELES
Guro I
Sinuri ni:
BELEN V. MARTIN
Pang-Ulong Guro I
Binigyang-pansin ni:
LOLITA S. VALERIO
Punong Guro II