Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
ALEXIS G. SANTOS NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 10

Learning Area: Filipino Module No:1 Q2W3 Date: December 6-10, 2021
MELCs:
1. Natutukoy ang pangunahing paksa at ideya batay sa nabasang mga pahayag ng tauhan.
2. Naiuugnay ang pangunahing paksa/ideya ng nabasang akda sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagtukoy sa pangunahing paksa at ideyang nais palutangin sa teksto.

Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)

 Paggising, iayos ang higaan, kumain ng almusal at maghanda para sa isang makabuluhang araw.

 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo kasama ang
miyembro ng pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang alalahanin ang ilang pangyayari na iyong naranasan sa
nakalipas na linggo.
 Matapos ang pagbabalik-tanaw sa iyong mga naranasan noong nakaraang linggo, kuhanin na ang
modyul at ang sagutang papel na iyong gagamitin sa pagsasagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Sagutan ang SUBUKIN sa pahina 1-4
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin
ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng guro.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, basahin ang mga paglalahad tungkol sa mga diyos ng Narcus.
Pagkatapos, punan ang hinihingi ng grapiko sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
TUKLASIN
 Basahing mabuti ang mitolohiyang “Ang Pakikibaka nina Tohlj at Goblin” na orihinal na isinilat ni
Sarah O. Balane sa pahina 6-11. Pagkatapos, suriin at unawain ang kahalagahan ng akdang ito.
Tandaan: Ang mga tanong ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng
mitolohiya.

Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin rito ang nilalaman
ng aralin. Basahin, pag-aralan at unawaing mabuti ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
nilalaman ng isang tekto at ang pangunahing paksa/ideya at mga detalye tungkol dito. Layunin ng
mga detalyeng ito na bigyang linaw sa pamamagitan ng mga pangungusap ang pangunahing paksa o
ideyang tinatalakay sa teksto.
PAGYAMANIN
 Sa parteng ito masusukat mo kung lubos mo bang naunawaan ang konsepto ng aralin. Mayroong tatlong
pagsasanay (Gawain 1-3) ang kailangan mong sagutan mula sa pahina 13-15.
Tandaan: Siguraduhing maayos mong masasagot ang mga inihandang pagsasanay. Sundin nang tama
ang bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.

ISAISIP
 Sa bahaging ito, iugnay mo ang pangunahing paksa/ideya ng nabasang akda sa pamumuhay ng
mga tao sa kasalukuyan. Gamiting gabay ang grapiko sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Tandaan: Tiyakin na nasagutan mo ang lahat ng aytem. Maaari mong balikan ang aralin upang
malinaw mong maipahayag ang iyong kasagutan.

ISAGAWA
Basahin at unawain ang balita. Tukuyin ang pangunahing paksa/ideya at mga detalyeng kaugnay nito.
Gamitin ang grapiko sa ibaba. Gawing gabay sa pagsagot ang rubriks sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel. (INTEGRATION:MAPEH –HEALTH)
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan mo ba ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina 18-
22.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan mo ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa kaalamang
iyong natamo. Makikita ito sa pahina 22 at ang sagot ay isusulat sa sagutang papel. Ikaw ay ang
mamarkahan batay sa pamantayan na nasa parehong pahina.

Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong sarili nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Lalo ka pang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Sinuri ni: Binigyang-pansin ni:

ANNABELLE H. ANGELES BELEN V. MARTIN LOLITA S. VALERIO


Guro I Pang-Ulong Guro I Punong Guro II

You might also like