Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 10

3
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 3

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10


MODYUL SA
FILIPINO 10

KUWARTER 3
LINGGO 3
ARAW 1-4
Tula mula sa Uganda
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay

Development Team

Writer: Richard M. Collado

Editors: Allan M. Utleg Jane S. Dancel

Reviewer: Zorayda S. Paguyo

Illustrator: Nestor Lucero

Layout Artists: Allan M. Utleg Diana C. Vergara

Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Zorayda S. Paguyo

Juanito V. Labao

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 2


Ang modyul na ito ay inihanda para sa katulad mong mag-aaral ng Baitang 10
upang makatulong sa iyong pag-aaral sa mga aralin sa ikatlong markahan sa
asignaturang Filipino.
Sa araling ito, iyong mapag-aarlan ang akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay” mula sa Uganda na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa
salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng A Song of a Mother To Her Firstborn.
Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa wastong gamit ng simbolismo at
matatalinghagang pananalita

Narito ang mga layunin na kailangan


ALAMIN
mong matamo sa araling ito.
:

_____________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan (F10PN-IIIc-78)


2. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag
sa tula (F10PB-IIIc-82)
3. Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa (F10PT-
IIIc-78)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 3


SUBUKIN Bago ka magpatuloy, sukatin muna natin ang
iyong kaalaman sa paksang ating pag-aaralan.
Gawin mo ang maiksing pagsubok na ito.

_____________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at sabihin kung ang
pahayag ay Tama o Mali.Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
________1. Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod.
________2. Ang Larawan ay tumutukoy sa kulay, bagay, tao, o pangyayari na ginagamit
sa panitikan upang hindi hayagan at ikubli ang nais ipahiwatig.
________3. Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
________4. Pinakapuso ng tula ang talinghaga sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang
ipinahihiwatig ng may-akda.
________5. Ang himig ay ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.

B. Panuto: Piliin sa pangalawang hanay ang titik ng kahulugan o sinisimbolo ng mga


talinghaga at simbolo sa unang hanay. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
Talinghaga/Simbolo Kahulugan/Sinisimbolo
1. lumagay sa tahimik A. ina
2. panakip-butas B. balakid
3. ilaw ng tahanan C. masama
4. namamangka sa dalawang ilog D. mag-asawa
5. bandila E. magnanakaw
6. ahas F. baliw
7. pusong itim G. pinanghalili
8. buwaya H. traydor
9. Sisa I. gahaman
10. tinik J. manloloko
K. kalayaan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 4


BALIKAN Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa paunang
pagtataya? Kung gayon pag-aralan ang sumusunod
na kaalaman.

____________________________________________________________
Upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, mahalagang muli mong
malaman ang mga batayang kaalaman sa tula bilang isang anyo ng panitikan.
Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknong
naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga
pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-
pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at
masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari
itong lapatan ng himig.
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito.
Ito ay ang sumusunod:
1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.

Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos

A/li/pa/tong/ lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sa/ ka/hoy/ na/lu/ga/yak
Sa/ pu/so/— nag/la/gab/lab

Sukat-Pipituhing Pantig

2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.

Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal

Tunay ngayong umid yaring dila’t puso


Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.

Tugmang - Ganap

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang


kabuuan nito.

Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 5


Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?

Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o
ang ipinahihiwatig ng may-akda.

Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez

Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay

Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap

TUKLASIN Maaaring naaalala mo na kung ano ang tula


ngunit narito ang ilang karagdagang impormasyon
ukol dito.

_____________________________________________________________
Ngayon ay maari ka nang magpatuloy sa iyong pag-aaral ngunit kailangan mong
matandaan na ang tula ay nasusulat sa tradisyunal na paraan kung isinasaalang-alang ang
sukat at tugma samantalang ang malaya ay may kalayaang ilagay ang salita nang hindi
inaalala ang sukat at tugma ng ginagawang tula.
Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa pagsusuri sa sagutang papel.

Ako ang Daigdig


ni Alejandro Abadilla

ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 6
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II

ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig
ako ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
ako
ang tula
ng daigdig
ako
ang daigdig
ng tula
ako

III

ako
ang damdaming
malaya
ako
ang larawang
Buhay
ako
ang buhay
na walang hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 7
IV

ako
ang daigdig
sa tula
ako
ang tula
sa daigdig
ako
ang daigdig
ako
ang tula
daigdig
tula
ako....

Gabi
ni Ildefonso Santos

Habang nagduruyan ang buwang ninikat


sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
isakay mo ako. Gabing mapamihag,
sa mga pakpak mong humahalimuyak!

Ilipad mo ako sa masalimsim


na puntod ng iyong mga panganorin;
doon ang luha ko ay padadaluyin
saka iwiwisik sa simoy ng hangin!

Iakyat mo ako sa pinagtipunan


ng mga bitui’t mga bulalakaw,
at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
palagusan mo ako ng kaluwalhatian!

Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’y


makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;
samantala namang ang hamog kong luha
sa sangkalikasa’y magpapasariwa!

At ano kung bukas ang ating silahis


ay papamusyawin ng araw ang langit?
Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid
Sa dagat ng iyong mga panaginip?

Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,


ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
ilipad mo habang gising ang damdamin
sa banal na tugtog ng bawat bituin!

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 8


1. Ano ang sukat at tugma ng mga tula?
2. Anu-ano ang mga talinghaga na ginamit sa mga tulang binasa? Ipaliwanag.
3. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito?

SURIIN Gayong naunawaan mo kung ano ang tula,


basahin at unawain mo ang kasunod na akda
upang mapag-iba ang tulang tradisyunal at
tulang malaya gayundin ang talinghaga at
simbolismong ginamit.

_____________________________________________________________

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal
sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”

Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”


Ang poo’y di marapat na pagnakawan,

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 9


Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?

Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.


At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 10


GAWAIN 1: PAGLINANG SA TALASALITAAN

Panuto: Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming
ipinahahayag. Ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa sagutang
papel.

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin


kagalakan 5
katuwaan 4
kaluwalhatian 3
kaligayahan 2
kasiyahan 1
Paliwanag Sa Pag-aantas

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin


lungkot 5
lumbay 4
dalamhati 3
pighati 2
pagdurusa 1
Paliwanag Sa Pag-aantas

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 11


PAGYAMANIN Upang lalo mong mapaghusay ang iyong

: kasanayan sa pagsulat ng tula sa pamamagitan ng


mga talinghaga o tayutay pag-aralan mo ang
sumusunod.

____________________________________________________________

GAWAIN 2: PAG-UNAWA SA BINASA

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?
2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa
paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay ang
iyong pananaw ukol dito?
5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang-ayon
ka ba rito? Bakit?
6. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa
kaniyang ama? Sa poon?

Gayong iyong naunawaan ang tulang


ISAISIP
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay mainam na
: iyong malaman ang lalong nakapagdaragdag sa
: kasiningan ng tula.

____________________________________________________________
Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit
ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang
maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din ang simbolismo
at matatalinghagang pananalita upang makamit ang kariktan ng tula

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 12


Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na
kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang
wika.
Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat ang


una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang ikalawa’y
tumutukoy sa mahirap.
Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan
ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,
pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na


kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 13


Ngayong malapit mo nang matapos ang
ISAGAWA
modyul na ito, subukan mong ipakita ang iyong
: natutuhan sa araling ito sa gawaing kasunod.
:

_____________________________________________________________

GAWAIN 3: IPALIWANAG MO

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin ang
matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan nito.
Kopyahin sa inyong sagutang papel ang talahanayan sa ibaba para sa inyong kasagutan.

1. Mata’y napapikit sa aking namasdan;


Apat na kandila ang nangagbabantay.
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
(Kabayanihan ni Lope K. Santos)

3. May tanging laruan isang bolang-apoy


Aywan ba kung sino ang dito’y napukol.
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)

4. Siya’y mabiyayang inilatag,


Sa tubong matamis ay matingkad,
Itong disyerto’y kaniyang buhok.
Ginintuang paa’y namumukod,
At ang kaniyang dibdib ay bundok
Na sa ilog ng Nile nalulunod,
Kaya’t siya’y pinong itinakda,
Na ginawarang itim tuwina.
(Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 14


5. Sandaling lisanin ang nakasanayan
Unatin yaring kaluluwa’t katawan
Kawangis ng paghalik ng Maylalang
Sa burol, dalampasiga’t kaparangan.
(Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Ladinsky mula sa tula ni Hafiz)

Tula matalinghagang kahulugan simbolismo kahulugan


pananalita
1
2
3
4
5

TAYAHIN Mahusay! Sapagkat iyong nasagutan ang


ang mga tanong at gawain, subukan mong sagutin
: ang mga susunod na pagsubok upang iyong ma
: sukat ang iyong natutunan.

_____________________________________________________________
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin sa pangalawang hanay ang titik ng kahulugan o sinisimbolo ng mga


talinghaga at simbolo sa unang hanay. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Talinghaga/Simbolo Kahulugan/Sinisimbolo
1. kabiyak ng puso A. buhay
2. pag-iisang dibdib B. digmaan
3. naniningalang pugad C. kalayaan
4. haba ng buhok D. mahinhin
5. pusang itim E. nanliligaw
6. kandila F. kasal
7. pula G. maganda
8. Maria Clara H. asawa
9. aklat I. karunugan
10. kalapati J. kadalisayan
K. malas

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 15


KABUUANG Upang mas lalo mong mapagtibay ang

PAGSUSURI iyong natutuhan, isagawa ang kasunod na

: Kabuuang Pagsusuri.

_____________________________________________________________
Panuto: Basahing mabuti ang nasa kahon ng Performance Task. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

PERFORMANCE TASK (1 PRODUCT)


KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (D)
• Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa
(F10PT-IIIc-78)
SITUATION:
Tila ang pandemiya ay binago ang takbo ng iyong pananaw at naaliw kang magsulat
mga tula. Naisip mong magbahagi ng tulang ginagamitan ng mga salitang may iba’t
ibang antas ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa sa mga nangangarap maging
isang makata ng makabagong panahon. Sa ganitong paraan ay parang nabigyan mo na
rin ng bagong pag-asa at estilo ang bawat makababasa ng iyong tula. Limang saknong
na may tig-tatlong taludtod na tula ang iyong isusulat ngunit huwag mag-alala sapagkat
ang mga salitang gagamitin sa tula ay iiaantas mon a lamang na kung saan sa unang
taludtod ay ang pinakamababaw, sa ikalawa naman ang nasa katamtaman at sa ikatlong
taludtod ang pinakamatindi. Ang tula ay tatayain batay sa mensaheng nais iparating at
paggamit ng salita ayon sa antas nito.
Gawing gabay sa pagbuo ng tula ang pormat sa ibaba:

Munting Tinig
Ni: (Pangalan Mo)

(Mga salitang gagamitin: nainis, ngngitngit, nagalit)


________________________________
________________________________
________________________________

(Mga salitang gagamitin: agawin, angkinin, kunin)


________________________________
________________________________
________________________________

(Mga salitang gagamitin: nasindak, nahiya, natakot)


________________________________
________________________________
________________________________
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 16
(Mga salitang gagamitin: panaginip, pangarap, bangungot)
________________________________
________________________________
________________________________

(Mga salitang gagamitin: umigpaw, tumalon, humakbang)


________________________________
________________________________
________________________________

GOAL:
Magbahagi ng tulang ginagamitan ng mga salitang may iba’t ibang antas ng damdaming
ipinahahayag ng bawat isa
ROLE:
Makata
PRODUCT:
Tulang ginagamitan ng mga salitang may iba’t ibang antas ng damdaming
ipinahahayag ng bawat isa
AUDIENCE:
Mga nangangarap maging isang makata ng makabagong panahon
STANDARDS:
PUNTOS PAMANTAYAN
4 Naiparating nang malinaw ang mensahe ng tula at naiantans nang tama
nagamit ang mga salita sa masining na paraan
3 Naiparating ang mensahe ng tula at naiantas nang tama ang mga salita
2 May kalabuan ang mensahe ng tula at kulang sa pag-anatas ng salita
1 Mayroong mensahe at naianatas ang ilang salita ngunit hindi natapos
0 Walang ginawang output

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 17


18 Filipino 10 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
SUBUKIN
PAUNANG PAGTATAYA
1. Tama 1. D 6. H
2. Mali1 2. G 7. C
3. Tama 3. A 8. I
4. Tama 4. J 9. F
5. Mali 5. K 10.B
TUKLASIN
Magkakaiba ang sagot
SURIIN
GAWAIN `1 Magkakaiba ang sagot
PAGYAMANIN
GAWAIN 2 Magkakaiba ang sagot
ISAGAWA
GAWAIN 3 Magkakaiba ang sagot
TAYAHIN
1. H 2. F 3. C 4. G 5. K
6. A 7. B 8. D 9. I 10. C
LAGUMANG PAGSUSULIT
Magkakaiba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
• Vilma C. Ambat, et.al, Filipino Modyul para sa Mag-aaral, C.2015,
Department of Education, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex,
Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600

• https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-
melc/

• http://www.google.com.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 19


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10

You might also like