Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Saint Theresa College of Tandag, Inc.

Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300


Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

MODYUL
FILIPINO 3A – Sanaysay, Talumpati at Debate

Talumpati: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng Talumpati at mga Uri

Ano ang Talumpati?

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao


tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o
grupo ng mga tao.Tinatawag na talumpati ang anumang buod ng kaisipan na isinulat at
binibigkas sa mga manonood.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

talumpati
speech, oration, address
talumpating panghikayat
persuasive speech
magtalumpati
to give a speech

mananalumpati
speaker, one who gives a speech

Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat,


mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong
pampubliko kung saan ang isang paksa ay ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng
mga tagapakinig.

Uri ng Talumpati

May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating pampalibang,
nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal at pampasigla.

Talumpating Pampalibang

Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.


Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.

Talumpating Nagpapakilala

Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na
kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga
tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.

Talumpating Pangkabatiran

Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon at mga pagtitipong pang-siyentipiko,


diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit
dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang
paksang tinatalakay.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Talumpating Nagbibigay-galang

Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa


kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

Talumpating Nagpaparangal

Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga
kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang
ganitong uri ng talumpati.

 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan


 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

Talumpating Pampasigla

Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang


binibigkas ito ng:

 Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro


 Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
 Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani

Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan

Mayroon itong tatlong (3) uri ayon sa pamamaraan. Ito ay ang mga sumusunod:

Dagli

Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.

Maluwag

May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang
kanyang pagsasalita.

Pinaghandaan

Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.


Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Bahagi ng Talumpati

Nahahati ito sa tatlong (3) bahagi; ang simula, katawan at katapusan.

Simula

Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang makuha sa
simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.

Katawan o Gitna

Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.

Katapusan o Wakas

Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang
pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula
sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.

Paano Gumawa ng Talumpati

Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.

 Pumili ng magandang paksa.


 Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa
napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin
na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
 Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula,
katawan at katapusan.
 Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili
at pansariling kapakinabangan.
 Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay
magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang
iyong tagapakinig.

Mga Halimbawa ng Talumpati

Narito ang koleksyon ng mga halimbawa ng talumpati tungkol sa iba’t ibang paksa na
aming nakalap mula sa iba’t ibang website.

 Tungkol sa Edukasyon
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 Tungkol sa Kabataan
 Tungkol sa Kahirapan
 Tungkol sa Kaibigan
 Tungkol sa Kalikasan
 Tungkol sa Magulang
 Tungkol sa Pag-ibig
 Tungkol sa Pamilya
 Tungkol sa Pangarap
 Tungkol sa Wika

You might also like