Professional Documents
Culture Documents
Filipino201IntroduksyonSaPag aaralNgWika
Filipino201IntroduksyonSaPag aaralNgWika
INTRODUKSYON
Sa kabanatang ito, malalaman natin kung anu-ano ang iyong mga pananalig at
paniniwala sa mabisang pagtuturo ng wika. Nariyan ang sosyolohikal, motibasyon,
pokus sa mag-aaral, mga batayang teorya at simulain kung saan mas mapag-aaralan at
maiintidihan kung anu nga ba ito. Narito rin ang pag-aaral ukol sa istruktural na
pagtuturo, komunikatibong pagtuturo, whole language approach, at ang content-based
instruction. Halina’t tuklasin ang mga ito.
Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga pag-
aaral ng Wika. Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan,
nakaangkla ito sa balarila ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay
ang anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang paniniwala noong
una, kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa Filipino.
Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika
ay naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito,
ang mga mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang talaan ng mga talasalitaan, mga
anyo ng pandiwa at mga pangngalan.
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung paano
nabuo ang mga ito, at nailarawan din nila ang istruktura ng mga pangungusap.
Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng mga tunog ng wika, ng pagsusuri at
pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita, at ng pagsusuri ng mg anyo ng
pangungusap.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa
pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang
ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang
gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon
bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.
TEORYANG COGNITIVE
TEORYANG MAKATAO
Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika,
ang Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa
pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. May
tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa
kasalukuyan.
May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa pagtatamo ng
pangalawang wika (W2) na nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng
mga proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. May limang haypoteses na
nakapaloob sa teoryang ito ni Krashen: ang acquisition learning hypothesis, na
nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo (na patungo sa katatasan) sa pagkatuto (na
sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning pangwika); ang natural order hypothesis,
nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay natatamo sa isang mahuhulaang
pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis, na nagpapalagay na may isang paraan
ng pag-iisip para sa pagtatamo ng katatasan; ang input hypothesis, nagpapahayag din
Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Tandag City, Surigao del Sur, Philippines, 8300
Telefax # 086-211-3046
Website: http://www.stctandag.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan
naman ito ng isang matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki
ang impluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika.
Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang mga
istrukturang pangwika (W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-sunod kung may
natatamong comprehensible input at kung mababa ang affective filters at maluwag na
makakapasok ang input.
Tulong-tulong na pagkatuto
Pagkatutong partisipatori
Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
Integrasyon ng “apat na kasanayan”
Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika
CONTENT-CENTERED EDUCATION
SANGGUNIAN:
https://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/