Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

III.

GAWAIN SA PAGKATUTO

Gawain: Tulang may Pinaghuhugutan, Bigkasin upang Maisiwalat ang Kalooban


(PERFORMANCE TASK)
Paksa: Pamahayagang Pangkampus / Introduksyon sa Kontemporaryong Isyu

Ang pamahayagan ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ang


katotohanan hinggil sa isang organisasyon o institusyon. Ito rin ang nagiging mata, tainga at
tinig ng mga mamamayan upang maipahayag ang mga saloobing mahalaga sa ikaaayos at
ikauunlad ng lipunan. Higit sa lahat, ang pamahayagan ang nagiging tulay upang patuloy na
maisiwalat at mailahad ang iba’t ibang kontemporaryong isyu na nagaganap sa lipunang ating
ginagalawan bilang pagpapatibay na rin sa karapatan ng bawat mamamayan.
Kaugnay nito, isagawa ang nakahandang aktibidad na siya ring gawain sa paksang
“Introduksyon sa mga Kontemporaryong Isyu” ng asignaturang Araling Panlipunan.
Maidaragdag din na ang gawaing may pinakamahusay na likha sa buong klase, ang siyang
isusumite sa lupon ng inampalan (judges) bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika.

Panuto:
1. Bumuo ng piyesa ng iyong itatanghal na Spoken Poetry / Words hinggil sa alinman sa
mga sumusunod na paksa:
a. Pang-ekonomiya c. Karapatang Pantao e. Pampolitika
b. Pang-edukasyon d. Pangkapaligiran
2. Mahalagang maipakita sa kabuuang piyesa ang mga sumusunod na kaisipan:
a. Suliraning kinakaharap o nararanasan hinggil sa paksang napili;
b. Tungkulin ng Pamahayagan sa pagpapakita ng suliranin at solusyon sa paksa; at
c. Solusyong maisasagawa upang mabawasan o matuldukan ang suliranin sa paksa.
3. Kailangang ang piyesa ay orihinal at hindi nahalaw sa internet o iba pang sanggunian,
at hindi rin kinopya o ibinatay sa aktibidad ng ibang mag-aaral.
4. Hindi dapat kukulangin ang birtwal na presentasyon (video) sa dalawang minuto
ngunit hindi rin dapat ito lumagpas sa tatlong minuto.
5. Maaaring lapatan ng instrumental background music at gawing malikhain (video
editing) ang presentasyon.
6. Ang kasuotan ay dapat akma sa konsepto ng gawain, subalit hindi dapat
nagpapahiwatig ng kalaswaan at hindi rin lumalabag sa wastong pamantayan ng
pananamit ng paaralan.
7. Maging ang kagamitan (kung mayroon man), presentasyon at pananalita ay hindi
dapat kakikitaan ng kalaswaan at hindi kaaya-ayang paggalaw o pagkumpas.
8. Lapatan ito ng sariling pamagat at huwag kaliligtaang bigyang-pansin ang pamantayan
sa gawain na makikita sa susunod na pahina.
TANDAAN:

FILIPINO Grade 10 Science Curriculum P a g e 9| 10

This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without
expressed written permission.
 Ang mga mapipiling pinakamahusay sa bawat klase mula sa pagsusuri ng mga guro sa
Filipino at Araling Panlipunan ay isusumite sa hukom ng inampalan upang piliin ang
tatlo sa pinakamahusay na presentasyon sa buong baitang.
 Iaanunsiyo at ipanonood gamit ang Facebook Page ng Tala ang mga nagsipagwagi
bilang paraan ng pagkilala sa natatanging kakayahan ng mga mag-aaral sa paglikha ng
spoken poetry / spoken words.
 Parehong gawain ang isusumite sa asignaturang Araling Panlipunan bilang aktibidad sa
linggong ito.
PAMANTAYAN SA PAGTATAYA

FILIPINO Grade 10 Science Curriculum P a g e 9| 10

This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without
expressed written permission.

You might also like