Professional Documents
Culture Documents
Fil-10 Ahangeles WHLP4-Q1
Fil-10 Ahangeles WHLP4-Q1
Fil-10 Ahangeles WHLP4-Q1
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
ALEXIS G. SANTOS NATIONAL HIGH SCHOOL
Learning Area: Filipino Module No: 4 Week: 4-5 Date: Oktubre 4-15, 2021
MELCs:
Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong
pandaigdig; ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino;
sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang
bansa; suring-basa ng nobelang/epikong nabasa o napanood.
Layunin:
1. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan;
2. Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng
isang bansa;
3. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Paggising, iayos ang higaan, kumain ng almusal at maghanda para sa isang makabuluhang araw.
Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo kasama ang
miyembro ng pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
Sa pasimula ng aralin, hayaan munang alalahanin ang ilang pangyayari na iyong naranasan sa
nakalipas na linggo.
Matapos ang pagbabalik-tanaw sa iyong mga naranasan noong nakaraang linggo, kuhanin na ang
modyul at ang sagutang papel na iyong gagamitin sa pagsasagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
Sagutan ang paunang pagtataya sa pahina 4-6.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin
ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng guro.
BALIKAN
Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay kang kailangang sagutan bilang pagbabalik-
aral. May mga detalye ka bang nalalaman ukol sa iyong binyag o bawtismo? Magtanong sa iyong
magulang o balikan ang ilang dokumento at larawan tungkol sa mahalagang bahaging ito ng iyong
buhay at sagutin ang ilang tanong ukol dito.
Tandaan: Magbigay ng sarili mong kasagutan batay sa mga katanungan. Bigyan mo ng
pagkakataon ang iyong sarili na mag-isip at alalahanin ang araling tinalakay sa nakaraang modyul
o ang mga napag-aralan o natalakay na ninyo sa klase noon.
TUKLASIN
Isang epiko ang babasahin na may pamagat na “Ang Pagbibinyag sa Savica” sa pahina 7-11.
Matapos ito, sagutin ang pag-unawa sa binasa at ang panunuring pampanitikan sa pahina 10-11.
Tandaan: Ang mga tanong ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng epiko.
SURIIN
Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin rito ang
nilalaman ng aralin. Basahin, pag-aralan at unawaing mabuti ang mga mahahalagang impormasyon
tungkol sa mga salitang hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ang mga salitang hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari para sa malinaw na pagkaunawa sa araling ito.
PAGYAMANIN
Sa parteng ito masusukat mo kung lubos mo bang naunawaan ang konsepto ng aralin. Mayroong anim
na pagsasanay (Gawain A-F) ang kailangan mong sagutan mula sa pahina 13-15.
Tandaan: Siguraduhing maayos mong masasagot ang mga inihandang pagsasanay. Sundin nang tama
ang bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.
ISAISIP
Sa bahaging ito, maibubuod mo ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 15.
Kinakailangan mong kompletuhin ang bawat parirala upang mabuo ang diwa nito.
Tandaan: Tiyakin na nasagutan mo ang lahat ng aytem. Maaari mong balikan ang aralin upang
malinaw mong maipahayag ang iyong kasagutan.
ISAGAWA
Ibigay ang iyong sariling pananaw hinggil sa mga sumusunod na katanungan na may kaugnayan sa
binasang Epiko sa pamamagitan ng pagsagot sa graphic organizer. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa graphic
organizer.
TAYAHIN
Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan mo ba ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina 15-
16.
Tandaan: Mahalagang ang sagot sa pagtataya ay magmumula mismo sa iyo ayon sa iyong natutuhan sa
aralin.
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan mo ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa kaalamang
iyong natamo. Makikita ito sa pahina 16 at ang sagot ay isusulat sa sagutang papel.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong sarili nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Lalo ka pang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.