Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Odyssey (Homer)

- Nagsimula makalipas ang sampung taon mula ng matapos ang sampung taon na
digmaang Trojan at si Odysseus ay hindi pa din nakakabalik sa kanyang tahanan kahit
tapos na ang digmaan.

TELEMACHUS
- dalawampung taong gulang na anak ni Odysseus
- nakatira sa bahay ng kanyang ama sa Isla ng Itacha kasama ang kanyang ina na si
Penelope.
PENELOPE
- ina ni Telemachus
- may 108 na manliligaw – ang hangad ay pakasalan si Penelope at pamunuan ang
kaharian habang ang mga ito ay nagpapakasaya sa
pananatili sa bahay ni Odysseus at sa kayamanan nito.
 tatlong taon ng nililigawan si Penelope at malapit na
sumapi ang ika-apat na taon.
Sa kagustuhan ni Penelope na hindi magpakasal ulit, ay sinabi niyang pipili siya kapag natapos
na siya magburda, pero hindi nila alam ay palihim na tinatanggal niya sa gabi ang naiburda.
ATHENA
- taga protekta ni Odysseus
- nakipag-usap sa hari ng mga diyos na si Zeus tungkol sa kapalaran ni Odysseus habang
wala sa Mount Olympus ang diyos ng karatang si Poseidon na kalaban ni Odysseus.

MENTES
- pinuno ng Taphian

Ibigsabihin ng pares ng agila:


- muling magbabalik si Odysseus at maghihiganti sa mga kalapastanganan ng mga
manliligaw, paliwanag ng matandang si Halitherses
- ngunit kinontra ito ni Eurymachos at hindi ito pinaniwalaan ng konseho ng Itacha.

NESTOR
- isang hari sa lugar ng mga Itacha
- naninirahan sa Pylos

Naglakbay si Telemachus kasama ang anak ni Nestor patungong Sparta. Doon niya
natagpuan si Meneleus at Helen na magkasama. Ikinuwento ni Meneleus kay Telemachus
ang pagpunta niya sa islang Pharos. Doon nakausap ni Meneleus si Proteus (nagkwento
kay Odysseus)
- binihag daw si Odysseus ng diwatang si Calypso
- nalaman din niya na ang naging kapalaran ni Agamemnon (hari ng Mycenae) at pinuno
ng mga griyego sa Troy.
 Ito daw ay pinaslang habang pabalik sa kanyang tahanan ng
kabiyak na si Clymnestra kasama ang kalaguyo nitong si
Aegistus.
PAGLALAKBAY NI ODYSSEUS
- paglisan sa Ismaros ng Cicones ay tinangay si Odysseus at ang kanyang
labindalawang barko ng malakas na bagyo.
- napadpad sa lungga ng mga Lotus-Eaters, kung saan ang dalawa sa kanyang
tauhan ay binigyan ng kanilang prutas lotus na nagdulot upang makalimutan nila
ang kanilang pagbalik sa kanyang bayan at saka ibinihag ng cyclope na si
Polyphemus.
- Nakatakas sa pamamagitan ng pagbulag ng mata ni Polyphemus gamit ang
matulis na kahoy.
- Sinabi ni Polyphemus sa kanyang ama na si Poseidon ang tungkol sa pagbulag.
- Isinumpa ni Poseidon si Odeysseus na magpapagala-gala ito sa karatan sa loob
ng sampung taon, sa panahong iyon ay mawawala ang kanyang mga tauhan at
makakauwi lamang siya sa tulong ng iba
- Pagkatapos makatakas, tumuloy kay Aeolus (panginoon ng hangin)

AEOLUS
- panginoon ng hangin
- binigyan niya si Odysseus ng mga bag na naglalaman lahat ng hangin maliban ang hangin
ng kanluran, upang siguradong ligas siya makauwi.
- Sa kasamaang palad, dahil sa kasakiman ng ibang kasamahan ni Odysseus, binuksan nito
ang bag sa pag-aakalang ginto ang laman nito kaya naman nagging dahilan ito ng
bagyong nagtangay sa kanila pabalik sa pinanggalingan kahit na abot tanaw na nila ang
Itacha.
- Muling humingi ng tulong kay Aeolus ngunit tumanggi ito, kaya naman muli silang
naglakbay at nakasagupa nila ang mga cannibalistic Laestrygonians.
Ang mga Cannibalistic Laestrygonians
- lahat ng barko ni Odysseus ay nawasak maliban sa sinasakyan niya, ng pumasok sila sa
daan ng Laestrygonians.
- naglayag para puntahan si Circe (diyosang mangkukulam)
- kalahati ng kanyang tauhan ay ginawang baboy ramo sa pamamagitan ng pagpapakain ng
keso at alak.

BABALA NI HERMES KAY ODEYSSEUS:

- binigyan niya ito ng gamot na tinatawag na moly, upang matagal na panlaban sa mahika ni Circe.

- Namangha si Circe kay Odysseus kaya naman pumayag ito ibalik ang dating anyo ng mga
tauhan kapalit ng pag-ibig niya.
- nanatili sila doon nang isang taon kung saan puro saya at inuman.
ANG MUNDO NG MGA KALULUWA
- pumunta sa mundong nasa ilalim ng lupa upang humingi ng tulong kay Tiresias (multong
may kakayahan maglakbay-diwa)

 ELPENOR
isa sa espiritu ng kanyang tauhan
nalaglag sa bubong dahil sa kalasingan.
- sumunod na nakita niya ay ang kanyang ina, na namatay dahil sa pangungulila sa kanya.
- at sa huli, nakausap niya ang kaluluwa ng mga tanyag na lalaki at babae, isa na si
Agamemnon. Nakausap rin niya si Achilles na nagkuwento tungkol sa buhay ng mga
namatay.

Muli silang nagbalik sa isla ni Circe at doon ay pinayuhan sa mga dapat gawin para sa
kanilang paglalakbay.
- Sinabi ay iwasan nila ang mga sirena.
 umaawit ng mapanlinlang na kanta na nagdudulot
upang mabangga ang mga barko sa batuhan.
- nakaligtas sila Odysseus dahil naglagay sila ng beeswax sa kanilang mga tenga.
- nalagpasan ang anim na ulong halimaw na si Scylla at ang ipo-ipong Charybdis.
- nawalan ng anim na tauhan dahil sa pakikipagsagupaan sa Scylla at napadpad
sila sa isla ng Thrinacia.
 lumikha ng bagyo si Zeus upang pigilan ang
kanilang paglisan sa isla.
- habang wala pa si Odysseus para sa pagdadasal, binalewala ng mga tauhan niya
ang babala ni Tiresias at Circe. Napagdesisyunan ng mga ito hulihin ang alagang
baka ni Helios (diyos ng araw) upang gawing pagkain.

Nakiusap kay Zeus na parusahan sila dahil sa kasakiman at kalapastanganan,


kaya nawasak ang kanilang mga barko ng tangayin papuntang Charybdis.

- Lahat ay nalunod maliban kay Odysseus dahil nakahawak sa isang puno sa taas ng ipo-ipo
- Tinangay siya ng pampang ng Ogyia at doon nanatiling bihag at mangingibig ni Calypso.

OGYIA AT ANG DIWATANG SI CALYPSO


- samantalang nasa isang pulo si Odysseus, pag mamay-ari ni Calypso. Tumira siya
doon ng pitong taon.
- inalok siya ni Calypso na gagawin siyang isang nilalang na walang kamatayan, pero tumanggi si
Odysseus dahil mas gusto pa rin niyang makabalik sa Itacha.
- Ipidala ni Zeus si Hermes upang sabihin kay Calypso na palayain si Odysseus.
- Gumawa ng isang balsa si Odysseus sa tulong ni Calypso. Sa loob ng apat na araw
binigyan siya ng kasuota, pagkain, at maiinom ng ikalimang araw at siya ay
naglayag na.
- Nalaman ni Poseidon na naka-alis na si Odysseus, kaya sinira niya ang balsa nito
ngunit tinulungan siya ni Calypso, at muling binigyan ng mga kailangan niya,
malungkot si Calypso na pinagmasdan si Odysseus umalis.
- After 18 days, natanaw niya na ang Scheria.
ANG ISLA NG MGA PHAECIANS
- nang mga sandaling iyon ay pabalik na si Poseidon mula sa kanyang paglalakbay
sa Ethopian.
- Namataan niya ang ginawa ng mga diyos habang wala siya, lumikha ng bagyo si
Poseidon na siyang halos humila kay Odysseus sa kailaliman ng dagat.
 buti na lang ay dumating si Ino (diyosa ng karagatan

binigyan siya nito ng isang belo


na magpoprotekta sa kanya dahil nawasak na yung barko niya.
ARETE
- reyna ng Phaeacians
ASINOUS
- hari ng Phaeacians
PHAEACIAN
- mababait, subalit ilag at takot sa mga dayuhan.
- Ginawa ni Nausicca ang suot na damit ni Odysseus.

anak ni Arete
DEMODOCUS
- bulag na mang-aawit

Ang pinag-uusapan sa meeting ay tungkol sa mala-diyos na bisita na biglang lumitaw sa


isla nila. Nabanggit din ditto na bibigyan ng barko ang kanilang mga bisita para
makabalik sa kanilang bayan.
BROADESA
- batang atletang uminsulto sa kanya.

 Kinagabihan bago matapos ang pagsasaya, nag-


request si Odysseus na muling umawit si Demodocus
at awitin ang tungkol sa Trojan Horse. Muli ay
napaiyak ulit siya kaya pinahinto ito ng hari at saka
tinanong kung sino nga ba talaga siya? At
napagdesisyunan ni Odysseus na sabihin kung sino nga
siya.
PAGBABALIK NI ODYSSEY SA ITHACA
- Pagkadating niya, siya ay nagpanggap na pulubi, at nakasalamuha niya agad ang
lalaking anak na si Telemaco.
- Ang asong si Argus at isang taong nagngangalang Eurycleia lamang ang
nakamukha kay Odysseus.

SALAYSAY AYON KAY PENELOPE


- Sinabi niya sa mga manliligaw niya na kung sino man ang makakagamit ng
sandatang pana ni Odysseus ay siyang pipiliin niya para pakasalan.
- Nagkunwari si Odysseus na susubok dahil walang nagtagumpay sa mga manliligaw
ni Penelope, ginamit ni Odysseus ang pana at pinagpapaslang isa-isa, sa tulong na
din ni Telemaco at mga may malasakit na tauhan.
- Umamin si Odysseus kay Penelope pero hindi ito naniwala, at napatunayan niyang
totoo ito dahil sa pagpapaalala at paglalarawan sa ginawa niya sa kanilang higaan.

KAMA NI ODYSSEUS AT PENELOPE


- Isang kamang may isang haliging nagmula sa isang tumutubong puno. Isang lihim
na tanging ang mag-asawa lang ang may alam.

You might also like