Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SAKSI AT PATUNAY

JOSUE 24:27
At sinabi ni Josue sa lahat ng tao, “Ang batong ito ang saksi
natin na nakipag-usap ang PANGINOON sa atin.
Magpapatunay ito laban sa inyo kung tatalikuran ninyo ang
Diyos.”

Bago lumisan sa ibabaw ng mundo si Josue, ipinaalala niya


sa mga tao ang kapangyarihan at kabutihan ng Diyos, at ang
pagtupad ng Diyos sa kanyang mga pangako. Mga
mabubuting bagay na ipinangako ng Diyos at mga parusang
babala sa pagtataksil, pagrerebelde at paggawa ng mga
kasalanan. Nangako ang mga tao na sa Diyos lamang sila
maglilingkod. At ginawang saksi ni Josue ang bato sa
Shekem sa kanilang mga pangako at patunay sa oras na sila
ay magkasala at tumalikod sa Diyos.

Tunay na makapangyarihan at Mabuti ang Diyos, noon,


ngayon at magpakailanpaman. Hindi siya nagbabago lalo na
sa kanyang mga pangako. Mabubuting bagay ang
ipinagkakaloob ng Diyos sa mga taong tapat at sumusunod
sa kanyang mga utos, ngunit kaparusahan sa mga taong di-
tapat at di-sumusunod. Sa mga panahon ng mga sinaunang
propeta, ang Diyos ay nakipagtipan sa kanyang bayan,
upang sa lahat ng oras at panahon ay sa kanya sila
maglingkod, ngunit patuloy ang paggawa at paglaganap ng
kasamaan at maging ang mga mangangaral ng Kautusan ay
hindi na nalalaman ang tunay na kaloob ng Diyos. Sila ay
nabulag, nabingi at napipi sa kung ano ang tunay na
kahulugan ng Katotohanan.
Kaya naman ang Diyos ay gumawa ng Bagong Tipan sa
pamamagitan ng kaniyang Bugtong na Anak upang tayong
lahat ay maligtas. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay totoo at
walang halong kaplastikan o pagkukunwari. Kaya sa (Juan
3:16) “Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao sa
sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak,
upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Si Cristo Jesus ang patunay na tayo ay mahal ng Diyos, at sa


pamamagitan niya ay tayo ay ituturing ding mga anak ng
Diyos. Saksi ang langit at lupa sa pag-ibig na ito ng ating
Ama. Kaya nga mga kapatid, ang pangako ng Diyos ay
BUHAY NA WALANG HANGGAN sa pamamagitan ng
PAGSASAMPALATAYA sa kanyang bugtong na ANAK na si
JESUS CRISTO na ating PANGINOON.

Sino ba naman ang ayaw sa pangakong ito di ba?


Siguradong lahat ay nanaisin na ito ay makamtan. Kaya nga
mga kapatid, binigyan na tayo ng mga halimbawa kung
paano ito makakamtan. Nasa atin na ang desisyon kung ano
ang pipiliin nating daan na tatahakin. Ang daan ba patungo
sa kaligtasan at buhay na walang hanggan kasama ang
Panginoon, o ang daang patungo sa kapahamakan at buhay
na walang hanggan sa kaparusahan? Malaya tayong mamili
mga kapatid, nawa ay mapili natin ang daan ng
Katotohanan. Gabayan nawa tayo ng Kanyang Banal na
Espiritu Santo upang mapili ang nararapat sa ating
ikabubuti, at ito ay idinadalangin ko para sa akin, sa iyo at
sa ating lahat sa pangalan ng Kanyang Anak at ating
Panginoong Jesus Cristo, Amen!

You might also like